The Project Gutenberg EBook of Noli Me Tangere, by Jose Rizal This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org Title: Noli Me Tangere Author: Jose Rizal Translator: Pascual H. Poblete Release Date: December 30, 2006 [EBook #20228] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NOLI ME TANGERE *** Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team (http://www.pgdp.net). Thanks to the following for their help in making this project possible: Elmer Nocheseda, Jerome Espinosa Baladad, Matet Villanueva, Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section, and the Filipinas Heritage Library. The ebook is being released in commemoration of Dr. José Rizal's 110th Death Anniversary on December 30, 2006. Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.(http://www.gutenberg.ph) [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] NOLI ME TANGERE HUAG ACONG SALAN~GIN NINO MAN [Larawan: Dr. Jose Rizal] Dr. J. RIZAL NOLI ME TANGERE Novelang wicang Castila na tinagalog NI PASCUAL H. POBLETE Kilalang manunulat at Tagapatnubay n~g m~ga unang Pamahayagang Tagalog. ¿Anó? Di bagá cayâ macalálabas sa inyong man~ga dulaan ang isang César? Tangí na bagá lamang macalálabas doon ang isang Aquiles, ang isang Orestes, ó Andrómaca? ¡Aba! Cung ganyan namang ualâ na tayong namamasdan cung di ang m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, m~ga pari, m~ga alférez at m~ga secretario, ang m~ga húsar, comandante at m~ga alguacil. Datapowa't sabihin mo, ¿anó ang dakilang bagay na magagawâ nang m~ga alibughang ito? ¿Pang-gagalin~gan bagá ang ganitóng m~ga técas n~g m~ga di caraniwang gawá? »Was? Es dürfte kein Cäsar auf euren Bühnen sich zeigen?--Kein Achill, kein Orest, keine Andromacha mehr?« Nichts! Man sieht bei uns nur Pfarrer, Commerzienräthe,--Fähndriche, Secretärs oder Husarenmajors. »Aber, ich bitte dich, Freund, was kann denn dieser Misere--Großes begegnen, was kann Großes denn durch sie geschehn?« Schiller. Ang anino ni Shakespeare. MAYNILA Limbagan ni M. Fernandez PAZ, 447, Sta. Cruz. 1909 Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. M~ga wika sa Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salan~gin nino man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung pamagatán n~g m~ga pantás na mangagamot. _Sa han~gad na ang m~ga librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na kinatha n~g Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling n~g catagalugan, ang m~ga doo'y sinasabing nagpapakilala n~g tunay nating calayaan at n~g dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán n~g nin~gas n~g ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang tagalog na m~ga librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos n~g wicang castila na guinamit sa m~ga kinathang yaón._ _Cung pakinaban~gan n~g aking m~ga calahi itong wagás cong adhica, walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan._ _Maynila, unang araw n~g Junio n~g taong isang libo siyam na raan at siyam._ Saturnina Rizal ni Hidalgo, ó NENENG RIZAL. =NOLI ME TANGERE= Catha sa wicang castila ni =Dr. José Rizal= at isinatagalog ni =Pascual H. Poblete= =SA AKING TINUBUANG LUPA=[1] Nátatalà sa "historia"[2] n~g m~ga pagdaralità n~g sangcataohan ang isáng "cáncer"[3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ n~g m~ga bágong "civilización"[4], sa han~gad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y n~g isumag co icáw sa m~ga ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy n~g gayón ding cáncer sa pamamayan. Palibhasa'y nais co ang iyong cagalin~gang siyáng cagalin~gan co rin namán, at sa aking paghanap n~g lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà n~g m~ga tao sa úna sa canilang m~ga may sakít: caniláng itinátanghal ang m~ga may sakít na iyan sa m~ga baitang n~g sambahan, at n~g bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan. At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô n~g pagmamahál sa sariling dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò. Ang Cumatha. Europa, 1886. TALABABA: [1] _A mi pátria_, ang sabi sa "original" na wicang castilà. Ang sabing "pátria" ay waláng catumbas sa wícà natin cung dî: ang tinubuang lupà, ang tinubuan bayan, ang kinaguisnang bayan, ang kinamulatang bayan, at iba pa. N~guni't ang sinasabing bayan ò lupà rito'y saclaw ang boong Sangcapuluang Filipinas, hindî ang lupang Naic ó bayang Malabon ó lalawigang Tayabas, cung di ang capisanan n~g lahat n~g bayan, n~g lahat n~g lalawigan sa boong Sangcapuluang ito, casama ang m~ga bundóc, gubat, ilog, dagat at iba pa.--P.H.P. [2] "Casaysayan n~g ano mang nangyayari." Ipinan~gun~gusap na "istoria"; sa pagka't sa wicang castila'y hindî isinasama ang h sa pagbasa--P.H.P. [3] Ang cáncer ay masamáng "bùcol" ó bagâ, na hindî maisatagalog na "bagâ" ó búcol, sa pagca't ibang iba sa m~ga sakit na itó. Caraniwang napagagaling ang "bagâ" ó búcol, datapowa't ang "cáncer" ay hindî. Bawa't dapuan n~g "cáncer" ay namamatay. Wala pang lunas na natatagpuan ang m~ga pantás na manggagamot upang mapagalíng ang "cáncer", na cung pamagatá'y "carcinoma." May nagsasabing napagagaling ang "carcinoma" sa pamamag-itan n~g paglapláp sa búcol, cung panahóng bagong litáw, na walang ano mang itítira, datapuwa't palibhasa'y hindî nararamdaman n~g may sakít n~g carcinoma na siya'y mayroon nito, cung dî cung malubha na, iyan ang cadahilana't walâ n~g magawâ ang m~ga cirujano. Ang caraniwang dinadapuan n~g cáncer, carcinoma, ay ang m~ga taong bayan at hindi ang taga bukid; at lalong madalas sa babae cay sa lalakí. Sa suso ó sa bahay-bata madalás dumápò cung sa babae. Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay n~g may sakit.--P.H.P. [4] Tinatawag na civilización ang caliwanagan n~g isip dahîl sa pag-aaral n~g m~ga bago't bagong dunong. Nagpasimula ang tinatawag na "civilización moderna," ó bagong civilización, n~g icalabinglimang siglo, at nacatulong na totoo na bagay na ito ang pagcátuclas n~g limbagan.--P.H.P. =NOLI ME TANGERE= =I.= =ISANG PAGCACAPISAN.= Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hindî nagsásara n~g pintô canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó sa anó mang isip na bago ó pan~gahás. Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadalîan n~g pagcalaganap n~g balítà sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng lahát ay nan~gag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí pang tawad na hindî nacadalóng maaga. Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón. May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip. Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay. Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan: --¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa! Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá. Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae? Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa m~ga española n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong: --¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]! At hindî na mulíng sumipót. Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî. Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g pananamit, nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31]. Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità. Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò. Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano. --Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas! --N~guni't.... --Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang causap--aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón, n~g aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy n~g curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang lahat n~g babae, pinuspos acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong may casamang música.... --Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang.... --¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacanin~gas! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí. --N~guni't itutulot ninyó sa aking.... --Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lupà at doon camí naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio"; n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong dalawampong taón! N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong m~ga sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot n~g may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang copita n~g Jerez[55]. Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at: --¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g Dios, na ang lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang cahalin~gán ang m~ga pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga minìstro? N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos. --¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g boong catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang fraile. --¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g pagsampalataya sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang "indio"! --¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan; sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang maglalacbáy na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca indolenteng ito ang ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin sa pagsulong sa m~ga carunun~gan at ang ating paraan n~g pamamahala sa lupaíng nasasacupan? Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga nananahan doo'y pawang sa lahì ring iyan!... --¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio! --Tunay n~ga--ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g daigdíg! --¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob! --¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò! Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g pagpapalin~gaplin~gap sa magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap. --M~ga guinoo--ang sinabing marahan--tila mandin tayo'y na sa bahay n~g isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan.... --¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at.... ¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong dating. Hayaan ninyong macaraan ang ilang bowan; magbabago cayóng isipán pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at "bailujan"[58], nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming "tinola". --Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g "loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao? --¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating cayó? --Apat na araw--ang sagot n~g binatang ga namumuhî na. --¿Naparito ba cayong may catungculan? --Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co ang lupaíng itó. --¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na siya'y minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at sa m~ga cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang caraming m~ga libro ... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling noo[60].... Sa ganya'y maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro! ¡Sucat na ang magcaroon n~g dalawang daling noo.... --Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"), párì Dámaso--ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang salitaan--na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego at cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong cagalan~gan ang bayang iyon? Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá sa tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî sinásadyâ. Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong nagwáwalang bahálà: --Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang kinátahanang dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong suot. Sa ganáng akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang Camilíng, gayóng iilang buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y guinawâ n~g m~ga púnò sa icagagaling n~g Capisanan ... at sa icágagaling co namán. Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ: --¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán! At sácâ mulíng sumuntóc. --¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón. Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na sandali ang dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan, ipinakitang saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y ipinagpatuloy uli ang caniláng pagpaparoo't parito. --¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia (Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang buhóc ni guinoong Laruja. --¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces. --¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ! ¡Tinatangkílik n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga "ministro" n~g Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na ipinagtutumâas ang canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc. --¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g abot n~g kilay na teniente na anyóng titindig. --¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng generalito Calamidad[65]...! --¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na nagtindíg. --¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y guinawâ n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na panahón n~g pananampalataya! --Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán n~g Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70]. --¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng ibáng hárì cung dî ang tunay[72].... --¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang Carilagán!... --¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche! Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan n~g salitàan, cung mayroong.... --¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi, at nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at papagtatan~giin n~g "cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng n~g coadjutor[80] ang bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál, n~guni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan n~g boong pag-irog at m~ga pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám n~g canyang m~ga catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang m~ga ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g "cagalan~gan" pô ninyó. At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ: --N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hinin~gi ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó n~gâ lamang ang nangyari. N~gayo'y gawín n~g "inyó pong cagalan~gán" ang pagtatan~gitan~gi. At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón. --Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan.... --¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ... at ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil n~g galit. Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican. Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig n~g isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc, may m~ga pintá ang mukhâ at nacasuot europea. Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82] na nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín. --N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83]. --Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita. --¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr. Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít. --Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja. --¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na? [Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang "Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.] --¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr. Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls, n~g siglong ... ¡icapitó! --¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì Savalls na iyan--ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan. --Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae--ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan. --Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ. --¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang franciscano. --At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile. --¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang n~g isáng siglo'y siya'y maguiguing dominico na! --¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalan~gán pô ninyo!--ani párì Sibylang n~gumín~gitî.--Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang m~ga capatíd. --¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón n~g icalabíng apat na siglo?--ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni Doña Victorina--¿n~g hindî pa ó n~g macapagcatawáng tao na si Cristo? Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo. TALABABA: [5] _Colado_, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang piguíng. Maraming di ano lamang sa mañ~ga bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang mañ~ga taong di nating calahì, na hindî man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang man~ga filipino, na canilang tinatawag _na indio_, at ang man~ga taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga _colado_ sa piguíng.--P.H.P. [6] Ang catutubong mahusay at dî nagbabagong calacarán n~g m~ga linikhâ n~g Dios--P.H.P. [7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating caláhì ay nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana n~g maraming salapî at mahahalagáng cayamanan sa m~ga fraile ó sa m~ga monja, datapowa't hindî nan~gababalinong magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay n~g caniláng m~ga cababayan. Walâ rin acóng nalalamang nagawáng handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na macacatulad n~g pamana n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga filipino cayâ yumaman at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng iyan.--¡Culang palad na Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang _algibe_ ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P. [8] Ang namamatnugot sa paggawâ n~g anó man edificio. Tinatawag na edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P. [9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P. [10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán n~g lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang pangpamuti, sa macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa halaman.--P.H.P. [11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang bagay.--P.H.P. [12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo, tenedor at iba pa.--P.H.P. [13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P. [14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang cacanán.--P.H.P. [15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimulâ nang calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa dacong calunuran n~g Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang m~ga maririkit na guinagáwâ sa una nang m~ga griego at nang m~ga latino--P.H.P. [16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtun~gan.--P.H.P. [17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad nitó.--J.R. [18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapan~gan n~g m~ga halaman.--P.H.P. [19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting m~ga cristal na nagkikislapan.--P.H.P. [20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang anyô.--P.H.P. [21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang cahoy na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa Benguet, dito sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P. [22] Natuclasán ang paggawâ n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang naguing cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa m~ga lalong mahál ang halagá.--P.H.P. [23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa lan~gis.--P.H.P. [24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P. [25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni Guinoong Santa María, na halos may dî mabilang na pamagát: Nuestra Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Señora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la Correa, cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Señora de Turumba, Nuestra Señora de Salambaw at iba pang lubháng napacarami.--P.H.P. [26] "Hindî carapatdapat" ang cahulugán n~g sabing "indigno," salitang caraniwang sabihin n~g m~ga nacacastiláan.--P.H.P. [27] Tinatawag na cadete ang nag-aaral sa isáng colegiong doo'y itinutúrò ang m~ga bagaybagay na nauucol maalaman n~g isáng militar. [28] Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hindî taga Filipinas ang cahulugán n~g sabing "extranjero." Gayon ma'y dî caraniwang tawaguing "extranjero" ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón, bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán, francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing "extranjero" sa m~ga man~gan~galacal na may malalaking puhunan.--P.H.P. [29] Ang bubóng na tablá n~g m~ga sasacyán. [30] Tinatawag na "paisano" n~g m~ga sundalo ang hindî militar.--P.H.P. [31] Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa m~ga maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito sa ating "biscocho" ang m~ga malulutóng na tinapay, gaya n~g tinatawag na "biscocho y caña" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y tinatawag na "sopas" n~g m~ga dî nacaaalám n~g wicang castílà. N~gayo'y gumágawâ na rito sa atin n~g masasaráp na biscochong hindî saból sa m~ga nanggagaling sa Inglaterra, ang _La Perla_ ni G.J.E. Monroy, ang _La Fortuna_ ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang m~ga cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa m~ga taga ibáng lupaín sa pagbilí n~g m~ga bagay na dito'y nagágawâ.--P.H.P. [32] Maran~gal na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang nagtagumpáy sa panghihimagsic n~g Paises Bajos at nacalupig sa Fort.--P.H.P. [33] Ang talaán n~g m~ga oficial at m~ga púnò sa m~ga hucbó. [34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g España'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P. [35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P. [36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin ang nan~gagtuturò. [37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang "dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P. [38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P. [39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hindî sacerdote. [40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa pan~gan~gatowiran n~g catalo. [41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong filipino. [42] Ang pagtatan~gî at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man. [43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma. [44] M~ga fraile. [45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856. [46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan. [47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang namamayan doon. [48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimulâ n~g signo Aries at pagpapasimulâ namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mulâ sa 20 hanggang 21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mulâ sa 22 hanggang 23 n~g Septiembre. [49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta" ay canin; n~guni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà, hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa. ¿Ang m~ga fraile cayâ ang nagtatag n~g salitang iyan? [50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing putî sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga casamasamâan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui n~g indio ... ¡M~ga dukhang damdamin!--P.H.P. [51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagyâ n~g macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang casalanang ikinucumpisal ay sabihin n~g nan~gun~gumpisal sa m~ga salitáng cahalayhalay at magagaang na sa Diccionariong wicang castilà at wicang tagalog na sinulat n~g caniláng capowà fraile.--P.H.P. [52] Ang m~ga sinisin~gíl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana, ciriales at iba pa. [53] Ang caraniwang tinatawag na "manong" ó "manang", galing sa salitang "hermano", "hermana". May dalawang bagay na manong, ang manong na franciscano ó franciscana at manong na dominico ó dominicana. [54] Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno n~g España ay siyang namímilì n~g tabacong dahon sa m~ga magsasacá sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco, ang Gobierno ang nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa n~g tabaco at cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí n~g tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí n~g tabacong dahon, n~g tabacong yarì at n~g cigarrillo cung dî ang Gobierno. Sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco'y may m~ga cagawad ang Gobierno, na siyang nan~gan~gatawa't n~g gumalíng ang taním na tabaco at mag-ani n~g marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya ring nagháhalaga n~g tabacong dahong canyang biníbili. N~g taóng 1883 ay inalís dito sa Filipinas n~g Gobierno n~g España ang estanco n~g tabaco at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí n~g tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa m~ga tagarito.--P.H.P. [55] Alac na Jerez, na nanggagaling sa uvas na inaani sa bayang Jerez de la Frontera, na sacop n~g lalawigang Cadiz, caharian n~g España. Ang bayang iyo'y mayaman, nasa tabí n~g ilog Guadalete at may 62,009 ang nananahang tao.--P.H.P. [56] Tinatawag na Evangelio ang m~ga sinulat ni San Mateo, San Lucas, San Marcos at San Juan. Ang m~ga sinulat n~g apat na Santong itó, na dî iba cung dî ang casaysayan n~g m~ga ipinan~garal at buhay ni Jesucristo, ang siyang pinagpapatuunan n~g m~ga utos at palatuntunan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, n~g Iglesia Cismática sa Rusia at sa Grecia, n~g Iglesia Protestante at n~g Iglesia Filipina Independiente.--P.H.P. [57] Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano man, ang mabagal, ang tamád. [58] "Bailujan," galing sa sabing "baile," sayáw. Ang baile ay wicang castilà. Ang "bailuhan" ay hindî guinagamit n~g m~ga fraile at n~g m~ga castilà dito sa Filipinas cung dî ang sabing "baile" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g capowà castílà, at "bailujan" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g m~ga filipino. Sa maiclíng sabi, ang cahulugan n~g "bailujan" ay sayáw na carapatdapat cutyaín, catawátawá, waláng cahusayan. [59] Ang "loto" ay isáng cahoy sa Africa. Anang m~ga poeta, ang taga ibang lupaíng macacain daw n~g bun~ga n~g "loto" ay nacalilimot sa canyang kinamulatang bayan. [60] Sa macatuwid baga'y sucat na ang magcaroon n~g caunting pag-iisip. [61] Caugalian sa m~ga castilang hindî "usted" (cayó pô) na guinagamit sa caraniwan, cung dî "Vuestra Reverencia" ó "Vuesarevencia" (sa cagalanggalang pô ninyo) ang siyang ibinibigay na galang sa m~ga fraile sa pakikipag-usap sa canila. [62] Ipinan~gun~gusap n~g "ereje," sa pagca't sa wicang castila'y hindi isinasama ang h sa pagbasa. Tinatawag na "hereje" ang cristianong sumásalansang ó hindi sumasampalataya sa m~ga pinasasampalatayanan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana.--P.H.P. [63] Ang kinácatawan n~g Dios. [64] Maliit na general; sa macatuwíd baga'y waláng halagang general. [65] Maliit na general Capansanan. [66] "Su excelencia" sa wicang castila, paunlác na tawag sa Capitan General at sa iba pa n~g m~ga castila.--P.H.P. [67] Pan~galawa n~g Real Patrono. Tinatawag na Real Patrono n~g Iglesia Católica Romana ang Harî sa España. Haring tagatangkilic ang cahulugan sa wicang tagalog--P.H.P. [68] Hindî acó nasísilong cahi't siya'y pan~galawá man n~g harì--ang ibig sabihin ni Pári Dámaso.--P.H.P. [69] Mulà sa taóng 1717 hangang 1719 ay naguíng Gobernador General sa Filipinas si Don Fernando Bustamante. Sa pagca't canyáng napagunáwà ang malaking m~ga pagnanacaw sa pamamanihalà n~g salapî n~g Harì, minagálíng niya ang magtatag n~g m~ga bágong utos sa pamamahalâ n~g salapî n~g calahatán. Pinasimulán niyáng kinulóng sa bilangguan ang m~ga taong pinaghihinalàan; sila'y canyáng pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal. Galít na galít cay Bustamante ang m~ga may matataas na catungculang sa ganito'y nan~gagsipan~ganib na mapahamac, at sa gayóng cahigpita'y hindî nan~gabihasa cailán man. Sa pagcá't nabalitàan ni Bustamante ang panucalang manghimagsic laban sa canyáng capangyariha't pamamahálà, at tinatangkílic n~g m~ga fraile sa caniláng m~ga simbahan ang lalong m~ga kilaláng mahihigpít niyáng m~ga caaway, naglathalà siyá n~g pagtawag sa lahát n~g m~ga lalaking may mahiguít na labíng apat na taón upang man~gagsipanig sa hucbòng magsasanggaláng sa capangyarihan n~g Harì. Dinin~gíg n~g bayan ang pag tawag na iyón, at nátatag ang isang hucbó n~g m~ga cusang pumasoc sa pagsusundalo. Nan~gagsifirma ang Arzobispo at iláng m~ga abogado sa isáng casulatang doo'y itinututol na waláng capangyarihan at waláng catowiran daw si Bustamante na ipag-utos ang pagpapabilangô sa notariong si Osejo, na tumacbò at nagtagò sa simbahang Catedral: dahil dito'y ipinag-utos n~g Gobernador General na dacpín at ibilanggô ang arzobispo at gayon din ang m~ga abogadong cainalám sa gayong panucalang catacsilan.--Pinanggalin~gan ang m~ga pagpapabilanggong itó n~g iba't ibang m~ga caguluhan, at sa tacot n~g m~ga fraileng bacâ síla namán ang pag-usiguin, minagalíng nilá ang silá ang mamatnugot sa m~ga lumálabag sa capangyarihan n~g Gobernador.--Lumabás sa m~ga simbahan ang m~ga nagtatagò roon, nagdalá n~g m~ga sandata, at n~g macasanib na sa canilá ang iláng m~ga tagarito, lumacad silá't ang tinun~go'y ang palacio n~g Gobernador, na n~g panahóng iyó'y na sa taguilirang ilaya n~g tinatawag n~gayóng Plaza ni William McKinley. Nan~gun~guna sa paglacad ang m~ga fraile na may m~ga hawac na Santo Cristo sa caniláng m~ga camáy. Nang maalaman ni Bustamante ang gayóng panghihimagsic, ipinag-utos sa canyáng m~ga guardiang barilín ang m~ga nanghihimagsic na iyón; datapuwa't hindî sumunód sa canyáng utos ang m~ga sundalo, at n~g dumating ang m~ga nanghihimagsic sa tapát n~g palacio, isinucô nilá ang caniláng m~ga sandata sa haráp n~g pagca damít sacerdote n~g m~ga fraileng nán~gagtaás ang m~ga camay na may hawac na m~ga Santo Cristo at m~ga larawan n~g Santo. Pinabayaan din n~g m~ga sundalong alabardero na silá'y macapasoc. Lumabás ang cahabaghabag na si Bustamanteng may sandatang hawac, at sinalubong sa hagdanan ang m~ga nanghihimagsic. Hinandulong siyá n~g m~ga nanghihimagsic at sa sandali lamang ay may sugat na siyáng malubha. Dumaló sa canyá ang canyang anác na lalaki, at itó nama'y agád binaril at nasugatan n~g bála. Kinaladcad n~g m~ga nanghihimagsic ang canilang Gobernador na naghihin~galó hanggang sa isáng bilangguang na sa silong n~g Audiencia, at doon siya namatáy n~g magtatakip silim n~g hapon n~g araw ring iyong ica 11 n~g Octubre n~g 1719; ipinagcaít sa canyá ang lahát n~g saclolo at hindi siyá binigyán n~g isá mang lamang vasong tubig. Kinaladcád namán ang anác n~g Gobernador General sa talian n~g m~ga cabayo sa palacio, at doon siya namatáy n~g hapon ding iyón, at ipinagcáit sa canyáng macaguibíc ang sino man manggagamot at itinangguí sa canyá ang lahat n~g bagay na saclolo. Ang m~ga nanghimagsic na pinamunuan n~g m~ga fraileng pumupuri at nagpapaunlac sa m~ga pumatáy sa Gobernador at sa canyáng anác ay nan~gagsitun~go sa cúta n~g Santiago at doo'y kinuha at pinawalán ang arzobispo, na pagdaca'y siyá, ang nagatang sa sarili n~g catungculang pagca Gobernador General sa Sangcapuluang itó. Hindi nagcamít parusa cailan man ang m~ga cakilakilabot na katampalasanang ito.--Sinipi sa "Censo de las Islas Filipinas" n~g 1903, tomo I, página 342--P.H.P. [70] "Su Majestad el Rey" sa wicang castilà. Masasabing: "ang Macapangyarihan Harì." [71] Sa matuwid bagá'y hindi niya pinahahalagahan ang taong sinasabi n~g Teniente. [72] Aayaw kilalanin n~g m~ga fraile si Alfonso XII, na n~g panahong sinasabi sa "Noli me tangere" ay síyang hari sa España, cung di si Cárlos de Borbón na naghahan~gad na siyáng maghari sa m~ga castilà. Dahil sa paghahan~gád na ito'y silasila ring m~ga castilà ang nan~gagsipagbaca, at maraming dugò ang nabuhos. Ang unang nacabaca n~g reina Cristina at n~g reina Isabel II ay si Cárlos de Borbón, capatid ni Fernando VII; isinalin niyá pagcatapos ang tinatawag niyang catuwiran sa Corona n~g España sa canyáng anác na si Cárlos Luis, na nagpamagat n~g Conde de Montemolin at haring Cárlos VI, na siyang muling nagsabog n~g caligaligan, dugô at m~ga capahamacan sa España, sa isang manin~gas na pagbabaca at n~g siyá'y matalo'y omowi sa Trieste at doon namatáy n~g 1861. Humalili cay Cárlos Luis ang canyang capatíd na si Juan Borbón, n~guni't walà itóng nagawáng may cahulugán. Ang anác ni Juang nagn~gan~galang Cárlos at nagpamagát n~g haring Cárlos VII ang siyang nagpatuloy n~g pagbabaca, sa udyóc at tulong n~g m~ga fraile at macafraile. Pinasimulán ang icatlong pagbabaca sa Españang m~ga capowa castila rin ang nagpatayan, n~g 8 n~g Abril n~g 1872. N~g panahong iyó'y maraming totoong salapi ang ipinadaláng galing sa Filipinas na handóg n~g m~ga fraile cay Cárlos, datapuwa't wala ring kinahinatnan ang pagpupumilit nitó, n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraile, cung dî magsabog n~g dugong calahi at papaghirapin n~g di ano lamang ang España. Natapos ang pagbabaca roon n~g 27 n~g Febrero n~g 1876, araw na ibinalic ni Cárlos sa Francia. Ang pinacamabuti sa m~ga general nito'y si Zumalacárregui at si Cabrera. Cumilala at sumuco si Cabrera sa haring Alfonso XII n~g taóng 1895. Cung pamagatán si Don Cárlos n~g m~ga castila'y "Cárlos Chapa." Marahil ibiguin n~g m~ga bumabasang maalaman cung ano ang dahil n~g pagbabacang ito, na nagpasimula n~g 2 n~g Octubre n~g 1833 at nagtapós n~g 27 n~g Febrero 1876, at aking sasabihin sa maicling salitâ: Bago pa lamang nacacawalâ ang España sa capangyarihan n~g m~ga francés, ay nagpasimulâ na ang panúcalà n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraileng papanumbalikin doon ang pagtatatag ulî n~g "absolutismo"; sa macatuwid baga'y ang capangyarihan n~g haring magawâ ang bawa't maibigan, at manumbalic ang "tribunal n~g Inquisición." Hindi pumayag si Fernando VII sa gayóng balac, at sa gayó'y kinagalitan siya at minagaling n~g m~ga fraileng sa canyá'y mahalili ang canyáng capatid na si Cárlos María Isidro de Borbón, na nan~gacong cung siya ang maguiguing harì ay gagawin niya bawa't ibiguin n~g Papa at n~g m~ga fraile. Bago namatáy si Fernando ay gumawa itó n~g testamentong isinasalin niya ang canyáng corona sa canyáng anác na babaeng si Isabel. N~g mamatay si Fernando VII n~g 29 Septiembre n~g 1833 ay nahahanda na upang bacahin ang hahaliling reinang si Isabel II, na sa pagca't musmós pa noon, ang namamahalà n~g caharia'y si reina Cristinang nabao cay Fernando VII, at n~g icatlóng araw n~g pagcamatay nitó'y pinasimulaan na n~gâ ang pangguguló sa España ni Cárlos, na tinutulun~gan n~g papa, n~g m~ga fraile, n~g lahat n~g m~ga párì at n~g canilang m~ga cacampi. N~gayóng m~ga panahóng itó'y mahinang mahinà na ang carlismo sa España, at sila sila'y nagsisirâan. May nan~gagpapan~galang "integrista" na siyang nan~gag-iibig n~g "absolutismo" at n~g "inquisición," at "mestizo" ang itinatawag nila sa sumasang ayon sa calagayang dalá n~g panahón at ayaw sa "inquisición" at sa "absolutismo." N~gayo'y macucurò na cung bakit aayaw kilalanin n~g m~ga fraileng hárì nila si Alfonso XII at si Alfonso XIII man; n~guni't ang sawicain n~ga n~g m~ga castilà'y "á la fuerza ahorcan" (sapilitan ang pagbitay). Aayaw man sila'y sapilitang nilálagoc ang apdóng handóg n~g catuwiran at n~g catotohanan.--P.H.P. [73] Sa canyáng calagayan ó sa canyáng sarili. [74] Sa galit ay nabiglaanan. [75] Sa bibíg lamang. [76] Mulâ sa púsò, taimtim sa púsò. [77] Na sa pag-iisip. [78] Sa isáng pagcacataón, hindi sinasadya. [79] Sa pagcacataon at sa ganáng akin. [80] Ang páring catulong n~g cura. N~g panahón n~g Gobierno n~g España, halos ang lahat n~g paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang caraniwa'y m~ga fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát n~g m~ga cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang m~ga fraile. Aliping mistulà ang pagpapalagay n~g m~ga curang fraile sa m~ga coadjutor na filipino. Salamat sa revolucióng guinawa n~g Katipunang tatag ni Gat Andrés Bonifacio'y nahan~gò ang m~ga paring filipino sa gayóng caalipinan; datapuwa't hanggá n~gayò'y walá isá man lamang sa m~ga paring filipinong nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y man~gáguising sa panahóng hináharap. ¡Wala n~g carimarimarim na púsong gaya n~g di marunong tumumbás sa utang na loob!!!] [81] Ang sumusulat n~g m~ga inilalathala sa m~ga periódico ó pámahayagan. [82] Ang may almacen ó tindahan. Tinatawag ding almacenero ang catìwala sa pag-iin~gat n~g m~ga camalig na ligpitan n~g anó man, ó ang isáng catungculan sa Gobiernong ganito ang pan~galan.--P.H.P. [83] Caugalìan n~g m~ga taong may pinag-aralang cung pumapanhic silá sa bahay n~g isang hindî cakilala, ang siya'y iharap sa maybahay n~g isáng cakilala nitó at sabihing:--"May capurihan po acóng ipakikilala sa inyó si guinoong Fulano."--P.H.P. [84] Ang monje Bernardo Schwart, alemân, na siyáng nacátuclas n~g pag-gawâ n~g pólvora n~g siglo XIV.--P.H.P. =II.= =CRISOSTOMO IBARRA= Hindî magagandá at mabubuting bíhis na m~ga dalaga upang pansinín n~g lahat, sampô ni Fr. Sibyla; hindî ang cárilagdilagang Capitan General na casama ang canyang m~ga ayudante upang maalís sa pagcatigagal ang teniente at sumalubong n~g ilang hacbáng, at si Fr. Dámaso'y maguíng tila nawal-an n~g díwà: sila'y walâ cung dî ang "original" n~g larawang naca frac, na tan~gan sa camáy ang isáng binatang luksâ ang boong pananamit. --¡Magandang gabí pô, m~ga guinoo! ¡Magandang gabí pô "among"[85]!--ang unang sinabi ni Capitang Tiago, at canyáng hinagcan ang m~ga camáy n~g m~ga sacerdote, na pawang nacalimot n~g pagbebendicion. Inalís n~g dominico ang canyang salamín sa mata upang mapagmasdan ang bagong datíng na binatà at namumutlâ si Fr. Dámaso at nangdídidilat ang m~ga matá. --¡May capurihan acóng ipakilala pô sa inyó si Don Crisòstomo Ibarra, na anác n~g nasirà cong caibigan!--ang ipinagpatuloy ni Capitang Tiago.--Bagong galing sa Europa ang guinoong ito, at siya'y aking sinalubong. Umalin~gawn~gaw ang pagtatacá n~g márin~gig ang pan~galang ito; nalimutan n~g tenienteng bumatì sa may bahay, lumapit siya sa binatà at pinagmasdan niya ito, mulâ sa paa hanggang ulo. Ito'y nakikipagbatian n~g m~ga ugaling salitâ n~g sandalíng iyon sa boong pulutóng; tila mandin sa canya'y walang bagay na naíiba sa guitnâ n~g salas na iyon, liban na lamang sa canyang pananamít na itím. Ang canyang taas na higuít sa caraniwan, ang canyang pagmumukhâ, ang canyang m~ga kílos ay pawang naghahalimuyac niyang cabataang mainam na pinagsabay inaralan ang catawa't cálolowa. Nababasa sa canyang mukháng bucás at masayá ang cauntíng bacás n~g dugong castilà na naaaninag sa isang magandáng culay caymanggui, na mapulapulá sa m~ga pisn~gi, marahil sa pagcápatira niya sa m~ga bayang malalamíg. --¡Abá!--ang biglang sinabi sa magalác na pagtatacá--¡ang cura n~g aking bayan! ¡Si parì Dámaso: ang matalic na caibigan n~g aking amá! Nan~gagtin~ginang lahat sa franciscano: ito'y hindi cumilos. --¡Acó po'y pagpaumanhinan ninyó, aco'y nagcámali!--ang idinugtong ni Ibarra, na ga nahihiyâ na. --¡Hindî ca nagcámali!--ang sa cawacasa'y naisagot ni Fr. Dámaso, na sirâ ang voces.--N~guni't cailan ma'y hindî co naguíng caibigang matalic ang iyong amá. Untiunting iniurong ni Ibarra ang canyang camáy na iniacmáng humawac sa camáy ni parì Dámaso, at tiningnan niya itó n~g boong pangguiguilalas; lumin~gón at ang nakita niya'y ang mabalasic na anyô n~g teniente, na nagpapatuloy n~g pagmamasíd sa canya. --Bagongtao, ¿cayó po bâ ang anác ni Don Rafael Ibarra? Yumucód ang binatà. Ga tumindíg na sa canyang sillón si Fr. Dámaso at tinitigan ang teniente. --¡Cahimanawarî dumatíng cayong malualhatì dito sa inyong lupaín, at magtamó nawâ pô cayó n~g lalong magandang palad cay sa inyong ama!--ang sabi n~g militar na nan~gin~ginig ang voces. Siya'y aking nakilala at nácapanayam, at masasabi cong siya'y isa sa m~ga taong lalong carapatdapat at lalong may malinis na capurihán sa Filipinas. --Guinoo--ang sagót ni Ibarrang nababagbag ang púsò--ang inyo pong pagpuri sa aking amá ay pumapawì n~g aking m~ga pag-alap-ap tungcol sa caniyang kinahinatnang palad, na aco, na canyang anác ay di co pa napagtátalos. Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g matandà, tumalicód at umalís na dalídálì. Napag-isa ang binata sa guitnâ n~g salas; at sa pagca't nawalâ ang may bahay, walâ siyang makitang sa canya'y magpakilala sa m~ga dalaga, na ang caramiha'y tinitingnan siya n~g may paglin~gap. Nang macapag-alinlang may iláng minuto, tinun~go niya ang m~ga dalagang tagláy ang calugodlugod na catutubong kilos. --Itulot ninyo sa aking lacdan~gan co--anya--ang m~ga utos n~g mahigpit na pakikipagcapwa tao. Pitóng taón na n~gayong umalís acó rito sa aking bayan, at n~gayong aco'y bumalíc ay hindi co mapiguilan ang nasang aco'y bumáti sa lalong mahalagang hiyas niya; sa canyang m~ga suplíng na babae. Napilitan ang binatang lumayò roon, sa pagca't sino man sa m~ga dalaga'y waláng nan~gahás sumagot. Tinun~go niya ang pulutóng n~g ilang m~ga guinoong lalaki, na n~g mámasid na siya'y dumarating ay nan~gagcabilog. M~ga guinoo--anya--may isang caugalían sa Alemaniang pagca pumaparoon sa isang capisanan, at walang masumpun~gang sa canya'y magpakilala sa m~ga ibá; siya ang nagsasabi n~g canyáng pan~galan at napakikilala, at sumasagot naman ang m~ga causap n~g sa gayón ding paraan. Itúlot pô ninyó sa akin ang ganitóng ugálì; hindî dahil sa ibig cong dito'y magdalá n~g m~ga asal n~g m~ga tagá ibáng lupain, sa pagca't totoong magaganda rin naman ang ating m~ga caugalian, cung dî sa pagca't napipilitan cong gawín ang gayong bagay. Bumati na acó sa lan~git at sa m~ga babae n~g aking tinubuang lúpà: n~gayo'y ibig cong bumati naman sa m~ga cababayan cong lalaki. ¡M~ga guinoo, ang pan~galan co'y Juan Crisóstomo Ibarra at Magsalin! Sinabi naman sa canya n~g canyang m~ga causap ang canicanilang m~ga pan~galang humiguit cumulang ang pagca walang cabuluhan, humiguit cumulang ang pagca hindî nakikilala nino man. --Ang pan~galan co'y A--á!--ang sinabi't sucat n~g isang binata at bahagya n~g yumucód. --¿Bacâ po cayá may capurihan acong makipagsalitaan sa poetang ang m~ga sinulat ay siyáng nacapagpanatili n~g marubdób cong pagsintá sa kinaguisnan cong bayan? Ibinalità sa aking hindî na raw po cayó sumusulat, datapuwa't hindî nila nasabi sa akin ang cadahilanan ... --¿Ang cadahilanan? Sa pagcá't hindî tinatawag ang dakílang nin~gas n~g isip upang ipamalingcahod at magsinun~galíng. Pinag-usig sa haráp n~g hucóm ang isang tao dahil sa inilagáy sa tulâ ang isang catotohanang hindi matututulan. Aco'y pinan~galanang poeta, n~guni hindî aco tatawaguing ulól. --At ¿mangyayari po bagang maipaunawà ninyo cung anó ang catotohanang yaon? --Sinabi lamang na ang anac n~g león ay león din namán; cacaunti na't siya'y ipinatapon sana. At lumayô sa pulutóng na iyón ang binatang may cacaibang asal. Halos tamátacbo ang isáng táong masayá ang pagmumukhâ, pananamit filipino ang suot, at may m~ga botones na brillante sa "pechera." Lumapit cay Ibarra, nakipagcamay sa canyá at nagsalitâ: --¡Guinoong Ibarra, hinahan~gad cong mákilala co pô cayó; caibigan cong matalic si Capitang Tiago, nakilala co ang inyóng guinoong amá ...; ang pan~galan co'y Capitang Tinong, nanánahan aco sa Tundóng kinálalagyan n~g inyóng báhay; inaasahan cóng pauunlacán ninyó acó n~g inyóng pagdalaw; doon na pô cayó cumain búcas! Bihág na bihág si Ibarra sa gayóng calakíng cagandahang loob: n~gumín~gitî si Capitang Tinong at kinucuyumos ang m~ga camay. --¡Salamat po!--ang isinagót n~g boong lugód.--N~guni't pasasa San Diego po acó búcas ... --¡Sáyang! ¡Cung gayo'y sacâ na, cung cayo'y bumalíc! --¡Handâ na ang pagcain!--ang bigáy álam n~g isáng lingcod n~g Café "La Campana." Nagpasimulâ n~g pagpasamesa ang panauhín, bagá man nagpapamanhíc na totoo ang m~ga babae, lalong lalò na ang m~ga filipina. TALABABA: [85] Caraniwan sa catagalugan tawaguing "among" ang parì, marahil sa turò rin n~g fraile. Ang sabing "among" ay galing sa "amo," na ang cahuluga'y "pan~ginoon," at ang tumatawag n~g "amo" ay "alipin." ¿Bakit hindi sila nagpatawag n~g "ama" na siyáng cahulugan sa wicang tagalog n~g sabing "padre?" ¿Bakit itinutulot n~g m~ga sacerdote na silá'y tawaguin "amo?" =III.= =ANG HAPUNAN= _Jele jele bago quiere,_[86] Tila mandîn totoong lumiligaya si Fr. Sibyla: tahimic na lumalacad at hindî na námamasid sa canyáng nan~gin~gilis at manipís na m~ga labì ang pagpapawaláng halagá; hanggáng sa marapating makipagusap sa pilay na si doctor De Espadaña, na sumásagot n~g putól-putól na pananalitâ, sa pagcát siya'y may pagcá utál. Cagulatgulat ang samâ n~g loob n~g franciscano, sinisicaran ang m~ga sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán n~g masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casaganàan n~g haying pagcain. Pinacunot ni Doña Victorina, gayón man, ang canyáng ilóng; n~guni't caracaraca'y lumin~góng malakí ang gálit, cawan~gis n~g natapacang ahas: mangyari'y natuntun~gan n~g teniente ang "cola" n~g canyáng pananamít. --Datapuwa't ¿walâ pô bâ, cayóng m~ga matá?--anyá. --Mayroon pô, guinoong babae, at dalawáng lalóng magalíng cay sa m~ga matá ninyó; datapowa't pinagmámasdan co pô iyang inyóng m~ga culót n~g buhóc--ang itinugón n~g militar na iyong hindî totoong mápagparayâ sa babae, at sacâ lumayô. Bagá man hindî sinasadya'y capuwâ tumun~go ang dalawáng fraile sa dúyo ó ulunán n~g mesa, marahil sa pagca't siyáng pinagcaratihan nilá at nangyari n~gâ ang mahíhintay, na tulad sa nan~gagpapan~gagaw sa isáng cátedra[87]: pinupuri sa m~ga pananalitâ ang m~ga carapatán at cataásan n~g ísip n~g m~ga capan~gagáw; datapua't pagdaca'y ipinakikilala ang pabaligtad, at nan~gag-úun~gol at nan~gag-uupasalà cung hindî silá ang macapagtamó n~g caniláng han~gád. --¡Ucol pô sa inyó, Fr. Dámaso! --¡Ucol pô sa inyó, Fr. Sibyla! --Cayo ang lalong unang cakilala sa bahay na itó ... confesor n~g nasirang may bahay na babae, ang lalong may gulang, may carapatán at may capangyarihan.... --¡Matandáng matanda'y hindî pa naman!--n~guni't cayo pô naman ang cura nitong bayan!--ang sagót na matabang ni Fr. Dámasong gayón ma'y hindî binibitiwan ang silla. --¡Sa pagca't ipinag-uutos pô ninyó'y acó'y sumusunod!--ang iniwacás ni Fr. Sibyla. --¡Aco'y hindî nag-uutos!--ang itinutol n~g franciscano--¡aco'y hindî nag-uutos! Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang m~ga pagtutol na iyón, n~g macasalubong n~g canyang m~ga matá ang m~ga matá n~g teniente. Ang lalong mataas na oficial sa Filipinas, ayon sa caisipán n~g m~ga fraile, ay totoong malakí ang cababaan sa isáng uldog na tagapaglútò n~g pagcain. "Cedant arma togæ"[88], ani Cicerón sa Senado; "cedant arma cotae"[89] anang m~ga fraile sa Filipinas. Datapuwa't mapitagan si Fr. Sibyla, caya't nagsalitâ: --Guinoong teniente, dito'y na sa mundo[90] po tayo at walâ sa sambahan; nararapat po sa inyo ang umupô rito. Datapuwa't ayon sa anyô n~g canyang pananalita'y sa canya rin nauucol ang upuang iyón, cahi't na sa mundo. Ang teniente, dahil yatà n~g siya'y howag magpacagambalà, ó n~g huwag siyang umupô sa guitnâ n~g dalawáng fraile, sa maiclíng pananalita'y sinabing áyaw siyang umupô roon. Alín man sa tatlóng iyo'y hindî nacaalaala sa may bahay. Nakita ni Ibarrang nanonood n~g boong galác at nacan~gitî sa m~ga pagpapalaman~gang iyón sa upuan ang may bahay. --¡Bakit pô, Don Santiago! ¿hindi pô bâ cayó makikisalo sa amin?--ani Ibarra. N~guni't sa lahat n~g m~ga upuan ay may m~ga tao na. Hindî cumacain si Lúculo[91] sa bahay ni Lúculo. --¡Tumahimic pô cayó! howag cayóng tumindîg!--ani Capitang Tiago, casabay n~g pagdidíin sa balicat ni Ibarra. Cayâ pa namán gumágawâ ang pagdiriwáng na ito'y sa pagpapasalamat sa mahál na Vírgen sa inyóng pagdatíng. Nagpagawâ acó n~g "tinola" dahil sa inyó't marahil malaon n~g hindî ninyó nátiticiman. Dinalá sa mesa ang isáng umáasong malaking "fuente"[92]. Pagcatapos maibulóng n~g dominico ang "Benedícte"[93] na halos walâ sino mang natutong sumagot, nagpasimulâ n~g pamamahagui n~g laman n~g fuenteng iyon. N~guni't ayawan cung sa isáng pagcalibáng ó iba cayáng bagay, tumamà cay párì Dámaso ang isáng pinggang sa guitnâ n~g maraming úpo at sabáw ay lumálan~goy ang isáng hubád na líig at isáng matigás na pacpác n~g inahíng manóc, samantalang cumacain ang ibá n~g m~ga hità at dibdíb, lalong lalò na si Ibarra, na nagcapalad mapatamà sa canyá ang m~ga atáy, balonbalonan at ibá, pang masasaráp na lamáng loob n~g inahíng manóc. Nakita n~g franciscano ang lahát n~g itó, dinurog ang m~ga úpo, humigop n~g cauntíng sabáw, pinatunóg ang cuchara sa paglalagáy at bigláng itinulac ang pingga't inilayô sa canyáng harapán. Nalílibang namáng totoo ang dominico sa pakikipagsalitàan sa binatang mapulá ang buhóc. --¿Gaano pong panahóng nápaalis cayó sa lupaíng ito?--ang tanóng ni Laruja cay Ibarra. --Pitóng taón halos. --!Aba! ¿cung gayó'y marahil, nalimutan na ninyó ang lupaíng ito? --Baligtád pô; bagá man ang kinaguisnan cong lupa'y tila mandin linilimot na acó, siyá'y laguì cong inaalaala. --¿Anó po ang íbig ninyóng sabihin?--ang tanóng n~g mapuláng buhóc. --Ibig cong sabíhing may isang taón na n~gayóng hindî aco tumátangap n~g ano mang balità tungcol sa bayang itó, hanggang sa ang nacacatulad co'y ang isang dî tagaritong hindî man lamang nalalaman cung cailan at cung paano ang pagcamatay n~g canyang ama. --¡Ah!--ang biglang sinabi, n~g teniente. --At ¿saan naroon pô cayo at hindî cayo tumelegrama?--ang tanong ni Doña Victorina.--Tumelegrama cami sa "Peñinsula"[94] n~g cami'y pacasal. --Guinoong babae; nitong huling dalawang tao'y doroon aco sa dacong ibabâ n~g Europa, sa Alemania at sacâ sa Colonia rusa. Minagaling n~g Doctor De Espadaña, na hanggá n~gayo'y hindî nan~gan~gahás magsalitâ, ang magsabi n~g cauntî: --Na ... na ... nakilala co sa España ang isang polacong tagá, Va ... Varsovia, na ang pan~gala'y Stadtnitzki, cung hindî masamâ ang aking pagcatandâ; ¿hindî pô bâ ninyó siya nakikita?--ang tanong na totoong kimî at halos namumula sa cahihiyan. --Marahil pô--ang matamís na sagót ni Ibarra--n~guni't sa sandalîng itó'y hindî ko naaalaala siyá. --¡Aba, hindî siyá maaring ma ... mapagcamal-an sa iba!--ang idinugtóng n~g Doctor na lumacás ang loob.--Mapulá ang canyáng buhóc at totoong masamáng man~gastílà. --Mabubuting m~ga pagcacakilalanan; n~guni't doo'y sa casaliwàang palad ay hindî aco nagsasalitâ n~g isa man lamang wicang castílà, liban na lamang sa ilang m~ga consulado. --At ¿paano ang inyóng guinágawang pamumuhay?--ang tanong ni Doña Victorinang nagtátaca. --Guinagamit co pô ang wícà n~g lupaíng aking pinaglálacbayán, guinoong babae. --¿Marunong po bâ naman cayo n~g inglés?--ang tanong n~g dominicong natira sa Hongkong at totoong marunong n~g "Pidggin-English"[95], iyang halo-halong masamáng pananalitâ n~g wicà ni Shakespeare[96] n~g anác n~g Imperio Celeste[97]. --Natira acóng isang taón sa Inglaterra, sa casamahán n~g m~ga táong inglés lamang ang sinásalitâ. --At ¿alín ang lupaíng lalong naibigan pô ninyó sa Europa?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc. --Pagcatapos n~g España, na siyang pan~galawá cong Báyan, alín man sa m~ga lupaín n~g may calayâang Europa. --At cayó pong totoong maraming nalacbáy ... sabihin ninyó, ¿anó pô bâ ang lalong mahalagáng bagay na inyong nakita?--ang tanóng ni Laruja. Wari'y nag-isíp-ísíp si Ibarra. --Mahalagáng bagay, ¿sa anóng cauculán? --Sa halimbawà ... tungcól sa pamumuhay n~g m~ga báyan ... sa búhay n~g pakikipanayám, ang lácad n~g pamamahalà n~g báyan, ang úcol sa religión, ang sa calahatán, ang catás, ang cabooan.... Malaong nagdidilidili si Ibarra. --Ang catotohanan, bágay na ipangguilalás sa m~ga báyang iyan, cung ibubucod ang sariling pagmamalakí n~g bawa't isá sa canyáng nación.... Bago co paroonan ang isáng lupain, pinagsisicapan cong matalós ang canyáng historia, ang canyáng Exodo[98] cung mangyayaring masabi co itó, at pagcatapos ang nasusunduan co'y ang dapat mangyari: nakikita cong ang iguiniguinhawa ó ipinaghihirap n~g isáng baya'y nagmúmulâ sa canyáng m~ga calayâan ó m~ga cadilimán n~g isip, at yamang gayó'y nanggagaling sa m~ga pagpapacahirap n~g m~ga namamayan sa icágagalíng n~g calahatán, ó ang sa canilang m~ga magugulang na pagca walang ibáng iniibig at pinagsusumakitan cung dî ang sariling caguinhawahan. --At ¿walâ ca na bagáng nakita cung dî iyán lámang?--ang itinanóng na nagtátawa n~g palibác n~g franciscano, na mulâ n~g pasimulàan ang paghapon ay hindî nagsásalita n~g anó man, marahil sa pagcá't siya'y nalilibang sa pagcain; hindî carapatdapat na iwaldás mo ang iyong cayamanan upang walâ cang maalaman cung dî ang bábahagyang bagay na iyán! ¡Sino mang musmós sa escuelaha'y nalalaman iyán! Nápatin~gín na lamang sa canyá si Ibarra't hindî maalaman cung anô ang sasabihin; ang m~ga iba'y nan~gagtitin~ginan sa pagkatacá at nan~gan~ganib na magcaroon n~g caguluhan.--Nagtátapos na ang paghapon, ang "cagalan~gán pô ninyo'y busóg na"--ang isásagot sana n~g binatà; n~guni't nagpiguil at ang sinabi na lamang ay ang sumúsunod: --M~ga guinoo; huwág cayóng magtátaca n~g pagsasalitang casambaháy sa akin n~g aming dating cura; ganyán ang pagpapalagáy niyá sa akin n~g acó'y musmós pa, sa pagcá't sa canyá'y para ring hindî nagdaraan ang m~ga taón; datapowa't kinikilala cong utang na loob, sa pagcá't nagpapaalaala sa aking lubós niyóng m~ga áraw na madalás pumaparoon sa aming báhay ang "canyáng cagalan~gán", at canyáng pinaúunlacan ang pakikisalo sa pagcain sa mesa n~g aking amá. Sinulyáp n~g dominico ang franciscano na nan~gan~gatal. Nagpatuloy n~g pananalitâ si Ibarra at nagtindíg: --Itulot ninyó sa aking acó'y umalís na, sa pagcá't palibhasa'y bago acóng datíng at dahil sa búcas din ay aco'y áalis, marami pang totoong gágawín acóng m~ga bágay-bágay. Natapos na ang pinacamahalagá n~g paghapon, cauntî lamang cung aco'y uminóm n~g alac at bahagyâ na tumítikim acó n~g m~ga licor. ¡M~ga guinoo, mátungcol nawâ ang lahát sa España at Filipinas! At ininóm ang isáng copitang alac na hanggáng sa sandalíng iyó'y hindî sinásalang. Tinularan siyá n~g Teniente, n~guni't hindî nagsasabi n~g anó man. --¡Howág pô cayóng umalís!--ang ibinulóng sa canyá, ni Capitang Tiago.--Dárating na si María Clara: sinundô siyá ni Isabel. Paririto ang sa báyang bágong cura, na santong tunay. --¡Paririto acó búcas bago acó umalís. N~gayo'y may gágawin acóng mahalagáng pagdalaw. At yumao. Samantala'y nagluluwal n~g samâ n~g loob ang franciscano. --¿Nakita na ninyó?--ang sinasabi niyá sa binatang mapulá ang buhóc na ipinagcucucumpas ang cuchillo n~g himagas. ¡Iyá'y sa pagmamataas! ¡Hindî nilá maipagpaumanhíng silá'y mapagwicaan n~g cura! ¡Ang acalà nilá'y m~ga taong may cahulugán na! ¡Iyán ang masamáng nacucuha n~g pagpapadalá sa Europa n~g m~ga bátà! Dapat ipagbawal iyán n~g gobierno. --At ¿ang teniente?--ani Doña Victorinang nakikicampí sa franciscano--¡sa boong gabíng ito'y hindî inalís ang pagcucunót n~g pag-itan n~g canyáng m~ga kilay; magalíng at tayo'y iniwan! ¡Matandâ na'y teniente pa hanggá n~gayón! Hindî malimutan n~g guinoong babae ang pagcacabangguít sa m~ga culót n~g canyáng buhóc at ang pagcacayapac sa "encañonado" n~g canyáng m~ga "enagua." N~g gabíng yaó'y casama n~g m~ga ibá't ibáng bagay na isinusulat n~g binatang mapulá ang buhóc sa canyáng librong "Estudios Coloniales," ang sumúsunod: "Cung anó't macahihilahil sa casayahan n~g isáng piguíng ang isáng liig at isáng pacpác sa pinggán n~g tinola." At casama n~g m~ga iba't ibáng paunáwà ang m~ga ganitó:--"Ang taong lalong waláng cabuluhán sa Filipinas sa isáng hapunan ó casayahan ay ang nagpapahapon ó nagpapafiesta: macapagpapasimulâ sa pagpapalayas sa may bahay at mananatili ang lahát sa boong capanatagán."--"Sa m~ga calagayan n~gayón n~g m~ga bagay bagay, halos ay isáng cagalin~gang sa canilá'y gágawin ang huwág paalisín sa caniláng lupaín ang m~ga filipino, at huwág man lamang turúan siláng bumasa".... TALABABA: [86] Wicang haluang castilà't tagalog, na cung tawagui'y "wicang tinulá". Nagpapatumpictumpic bago'y ibig,--May m~ga filipinong hindî nan~gingiming magsalitang sila'y hindî nacacawatas n~g wicang tagalog, na hindî silá marunong n~g wicang tagalog; datapawa't hindî rin naman marunong magsalitâ n~g tunay na wicang castilà; waláng nalalaman cung dî ang wicang tindá: ¡cahabaghabag na m~ga tao! [87] Ang pagtuturò n~g isáng carunun~gan; sa halimbawà: si Fulano'y nagtuturò n~g catedra n~g "Derecho" na gaya rin cung sabihing si Fulano'y nagtuturò n~g dunong n~g "Derecho." [88] Magbigay ang sandata sa haráp n~g carunun~gang; sa macatuwid baga'y dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga táong pantás. [89] Magbigáy ang sandata sa harap n~g m~ga fraile; dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga fraile. [90] Wicang castilà ang sabing "mundo" at maraming cahulugán: ang cabooan n~g lahat n~g m~ga kinapal.--Ang lupà.--Ang cabooan n~g lahát n~g tao.--Baúl na malakí.--Tungcol sa pamumuhay. Isá sa m~ga caaway n~g caluluwa. Dito'y ang cahulugan ay isáng tan~ging bahágui n~g sangcataohan, sa macatuwid baga'y ang m~ga tao sa piguíng na iyón.--P.H.P. [91] Si Lucio Licino Lúcalo, cónsul romano, na bantog dahil sa totoong magalíng na pagcain sa canyang mesa. [92] Ang cahulugán dito'y isang malaking tasang malucóng na pinaglálagyan n~g pagcain--Cahulugan din n~g wicang "fuente"; Bucál n~g tubig na nanggagaling sa lúpà.--Isáng "aparato" upang doo'y lumabas ang tubig na nanggagaling sa m~ga "tubo" at n~g magamit sa bahay, sa daan ó sa halamanan.--Mulâ n~g isang bagay.--Ang sugat na talagang guinágawâ sa brazo, sa bintî at iba pa.--Kinacailan~gang sa pagsasalitâ n~g "fuente" ay magpalabas n~g han~gin sa bibig, sa pagca't cung hindi ay masasabing "puente" na ang cahuluga'y tuláy. Ito'y isá sa m~ga cadahilanan cayâ ayaw acóng makisunod sa bagong palacad na isulat n~g P cahi't ang pinanggalin~ga'y F, gaya sa halimbáwà n~g Filipinas, Fernando, Faustino na may m~ga sumusulat n~gayon n~g Pilipnas, Pernando, Paustino. Gayon ma'y iguinagalang co at hindi co pinipintasan ang sa ibang caisipan at palacad na sinusunod.--Upang maipan~gusap ang "efe" ay idinadaiti ang labi sa m~ga n~giping itaas sacâ magpalabás n~g han~gin sa pagsasalitâ n~g letra.--P.H.P. [93] Pinupuri cata. Pasimulâ n~g isáng dasál sa Dios na wicang latíng sinasabi n~g m~ga pári at iba pang católico bago cumain. [94] Tinatawag n~g m~ga castilang "Península" ang España.--"Peñinsula" ang sabi ni Doña Victorina, sa pagca't siya'y isá riyan si m~ga babaeng tagálog na nagcacasticastilaan ay bago'y hindî man lamang marunong man~gusap n~g wicang castilà. Ang tunay na cahulugan n~g Península ay ang lupang halos naliliguid n~g tubig magcabicabilà.--P.H.P. [95] Tulad sa tinatawag nating wicang "castilàng tinda." Halohalong salitang inglés, insic, portugués at malayo; gaya namán n~g nangyayari na rito sa Filipinas tungcol sa pananalitâ n~g inglés na halohalò n~g inglés, castila't tagalog.--P.H.P. [96] Guillermo Shakespeare, dakilang poetang inglés at isa sa m~ga pan~gulong dramático sa sangcataohan. Ipinan~ganac sa Strafford n~g 1564 at namatay n~g 1616. Ang m~ga pan~gulong sinulat niya'y ang "Macbet," "Romeo at Julieta", "Hamlet," "Otelo," "Ang Mercader sa Venecia," "Ang panaguinip n~g isáng gabíng tag-araw" at iba pa.--P.H.P. [97] Ang caharian n~g China. [98] Pan~galawáng libro n~g Pentatesco ni Moisés.--Ang paglalacbay sa ibang lupain n~g m~ga túbò sa isáng nación ó báyan, na siyáng cahulugán dito. =IV.= =HEREJE AT FILIBUSTERO= Nag-aalinlan~gan si Ibarra. Ang han~gin sa gabí, na sa m~ga buwáng iyó'y caraniwang may calamigán na sa Maynilà, ang siyáng tila mandín pumawì sa canyáng noo n~g manipís na úlap na doo'y nagpadilím: nagpugay at humin~gá. Nagdaraan ang m~ga cocheng tila m~ga kidlá't, m~ga calesang páupahang ang lacad ay naghíhin~galô, m~ga naglálacad na tagá ibá't ibáng nación. Tagláy iyáng paglacad na hindî nan~gagcacawan~gis ang hacbáng, na siyáng nagpapakilala sa natitilihan ó sa waláng mágawà, tinun~go n~g binatà ang dacong plaza n~g Binundóc, na nagpapalin~gap-lin~gap sa magcabicabilà na wari'y ibig niyáng cumilala n~g anó man. Yao'y ang m~ga dating daan at m~ga dating báhay na may m~ga pintáng putî at azul at m~ga pader na pinintahán n~g putî ó cung dilî caya'y m~ga anyóng ibig tularan ang batóng "granito" ay masamâ ang pagcacáhuwad; nananatili sa campanario n~g simbahan ang canyáng relós na may carátulang cupás na; iyón ding m~ga tindahan n~g insíc na iyóng may marurumíng tabing na násasampay sa m~ga varillang bacal, na pinagbalibalicucô niyá isáng gabí ang isá sa m~ga varillang iyón, sa pakikitulad niyá sa masasama ang pagcaturong m~ga bátà sa Maynilà: sino ma'y waláng nagtowíd niyón. --¡Marahan ang lacad!--ang ibinulóng, at nagtulóy siyá sa daang Sacristía. Ang m~ga nagbíbili n~g sorbete ay nananatili sa pagsigáw n~g: ¡Sorbeteee! m~ga huepe rin ang siyáng pang-ilaw n~g m~ga dating nan~gagtítindang insíc at n~g m~ga babaeng nagbíbili n~g m~ga cacanin at m~ga bun~gang cahoy. --¡Cahan~gahan~gà!--ang sinabi niyá--¡itó rin ang insíc na may pitóng taón na, at ang matandáng babae'y ... siyá rin! Masasabing nanaguinip acó n~g gabíng itó sa pitóng taóng pagca pa sa Europa!.. at ¡Santo Dios! nananatili rin ang masamang pagcálagay n~g bató, na gaya rin n~g aking iwan! At naroroon pa n~ga't nacahiwalay ang bató sa "acera" n~g linílicuan n~g daang San Jacinto at daang Sacristía. Samantalang pinanonood niyá ang catacatacáng pananatiling itó n~g m~ga báhay at ibá pa sa báyan n~g waláng capanatilihán, marahang dumapò sa canyáng balicat ang isáng camáy; tumungháy siyá'y canyáng nakita ang matandáng Teniente na minámasdang siyáng halos nacan~gitî: hindî na tagláy n~g militar yaóng mabalasic niyáng pagmumukhâ, at walâ na sa canyá yaóng m~ga kilay na totoong canyáng ikinatatan~gì sa ibá. --¡Bagongtao, magpacain~gat cayó! ¡Mag-aral pô cayó sa inyóng amá--ang sinabi niyá. --Ipatawad pô ninyó; n~guni't sa acalà co'y inyóng pinacamahál ang aking amá; ¿maaarì pô bang sabihin ninyó sa akin cung ano ang canyáng kináhinatnan?--ang tanóng ni Ibarra na siyá'y minámasdan. --¿Bakit? ¿hindî pô bâ ninyó nalalaman?--ang tanóng n~g militar. --Itinanóng co cay Capitáng Tiago ay sumagót sa aking hindî niyá sasabihin cung dî búcas na. ¿Nalalaman po bâ ninyó, sacalì? --¡Mangyari bagá, na gaya rin namán n~g lahát! ¡Namatáy sa bilangguan! Umudlót n~g isáng hacbáng ang binatà at tinitigan ang Teniente. --¿Sa bilangguan? ¿sinong namatáy sa bilangguan?--ang itinatanóng. --¡Abá, ang inyó pong amá, na nábibilanggô!--ang sagót n~g militar na may cauntíng pangguiguilalás. --Ang aking amá ... sa bilangguan ... ¿napipiít sa bilangguan? ¿Anó pô ang wicà ninyó? ¿Nakilala pô bâ ninyó ang aking amá? ¿Cayó pô ba'y ...? ang itinanóng n~g binatà at hinawacan sa brazo ang militar. --Sa acalà co'y hindî acó námamalî; si Don Rafael Ibarra. --¡Siyá n~ga, Don Rafael Ibarra!--ang marahang ùlit n~g binatà. --¡Ang boong ísip co'y inyó pong nalalaman na!--ang ibinulóng n~g militar, na puspós n~g habág ang anyô n~g pagsasalitâ, sa canyáng pagcahiwatig sa nangyayari sa cálolowa ni Ibarra; ang acalà co'y inyóng ...; n~guni't tapan~gan ninyó ang inyóng loob! ¡dito'y hindî mangyayaring magtamóng capurihán cung hindî nabibilanggô! --¡Dapat cong acaláing hindî pô cayó nagbíbirô sa akin--ang mulîng sinabi ni Ibarra n~g macaraan ang iláng sandalíng hindî siyá umíimic! ¿Masasabi pô bâ ninyó sa akin cung bakit siyá'y nasasabilangguan? Nag-anyóng nag-iisip-isip ang militar. --Ang aking ipinagtátacang totoo'y cung bakit hindî ipinagbigay alam sa inyó ang nangyayari sa inyóng familia. [Larawan:--¡Binatà, mag-ín~gat pô cayó! ¡Mag-aral cayó sa inyóng amá!--anáng teniente sa canyá.--Imp. de M. Fernández Paz, 447, Sta Cruz.] --Sinasabi sa akin sa canyáng hulíng sulat, na may isáng taón na n~gayón, na huwág daw acóng maliligalig cung dî niya acó sinusulatan, sa pagcá't marahil ay totoong marami siyang pinakikialamán; ipinagtatagubilin sa aking magpatuloy acó n~g pag-aaral ... at ¡benebendicìonan acó! --Cung gayó'y guinawâ niyá ang sulat na iyán sa inyó, bago mamatay; hindî malalao't mag-íisang taón n~g siyá'y aming inilibíng sa inyóng bayan. --¿Anóng dadahilana't nábibilanggô ang aking amá? --Sa cadahilanang totoong nacapagbíbigay puri. N~guni't sumama pô cayó sa aki't acó'y paroroon sa cuartel; sasabihin có han~ggáng tayo'y lumalacad. Cumapit pô cayó sa aking brazo. Hindî nan~gag-imican sa loob n~g sandalî; may anyóng nagdidilidili ang matandâ at wari'y hiníhin~gi sa canyáng "perilla,"[99] na hinihimashimas, na magpaalaala sa canyá. --Cawan~gis n~g lubós pô ninyóng pagcatalastás--ang ipinasimulâ n~g pagsasalitâ--ang amá pô ninyó'y siyáng pan~gulo n~g yaman sa boong lalawigan, at bagá man iniibig siyá't iguinagalang n~g marami, ang m~ga ibá'y pinagtatamnan namán siyá n~g masamáng loob, ó kinaíinguitán. Sa casaliwàang palad, camíng m~ga castilang naparito sa Filipinas ay hindî namin inuugalì ang marapat naming ugalíin: sinasabi co itó, dahil sa isá sa inyóng m~ga nunong lalaki at gayón din sa caaway n~g inyóng amá. Ang waláng licát na paghahalihalilí, ang capan~gitan n~g asal n~g m~ga matataas na púnò, ang m~ga pagtatangkilic sa di marapat, ang camurahan at ang caiclîan n~g paglalacbay-bayan, ang siyáng may sála n~g lahát; pumaparito ang lalong masasamâ sa Península, at cung may isáng mabaít na máparito, hindî nalalao't pagdaca'y pinasásamâ n~g m~ga tagarito rin. At inyóng talastasíng maraming totoong caaway ang inyóng amá sa m~ga cura at sa m~ga castílà. Dito'y sandalíng humintô siyá. --N~g macaraan ang iláng buwán, búhat n~g cayó po'y umalís, nagpasimulâ na ang samàan n~g loob nilá ni párì Dámaso, na dî co masabi ang tunay na cadahilanan. Biníbigyang casalanan siyá ni párì Dámasong hindî raw siyá nagcucumpisal: n~g una'y dating hindî siyá nan~gun~gumpisal, gayón ma'y magcaìbigan siláng matalic, na marahil natatandaan pa pô ninyó. Bucód sa rito'y totoong dalisay ang capurihán ni Don Rafael, at higuít ang canyáng pagcabanál sa maraming nan~gagcucumpisal at nan~gagpapacumpisal: may tinútunton siyá sa canyáng sariling isáng cahigpithigpitang pagsunód sa atas n~g magandáng asal, at madalás sabihin sa akin, pagca násasalitâ niyá ang m~ga sámàang itó n~g loob: "Guinoong Guevara, ¿sinasampalatayanan po bâ ninyóng pinatatawad n~g Dios ang isáng mabigát na casalanan, ang isáng cusang pagpatáy sa cápuwâ táo, sa halimbáwà, pagcâ, nasabi na sa isáng sacerdote; na táo rin namáng may catungculang maglihim n~g sa canyá'y sinasaysay, at matacot másanag sa infierno, na siyáng tinatawag na pagsisising "atricion"? ¿Bucod sa duwag ay waláng hiyáng pumapanatag? Ibá ang aking sapantahà tungcól sa Dios--ang sinasabi niyá--sa ganáng akin ay hindî nasasawatâ ang isáng casam-an n~g casam-an din, at hindî ipinatatawad sa pamamag-itan n~g m~ga waláng cabuluháng pag-iyác at n~g m~ga paglilimós sa Iglesia." At inilálagáy niyá sa akin ang ganitóng halimbáwà:--"Cung aking pinatáy ang isáng amá n~g familia, cung dahil sa catampalasanan co'y nabao't nálugamì sa capighatìan ang isáng babae, at ang m~ga masasayáng musmós ay naguíng m~ga dukháng ulila, ¿mababayaran co cayâ ang waláng hanggang Catowiran, cung aco'y cusang pabitay, ipagcatiwalà co ang líhim sa isáng mag-iin~gat na howag máhayag, maglimós sa m~ga cura na siyáng hindî tunay na nan~gagcacailan~gan, bumilí n~g "bula de composición," ó tuman~gistan~gis sa gabí at araw? ¿At ang bao at ang m~ga ulila? Sinasabi sa akin n~g aking "conciencia"[100] na sa loob n~g cáya'y dapat acóng humalili sa táong aking pinatáy, ihandóg co ang aking boong lacás at hanggáng aco'y nabubuhay, sa icágagalíng n~g familiang itóng acó ang may gawâ n~g pagcapahamac, at gayón man, ¿sino ang macapagbibigay n~g capalít n~g pagsintá n~g amá?"--Ganyán ang pan~gan~gatuwiran n~g inyó pong amá, at ang anó mang guinagawa'y isinasangayong láguì sa mahigpit na palatuntunang itó n~g wagás na caasalán, at masasabing cailán ma'y hindî nagbigáy pighatî canino man; baligtád, pinagsisicapan niyáng pawîin, sa pamamag-itan n~g magagandáng gawâ, ang m~ga tan~ging casawìan sa catuwirang, ayon sa canyá'y guinawâ raw n~g canyáng m~ga nunò. Datapuwa't ipanumbalic natin sa canyáng samaan n~g loob sa cura, ang m~ga pagcacaalit na ito'y lumúlubhà; binábangguit siyá ni párì Dámaso buhat sa púlpito, at cung dî tinutucoy siyá n~g boong liwanag ay isáng himalâ, sa pagca't sa caugalian n~g paring iyá'y mahihintay ang lahát. Nakikinikinita co nang masamâ ang cahahangganan n~g bagay na itó. Muling humìntóng sandali ang matandáng Teniente. --Naglílibot n~g panahón iyón ang isáng naguíng sundalo sa artillería, na pinaalís sa hucbó dahil sa malabis na cagaspan~gán n~g canyáng ásal at dahil sa camangman~gang labis. Sa pagca't kinacailan~gan niyáng mabuhay, at hindi pahintulot sa canyá ang magtrabajo n~g mabigát na macasisirà n~g aming capurihan[101], nagtamó siyá, hindî co alám cung sino ang sa canyá'y nagbigáy, n~g catungculang pagca maninin~gil n~g buwís n~g m~ga carruaje, calesa at ibá pang sasacyán. Hindî tumanggáp ang abâ n~g anó mang túrò, at pagdaca'y napagkilala n~g m~ga "indio" ang bagay na itó: sa ganang canilá'y totoong cahimahimalâ, na ang isang castilà'y hindî marunong bumasa't sumulat. Pinaglilibacan ang culang palad, na pinagbabayaran n~g cahihiyan ang násisin~gil na buwís, at nalalaman niyáng siyá ang hantun~gan n~g libác, at ang bagay na itó'y lalong nacáraragdag n~g dating masamâ at magaspáng niyang caugalîan. Sadyang ibinibigay sa canyá ang m~ga sulat n~g patumbalíc; nagpapaconwarî siya namáng canyang binabasa, at bago siyá pumifirma cung sáan nakikita niyang waláng sulat, na ang parang kinahig n~g manóc na canyáng m~ga letra'y siyáng larawang tunay n~g canyáng cataohan; linálan~gap niyá ang masasacláp na cairin~gang iyón, n~guni't nacacasin~gil siyá, at sa ganitóng calagayan n~g canyang loob ay hindi siyá gumagalang canino man, at sa inyóng ama'y nakipagsagutan n~g lubhang mabibigat na m~ga salitâ. Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác sa m~ga dî makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu." Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castilà, hinawacan siyá sa brazo at pinagwicaan siyá n~g mabibigát. Ang castilàng marahil ang tin~gín sa lahát ay mapulá na, ibinuhat ang camáy, n~guni't hindî siyá binigyang panahón n~g inyong amá, at tagláy iyáng lacás na nagcácanulô n~g pagca siyá'y apó n~g m~ga vascongado ... anáng ibá'y sinuntóc daw, anáng ibá namá'y nagcasiyá, na lamang sa pagtutulac sa canyá; datapowa't ang nangyari'y ang tao'y umúgà, napalayô n~g iláng hacbáng at natumbáng tumamà, ang úlo sa bató. Matiwasay na ibinan~gon ni Don Rafael ang batang may sugat at canyáng dinalá sa tribunal[102]. Sumuca n~g dugô ang naguing artillerong iyón at hindî na natauhan, at namatáy pagcaraan n~g iláng minuto. Nangyari ang caugalìan, nakialám ang justicia, piniit ang inyóng amá, at n~g magcagayo'y nan~gagsilitáw ang m~ga lihim na caaway. Umulán ang m~ga paratang, isinumbóng na siyá'y filibustero at hereje: ang maguing "hereje" ay isáng casawîang palad sa lahát n~g lugar, lalong lalo na n~g panahóng iyóng ang "alcalde"[103] sa lalawiga'y isáng taong nagpaparan~galang siyá'y mapamintacasi, na casama ang canyáng m~ga alílang nagdárasal n~g rosario sa simbahan n~g malacás na pananalitâ, marahil n~g marinig n~g lahat at n~g makipagdasal sa canya; datapuwa't ang maguíng filibustero ay lalong masamâ cay sa maguíng "hereje," at masamâ pang lalò cay sa pumatáy n~g tatlóng máninin~gil n~g buwís na marunong bumasa, sumulat at marunong magtan~gîtangì. Pinabayàan siyá n~g lahát, sinamsám ang canyáng m~ga papel at ang canyáng m~ga libro. Isinumbóng na siyá'y tumátanggap n~g "El Correo de Ultramar" at n~g m~ga periódicong gáling sa Madrid; isinumbóng siya, dahil sa pagpapadalá sa inyó sa Suiza alemana; dahil sa siyá'y násamsaman n~g m~ga sulat at n~g larawan n~g isáng paring binitay, at ibá pang hindî co maalaman. Kinucunan n~g maisumbóng ang lahát n~g bágay, sampô n~g paggamit n~g bárong tagalog, gayóng siyá'y nagmulâ sa dugóng castilà[104]. Cung naguing ibá sana ang inyóng amá, marahil pagdaca'y nacawalâ, sa pagcá't may isáng málicong nagsaysáy, na ang ikinamatáy n~g culang palad na maninin~gil ay mulâ sa isáng "congestión"[105]; n~guni't ang canyáng cayamanan, ang canyáng pananalig sa catuwiran at ang canyáng galit sa lahát n~g hindî naaayon sa cautusán ó sa catuwiran ang sa canyáng nan~gagpahamac. Acó man, sacali't malakí ang aking casuclamán sa pagluhog sa paggawâ n~g magalíng nino man, humaráp acó sa Capitán General, sa hinalinhan n~g ating Capitán General n~gayón; ipinaliwanag co sa canyáng hindî mangyayaring maguíng "filibustero" ang tumatangkilik sa lahát n~g castilang dukhâ ó naglalacbay rito, na pinatutuloy sa canyáng bahay at pinacacain at ang sa canyáng m~ga ugát ay tumátacbo pa ang mapagcandiling dugóng castílà; ¡nawaláng cabuluháng isagót co ang aking úlo, at ang manumpâ acó sa aking carukhâan at sa aking capuriháng militar, at walâ acó n~g nasunduan cung dî magpakita sa akin n~g masamáng pagtanggáp, pagpakitâan acó n~g lalong masamâ sa aking pagpapaalam at ang pamagatán acó n~g "chiîlado"[106]! Humintô ang matandâ n~g pananalità upang magpahin~gá, at n~g canyáng mahiwatigan ang hindî pag-imíc n~g canyáng casama, na pinakikinggan siyá'y hindî siyá tinítinguan, ay nagpatuloy: --Nakialam acó sa usapín sa cahin~gian n~g inyóng amá. Dumulóg acó sa bantóg na abogadong filipino, ang binatang si A--; n~guni't tumangguí sa pagsasanggalang.--"Sa akin ay matatalo"--ang wicà sa akin.--Panggagalin~gan ang pagsasanggaláng co n~g isáng bagong sumbong na laban sa canyá at marahil ay laban sa akin. Pumaroon pô cayó cay guinoong M--, na masilacbóng manalumpátì, taga España at lubháng kinaaalang-alan~ganan. Gayón n~ga ang aking guinawâ, at ang balitang abogado ang nan~gasiwa sa "causa" na ipinagsanggalang n~g boong catalinuhan at caningnin~gán. Datapwa't marami ang m~ga caaway, at ang ilá'y m~ga líhim at hindî napagkikilala. Saganà ang m~ga sacsíng sabuát, at ang caniláng m~ga paratang, na sa ibang lugar ay mawawal-ang cabuluhán sa isáng salitang palibác ó patuyâ n~g nagsásanggalang, dito'y tumitibay at tumítigas. Cung nasusunduan n~g abogadong mawaláng cabuluhán ang caniláng m~ga bintáng, sa pagpapakilala n~g pagcacalabán-lában n~g canicanilang saysáy at n~g m~ga saysáy niláng sarili, pagdaca'y lumálabas ang m~ga ibáng sumbóng. Isinusumbóng niláng nan~gamcám siyá n~g maraming lúpà, hinin~gán siyáng magbayad n~g m~ga casiráan at m~ga caluguiháng nangyari; sinabi niláng siya'y nakikipagcaibigan sa m~ga tulisán, upang pagpitaganan nilá ang kanyáng m~ga pananím at ang canyáng m~ga hayop. Sa cawacasa'y nagulóng totoo ang usapíng iyón, na anó pa't n~g maguíng isáng taòn na'y waláng nagcacawatasáng sino man. Napilitang iwan n~g "alcade"[107] ang canyáng catungculan, hinalinhán siyá n~g ibang, ayon sa balita'y, masintahin sa catuwiran, n~guni't sa casaliwâang palad, ito'y iláng buwán lamang nanatili roon, at ang napahalili sa canyá'y napacalabis naman ang pagca maibiguín sa mabuting cabayo. Ang m~ga pagtitiis n~g hirap, ang m~ga samâ n~g loob, ang m~ga pagdarálitâ sa bilangguan, ó ang canyáng pagpipighatî n~g canyáng mapanood ang gayóng caraming gumaganti n~g catampalasanan sa guinawâ niyá sa caniláng m~ga cagalin~gan, ang siyáng sumirà sa catibayan n~g canyáng catawang bacal, at dinapúan siyá, niyáng sakít na ang libin~gan lamang ang nacagagamot. At n~g matatapos na ang lahát, n~g malapit n~g tamuhín niyá, ang cahatuláng siyá'y waláng casalanan, at hindî catotohanang siyá'y caaway n~g Bayang España, at di siyá, ang may sala n~g pagcamatáy n~g máninin~gil, namatáy sa bilanggúang walâ sino man sa canyáng tabí. Dumatíng acó upang mapanood ang pagcalagót n~g canyáng hinin~gá. Tumiguil n~g pananalitâ ang matandâ; hindi nagsalitâ si Ibarra n~g anó man. Samantala'y dumatíng silá sa pintúan n~g cuartel. Humintô ang militar, iniabót sa canyá ang camáy at nagsabi: --Binatà, ipagtanóng ninyó cay Capitang Tiago ang m~ga paliwanag. N~gayó'y ¡magandáng gabí pô! Kinacailan~gan cong tingnán cung may nangyayaring anó man. Waláng imìc na hinigpît na mairog ni Ibarra ang payat na camáy n~g Teniente, at hindî cumikibo'y sinundán n~g canyáng m~ga matá itó, hanggáng sa dî na mátanaw. Marahang bumalíc at nacakita siyá n~g isáng nagdaraang carruaje; kinawayán niya ang cochero: --¡Sa Fonda ni Lala!--ang sinabing bahagyâ na mawatasan. --Marahil nanggaling itó sa calabozo--ang inisip n~g cochero sa canyáng sarili, sacá hinaplit n~g látigo ang canyáng m~ga cabayo. TALABABA: [99] Ang balbás na sumisibol sa babà, na pinapag aanyong pera--Ang pera ay ang caraniwang tawaguing "peras." "Pera" pagcâ íisa; "peras" pagcâ dalawá ó marami, ito'y cung sa wícang castilàs sa pagcá't sa wícà natin ay hindî nagbabago ang tawag cung íisa ó marami man. Ipinaliliwanag co itó sa pagca't marami sa m~ga tagalog na sa dî caalaman ay tinatawag na "pera" ó "pira" ang isáng céntimo, sa pagtulad sa m~ga castilàng tinatawag na "perra chica" ang caniláng cuartang ang halaga'y isáng céntimo natin ó "perra grande" pagcâ halagang dalawang céntimo. Asong babae ang cahulugan n~g sabing "perra," at ganito ang itinawag n~g castilà sa canilang cuarta, dahil doo'y may napapanood na isáng leóng ang camukha'y aso.--P.H.P. [100] Catutubong hiyas n~g espíritu n~g tao na siyang tagaacay sa paggawâ niyá n~g anó man. Pagcakilalang tunay n~g casamaang dapat nating pan~gilagan at n~g cagalin~gang dapat nating gawín--P.H.P. [101] Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno n~g España sa Filipinas, hindî ipinahihintulot na ang m~ga castilang lalaki't babae'y gumawâ n~g anó mang may cabígatán, gaya bagá n~g mag-araro, mag-asaról, mag-pahila n~g carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí n~g pagcain sa m~ga pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad n~g maláyò; inaacala n~g m~ga castilang isáng casiraan n~g caniláng puri cung mapanood n~g m~ga filipinong sila'y gumagawa n~g mabigat, at nakikigaya namán sa canilá ang m~ga lahing castilà. Naguíng casabihán tulóy sa catagalugan, dahil sa bagay na itó ang "para ca namáng castila", "para ca namáng señora," sa m~ga lalaki't babaeng tagalog na aayaw magtrabajo n~g mabigát.--P.H.P. [102] N~g panahóng sinasabi ni "Rizal" na nangyari ang sinasaysay sa librong itó, ang tawag sa bahay-bayan (Casa municipal) ay tribunal at ang tawag sa Presidente Municipal ay Gobernadorcillo (maliit na Gobernador) panglibác na pan~galan. Ang Gobernadorcillo'y tagapamahalà n~g bayan, hucóm sa m~ga mumuntíng bagay na usapín, tagausig sa masasamáng tao, taga panin~gíl as m~ga cabeza de barangay, nacaaalam n~g correo at ibá pa.--P.H.P. [103] Waláng anó mang calabisán. Lubhà n~gang catotohanan ang sinasabing itó ni Rizal na sucat na ang alalahanín cung bakit hinatulang mapresidio ang iláng maririlag na guinoong filipino, n~g 1872 dahil sa sinapantahang sila'y m~ga cainalám sa m~ga nangyari sa arsenal n~g Tan~guay n~g taóng iyón. Ang isá sa lalong m~ga calaguímlaguím na sumbóng na guinawâ laban cay Don Antonio Maria Regidor ay ang pagcacuha sa isáng "aparador" n~g canyáng bahay, na "punong-punô n~g alaboc," n~g dalawampong "ejamplar" n~g librong _La Cuestión Colonial_ na sinulat ni Labra. Basahin ang folletong "Carain~gang ipinadalá sa mahál na Hari ni Don Antonio María Regidor, na sinulat ni Don Manuel Silvela: Madrid 1872. Pinagdusahan sa Marianas ni Don Antonio María Regidor ang gayong cakilakilabot na "casalanan." Ang isá pang nagdusa sa presidio dahil sa m~ga gayón ding casalanan ay si Don Máximo Paterno, na ipinagsanggalang n~g hindî malilimot na si Don Germán Gamazo sa ganitóng pananalitâ: "Gayon ma'y hindî piniit ó pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal si Don Máximo Paterno, sa m~ga sandaling malapit na una ó hulí sa panghihimagsíc (sa Tan~guay). Panatag at umaasa sa canyáng sariling pagcawalang malay-sala, nan~gasiwang hayág, sa canyáng m~ga hanap buhay, mulâ n~g ica 21 n~g Enero, nangyari ang panghihimagsic, hangang sa ica 20 n~g Febrero na siya'y dinakíp sa canyáng bahay at inihatid sa cutà n~g Santiago. Pinag-usig siyá sa harap n~g m~ga Tribunal na hindî nacapágligtas sa canyá ang canyáng ganitóng pag-asa at capayapaan n~g loob, na nagpapakilalang maliwanag na hindi siyá sinasalaguimsiman n~g cahi't muntíng panimdín, palibhasa'y talastás, niyang siyá'y walang sala; at ang lalong cahapishapis ay siya'y hinatulang magdusa. Ang siyá'y nasamsamán n~g isáng bilang n~g "El Eco Filipino" (pamahayagang nagsásanggaláng sa Madrid n~g m~ga catuwiran n~g m~ga páring clérigo); ang siya'y umambág n~g caunting salapî sa pagtatatag n~g (pamahayagang) "El Correo de Ultramar" ... ang siyáng m~ga tan~ging cadahilanan mandin n~g hatol na siyá'y magdusa." (Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Consejo Supremo de la Guerra ni Don Máximo Paterno na sinulat ni Don Germán Gamazo:" Madrid, 1873.) Sa "El Correo de Ultramar" ay nan~gagsisulat ang m~ga pantás at macabayang castilang sina D. Ramón Mesonero Romanos, D. Mariano Urrabieta, D. Juan Miguel de Arrambide, D. José González de Tejada, Pedro Antonio de Alarcón, D. José Selgas, Baldomero Mendez, D. V. Guimera, D. José Ferrer de Coute, D. J. M. Bello, D. Luis Mariano de Larra at iba. ¿Naglalathalà bagá, ang "El Correo de Ultramar" n~g ano mang laban sa m~ga castilà? Ito'y catulad cung tanun~gíng: ¿sumulat baga si Rizal, si Marcelo Hilario del Pilar, si Mabínì, si López Jaena n~g ano mang laban sa catagalugan? Gayón ma'y pinag-uusig n~g m~ga fraile bawa't bumabasa n~g "El Correo Ultramar" dahil sa ang pamahayagang iyo'y hindi catoto n~g cadilimán n~g isip na dito'y pinipilit laganap n~g m~ga "cahalili n~g Dios." Ang isá pang napapresidio ay ang sacerdoteng si Don Agustín Mendoza, na naramay rin sa nangyari sa Tan~guay. ¿M~ga cadahilanan? Dingguín ninyó ang canyáng abogadong si Don Rafael Maria de Labra: "ang lahat n~g m~ga sumbong n~g Fiscal laban sa nagsasaysay n~gayón ay maioowi sa dalawá lamang: ang una'y ang paglalaganap n~g isáng lihim na pamahayagang ang pamagát ay "El Globo," na sino may waláng nacapagharáp n~g cahi't isá man lamang na "ejemplar," at ang icalawa'y ang pagpapanucálà n~g m~ga lihim na pagpupulong, bagay na waláng nagbabalitâng policía ó sino mang táo n~g cahi't bahagya man lamang. Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Poder Ejecutivo ni D. Agustin Mendoza", na sinulat ni Don Rafael María de Labra: Madrid, 1878. Sa isáng salita: "antiespañol" (laban sa castilà) "filibustero" at iba pa ang lahát n~g filipinong sa canyáng lupain ay may tagláy n~g m~ga caisipang nauucol sa m~ga calayaan; n~guni't lalonglalò na cung ang m~ga caisipáng iya'y sumasacanyáng bahay sa pamamag-itan n~g m~ga libro ó n~g m~ga pahayagan, cailan ma't dumating ang isang capanahunan, dapat samantalahín ang capanahunang itó upang mapapresidio ang gayóng filipino. Ang ibáng nan~gatitic sa itaas ay sinipi co sa "Vida y Escritosa n~g Dr. Rizal," sinulat ni G. Wenceslao E. Retana. Salamat sa casipagan at catalinuhan n~g guinoong itó'y maraming catotohanang hindî kilala ang n~gayo'y lumilitaw at numiningning.--P.H.P. [104] Ang pagtiguil ó pagcapásalà n~g anomang bagay na m~ga "humor" sa alin mang bahagui n~g catawan. [105] Sirâ ang isip. [106] N~g panahóng iyo'y naititipon sa alcalde ang m~ga catungculang pagca hucóm, gobernador civil administrador n~g Hacienda, Subdelegado n~g Fondos Locales, administrador n~g Correos at iba pa.--P.H.P. [107] Ang dalawang salamíng na sa m~ga tila bumbóng na tansô ó bacal, na cung doon sumílip ang sinó man ay nacacakita n~g m~ga na sa malayò.--P.H.P. =V.= =ISANG BITUIN SA GABING MADILIM= Nanhíc si Ibarra sa canyáng cuarto, na nasadacong ilog, nagpatihulóg sa isáng sillón, at canyáng pinagmasdán ang boong abót n~g tin~gin, na malakí ang natatanaw, salamat sa nacabucás na bintanà. Totoong maliwanag, sa caramihan n~g ilaw, ang catapát na báhay sa cabiláng ibayo, at dumárating hanggáng sa canyáng "cuarto" ang m~ga masasayáng tínig n~g m~ga instrumentong may cuerdas ang caramihan.--Cung hindî totoong guló ang canyáng isip, at cung siyá sana'y maibiguíng macaalam n~g m~ga guinágawâ n~g capowâ táo'y marahil ninais niyáng mapanood, sa pamamag-itan n~g isáng gemelos[108], ang nangyayari sa kinalalagyán n~g gayóng caliwanagan; marahil canyáng hinan~gâan ang isá, riyán sa m~ga cahimáhimaláng napapanood, isá riyán sa m~ga talinghagang napakikita, na maminsanminsang nátitingnan sa m~ga malalakíng teatro sa Europa, na sa marahan at caayaayang tínig n~g orquesta ay nakikitang sumisilang sa guitnâ n~g isáng ulán n~g iláw, n~g isáng bumúbugsong agos n~g m~ga diamante at guintô, sa isáng cárikitdìkitang m~ga pamuti, nababalot n~g lubháng manipís at nan~gan~ganinag na gasa ang isáng diosa, ang isáng "silfide"[109] na lumalacad na halos hindî sumasayad ang paa sa tinatapacan, naliliguid at inagaapayanan n~g maningning na sinag: sa canyáng pagdatíng ay cusang sumisilang ang m~ga bulaclác, nagbíbigay galác, ang m~ga sayáw, nan~gapupucaw ang matimyás na tugtugan, at ang m~ga pulutóng n~g m~ga díablo, m~ga ninfa[110], m~ga sátiro[111], m~ga génio[112], m~ga zagala[113], m~ga ángel m~ga pastor ay sumásayaw, guinagalaw ang m~ga pandereta, nan~gagpapaliguidliguid at inihahandog n~g bawa't isá sa paanan n~g diosa ang canícaniláng alay. Napanood sana ni Ibarra ang cagandagandahang dalagang timbáng at matowíd ang pan~gan~gatawán, tagláy ang mainam na pananamít n~g m~ga anác na babae n~g Filipinas, na nangguíguitnâ sa nacaliliguid na sarisaring táo na masasayáng cumikilos at nan~gagcucumpasan. Diyá'y may m~ga insíc, m~ga castilà, m~ga filipino m~ga militar, m~ga cura, m~ga matatandáng babae, m~ga dalaga, m~ga bagongtao, at ibá pa. Na sa tabí n~g diosang iyón si párì Dámaso, at si párì Dámaso'y n~gumín~giting catulad n~g isáng nasacaluwalhatîan; si Fr. Sibyla ay nakikipagsalitaan sa canyá, at iniaayos ni Doña Victorina sa canyáng pagcagandagandang buhóc ang isáng tuhog na m~ga perla at m~ga brillante, na cumíkislap n~g sarisaring kináng n~g culay n~g bahaghárì. Siyá'y maputî, nápacaputî marahil, ang m~ga matáng halos laguing sa ibabâ ang tin~gín ay pawang nan~gagpapakilala n~g isáng cálolowang cálinislinisan, at pagcâ siyá'y n~gumín~gitî at nátatanyag ang canyáng mapuputî at malilìt na m~ga n~gípin, masasabing ang isáng rosa'y bulaclác lamang n~g cahoy, at ang garing ay pan~gil n~g gadya[114] lamang. Sa pag-itan n~g nan~gan~ganinag na damít na piña at sa paliguid n~g canyáng maputî at linalic na líig ay "nan~gagkikisapan," gaya n~g sabi n~g m~ga tagalog, ang masasayáng m~ga matá, n~g isáng collar na m~ga brillante. Isáng lalaki lamang ang tila mandin hindî dumaramdam n~g canyáng maningníng na akit: itó'y isáng batà pang franciscano, payát, nanínilaw, putlâin, na tinátanaw na dî cumikilos ang dalaga, buhat sa maláyò, cawán~gis n~g isáng estátua[115], na halos hindî humíhin~gá. Datapuwa't hindî nakikita ni Ibarra ang lahát n~gitó: napapagmasdan n~g canyáng m~ga matá ang ibáng bagay. Nacúculong ang isáng munting luang n~g apat na hubád at maruruming pader; sa isá sa m~ga pader, sa dácong itáas ay may isáng "reja"; sa ibabaw n~g maramí at casuclamsuclam na yapacán ay may isáng baníg, at sa ibabaw n~g baníg ay isáng matandáng lalaking naghíhin~galô; ang matandáng lalaking nahihirapan n~g paghin~gá ay inililin~gap sa magcabicabilà ang m~ga mata at umiiyac na ipinan~gun~gusap ang isáng pan~galan; nag-íisa ang matandáng lalaki; manacanacang náririn~gig ang calansíng n~g isáng tanicalâ ó isáng buntóng-hinin~gáng naglalampasan sa m~ga pader ... at pagcatapos, doon sa maláyò'y may isáng masayáng piguíng, hálos ay isáng mahalay na pagcacatowâ; isáng binata'y nagtátawa, ibinubuhos ang álac sa m~ga bulaclác, sa guitnâ n~g m~ga pagpupuri at sa m~ga tan~ging tawanan n~g m~ga ibá. At ¡ang matandáng lalaki'y catulad n~g pagmumukhà n~ga canyáng amá! ¡ang binata'y camukhâ niyá at canyáng pan~galan ang pan~galang ipinan~gun~gusap na casabáy ang tan~gis! Itó ang nakikita n~g culang palad sa canyáng harapán. Nan~gamatáy ang m~ga ílaw n~g catapát na báhay, humintô ang músìca at ang cain~gayan, n~guni't náririnig pa ni Ibarra ang cahapishapis na sigáw n~g canyáng amá, na hinahanap ang canyáng anác sa canyáng catapusáng horas. Inihihip n~g catahimicán ang canyáng hungcag na hinin~ga sa Maynilà, at warì mandi'y natutulog ang lahát sa m~ga bísig n~g walâ; náririn~gig na nakikipaghalínhinan ang talaoc n~g manóc sa m~ga relój n~g m~ga campanario at sa mapangláw na sigáw na "alerta" n~g nayáyamot na sundalong bantáy; nagpapasimulâ n~g pagsun~gaw ang capirasong bowán; wari n~ga'y nan~gagpapahin~galáy na ang lahát; si Ibarra man ay natutulog na ri't marahil ay napagál sa canyáng malulungcot na m~ga caisipán ó sa paglalacbáy. N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git. Namutlâ at nawalâ ang bituwin, nawalâ rin ang m~ga bahagyáng sínag nang nagpápatay na bowán; n~guni't hindî cumilos ang fraile sa canyáng kinálalagyan: niyao'y minamásdan niyá, ang malayong abót n~g tin~ging napapawî sa ulap n~g umaga sa dacong Bagumbayan, sa dacong dagat na nágugulaylay pa. TALABABA: [108] Espiritung nananahan sa alang alang. [109] Alín man sa m~ga diosang nananahán sa tubig, sa m~ga gubat at sa iba pa. [110] Isáng semidios ó pan~galawang dios na ang calahati'y tao't calahati'y cambíng. [111] Dios na lumilikha n~g lahát n~g bagay, anáng m~ga gentil. [112] Ang dalagang bukid. [113] Elefante. Hindî malayong n~g caunaunaha'y nagcaroon n~g elefante dito sa Filipinas, caya sa wicà natin ay may sadyáng tawag, gadya; samantalang napagkikilalang dito'y talagáng dating waláng cabayo, cayâ sa wicà natin ay waláng sariling pan~galan ang hayop na itó na di gaya n~g áso, baboy, manóc at iba pa. [114] Isáng larawang cahoy, bató, tansô ó kacal. [115] Guintô pa panahóng iyón ang salapi sa Filipinas. =VI.= =CAPITANG TIAGO= _Sundin namán ang loob mo dito sa lupa_! Samantalang natutulog ó nag-aagahan ang ating m~ga guinoo'y si Capitang Tiago ang ating pag-usapan. Cailán ma'y hindî tayo naguíng panauhín niyá, walâ n~ga tayong catuwiran ó catungculang siyá'y pawaláng halagá at huwág siyáng pansinín, cahi't sa mahalagáng capanahunan. Palibhasa'y pandác, maliwanag ang culay, bilóg ang catawán, at ang mukhâ, salamat sa saganang tabâ, na alinsunod sa m~ga nalúlugod sa canyá'y galing daw sa lan~git, at anáng m~ga caaway niyá'y galing daw sa m~ga dukhâ, siyá'y mukháng bátà cay sa tunay niyáng gulang: sino ma'y maniniwalang tatatlompo't limang taón lamang siyá. Táong banál ang laguing anyô n~g canyáng pagmumukhâ n~g panahóng nangyayari ang sinasaysay namin. Ang báo n~g canyáng úlong bilóg, maliit at nalalaganapan n~g buhóc na casing itím n~g luyong, mahabà sa dacong harapán at totoong maiclî sa licuran; hindî nagbabago cailán man n~g anyô ang canyáng m~ga matang malilíit man ay dî singkít na gaya n~g sa insíc, mahayap na hindî sapát ang canyáng ilóng, at cung hindî sana puman~git ang canyáng bibíg, dahil sa napacalabís na pagmamascada niyá at pagn~gàn~gà, na sinisimpan ang sapá sa isáng pisn~gí, na siyáng nacasisirà n~g pagcacatimbang n~g tabas n~g mukhâ, masasabi naming totoong magalíng ang canyáng paniniwalà at pagpapasampalatayáng siyá'y magandáng lalaki. Gayón mang napapacalabis ang canyáng pananabaco't pagn~gàn~gà ay nananatiling mapuputî ang canyáng m~ga sariling n~gipin, at ang dalawang ipinahirám sa canyá n~g dentista, sa halagáng tiglalabing dalawang piso ang bawa't isá. Ipinalalagay na siyá'y isá sa m~ga lalong m~ga mayayamang "propietario"[116] sa Binundóc, at isá sa lalong m~ga pan~gulong "hacendero"[117], dahil sa canyáng m~ga lúpà sa Capampan~gan at sa Laguna n~g Bay, lalonglalò na sa bayan n~g San Diego, na doo'y itinataas taón taón ang buwis n~g lúpà. Ang San Diego ang lalong naiibigan niyáng báyan, dahil sa caligaligayang m~ga páliguan doon, sa balitang sabun~gán, ó sa m~ga hindî niyá nalilimot na canyáng naaalaala: doo'y nátitira siyá n~g dalawáng buwán sa bawa't isáng taón, ang cadalian. Maraming m~ga báhay si Capitang Tiago sa Santo Cristo, sa daang Anloague at sa Rosario. Siyá't isáng insíc ang may hawác n~g "contrata" n~g opio at hindî n~ga cailan~gang sabíhing silá'y nan~gagtutubò n~g lubháng malakí. Siyá ang nagpapacain sa m~ga bilanggô sa Bilibid at nagpapádala n~g damó sa maraming m~ga pan~gulong báhay sa Maynilà; dapat unawâing sa pamamag-itan n~g "contrata." Casundô niyá ang lahát n~g m~ga pinunò, matalinò, magalíng makibagay at may pagcapan~gahás, pagcâ nauucol sa pagsasamantalá n~g m~ga pagcâ iláng n~g ibá; siyá ang tan~ging pinan~gan~ganibang capan~gagáw n~g isáng nagn~gan~galang Perez, tungcól sa m~ga "arriendo" at m~ga "subasta" n~g m~ga sagutin ó pan~gan~gatungculang sa towi na'y ipinagcacatiwálâ n~g Gobierno n~g Filipinas sa m~ga camáy n~g m~ga "particular"[118]. Cayâ n~ga't n~g panahóng nangyayari ang m~ga bagay na itó, si Capitang Tiago'y isáng taong sumasaligaya; ang ligaya bagáng macacamtan sa m~ga lupaíng iyón n~g isáng táong maliit ang báo n~g úlo: siyá'y mayaman, casundô n~g Dios, n~g Gobierno at n~g m~ga táo. Na siyá'y casundô n~g Dios, itó'y isáng bagay na hindî mapag-aalinlan~ganan: halos masasabing marapat sampalatayanan: waláng cadahilanan upang mácagalit n~g mabaít na Dios, pagcâ magalíng ang calagayan sa lúpà, pagcâ sa Dios ay hindî nakikipag-abot-usap cailán man, at cailán ma'y hindî nagpapautang sa Dios n~g salapî. Cailán ma'y hindî nakipag-usap sa Dios, sa pamamag-itan n~g m~ga pananalan~gin, cahi't siyá'y na sa lalong malalakíng m~ga pagcaguipít; siyá'y mayaman at ang canyáng salapî ang sa canyá'y humahalili sa pananalan~gin. Sa m~ga misa at sa m~ga "rogativa'y" lumaláng ang Dios n~g m~ga macapangyarihan at m~ga palalong m~ga sacerdote. Lumaláng ang Dios, sa canyáng waláng hanggáng cabaitan, n~g m~ga dukhâ, sa iguiguinhawa n~g m~ga mayayaman, m~ga dukháng sa halagáng piso'y macapagdarasal n~g cahi't labing anim na m~ga misterio at macababasa n~g lahát n~g m~ga santong libro, hanggáng sa "Biblia hebráica" cung daragdagan ang bayad. Cung dahil sa isáng malakíng caguipita'y manacánacáng kinacailan~gan ang m~ga saclolo n~g calan~gitan at waláng makita agád cahi't isáng candilang pulá n~g insíc, cung magcagayo'y nakikiusap na siyá sa m~ga santo at sa m~ga santang canyáng pintacasi, at ipinan~gan~gacò sa canilá ang maraming bagay upang silá'y mapilitan at lubós mapapaniwalaang tunay na magalíng ang canyáng m~ga han~gád. Datapuwa't ang totoong lálò niyáng pinan~gan~gacuan at guináganapan n~g m~ga pan~gacò ay ang Virgen sa Antipolong Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje; sapagcá't sa iláng may caliliitang m~ga santo'y hindî n~ga lubháng gumáganap at hindî rin totoong nag-uugaling mahál ang táong iyón; ang cadalasa'y pagcâ kinamtán na niyá ang pinipita'y hindî na muling nágugunítà ang m~ga santong iyón; tunay n~ga't hindî na namán silá mulíng liniligalig niyá, at cung sacali't napapanaho'y talastás ni Capitáng Tiagong sa calendario'y maraming m~ga santong waláng guinágawâ sa lan~git marahil. Bucód sa roo'y sinasapantáhà niyáng malakí ang capangyariha't lacás n~g Virgen de Antipolo cay sa m~ga ibáng Virgeng may dalá mang bastóng pilac, ó m~ga Niño Jesús na hubó't hubád ó may pananamít, ó m~ga escapulario, m~ga cuintás ó pamigkís na cuero ("correa"): marahil ang pinagmumulaàn nitó'y ang pagcâ hindi mápalabirô ang Guinoong Babaeng iyón, mápagmahal sa canyáng pan~galan, caaway n~g "fotografía"[119], ayon sa sacristán mayor sa Antipolo, at sacâ, pagca siya'y nagagalit daw ay nan~gín~gitim na cawan~gis n~g luyong, at nanggagaling namán sa ang ibáng m~ga Virgen ay may calambután ang púsò at mapagpaumanhin: talastás n~g may m~ga táong iniibig pa ang isáng haring "absoluto"[120] cay sa isáng haring "constitucional"[121], cung hindî náriyan si Luis Catorce[122] at si Luis Diez y Seis[123], si Felipe Segundo[124] at si Amadeo Primero[125]. Sa cadahilanan ding itó marahil cayâ may nakikitang m~ga insíc na di binyagan at sampóng m~ga castilang lumalacad n~g paluhód sa balitang sambahan; at ang hindî lamang napag-uusísà pa'y ang cung bakit nan~gagtatanan ang m~ga curang dalá ang salapî n~g casindácsindác na Larawan, napasa sa América at pagdatíng doo'y napacácasal. Ang pintuang iyán n~g salas, na natátacpan n~g isáng tabing na sutlâ ay siyáng daang patun~gó sa isáng maliit na capilla ó pánalan~ginang dî dapat mawalâ sa alin mang báhay n~g filipino: naririyan ang m~ga "dios lar"[126] ni capitan Tiago, at sinasabi naming m~ga "dios lar," sa pagca't lalong minamágaling n~g guinoong ito ang "politeismo"[127] cay sa "monoteismo"[128] na cailan ma'y hindî niyá naabót n~g pag-iisip. Doo'y may napapanood na m~ga larawan n~g "Sacra Familia"[129] na pawang garing mulâ, sa ulo hangang dibdib, at gayon din ang m~ga dacong dulo n~g m~ga camáy at paa, cristal ang m~ga matá, mahahabà ang m~ga pilíc matá at culót at culay guintô ang m~ga buhóc, magagandáng yárì n~g escultura sa Santa Cruz. M~ga cuadrong pintado n~g óleo n~g m~ga artistang taga Pácò at taga Ermita, na ang naroroo'y ang m~ga pagpapasakít sa m~ga santo, ang m~ga himalâ n~g Vírgen at iba pa; si Santa Lucíang nacatitig sa lan~git, at hawác ang ísáng pinggáng kinalalagyan n~g dalawá pang matáng may m~ga pilìc-matá at may m~ga kílay, na catulad n~g napapanood na nacapintá sa "triángulo" n~g Trinidad ó sa m~ga "sarcófago egipcio"[130]; si San Pascual Baylon, San Antonio de Padua, na may hábitong guingón at pinagmámasdang tumatan~gis ang isáng Niño Jesús, na may damit Capitan General, may tricornio[131], may sable at may m~ga botang tulad sa sayáw n~g m~ga musmós na batà sa Madrid: sa ganáng cay Capitan Tiago, ang cahulugan n~g gayóng anyó'y cahi't idagdág n~g Dios sa canyáng capangyarihan ang capangyarihan n~g isáng Capitang General sa Filipinas, ay paglalaruan din siyá n~g m~ga franciscano, na catulad n~g paglalarò sa isáng "muñeca" ó larauang taotauhan. Napapanood din doon ang isáng San Antonio Abad, na may isáng baboy sa tabí, at ang ísip n~g carapatdapat na Capitan, ang baboy na iyó'y macapaghihimalâng gaya rin ni San Antonio, at sa ganitóng cadahilana'y hindî siyá, nan~gan~gahás tumawag sa hayop na iyón n~g "baboy" cung dî "alágà n~g santo señor San Antonio;" isáng San Francisco de Asís na may pitông pacpác at may hábitong culay café, na nacapatong sa ibabaw n~g isáng San Vicente, na walâ cung dî dádalawang pacpac, n~guni't may dalá namáng isáng cornetín; isáng San Pedro Mártir na biyác ang ulo, at tan~gan n~g isáng dî binyagang nacaluhod ang isâng talibóng n~g tulisán, na na sa tabi n~g isáng San Pedro na pinuputol ang tain~ga n~g isáng moro, na marahil ay si Malco, na nan~gan~gatlabi at napapahindîc sa sakít, samantalang tumatalaoc at namamayagpag ang sasabun~ging nacatuntong sa isáng haliguing "dórico"[132], at sa bagay na ito'y inaacalà ni Capitang Tiago, na nacararating sa paguiguîng santo ang tumagâ at gayon din ang mátagà. ¿Sino ang macabibilang sa hucbóng iyón n~g m~ga larawan at macapagsasaysay n~g m~ga canicanyáng tún~go't m~ga cagalin~gang doo'y natitipon?!Hindî n~ga magcacasiyang masabi sa isáng capítulo lamang! Gayón ma'y sasabihin din namin ang isáng magandang San Miguel, na cahoy na dinorado at pinintahán, halos isáng metro ang táas: nan~gan~gatábì ang arcángel, nanglilisic ang m~ga mata, cunót ang noo at culay rosa ang m~ga pisn~gí; nacasuot sa caliwáng camay ang isáng calasag griego, at iniyayambâ n~g canan ang isang kris joloano, at handang sumugat sa namimintacasi ó sa lumapit sa canyá, ayon sa nahihiwatigan sa canyáng acmâ at pagtin~gíng hindî ang tun~go'y sa demoniong may buntót at may m~ga sun~gay na ikinacagat ang canyáng m~ga pan~gil sa bintíng dalaga n~g arcángel. Hindî lumalapit sa canyá cailán man si Capitang Tiago, sa tacot na bacâ maghimalâ. ¿Mamacailán bagáng gumaláw na parang buháy ang hindî lamang iisáng larawan, cahi't anóng pagcapan~gitpan~git ang pagcacágawang gaya n~g m~ga nanggagaling sa m~ga carpintería sa Paete, at n~g man~gahiyâ at magcamít caparusahán ang m~ga macasalanang hindî nananampalataya? Casabiháng may isáng Cristo raw sa España, na nang siyá'y tawaguing sacsí n~g m~ga nan~gacò sa pagsinta, siyá'y sumang-ayo't nagpatotoo, sa pamamag-itan n~g minsang pagtan~gô n~g úlo sa haráp n~g hucóm; may isáng Cristo namáng tinanggál sa pagcapácò ang canang camáy upang yacapin si Santa Lutgarda; at ¿anó? hindî ba nababasa ni Capitang Tiago sa isáng maliit na librong hindî pa nalalaong inilalathalà, tungcol sa isáng pagsesermong guinawâ sa pamamag-itan n~g tinan~gòtan~gô at kinumpáscumpás n~g isáng larawan ni Santo Domingo sa Soriano? Waláng sinabing anó man lamang salitâ ang santo; n~guni't naacalà ó inacalà n~g sumulat n~g librito, na ang sinabi ni Santo Domingo sa canyáng m~ga tinan~gòtan~gô at kinumpáscumpás ay ipinagbibigay alâm ang pagcatapos n~g santinacpán[133] ¿Hindi ba sinasabi namáng malaki ang pamamagà n~g isáng pisn~gi cay sa cabilâ n~g Virgen de Luta n~g bayan n~g Lipá at capol n~g putic ang m~ga laylayan n~g canyáng pananamít? ¿Hindi bâ itó'y lubós na pagpapatotoong ang m~ga mahál na larawa'y nagpapasial din namá't hindî man lamang itinataas ang caniláng pananamít, at sinásactan din namán silá n~g bagang, na cung magcabihira'y tayo ang dahil? ¿Hindi bâ namasdán n~g canyáng sariling matang maliliit ang lahát n~g m~ga Cristo sa sermón n~g "Siete Palabra"[134] na gumágalaw ang úlo at tumatan~gong macaitló, na siyáng nacaaakit sa pagtan~gis at sa m~ga pagsigáw n~g lahát n~g m~ga babae at n~g m~ga calolowang mahabaguing talagáng m~ga taga lan~git? ¿Anó pa? Napanood din namán naming ipinakikita n~g pári sa m~ga nakíkinig n~g sermón sa canyá sa oras n~g pagpapanaog sa Cruz cay Cristo ang isáng panyóng punô n~g dugô, at camí sana'y tatan~gis na sa malaking pagcaáwà, cung di lamang sinabi sa amin n~g sacristan, sa casaliwang palad n~g aming cálolowa, na iyón daw ay birò lamang: ang dugóng iyon-anya-ay sa inahíng manóc, na pagdaca'y inihaw at kinain, baga ma't Viernes Santo ... at ang sacristan ay matabâ. Si Capitang Tiago n~ga, palibhasa'y taong matalinò at banál, ay nag-iin~gat na huwag lumapit sa Krís ni San Miguel.--¡Lumayô tayo sa m~ga pan~ganib!--ang sinasabi niyá sa canyáng sarili--nalalaman co n~g isáng arcángel; ¡n~guni't hindî, walâ acong tiwalà! ¡walâ acong tiwalà! Hindî dumaráan ang isáng taóng hindî siyá nakikidaló sa pagpasa Antipolong malaki ang nagugugol, na ang dalá'y isáng orquesta: cung nároroon na'y pinagcacagulan niyá ang dalawá sa lubháng maraming m~ga misa de graciang guinágawâ sa boong tatlóng siyám, at sa m~ga ibáng araw na hindî guinágawâ ang pagsisiyám, at nalíligò pagcatapos sa bantóg na "batis" ó bucál, na ayon sa pinasasampalatayana'y naligò roon ang mahál na larawan. Nakikita pa n~g m~ga mapamintacasing táo ang m~ga bacás n~g m~ga páa at ang hilahis n~g buhóc n~g Vírgen de la Paz sa matigás na bató, n~g pigaín niyá ang m~ga buhóc na iyón, anó pa't waláng pinagibhan sa alín mang babaeng gumagamit n~g lan~gis n~g niyóg, at para manding patalím ang canyáng m~ga buhóc, ó cung dili cayá'y diamante at waláng pinag-ibhán sa may sanlibong tonelada ang bigát. Ibig sana naming ihaplít n~g cagulatgulat na larawan ang canyáng mahál na buhóc sa m~ga matá n~g m~ga táong mapamintacasing itó, at canyáng tuntun~gan ang caniláng dilà ó úlo.--Doón sa tabí rin n~g bucál na iyón ay dapat cumain si Capitang Tiago n~g inihaw na lechón, dalág na sinigáng sa m~ga dahon n~g alibangbang, at ibá pang m~ga lutong humiguít cumulang ang saráp. Mahiguíthiguít sa apat na raang piso ang nagugugol sa canyá sa dalawáng misang iyón, datapuwa't maipalálagay na múra, cung pag-iisip-isipin ang capuriháng tinatámo n~g Iná n~g Dios sa m~ga ruedang apóy, sa m~ga cohete, sa m~ga "berso," at cung babalacbalakin ang pakinabang na kinákamtan sa bóong isáng taón dahil sa m~ga misang itó. N~guni't hindî lamang sa Antipolo guinagawâ niyá ang canyáng main~gay na pamimintacasi. Sa Binundóc, sa Capampan~gan at sa bayan n~g San Diego: pagcâ magsasabong n~g manóc na may malalakíng pustahan, nagpápadala siyá sa cura n~g m~ga salapíng guintóng úcol sa m~ga misang sa canyá'y magpapálà, at tulad sa m~ga romanong nan~gagtátanong muna sa caniláng m~ga "augur"[135] bago makipaghamoc, na pinacacaing magalíng ang caniláng m~ga sisiw na iguinagalang; pinagtatanun~gan din ni Capitang Tiago ang canyáng sariling m~ga "augur"; n~guni't tagláy ang m~ga pagbabagong hatol n~g m~ga panahón at n~g m~ga bagong catotohanan. Pinagmámasdan niyá ang nin~gas n~g m~ga candílà, ang úsoc n~g incienso, ang voces n~g sacerdote at ibá pa, at sa lahát n~g bagay pinagsisicapan niyáng mahiwatigan ang canyáng maguiguing palad. Pinaniniwalaang bihirang matalo si Capitáng Tiago sa m~ga pakikipagpustahan, at ang canyáng manacânacang pagcatalo'y nagmúmulâ sa m~ga cadahilanang ang nagmisa'y namámalat, cacaunti ang m~ga ílaw, masebo ang m~ga "cirio"[136], ó napahalò cayâ ang isáng achoy sa m~ga salapîng ipinagpamisa, at ibá pa: ipinaaninaw sa canyá n~g celadon n~g isáng Cofradía, na ang gayóng pagcápalihis n~g palad ay m~ga pagtikím lamang sa canyá n~g Lan~git, at n~g lalong mapapagtibay siyâ sa canyáng pananampalataya at pimimintacasi. Kinalúlugdan n~g m~ga cura, iguinagalang n~g m~ga sacristán, sinusúyò n~g magcacandiláng insíc at n~g m~ga castillero, si Capitang Tiago'y lumiligaya sa religión dito sa lupà, at sinasabi n~g m~ga matataas at banal na m~ga táong sa lan~git man daw ay malakí rin ang lacás n~g canyáng capangyarihan. Na siyá'y cásundò n~g Gobierno, ang baga'y na itó'y hindî dapat pag alinlan~ganan, bagá man tíla mandín may cahirapang itó'y mangyari. Waláng cáyang umísip n~g anó mang bagong bagay, nagágalac na sa canyáng casalucuyang pamumuhay, cailán ma'y laguing laang tumalima sa catapustapusang Oficial quinto sa lahát n~g m~ga oficina, maghandóg n~g m~ga hítang jamón, m~ga capón, m~ga pavo, m~ga bun~gang cáhoy at halamang gáling sa Sunsông sa alin mang panahón n~g isáng taón. Cung náririn~gig niyáng sinasabing masasamâ ang m~ga tunay na lahing filipino, siyáng hindî nagpapalagay sa sariling dî siyá dalisay na tagalog, nakikipintas siyá at lálò pa manding masamâ ang canyáng guinagawang pagpulà; sacali't ang pinipintasa'y ang m~ga mestizong insíc ó mestizong castilà, siyá nama'y nakíkipintas, marahil sa pagca't inaacalà na niyáng siyá'y dalisay na "ibero"[137]: siyá ang unaunang pumupuri sa lahát n~g m~ga pagpapabuwís, lalo't cung sa licuran nitó'y naáamo'y niyáng may "contrata" ó isáng "arriendo." Lágui n~g may handâ siyáng m~ga orquesta upang bumatì at tumapát sa canino mang m~ga gobernador, m~ga alcalde, m~ga fiscal, at iba pa, sa caniláng m~ga caarawán n~g santong calagyô, caarawán n~g capan~ganacan, pan~gan~ganác ó pagcamatáy n~g isáng camag-anac, sa maiclíng salitá'y ang anó mang pagbabagong lacad n~g pamumuhay na caraniwan. Nagpápagawâ n~g m~ga tuláng pangpuri sa m~ga táong sinabi na, n~g m~ga himnong ipinagdíriwang ang "mabait at mairog na Gobernador; matapang at mapagsicap na Alcalde, na pinaghahandaan sa lan~git n~g palma n~g m~ga banál" (ó palmeta) at iba't iba pang m~ga bagay. Naguíng Gobernadorcillo siyá n~g "gremio" n~g m~ga "mestizong sangley", bagá man maraming nagsitutol, sa pagca't hindî siya nilá ipinalálagay na mestizong insic. Sa dalawáng taóng canyáng pan~gan~gapita'y nacasirà siyá n~g sampóng frac, sampóng sombrerong de copa at anim na bastón: ang frac at sombrero de copa'y sa Ayuntamiento, sa Malacanyáng at sa cuartel; ang sombrero de copa at ang frac ay sa sabun~gan, sa pamilihan, sa m~ga procesión, sa m~ga tindahan n~g m~ga insíc, at sa ilalim n~g sombrero at sa loob n~g frac ay si Capitang Tiagong nagpapawis at nag-eesgrima n~g bastóng may borlas, na nag uutos, naghuhusay at guinugulo ang lahát, tagláy ang isáng cahan~gahan~gàng casipagan at isáng pagcamatimtimang lalò pa manding cahan~gahan~gà. Cayâ n~ga't ipinalalágay n~g m~ga punong macapangyarihang siyá'y isáng magaling na táo, cagandagandahan ang púso, payápà, mápagpacumbabâ, masunurin, mapagpakitang loob, na hindî bumabasa n~g anó mang libro ó periódicong galing sa España, bagá man magalíng mag-wícang castílà; ang tin~gin sa canyá, nilá'y tulad sa pagmamasíd n~g isáng abáng estudiante sa gasgás na tacón n~g canyáng lumà n~g zapato, pakilíng dahil sa anyô n~g canyáng paglacad:--Naguiguing catotohanan, sa calagayan niyá, ang casabihán n~g m~ga cristianong "beati pauperis spiritu"[138] at ang caraniwang casabiháng "beati possidentes"[139], at mangyayaring maipatungcol sa canyá yaóng m~ga sabing griego na anáng ibá'y malî ang pagcacahulog sa wicang castilà: "¡Gloria á Dios en las alturas y paz á los hombres de buena voluntad"[140]! sa pagca't ayon sa makikita natin sa m~ga susunod dito, hindî casucatáng magcaroon ang táo n~g magandáng calooban upang sumapáyapà. Ang m~ga dî gumagalang sa religió'y ipinalálagay siyáng halíng; ipinalálagay siyá n~g m~ga dukháng waláng awà, tampalasan, mapagsamantala n~g cahirapan n~g capuwà, at ipinalálagay naman n~g m~ga mabababà sa canyáng siyá'y totoong malabis umalipin at mapagpahirap. At ¿ang m~ga babae? ¡Ah, ang m~ga babae! Umaalin~gawn~gaw n~g dî cawasà ang m~ga paratang, na naririnig sa m~ga mahihirap na m~ga báhay na pawid, at pinagsasabihang may naririnig daw na m~ga taghóy, m~ga hagulhól, na manacànacang may casamang m~ga uhâ n~g isáng bagong caaanác. Hindî lamang íisang dalaga ang itinuturò n~g daliring mapagsapantahà n~g m~ga namamayan: malamlám ang matá at looy na ang dibdib n~g gayóng dalaga. N~guni't hindî nacabábagabag n~g canyáng pagtulog ang lahát n~g itó; hindî nacaliligalig n~g canyáng catahimican ang sino mang dalaga; isáng matandáng babae ang siyang nacapagpapahirap n~g canyáng loob, isáng matandáng babaeng nakikipagtaasan sa canyá n~g pamimintacasi na naguíng dapat magtamò sa maraming cura n~g lalong malalaking pagpupuri at pagpapaunlác cay sa m~ga kinamtán niyá n~g panahóng siyá'y guinágaling. May banál na pag-uunaháng ikinágagaling n~g Iglesia si Capitang Tiago at sacâ ang babaeng baong itóng pagmamanahan n~g m~ga capatíd at n~g m~ga pamangkín, tulad namán sa pag-aagawán n~g m~ga vapor sa Capangpan~gang pinakikinaban~gan n~g m~ga táong báyan. ¿Naghandóg si Capitang Tiago sa isáng Vírgeng alín man n~g isang bastóng pílac na may m~ga esmeralda at m~ga topacio? Cung gayó'y pagdaca'y nagpapagawâ namán si Doña Patrocinio sa platerong si Gaudinez n~g isáng bastóng guintô na may m~ga brillante. ¿Na nagtayô si Capitang Tiago n~g isáng arcong may dalawáng mukhâ, may balot na damít na pinabintógbintóg, may m~ga salamín, m~ga globong cristal, m~ga lâmpara at m~ga araña, handóg sa procesión nang naval? Cung gayó'y magpapatayô namán si Doña Patrocinio n~g isáng arcong may apat na mukhâ, matáas n~g dalawáng vara sa arco ni Capitang Tiago at lalong marami ang m~ga bítin at ibá pang sarisaring m~ga pamuti. Pagcâ nagcágayo'y guinagamit namán ni Capitang Tiago ang canyáng lalong nagágawang magalíng, ang bagay na canyáng ikinatatan~gì: ang m~ga misang may m~ga bomba't ibá pang pangpasayáng guinagamitan n~g pólvora, at pagnangyari itó'y kinácagat ni Doña Patrocinio n~g canyáng m~ga n~gidn~gid ang canyáng lábì, sa pagca't palibhasa'y totoong mayamutin ay hindî niyá matiis ang "repique" n~g m~ga campanà, at lalò n~g kinalúlupitan niyá ang ugong n~g m~ga putucan. Samantalang si Capitang Tiago'y n~gumín~gitì ay nag-iisip naman si Doña Patrocinio n~g paggantí, at pinagbabayaran niyá n~g salapì n~g m~ga ibá ang lalong magagaling na magsermóng hirang sa limáng m~ga capisanan n~g m~ga fraile sa Maynilà, ang lalong m~ga balitang m~ga canónigo sa Catedral, at sampô n~g m~ga Paulista, at n~g man~gag sermón sa m~ga dakilang araw tungcól sa m~ga saysayin sa Teología[141], na lubhang malalalim sa m~ga macasalanang waláng nalalaman cung dî wicang tindá lamang. Námasid n~g m~ga cacampí ni Capitang Tiago, na si Doña Patrocinio'y nacacatulog samantalang nagsesermon, at sinaságot namán silá n~g m~ga cacampi ni Doña Patrocinio, na ang sermó'y bayád na, at sa ganang canyá'y ang pagbabayad ang siyáng lalong mahalagá. Sa cátapustapusa'y lubós na iguinupò si Capitang Tiago ni Doña Patrocinio, na naghandóg sa isáng simbahan n~g tatlóng andas na pilac, na dinorado, na ang bawa't isa'y pinagcagugulan niyá n~g mahiguít na tatlóng líbong piso. Hinihintay ni Capitang Tiago na bawa't araw ay titiguil n~g paghin~ga ang matandáng babaeng itó, ó matatalo cayâ ang limá ó anim na usapín sa paglilincód lamang sa Dios; ang casamaang palad ay ipinagcásanggalang ang m~ga usaping iyón n~g lalong magagalíng na abogado sa Real Audiencia, at tungcól sa canyáng búhay, waláng sucat na mapanghawacan sa canyá ang sakít, ang cawan~gis niyá'y cawad na patalím, marahil n~g may mapanghinularan ang m~ga cálolowa, at cumacapit dito sa bayan n~g luhang gaya n~g mahigpit na pagcapit n~g galís sa balát n~g táo. Umaasa ang m~ga cacampí ni Doña Patrociniong pagcamatáy nito'y maguiguing "canonizada"[142], at si Capitang Tiago ma'y sásamba sa canyá sa m~ga altar, bagay na sinasang-ayunan ni Capitang Tiago at canyáng ipinan~gan~gaco, mamatáy lamang agád. Gayón n~gâ ang calagayan ni Capitang Tiago n~g panahóng iyón. Tungcól sa panahóng nacaraa'y siyá'y bugtóng na anác n~g isáng mag-aasucál sa Malabóng mayaman din namán ang pagcabuhay, n~guni't nápacaramot, na anó pa't hindî nagcagugol n~g isáng cuarta man lamang sa pagpapaaral sa canyáng anác, caya't naguíng alilâ si Santiaguillo n~g isang mabaít na dominico na pinagsicapang iturò ang lahát n~g maituturò at nalalaman niyá. N~g magtátamo na si Santiago n~g caligayaháng siyá'y tawaguing "lógico", sa macatuwíd bagá'y n~g siyá'y mag-aaral na n~g "Lógica",[143] ang pagcamatáy n~g sa canyá'y nagtatangkilíc, na sinundán n~g pagcamatáy n~g canyáng amá, ang siyáng nagbigáy wacás n~g canyáng m~ga pag-aaral, at n~g magcágayo'y napilitang siyáng man~gasiwà sa paghahanap-buhay. Nag-asawa siyá sa isáng magandáng dalagang taga Santa Cruz, na siyáng tumulong sa canyá sa pagyaman, at siyáng sa canyá'y nagbigáy n~g pagcaguinoo. Hindî nagcásiya si Doña Pia Alba sa pamimili n~g azúcal, café at tínà: ninais niyáng magtaním at umani, at bumilí ang dalawáng bagong casál n~g m~ga lúpà sa San Diego, at mulâ niyao'y naguíng caibigan na siyá ni párì Dámaso at ni Don Rafael Ibarra, na siyáng lalong mayamang mámumuhunan sa bayan. Naguiguing isáng gawáng dapat sisihin ang malabis niláng pag-susumakit sa pagpaparami n~g cayamanan, dahil sa silá'y hindî nagcacaanác, mulâ n~g silá'y mácasal na may anim na taón na, at gayón ma'y matuwid, matabâ at timbáng na timbáng ang pan~gan~gatawán ni Doña Pia. Nawaláng cabuluhán ang canyáng m~ga pagsisiyám, ó "novenario," ang canyáng pagdalaw sa Virgeng Caysasay sa Taal, sa hatol n~g m~ga mapamintacasi; ang pagbibigay niyá, n~g m~ga limós, ang pagsasayáw niyá sa procesión n~g Virgeng Turumbá, sa Pakil, sa guitnâ n~g mainit na araw n~g Mayo. Nawal-ang cabuluháng lahát, hanggang sa siyá'y hinatulan ni párì Dámasong pumaroon sa Obando, at pagdatíng doo'y sumayáw sa fiesta ni San Pascual Baylón, at humin~gî n~g isáng anác. Talastás na nating sa Obando'y may tatlóng nagcacaloob n~g m~ga anác na lalaki at n~g m~ga anác na babae; ang ibiguin: Nuestra Señora de Salambaw, Santa Clara at San Pascual. Salamat sa hatol na ito'y nagdaláng táo si Doña Pía ... ¡ay! tulad sa mán~gin~gisdáng sinasabi ni Shakespeare sa Macbeth, na tumiguil n~g pag-aawít n~g siyá'y macasumpong n~g isáng cayamanan; pumanaw cay Doña Pia ang catowaan, namangláw n~g dî anó lamang at hindî na nakita nino mang n~gumitî.--¡Talagáng ganyán ang m~ga naglílihi--ang sinasabi n~g lahát, sampô ni Capitang Tiago. Isáng lagnát na dumapò sa canyá pagcapan~ganác (fiebre puerperal) ang siyáng nagbigáy wacás sa canyáng m~ga calungcutan, na anó pa't naiwan niyáng ulila ang isáng magandáng sanggól na babae, na inanác sa binyág ni Fr. Dámaso rin; at sa pagca't hindî ipinagcaloob ni San Pascual ang batang lalaking sa canyá'y hiníhin~gì, pinan~galanan ang sanggól n~g Maria Clara, sa pagbibigáy unlác sa Virgen de Salambáw at cay Santa Clara, at pinarusahan ang may dalisay na capuriháng si San Pascual Baylón, sa hindî pagbangguît n~g canyáng pan~galan. Lumakí ang sanggól na babae sa m~ga pag-aalagà ni tia Isabel, ang matandáng babaeng iyóng tulad sa fraile ang pakikipagcapuwà táo na nakita natin sa pasimulâ nitó. Hindî tagláy ni María Clara ang maliliit na m~ga matá, n~g canyáng amá: gaya rin n~g canyáng ináng malalakí ang m~ga matá, maiitím, nalililiman n~g mahahabang m~ga pilíc-matá, masasayá at caayaaya pagcâ naglálarô; malulungcót, hindî mapagcurò at anyóng naggugunamgunam pagcâ hindî n~gumín~gitî. Nang sanggól pa siyá'y culót ang canyáng buhác at halos culay guintô; ang ilóng niyáng magandá ang hayap ay hindî totong matan~gos at hindî namán sapát; ang bibíg ay nagpapaalaala sa maliliit at calugodlugod na bibíg n~g canyáng iná, tagláy ang m~ga catowatowang bíloy sa m~ga pisn~gî; ang balát niyá'y casíng nipís n~g pang-ibabaw na balát n~g sibuyas at maputíng culay búlac, anáng m~ga nahihibáng na m~ga camag-anac, na caniláng nakikita ang bacás n~g pagcâ si Capitang Tiago ang amá, sa maliliit at magandáng pagcacaanyô n~g m~ga tain~ga ni María Clara. Ipinalálagay ni tía Isabél na cayâ may pagca mukháng europeo si María Clara'y dahil sa paglilihí ni Doña Pía; natatandàang madalás nakita niyáng itó'y tumatan~gis sa harapán ni San Antonio, n~g m~ga unang buwán n~g canyang pagbubuntís; gayón din ang isipan n~g isáng pinsang babae ni Capitang Tiago, ang pinagcacáibhan lamang ay ang paghirang n~g santo: sa ganang canyá'y naglihi sa Virgen ó cay San Miguel. Isáng balitang filósofong pinsan ni Capitang Tinong, at nasasaulo ang "Amat" [144], hinahanap ang caliwanagan n~g gayóng bagay sa ikinapangyayari sa calagayan n~g tao n~g m~ga "planeta"[145]. Lumakí si María Clarang pinacaiirog n~g lahát, sa guitnâ n~g m~ga n~giti at pagsinta. Ang m~ga fraile ma'y linalarô siya pagcâ isinasama sa m~ga procesióng puti ang pananamit, nalalala sa canyang malagô at culót na buhóc ang m~ga sampaga at m~ga azucena, may dalawang maliliit na pacpac na pilac at guintóng nacacabit sa licuran n~g canyang pananamít, at may tan~gang dalawang calapating puting may m~ga taling cintas na azul. At sacâ siya'y totoong masaya, may m~ga pananalitang musmós na calugodlugod, na si Capitang Tiago, sa cahiban~gan n~g pag-ibig, ay walang guinagawà cung di pacapurihin ang m~ga santo sa Obando at ihatol sa lahat na sila'y umadhicâ n~g magagandang escultura nila. Sa m~ga lupaing na sa dacong ilaya n~g daigdig, pagdating n~g batang babae sa labing tatló ó labing apat na taón ay dinaratnan na n~g sa panahon, tulad sa buco cung gabi na kinabucasa'y bulaclac na. Sa calagayang iyang pagbabagong anyò, puspós n~g m~ga talinghagà at n~g pagcamaramdamin ang puso, pumasoc si Maria Clara, sa pagsunód sa m~ga hatol n~g cura sa Binundóc, sa beaterio n~g Santa Catalina[146] upang tumanggap sa m~ga monja n~g m~ga turong banal. Tumatan~gis si Maria Clarang nag-paalam cáy parì Dámaso at sa tan~ging catotong canyang calaró-larô buhat sa camusmusan, cay Crisôtomo Ibarra, na pagcatapos ay napa sa Europa naman. Doon sa conventong iyóng sacali't nakikipanayam sa mundo'y sa pamamag-itan n~g m~ga rejang lambal, at sa ilalim pa n~g pagbabantay n~g "Madre-Escucha", natira si María Clarang pitóng taón. Taglay n~g bawa't isa ang canicanicalang inaacalang icagagalíng n~g sariling pagcabuhay, at sa canilang pagcahiwatig n~g hilig n~g isa sa isa n~g m~ga batà, pinagcayarîan ni Don Rafael at ni Capitang Tiago, ang pagpapacasal sa canilang m~ga anac, at sila'y nan~gagtatag n~g samahan. Ang pangyayaring itóng guinawâ n~g macaraan ang ilang taón buhat n~g umalís si Ibarra'y ipinagdiwang n~g dalawang pusong na sa magcabilang dúlo n~g daigdíg at na sa iba't ibang calagayang totoo. TALABABA: [116] Ang may pag aaring bahay ó lúpà. [117] Ang may malalakíng lúpà. [118] Ang waláng catungculang bìgay n~g Gobierno. [119] Ang arte n~g paggawâ n~g larawan sa pamamag-itan n~g m~ga casangcapang guinagamit sa bagay na itó. Natuclasán ang "fotografía" ni Niepce n~g 1814 at pinagbuti ni Daguerre n~g 1839. Nagcamít si Mr. Talbot n~g 1841 n~g "privilegio" n~g ucol sa fotografía sa papel sensible. [120] Ang haring nacagagawâ at nacapag-uutos n~g bawa't maibigan, sa macatowid ay waláng nacaháhadlang na sino man sa canyáng calooban. [121] Tinatawag na haring "constitucional" ang hindî nacapag-uutos n~g bawa't maibigan cung dî ang ipinakikilala n~g Bayang canyáng calooban sa pamamag-itan n~g canyáng m~ga kinácatawáng bumubuô n~g Asemblea ó Congreso, Senado at Consejo n~g m~ga Ministro. [122] Si Luis Catorce ay haring "absoluto" sa Francia; ipinan~ganác n~g taóng 1643 at namatáy n~g 1715. Siyá'y iguinalang at minahál n~g m~ga francés. [123] Si Luis Diez y Seis ay haring "Constitucional," sa macatowid ay haring hindî siyá ang nacapangyayari cung di ang guinágawâ niyá't ipinag-uutos ay ang ipinagágawá't ipinag-uutos n~g m~ga kinacatawán n~g m~ga táong bayan; nagharì sa Francia mula n~g 1774 hanggang 1798. Pinugutan siyá n~g úlo, sampô n~g canyáng asawang si María Antonieta n~g m~ga revolucionario. [124] Si Felipe Segundo ay anác n~g haring Carlos Quinto, at haring "absoluto" sa España. Guinágawà ni Felipe Segundo bawa't maibigan; sa calooban niyá'y waláng nacasasansalà. Halos dî mabilang ang ipinapatay at pinahirapan n~g haring itó sa pamamag-itan n~g Inquisición at iba pa. Sa m~ga guinawâ ni Felipe Segundo nagpasimulâ ang pagguhò n~g halos di maulatang capangyarihan n~g España at n~g halos dî macayang isiping calakhán n~g nasasacop n~g cahariang ito. Gayon ma'y maraming m~ga castilà at lalonglalò na ang m~ga fraile na umiibig n~g di cawasà sa haring "absolutong" ito.--P.H.P. [125] Si Amadeo "Primero" ay haring "constitucional" sa España buhat sa 1870 hanggang sa 1873. Ang haring ito'y mabait, matalino at bayani. Lubós na umiibig sa canyáng pinaghaharîan; n~guni't hindî siyá iniibig, at n~g mahalatâ niyá itó'y nagbitáw siyá n~g canyáng tungcol, at ang pagbibitaw niyáng ito'y siyáng naguíng dahil n~g pagtatag n~g República n~g España (11 n~g Febrero n~g 1873).--P.H.P. [126] Ang bawa't isá sa m~ga dios n~g bahay. [127] Ang palatuntunan n~g m~ga sumasampalataya sa maraming Dios. Sa m~ga táong gaya ni Capitán Tiago'y maiuucol lamang itóng tulâ ni Lucrecio: "Primus in orbe deus fecit timor;" ang tacot ang siyáng pinanggalin~gan n~g m~ga dios.--P.H.P. [128] Palatuntunang walang kinikilala cung dî isáng Dios lamang.--P.H.P. [129] Si Jesús, si María at si Joséf. [130] Libin~gan n~g m~ga taga Egipto. [131] Sombrerong may tatlong dúlo. [132] Isá sa m~ga anyò (orden) n~g arquitectura. [133] Loobin nawa n~g Dios na matuloy ang hulang itó sa sumulat n~g maliit na libro at sa ating lahat na sa canyá'y naniniwalâ--J.R. [134] Pitóng wicâ; datapowa't hindi sinasabi n~g catagalugang "pitóng wicâ" cung di "Siete Palabras." Hindi nagcacaisa ang m~ga Evangelista tungcol sa m~ga sinabi ni Jesús n~g siya'y napapacò na sa Cruz: I. Sinasabi ni San Mateo sa cap. 27, versículo 46 n~g canyáng Evangelio at ni San Marcos sa capítulo 15, versículo 34 n~g canyáng Evangelio, na itó raw lamang ang sinaysay ni Jesús, n~g malapit na ang hora n~g "nona"--ani San Mateo--n~g hora n~g "nona"--ani San Marcos: _Dios co, ¿bakit aco'y pinabayaan mo?_ II. Sinasabi namán ni San Lúcas sa m~ga versículong 34, 43 at 47, n~g capítulo 23 n~g canyáng Evangelio, na itó raw ang m~ga sinaysay ni Jesús n~g napapacò na siyá sa Cruz; 1. _Amá, patawarin mo silá; hindi nalalaman ang caniláng guinagawa._ 2. _Ang catotohana'y sinasabi co sa iyo, n~gayo'y cacasamahin catâ sa Paraiso,_ na bilang casagutan niyá sa isá sa dalawang magnanacaw (na hindî sinasabi sa m~ga Evangelio cung anó ang m~ga pan~galan) na nacapacong gaya rin niya, na sa canyá'y nagsalitâ n~g ganitó: "Alalahanin mo acó cung icaw ay na sa iyong caharian na." 3. _Amá co, sa m~ga camáy mo'y ipinagtatagubilin co ang aking calolowa._ III. At sinabi ni San Juan sa capítulo 19, m~ga versículo 26, 27, 28 at 30 n~g canyáng Evangelio, na itó raw m~ga wicang itó ang sinabi ni Jesús sa canyáng pagca-paco sa Cruz. 1. At sa pagca't nakita ni Jesús ang iná at ang alagád na canyáng sinisintang naroroon, sinabi sa canyáng iná: _Babae, nariyan ang iyóng anác._ 2. Sinabi pagcatapos sa alagad: _Nariyan ang iyong ina._ 3. _Nauuhaw acó._ 4. _Natapos na._ Pinagsamasama n~g Iglesia Católica Apostólica Romana ang m~ga sinabing iyán at siyáng n~ginan~galanang _"Siete Palabras._"--P.H.P. [135] Ang Sacerdote sa Roma na n~g una'y humuhulà n~g m~ga mangyayari sa panahong darating, sa pamamag-itan n~g pagmamasid n~g paglipad at paghuni n~g m~ga ibon. [136] Ang candilang malaki at mahaba. [137] Ang taga Iberia.--Ang Iberia'y ang magcanugnóg na lupang kinalalagyan n~g España at Portugal. [138] Mapapalad ang m~ga may espiritung dukhá [139] Lumiligaya ang nacacacaya sa buhay. [140] _Lumualhati sa Dios sa caitaasan at capayapaan sa m~ga taong may mabuting calooban._--Alinsunod cay Don Lázaro Bardón, catedratico sa Universidad Central sa Madrid, España, ay ganito raw sa wicang castilà ang tunay na cahulugan: _Gloria á Dios en las alturas; en la tierra, paz; entre los hombres; buena voluntad_--Luwalhati sa Dios sa caitaasan; sa lúpa'y capayapaan; sa m~ga táo'y mabuting calooban. [141] Carunun~gang ucol sa Dios at ang sa canyá'y m~ga pinagcacakilanlan. [142] Ilalagay n~g Papa sa Roma sa bilang n~g m~ga santo at santa. [143] Caranun~gang nagpapaunawà n~g m~ga anyô at paraang dapat gawín upang masunduan ang m~ga pagcakilalang magaling n~g m~ga nangyayari. [144] Felix Torres Amat, obispo sa Astorga. Siyá'y ang isá sa m~ga naghulog sa wicang castilà n~g Biblia.--Ang filosofíang sinulat ni Amat. [145] Ang m~ga mundong waláng tiguil n~g mabilís na pagtacbó n~g araw. Cung masdán natin dito sa lupa'y m~ga bituing malamlám ang ningning. Ang m~ga pan~gulong planeta, alinsunod sa canilang láyò sa araw ay ang m~ga sumusunod: Mercurio, Venus, ang Lupang ating tinatahanan, Marte, Júpiter, Saturno at Neptuno. Bucód sa ritó'y marami pang m~ga planetang hindi makita cung dî sa pamamag-itan n~g "telescopio." [146] Itinatag ang beaterio at Colegio n~g Santa Catalina ni Fr. Juan de Santo Domingo, provincial n~g m~ga fraileng dominico n~g taong 1696 at pinasimulán n~g araw n~g cafiestahan ni Santa Ana n~g taóng 1696 din. Ang dahil n~g pagtatayo n~g beaterio at colegiong itó'y n~g may cáligpitan ang m~ga babaeng ibig manatili sa pagcadalaga hanggang nabubuhay. Ang palatuntunan nilá'y ang palatuntunan din n~g Tercer Orden ni Santo Domingo, at nanunumpang tulad sa m~ga fraile, na magpapacalinis n~g catawa't calolowa, magpapacarukhâ at magmamasunurin. Pinapagtibay ang pagcacatayò n~g ligpitang itó n~g m~ga babae n~g Real Despacho na may fechang 17 n~g Febrero n~g 1716 na siyang nagbigay wacás sa m~ga iniharáp na tutol na huwag ipatuloy ang pagtatatag n~g beaterio at colegiong iyán. Inilagáy niláng pintacasi si Santa Catalina de Sena. Ipinag-utos na labinglimang monja de coro lamang ang mátitira roon, bilang paunlác sa labinglimang misterio n~g Rosario. Ipinagcaloob n~g Real Cédula n~g 1732 na macapaglagay n~g isáng simbahan at macagamit n~g isáng campana, at tuloy ipinag-utos na huwag piliting mamalagui ang m~ga monja sa lubós na pagligpit; cung di sa nauucol lamang sa magalíng na pamamanihala n~g beaterio at colegio. Ang palatuntunang sinusunod doon ay di macararaan ang sino mang monja sa pintuang na sa loob n~g convento, na isáng matandang monja ang taga-bantáy; n~guni't sino mang tao'y macapapasoc doon, cailan man at may tan~ging pahintulot ang provincial n~g m~ga dominico. N~g huwag n~g manaog ang m~ga babaeng na sa beaterio at colegio n~g Santa Catalina ay nan~gaglagay ang m~ga paring dominico n~g tuláy na nakikita sa itaas n~g daang San Juan de Letrán, sa loob n~g Maynila at n~g doon magdaan ang m~ga babaeng iyón n~g pagpasa simbahan n~g San Juan de Letrang cacabit naman n~g Colegio n~g m~ga lalaking San Juan de Letran din ang pan~galan, at ang namamahala't nagtuturò'y pawang m~ga fraileng dominico. Sa gayong paraa'y maguinhawa n~ga namán ang pagsimba at pananalan~gin n~g m~ga monja sa simbahan n~g San Juan de Letrán. Bagá man n~g una'y ligpitan ang Santa Catalina n~g m~ga babaeng castilang ibig tumalicod sa m~ga layaw at casayahan sa mundo, hindi nalao't minagaling n~g m~ga fraileng dominico, na man~gasiwâ ang ilán sa m~ga monja sa pagtuturò sa m~ga dalagang ibig pumasoc at mag-aral sa Santa Catalina. Ang itinuturò doo'y pag-basa, pagsulat, doctrina cristiana, m~ga gawáng ucol sa babae. Nan~gag-aaral din namán n~g pagpapacabanál. Dinagdagan n~g m~ga dominico n~g 1865 ang dami n~g m~ga "hermana" at n~g lalong mapalaganap ang caniláng m~ga pagtuturò. Hindî itinutulot sa m~ga pumapasoc sa Colegio n~g Santa Catalina ang macaaalis cung di rin lamang may totoong malaki't di maiwasang dahilán. Ang namamahalà sa beaterio'y ang provincial n~g dominico at isáng "priora" na siyá, ring "madre superiora" sa colegio, at may isáng directorang nacaaalam n~g m~ga pagtuturò.--P.H.P. =VII.= =MAIROG NA SALITAAN SA ISANG "AZOTEA"= Maagang nan~gagsimbá n~g umagang iyón si tía Isabel at si María Clara: mainam na totoo ang pananamít nitó at may tan~gang isáng cuintás na azúl ang m~ga butil, na inaarì niyáng parang brazalete,[147] at may salamín sa matá si tía Isabel, upang mabasa ang daláng "Ancora de Salvación"[148], samantalang nagmimisa. Bahagyâ pa lamang nacaaalís sa altar ang sacerdote, nagsabi ang dalagang ibig na niyáng omowî, bagay na totoong ipinangguilalás at isinamâ n~g loob n~g mabaít na tíang waláng boong acalà cung dî ang canyáng pamangking babae'y mápagbanal at madasaling tulad sa isáng monja man lamang. Nagbubulóng, at pagcatapos na macapagcucrûz ay nagtindíg ang mabaít na matandáng babae.--¡Bah! patatawarin na acó n~g mabaít na Dios na dapat macakilala n~g púso n~g m~ga dalaga cay sa inyó pô tía Isabel--Ang sasabihin sana ni María Clara sa canyá upang putlín ang canyáng matitindí, n~guni't sa cawacasa'y m~ga pagsesermóng-ná. N~gayó'y nacapag-agahan na tila at nilílibang ni María Clara ang canyáng pagcainíp sa paggawâ n~g isáng sutláng "bolsillo", samantalang ibig pawìin n~g tía ang m~ga bacás n~g nagdaang fiesta sa pagpapasimulâ n~g paggamit n~g isáng plumero. Sinisiyasat at inuusisa ni Capitang Tiago ang m~ga iláng casulatan. Bawa't lagunlóng sa daan, bawa't cocheng dumaraan ay nan~gagpápacaba sa dibdib n~g vírgen at siya'y pinan~gin~gilabot. ¡Ah, n~gayó'y ibig niyáng maparoon ulî sa beaterio, sa casamahán n~g canyáng m~ga caibigang babae! ¡Doo'y matitingnan niyá "siyáng" hindî man~gín~ginig, hindî magugulumihanan! Datapowa't ¿hindî bagá, siyá ang iyóng caibigan n~g panahóng musmus ca pa? ¿hindî bâ cayó'y nan~gaglálaro n~g laróng halíng at hanggáng sa cayó'y nag-aaway na manacànacâ? Ang dahil n~g m~ga bagay na itó'y hindî co sasabihin; cung icáw na bumabasa'y umibig ay mapagkikilala mo, at cung hindî namán ay sayang na sa iyó'y aking sabihin; hindî mapag-uunawa ang m~ga talinghagang itó n~g hindî na casisinta cailán man. --"Sa acalà co María'y may catowiran ang médico--ani Capitang Tiago. Dapat cang pasalalawigan, namumutlâ ca n~g mainam at nagcacailan~gan ca n~g m~ga mabubuting han~gin. Anó bang acalà mo: ¿sa Malabón ... ó sa San Diego? Namulá si Maríang tulad sa "amapola"[149] pagcárinig niyá nitóng hulíng pan~galan, at hindî nacasagót. --"N~gayó'y páparoon cayó ni Isabel at icáw sa beaterio, at n~g cunin ninyó roon ang iyóng m~ga damít, at macapagpaalam ca sa iyóng m~ga caibigan; hindî ca na papasoc ulî roon. Dinamdam ni María Clara iyáng hindî malírip na calungcutang bumabalot sa cálolowa, pagcâ iniiwan ang isáng kinatirahang pinatamuhán natin n~g caligayahán; n~guni't nagpagaang n~g canyáng pighatî ang pagcaalaala n~g isáng bagay. --At sa loob n~g apat ó limáng araw, pagcâ may damít ca nang bágo'y paparoon tayo sa Malabón.... Walâ na sa San Diego ang iyóng ináama; ang curang nakita mo rito cagabí, iyóng paring bátà ay siyáng bagong cura natin doón n~gayón; siyá'y isáng santo. --¡Lalong nacagágaling sa canyáng catawán ang San Diego, pinsan!--ang ipinaalaala ni tía Isabel;--bucód sa roo'y lalong mabuti ang bahay natin doón, at sacâ malapit na ang fiesta. Ibig sanang yacapin ni María Clara ang canyáng tía; n~guni't narinig niyáng tumiguil ang isáng coche ay siyá'y namutlâ. --¡Ah, siyá n~gâ!--ang isinagót ni Capitang Tiago, at nagbago n~g pananalitâ at idinagdág:--¡Don Crisóstomo! Nalaglág sa m~ga camáy ni María Clara ang tan~gang canyáng guinágawà; nag-acalà siyáng cumilos ay hindî nangyari: isáng pan~gin~gilabot ang siyáng tumátacbo sa canyáng catawán. Nárinig ang yabág n~g paa sa hagdanan at pagcatapos ay ang sariwà at voces lalaki. Tulad sa cung ang voces, na itó'y may capangyarihang hiwágà, iniwacsí n~g dalaga ang laguím at nagtatacbó at nagtágò sa panalan~ginang kinálalagyan n~g m~ga santo. Nagtawanan ang dalawáng magpinsan, at nárinig ni Ibarra ang in~gay n~g sinásarhang pintuan. Namúmutlà, humíhin~ga n~g madalás, tinutóp n~g dalaga ang cumácabang dibdíb at nag-acalang makiníg. Náriníg ang voces, yaóng voces na pinacasísinta't sa panag-ínip lamang niyá náririnig: ipinagtátanong siyá ni Ibarra. Sa pagcahibáng sa towâ ay hinagcán niyá ang santóng sa canyá'y nálalapit, si San Antonio Abad; santong mapalad n~g nabubuhay at n~gayóng siyá'y cahoy; láguì n~g may magagandáng m~ga tucsó! Pagcatapos ay humanap n~g isáng bútas n~g susîan, upang makita niya si Ibarra; mapagsiyasat ang canyáng anyô; n~gumín~gitî si María Clara at n~g cunin siyá n~g canyáng tía sa gayóng panonood, sumabit sa líig n~g matandáng babae at sinisì itó n~g halíc na paulit-ulit. --N~guni't halíng, ¿anó ang nangyayari sa iyó?--ang sa cawacasa'y nasabi n~g matandáng babae, na pinapahid ang isáng lúhà sa m~ga matá niyáng lantá na. Nahiyâ si María Clara at tinacpán ang m~ga matá, n~g canyáng mabibilog na m~ga brazo. --¡Halá, maghusay ca, halica!--ang sabi n~g matandáng babae n~g boong pag-irog.--Samantalang nakikipag-usap siyá sa iyóng amá n~g iyóng ... ¡halica at huwag cang magpahintay! Napadalá ang dalagang tulad sa isáng musmós, at doon silá nagculóng sa canyáng "aposento." Masayá ang salitaan ni Capitang Tiago at ni Ibarra n~g sumipót si tía Isabel na halos kinacaladcad ang canyáng pamangkíng babae, na nagpapalin~gàlin~gà cung saansaan, datapuwa't hindî tumítin~gin sa canino mang táo.... ¿Anóng pinag-usapan n~g dalawáng cálolowang iyón, anó ang canicaniláng sinabi diyán sa salitaan n~g m~ga matá, na lalong lubós ang galíng cay sa salitaan n~g bibíg, salitaang ipinagcaloob sa cálolowa at n~g huwag macaguló ang in~gay sa pagtatamóng timyás n~g damdamin? Sa m~ga sandalíng yaón, pagca nagcacawatasán ang dalawáng linikháng sumasaligaya sa kilos n~g m~ga balintataóng natatabin~gan n~g m~ga pilíc-matáng pinaglalampasanan n~g pag-iísip, ang pananalita'y mabagal, magaspáng, mahinà, wan~gis sa ugong n~g culóg na nan~gan~galagcag at waláng tuos cung isusumag sa nacasisilaw na liwanag at mabilís n~g kidlát: nagsasaysay n~g isáng damdaming kilala na, isáng isipang napag-uunawà, na, at cayâ lamang guinagamit itó'y sa pagcá't ang mithî n~g púsò'y siyáng nacapangyayari sa boong cataohang saganang saganà sa galác, íbig na ang boong catawán niyáng casama ang lahát n~g sancáp na lamán, butó at dugô at ang boong caisipán ay magsaysáy n~g hiwagang m~ga catowâang inaawit n~g espíritu. Sa tanóng n~g pagsintá sa isáng sulyáp na numíningning ó lumálamlam, waláng m~ga sagót ang salitâ: tumútugon ang n~gitî, ang halíc ó ang buntóng hinin~gá. At pagcatapos, sa pagtacas n~g dalawáng nagsisintahan sa "plumero" n~g tía Isabel na nagpapaban~gon sa alicabóc, silá'y pumaroon sa azotea upang silá'y macapag-usap n~g boong calayâan sa silong n~g m~ga bálag; ¿anó ang caniláng pinag-usapan n~g marahan at nan~gín~ginig cayó, m~ga maliliit na bulaclác n~g "cabello-de-ángel"? Cayó ang magsabi't may ban~gó cayó sa inyóng hinin~gá at may m~ga cúlay cayò sa inyóng m~ga labì; icáw, "cefiro"[150] ang magsabi yamang nag-aral ca n~g di caraniwang m~ga tínig sa líhim n~g gabíng madilim at sa talinghagà n~g aming m~ga cagubatang virgen; sabihin ninyó, m~ga sinag n~g áraw, maningníng na tagapagpakilala sa lúpà n~g Walang Hanggán, tan~ging hindî nahahawacan sa daîgdig n~g m~ga natátangnan: cayó ang man~gagsabi, sa pagca't walâ acóng nalalamang isaysáy cung dî m~ga cahalin~gáng hindî mainam dingguín. N~guni't yamang áayaw ninyóng sabihin, aking títingnan cung aking maisásaysay. Ang lan~git ay azul: nagpápagalaw n~g m~ga dáhon at n~g m~ga bulaclac n~g halamang gumagapang ang isáng malamig na amihang hindî amóy rosa,--dahil dito'y nan~gagsisipan~ginig ang m~ga cabello--de--ángel--ang m~ga halamang nacabitin, ang m~ga tuyúng isdâ at ang m~ga lámparang galing sa China. Ang in~gay n~g sagwáng humahalò n~g malabong tubig n~g ílog, ang dagundong n~g pagdaan n~g m~ga coche at m~ga carretón sa tuláy n~g Binundóc ay maliwanag na dumárating hanggang sa canilá; n~guni't hindî ang m~ga ipinagbúbubulong n~g tía. --Lalong magalíng--ang wicà nitó--diyá'y ang boong bayan ang siyáng bábantay sa inyó. Nang magpasimulá'y walâ siláng pinagsalitaanan cung di pawang m~ga cahalin~gan--iyáng m~ga cahalin~gáng totoong nacacawan~gis niyáng m~ga cayaban~gan n~g m~ga nación sa Europa: masasarap at lásang pulót sa m~ga magcacanación, datapuwa't nacapagtátawa ó nacapagpapacunót sa kilay n~g m~ga taga ibang lupaín. Ang babae, palibhasa'y capatíd ni Cain ay panibughuin, caya't dahil dito'y tumanong sa nan~gin~gibig sa canyá: --¿Laguì bang isinaisip mo acó? ¿hindi mo ba acó linimot sa gayóng caraming m~ga paglalacbá'y mo? ¡Pagcaramiraming malalakíng m~ga ciudad na may pagcaramiraming magagandang m~ga babae!... Ang lalaki namán, palibhasa'y isá pa ring capatíd ni Caín ay marunong umiwas sa m~ga tanóng at may caunting pagca sinun~galing, cayâ n~ga: [Larawan:--Laguì bang isinaísip mo acó? ¿Hindî mo ba acó linimot?...--Imp de M. Fernandez, Paz 442 Sta.Cruz] --¿Mangyayari bagáng catá'y limutin?--ang sagót na nan~gan~gaanino n~g boong ligaya sa m~ga maiitím na balíngtatao n~g dalaga;--¿mangyayari bagáng magculang acó sa panunumpâ, sa isáng panunumpang dakila? Natátandaan mo ba ang gabíng yaon, ang gabíng yaóng sumísigwa, na icáw, n~g makita mo acóng nag-íisang tumatan~gis sa siping n~g bangcáy n~g aking iná'y lumapit ca sa akin, ilinagáy mo ang iyong camáy sa aking balícat, ang camáy mong malaon nang ayaw mong ipahintulot na aking mátangnan, at iyong sinabi sa akin: "Nan~gulila ca sa iyong iná, acó'y hindî nagcainá cailán man.": at dumamay ca sa akin n~g pag-iyác. Iniirog mo ang aking iná at icáw ay pinacaibig niyáng tulad sa isáng anác. Sa dacong labás ay umúulan at cumíkidlat; n~guni't sa acalà co'y nacárinig acó n~g música, at nakita cong n~gumín~gitî ang maputláng mukhâ n~g bangcáy ... ¡oh, cung buháy sana ang aking m~ga magulang at mapanood nila icáw! Nang magcagayó'y tinangnán co ang iyóng camáy at ang camáy n~g aking iná, nanumpâ acóng sísintahin catá, catá'y paliligayahin, anó man ang capalarang sa aki'y ipagcaloob n~g Lan~git, at sa pagca't hindî nacapagbigáy pighati cailán man sa akin ang sumpáng itó; n~gayó'y mulíng inuulit co sa iyó. ¿Mangyayari bagáng limutin co icáw? Laguing casamasama co ang pag-aalaala co sa iyo; iniligtás acó sa m~ga pan~ganib n~g paglalacad maguíng caaliwan co sa pag-iisá n~g aking cálolowa sa m~ga ibáng lupain; ¡ang pag-aalaala sa iyo ang pumawì n~g bísà n~g "loto" n~g Europa na cumacatcat n~g m~ga pag-asa at n~g casaliwaang palad n~g kinaguisnang lúpà sa caisipán n~g maraming m~ga cababayan! Sa m~ga panaguimpan co'y nakikita co icáw na nacatindig sa tabíng dagat n~g Maynilà, nacatanaw sa malayong abót n~g panin~gíng nababalot sa malamlam na liwanag n~g maagang pagbubucang liwayway; aking náririnig ang isáng aaying-aying at malungcot na awit na sa aki'y pumupucaw n~g nagugulaylay n~g m~ga damdamin, at tinatawag co sa alaala n~g aking púsò ang m~ga unang taón n~g aking camusmusán, ang ating m~ga catuwâan, ang ating m~ga paglalarô, ang boong nacaraang maligayang panahóng binigyán mong casayahan, samantalang doroon ca sa bayan. Sa aking sapantaha'y icáw ang "hada"[151], ang espíritu, ang caayaayang kinácatawan n~g aking Bayang kináguisnan, magandá, mahinhín, masintahin, lubós calinisan, anác n~g Filipinas, niyáng cagandagandahang lupang bucód sa m~ga dakilang cagalin~gan n~g Inang Españang[152] tagláy rin niyá'y may maririkít pang m~ga hiyas n~g isáng bayang bátà, tulad sa pagcacapisan sa iyong cataohan n~g lahát n~g cagandahan at carikitang nacapagpapaningning sa dalawang láhì; cayâ n~ga't nabubuò lamang sa isá ang pagsinta co sa iyo't ang pagsinta co sa aking tinubuang lúpà ... ¿Maaari ba catáng limutin? Macáilang ang boong ísip co'y aking náririnig ang m~ga tunóg n~g iyóng piano at ang m~ga tínig n~g iyong voces, at cailán mang tinatawag co ang iyóng pan~galan n~g acó'y na sa Alemania, sa dacong hápon, pagca naglalacad acó sa m~ga caparan~gang napúpuspos n~g m~ga talinghagang likhâ n~g m~ga poeta roon at ang m~ga cahimahimalang salitsaling sabi n~g m~ga táong nan~gáunang nabuhay, nakikinikinita co icáw sa úlap na sumisilang at napaiimbulóg sa dúyo n~g capatagan, wárì náririn~gig co ang iyong voces sa pagaspás n~g m~ga dahon, at pagcâ umuuwî na ang m~ga tagabukid na galing sa caniláng sinasacang lúpà at caniláng ipinarírin~gig buhat sa maláyò ang caniláng caraniwang m~ga awit, sa aking acala'y pawang nakikisaliw silá sa m~ga voces n~g caibuturan n~g aking dibdib, na nag-aalay na lahat sa iyo n~g awit at siyáng nagbíbigay catotohanan sa aking m~ga nais at m~ga panaguimpán. Cung minsa'y náliligaw acó sa m~ga landás n~g m~ga cabunducan, at ang gabíng doo'y untîuntì ang pagdatíng ay naráratnan acóng naglácad pa't hinahanap co ang aking daan sa guitnâ n~g m~ga "pino," n~g m~ga "haya"[153] at ang m~ga "encina"[154]; cung nagcácagayón, cung nacalúlusot ang iláng m~ga sínag n~g buwán sa m~ga puáng n~g masinsíng m~ga san~gá, wari'y nakikinikinita co icáw sa sinapupunan n~g gubat, tulad sa isáng nagpapagalagalang aninong gágalawgaláw at nagpapacabicabilâ sa liwanag at sa m~ga carilimán n~g malagóng caparan~gan, at sacâ ipinarírinig n~g "ruiseñor"[155] ang canyáng ibá't ibáng cawiliwiling huni, inaacálà cong dahil sa icáw ay nakikita't icáw ang siyáng sa canyá'y nacaaakit. ¡Cung inalaala co icáw! ¡Hindî lamang pinasásaya sa aking m~ga matá n~g lagabláb n~g sa iyó'y pagsinta ang úlap at pinapamúmula ang hielo[156]! Sa Italia, ang magandáng lan~git n~g Italia, sa canyáng cadalisaya't cataasa'y nagsasálitâ sa akin n~g iyong m~ga matá; ang canyáng masayáng pánoorin ay nagsasaysay sa akin n~g iyong n~gitî, wan~gis n~g m~ga halamanan sa Andalucíang nalalaganapan n~g han~ging may kipkíp na ban~gó, puspós n~g m~ga pangdilidiling casilan~ganan, saganà sa hiwagà at sa calugodlugód na m~ga tanghalin, pawang nan~gagsasalita sa akin n~g sa iyó'y pagsintá! Sa m~ga gabíng may bowán, yaóng bowang wari'y nagtútucà, sa aking sinagwánsagwáng nacalulan acó sa isáng sasakyáng malíit sa ilog Rhin, itinátanong co sa aking sarili cung dî cayâ marayà acó n~g aking guníguní upang makita co icáw sa, guitnâ n~g m~ga álamong[157] na sa pampang, sa bató n~g Lorelay ó sa guitnâ n~g m~ga alon at icáw ay umaawit sa catahimican n~g gabí, tulad sa dalagang hadang mápang-aliw, upang bigyáng casayahan ang pag-iisá at ang calungcutan n~g m~ga guibáng castillong iyón. --Hindî acó naglacbáy-bayang gaya mo, walâ acóng nakikita cung dî ang iyóng bayan, ang Maynila't Antipolo--ang sagót ni María Clarang n~gumín~gitî, palibhasa'y naniniwalà sa lahát n~g sinasabi ni Ibarra,--n~guni't mulâ n~g sabihin co sa iyóng ¡paalam! at pumasoc acó sa beaterio, láguì nang naaalaala catá at hindî co icáw nilimot, bagá man ipinag-utos sa akin n~g confesor at pinarusahan acó n~g maraming m~ga pahírap. Nagúgunitâ, co ang ating m~ga paglalarô, ang ating m~ga pag-aaway n~g tayo'y m~ga musmós pa. Hinihirang mo ang lalong magagandáng sigay at n~g tayo'y macapaglarô n~g siclót, humahanap ca sa ílog n~g lalong mabibilog at makikinis na batóng maliliit na may iba't ibang cúlay at n~g macapaglarô tayo n~g sintác; icáw ay nápacawaláng tuto, láguì cang natatalo, at ang parusa'y binábantilan catá n~g pálad n~g aking camáy, n~guni't dî co inilálacas, sa pagca't naaawà acó sa iyo. Napacamagdarayà, icáw sa laróng chongca't dináraig mo pa ang pagcamagdarayà co, at caraniwang agawán ang naguiguing catapusán. ¿Natátandaan mo bâ n~g icáw ay magalit n~g totohanan? Niyó'y pinapagpighatî mo acó; n~guni't n~g matapos, pagcâ naaalaala co iyón sa beaterio, acó'y n~gumín~gtì dinaramdam cong icáw ay walâ, at n~g macapag-away ulî catá ... at n~g pagdaca'y mágawà natin ang pagcacásundô. Niyó'y m~ga musmós pa tayo, naparoon tayong naligong casama ang iyóng iná sa batis na iyóng nalililiman n~g m~ga cawayanan. Sa m~ga pampáng ay may m~ga sumisibol na m~ga bulaclác at m~ga halamang sinasabi mo sa akin sa wicang latín at wicang castilà ang canícanilang m~ga cacaibáng pan~galan, sa pagca't niyó'y nag-aaral ca na sa Ateneo. Hindî catá pinápansin; naglílibang acó sa panghahagad n~g m~ga paroparó at n~g m~ga tutubí, na sa canyáng catawáng maliit na tulad sa alfiler ay tagláy ang lahát n~g m~ga culay n~g bahagharì at ang lahát n~g m~ga kintáb n~g gáring, m~ga tutubíng gumágalaw at nan~gagháhagaran sa magcabicabilang m~ga bulaclác; cung minsa'y ibig cong masubucan at hulihin n~g camáy ang maliliit na isdáng matuling nan~gagtatacbuhan sa m~ga lumot at sa m~ga batuhán sa pampáng. Caguinsaguinsa'y nawalâ ca, at n~g icáw ay bumalíc, may dalá cang coronang m~ga dahon at m~ga bulaclác n~g dalandáng ipinutong mo sa aking úlo, at tinatawag mo acóng "Cloe"[158], at gumawâ ca namán n~g coronang damóng gumagapang. N~guni't kinuha n~g iyóng nanay ang aking corona, pinucpóc n~g isáng bató at sacâ inihalò sa gugò na ipinaglilinis n~g ating úlo; tumulò ang m~ga luhà sa iyóng m~ga matá, at sinabi mong hindî nacaaalam ang iyóng iná n~g "mitología"[159].--¡"Halíng!--ang isinagót n~g nanay mo--makikita mo't mababan~gó pagcatapos ang inyóng m~ga buhóc."--Nagtawá acó, naghinanakít icáw, at ayaw mo na acóng causapin, at sa boong maghapo'y nagpakita ca n~g poot, na siyang ikìnaibig co namang umiyác. N~g bumalíc tayo sa bayan, at sa pagca't mainit na totoo ang araw, nuha acó n~g m~ga dahon n~g sambóng nasumísibol sa m~ga tabíng daan, ibinigáy co sa iyó't n~g ilagáy mo sa loob n~g iyóng sombrero, at n~g di sumakít ang iyóng ulo. N~gumitî icáw n~g magcágayo'y tinangnán co ang camáy mo at nagcásundô na catá. N~gumitî n~g boong ligaya si Ibarra, binucsán ang canyang cartera, kinuha sa loob niyón ang isáng papel at sa loob nito'y may nababalot na m~ga dahong nan~gin~gitim, tuyô at mababan~gó. --¡Ang iyóng m~ga dahon n~g sambóng!--ang isinagót ni Ibarra sa titig ni María Clara,--itó lamang ang naibigáy mo sa akin. Dalidalí namáng kinuha ni María Clara sa canyáng dibdíb ang isáng bolsitang rasong maputî. --¡Ps!--ani María Clara at tinampál ang camáy ni Ibarra;--hindî ipinahihintulot ang paghípò: ito'y isáng sulat n~g pagpapaalam. --¿Iyán bâ ang isinulat co sa iyo bago acó pumanaw? --¿At sumulat pó bâ cayó sa akin n~g ibá pa, aking guinoo? --¿At anó bâ ang sinasabi co sa iyo n~g panahóng iyón? --¡Maraming cabulastugan! ¡m~ga dahilan n~g masamáng mán~gun~gutang--ang isinagót ni María Clarang n~gumín~gitì, na ipinakikilalang totoong ikinasásaya n~g canyáng loob ang gayóng m~ga cabulaanan.--¡Howág cang malicot! ¡babasahin co sa iyo ang sulat na ito! ¡n~guni't ilílin~gid co ang iyóng m~ga pagpuri at n~g dî ca magdalità! At itinaás ang papel sa tapát n~g canyang m~ga matá at n~g huwag makita n~g binatà ang canyáng mukhâ, at nagpasimulâ: --"Aking ..." ¡hindî co babasahin sa iyo ang sumúsunod, sa pagca't isáng cabulastugán!--at pinaraanan n~g m~ga matá ang iláng talatà.--"Ibig n~g aking amá, ang acó'y yumao, bagá man ipinamamanhic cong huwag"--"Icáw ay lalaki"--ang sabi sa akin, dapat mong isipin ang panahóng dárating at ang iyong m~ga lacás. Dapat mong pag-aralan ang dunong sa pamumuhay, ang dî maibibígay sa iyo n~g iyong kinamulatang lúpà, at n~g balang araw ay makapaglingcod ca sa canyá. Cung mananatili ca sa aking tabí, sa aking lilim, sa impapawíd na ito n~g m~ga hínalâan, hindî ca matututong tumanáw sa malayò, at sa araw na cata'y maiwan sa ibabaw n~g lupa'y maitutulad ca sa halamang sinasalitâ n~g ating poetang si Baltazar; "Para n~g halamang lumakí sa tubig, daho'y nalálanta muntíng dî madilig, ikinalolooy ang sandalíng init...." --¡Nakita mo na! binatà ca na halos ay tumatan~gis ca pa!--"Nacapagpasakit sa aking loob ang ganitóng pag-wiwicà, caya't ipinahayag co sa canyáng icáw ay aking sinísinta. Hindî umimíc ang aking amá, nagliníng-lining, ilinagáy sa aking balicat, ang canyáng camáy at nagsalitâ sa aking nan~gín~ginig ang voces:--Ang ísip mo ba'y icáw lamang ang marunong umibig at hindî ca iniibig n~g iyóng amá at hindî dináramdam ang sa iyó'y paghiwaláy?" Hindî pa nalalaong nan~gulila tayo sa iyóng iná; tumutun~go acó sa catandàan, diyán sa gulang na ang hinahanap ay ang tulong at pagbibigay alíw n~g cabatâan, at gayón ma'y tinatanggap co ang pag-iisá at dî co talós cung catá'y makikita pa ulì. N~guni't dapat cong isipin ang m~ga ibáng bágay na lalong malalakí.... Bumúbucas sa iyo ang panahóng sasapit, samantalang sumásara sa akin; sumisilang sa iyo ang m~ga pagsinta, ang m~ga pag-ibig co'y nan~gamámatay; cumúculô ang apóy sa iyóng m~ga ugát sa aki'y nagsisimulá, ang calamigán, at gayón ma'y icáw ay umíiyac at hindî ca marunong maghandóg n~g n~gayón, at n~g sa búcas ay makinabang ca at pakinaban~gan icáw n~g iyóng kinaguisnang lúpà."--Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g aking amá, naluhód acó sa canyáng paanan, siyá'y aking niyacap at sinabi co sa canyáng acó'y nahahandáng yumao". Napatiguil ang pagbasa, dahil sa pagcaligalig ni Ibarra: namumutlâ ang binatà at naglálacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dúlo n~g azotea. --¿Anó ang iyóng damdám? ¿anó ba ang nangyayari sa iyo?--ang tanóng ni María Clara cay Ibarra. --¡Dahil sa iyó'y nalimutan co ang aking m~ga catungculan; dapat acóng pumaroon n~gayón din sa aking bayan! Búcas ang fiesta n~g m~ga namatáy. Hindî umimíc si María Clara, itinitig niyáng iláng sandalî ang canyáng malalaki't mapupun~gay na m~ga matá cay Ibarra, cumuha n~g ilang bulaclác at sinabi sa canyáng nababagbag ang loob: --Lumacad ca, hindî na catá pinipiguil; magkikita ulî tayo sa loob n~g iláng áraw! ¡Ilagáy mo itóng bulaclac sa ibabaw n~g libin~gan n~g iyong m~ga magulang! Nang macarâan ang iláng minuto, ang binata'y nananaog na sa hagdanang casabay si Capitang Tiago at si tía Isabel, samantalang nagcuculong sa pánalan~ginan si María Clara. --¡Ipakisabi n~ga pô ninyó cay Andéng na canyáng ihandâ ang bahay at man~gagsisirating si María at si Isabel!--¡Dumatíng nawâ cayóng maluwalhati!--ani Capitang Tiago, samantalang sumásacay si Ibarra sa coche, na yumaong ang tun~go'y sa plaza n~g San Gabriel. At sinabi pagcatapos ni Capitang Tiago cay María Clara na umíiyac sa tabí n~g larawan n~g isáng Vírgen: --Halá, magsindí ca n~g dalawáng candilang man~gahatì, ang isáy sa Señor San Rafael, pintacasi n~g m~ga naglálacbay. Isindi mo ang lámpara n~g Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje. ¡Lalong magalíng ang magcagugol n~g isáng salapî sa pagkít at anim na cuarta sa lan~gís, cay sa magbayad pagcatapos n~g isáng mahalagáng tubós. TALABABA: [147] Hiyas na pinacasingsíng sa camau-o. [148] Libritong ganito ang pan~galan.--"Pangligtas sa sacunà." [149] Isáng halamang ang caraniwang bulaclac ay puláng-pulá. [150] Mahinhin ó mahinang han~gin. [151] Ipinan~gun~gusap n~g "ada".--Isáng hiwagang babaeng may cahimahimalang m~ga capangyarihan, anáng m~ga di binyagan. [152] Unawaing hindî tinatawag ni Rizal na Inang Bayan, cung dî Inang España, dalawang pan~galang totoong nan~gagcacaiba. [153] Isáng malaki't mataas na cahoy, matibay at macúnat. Ang tawag sa bun~ga n~g cahoy na ito'y "hayuco".--Aya, ang pagbasa. [154] Cahoy na masan~gá, may m~ga n~gipin-n~gipín ang m~ga dahon. "Bellota" ang tawag sa bun~ga n~g cahoy na itó. [155] Ibong mainam humuni. Sa Europa'y marami n~g ibong itó. [156] Tubig na tumítigas na halos parang bató dahil sa totoong calamigàn. [157] Alamo: cahoy na tumataas n~g mainam: may tatlóng bagay na álamo: ang álamong putî na ang m~ga daho'y verde ang isang mukhâ at ang cabiláng mukha'y putîan--Ang álamong itím, na verde ang magcabicabilà n~g dahon.--At ang "amo altemblón" na ang m~ga daho'y waláng tiguil n~g paggaláw. [158] Isá sa magagandáng diosa. [159] Casaysayan n~g m~ga kinikilalang m~ga Dios n~g m~ga dî binyagan. =VIII.= =MANGA ALAALA= Pinagdaraanan n~g coche ni Ibarra ang bahagui n~g lálong masayáng nayon n~g Maynilà; ang nacapagbíbigay pangláw sa canyá n~g gabíng nagdaan, sa liwanag n~g araw ay nacapagpapan~gitî sa canyá cahi't sìyá'y áayaw. Ang casayahang hindî naglílicat sa lahát n~g panig, ang lúbháng maraming cocheng nagpaparoo't paritong sacdal n~g tutulin, ang m~ga carromata, ang m~ga calesa, ang m~ga europeo, ang m~ga insíc, ang m~ga dalisay na tagarito, na bawa't isá'y may canícanyang sariling pananamit, ang m~ga naglalacô n~g m~ga bun~gang-cahoy at halaman, m~ga corredor[160], hubád na cargador[161], m~ga tindá n~g m~ga cacanín, m~ga fonda[162], m~ga restaurant[163], m~ga tindahan, sampô n~g m~ga carretóng híla n~g m~ga mápagpaumanhin at waláng damdaming calabáw na tila mandín naglílibang sa paghìla n~g m~ga "bulto" samantalang naglilíninglining, ang lahát n~g ín~gay at calugcóg, pati n~g araw, isáng amó'y na tán~gì, ang sarisaring m~ga culay, pawang pumupucaw sa canyáng alaala n~g isáng daigdig na nagugupiling na m~ga gunità. Walâ pang latag na m~ga bató ang m~ga daang iyón. Dalawâng araw lamang sunód na uminít, ang m~ga daa'y naguiguíng alabóc n~g tumátakip sa lahát, nag-papaubò at bumubulag sa m~ga naglálacad: isáng araw lamang umulán ay naguiguing láwà na, ano pa't cung gabí ay naaanino roon ang m~ga farol n~g m~ga coche at tumítilamsic buhát sa limáng metrong layò sa m~ga naglálacad sa m~ga makikipot na m~ga acera. ¡Gaano caraming m~ga babae ang nan~gag-iwan sa m~ga along putic na iyón n~g caniláng m~ga chinelas na bordado! Pagcacágayo'y nan~gapapanood na pìnípison ang m~ga daan n~g hanáyhanáy na m~ga presidiarong ahit ang ulo, na ang m~ga mangás n~g baro'y maíiclî at tòcong ang salawál na may m~ga número at may m~ga letrang azul, sa m~ga binti'y may m~ga tanicaláng halos nababalot n~g maruruming m~ga basahan upang huwag na totoong macasakít ang pagkiskís ó ang lamig marahil n~g bacal; dalawa't dalawá ang pagcacácabit, m~ga sanág sa araw, m~ga hapóng-hapô sa init at sa pagod, pinapagmámadalî at silá'y hináhampas n~g pamalò n~g isáng presidiario ring marahil nagcácámit casayahan, sa pagca't sa ganáng canyá nama'y nacapagpapahirap sa m~ga cawan~gis din niyáng presidiario. Matatangcád silá, madidilím ang pagmumukháng cailán ma'y hindî námasdang lumiliwanag sa pagsilang n~g isáng n~gitî; numíningning, gayón man ang caniláng m~ga balingtataó, pagccâ dumarapò sa caniláng m~ga balicat ang humahaguing na pamálò, ó pagcâ hinahaguisan silá n~g isáng naglálácad n~g upós n~g isáng tabacong basâ-basâ at nacácalas na, dinárampot ang upós n~g lalong nálalapit at itinatagò sa canyáng salacót: ang m~ga ibá'y minámasdan ang m~ga nagdaraan n~g pagtin~gíng cacaibá. Warî'y náririn~gíg pa niyá ang caniláng cain~gayang guinágawâ sa pagduduróg n~g batóng itatabon sa m~ga lubác at ang nacalálaguim na calansíng n~g mabibigát na m~ga tanicalâ sa namámagà na niláng m~ga bucóng-búcong. Kinikilabutan si Ibarra cung naaalaala niyá ang isáng nangyaring sumugat sa canyáng pag-iisip-musmós; niyó'y catánghalian at ibinábagsac n~g araw sa lúpà ang canyáng lalong maiinit na m~ga sínag. Sa lílim n~g isáng carretóng cahoy nacabulagtâ ang isá sa m~ga táong iyón, waláng malay táo, bucás n~g cauntî ang m~ga matá; pinagbubuti naman n~g dalawáng presidiario rin ang isáng hihigáng cawayan, waláng galit, waláng pighatî, waláng yamót, anó pa't waláng pinag-ibhán sa sinasabing caugalia't anyô n~g dalisay na m~ga tagarito. "N~gayó'y icáw, búcas nama'y camí," marahil siyáng sinasabi sa canícanilá. Hindî pinápansin n~g m~ga táong nagdudumaling dumaraan ang bagay na iyón; nagdaraan ang m~ga babae, tinítingnan silá at nan~gagpapatuloy n~g paglacad, caraniwan n~g mapanood ang m~ga bagay na yaón, linipacán na ang m~ga púsò; nan~gagtatácbuhan ang m~ga coche, ipinaaanino sa caniláng catawáng may barniz ang m~ga sínag n~g araw na iyóng maningníng sa isáng lan~git na waláng alapaap; sa canyá lamang, batang may labíng isáng taón at bágong carárating na galing sa canyáng bayan, nacalálaguim ang napapanood na iyón; sa canyá lamang nacapagbigáy ban~gun~got n~g kinágabihan. Walâ na ang mabaít at may wagás na puring "Puente de Barcas," yaóng tuláy filipinong-mabaít na nagsusumakit maglingcód, bagá man tagláy niya ang catutubong m~ga capintasang tumataas at bumábabâ alinsunod sa maibigan n~g ilog Pasig na dî miminsang nagpahirap at gumibâ sa tuláy na iyon. Hindî lumálagô ang m~ga talisay sa plaza n~g San Gabriel; nananatili silá sa pagcacúyagutin. Sa ganáng canya'y nagbawas ang gandá n~g Escolta, bagá man n~gayó'y may isáng malaking bahay na may m~ga "cariatide"[164] sa dating kinatatayuan n~g m~ga lumang camalig. Tinakhán niyá ang bagong "Puente de España"[165]; nan~gagpaalaala sa canyá n~g m~ga maguiguináw na umaga, cung doo'y dumaraang namamangcâ siláng patun~gó sa m~ga paliguan sa Ulì-ulì, ang m~ga bahay na na sa pangpáng na dacong canan n~g ílog, na napapag-itanan n~g m~ga cawayanan at m~ga punong cahoy, doon sa wacás n~g Escolta at pasimulâ n~g Isla del Romero. Nasasalubong niyá ang maraming m~ga cocheng hinihila n~g m~ga maiinam na m~ga cabayong maliliít, lulan n~g m~ga coche ang m~ga empleadong nacacatucatulog pa marahil ay pumapatun~go na sa caniláng m~ga oficina; m~ga militar, m~ga insíc na may anyóng hambóg at catawatawá ang pagcacaupô; m~ga fraileng hindî maimikin, m~ga canónigo at iba pa. Tila mandin canyáng namataan sa isáng marikit na "victoria"[166] si párì Dámasong mabalasíc ang mukhá't cunót ang m~ga kílay; n~guni't siyá'y nacaraan na at n~gayo'y masayáng bumabati sa canyá, búhat sa canyáng carretela[167] si Capitan Tinong na casacáy ang canyáng asawâ't dalawáng m~ga anác na babae. N~g macababâ na n~g tuláy, tumacbó ang m~ga cabayo't tinun~go ang paseo n~g Sabána[168]. Sa caliwa'y ang fábrica n~g tabaco sa Arroceros, na pinanggagalin~gan n~g malakíng úgong na guinágawa n~g m~ga cigarrera sa pagpucpóc n~g m~ga dahon n~g tabaco. Napan~gitî si Ibarra, sa pagca alaala n~g masangsáng na amóy na iyóng sa tuwíng icalimáng oras n~g hapo'y lumalaganap sa tuláy n~g Barcas at humihilo sa canyá n~g panahóng siyá'y musmós pa. Ang masasayáng m~ga salitâan, ang m~ga catatawanan ang siyáng cahi't hindî niyá sinasadya'y nacapaghatíd sa canyáng guníguní sa nayon n~g Lavapiés, sa Madrid, sampô n~g doo'y m~ga pangliligalig n~g m~ga cigarrera, na totoong nacacapahamac sa sawíng palad na m~ga "guindilla"[169] at iba pà. Ipinagtabuyan, ang canyáng caayaayang m~ga naaalaala n~g Jardín Botánico[170]; iniharáp sa canyáng pag-iísip ang demonio n~g m~ga pagsusumagsumag; ang m~ga Jardín Botánico sa Europa, sa m~ga lupaing nan~gagcacailan~gan n~g malacás na calooban at saganang guintô upang mapasibol ang isáng dahon at mapabucás ang isáng bulaclác; hindî lamang doon, cung dî sa m~ga "colonia" man ay may mabubuti ang alagà at m~ga mahahalagáng Jardín Botánicong bucás na lagui sa sino mang ibig manood. Inihiwaláy doón ni Ibarra ang canyáng m~ga matá at inilin~gap niyá sa dacong canan, at doo'y canyáng nakita ang matandáng Maynilàng naliliguid n~g m~ga cútà at m~ga bangbáng, tulad sa isáng dalagang culang sa dugô, na nababalot n~g isáng pananamit n~g canyáng nunong babae n~g panahong itó'y sumasacagarâan. ¡Natanawan niyá ang dagat na hindî maabot n~g tanáw ang guilid na lubháng maláyò!... --¡Na sa cabiláng ibayo ang Europa!--ang inisip n~g binatà! ¡Ang Europang may magagandáng m~ga nacióng hindî nan~gaglílicat n~g pagsusumicap sa paghanap n~g caligayahán, nagsisipanaguinip pagcacaumaga at nan~gagdáramdam cabiguan sa towíng lumúlubog ang araw ... lumiligaya sa guitnâ n~g canyáng m~ga capahamacán! ¡Tunay n~gâ, sa cabilang ibayo n~g dagat na dî maulata'y nan~garoroon ang m~ga nacióng mapagmahal sa espíritu, at bagá man hindî nilá minámasamâ ang catawán, lálò pa mandíng mápagmahal sa espíritu cay sa m~ga nagpapanggáp na lubháng umiirog sa espíritu. N~guni't nan~gagsitacas ang canyáng m~ga pagdidilidiling itó n~g canyáng makita ang muntíng bundúc-bunducan sa capatagan n~g Bagumbayan. Ang namûmucod na bundúc-bunducan sa isáng tabí n~g paseo n~g Luneta ang siyá n~g yóng umaakit sa canyáng ísip at siyáng sa canyá'y nagpapagunamgunam. Canyáng guinugunitâ ang táong nagbucás n~g canyáng pag-íisip at nagpakilala sa canyá, n~g magalíng at n~g nasacatuwiran. Tunay n~ga't cácauntî ang m~ga caisipáng sa canyá'y iniaral, n~guni't hindî ang m~ga waláng cabuluháng pag-ulit lamang n~g m~ga sinabi n~g ibá; pawang m~ga caisipáng galing sa pananalig na hindî nan~gagculabô sa liwanag n~g lalong matitindíng ílaw n~g dakilang pagsulong. Ang táong yaó'y isáng matandáng sacerdote, ang m~ga pan~gun~gusap na sa canyá'y sinabi n~g siyá'y pagpaalaman ay umaalin~gawn~gaw pa sa canyáng m~ga tain~ga: "Huwág mong calimutang bagá man pag-aarì n~g sangcataohan ang carunun~gan, "minamana lamang ang carunun~gang iyán n~g m~ga táong may púsò,?--ang paalaala niyá.--"Pinagsicapan cong ilipat sa iyo ang aking tinanggáp sa aking m~ga maestro; ang cayamanang iyó'y pinagsicapan co namáng dagdagán sa boong abót n~g aking cáya at inililipat co sa m~ga táong humahalili; gayón din ang gágawin mo sa man~gagsisihalili sa iyo, at mapagtátatlong ibayo mo, sa pagcá't icáw ay paparoon sa m~ga lubháng mayayamang lupaín."--At n~gumín~giting idinagdág; "Nan~gagaisiparito silá sa paghanap n~g guintô; ¡man~gagsiparoon namán cayó sa caniláng lupaí't hanapin ninyó roon ang ibáng guintóng ating kinacailan~gan! Alalahanin mo, gayón mang hindî ang lahát n~g cumíkinang ay guintô. Namatáy riyán ang paring iyón."[171] Sa m~ga gunità niyáng itó'y sumásagot siyá: --¡Hindî, anó mang caratnan, ang una'y ang kinaguisnang lúpà, ang una'y Filipinas, anác n~g España, ang una'y ang lupaíng castílà. ¡Hindî, ang bagay na iyáng isáng casaliwaang palad ay hindî nacarurun~gis sa Bayang kináguisnan, hindî. Hindî nacahahalina sa canyáng paggugunamgunam ang Ermita, iyáng Fénix[172] na pawid, na mulîng sumisilang sa canyáng m~ga abó sa anyóng m~ga bahay na may m~ga pintáng putî at azul at ang bubóng ay zinc na may pintáng pulá. Hindî nacaaakit sa canyáng pagmamalasmalas ang Maalat, ni ang cuartel n~g caballeríang may m~ga punong cahoy sa tapát, ni ang m~ga tagaroon, ni ang m~ga maliliit na bahay na pawid na may matitibong na bubun~gáng nan~gacúcubli sa m~ga púnò n~g saguing at m~ga bun~ga, na guinagawang tulad sa m~ga pugad n~g bawa't amá n~g isáng mag-anac. Tulóy ang paggulong n~g coche: nacasasalubong n~g isáng carromatang híla n~g isá ó dalawang cabayo, na napagkikilalang galing lalawigan, dahil sa guarnición at iba pang cagamitáng pawang abacá. Pinagpipilitang makita n~g carromatero ang naglálacbay na nacasacáy sa maningning na coche at nagdaraang hindî nakikipagpalitan n~g cahi't isáng pananalitâ, n~g cahi't isang pakikipagbatîan. Cung minsa'y isáng carretóng híla n~g isáng calabaw na marahan ang lacad at parang waláng anó man ang siyáng nacawawalâ n~g capanglawan n~g maluluang at maalicabóc na m~ga lansan~gang napapaliguan n~g makináng na araw n~g m~ga "trópico"[173]. Nakikisaliw sa malungcót at dî nagbábagong anyô n~g awit n~g namamatnugot na nacasacáy sa calabaw ang matinding calairit n~g tuyóng rueda sa pag-íkit na casama ang kinsékinsé n~g mabigát na carretón; cung minsan nama'y ang malagáslas na tunóg n~g gasgás na m~ga paa n~g isáng paragos, niyáng trineong[174] sa Filipinas ay hinihilang napacabanayad sa ibabaw n~g alabóc ó n~g m~ga lubác sa daan. Sa m~ga capatagan, sa m~ga malilinis na lupang pinaghahalamanan ay nan~gin~ginain ang m~ga hayop na casama n~g m~ga tagác, na payapang nacadapò sa ibabaw n~g m~ga vacang capóng n~gumún~guyâ at linalasa ang m~ga sariwang damó n~g parang, na ipinipikítpikít ang m~ga matá,; sa dacong malayo'y m~ga babaeng cabayong nan~gagdadambahan, nan~gaglulucsuhan at nan~gagtatacbuhang hagad n~g isáng masival na potrong mababà ang buntót at malagô ang kilíng: humahalinghíng ang potro at pinasasambulat ang lúpà n~g canyáng malalacás na m~ga cucó. Pabayáan nating maglacbáy ang binatang nagdidilidili ó nacacatulog: ang hiwagang malungcót ó masayá n~g catapan~gang hindî nacacaakit n~g canyáng gunamgunam: ang araw na iyóng nagpapapakintab sa m~ga dulo n~g m~ga cahoy at nagpapatacbò sa m~ga tagabukid na nan~gapapasò ang m~ga paa sa nagbabagang lúpà, bagá mán silá'y may panyapác na m~ga lipác; ang araw na iyóng pumipiguil sa isáng babaeng tagabukid sa lilim n~g isáng talisay ó cawayanan, at sa canya'y nagpapaísip n~g m~ga bagaybagay na walang catuturán at dî mapagwarì, ang isip na iyo'y hindi nacalulugod sa ating binatà. Bumalíc tayo sa Maynilà samantalang gumugulong ang coche't nagpapaguiray-guiray, túlad sa isáng lasíng, sa buról-bùról na lupà, at samantalang tumátawid sa tuláy na cawayan, pumapanhic sa mataríc na ahunín ó bumábabâ sa totoong malalim na lusun~gín. TALABABA: [160] Ang namamaguitnâ sa pagbilí, pagbibili, ang nakikialam sa m~ga almoneda at iba pa. [161] Ang nagpapaupa n~g pagdadalá n~g ano mang bagay na mabigat. [162] Ang bahay na nagpapacain sa sino mang nagbabayad sa may ari, at ang papatuloy sa bawa't magbayad. [163] Wicang francés na ang cahuluga'y "fonda:" cacanán at tuluyan. Cung ipan~gusap ay "restorán." [164] Estátua ó larawang cáhoy, bató, tansô ó bacal na inilalagay na pinacahaligui n~g anó man. [165] Tuláy n~g España. [166] Isáng carruajeng ganitó cung tawaguin. [167] Tinatawag n~g catagalugang "carretela" ang isáng sasacyáng anyóng carretong marami ang lulan, n~guni't mahirap sa sumásacay; dalawá ang gulong at isáng cabayo ang humihila.--Ang tinatawag na carretela n~g m~ga castilà ay isáng mainam na carruajeng apat ang gulóng at dalawang cabayo ang humihila. [168] Tinatawag na Sabána [hindî Sábana, cumot] ang daang macalampás n~g Jardin Botánico, hangang sa m~ga unang báhay n~g Ermita, na tinatawag na daang Real. [169] Tinatawag n~g m~ga castilàng guindilla ang m~ga policía municipal sa sa España.--Ang sili ó ang bun~ga n~g tinatawag na "guindillo de India." [170] Ang lupang iniuucol sa pagtatanim n~g sarisaring cahoy at m~ga halaman upang doo'y mapag-aralan ang m~ga carunun~gang nauucol sa bagay na ito. [171] Tila mandín naguguniguni na ni Rizal na sa pinagpatayaang iyón sa paring canyáng sinasabi, na sa acalà co'y waláng ibá cung dî si Pari Burgos, doon din siya pápatayin. [172] Ang tan~ging ibong pinaniniwalaan n~g m~ga tao sa unang mulíng nabubuhay, pagcatapos na masunog, sa ibabaw n~g canyáng m~ga abó. [173] Ang alín may sa dalawáng panig na malapit sa Ecuador ó calaguitnaan n~g lupa, tinatawag ang isáng panig na "trópico de Cancer" sa hemisfercio boreal, at "trópico de Capriconio" de "hemisfercio austral". [174] Sásacyang waláng gulóng na siyáng guinagamit pagca hielo ang dinaraanan; cahawig n~g canggâ ó n~g paragos natin. =IX.= =MANGA CAUGALIAN NG BAYANG ITO= Hindî nagcámalî si Ibarra; nalululan n~ga si "victoriang" iyón si parì Dámaso at tumutun~go sa báhay na canyáng bágong caíiwan. --¿Saan bâ cayó paroroon?--ang tanóng n~g fraile cay María Clara at cay tía Isabel, na man~gagsisisacay na sa isáng cocheng may m~ga pamuting pílac, at tinatampîtampì ni párì Dámaso ang m~ga pisn~gí ni María Clara, sa guitnâ n~g canyang m~ga caguluhan n~g ísip. --Cucunin co sa beaterio ang aking m~ga bagaybagay roon--ang sagót ni María Clara. ¡Aháaá! ¡ahá! tingnán natin cung sino ang mananalo sa amin, tingnan natin!--ang ipinagbububulóng na hindî nápapansin ang sinasabi, na anó pa't nagtacá, ang dalawang babae. Tinún~go ang hagdanan at nanhíc doon si párì Dámasong nacatun~gó ang úlot't madálang-dalang ang hacbáng. ¡Marahil siya'y magsésermon at canyáng isinasaulo ang canyáng ipan~gan~garal!--aní tía Isabel;--sacáy na María at tatanghalíin tayo n~g pagdatíng. Hindî namin masábi cung magsesermón n~gâ ó hindî; datapuwa't inaacala naming m~ga dakílang bagay ang m~ga pinag-íisip-ísip niyá, sa pagcá't hindî man lamang naiabot niyá, ang canyáng camáy cay capitang Tiago, cayá't napilitang yumucód pa itó n~g cauntî upáng hagcán ang camáy na iyón. --¡Santiago!--ang únang sinabi niyá--may pag-uusapan tayong mahahalagang bagay; tayo na sa iyong oficina. Maligalig ang lóob ni Capitang Tiago, hindî nacaimíc n~guni't sumunód sa napacalakíng sacerdote, at sinarhán ang pintô pagcapásóc nilá. Samantalang nagsasalitaan silá n~g líhim, siyasatin nátin cung anó ang kinaratnan ni Fr. Sybila. Walâ sa canyang convento ang pantás na dominico; maagang maaga, pagcapagmisa, siyá'y napatun~go sa convento n~g canyáng capisanang na sa macapasoc n~g pintuan ni Isabel Segunda, ó ni Magallanes, alinsunod sa naghaharing familia, sa Madrid. Hindî niya pinansin ang masaráp na amóy-chocolate, at gayón ding dî niya ininó ín~gay n~g m~ga cajón at ang salapìng náririn~gig mulâ, sa Procuración, at bahagyâ n~g sumagót sa mapitagan at maguíliw na batì n~g uldóg na procurador, nanhíc si Fr. Sybila, tinahac ang ilang m~ga "corredor" at tumuctóc n~g butó n~g m~ga dalírì sa isáng pintûan. --¡Tulóy!--anang isáng voces na wari'y dumaraing. --¡Pagalin~gin nawâ cayó n~g Dios sa inyóng sakít!--ang siyáng batì n~g batang dominico pagpasoc. Nacaupo sa isáng malaking sillón ang isáng matandáng párì, culubót at gá namúmutlâ na ang balát n~g mukhâ, cawan~gis n~g isá riyán sa m~ga santong ipinintá ni Rivera. Nan~glálalalim ang m~ga matáng napuputun~gan n~g lubháng málalagong kilay, na palibhasa'y láguing nacacunót ay nacapagdáragdag n~g ningníng n~g paghíhin~galô n~g canyang m~ga matá. Nabábagbag ang lóob na pinagmasdán siyá ni párì Sibilang nacahalukipkíp ang m~ga camáy sa ilalim n~g cagalanggalang na escapulario ni Santo Domingo. Inilun~gayn~gay pagcatapos ang úlo, hindî umíimic at wari'y naghíhintay. --¡Ah!--ang buntóng hinin~gá n~g maysakít--inihahatol sa akin, Hernando; na akin daw ipahíwà! ¡Ipahiwà sa tandâ co n~g itó! ¡Itóng lupaíng ito! ¡Ang cagulatgulat na lupaíng itó! ¡Muhang ulirán ca sa nangyayari sa akin, Hernando! Dahándáhang itinàas ni Fr. Sybila ang canyáng m~ga matá at itinitig sa mukhà n~g may sakít: --At ¿anó pô ang inyóng minagaling?--ang itinanóng. --¡Mamatáy! ¡Ay! ¿May nálalabi pa bagá sa aking ibáng bágay? Malábis na totoo ang aking ipinaghihirap; datapuwa't.... pinapaghirap co namán ang marami.... ¡nagbabayad-útang lamang acó! At icáw, ¿cumustá ca? ¿anó ang sadyâ mo?, --Naparíto pô acó't sasabihin co sa inyó ang ipinagcatiwalang bílin sa akin. --¡Ah! ¿at anó ang bagay na iyón? --¡Psh!--sumagót na may samâ ang loob, umupô at ilinin~gón ang mukhâ, sa ibáng panig,--m~ga cabulastigan ang sinabi sa atin; ang binatang si Ibarra'y isang matalínong bagongtao; tila mandín hindì halíng; n~guni't sa acálà co'y isáng mabaít na bagongtao. [Larawan:--....Mananatili ang ating capangyarihan hanggang sa capangyarihang iya'y nananalig......] --¿Sa acálà mo? --¡Nagpasimulâ cagabí ang caniláng pagcacáalit! --¡Nagpasimulâ na! ¿at bákit? Sinaysay ni Fr. Sibyla, sa maiclíng pananalitâ, ang nangyari cay párì Dámaso at cay Crisóstomo Ibarra. --Bucód sa rito--ang idinugtóng na pangwacás--mag-aasawa ang binatà sa anác na babae ni Capitang Tiago, na nag-aral sa colegio n~g ating m~ga capatid na babae; siyá'y mayaman at dî n~ga niyá iibiguing magcaroon n~g m~ga caaway upang siyá'y mawal-án n~g caligayahán at cayamanan. Itinan~gô n~g may sakít ang canyang úlo, sa pagpapakìlalang siyá'y sang-áyon. --Siyâ n~gâ, gayón din ang áking acálà ... Sa pamamag-itan n~g gayóng babae at isáng bianáng lalaking gayón, maguiguing atin ang canyáng catawá't cálolowa. At cung hindî ¡lálong magalíng cung siya'y magpakitang kaaway natin! Minamasdáng nagtátaca ni Fr. Sibyla ang matandâ. --Unawàing sa icagagaling n~g ating Santong Capisanan--ang idinugtóng na naghihirap n~g paghin~gá.--Minámagaling co pa ang makilaban sa átin, cay sa m~ga halíng na pagpupuri at paimbabáw na panghihinuyò n~g m~ga caibigan.... tunay at silá'y may m~ga bayad. --¿Inaacalà pô bâ ninyóng gayón? Tiningnán siyá n~g boong lungcót n~g matandâ. --¡Tandaân mong magalíng!--ang isinagót na nagcácangpapagál--Manacatilî ang ating capangyarihan samantalang sa capangyarihang iya'y nananalig. Cung táyo'y labánan, ang sasabihin n~g Gobierno'y: "Nilalabanan silá, sa pagca't ang m~ga fraile'y isáng hadláng sa calayaan n~g m~ga filipino; at sa pagca't gayo'y papanatilihin natin ang m~ga fraile." --At ¿cung silá'y pakinggán? Manacânacang ang Gobierno'y.... --¡Hindî silá pakíkingan! --Gayón man, cung sa udyóc n~g casakimá'y nasáin n~g Gobiernong maowî sa canyá ang ating inaani ... cung magcaroon n~g isáng pan~gahás at walang gúlat na.... --Cung magcágayo'y ¡sa abâ niyá! Capuwâ hindî umimíc. --Bucód sa roón--ang ipinatúloy n~g may sákít--kinacailan~gan nating tayó'y labánan, táyo'y pucáwin: nagpapakilala sa atin ang m~ga labanáng ito n~g cung saan naroon ang ating cahinaan, at ang gayó'y nacapagpapagalíng sa atin. Nacararayà sa átin at nacapágpapahimbing ang malábis na m~ga pagpúri: datapowa't sa lábás ay nacapagpapapan~git n~g ating anyô, at sa araw na mahúlog táyo sa capan~gitang anyô, táyo'y mapapahamac, na gáya n~g pagcapahamac natin sa Europa. Hindî na papasoc ang salapí sa ating m~ga simbahan; sino ma'y walâ n~g bíbili n~g m~ga escapulario, n~g m~ga correa at n~g anó man, at pagcâ hindî na tayo mayaman, hindî na natin mapapapanalig ang m~ga budhî. --¡Psh! Mananatili rin sa atin ang ating m~ga "hacienda," ang ating m~ga báhay! --¡Mawáwala sa ating lahát, na gaya n~g pagcawalâ sa átin sa Europa! At ang lálong masamá'y nagpapagal táyo at n~g táyo'y mangguípuspós. Sa halimbáwà: iyáng nápacalabis na pagsusumakit na dagdagan sa taóntaón, ayon sa ating maibigan, ang halagá n~g buwís n~g ating m~ga lúpà, ang pagsusumakit na iyáng aking sinalansáng sa lahát n~g m~ga malalaking pulong natin; ¡ang pagsusumakit na iyán ang siyáng macapapahamac sa atin! Napipilitan ang "indiong" bumilí sa ibang daco n~g m~ga lúpang casíng galíng din n~g ating m~ga lupà ó lálò pang magalíng. Nan~gan~ganib acóng bacâ táyo'y nagpapasimulâ na n~g pagbabâ: "Quos vult perdere Jupiter dementat prius."[175] Dahil dito'y huwág n~gâ nating dagdagán ang ating bigát; ang báya'y nagbububulóng na. Mabúti ang inisip mo: pabayâan natin ang ibáng makikipaghusay doón n~g canícanilang sagutin; papanatilihin natin ang sa ati'y pagpipitagang nálalabi, at sa pagcá't hindî malalao't makíkiharáp táyo sa Dios, linísin nátin ang ating m~ga cama'y ... ¡Maawà nawâ sa áting m~ga kahinàan ang Dios n~g m~ga pagcahabág! --Sa macatuwíd ay inaaacalà pó bâ ninyóng ang buwís ay ... --¡Howág na tayong mag-úsap n~g tungcól sa salapî!--ang isinalabat n~g may sakít na masamâ ang lóob.--Sinasabi mong ipinan~gacò n~g teniente cay párì Dámaso..? --Opo, amá--ang sagot ni párì Sibylang gá n~gumín~gitî na. N~guni't nakita co caninang umága ang teniente, at sinábi sa áking dináramdam daw niyá ang lahat n~g nangyári cagabí, na umímbulog daw sa canyáng úlo ang Jerez, at sa acálà niya'y gayón din ang nangyári cay párì Dámaso.--At ang pan~gaco?--ang tanóng cong pabirô.--Padre cura ang isinagót:--marunong pô acóng tumupád n~g áking wicâ, pagcâ sa pagtupád na iya'y hindî co dinurun~gisan ang aking capurihán; cailan ma'y dî co naguing ugálì ang magcanulô canino man, at dàhil dito'y teniente acó hanggá n~gayón. --N~g macapagsalitaan silá n~g m~ga ibá't ibáng bágay na waláng cabuluhán, nagpaalam sì Fr. Sibyla. Hindî n~ga namán naparoón ang teniente sa Malacanyáng; n~gunit naalaman din n~g Capitan General ang nangyari. Nang nakikipagsalitaan siyá sa canyáng m~ga ayudante tungcól sa m~ga pagbangguít na sa canya'y guinágawá n~g m~ga páhayagan sa Maynilà, sa ilalim n~g m~ga pamagat na m~ga "cometa"[176] at iba pang m~ga napakikita sa lan~git, sinabí sa canyá n~g isá sa m~ga ayudanteng iyón ang pakikipagcagalit ni párì Dámaso, na pinalubhâ pa ang cabigatán n~g m~ga pananalitâ, bagá man pinakinis n~g cauntî ang m~ga bigcás n~g sabi. --Síno ang sa iyo'y nagsábi--ang tanong n~g Capitán General na n~gumin~gitî. --Narin~gig co pô cay Laruja, na siyáng nagbabalità caninang umága sa pásulatan n~g pámahayagan. Mulíng n~gumitî ang Capitan General at idinagdág: --¡Hindî nacasásakit ang babae't fraile! Ibig cong manahimic sa nátitirang panahón n~g pagtirá co sa lupáng itó, at aayaw na acóng makipag-alít sa m~ga lalaking gumagamit n~g sáya. At lálong lálò na n~gayóng áking natalastás na pinaglalaruan lamang n~g provincial ang aking m~ga útos; hinin~gi cong pinacaparusa ang paglilipat sa ibáng bayan n~g fraileng iyán; at siyá n~ga namán, siya'y inilipat, n~guni't doon siya inilagay sa lalong magaling na báyan: ¡frailadas![177] na sinásabi natin sa España. N~guni't humintô n~g pagn~gitì ang Capitan General n~g nagíisa na. --¡Ah! ¡cung hindî sána nápacatan~gá ang báyang ito'y pasusucuin co ang aking m~ga cagalanggalang na iyán!--ang ipinagbuntóng hinin~gá.--Datapuwa't carapatdapat ang báwa't báyan sa kinasasapitan niyá; gawin nátin ang inuugalì n~g lahát. Samantala'y natápos si Capitang Tiago n~g pakikipulong cay pári Dámaso, ó sa lalong magalíng na sabi, ang pakikipulong ni párì Dámaso cay Capitang Tiago. --¡N~gayo'y napagsabihan na catá!--ang sabi n~g franciscano n~g magpaalam. Naílágan sana ang lahát n~g itó, cung nagtanóngtanóng ca múna sa akin, cung dî ca sana nagsinun~galing n~g icáw ay tinatátanong co. ¡Pagsicapan mong howag ca nang gumawâ n~g m~ga cahalin~gán, at manálig ca sa canyáng ináama! Lumibot n~g macaalawa ó macaatló sa salas si Capitang Tiagong nag-iísip-isip at nagbúbuntóng hinin~gá; di caguinsaguinsa'y párang may naisip siyáng magalíng, tumacbó sa pánalan~ginan at pinatáy ang m~ga candílà at ang lámparang canyáng pinasindihán upang siyáng macapagligtás cay Ibarra. --May panahón pa, sa pagca't totoong malayò ang linálacbay--ang ibinulóng. TALABABA: [175] "Quos vult perdere Jupiter domentat prius", casabihang wicang lating cung tatagalugui'y: Ang m~ga ibig ipahamac ni Jupiter ay pinasisimulaáng sirain muna ang ísip.--P.H.P. [176] Ang cometa'y tulad sa bituing manacanacang napapanood natin sa lan~git. Ang Cometa'y ma'y buntot na makinang na cung minsa'y isá at cung minsa'y marami. Palibhasa'y ang galaw na painóg n~g cometa'y hiwaláy na hiwaláy sa caraniwang liniliguiran n~g m~ga planeta, caya hindî nalalao't ang pagkakita natin sa canya. Isáng casinun~galin~gang ilinalaganap n~g m~ga han~gal na ang pagsicat n~g cometa'y nagbabalita n~g m~ga sacunang mangyayari.--Tinatawag ding "cometa" n~g m~ga castilà ang sarangolang papel na pinalílipad n~g m~ga bátà. [177] Ang masasama at magagaspang na cagagawán n~g m~ga fraile. =X.= =ANG BAYAN= Hálos sa pampáng n~g dagátan ang kinálalagyan n~g báyang San Diego[178], na sumasaguitnâ n~g m~ga capatágang hálamanan at m~ga paláyan. Nagpápadala sa ibáng m~ga báyan n~g asúcal, bigás, café at m~ga búngang haláman, ó ipinagbíbili cayâ n~g múrangmúra sa insíc na nagsasamantalá n~g cawal-áng málay ó n~g pagcahilig sa m~ga masasamang pinagcaratihan n~g magsasacá. Pagcá áraw na mabúting panahón at umáacyat ang m~ga batà sa caitaasan n~g campanario n~g simbahan, na napapamutihan n~g lúmot at n~g damóng hatíd n~g hán~gin; pagcacágayo'y masayáng nan~gagsisigawan, sa udyóc n~g cagandáhan n~g nátatanaw na humáhandog sa caniláng m~ga matá. Sa guìtná n~g caráming m~ga bubun~gáng páwid, tísà, "zinc" at yúnot, na napapaguitnaan n~g m~ga bulaclác natátalastas n~g bawa't isá ang paraan n~g pagcakita sa canícanilang báhay na maliliit, ang canilá bagáng malilingguít na púgad. Nagagamit niláng panandâ ang lahát: isáng cáhóy, isáng sampáloc na may maliliit na dáhon, ang nióg na puspós n~g m~ga búco, tulad sa maanaking si Astarté[179] ó cay Diana[180] sa Efeso[181] na may maraming súso, isáng humáhabyog na cawáyan, isáng bún~ga, isáng cruz. Naroroón, ang ílog, calakilakihang ahas na cristal na natutulog sa verdeng alfombra: pinaaalon ang canyáng ágos n~g m~ga pirápirasong malalakíng batóng nagcacapatlángpatláng sa mabuhan~ging inaagusan n~g túbig; cumikipot ang ílog sa dáco roón, at may m~ga pangpáng na matatáas na kinacapitang nangpapalícò-lícò n~g m~ga cahoy na nacalitáw ang m~ga ugát, at sa dáco rito'y lumálaylay ang m~ga panabí at lumuluang at tumitining ang ágos. May nátatanaw sa dácong maláyong isáng maliit na bahay, na itinayô sa pangpáng na hindî natacot sa cataasan, sa han~ging malacás at sa pinanununghang ban~gíng malálim, at masasabi, dahil sa canyáng malilíit na haligui, na siyá'y isáng cálakilakihang zancuda[182] na nag-aabang n~g ahas upang daluhún~gin. M~ga catawán n~g púnò n~g nióg ò n~g cahoy na may balát pa, na gumágalaw at gumiguiwang ang siyang naghúhugpong n~g magcabilang ibayo, at cahi't sila'y masasamáng tuláy, datapuwa't maiínam namáng cagamitán sa circo sa pagpapatiwatiwáric, bagay na hindî dapat pawal-áng halagá: nan~gagcacatwâ ang m~ga bátà, búhat sa ílog na pinaliliguan, sa m~ga pagcalaguím n~g nagdaraang babaeng may súnong na bacol, ó n~g matandáng lalaking nan~gín~ginig sa paglácad at pinababayâang mahúlog ang canyang tungcód sa túbig. N~guni't ang lálong nacahihicayat n~g pagmamasíd ay ang isáng matatawag nating náiimos na gúbat sa dágat na iyón n~g m~ga lúpang lináng. Diya'y may m~ga cátandâtandàang m~ga cáhoy, na guáng ang catawán, at cayâ lámang namámatay ay pagcâ tinámâan n~g lintíc ang matàas na dúlo at nasusunog: ang sabihana'y hindî lumalakit sa îbá ang apóy na iyón at namámatay doón din; diyá'y may m~ga pagcálalaking m~ga batóng dináramtan n~g terciopelong lúmot n~g panahón at n~g "naturaleza": humíhimpil at nagpapatongpatong sa caniláng m~ga gúang ang alabóc na pinacacapit n~g ulán at ang m~ga íbon ang siyáng nagtátanim n~g m~ga binhî. Malayang lumalagô ang m~ga cacahuyan: m~ga damó, m~ga dawag, m~ga tabing na damóng gumagapang na nan~gagsasalasalabat at nagpapalipatlipat sa isá't isáng cahoy, bumibitin sa m~ga san~gá, cumacapit sa m~ga ugát, sa lupà, at sa pagcá't hindî pa mandin nasisiyahan sa ganitó si Flora[183], ay nagtátanim siyá n~g m~ga damó sa ibábaw n~g damó; nabubuhay ang lúmot at ang cábuti sa m~ga gahác-gahác na balát n~g cáhoy, at ang m~ga damóng dápò, m~ga cawilíwíling manunuluyan, ay napapagcamal-an sa canilang m~ga pagcâyacap sa cahoy na mápagpatuloy. Iguinagalang ang gúbat na iyón: may m~ga sali't-sáling sabing sinásalitâ tungcól doon; n~guni't ang lâlong malápit sa catotohanan, at sa pagca't gayó'y siyang hindî lubhang pinaniniwalaan at hindî naman napag-aalaman, ay ang sumusunod: Nang ang baya'y walâ cung dî isang walang halagang tumpóc n~g m~ga dampâ, at saganang sumísibol pa sa pinacalansan~gan ang damó; n~g panahóng yaóng pagcagabi ay nanasoc doón ang m~ga usá at m~ga baboy-ramó, dumatíng isáng áraw ang isáng matandáng castilang malalálim ang m~ga matá at totoong magalíng magwícang tagalog. Pagcatápos na matingnán at malíbot ang m~ga lúpà sa magcabicabilà, ipinagtanóng niyá cung sinosino ang may arì n~g cagubatang inaagusan n~g tubig na malacúcò. Nan~gagsiharáp ang iláng nan~gagsabing umanó'y silá raw ang may árì, at ang guinawâ n~g matandá'y binilí sa canilá ang gúbat na iyón, sa pamamag-ítan n~g m~ga damít, m~ga híyas at cauntíng salapî. Nawalâ pagcátapos ang matandâ na hindî maalaman cung paáno. Pinananaligan na n~g táong siyá'y "encantado", n~g máino n~g m~ga pastól ang isáng caan~gutáng nagbubuhat sa carátig na gúbat; caniláng binacás, at ang násumpun~gan nila'y ang matandáng lalaking bulóc na at nacabítin sa san~gá n~g isáng "balítì". Nacatatacot na siyá n~g panahóng buháy pa, dáhil sa canyáng malalim at malagunlóng na voces, dáhil sa malalim niyang m~ga matá at dáhil sa táwa niyáng waláng ín~gay; n~guni't n~gayóng siyá'y magbigtí ay lumiligalig siyá sa pagtulog n~g m~ga babae. Itinapon n~g iláng babae sa ílog ang m~ga híyas at sinunog ang damít na canyáng bigáy, at mulà n~g ilibíng ang bangcáy sa púnò n~g balítì ring iyón, sino mang táo'y walâ n~g man~gahás na doo'y lumápit. Isáng pastól na nagháhanap n~g canyáng m~ga hayop, ibinalitang nacakita raw siyá roón n~g m~ga ílaw; nan~gagsiparoón ang m~ga bínatà at nacárinig na silá n~g m~ga daíng. Isáng cúlang pálad na nan~gin~gibig, na sa pagmimithî niyáng mápuna n~g sa canyá'y nagwáwalang bahálà, nan~gácong mátitira siyáng magdamág sa lílim n~g cáhoy at ipupulupot niyá sa punò nitó ang isáng mahabang yantóc, namatáy dahil sa matindíng lagnát na sa canya'y dumápò kinabucasan n~g gabí n~g canyáng pakikipagpustahan. May pinagsasalitaanan pang m~ga catha't sali't saling sabi tungcól sa gubat na iyón. Hindî nag-iláng buwán at naparoon ang isáng binatang wari'y mestizong castílà, na ang sabi'y anác daw siyá n~g nasírà, at nanahán sa súloc na iyón at nan~gasíwà sa pagsasaca, lalonglalò na sa pagtataním n~g tínà. Si Don Saturnino'y isáng binatang malungcót ang asal at lubháng magagalitín, at cung minsa'y malupít; datapuwa't totoong masipag at masintahin sa paggawâ: binacuran n~g pader ang pinaglibin~gán sa canyáng amá, na manacânacâ lamang dinadalaw. Nang may cagulan~gan na'y nag-asawa sa isáng batang dalagang taga Maynílà, at dito'y naguíng anác niya si Don Rafael, na amá ni Crisóstomo. Batangbatà pa si Don Rafael ay nagpílit nang siyá'y calugdán n~g m~ga táong bukid: hindî nalao't pagdaca'y lumagô ang pagsasacang dinalá at pinalaganap n~g canyáng amá, nanahán doon ang maraming táo, nan~gagsiparoon ang maraming insíc; ang pulô n~g m~ga dampá'y naguíng isáng nayon, at nagcaroon n~g isáng curang tagalog; pagcatapos ay naguíng isáng bayan, namatáy ang cura at naparoon si Fr. Dámaso; n~guni't ang libin~ga't caratig na lupa'y pawang pinagpitaganan. Nan~gán~gahas na maminsanminsan ang m~ga batang lalaking man~gagsiparoong may m~ga daláng panghampás at m~ga bató, upang lumiguid sa palibot libot at man~guha n~g bayabas, papaya, dúhat at iba pa, at cung minsa'y nangyayaring sa casalucuyan n~g caniláng guinàgawà, ó cung caniláng pinagmámasdang waláng imíc ang lubid na gagalawgalaw buhat sa san~gá n~g cáhoy, lumálagpac ang isá ó dalawáng batóng hindi maalaman cung saán gáling; pagcacagayo'y casabay n~g sigáw na:--¡ang matandâ! ¡ang matanda!--caniláng ipinagtatapunan ang m~ga bun~gang cáhoy at ang m~ga panghampás, lumúlucso silá sa m~ga cáhoy at nan~gagtatacbuhan sa ibabaw n~g malalakíng bató at sa m~ga cacapalán n~g damó, at hindî silá tumitiguil hanggáng sa macalabás sa gubat, na nan~gamúmutlâ, humihin~gal ang ibá, ang iba'y umíiyac, at cácauntî ang nan~gagtátawa. TALABABA: [178] Wala caming nasumpong na alin mang bayang ganito ang pan~galan, n~guni't marami ang nacacatulad n~g calagayan n~g bayang ito.--J. R. [179] Pan~galan ni Venus; sa Siria; ni Céres, sa Fenicia, at ni Juno sa Cartago. [180] Anác na babae ni Júpiter at ni Latona, capatíd na babae ni Apolo at diosa sa pan~gan~gaso. [181] Caunaunahang ciudad n~g Tonia, sa Asia Menor, balità dahil sa carikitdikitang templo ni Diana, na sinunog ni Eróstrato. Ipinalagay ang templong iyo'y isá sa pitóng m~ga caguilaguilalás na edificiong itinayo sa daigdig. [182] Malalaking ibong totoong mahábà ang m~ga paa. [183] Flora. =XI.= =ANG MAN~GA MACAPANGYARIHAN= _Man~gaghati-hati cayó at cayó'y man~gaghari.--(Bagong Machiavelo)_[184] ¿Sinosino bagá ang m~ga nacapangyayari sa bayan? Cailán ma'y hindî nacapangyari si Don Rafael n~g nabubuhay pa siyá, bagá man siyá ang lalong mayaman doon, malakí ang lúpá at hálos may útang na loob sa canyá ang lahát. Palibhasa'y mahinhíng loob at pinagsisicapang huwág bigyáng cabuluhán ang lahát n~g canyáng m~ga guinágawà, hindî nagtatag sa báyan n~g canyáng partido [185], at nakita na natin cung paano ang m~ga paglaban sa canyá n~g makita nilang masamâ ang canyáng calagayan.--¿Si Capitang Tiago caya?--Totoo't cung siyá'y dumárating ay sinasalubong siyá n~g orquesta n~g m~ga nagcacautang sa canyá, hináhandugan siyá n~g piguíng at binúbusog siyá sa m~ga álay. Inilalatag sa canyáng mesa ang lalong magagalíng na bún~gang cáhoy; cung nan~gacacahuli sa pan~gán~gaso n~g isáng usá ó baboy-ramó'y sa canyá ang icapat na bahagui; cung nababatì niyá ang cainaman n~g cabayo n~g isáng sa canyá'y may utang, pagdatíng n~g calahating horas ay sumásacanyang cuadra[186] na: ang lahát n~g itó'y catotohanan; n~guni't siyá'y pinagtátawanan at tinatawag siyá sa lihim na Sacristan Tiago. ¿Ang gobernadorcillo bagá cayâ? Itó'y isáng cúlang palad na hindî nag-uutos, siyá ang sumúsunod; hindî nacapagmúmura canino man, siyá ang minumura; hindî nagágawa niyá ang maibigan, guinágawâ sa canyá ang calooban n~g ibá; ang capalít nitó'y nanánagot siyá sa Alcalde mayor n~g lahát n~g sa canyá'y ipinag-utos, ipinagawâ at ipinatatag sa canyá n~g m~ga ibá, na para manding nanggaling sa bun~gô n~g canyáng úlo ang lahát n~g iyon; n~guni't dápat sabihin, sa icapupuri niyá, na ang catungculang canyáng háwac ay hindî niyá ninacaw ó kinamcám: upang tamuhi'y nagcagugol siyá n~g limáng libong piso, at maraming cadustâan, n~guni't sa napapakinabang niyá'y canyáng inaacalang murangmura ang m~ga gugol na iyón. ¿Cung gayo'y bacâ cayâ ang Dios? ¡Ah! hindî nacatitigatig ang mabait na Dios n~g m~ga conciencia at n~g pagcacatulog n~g m~ga mámamayan doon: hindî nacapan~gin~gilabot man lamang sa canila; at sacali't másalitâ sa canilá ang Dios sa alin mang sermón, waláng sálang naiisip niláng casabáy ang pagbubuntóng hinin~gá: ¡Cung íisa sana ang Dios!... Bahagyâ na nilá nagugunitâ ang Dios: lalong malakí pa n~ga ang capagurang sa canila'y ibiníbigay n~g m~ga santo at m~ga santa. Nápapalagay ang Dios sa m~ga táong iyóng tulad diyán sa m~ga haring naglálagay sa canyáng paliguid n~g m~ga tinatan~gi sa pagmamahal na m~ga lalaki't babae: ang sinusuyò lamang n~g baya'y itóng canilang m~ga tinatan~gì. May pagcawan~gis ang San Diego sa Roma; n~guni't hindî sa Roma n~g panahóng guinuguhitan n~g araro n~g cuhilang si Rómulo[187] ang canyáng m~ga cútà; hindî rin sa Romang nacapaglalagdâ n~g m~ga cautusan sa sandaigdíg sa palilígò sa sarili't sa m~ga ibáng dugô, hindî: wan~gis ang San Diego sa casalucuyang Roma, at ang bilang caibhán lamang ay hindî m~ga monumentong mármol at m~ga coliseo ang naroon, cung dî sawaling monumento at sabun~gáng pawid. Ang pinaca-papa sa Vaticano'y[188] ang cura; ang pinaca hárì sa Italiang na sa Quirinal[189] ay ang alférez n~g Guardia Civil; datapowa't dapat unawâing ibabagay na lahát sa sawálì at sa sabun~gáng pawid. At dito'y gaya rin doong palibhasa'y ibig macapangyari ang isá't isá, nan~gagpapalagayang ang isá sa canila'y labis (sa macatuwid ay dapat mawalâ ang isá sa canila), at dito nanggagaling ang wálang licát na samaan n~g loob. Ipaliliwanag namin ang aming sabi, at sásaysayín namin ang caugalìa't budhî n~g cura at n~g alférez. Si Fr. Bernardo Salví ay yaong batà at hindî makibuing franciscanong sinaysay na namin sa unahán nitó. Natatan~gì siya, dahil sa canyáng m~ga ásal at kílos sa canyáng m~ga capowâ fraile, at lálonglálò na sa napacabalasic na si párí Dámasong canyáng hinalinhán. Siyá'y payát, masasactín, halos laguì na lamang nag-íisip, mahigpít sa pagtupád n~g canyáng m~ga catungculan sa religión, at mapag-in~gat sa carilagán n~g canyáng pan~galan. May isáng buwan lamang na nacararating siyá roón, halos ang lahát ay nakicapatid na sa V.O.T.[190], bagày na totoong ipinamamangláw n~g canyáng capan~gagáw na cofradía n~g Santísimo Rosario. Lumúlucso ang cálolowa sa catuwâan pagcakita n~g nacasabit sa bawa't liig na apat ó limáng m~ga escapulario, at sa bawa't bayawáng ay isáng cordóng may m~ga buhól, at niyóng m~ga procesión n~g m~ga bangcáy ó m~ga fantasma[191] na may m~ga hábitong guinggón. Nacatipon ang sacristán mayor n~g isáng mabutíbutí n~g puhunan, sa pagbibilí ó sa pagpapalimós, sa pagca't ganitó ang marapat na pagsasalitâ, n~g m~ga casangcapang kinakailan~gan upáng mailigtás ang cálolowa at mabáca ang diablo: talastás n~g ang espíritung itó, na n~g una'y nan~gán~gahas na sumalansáng n~g pamukhâan sa Dios, at nag-aalinlan~gan sa pananampalataya sa m~ga wicà nitó, ayon sa sabi sa librong santo ni Job, na nagpailangláng sa aláng-álang sa ating Pan~ginoong Jesucristo, na gaya n~g guinawâ namán n~g Edad Media[192] sa m~ga bruja[193], at nananatili, ang sabihan, hanggá n~gayón sa paggawa n~g gayón din sa m~ga asuang[194] sa Filipinas; datapowa't tila mandín n~gayón ay naguíng mahihiyâing totoo na, hanggáng sa hindî macatagál sa pagtin~gín sa capirasong damít na kinalalarawanan n~g dalawáng brazo, at natatacot sa m~ga buhól n~g isáng cordón: n~guni't dito'y waláng napagkikilala cung dî sumusulong namán ang dunong sa panig na itó, at ang diablo'y aayaw sa pagsúlong, ó cung dilî caya'y hindî malulugdín sa pagbabagong asal, tulad sa lahát n~g namamahay sa m~ga cadiliman, sacasacali't hindî ibig na sapantahain nating tagláy niyá ang m~ga cahinàan n~g loob n~g isáng dalagang lálabing-limáng taón lamang. Alinsunod sa aming sinabi, si párì Salví'y totoong masigasig gumanap n~g canyáng m~ga catungculan; napacasigasig namán, ang sabi n~g alfèrez,--Samantalang nagsesermon--totoong siya'y maibiguíng magsermon--pinasasarhan niyá, ang m~ga pintuan n~g simbahan. Sa ganitóng gawá'y natutulad siyá cay Nerón[195] na ayaw magpaalis canino man, samantalang cumacanta sa teatro: n~guni't guinagawa iyón ni Nerón sa icágagaling, datapuwa't guinágawà ang m~ga bagay na iyón n~g cura sa icasasamâ n~g m~ga calolowa. Ang lahát n~g caculan~gán n~g canyáng m~ga nasásacop, ang cadalasa'y pinarurusahan n~g m~ga "multa"; sa pagcá't bihírang bihirang namamalò siyá,; sa bagay na ito'y náiiba siyáng lubhâ cay pári Dámaso, na pinaghuhusay ang lahát sa pamamag-itan n~g m~ga panununtóc at panghahampás n~g bastong nagtátawa pa at taglay ang magandáng han~gád. Sa bagay na itó'y hindî siya mapaghihinanactán: lubós ang canyáng paniniwalang sa pamamálò lamang pinakikipanayaman ang "indio"; ganitó ang salitâ n~g isáng fraileng marunong sumulat n~g m~ga libro, at canyáng sinasampalatayanan, sa pagcá't hindî niyá, tinututulan ang anó mang nálilimbag: sa hindî pagcámasuwayíng ito'y macaráraing ang maraming tao. Bihírang bihírang namamalo si Fr. Salví, n~guni't gaya na n~ga n~g sabi n~g isáng sa baya'y matandáng filosofo[196], na ang naguiguing caculan~gán sa bílang ay pinasasaganà namán sa tindí; datapuwa't hindî rín namán siyá mapaghihinanactan tungcól sa ganitóng gawâ. Nacapan~gín~gilis n~g canyáng m~ga ugát ang canyáng m~ga pag-aayuno[197] at pan~gin~gilin n~g pagcain n~g m~ga lamáng-cáti na siyáng ikinapaguíguing dukhâ n~g canyáng dugô, at, ayon sa sabihan n~g táo, pumápanhic daw ang han~gín sa canyáng úlo. Ang alférez, na gaya na n~ga n~g sinabi namin, ang tan~ging caaway n~g capangyarihang ito sa cálolowa, na may pacay na macapangyari namán sa catawán. Siyá lamang ang tan~gì, sa pagca't sinasabi n~g m~ga babae na tumatacas daw sa cura ang diablo, dahiláng sa n~g minsang nan~gahás ang diablo na tucsuhín ang cura, siyá'y hinuli nitó, iguinapos sa paa n~g catre at sacá pinálò n~g cordón, at cayâ lamang siyá inalpasán ay n~g macaraan na ang siyám na araw. Yaya mang gayó'y ang táong pagcatapos n~g ganitóng nangyari, makipagcagalít pa sa cay párì Salvî ay maipapalagay na masamâ pa sa m~ga abáng diablong hindî marunong mag-in~gat, cayâ n~ga't marapat na magcaroon n~g gayóng capalaran ang alférez. Doña Consolación cung tawaguin ang canyáng guinoong asawa, na isáng matandáng filipina, na nagpapahid n~g maraming m~ga "colorete"[198] at m~ga pintura; ibá ang ipinan~gan~galan sa canyá n~g canyáng esposo at n~g ibá pang m~ga táo. Nanghihigantí sa sariling catawán ang alférez, sa canyáng pagcawaláng palad sa matrimonio, na nagpapacalasíng hanggang sa dî macamalay-táo; pinag-"eejercicio"[199] ang canyáng m~ga sundalo sa arawan at siyá'y sumisilong sa lílim, ó cung dilî cayâ, at itó'y siyáng lalong madalás, pinapagpag niyá n~g pálò ang licód n~g canyáng asawa, na cung dî man isáng "cordero" (tupa) n~g Dios na umáalis n~g casalanan nino man, datapuwa't nagagamit namán sa pagbabawas sa canyá n~g maraming m~ga cahirapan sa Purgatorio, sacali't siyá'y máparoon, bagay na pinag-aalinlan~ganan n~g mapamintacasing m~ga babae. Nan~gaghahampasang magalíng ang alférez at si Doña Consolacióng parang nan~gagbíbiruan lamang, at nag-aalay siláng waláng bayad sa m~ga capit-bahay n~g m~ga pánoorin: "concierto vocal" at "instrumental"[200] n~g apat na camáy, mahinà, malacás, na may "pedal"[201] at lahát. Cailán mang dumárating sa tain~ga ni párì Salví ang m~ga escándalong[202] itó, siyá'y n~gumín~gitî at nagcucruz at nagdárasal pagcatapos n~g isáng Amá namin; cung tinatawag siyáng "carca"[203], mapagbanalbanalan, "carlistón"[204], masakím, n~gumín~gitî rin si párì Salvì at lalong nagdárasal. Cailán ma'y ipinagbibigay alám n~g alférez sa íilang castilang sa canyá'y dumadalaw ang sumusunod na casabihán: --¿Paparoon bâ cayó sa convento upang dalawin ang "curita"[205] "Mosca, muerta[206]? ¡Mag-in~gat cayó! Sacali't anyayahan cayóng uminóm n~g chocolate, ¡bagay na aking pinag-aalinlan~ganan!.. n~guni't gayón man, cung cayó'y aanyayahan, cayó'y magmasíd. ¿Tinawag ang alila't sinabing: "Fulanito, gumawâ ca n~g isáng "jícarang"[207] chocolate; ¿eh?"--Cung gayó'y mátira cayóng waláng anó mang agam-agam; n~guni't cung sabihing: "gumawâ ca n~g isáng "jícarang" chocolate, ¿"ah"?"--Pagcâ gayó'y damputin ninyó ang inyóng sombrero at yumao cayóng patacbó. --¿Bakit?--ang tanóng n~g causap na nagugulat--¿nanglalason pô bâ sa pamamag-itan n~g chocolate? ¡Carambas[208]! --¡Abá, hindî namán nápacagayón! --¡At paano, cung gayón? --Pagca chocolate ¿eh? ang cahuluga'y malapot, at malabnáw pagca chocolate ¿ah?[209] N~guni't inaacalà naming ito'y bintáng lamang n~g alferez; sapagcá't ang casabiháng ito'y cabalitàang guinagawà rin daw n~g maraming m~ga cura. Ayawán lamang cung ito'y talagáng ugalì na n~g boong capisanan n~g m~ga fraile ... Upang pahirapan ang cura, ipinagbabawal n~g militar, sa udyóc n~g canyáng asawa, na sino ma'y huwag macagalà pagcatugtóg n~g icasiyam na horas n~g gabi. Sinasabi ni Doña Consolacióng dî umano'y canyang nakita ang cura, na nacabarong pinya at nacasalacót n~g nítò't n~g huwag siyang makilala, na naglíbot na malalim na ang gabí. Nanghíhiganti naman n~g boong cabanalan si Fr. Salví: pagcakita niyang pumapasoc sa simbahan ang alférez, lihim na nag-uutos sa sacristang isará ang lahát n~g m~ga pintò, at nagpapasimulâ n~g pagsesermón hanggáng sa mápikit ang m~ga matá n~g m~ga santo at ibulóng sa canyá n~g calapating cahoy na na sa tapát n~g canyáng úlo, ang larawán bagá n~g Espíritung Dios, na ¡siyá na, alang-alang! Hindî dahil dito'y nagbabagong ugáli ang alférez, na gaya rin n~g lahát n~g hindî marurunong magbalíc-lóob: lumálabas sa simbahang nagtútun~gayáw, at pagcásumpong sa isáng sacristan ó alilà n~g cura'y pinipiit, binúbugbog at pinapagpupunas n~g sahíg n~g cuartel at n~g bahay niyáng sarili, na pagcâ nagcacagayo'y lumilinis. Pagbabayad n~g sacristan n~g multang ipinarurusa n~g cura, dahil sa hindî niyá pagsipót, canyáng ipinauunáwâ, ang cadahilanan. Dinírin~gig siyáng waláng kibô ni Fr. Salví, iliníligpit ang salapî, at ang únang guinágawa'y pinawáwal-an ang canyáng m~ga cambíng at m~ga túpa at n~g doon silá man~ginain sa halamanan n~g alférez, samantalang humahanap siyá n~g isáng bagong palatuntunan sa isáng sermóng lalong mahabâ at nacapagpapabanal. Datapuwa't hindî naguiguing hadláng ang lahát n~g itó, upang pagcatapos ay man~gagcamá'y at magsalitaan n~g boong cahinusayan, cung silá'y magkita. Pagcâ, itinutulog n~g canyang asawa ang calasin~gán ó humíhilic cung tanghalì, hindî maaway ni Doña Consolación ang alférez, pagcacágayo'y lumálagay sa bintanà't humíhitit n~g tabaco at nacabarong franelang azul. Palibhasa'y kinasúsusutan niyá ang cabataan, mulâ sa canyáng kinálalagya'y namamanà, siyá n~g canyáng m~ga matá, sa m~ga dalaga, at silá'y canyáng pinípintasan. Ang m~ga dalagang itóng sa canyá'y nan~gatatacot, dumaraang kimingkimî, na dî man lamang maitungháy ang m~ga matá, nan~gagdudumalî n~g paglacad at pinipiguil ang paghin~gá. May isáng cabanalan si Doña Consolación: tila mandin hindî siyá nananalamin cailán man. Ito ang m~ga macapangyarihan sa bayang San Diego. TALABABA: [184] Machiavelo: balitang escritor, político at literato italiano, na naguíng ministro sa Florencio, inihahatol ni Machiavelo sa canyáng sinulat na librong "El principe" ang pagdarayà sa m~ga pakikipanayam sa tagâ ibáng nación tungcol sa politica.--P.H.P. [185] Capisanan n~g m~ga táong nagcacaisang loob sa pagsasanggalang n~g isáng caisipan. [186] Alagaan n~g m~ga cabayo. [187] Capatíd ni Remo at siyáng nagtayô n~g Roma n~g taóng 733 bago ipan~ganác si Cristo. [188] Palacio n~g papa sa Roma, na na sa bundóc Vaticano. [189] Palacio n~g hárì sa Roma na na sa Quirinal, isa sa pitóng bundóc sa Roma. [190] V.O.T. "abreviatura" n~g Venerable Orden Tercera; Cagalang-galang na icatlong hanáy n~g Capisanan ó icatlong pulutóng n~g Capisanan. [191] Pangguitlá sa táo. M~ga cabulaanang larawang likhâ n~g panimdím n~g m~ga matatacutín. [192] Dakilang panahóng nagpasimulâ n~g pagwawasác sa caharìan n~g Roma, sa Calunuran, n~g m~ga "bárbaro", taóng 476, at ang wacás ay sa pagcacuha n~g m~ga turco sa Constantinopla, n~g taóng 1453, ó sa pagcatuclás n~g América n~g 1492. Ang pangyayari n~g feudalismo ang siyáng caraniwan n~g panahóng iyón.--P.H.P. [193] Babaeng ayon sa m~ga han~gál ay catiyáp n~g diablo. Nawawan~gis sa asuwang na pinaniniwalaan n~g m~ga tagalog na mangmang.--P.H.P. [194] Dahil sa nawawangking totoo ang pinaniniwalaang "asuwang" n~g m~ga tagalog sa pinaniniwalaang "bruja" n~g m~ga europeo'y inaacala cong ang nagdalá rito n~g ganyáng malíng sapantahà'y ang m~ga fraile ó ang m~ga castilang mangmang, na gaya rîn n~g maraming m~ga pamahîing dî dating kilala n~g m~ga tagalog cung dî n~g maparito na lamang ang m~ga taga España--P.H.P. [195] Lucio Dominico Nerón, malupít na emperador sa Roma; ipinapatáy niyá ang canyáng ináng si Agripina at si Britânico, hinatulang mamatáy ang tagapag-alagà sa canyáng si Burro, ang canyáng maestrong si Séneca, si Lucano at ibá pang m~ga caguinoohan; pinag-usig ang m~ga cristiano at sinunog ang Roma. Ipinan~ganác n~g taong 37 at namatáy n~g taóng 68. [196] Ang nag-aaral ó ang sumusunod sa filosofía ó marunong n~g filosofía, na isáng carunun~gang nauucol sa cahulugán, calagayan, pinagmumulaan at naguiguing bun~ga n~g m~ga bagay bagay. [197] Ang pan~gin~gilin sa anó man, lalong-lálò ang mahigpít na pagpipiguil na huwág gumawâ n~g anó mang bagay na masamâ, na siyang ibig n~g Dios na ating sundìn, ayon sa profeta Isaias LVIII. 3-7.--Tungcól sa ayuno n~g catawán, ang pagkabawal bagá n~g pagcaing anó man, minsan lamang na ipinag-utos na sapilitang súsundin n~g m~ga israelita sa araw n~g pagsisisi, ayon sa Levítico XVI. 29, 31, na doo'y ang salitáng: "papagpipighatiin ninyó ang inyóng cálolowa," caraniwang ang inaaring cahulugán ay mag-ayuno; sa pagca't ang ayuno sa m~ga judio'y tunay n~gang isáng araw n~g pagpipighatî at pagpapacabábà. Walâ na acóng ibá pang nakita tungcól sa ayuno sa m~ga cautusáng lagdâ ni Moisés. Ipinag-uutos ang iláng araw na pag-aayuno n~g panahóng nabibihag ang m~ga judío sa Babilonia, ayon sa sabi ni Zacarías VII. 1-7; VIII. 19, bagá man hindî sinasabi roon ang m~ga pinagcadahilanan n~g gayóng tadhanà. Gayón man, manacânacáng ipinag-utos na man~gag-ayuno ang lahát dahil sa m~ga tan~ging nangyayari, datapuwa't hindî tadhanang iparati ang pag-aayuno, cung dî sa panahóng lamang na iyón; gaya na n~ga n~g magcatipon ang m~ga taga Atispa ay nan~gag-ayunong lahát ayon sa sulat ni Samuel VII. 6.--Nag-utos din si Josaphat na mag-ayuno ang lahát n~g m~ga judío, dahil sa pakikibaca sa m~ga Moabita at Ammonita, ayon sa 2.a Crónica XX. 3.--Gayón ding m~ga pag-aayuno ang guinawâ n~g iba't ibáng m~ga cautusán n~g m~ga judío, at sa pagca't ang Cristianismo'y religióng ucol sa lahát n~g m~ga bayan, hindî na n~ga ipinag-utos sa m~ga Cristianong sapilitan ang pag-aayuno, ayon sa makikita natin sa m~ga Santong Evangelio. Ang pag-aayuno'y cusà n~g calooban at dapat ganapíng hindî sa pagpaparan~galan, at gagawing tandâ n~g taimtím na pagsisisi sa m~ga casalanan, ayon cay San Mateo, VI. 16. [198] Pangpintá sa mukhâ at n~g pumulá. [199] Pagsasanay sa paggamit n~g sandata at n~g m~ga kilos n~g pagcasundalo. [200] Ang m~ga canta't m~ga tugtog na magcasaliw; at ang ibig sabihin dito'y may tacapan at may paluan. [201] "Pedál", tapacán sa piano, at ang ibig sabihi'y may sicarán pa. [202] Sa wicà natin ay waláng tunay na catumbás ang sabing "escándalo" na ang isá sa m~ga cahuluga'y ang pagtatalong nacapagcacasala ó nacababagabag sa iba. [203] Sawicaíng ang cahuluga'y capanig n~g may m~ga caisipang tulad sa adhicain n~g m~ga fraile. [204] Ang cacampi ni Cárlos na ibig maghári sa España. [205] Curang malìit ó curacuráhan. [206] Lán~gaw na patáy. Mapagpataypatayan samantalang nag-iísip n~g m~ga catampalasanang gawâ. [207] Ang caraniwang tawaguing "pozuelo" ó tasang lalagyán n~g chocolate. [208] Isang casabihang catumbás n~g ¡abá! ¡nacú! ¡diaske! at iba pang nagpapakilala n~g towâ, gálit, pagtatacá. [209] Malapot sa wicang castila'y "espeso", caya chocolate ¿eh? ang sinasabi n~g cura pagca chocolateng malapot ang ibig.--Malabnaw sa wicang castila'y "aguado", caya't chocolate ¿ah? ang sabi pagca ang ibig ay malabnaw. =XII.= =ANG LAHAT NANG MANGA SANTO=[210] Marahil ang bugtóng na bagay na hindî matututulang ikinatatan~gì n~g táo sa m~ga háyop ay ang paggalang na iniháhandog sa m~ga namamatay. Sinásaysay n~g m~ga historiador[211] na sinasamba at dinídios nilá ang caniláng m~ga núnò at magugulang; n~gayó'y tumbalíc ang nangyayari: ang m~ga patáy ang nagcacailan~gang mamintuhô sa m~ga buháy. Sinasabi rin namáng iniin~gatan n~g m~ga taga Nueva Guinea sa m~ga caja ang m~ga but-ó n~g caniláng m~ga patáy at nakikipagsalitaan sa canilá; sa pinacamarami sa m~ga bayan n~g Asia, Africa at América'y hinahayinan ang caniláng m~ga patáy n~g lalong masasaráp niláng m~ga pagcain, ó ang m~ga pagcaing minámasarap n~g m~ga patáy n~g panahóng silá'y nabubuhay, at nan~gagpípiguing at inaacalà niláng dumádalo sa m~ga piguíng na itó ang m~ga patáy. Ipinagtátayô n~g m~ga taga Egipto n~g m~ga palacio ang m~ga patáy, ang m~ga musulmán nama'y ipinagpápagawâ, silá n~g maliliit na m~ga capilla, at ibá pa; datapowa't ang bayang maestro sa bagay na itó, at siyáng lalong magalíng ang pagcakilala sa púsò n~g tao'y ang bayan n~g Dahomey[212]. Natátalastas n~g m~ga maiitím na itó, na ang táo'y mapanghigantí, at sa pagca't gayó'y sinasabi niláng upang mabigyang catowâan ang namatáy, walâ n~g lalong magalíng cung dî ang patayín sa ibabaw n~g pinaglibin~gan sa canyá ang lahát n~g canyáng m~ga caaway; at sa pagcá't ang táo'y malulugdíng macaalam n~g m~ga bagay-bagay, sa taón-tao'y pinadadalhán siyá n~g isáng "correo" sa pamamag-itan n~g linapláp na balát n~g isáng alipin. Tayo'y náiiba sa lahát n~g iyán. Bagá man sa nababasa sa m~ga sulat na nauukit sa m~ga pinaglibin~gan, halos walâ sino mang naniniwalang nagpapahin~galay ang m~ga patáy, at lalò n~g hindî pinaniniwalâang sumasapayápà. Ang lalong pinacamagalíng mag-ísip ay nan~gag-aacalang sinásanag pa ang caniláng m~ga núnò sa túhod sa Purgatorio, at cung di siyá mápacasamâ (mapasainfierno bagá), masasamahan pa niyá, silá roon sa mahábang panahón. At ang sino mang ibig tumutol sa amin, dalawin niyá ang m~ga simbahan at ang m~ga libin~gan sa boong maghapong itó, magmasíd at makikita. Datapowa't yamang tayo'y na sa bayan n~g San Diego, dalawin natin ang libin~gan dito. Sa dacong calunuran, sa guitnâ n~g m~ga palaya'y nároroon, hindî ang ciudad, cung dî ang nayon n~g m~ga patáy: ang daan n~g pagparoo'y isáng makitid na landás, maalabóc cung panahóng tag-ínit, at mapamámangcàan cung panahóng tag-ulán. Isáng pintûang cahoy, at isáng bácod na ang calahati'y bató at ang calahati'y cawayan ang tila mandin siyáng ikináhihiwalay n~g libin~gang iyón sa bayan n~g m~ga buháy; datapowa't hindî nahihiwalay sa m~ga cambíng n~g cura, at sa iláng baboy n~g m~ga calapít báhay, na pumapasoc at lumálabas doon upang man~gagsiyasat sa m~ga libin~gan ó man~gagcatowâ sa gayóng pag-iisá. Sa guitnâ n~g malúang na bacurang iyón may nacatayóng isáng malaking cruz na cahoy na natitiric sa patun~gang bató. Inihapay n~g unós ang canyáng INRI na hoja de lata, at kinatcát n~g ulán ang m~ga letra. Sa paanan n~g cruz, túlad sa túnay na Gólgota[213], samasamang nábubunton ang m~ga bun~gô n~g úlo at m~ga but-ó, na ang waláng malasakit na maglilíbing ay itinatapon doon ang canyáng m~ga nahuhucay sa m~ga libin~gan. Diyá'y man~gaghíhintay silá, ang lalong malapit mangyari, hindî n~g pagcabúhay na mag-ulî n~g m~ga patáy, cung dî ang pagdatíng doon n~g m~ga háyop at n~g silá'y painitin n~g caniláng m~ga tubíg at linisin ang caniláng malalamig na m~ga cahubdán.--Námamasdan sa paliguidliguid ang m~ga bagong hûcay: sa dáco rito'y hupyác ang lúpà, sa dáco roo'y anyóng bundúc-bunducan namán. Sumísibol doo't lumálagô n~g máinam ang tarambulo't pandacákì; ang tarumbulo'y n~g tundûin ang m~ga bintî n~g canyáng matitiníc na m~ga bún~ga, at n~g dagdág namán n~g pandacakì ang canyáng amóy sa amóy n~g libin~gan, sacali't itó'y waláng casucatáng amoy. Gayón ma'y nasasabúgan ang lúpà n~g iláng maliit na m~ga bulaclac, na gaya rin namán n~g m~ga bun~góng iyóng ang Lumikhâ lamang sa canilá ang nacacakilala na: ang n~gitî n~g m~ga bulaclác na iyó'y maputlâ at ang halimúyac nilá'y ang halimúyac n~g m~ga baunan. Ang damó at ang m~ga gumagapang na damó'y tumátakip sa m~ga súloc, umuucyabit sa m~ga pader at sa m~ga "nicho"[214], na anó pa't dináramtan at pinagáganda ang hubád na capan~gítan; cung minsa'y pumapasoc sa m~ga gahác na gawà n~g m~ga lindól, at inililihim sa m~ga nanonood ang m~ga cagalanggalang na m~ga libin~gang waláng lamán. Sa horas n~g pagpasoc namin ay binúgaw ang m~ga hayop; ang man~gisan~gisang baboy lamang, hayop na mahirap papaniwalâin, ang siyáng sumisilip n~g canyáng maliliit na m~ga matá, isinusun~gaw ang úlo sa isáng malakíng gúang n~g bacod, itinataás ang n~gusò sa hán~gin at wari'y sinasabi sa isáng babaeng nagdárasal: --Howág mo namáng cacanin lahát, tirhán mo acó nang cauntî, ¿ha? May dalawáng lalaking humuhucay n~g isáng baunan sa malapit sa pader na nagbabalang gumúhò: ang isá, na siyáng maglilíbing ay waláng cabahábahálà; iniwawacsi ang m~ga gulogód at ang m~ga butó, na gaya na pag-aabsáng n~g isáng maghahalamán n~g m~ga bató at m~ga san~gáng tuyô; ang isá'y nan~gán~ganin~ganí, nagpapawis, humíhitit at lumúlurâ mayá't mayâ. --¡Pakinggán mo!--anang humíhitit, sa wícang tagalog.--¿Hindî cayâ magalíng na catá'y humúcay sa ibang lugar? Ito'y bagóng bágo. --Pawang bágo ang lahát n~g libíng. --Hindî na acó macatagál. Ang but-óng iyáng iyóng pinutol ay dumúrugò pa ... ¡hm! ¿at ang m~ga buhóc na iyán? --¡Nacú, napacamaselang ca naman!--ang ipinagwícà sa canyá n~g isá--¡Ang icaw ma'y escribiente sa Tribunal! Cung humúcay ca sanang gáya co n~g isáng bangcáy na dadalawampong araw pa, sa gabí, n~gitn~git n~g dilím, umúulan ... namatáy ang farol cong dalá.... Kinilabutan ang casama. --Naalís ang pagcapacò n~g cabaong, umaalin~gásaw ... at mapilitan cang pasanín mo ang cabaong na iyón, at umúulan at camíng dalawá'y cápuwà basâ at.... --¡Kjr!....At ¿bákit mo hinúcay?...! Tiningnan siyá n~g maglilíbing n~g boong pagtatacá. [Larawan:--¡Ah! at ¿anó ang guinawâ mo sa bangcay pagcatapos?--ang ipinagpatuloy na pagtanóng n~g maselang.--Imp de M. Fernández. Paz 447. Sta. Cruz.] --¿Bákit?...¿nalalaman co bâ? ¡Ipinag-útos sa áking hucáyin co! --¿Sino ang nag-útos sa iyó? Napaurong n~g cauntî ang maglilíbing at pinagmasdán ang canyáng casama, mulâ sa páa hangáng úlo. --¡Abá! ¡tila ca namán castilà! ang m~ga tanóng díng iyán ang siyáng guinawâ sa akin pagcatapos n~g isáng castilà, datapuwa't sa lihim. N~gayó'y sásagutín catá, n~g gaya n~g pagcásagot co sa castilà: ipinag-útos sa akin n~g curang malakí. --¡Ah! at ¿anó ang guinawâ mo sa bangcáy pagcatápos?--ang ipinagpatúloy na pagtatanóng n~g maselang. --¡Diablo! cung dî co lamang icáw nakikilala at natatalastas cung icáw ay "lalaki", sasabihin cung icáw ay túnay n~gang castilang civil: cung magtanóng ca'y túlad din sa canyá. Gayón ...ipinag-utos sa akin n~g curang malakíng siyá'y ilibíng co sa libin~gan n~g m~ga insíc, n~guni't sa pagcá't totoong mabigát ang cabaong at maláyò ang libin~gan n~g m~ga insíc.... --¡Ayaw! ¡ayaw! ¡ayaw co n~g humúcay!--ang isinalabat n~g causap na lipós n~g pan~gin~gilabot, na binitiwan ang pála at umahon sa húcay;--akíng nábaac ang bá-o n~g isáng úlo at nan~gan~ganib acóng bacâ hindî acó patuluguín sa gabíng itó. Humalakhác ang maglilíbing n~g canyáng makitang samantalang umaalis ay nagcucruz. Unti-unting napúpunô ang libin~gan n~g m~ga lalaki't m~ga babáeng páwang nan~gacalucsâ. Ang ibá'y nan~gagháhanap na maluat n~g baunan; silá-silá'y nan~gagtatatalo, at sa pagca't hindî mandín silá man~gagcasundò, silá'y nan~gaghíhiwalay at bawa't isá'y lumúluhod cung saán lalong minamagaling niyá,; ang m~ga ibá, na may m~ga "nicho" ang caniláng m~ga camag-anac, nan~gagsísindi n~g malalakíng candilà at nan~gagdárasal n~g taimtím; naririnig din namán ang m~ga buntóng hinin~gá at m~ga hagulhól, na pinacalalabis ó pinipiguil. Narírin~gig na ang alin~gawn~gaw n~g "orápreo, orápresis" at "requiemeternams." Násoc na nacapugay ang isáng matandáng lalaki. Marami ang nan~gagtawá pagcakita sa canyá, ikinunót ang m~ga kílay n~g iláng m~ga babae. Tila mandín hindî pinúpuna n~g matandáng lalaki ang gayóng m~ga ipinakikita sa canyá, sa pagcá't napatun~go siyá sa buntón n~g m~ga bun~gô n~g úlo, lumuhód at may hinanap sa loob n~g iláng sandalî sa m~ga but-ó; pagcatapos ay main~gat na inisaisáng ibinucód ang m~ga bun~gô n~g úlo, at sa pagca't hindî mandín makita niyá ang canyáng hinahanap, umilíng, lumín~gap sa magcabicabilà at nagtanóng sa maglilíbing. --¡Oy!--ang sinabi sa canyá. Tumungháy ang maglilíbing. --¿Nalalaman mo bâ cung saan naroon ang isáng magandáng bungô n~g úlo, maputíng tulad sa lamán n~g niyóg, waláng caculangculang ang m~ga n~gípin, na inalagáy co sa paanán n~g cruz, sa ilalim n~g m~ga dahong iyón? Ikinibít n~g maglilibing ang canyáng m~ga balícat. --¡Masdán mo!--ang idinugtóng n~g matandâ, at ipinakita sa canyá, ang isáng pílac na salapî,--walâ aco cung hindî itó, n~guni't ibíbigay co sa iyó cung makita mo ang bun~góng iyón. Pinapagdilidili siyá, n~g ningníng n~g salapî, tinanáw ang buntunan n~g m~ga, butó, at nagsalitâ: --¿Walâ bâ roon? Cung gayó'y hindî co nalalaman. N~guni't cung ibig ninyó'y bíbigyan co pô cayó n~g ibá. --¡Catulad ca n~g baunang iyóng hinuhucay!--ang winíca sa canyá n~g matandáng lalaking nan~gín~ginig ang voces;--hindî mo nalalaman ang halagá n~g nawawalâ sa iyo. ¿Sino ang ililibing sa húcay na iyán? --¿Nalalaman co bâ cung sino? Isáng patáy ang ilílibing diyan!--ang sagót na nayáyamot n~g maglilibing. --¡Tulad sa baunan! ¡tulad sa baunan!--ang inulit n~g matandáng lalaking nagtátawa n~g malungcot;--hindî mo nalalaman ang iyong hinuhucay at ang iyong nilalamon! ¡Húcay! ¡húcay! Samantala'y natapos n~g maglilíbing ang canyáng gawâ; dalawáng nacatimbóng lupang basâ at mapulápulá ang na sa magcabilang tabí n~g húcay. Cumúha sa canyáng salacót n~g hichó, n~guman~gà at pinagmasídmasíd na may anyóng tan~gá ang m~ga nangyayari sa canyáng paliguid. TALABABA: [210] Caraniwang tawaguin n~g m~ga tagalog ang fiesta n~g lahat n~g m~ga santo, na "Todos los Santos", baga man ito'y wicang castila. [211] Ang sumusulat n~g m~ga libro n~g m~ga casaysayan n~g m~ga nangyari n~g panahong nacaraan na. [212] Dating caharian n~g m~ga itím na tao sa Guinea, at colonia francesa mulâ n~g 1892. [213] Tinatawag ding Calvario, na ang cahuluga'y timbunan ó lalagyán n~g m~ga bun~gô. Ang Calvario ó Gólgota'y na sa ibabâ n~g Jerusalem at caugalîan n~g m~ga judíong doon patayín ang m~ga tulisán at magnanácaw. Diyán n~ga ipinácò sa Cruz si Jesús, ang Dakilang Banál na hinatulang mamatay roong tulad sa isáng imbíng magnanácaw. Sa bundoc din n~g Gólgota naroon ang halamanan ni José de Arimathea na pinaglibin~gan sa bangcay n~g Mananacop. S. Mateo XXVII. 33: Marcos XV. 22; Lúcas XXIII. 32; Juan XIX 17, 41.--Sinasapantáhà n~g ibáng iyón din ang bundóc "Moriah", na pinagdalhán ni Abraham sa canyáng anác na si Isaac upang patayín, sa pagtalima sa utos n~g Dios. Génesis XXII. 2.--P.H.P. [214] Ang guang na sadyáng inilálagay sa m~ga pader n~g m~ga libin~gan, at doon inilílibing ang m~ga bangcáy na may cabaong, sa pamamaguitan n~g mahál na bayad sa párì ó cura n~g bayan.--May m~ga bayang tagalog na tinatawag na "bútas" ang "nicho." =XIII.= =MGA PAUNANG TANDA NANG UNOS= Nang sandalíng lumálabas ang matandáng lalaki, siyá namáng pagtiguil sa pasimulâ n~g bagtás ó landás n~g isáng cocheng tila mandín maláyò ang pinanggalin~gan, punóngpunô n~g alabóc at nagpapawis ang m~ga cabayo. Umibís si Ibarra sa cocheng casunód n~g isáng alílang matandáng lalaki; pinaalis ang coche sa isáng galáw lamang n~g úlo at napatun~go sa libin~gang waláng kibò at malungcót. --¡Hindî itinulot n~g aking sakít at n~g aking m~ga pinan~gan~gasiwâang acó'y macabalíc dito!--ang sinasabi n~g matandáng lalaki n~g boong cakimîan;--sinabi ni Capitang Tiagong siyá na ang bahalang magpatayô n~g isáng "nicho"; datapuwa't tinanimán co n~g m~ga bulaclác at isáng cruz na acó ang gumawâ.... Hindî sumagót sí Ibarra. --¡Diyan pô sa licód n~g malakíng cruz na iyán--ang ipinagpatuloy n~g alilà, na itinuturò ang isáng súloc n~g silá'y macapasoc na sa pintûan. Lubháng natitigagal n~gâ ang caisipán ni Ibarra, cayá't hindî niyá nahiwatigan ang pagtatacá n~g iláng táo n~g siyá'y caniláng makilala, na tumiguil sa caniláng pagdarasál at sinundán siyá n~g tin~gín, sa lakí n~g pangguiguilalas. Nag-iin~gat ang binatà n~g paglacad, pinan~gin~gilagan niyáng dumaan sa ibabaw n~g m~ga pinaglibin~gan, na madalíng nakikilala sa cahupyacán n~g lúpà. Tinatapacan niyá n~g una, n~gayó'y iguinagalang niyá; gayón din ang pagcacálibing sa canyang amá. Humintô siyá pagdatíng sa cabiláng daco n~g cruz at tumin~gín sa palibotlibot. Námanghâ at napatigagal ang canyáng casama; hinahanap niyá ang bacás sa lúpa ay walâ siyáng makitang cruz saan man. --¿Dito cayâ?--ang ibinúbulong;--hindî doon; n~guni't hinúcay ang lúpà. Tinitingnan siyá ni Ibarra, na totoong masamâ ang lóob. --¡Siyá n~gâ!--ang ipinagpatuloy,--natátandaang cong may isáng bató sa tabí; may caiclîan ang húcay niyao'y may sakít ang maglilibing, cayá't isáng casamá ang siyáng napilitang humúcay datapuwa't itátanong natín sa canyá cung anó ang guinawâ sa cruz. Pinatun~guhan nilá ang maglilibíng, na nagmámasid sa canilá n~g boong pagtatacá. Yumucód itó sa canilá, pagcapugay n~g canyáng salacót. --Maipakikisabi pô bâ ninyó sa amin cung alín ang húcay na doó'y dating may isáng cruz?--ang tanong n~g alílà. Tiningnan n~g tinatanong ang lugar at nag-isíp ísip. --¿Isáng cruz bang malakí? --¿Opò, malakí,--ang pinapagtibay na sagót n~g matandáng lalaki n~g boong catuwâan, at tinitingnan niyá n~g macahulugán si Ibarra, at sumayá namán ang mukhâ nitó! --¿Isáng cruz na may labor at may taling oway? --¡Siyá n~gâ! ¡siyá n~gâ! ¡iyán n~gâ! ¡iyán n~gâ!--at iguinuhit n~g alilà sa lupà ang isáng anyóng cruz bizantina[215]. --¿At may taním na m~ga bulaclác sa húcay? --¡M~ga adelfa, m~ga sampaga at m~ga pensamiento! ¡iyán n~gâ!--ang idinugtóng na malakí ang towâ, at inalayan niyá n~g isáng tabaco ang maglilíbing. --Sabihin n~ga ninyó sa amin cung alín ang húcay at cung saán naroon ang cruz. Kinamot n~g maglilíbing ang tain~ga't sumagót na naghíhicab: --¡Abá ang cruz!... ¡akin n~g sinúnog! --¿Sinúnog? at ¿bákit ninyó sinúnog? --Sa pagcá't gayón ang ipinag-útos n~g curang malakí. --¿Síno bâ ang curang malakí?--ang tanóng ni Ibarra. --¿Síno? Ang nangháhampas, si parì Garrote. Hinaplós ni Ibarra ang canyáng nóo. --Datapuwa't ¿masasabi pô bâ ninyó sa amin man lamang ang kinalalagyan n~g húcay? Dapat ninyóng matandaan. N~gumitî ang maglilíbing. --¡Walâ na riyán ang patáy!--ang mulíng isinagót n~g boong catahimican. --¿Anó pô ang sabi ninyó? --¡Abá!--ang idinugtóng n~g táong iyóng ang anyó'y nagbíbirô;--ang naguing capalít niyá'y isáng babaeng inilibíng co roong may isáng linggó na n~gayón. --¿Nauulól pô bâ cayó?--ang itinanong sa canyá n~g alílà,--diyata't walâ pa namáng isáng taóng siyá'y aming inilílibing. --¡Tunay n~ga iyón! marami n~g buwan ang nacaraan mulâ n~g siyá'y aking hucayi't cuning ulî sa baunan. Ipinag-utos sa aking siyá'y hucayin co n~g curang malakí, upang dalhin sa libin~gan n~g m~ga insíc. N~guni't sa pagká't mabigát at umúulan n~g gabíng yaón.... Hindî nacapagpatuloy n~g pananalitâ ang táo; umudlót sa pagcáguitlá n~g makita ang anyô ni Crisóstomo, na dinaluhóng siyá't sacá siyá tinangnán sa camáy at ipinágwagwagan. --At guinawâ mo ba?--ang tanóng n~g binatang ang anyô n~g pananalita'y hindî namin maisaysay. --Howág po cayóng magalit, guinoo--ang sagót n~g maglilíbing na namumutla't nan~gín~ginig;--hindî co po namán siyá inilíbing sa casamahán n~g m~ga insíc. Mabuti pa ang malúnod cay sa mapasama sa m~ga insíc--ang wica co--at siyá'y iniabsáng co sa tubig! Inilagáy ni Ibarra ang canyáng m~ga camay sa magcabilang balicat n~g maglilíbing at mahabang oras na siyá'y tinitigan n~g tin~ging hindî maisaysay cung anóng íbig sabihin. --¡Icáw ay walâ cung dî isáng culang palad!--ang sinabi, at umalís na dalîdaling tinatahac ang m~ga butó, m~ga húcay, m~ga cruz, na paráng ísang sirâ ang ísip. Hináhaplos n~g maglilíbing ang canyáng bísig at bumúbulong: --¡Ang guinágawang m~ga caligaligán n~g m~ga patáy! Binugbóg acó n~g bastón n~g páring malakí, dahiláng ipinahintulot cong ilibíng ang patáy na iyón n~g aco'y may sakít; n~gayo'y cauntí n~g balîin nitó ang aking bísig, dahil sa pagcahucay co n~g bangcáy. ¡Itó n~ga namáng m~ga castilà! ¡Marahil pa'y alisán acó nitó n~g aking hánap-búhay! Matúlin ang lacad ni Ibarra na sa maláyò ang tanáw; sumúsunod sa canyáng umíiyac ang alílang matandáng lalaki. Lúlubog na lamang ang áraw; macacapál na m~ga dilím ang siyáng lumalatag sa Casilan~ganan; isáng han~ging mainit ang siyáng nagpapagalaw sa dúlo n~g m~ga cáhoy at nagpaparaíng sa m~ga cawayanan. Nacapugay na lumalacad si Ibarra; sa canyáng m~ga matá'y walang bumabalong na isáng lúhà man lamang, waláng tumatacas sa canyáng dibdib cáhi't isáng buntóng hinin~gá. Lumalacad na parang may pinagtatanauan, marahil sa pagtacas sa anino n~g canyáng amá, ó bacâ namán cayà sa dumádating na unós. Tináhac ang báya't lumabás sa luwál, tinun~go yaóng lúmang báhay na malaon n~g panahông hindî tinutungtun~gan. Naliliguid ang bahay na iyón n~g pader na sinísibulan n~g m~ga damóng macacapál ang dahon, tila mandin siyá'y hinuhudyatán; bucás ang m~ga bintánà; umúugoy ang iláng-ílang at ipinápagaspas n~g boong casayahan ang canyáng m~ga san~gáng hític n~g m~ga calapati na nagpapaliguidliguid sa matibong na bubóng n~g caniláng tahanang na sa guitna n~g halamanan. N~guni't hindî pinápansin n~g binatà ang caligayaháng itóng iníháhandog sa canyáng pagbalíc sa lúmang báhay: nacapácò ang canyáng m~ga matá sa anyô n~g isáng sacerdoteng canyáng macacasalubong. Itó'y ang cura sa San Diego, yaong laguing nagdidilidiling franciscano na ating nakita, ang caaway n~g alférez. Tiniticlop n~g han~gin ang canyáng malapad na sombrero; ang canyáng hábitong guinggo'y dumirikit sa canyáng catawán at ipinakikita ang anyo nito; na anó pa't námamasid ang canyáng m~ga payát na hítang may pagcá sacáng. Sa cána'y may háwac na isáng bastóng palasang may tampóc na gáring. Noón lamang nagcakita siláng dalawá ni Ibarra. Pagsasalubong nilá'y sandalíng humintô ang binata't siyá'y tinitigan; iniiwas ni Fr. Salví ang canyáng m~ga matá at nagpaconowaríng nalílibang. Sandalíngsandali lamang tumagál ang pag-aalinlan~gan: malicsíng linapitan siyá ni Ibarra, pinatiguil at idiniín n~g boong lacás n~g canyáng camáy na ipinatong sa balicat n~g párì, at nagsalitáng halos bahagyâ na mawatasan: --¿Anó ang guinawâ mo sa aking amá?--ang itinanóng. Si Fr. Salvíng namutlâ, at nan~gatál n~g mabasa niyá ang m~ga damdaming nalalarawan sa mukhâ n~g binátà'y hindi nacasagót; nawalán n~g diwâ. --¿Anó ang guinawâ mo sa aking amá?--ang mulíng itinanóng na nalulunod ang voces. Ang sacerdoteng untîunting nahútoc, dahil sa camáy na sa canyá'y nagdíriin ay nagpumilit at sumagót: --¡Cayó po'y nagcacamalî; walâ acóng guinagawang anó man sa inyóng amá. --¿Anóng walâ?--ang ipinagpatuloy n~g binátà, at sacâ siyá idiniín hanggáng sa siyá'y mápaluhod. --¡Hindî pó, sinasabi co sa inyó ang catotohanan! ang aking hinalinhán, si párì Dámaso ang may cagagawán.... --¡Ah!--ang sinabi n~g binata't siyá'y binitiwan at bago tumampál sa noo. At iniwan ang abáng si Fr. Salví at dalidáling tinun~go ang canyáng sariling báhay. Samantala'y dumatíng ang alilà at tinulun~gan sa pagtindíg ang fraile. [Larawan:--¿Inanó mo ang aking amá--ani Ibarra sa fraile.--Imp. de M. Fernandez Paz 447. Sta. Cruz] TALABABA: [215] Isáng cruz na catulad n~g guinagamit n~g una sa Bizancio pa n~gayo'y Constantinopla. =XIV.= =ANG ULOL NA SI TASIO Ó ANG FILOSOFO= Naglálacad sa m~ga lansán~gang waláng tinutun~go't waláng iniisip ang cacaibáng matandáng lalaki. Nag-aral siyá n~g una n~g Filosofía, at iníwan niya ang pag-aáral sa pagsunód sa canyáng ináng matandâ na; at hindî niyá ipinagpatuloy ang pag-aaral, hindî sa caculan~gan n~g magugugol at hindî rin sa caculan~gan n~g cáya n~g pag-iísip: tumíguil siyá n~g pag-aáral, dahilán n~gâ sa pagcá't mayaman ang canyáng iná, at dahilan sa ayon sa sabiha'y matalas ang canyáng ísip. Natatacot ang mabaít na babaeng maguíng pantás ang canyáng anác at macalimot sa Dios, cayâ n~ga't siyá'y pinapamilì, sa siyá'y magpárì ó íwan niyá ang colegio n~g San José. Nang panahón pa namáng iyó'y siyá'y may naiibigang babae, cayá't pinilì niyá ang íwan ang colegio at nag-asawa siyá. Hindî lumampás ang isáng taón at siyá'y nabáo at naulila; guinawâ niyáng aliwan ang m~ga libro upang siyá'y macaligtás sa calungcutan, sa sabong at sa pagca waláng guinágawâ. Datapowa't lubháng nawili sa m~ga pag aaral at sa pamimilí n~g m~ga libro, hanggáng sa mapabayaan niyá ang sariling pamumuhay, cayá't siyá'y unti-unting naghírap. Tinatawag siyáng Don Anastasio ó filósofo Tasio n~g m~ga táong may pinagaralan, at ang m~ga masasamâ ang tûrò, na siyáng lalong marami, tinatawag siyáng Tasiong ul-ól, dahil sa hindî caraniwang canyáng m~ga caisipán at cacaibang pakikipagcapowa-táo. Ayon sa sinabi na namin, ang hapo'y nagbabalang magca unôs; liniliwanagan ang abó abóng lan~git n~g iláng kidlát; mabigát ang aláng-álang at totoong maalis-ís ang han~gin. Wari'y nalimutan na n~g filósofo Tasio ang canyáng kinalúlugdang bun~gô n~g ulo; n~gayó'y n~gumin~giting pinagmámasdan ang maiitim na pan~ganurin. Sa malapít sa simbaha'y nasalubong niyá ang isáng táong naca chaqueta n~g alpaca at daladala sa camáy ang may mahiguít na isáng arrobang candílà at isáng bastóng may borlas, bílang saguísag n~g punong may capangyarihan. --¿Tila po cayo'y natótowâ?--ang tanóng nitó sa wícang tagalog. --Siya n~ga pô, guinoong capitan; natótowâ acó sa pagcá't may isá acóng inaasahan. --¿Ha? ¿at alin ang inyóng inaasahang iyán? --¡Ang unós! --¡Ang unós! ¿Nag-aacálà bâ cayóng maligò?--ang tanóng n~g gobernadorcillo n~g palibác, na minamasdan ang dukháng pananamít n~g matandáng lalaki. --Malígò acó ... ¡hindî masamâ, lalong lalô na pagcâ nacatitisod n~g isáng dumi!--ang sagôt ni Tasio, na palibác din namán ang anyô n~g pananalita, bagá man may pagca pagpapawaláng halagá sa canyáng causap--n~guni't naghíhintay acó n~g lálong magalíng. --¿At anó pô bâ iyón? --Iláng m~ga lintíc na pumatáy n~g m~ga táo at sumúnog n~g m~ga báhay. --¡Hin~gín na ninyóng paminsanan ang gúnaw! --¡Nararapat tayong lahát, cayó at acóng gunawin! Dalá pô ninyó riyan, guinoong capitan, ang isáng arrobang candílang gáling sa tindahan n~g insíc; may mahiguít n~g sampóng taóng aking ipinakikiusap sa bawa't bágong capitang bumíbili n~g pararrayos[216], at pinagtatawanan acó n~g lahát; gayón ma'y bumibili n~g m~ga "bomba" at m~ga "cohete", at nan~gagbabayad n~g m~ga repique n~g m~ga campánà. Hindî lamang itó: kinábucasan n~g pakikiusap co sa inyó, nagbilin pô cayó sa m~ga magtutunáw na insíc n~g isáng "esquilang" álay cay Santa Bárbara, gayóng nasiyasat na n~g carunun~gang mapan~ganib ang tumugtóg n~g m~ga campanà sa m~ga araw na may unós. At sabihin pô ninyó sa akin, ¿bakit pô bâ n~g taóng 70 n~g mahulog ang isáng lintíc sa Binyáng, doon pa namán nahúlog sa campanario at iguinibâ ang relój sacâ isáng altar? ¿Anó ang guinagawâ n~g esquilita ni Santa Bárbara? Nang sandalíng iyo'y cumisláp ang isáng kidlát. --¡Jesús, María y José! ¡Santa Bárbarang mahál!--ang ibinulóng n~g capitang namutlâ at nagcruz. Humalakhác si Tasio. --¡Cayó'y carapatdapat sa pan~galan n~g inyóng pintacasi!--aní Tasio sa wicang castilà, tinalicdán ang capitan at tumún~go sa simbahan. Nagtátayo ang m~ga sacristan sa loob n~g simbahan n~g isáng "túmulo"[217] na nalilibot n~g m~ga malalaking candilang natitiric sa m~ga candelabrong cáhoy. Ang túmulong yao'y dalawáng mesang malalakíng pinagpatong at natátacpan n~g damít na maitím, na may m~ga listóng puti; sa magcabicabila'y may napipintang m~ga bun~gô n~g úlo. --¿Iyán ba'y patungcól sa m~ga cálolowa ó sa m~ga candilâ?--ang itinanóng. At n~g makita niyá ang dalawáng batang lalaking may sampóng taón ang isá at ang isá'y may malapit sa pitó, lumapit sa caniláng hindî na hinantay ang sagót n~g m~ga sacristán. --¿Sasama ba cayó sa akin, m~ga báta?--ang itinanóng sa canilá. May handâ sa inyó ang inyóng nanay na isáng hapunang marapat sa m~ga cura. --¡Aayaw po caming paalisin n~g sacristan mayor hanggang hindî tumutugtog ang icawalóng horas--ang sagót n~g pinacamatandâ.--Hinihintay co pong másin~gil ang aking "sueldo" upang maibigay co sa aking iná. --¡Ah! at ¿saán bâ cayó paparoon? --Sa campanario pô upang dumublás sa m~ga cálolowa. --¿Pasasacampanario cayó? ¡cung gayó'y cayó'y mag-in~gat! ¡howág cayóng lalapit sa m~ga campanà hanggáng umúunos! Umalís sa simbahan, pagcatapos na masundán n~g isáng titíg na may habág ang dalawáng batang pumapanhic sa m~ga hagdanang patun~go sa coro. Kinuscós ni Tasio ang m~ga matá, tumin~gín ulî sa lan~git at bumulóng: --N~gayó'y dáramdamin cong mahulog ang m~ga lintíc. At nacatun~góng pumaroon sa labás n~g báyang nag-iisip-isip. Dumáan pô muna cayó!--ang sabi sa canyá sa wicang castílà n~g isáng matimyás na voces mulâ sa isáng bintanà. Tumungháy ang filósofo, at canyáng nakita ang isáng lalaking may tatlompô ó tatlompo't limang taóng sa canyá'y n~gumitî. --¿Anó pô bâ ang inyóng binabasa riyán?--ang tanóng ni Tasio, na itinuturò ang isáng librong hawac n~g lalaki. --Isáng librong pangcasalucuyan: ¡"Las penas que sufren las benditas ánimas del Purgatorio!"[218]--ang isinagót n~g causap na n~gumin~gitî. --¡Nacú! ¡nacú! ¡nacú!--ang wicâ n~g matandáng lalaki sa sarisaring "tono" n~g voces, samantalang pumapasoc sa báhay;--totoong matalas ang ísip n~g cumathâ niyán. Pagcapanhíc niyá n~g hagdanan ay tinanggáp siyá n~g boong pakikipag-ibigan n~g may báhay na lalaki at n~g canyáng asawa. Don Filipo Lino ang pan~galan n~g lalaki at Doña Teodora Viña namán ang babae. Si Don Filipo ang siyáng teniente mayor at siyáng púnò n~g isáng "partidong" halos ay "liberal"[219], sacali't matatawag itó n~g gayón, at cung sacaling mangyayaring magcaroon n~g m~ga "partido" sa m~ga bayan n~g Filipinas. --¿Nakita pô ba ninyó sa libin~gan ang anác n~g nasirang si Don Rafael na bagong carárating na galing sa Europa? --Opò, nakita co siyá, n~g siyá'y lumúlunsad sa coche. --Ang sabihana'y naparoo't upang hanapin ang pinaglibin~gán sa canyáng amá ... Marahil cakilakilabot ang canyáng pighatî n~g maalaman.... Ikinibít n~g filósofo ang canyáng m~ga balicat[220]. --¿Hindî pô bà dináramdam ninyó ang casaliwâang palad na iyan?--ang tanóng n~g guinoong babaeng bátà pa. --Talastás na pô ninyóng acó'y isá sa anim na nakipaglibing sa bangcáy; acó ang humarap sa Capitan General n~g aking makitang ang lahát dito'y hindî umíimic sa gayóng calakilakihang capusun~gán, gayóng cailán ma'y minamagaling co ang paunlacán ang táong mabait cung nabubuhay pa cay sa cung patáy na. --¿Cung gayó'y bakit? --Datapuwa't hindî pô acó sang-ayon sa pagmamanamana n~g caharîan. Alang-álang sa caunting dugong insíc na bigáy sa akin n~g aking iná, sumasang-ayon acó n~g cauntî sa caisipan n~g m~ga insíc: pinaúunlacan co ang amá dahil sa anác, n~guni't hindî ang anác dahil sa amá. Na ang bawa't isá'y tumanggáp n~g gantíng pálà ó n~g caparusahán dahil sa canyáng m~ga gawâ; datapuwa't hindî dahil sa m~ga gawà n~g ibá. --¿Nagpamisa pô bâ cayó n~g patungcol sa inyóng nasírang asawa, alinsunod sa hatol co sa inyó cahápon?--ang itinanóng n~g babae nagbago n~g pinasasalitaanan: --¡Hindî!--ang sagót n~g matandáng lalaking n~gumin~giti. --¡Sayang!--ang isinagót n~g babaeng tagláy ang túnay na pagpipighatî;--casabiháng hanggang sa icasampong oras n~g umaga búcas, ang m~ga calolowa'y malayang naglilibot at naghihintay n~g sa canilá'y pagbibigáy guinhawa n~g m~ga buháy; na ang isáng misa sa m~ga panahóng itó'y catimbáng n~g limá ó anim na misa sa m~ga ibáng araw n~g isáng taón, ayon sa sabi n~g cura, caninang umaga. --¡Mainam! ¿Sa macatuwíd ay mayroon tayong isáng caaliw-alíw na taning na dapat nating samantalahin? --¡N~guni't Doray!--ang isinabad ni Don Filipo;--talastas mo n~g hindî naniniwálà si Don Anastasio sa Purgatorio. --¿Na hindî acó naniniwalà sa Purgatorio?--ang itinutol n~g matandáng lalaking tumitindig na sa canyáng upuan.--¡Diyata't pati n~g "historia" n~g Purgatorio'y aking nalalaman! --¡Ang historia n~g Purgatorio!--ang sinabing puspós n~g pagtatacá n~g mag-asawa. ¡Tingnán n~gâ natin! ¡Saysayin ninyó sa amin ang historiang iyán! --¿Hindî palá ninyó nalalaman ay bakit cayo'y nan~gagpapadalá roon n~g m~ga misa at inyóng sinasabi ang m~ga pagcacahirap doon? ¡Magaling! yamang nagpapasimulâ na n~g pag-ulán at tíla mandín tátagal, magcacapanahón tayo upang howag tayong mayamót--ang isinagót ni Tasio, at saca nag-isíp-ísip. Itiniclóp ni Don Filipo ang librong canyáng tan~gan, at umupô sa canyáng tabi si Doray, na náhahandang huwag maniwálà sa lahát n~g sasabihin ni Tasio. Nagpasimulâ itó sa paraang sumusunod: --Malaon pang totoo bago manaog ang ating Pan~ginoong Jesucristo'y may Purgatorio na, at ito'y na sa calaguitnaan n~g lúpà, ayon cay párì Astete, ó sa malapit sa Cluny, ayon sa monjang sinasabi ni párì Girard, datapuwa't hindî ang may cahulugan dito'y ang kinalalagyan. Magaling, ¿sinosino ang m~ga nasásanag sa apoy na iyóng nag-aalab mulâ n~g lalan~gín ang sanglibutan? Pinapagtitibay ang caunaunahang pagcacatatág n~g Purgatorio n~g Filisofía Cristiana na nagsasabing walâ raw guinágawang bagong anó man ang Dios mulâ n~g magpahin~galáy siyá. --Mangyayaring nagcaroong "in potentia"[221]; datapuwa't hindî "in actu"[222], ang itinutol n~g teniente mayor. --¡Magalíng na magalíng! Gayón ma'y sasagutin co cayóng may iláng nacakilala n~g Purgatorio na talagang mayroon na "inactu", ang isá sa canilá'y si Zarathustra ò Zoroastro[223], na siyang sumulat n~g isáng bahagui n~g "Avestra"[224] at nagtatag n~g isáng religióng sa m~ga tan~ging bagay nacacahawig n~g atin at alinsunod sa m~ga pantas, si Zarathustra'y sumilang na nauna cay Jesucristo n~g walóng daang taón ang cauntian. Ang cauntian ang wícà co, sa pagca't pagcatapos na masiyasat ni Platón[225], Xanto de Lidia Plinio[226], Hermipos at Eudoxio,[227] inaacalà niláng nauna si Zarathustra cay Jesucristo n~g dalawang libo at limáng daan taón. Sa papaano mang bagay, ang catotohana'y sinasabi na ni Zarathustra ang isáng bagay na nawawan~gis sa Purgatoria, at naghahatol siyá n~g m~ga paraan upang macaligtás doon. Matútubos n~g m~ga buháy ang m~ga calolowang namatáy sa casalanan, sa pagsasalitâ n~g m~ga nasasaysay sa "Avestra" at gumawâ n~g m~ga cagalin~gan; datapuwa't kinacailan~gang ang mananalan~gin ay isáng camág-ánac n~g nasírà hanggang sa icaapat na salin. Ang panahóng táning sa bágay na itó'y sa taón taón, tumátagal n~g limáng áraw. Nang malaon, n~g tumibay na sa bayan ang gayóng pananampalataya, napagwárì n~g m~ga sacerdote sa religióng iyóng malakíng dî anó lamang ang pakikinaban~gin sa gayóng pananampalataya, caya't kinalacal nilá yaóng m~ga "bilangguang n~gitn~git n~g dilím na pinaghaharìan n~g m~ga pagn~gan~galit sa nagawang casalanan", ayon sa sabi ni Zarathustra. Ipinaalam n~gâ niláng sa halagáng isáng "derem", salapíng bahagyâ na ang halagá'y nababawas sa calolowa ang isáng táong pagcacasakit n~g dî cawásà; n~guni't sa pagca't ayon sa religiong iyó'y may m~ga casalanang pinarurusahan n~g tatlóng daan hanggáng isáng libong taón, gaya n~g pagsisinun~galíng, n~g pangdaráyà, at n~g hindî pagganáp sa naipan~gacò, at ibá pa, ang nangyari'y tumátanggap ang m~ga balawîs na sacerdote n~g maraming millong "derems." Dito'y mapag-wawari na ninyó ang caunting bagay na nawawan~gis sa Purgatorio natin, bagá man mapagtatantò na ninyóng ang pinagcacaibha'y ang m~ga religión. Isáng kidlát na may casunód agád agád na isáng maugong na culóg ang siyáng nagpatindig cay Doray na nagsalitáng nagcucruz: --¡Jesús, Maria y José! Maiwan co muna cayó; magsusunog acó n~g benditang palaspás at n~g m~ga "candilang perdón". Nagpasimulâ n~g pag-uláng tila ibinubuhos. Nagpatúloy n~g pananalitâ ang filósofo Tasio, samantalang sinusundan niyá n~g tin~gín ang paglayô n~g may asawang babáeng bátà pa. --N~gayóng walâ na siyá'y lalong mapag-uusapan na natin n~g boong caliwanagan ang dahil n~g áting salitaan. Cahi't may cauntíng pagcamapamahîin si Doray, siyá'y magalíng na católica, at hindî co íbig na pumacnít sa púsò n~g pananampalataya: naíiba ang isáng pananampalatayang dalísay at wagás sa halíng na pananampalataya, túlad sa pagcacaiba n~g nín~gas at n~g úsoc, wán~gis sa caibhán n~g música sa isáng gusót na cain~gayan: hindî napagkikilala ang ganitong pagcacaiba n~g m~ga halíng, na túlad sa m~ga bin~gí. Masasabi náting sa ganáng átin ay magalíng, santo at na sa catuwiran ang pagcacahácà n~g Purgatorio; nananatili ang pagmamahalan n~g m~ga patáy at n~g m~ga buháy at siyáng nacapipilit sa lálong calinisan n~g pamumuhay. Ang casam-a'y na sa tacsil na paggamit n~g Purgatoriong iyán. N~guni't tingnán natin n~gayón cung bakit pumasoc sa catolicismo ang adhicáng itóng walâ sa Biblia at walâ rin sa m~ga Santong Evangelio. Hindî binábangguit ni Moisés at ni Jesucristo caunti man lamang ang Purgatorio, at hindî n~ga casucatán ang tan~ging saysay na canilang sabing na sa m~ga Macabeo, sa pagca't bucód sa ipinasiyá sa Concilio n~g Laodicea, na hindî catotohanan ang librong ito, ay nitó na lamang huling panahón tinanggap n~g Santa Iglesia Católica. Walâ ring nacacatulad n~g Purgatorio sa religión pagana. Hindî mangyayaring panggalin~gan n~g pananampalatayang itó ang casaysayang "Aliæ panduntor inanies" na totoong madalás bangguitín ni Virgilio[228] na siyáng nagbigáy dahil sa dakilang si San Gregorio[229] na magsalitâ n~g tungcól sa m~ga cálolowang nalunod, at idagdág ni Dante[230] ang bagay na itó sa canyáng "Divina Comedia". Walâ rin namáng nacacawan~gis n~g ganitóng caisipán sa m~ga "brahman"[231], sa m~ga "budhista"[232] at sa m~ga egipcio mang nagbigáy sa Roma n~g caniláng "Caronte"[233] at n~g caniláng "Averno"[234]. Hindî co sinasaysay ang m~ga, religión n~g m~ga bayan n~g Ibabâ n~g Europa: ang m~ga religióng itó, palibhasa'y religión n~g m~ga "guerrero"[235], n~g m~ga "bardo"[236] at n~g m~ga mán~gan~gaso[237], datapuwa't hindî religión n~g m~ga filósofo, bagá man nananatili pa ang caniláng m~ga pananampalataya at patí n~g caniláng m~ga "rito"[238] na pawang nangálangcap na sa religión cristiana; gayón ma'y hindî nangyaring sumama silá sa hucbó n~g m~ga tampalasang nangloob sa Roma, at hindî rin silá nangyaring lumuclóc sa Capitolio[239]: palibhasa'y m~ga religión n~g m~ga úlap, pawang nan~gapápawì sa catanghaliang sícat n~g araw.--Hindî n~gâ sumasampalataya sa Purgatorio ang m~ga cristiano n~g m~ga unang siglo: nan~gamámatay siláng tagláy iyáng masayáng pag-asang hindî na malalao't silá'y háharap sa Dios at makikita nilá ang mukhâ nitó. Si San Clemente na taga Alejandría[240], si Orígenes[241] at si San Irineo[242] ang siyáng m~ga unang m~ga párì n~g Iglesiang tila bumábangguít n~g Purgatorio, marahil sa pagcadalá sa canilá n~g akit n~g religión ni Zarathustra, na namumulaclac at totoong lumalaganap pa n~g panahóng iyón sa boong Casilan~ganan, sa pagca't malimit nating nababasa ang m~ga pagsisi cay Orígenes, dahil sa canyáng malabis na paghílig sa m~ga bagay sa Casilan~ganan. Guinagamit ni San Irineong pangpatibay sa pananampalataya sa Purgatorio, ang "pagcátira ni Jesucristong tatlóng araw sa cailaliman n~g lúpà," tatlóng araw na pagcapasa Purgatorio, at canyáng inaacála, dahil dito, na bawa't cálolowa'y dapat manatili sa Purgatorio hanggáng sa mabuhay na mag-ulî ang catawán, bagá man tila laban mandin sa bagay na itó ang "Hodie mecum eris in Paradiso[243]." Nagsasaysay rin namán si San Agustín, tungcól sa Purgatorio; datapowa't sacali't hindî niyá pinagtibay na tunay na mayroon n~gâ, gayón ma'y ipinalálagay niyang mangyayari n~gang magcaróon, sa pag-aacálà niyáng maipagpapatuloy hanggáng sa cabilang búhay ang tinátanggap nating m~ga caparusahan sa búhay na itó, dahil sa ating m~ga casalanan. --¡Nacú namán si San Agustin!--ang sinabi ni Don Filipo;--¡hindî pa siyá magcacásiya sa tinitiis nating m~ga hirap sa búhay na itó't ibig pa niyá ang magpatuloy hanggáng sa cabiláng-búhay! --Ganyán n~ga ang calagayan n~g bagay na ito: sumasampalataya ang ibá at ang ibá'y hindî. Bagá ma't sumáng-áyon na si San Gregorio, alinsunod sa canyáng "de quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius ignis credendus est," hindî rin nagcaroon n~g patuluyang catibayan ang Purgatorio, hanggang sa n~g ipasiyá n~g Concilio sa Florencia n~g taóng 1439, sa macatuwíd ay n~g macaraan na ang walóng daang taón, na dápat magcaroon n~g isáng apóy na pangdalísay ó panglínis sa m~ga cálolowang bagá ma't namatáy na sumísinta sa Dios, n~guni't hindî pa lubós napagbabayaran ang Justicia n~g May Capal. Sa cawacasa'y ang Concilio Tridentino[244], sa ilalim n~g pan~gun~gulo ni Pio IV n~g taóng 1563, sa icalabinglimáng púlong ay ilinagdâ ang cautusán tungcól sa Purgatorio, na ang pasimula'y: "Cum catholica ecclesia Spiritu Sancto edocta etc.," na doo'y sinasabing ang m~ga patungcól n~g m~ga buháy, ang m~ga panalan~gin, ang m~ga paglilimós at iba pang m~ga gawáng cabanalan ay siyáng mabibísang paraan upang mailigtás sa Purgatorio ang m~ga cálolowa, bagá man sinasabing ang paghahayin n~g misa'y siyang lalong cagalinggalin~gan sa lahat. Gayón ma'y hindî sumasampalataya ang m~ga protestante[245] sa Purgatorio, at gayon dín ang m~ga páring griego[246], sa pagca't walâ siláng nakikitang pagbibigay catotohanan n~g Biblia[247], at sinasabi niláng binibigyáng wacás n~g camatayan ang taning upang macagawâ n~g m~ga carapatán ó n~g m~ga laban sa m~ga carapatán, at ang "Quodcumque ligaberis in terra" hindî ang cahulugá'y "usque ad purgatorium" etc.; n~guni't dito'y maisásagot na sa pagcá't na sa calaguitnàan n~g lúpa ang Purgatorio, talagáng dapat mapasailalim n~g capangyarihan ni San Pedro. Datapuwa't hindî acó matatapos n~g pagsasaysay, cung sasalitain co ang lahát n~g m~ga sabi tungcol sa bagay ni ìtó. Isáng araw na ibiguin pô ninyóng pagmatuwiranan natin ang bagay sa Purgatorio, magsadyâ, cayó sa aking báhay at doo'y babasahin natin ang m~ga libro at tayo'y maláyà at payapang macapagpapalagayan n~g canícanyang catuwiran. N~gayó'y yayao na acó: hindî co mapaghúlò cung bakit itinutulot n~g cabanalan n~g m~ga crístiano ang pagnanacaw sa gabíng itó.--Cayóng m~ga punong báyan ay nan~gagpapabayà sa ganitóng gawâ, at aking ipinan~gan~ganib ang aking m~ga libro. Cung sana'y nanacawin nilá sa akin upang caniláng basahin ay aking ipauubayà, datapuwa't marami ang nan~gag-iibig na tupukin ang aking m~ga libro, sa han~gád na gumanáp sa akin n~g isáng pagcacaawang gawâ, at dapat n~gang catacutan ang ganitóng pagcacaawang gawang carapatdapat sa califa[248] Omar[249]. Dahil sa m~ga librong itó'y ipinalálagay n~g ibáng linagdaan na aco n~g parusa n~g Dios.... --¿N~guni't inaacalà cong cayó po'y sumasampalataya sa parusa n~g Dios?--ang tanóng ni Doray na n~gumín~gitî at lumálabas na may dalang lalagyán n~g m~ga bágang pinagsusunugan n~g m~ga tuyóng dahón n~g palaspás, na pinagbubuhatan n~g nacayáyamot n~guni't masaráp na amóy na úsoc. --¡Hindî co po alám, guinoong babae, cung anó ang gágawin sa akin n~g Dios!--ang isinagót ni matandáng Tasio na nag-iísip-ísip. Pagcâ acó'y naghihin~galô na, iháhandog co sa canyá ang aking cataohang waláng camuntî mang tacot; gawín sa akin ang bawa't ibiguin. N~guni't ma'y naiisip aco ... --At ¿anó po ang naíisip ninyóng iyán? --Cung ang m~ga católico lamang ang tan~ging mapapacagaling, at limá lamang sa bawa't isáng daang católico ang siyáng mápapacagaling, at sa pagca't ang dami n~g m~ga católico'y icalabingdalawang bahagui n~g m~ga nabubuhay na táo sa lúpà, sacali't paniniwalaan natin ang sinasabi sa m~ga estadística[250], ¿ang mangyayari'y pagcatapos na mapacasamâ ang yuta-yutang m~ga táong nabuhay sa daigdig sa boong dî mabilang na m~ga siglong nagdaan, bago nanaog sa lúpà ang Mananacop, at pagcatapos na mamatay dahil sa atin ang Anác n~g isáng Dios, n~gayó'y lílima lamang ang mapapacagaling sa bawa't isáng libo't dalawáng daang táo? ¡Oh, tunay na tunay na hindî! ¡Minámagaling co pa ang magsaysay at sumampalatayang gaya ni Job: "¿Diyata't magpapacabagsíc icáw sa isáng inilílipad na dahon at pag-uusiguin mo ang isáng tuyóng layác?" ¡Hindî, hindî mangyayari ang gayóng casaliwaang pálad na calakilakihan! ¡Cung sampalatayanan ito'y isáng capusun~gán; hindî, hindî! --¿Anóng inyóng gágawin? Ang Justicia, ang cadalisayan n~g Dios ... --¡Oh, datapuwa't nakikita n~g Justicia at n~g Cadalisayan n~g Dios ang darating bago guinawâ ang paglikhâ sa Sangsinucob!--ang isinagót n~g lalaking matandang nan~gin~gilabot na tumindíg.--Ang boong kinapal, ang táo ay isáng linaláng sa isáng nais lamang n~g calooban; n~guni't hindî niyá kinacailan~gan, cayá't hindî n~gâ marapat na likhaín niyá, hindî, cung cacailan~ganing mapacasamâ sa waláng hanggáng casaliwaang palad ang daándaáng táo upang mapaligaya ang isá lamang, at ang lahát n~g itó'y dahil sa m~ga minanang casalanan ó sa sandalíng pagcacasala, ¡Hindî! Cung iyá'y maguiguing catotohanan, sacalín na ninyo't patayin iyáng inyóng anác na lalaking diya'y tumutulog; cung ang ganyáng pananampalataya'y hindî isáng malaking capusun~gáng lában sa Dios na iyáng dapat na maguíng siyáng Dakilang Cagalin~gan; pagcacágayó'y ang Molok fenicio na ang kinacai'y ang inihahayin sa canyáng m~ga pinápatay na táo at ang dugóng waláng-malay-sála, at sinususunog sa canyáng tiyán ang m~ga sanggól na inagaw sa dibdib n~g caniláng m~ga iná, ang mamamatay-táong dios na iyán, ang dios na iyáng calaguimlaguím, cung isusumag sa Canyá'y masasabing isáng dalagang mahinà ang loob, isáng caibigang babae, ang iná n~g Sangcataohan! At puspós n~g panghihilacbót, umalís sa báhay na iyón ang ul-ól ó ang filósofo, at tumacbó sa lansan~gan, bagá man umuulan at madilím. Isáng nacasisilaw na kidlát na caacbáy n~g isáng cagutlaguitlang culóg na nagsabog sa impapawid n~g pangpatáy na m~ga lintic ang siyáng tumangláw sa matandáang lalaking nacataás ang m~ga camáy sa lan~git, at sumísigaw: --¡Tumututol icaw! ¡Talastas co nang hindî ca maban~gís; talastas co nang ang dapat co lamang itawag sa iyo'y SI MABAIT! Nag-iibayo ang m~ga kidlát, lalong lumálacas ang unós.... TALABABA: [216] Parrarayo, pangpatiguil ó pangpahintô n~g lintíc. Isáng casangcapan ó aparato na cung ilagay sa taluctóc n~g isáng edificio ay nacacatawag n~g electricidad ó n~g lintíc at inihahatid itó sa pamamag-itan n~g isáng cáwad sa isáng lugar na hindî macasásakit canino man. Natuclasán ang paggawâ n~g "parrarayo" ni Benjamin Franklin n~g taóng 1732. Ang caraniwang táas n~g parrarayo'y ánim hanggáng labíng dalawáng metro, at natatangkilic na dî pinúputucan n~g lintíc ang paliguidliguid n~g kinátatayuan na ang sucat n~g sacláw ay ang lambál ó ibayo n~g sucat n~g taás. Si Benjamin Franklin ay pantás na diplomático, físico at economista, na gumamit n~g boóng cáya upang magtamó n~g casarinlán ang canyáng Inang Báyang Estados Unidos n~g América. Ipinan~ganác siyá sa Boston n~g 1706, at namatáy n~g 1790.--P.H.P. [217] Caraniwang tinatawag n~g catagalugan "tumbá", marahil sa túro n~g m~ga fraile. Pinagpapatongpatong na m~ga mesa ó balangcás na anó man, tinatacpan n~g damit na maitím at doon guinágawâ ang m~ga ceremoniang ucol sa m~ga patáy. [218] Ang m~ga cahirapang tinitiis n~g m~ga banál na cálolowa sa Purgatorio. [219] Ang samaháng ang palatuntuna'y ang pagsisicap na camtán ang m~ga calayâan. [220] Sa pagkikibit n~g balicat ay ipinakikilalang hindî niyá dinaramdam ó hindî niyá sinasakit n~g loób ó sa canya'y waláng halagang sabi ó balitang náririn~gig. [221] Sa capangyarihan. [222] Sa casalucuyan, sa horas ding iyón. [223] Ang cahulugán n~g pan~galang Zoroastro'y: "ang lalong magalíng sa m~ga anác n~g m~ga táo.--Si Zoroastro'y pantás na filósofo na bumago n~g religión persa."--P. H. P. [224] Ang librong kinapapalamnan n~g m~ga aral ni Zoroastro. Tinatawag ding "Zindavesta" ang librong ito.--P. H. P. [225] Hindî malilimutang filósofo griego na ipinan~ganác sa Egina n~g taóng 429 n~g dî pa ipinan~gan~ganac si Jesucristo.--Ang m~ga pan~gulong librong sinulat niyá'y "Ang República" at ang "Salitaan n~g dalawá". Ang pan~galan niyá'y Aristocles, n~guni't pinan~galanan siyá Sócrates n~g Platón, dahil sa calaparan n~g noó. Siyá'y naguíng discípulo ni Sócrates at naguíng maestro ni Aristóteles.--P. H. P. [226] Bantog na escritor at naturalista latino. Ipinan~ganác n~g taóng 23 at namatáy n~g taóng 79. [227] Patriarca sa Constantinopla. Namatáy n~g taóng 271. [228] Hindî malilimutang poeta na cumathâ n~g "Eneida", na doo'y sinásaysay ang pinagdaanang búhay n~g troyaneng si Eneas. Siyá rin ang cumathâ n~g "Las Eglogas" at n~g "Las Geórgicas." [229] Bantóg na papang nagpatanghál at nagpakináng na lubhâ sa Pontificado. [230] Balitang poeta sa Italia n~g Edad Media. Ipinan~ganác sa Florencia n~g 8 n~g Mayo n~g 1265 at namatay n~g 14 n~g Septiembre n~g 1321. Ang pan~galan niyáng tunay ay DURANTE at ang DANTE ay palayaw. Ipinalimbag niyá ang m~ga librong Vida Nueva, Canzones, El Infierno, El Banquete, De Vulgari Eloquio, El Purgatorio, De Monarchia Mundi, La Divina Comedia at iba pa. Ganitó ang saysáy niyá sa canyáng sinulat na librong "De Monarchia Mundi:" Hindî sa m~ga cónsul ang m~ga namamayan at hindî sa harì ang nación, cung dî pabaligtad: sa m~ga namamayan ang m~ga cónsul at sa nación ang harì. Hindî itinatag ang m~ga ciudad at n~g pag-uculan n~g m~ga cautusán; itinatag ang m~ga cautusán at n~g iucol sa m~ga ciudad. Cayâ n~ga't ang m~ga tumatalima sa m~ga cautusán ay hindî pinapagsama sa isáng báyan upang maguing tagapaglingcód sa naglálagdâ n~g m~ga cautusán: cung dî ang naglalagdâ n~g m~ga cautusán ang siyáng tagapaglingod sa báyan, at iba pa." Hindî minamagalíng ni Dante na ang papa'y magcaroon n~g capangyarihan sa búhay at pamumuhay n~g catawan, at dahil sa panucalà niyang canyáng itóng isinaysay sa canyáng m~ga casulatan, siya'y pinag-usig n~g m~ga papa, m~ga cardenal at n~g lahát n~g m~ga cacampí sa ang han~gad na ang papa'y magcaroon n~g capangyarihang hárì. Labingdalawang taón n~g patáy siyá'y ipinag-utos pa n~g cardenal del Poggetto na cunin sa baunan ang canyáng bun~gô at m~ga butó, sunuguin at itapon, sa pagca't excomulgado raw siyá, bagay na hindî natuloy, salamat sa paghadlang n~g maraming m~ga mamamayan. Siya'y poeta, filósofo, soldado, músico, filólogo, publicista, político, mabaít na táong bayan, nagtayô n~g isáng arte, siyá ang masasabing humusay at nagtatag n~g wicang italiano, naguing punò n~g canyáng ciudad republicana, nápatapong madalás dahil sa pagtatanggol n~g catuwiran n~g bayan, at sa kinatapuna'y halos nagpalimos n~g kinacain, teólogo, masicap na apóstol n~g caisipáng di dapat magharì ang papa, hinatulang sunuguing buháy n~g isáng tribunal revolucionario, at pinag-usig n~g boong calupitán n~g tribunal n~g Inquisicióng nagparatang na siyá'y hereje, bago'y banal na binyagan; n~guni't sa cawacasa'y inilagay ang canyáng larawan sa Vaticano, sa casamahán n~g m~ga Doctor n~g Iglesia Católica, at ang m~ga butó niyá'y iniin~gatan n~g boong galang sa catedral ni Santa María del Fìore; m~ga cagagawang nagpapakilalang maliwanag na ang m~ga papa'y nagcacamali ring gaya n~g lahát n~g tao at hindî catotohanang ang m~ga papa'y "infalible", hindî nagcacamali. Itó n~gâ sa maiclíng salitâ ang carilagdilagang buhay ni Dante, na ilinagdà co rito't n~g mapanghinularan.--P.H.P. [231] Ministro n~g religión ni Brahma. [232] Ang m~ga sumusampalataya sa religión ni Budha. [233] Barquero ni Aqueronte sa ílog n~g infierno. Si Carón ó Caronte ang tunay na larawan ni Camatayan sa caban~gisang walang habág canino man, sa bata't matanda, sa maganda't pan~git, sa lalaki't babae--P. H. P. [234] Ang isá sa m~ga pintuan n~g infierno. [235] Ang m~ga táong ang pakikipabaca ang guinágawáng hanap-búhay. [236] Poeta n~g m~ga unang "celta". [237] Hindî lamang tinatawag na mán~gan~gaso (cazador) n~g m~ga castilà ang nanghuhuli n~g usá, baboy-ramó at iba pang hayop sa pamamag-itan n~g m~ga aso, cung dî ang nanghuhuli ó pumapatay n~g sinabi n~g m~ga hayop sa pamamag-itan n~g m~ga sandata, n~g m~ga silò ó n~g m~ga patibóng. [238] Ang m~ga caugaliang guinagawa n~g bawa't religión sa canilang panapalan~gin at pagpupuri sa Dios; at sa iba pang m~ga bagay. [239] Templo at ciudadela n~g Roma, na na sa ibabaw n~g isang bundóc at doon pinuputun~gan n~g corona ang m~ga nan~gagtatagumpay sa pakikibaca. Dating casiping n~g Capitolio ang tinatawag na "Roca Tarpeya", malaking bato, na doo'y pinatátayo ang m~ga may casalanan at bago itinutulac sa ban~gín at n~g doo'y mamatay. Nanggaling ang pamagát na Tarpeya sa pan~galang ganito rin n~g isáng dalagang taga Roma, na nagbilí sa m~ga sabino n~g ciudadela n~g Roma, at pagcatapos ay ang m~ga sabino rin ang pumatáy sa canyá, carapatdapat na ganting pálà sa lahát n~g gaya niyáng tacsíl. [240] Doctor n~g Iglesia Católica, na namatáy n~g taóng 217. [241] Isá sa m~ga lalong bantog na párì n~g Iglesia Católica, na taga pagpaunawà n~g m~ga Santong Casulatan. Ipinan~ganác n~g 185 at namatáy n~g 243. [242] Obispo sa Lyon at masigasig na caaway n~g m~ga "gnóstico", hanggáng sa sumulat n~g isáng librong pinamagatán niyá n~g "Tratado de las herejías." [243] N~gayo'y cacasamahin catá sa Paraiso.--S. Lúcas XXIII, 43. [244] Concilio ecuménico na guinawa sa ciudad n~g Trento, sacop n~g Austria, n~g 1545 hanggang sa 1563. [245] Protestante, ang cahuluga'y "tumututol". Tinatawag na protestante ang m~ga sumasang-ayon sa pagtutol na guinawâ ni Lutero sa "dieta" sa Spira n~g taóng 1529. Si Martín Lutero ay dating fraileng agustino. Siyá'y tubo sa Eisleben, Sajonia, at ipinan~ganác n~g taóng 1483 at namatay n~g 1546. [246] Ang sacerdote n~g Iglesia Griega na hindî cumikilala sa capangyarihan n~g Papa. [247] Librong dakilang kinálalagyan n~g Luma at Bagong Testamento. [248] Pan~galang bigay sa m~ga príncipe sarraceno na cahalili ni Mahoma. [249] Pan~galawang pinsan ni Mahoma; isá sa lalong mababan~gis na tagapaglaganap n~g secta ni Mahoma. [250] Pagbilang na guinágawâ sa ano mang bagay. =XV.= =ANG MGA SACRISTAN= Bahagyâ na ang patláng n~g dagundóng n~g m~ga culóg, at pinan~gun~gunahan bawa't culóg n~g cakilakilabot na namimilipit na lintíc: masasabing isinusulat n~g Dios ang canyáng pan~galan sa pamamag-itan n~g isáng súnog at ang waláng hanggáng bubóng n~g lán~git ay nan~gín~ginig sa tacot. Ang ula'y parang ibinubuhos, at sa pagca't hináhampas n~g hán~ging humahaguing n~g lubháng malungcót, báwa't sandali'y nagbabago n~g tinutun~go. Ipinarírin~gig n~g m~ga campána, n~g voces na tagláy ang malaking laguím, ang caniláng mapangláw na hibíc, at sa sandasandalíng ínihihimpil n~g nan~gagbában~gis na m~ga culóg ang caniláng matunóg na atún~gal, isáng malungcót na tugtóg n~g campánà, na daíng ang catúlad, ang siyáng humahagulgól. Nan~gasaicalawáng sáray n~g campanario ang dalawáng bátang nakita náting caúsap n~g filósofo. Ang pinacabátà sa canilá, na may malalakíng matáng maitím at matatacutíng mukhâ, pinipilit na idigkít niyá ang canyáng catawán sa catawán n~g canyáng capatîd, na totoong nacacawan~gis niyá ang pagmumukhâ, at ang caibhán lamang ay malálim tumin~gín at may pagcaanyóng matápang. Ang pananamit n~g dalawá'y dukháng-dukhâ at puspós n~g m~ga sursi at tagpî. Nan~ga-uupô sa capirásong cáhoy at capuwâ may tan~gang isáng lubid na ang dúlo'y na sa icatlóng sáray, doon sa itáas, sa guitnâ n~g cadilimán. Ang uláng itinutulac n~g hán~gin ay dumárating hanggáng sa canilá at pinapamímisic ang isáng upós n~g candilang nag-aalab sa ibábaw n~g isáng malakíng bató na caniláng pinagugulong sa coro, upang huwarán ang úgong n~g culóg, cung Viernes Santo. --¡Batakin mo ang iyóng lúbid, Crispin!--anáng capatíd na matandâ sa bátà niyáng capatíd. Nag-alambitin sa lúbid si Crispin, at nárinig sa itáas ang isáng daíng na mahinà, na pagdáca'y natacpán n~g isáng culóg, na ang úgong ay pinarami n~g libolibong alin~gawn~gáw. --¡Ah! ¡cung na sa báhay sana táyong casáma n~g nánay!--ang ibinuntóng hinin~gá n~g maliit na tinítingnan ang canyáng capatíd;--doo'y hindî acó matatacot. Hindî sumagót ang matandáng capatíd; minámasdan cung paáno ang pagtúlò n~g pagkit at tíla mandin may pinag-iisip. --¡Doo'y walà sino mang nagsasabi sa aking acó'y nagnanácàw!--ang idinugtóng ni Crispin;--¡hindî itutulot n~g nánay! ¡Cung maalaman niyáng aco'y pinapalò....! Inihiwaláy n~g matandáng capatíd ang canyáng m~ga matá sa nin~gas n~g ílaw, tumin~galâ, pinang-guiguílan n~g cagát ang malaking lúbid at bago bigláng binaltác, at n~g magcagayo'y nárin~gig ang matunóg na tugtóg n~g campánà. --¿Mananatilî bâ tayo sa ganitóng pamumúhay, cacâ?--ang ipinatúloy ni Crispin. ¡Ibig co sánang magcasakit acó búcas sa báhay, ibig cong magcasakít acó n~g malaón at n~g acó'y alagâan n~g nánay at huwág na acóng pabalikín ulî sa convento! ¡Sa ganitó'y hindî acó pan~gan~ganlang magnanácaw at waláng háhampas sa akin! At icáw man, cacâ, ang mabuti'y magcasakit cang casáma co. --¡Howag!--ang sagót n~g matandáng capatíd;--mamámatay táyong lahát: mamámatay sa pighatî ang nánay at cata'y mamámatay n~g gútom. Hindî na sumagót ulî si Crispin. --¿Gaáno bâ ang sasahurin mo sa bowáng ito?--ang tanóng ni Crispin n~g macaraan ang sandalî. --Dalawáng piso: tatlóng multa ang ipinarusa sa akin. --Bayaran mo na ang sinasabi niláng ninácaw co, at n~g huwag táyong tawáguing m~ga magnanacaw; ¡bayáran mo na, cacâ! --¿Naúulol ca bâ, Crispín? Waláng macacain ang nánay; ang sabi n~g sacristan mayor ay nagnacaw ca raw n~g dalawáng onza, at ang dalawang onza ay tatlompo't dalawáng piso. Bumilang ang malíit sa canyáng m~ga dalírì hanggáng sa dumating sa tatlompo't dalawá. --¡Anim na camáy at dalawáng dalírì! At bawa't dalírì ay piso--ang ibinulóng na nag-iisip-iísip.--At bawa't piso ... ¿iláng cuarta? --Isáng dáan at anim na pô. --¿Isáng dáa't ánim na pong cuarta? ¿Macasandaan at ánim na pong isáng cuarta? ¡Nacú! ¿At gaano ang isáng dáa't ánim na pô? --Tatlompô at dalawáng camáy--ang sagót n~g matandáng capatíd. Sandalíng pinagmasdán ni Crispín ang maliliit niyáng camáy. [Larawan:--¡Doo'y walâ sino mang nagsasabi sa aking aco'y magnanacaw!--ang idinuctóng ni Crispín;--¡hindî itutulot n~g nanay! ¡Cung maalaman niyang aco'y pinapalò....--Imp de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.] --¡Tatlompô at dalawáng camáy!--ang inuulit úlit--ánim na camáy at dalawang dalírì, at bawa't dalírì ay tatlompô at dalawáng camáy ... at bawa't dalírî ay isáng cuarta ...¡Nacú gaáno caráming cuarta niyán! Hindî mabibilang n~g isá sa loob n~g tatlông áraw ...at macabíbili n~g sinelas na úcol sa m~ga paa at sombrerong úcol sa úlo, pagcâ umiinit ang áraw, at isáng malakíng páyong pagca umúulan, at pagcain, at m~ga damít na úcol sa iyo at sa nánay at.... Nag-isíp-ísip si Crispin. --¡N~gayó'y dináramdam co ang hindî co pagnanácaw! --¡Crispin!--ang ipinagwícà sa canyá n~g canyáng capatíd! --¡Huwág cang magálit! Sinabi n~g curang pápatayin daw acó n~g pálò pag hindî sumipót ang salapî; cung ninácaw co n~ga sána ang salapíng iyó'y aking maisisipot ...¡at cung sacali't mamatáy acó, magcaroon man lamang icáw at ang nánay n~g m~ga damít!... --¡Sáyang at hindî co n~gâ ninácaw! Hindî umimíc ang pinacamatandâ at hiníla ang canyáng lúbid. Pagcatapos ay nagsalitáng casabáy ang buntóng hinin~gá. --¡Ang ikinatatacot co'y bacâ, cagalitan ca n~g nánay cung maalaman! --¿Sa acálà mo cayâ?--ang tanóng n~g malíit na nagtátaca.--Sabíhin mong maigui ang pagcabugbog sa akin, ipakikita co ang aking m~ga pasâ at ang punít cong bulsá: hindî acó nagcaroon cailan man cung dî isáng cuarta lámang na ibinigay sa akin niyóng pascó at kinúha sa akin cahapon n~g cura ang isáng cuartang iyón. ¡Hindî pa acó nacacakita n~g gayón cagandáng isáng cuarta! ¡Hindî maniniwálà ang nánay! ¡hindî maniniwalà! --Cung ang cura ang magsabi.... Nagpasimulâ, n~g pag-iyác si Crispín, at ibinúbulong sa guitnâ n~g paghagulhól: --Cung gayó'y umuwî ca n~g mag-isá; aayaw acóng umuwî. Sabihin mo sa nánay na acó'y may sakít; aayaw acóng umuwî. --¡Crispín, huwág cang umiyác!--anang matandáng capatíd.--Hindî maniniwalà ang nánay; huwág cang umiyác; sinabi ni matandáng Tasiong may handâ raw sa ating masaráp na hapúnan. Tumin~galâ si Crispín at pinagmasdán ang capatíd. --¡Isáng masaráp na hapúnan! Hindî pa acó nanananghalîan: áayaw acóng pacanin hanggáng hindî sumísipot ang dalawáng onza ... Datapuwa't ¿cung maniwalà ang nánay? Sabíhin mong nagsisinun~galíng ang sacristan mayor, at ang curang maniwalà sa canyá'y sinun~galing din, na siláng lahát ay sinun~galing; na sinasabi niláng magnanacaw daw tayong lahát, sa pagca't ang tátay natin ay "viciosong". N~guni't sumún~gaw ang isáng úlo sa maliit na hagdáng patun~gó sa pan~gulong aáray n~g campanario, at ang úlong itó, na cawan~gis n~g cay Medusa[251], ang siyáng bigláng humárang n~g salitâ sa m~ga lábì n~g bátà. Yaó'y isáng úlong habâ, payát, na may mahahabang buhóc na maitím; salamíng azul sa matá ang siyáng cumúcublí n~g pagca bulág ang isáng matá. Yaón ang sacristán mayor, na talagáng gayón cung pakita, waláng ín~gay, hindî nagpáparamdam n~g pagdatíng. Nanglamíg ang magcapatíd. --¡Minumultahán catá, Basilio, n~g caháti, dáhil sa hindî mo pagtugtóg n~g maayos!--ang sábi n~g voces na malagunlóng na tíla waláng campanà sa lalaugan.--At icáw, Crispín, mátira ca rito n~gayóng gabí hanggáng sa sumipót ang iyóng ninácaw. Tiningnán ni Crispín ang canyáng capatíd, na parang siyá'y humihin~ging tangkílic. --Binigyán na camí n~g capahintulutan ... hiníhintay pô camí n~g nánay sa á las ocho--ang ibinulóng ni Basiliong tagláy ang boong cakimîan. --¡Icáw man namán ay hindî macaaalís sa icawalóng oras; hanggáng sa icasampô! --N~guni't talastás na pô ninyóng hindî nacapaglálacad pagca á las nueve na, at maláyò ang báhay. --At ¿ibig mo yatang macapangyari pa cay sa ákin?--ang itinanóng na galít n~g táong iyón. At hinawacan si Crispín sa bísig at inacmàang caladcarín. --¡Guinoo! ¡may isáng linggó na pô n~gayóng hindî namin nakikita ang aming iná!--ang ipinakiusap ni Basilio, at tinan~gnán ang canyáng bátang capatíd na ang anyó'y íbig ipagsanggaláng itó. Nailayô ang canyáng camáy n~g sacristán mayor sa isáng tampál, at sacâ kinaladcád si Crisping nagpasimulâ n~g pag-iyác, at nagpatinghigâ, samantalang sinasabi sa canyáng capatíd: --¡Huwág mo acóng pabayâan, pápatayin acó nilá! N~guni't hindî siyá pinansín n~g sacristan, kinaladcád at nawalâ siyá sa guitnâ n~g cadilimán. Nátira si Basiliong hindî man lamáng macapagsalitâ. Nárinig niyá, ang m~ga pagcacáhampáshampás n~g catawán n~g canyáng capatíd sa m~ga baitang n~g maliit na hagdanan, isáng sigáw, iláng tampál, at unti-unting napáwì sa kanyáng tain~ga ang gayóng m~ga pagsigáw na nacaháhambal. Hindî humíhin~ga ang bátà: nacatindíg na nakíkinig, dilát na dilát ang m~ga matá, at nacasuntóc ang m~ga camáy. --¿Cailán bagá cayâ acó macapag aaráro n~g isáng búkid?--ang maráhang ibinúbulong, at dalîdaling nanáog. Pagdatíng sa coro'y nakiníg n~g maigui: lumálayô n~g boong catulinan ang voces n~g canyáng capatíd, at ang sigáw na: "¡nánay!", "¡cacâ!" ay nawaláng lubós pagcasará n~g pintô. Nan~gán~gatal, nagpapawis, sandalî siyáng tumiguil; kinácagat niyá ang canyáng camao upang lunúrin ang isáng sigáw na nagtutumácas sa canyáng púsò at pinabayaan niyáng magpalin~gaplin~gap ang canyáng m~ga matá sa nag-aagaw dilím at liwanag na simbahan. Doo'y malamlám ang nin~gas n~g ílaw na lan~gís sa "lámpara"; na sa guitnâ, ang "catafalco"; sará ang lahát n~g m~ga pintuan, at may m~ga rejas ang m~ga bintánà. Dî caguinsaguinsa'y nanhíc sa maliit na hagdán, linampasán ang pan~galawang sáray, na kinalalagyan n~g nagninin~gas na candílà, nanhíc sa icatlóng sáray. Kinalás ang m~ga lúbid na nacatálî sa m~ga "badajo" (pamaltóc n~g campánà), at pagcatapós ay mulíng nanáog na namúmutlâ; n~gúni't cumíkinang ang canyáng m~ga matá'y hindî sa m~ga lúhà. Samantala'y nagpapasimulâ n~g pagtílà ang ulán at untiunting lumiliwanag ang lán~git. Pinagdugtong ni Basilio ang m~ga lubid, itinálì ang isáng dúlo sa isáng maliit na pinacahalígui n~g "barandilla", at hindî man lámang naalaalang patayín ang ílaw, umus-ós sa lubid sa guitnâ n~g cadilimán. Nang macaraan ang iláng minuto, sa isá sa m~ga dáan sa báyan, ay nacárinig n~g m~ga voces at tumunóg ang dalawáng putóc; n~guni't síno ma'y waláng natigatig, at mulíng tumahimic na lahát. TALABABA: [251] Isá sa tatlóng m~ga Furia Gorgona caaway ni Minerva. Pinugutan n~g ulo si Medusa ni Perseo. Ang m~ga pan~galan n~g tatlóng Furia ay Medusa, Euriale at Estenio: ang táong matitigan n~g alín man sa tatlóng itó'y hindî macakilos at napípipi. Si Minerva ang diosa n~g carunun~gan at pagbabaca. Si Perseo ay anác ni Dánae at hárì sa Argos; iniligtás niyá sa infierno ang canyáng sinísintang si Andrómeda. =XVI.= =SI SISA= Madilim ang gabí: tahimic na tumutulog ang m~ga namamayan; ang m~ga familiang nag-alaala sa m~ga namatay na'y tumulog na n~g boong capanatagán at capayapaan n~g loob: nan~gagdasál na silá n~g tatlóng bahagui n~g rosario na may m~ga "requiem", ang pagsisiyám sa m~ga cálolowa at nan~gagpanín~gas n~g maraming candilang pagkít sa haráp n~g m~ga mahál na larawan. Tumupád na ang m~ga mayayaman at ang m~ga nacacacaya sa pagcabûhay sa m~ga nagpamana sa canilá n~g caguinhawahan; kinabucasa'y sísimba silá sa tatlóng misang gágawin n~g báwa't sacerdote, man~gagbíbigay silá n~g dalawáng piso at n~g ipagmisa n~g isáng patungcól sa cálolowa n~g m~ga namatáy; bíbili sila, pagcatapos, n~g bula sa m~ga patáy na puspós n~g m~ga indulgencia. Hindî n~ga totoong nápacahigpit ang Justicia n~g Dios na gáya n~g justicia n~g táo. N~guni't ang dukhâ, ang mahírap, na bahagyâ nanacacakita upang may maipag-agdóng-búhay, at nan~gangailán~gang sumúhol sa m~ga "directorcillo," m~ga escribiente at m~ga sundalo, upang pabayaan siláng mamúhay n~g tahimic, ang táong iyá'y hindî tumutulog n~g panatag, na gaya n~g inaacála n~g m~ga poeta sa m~ga palacio, palibhasa'y hindî pa silá maráhil nacapagtitiis n~g m~ga hagpós n~g carálitâan. Malungcót at nag-iisíp-ísip ang dukhâ. Nang gabíng iyón, cung cácauntí ang canyáng dinasál ay malakíng lubhâ ang canyáng dalán~gin, tagláy ang hírap sa m~ga matá at ang m~ga lúha sa púsò. Hindî siyá nagsísiyam, hindî siyá marunong n~g m~ga "jaculatoria", n~g m~ga tulâ at n~g m~ga "oremus," na cathâ n~g m~ga fraile, at iniuucol sa m~ga táong waláng sariling caisipán, waláng sariling damdámin, at hindî rin namán napag-uunawà ang lahát n~g iyón. Nagdárasal siyá n~g áyon sa pananalitâ n~g canyáng caralitaan; ang cálolowa niyá'y tumatan~gis dáhil sa canyáng sariling calagayan, at dáhil namán sa m~ga namatáy, na ang pagsintá nilá sa canyá'y siyáng canyáng cagalin~gan. Nangyayaring macapagsaysáy ang m~ga lábì niyá n~g m~ga pagbátì; n~guni't sumísigaw ang canyang ísip n~g m~ga daing at nagsásalitâ n~g m~ga hinanakít. ¿Cayó bagá'y man~gasísiyahan. Icáw na pumuri sa carukhâan, at cayó namán, m~ga aninong pinahihirapan, sa waláng pamúting panalan~gin n~g dukhâ, na sinasaysay sa haráp n~g isáng estampang masamâ ang pagcacágawâ, na liniliwanagan n~g ílaw n~g isáng timsím, ó bacâ cayâ ang ibig ninyo'y ang may m~ga candílang malalakí sa haráp n~g m~ga Cristong sugatán, n~g m~ga Virgeng malilíit ang bibíg at may m~ga matáng cristal, m~ga misang wícang latíng ipinan~gun~gusap n~g m~ga sacerdoteng hindî inuunawà ang sinasabi? At icáw, Religióng ilinaganap na talagáng úcol sa sangcataohang nagdaralità, ¿nalimutan mo na cayâ ang catungculan mong umalíw sa naaapi sa canyáng carukhâan, at humiyâ sa macapangyarihan sa canyáng capalalûan, at n~gayó'y may laan ca lamang na m~ga pan~gácò sa m~ga mayayaman, sa m~ga táong sa iyó'y macapagbabayad? Ang caawaawang tao'y nagpúpuyat sa guitnâ n~g canyáng m~ga anác na nan~gatutulog sa canyáng síping; iniisip ang m~ga bulang dapat bilhín upang mápahin~galáy ang m~ga magulang at ang namatáy na esposo.--"Ang píso--anyá--ang píso'y isáng linggóng caguinhawahan n~g aking m~ga anác; isáng linggóng m~ga tawanan at m~ga catuwâan, ang aking inimpóc sa bóong isáng buwan, isáng casuutan n~g aking anác na babaeng nagdádalaga na."--Datapuwa't kinacailan~gang patayín mo ang m~ga apóy na itó--ang wícà n~g voces na canyáng nárinig sa sermón--kinacailan~gang icáw ay magpacahírap." ¡Tunay n~gâ! ¡kinacailan~gan! Hindî ililigtas n~g Iglesia n~g waláng bayad ang m~ga pinacasisinta mong cálolowa: hindî ipinamímigay na waláng báyad ang m~ga bula. Dápat mong bilhín ang bula, at hindî ang pagtulog cung gabí ang iyóng gágawin, cung dî ang pagpapagal. Samantala'y mailálantad n~g iyóng anác na babae ang bahágui nang catawáng dapat ilíhim sa nanonood; ¡magpacagútom ca, sa pagca't mahál ang halagá n~g lán~git! ¡Tunay na túnay n~gâ yátang hindî pumapasoc sa lán~git ang m~ga dukhâ! Nan~gagliliparan ang m~ga caisipáng itó sa alang-alang na pag-itang mulâ sa sahíg na kinalalatagan n~g magaspáng na baníg, hanggáng sa palupong kinatatalîan n~g dúyang pinag-úuguyan sa sanggól na laláki. Ang paghin~gá nitó'y maluág at payápà; manacânacang n~ginun~guyâ ang láway at may sinasabing dî mawatasan: nananaguinip na cumacain ang sicmurang gutóm na hindî nabusóg sa ibinigáy sa canyá n~g m~ga capatíd na matatandâ. Ang m~ga culiglíg ay humuhuning hindî nagbabago ang tínig at isinasaliw ang caniláng waláng humpáy at patupatuloy na írit sa m~ga patlángpatláng na tin-ís na húni n~g cagaycáy na nacatagò sa damó ó ang butiking lumálabas sa canyáng bútás upang humánap n~g macacain, samantalang ang tucô, na wala n~g pinan~gan~ganibang túbig ay isinusun~gaw ang canyáng ulo sa gúang n~g bulóc na púnò n~g cáhoy. Umaatun~gal n~g lubháng mapanglaw ang m~ga áso doon sa daan, at sinasampalatayanan n~g mapamahíing nakikinig na silá'y nacacakita n~g m~ga espíritu at n~g m~ga anino. Datapuwa't hindi nakikita n~g m~ga áso at n~g ibá pang m~ga háyop ang m~ga pagpipighatî n~g m~ga tao, at gayón man, ¡gaano carami ang canilang m~ga cahirapang tinítiis! Doon sa maláyò sa bayan, sa isáng láyong may isáng horas, nátitira ang iná ni Basilio at ni Crispín, asáwa n~g isáng laláking waláng puso, at samantalang ang babae nagpipilit mabúhay at n~g macapag-arugà sa m~ga anác, nagpapagalâgala at nagsasabong namán ang lalaki. Madalang na madálang silá cung magkíta, n~guni't lágui n~g kahapishapis ang nangyayari pagkikita. Unti-unting hinubdán n~g lalaki ang canyáng asáwa n~g m~ga híyas upang may maipagvicio siyá at n~g walâ nang caanoano man si Sisa, upang magugol sa masasamáng m~ga hingguíl n~g canyáng asawa, pinagpasimulâan nitóng siyá'y pahirapan. Mahinà, palibhasà, ang loob, malakí ang cahigtán n~g púsò cay sa pag-iísip, walâ siyáng nalalaman cung dî sumintá at tumán~gis. Sa ganáng canyá'y ang canyáng asawa ang siyáng dios niyá,; ang m~ga anác niyá'y siyáng canyang m~ga ángel. Sa pagca't talastás n~g lalaki cung hanggáng saan ang sa canya'y pag-íbig at tacot, guinágawa namán niyá ang catulad n~g asal n~g lahát n~g m~ga diosdiosan: sa aráw-áraw ay lumálalâ ang canyáng calupitan, ang pagca waláng áwà at ang pagcapatupatuloy n~g bawa't maibigan. N~g múhang tanóng sa canyá si Sisa n~g minsang siyá'y sumipót sa báhay, na ang mukha'y mahiguít ang pagdidilim cay sa dati, tungcól sa panucalang ipasoc n~g sacristan si Basilio, ipinatúloy niyá ang paghahagpós n~g manóc, hindî siyá sumagot n~g oo ó ayaw. Hindî nan~gahás si Sisang ulítin ang canyang pagtatanong; datapuwa't ang lubháng mahigpít na casalatán n~g caniláng pamumúhay at ang han~gád na ang m~ga báta'y man~gag-áral sa escuelahan n~g bayan n~g pagbasa't pagsúlat, ang siyang sa canya'y pumílit na ipalútoy ang panucalà niya. Ang canyang asawa'y hindî rin nagsabi n~g anó man. Nang gabíng yaon, icasampó't calahatî ó labíng-isá ang horas, n~g numiningning na ang m~ga bituin sa lan~git na pinaliwanag n~g unós, nacaupô si Sisa sa isáng bangcóng cahoy na pinagmamasdan ang ilang m~ga san~gá n~g cahoy na nagninin~gasnin~gas sa calang may tatlóng batóng-buhay na may m~ga dunggót. Nacapatong sa tatlóng batóng itó ó tungcô ang isang palayóc na pinagsasain~gan, at sa ibabaw n~g m~ga bága'y tatlóng tuyóng lawlaw, na ipinagbíbili sa halagang tatló ang dalawang cuarta. Nacapan~galumbabà, minámasdan ang madilawdilaw at mahinang nín~gas n~g cawayang pagdaca'y naguiguing abó ang canyang madalíng malugnaw na bága; malungcót na n~gitî ang tumatanglaw sa canyang mukhâ. Nagugunità niya ang calugodlugód na bugtóng n~g palayóc at n~g apóy na minsa'y pinaturan sa canya ni Crispin. Ganitó ang sinabi n~g batà: "Naupô si Maitím, sinulót ni Mapula. Nang malao'y cumaracara." Batà pa si Sisa, at napagkikilalang n~g dacong úna'y siya'y maganda at nacahahalina cung cumílos. Ang canyang m~ga mata, na gaya rin n~g canyang calolowang ibibigay niyang lahat sa canyang m~ga anac, ay sacdal n~g gaganda, mahahabà ang m~ga pilíc-mata at nacauukit cung tumin~gín; mainam ang hayap n~g ilóng; marikít ang pagcacaanyô n~g canyang m~ga labing namumutlâ. Siya ang tinatawag n~g m~ga tagalog na "cayumanguing caligatan," sa macatuwid baga'y cayumangguí, n~guni't isang cúlay na malínis at dalísay. Baga man batà pa siya'y dahil sa pighatî, ó dahil sa gútom, nagpapasimulâ na n~g paghupyac ang canyang namumutlang m~ga pisn~gí; ang malagóng buhóc na n~g úna'y gayac at pamuti n~g canyang cataóhan, cung cayâ husay hindî sa pagpapaibiíg, cung dî sa pagca't kinaugalîang husayin: ang pusód ay caraniwan at walang m~ga "aguja" at m~ga "peineta." May ilang araw nang hindî siya nacacaalis sa bahay at canyang tinatapos tabìin ang isang gawang sa canya'y ipinagbiling yarîin sa lalong madalíng panahóng abót n~g caya. Sa pagcaibig niyang macakita n~g salapî, hindî nagsimba n~g umagang iyón, sa pagca't maaabala siya n~g dalawang horas ang cauntian sa pagparoo't parito sa bayan:--¡namimilit ang carukhâang magcasala!--N~g matapos ang canyang gawa'y dinala niya sa may-arì, datapuwa't pinan~gacuan siya nitó sa pagbabayad. Walâ siyang inísip sa boong maghapon cung dî ang m~ga ligayang tatamuhin niya pagdatíng n~g gabí: canyang nabalitaang óowî ang canyang m~ga anac, at canyang inísip na sila'y canyang pacaning magalíng. Bumilí n~g m~ga lawlaw, pinitas sa canyang malíit na halamanan ang lalong magagandang camatis, sa pagca't nalalaman niyang siyang lalong minamasarap ni Crisping pagcain, nanghin~gî sa canyang capit bahay na si filósofo Tasio, na tumitira sa may m~ga limangdaang metro ang layò sa canyang tahanan, n~g tapang baboy-ramó, at isang hità n~g patong-gubat, na pagcaing lalong minamasrap ni Basilio. At puspós n~g pag-asa'y isinaing ang lalong maputíng bigas, na siya rin ang cumúha sa guiícan. Yaón n~ga nama'y isang hapúnang carapatdapat sa m~ga cura, na canyang handâ sa caawaawang m~ga batà. Datapuwa't sa isang sawîng palad na pagcacatao'y dumatíng ang asawa niya't kinain ang canin, ang tapang baboy ramó, ang hità n~g pato, limang lawlaw at ang m~ga camatis. Hindî umiimic si Sisa, baga man ang damdam niya'y siya ang kinacain. Nang busóg na ang lalaki'y naalaalang itanóng ang canyang m~ga anac. Napan~gitî si Sisa, at sa canyang catowâa'y ipinan~gacò sa canyang sariling hindî siya maghahapunan n~g gabíng iyón; sa pagca't hindî casiya sa tatló ang nalabi. Itinanóng n~g ama ang canyang m~ga anac, at ipinalalagay niya itóng higuít sa siya'y cumain. Pagcatapos ay dinampót n~g lalaki ang manóc at nag-acalang yumao. --¿Ayaw ca bang makita mo sila?--ang itinanóng na nan~gan~gatal;--sinabi ni matandang Tasiong sila'y malalaon n~g cauntî; nacababasa na si Crispin ... marahil ay dalhín ni Basilio ang canyang sueldo. N~g marinig itóng huling cadahilanan n~g pagpiguil sa canya'y humintô, nag-alinlan~gan, n~guni't nagtagumpay ang canyang mabuting angel. --¡Cung gayó'y itira mo sa akin ang piso!--at pagcasabi ay umalis. Tuman~gis n~g bóong capaitan si Sisa; n~guni't pagcaalaala sa canyang m~ga anac ay natuyô ang m~ga luhà. Mulî siyang nagsaing, at inihandâ ang tatlong lawlaw na natira: bawa't isa'y magcacaroon n~g isa't calahatì. --¡Darating silang malakí ang pagcaibig na cumain!--ang iniisip niya:--malayò ang pinangagalin~gan at ang m~ga sicmúrang gutóm ay walang púsò. Pinakingan niyang magalíng ang lahat n~g in~gay, masdan natin at hinihiwatigan niya ang lalong mahinang yabag: --Malacas at maliwanag ang lacad ni Basilio; marahan at hindî nacacawan~gis ang cay Crispin--ang iniisip n~g ina. Macaalawa ó macaatló n~g humúni ang calaw sa gúbat, mulâ n~g tumilà ang ulan, at gayón ma'y hindî pa dumarating ang canyang m~ga anac. Inilagay niya ang m~ga lawlaw sa loob n~g palayóc at n~g huwag lumamig, at lumapit sa pintuan n~g dampâ upang siya'y malibang ay umawit n~g marahan. Mainam ang canyang voces, at pagcâ narìrinig nilang siya'y umaawit n~g "cundiman", nan~gagsisiiyac, ayawan cung bakit. N~gúni't n~g gabing iyó'y nan~gan~gatal ang canyang voces at lumalabas n~g pahirapan ang tínig. Itiniguil ang canyang pag-awit at tinitigan niya ang cadiliman. Sino ma'y walang nanggagaling sa bayan, liban na lamang sa han~ging nagpapahulog n~g tubig sa malalapad na m~ga dahon n~g m~ga saguing. Caracaraca'y biglang nacakita n~g isang ásong maitím na sumipót sa harap niya; may inaamoy ang hayop na iyón sa landas. Natacot si Sisa, cumúha n~g isang bató at hinaguis. Nagtatacbó ang asong umaatun~gal n~g pagcapanglawpanglaw. Hindî mapamahîin si Sisa, n~guni't palibhasa'y maráming totóo ang canyáng nárinig na m~ga sinasabi tungcol sa m~ga guníguní at sa m~ga ásong maiitím' caya n~ga't nacapangyári sa canyá ang laguím. Dalidaling sinarhán ang pintô at naupô sa tabí n~g ílaw. Nagpapatíbay ang gabí n~g m~ga pinaniniwalaan at pinupuspos n~g panimdím ang aláng-álang n~g m~ga malicmátang aníno. Nag-acálang magdasál, tumáwag sa Vírgen, sa Dios, upang calin~gáin nilá ang canyáng m~ga anác, lálonglalò na ang canyáng bunsóng si Crispín. At hindî niyá sinásadya'y nalimutan niyá ang dasál at napatun~go ang bóong pag-iisip niyá sa canilá, na anó pa't canyáng naaalaala ang m~ga pagmumukhâ n~g báwa't isá sa canilá, yaóng m~ga mukháng sa towî na'y n~gumín~gitî sa canyá cung natutulog, at gayón din cung nagíguising. Datapuwa't caguinsaguinsa'y naramdaman niyáng naninindíg ang canyáng m~ga buhóc, nangdidilat n~g maínam ang canyáng m~ga matá, malicmátà ó catotohanan, canyáng nakikitang nacatìndíg si Crispin sa tabí n~g calan, doón sa lugar na caraníwang canyáng inúup-an upang makipagsalitaan sa canyá. N~gayó'y hindî nagsasabi n~g anó mán; tinititigan siyá niyóng m~ga matáng malalakí at n~gumín~gitî. --¡Nánay! ¡bucsán ninyó! ¡bucsán ninyó, nánay!--ang sabi ni Basilio, búhat sa labás. Kinilabútan si Sisa at nawalâ ang malícmatà. =XVII.= =BASILIO= Bahagyâ pa lamang nacapapasoc si Basiliong guiguirayguiray, nagpatínghulóg sa m~ga bísig n~g canyáng iná. Isáng dî masábing panglalamíg ang siyáng bumálot cay Sisa n~g makita niyáng nag-íisang dumatíng si Basilio. Nagbantáng magsalitâ ay hindî lumabás ang canyáng voces; iníbig niyáng yacápin ang canyáng anác ay nawal-án siyá n~g lacás; hindî namán mangyaring umiyác siyá. N~guni't n~g makita niyá ang dugóng pumapalígò sa noo n~g bata'y siyá'y nacasigáw niyáng tínig na wári'y nagpapakilala n~g pagcalagót n~g isáng bagtìng n~g púsò. --¡M~ga anác co! --¡Howág pô cayông mag-ala ala n~g anó man, nánay!--ang isinagót ni Basilio;--nátira pô sa convento pô si Crispin. --¿Sa convento? ¿nátira sa convento? ¿Buháy? Itinin~galâ n~g bátà sa canyáng iná ang canyáng m~ga matá. --¡Ah!--ang isinigaw, na anó pa't ang lubháng malaking pighati'y naguing lubháng malaking catowâan. Si Sisa'y umiyác, niyácap ang canyáng anác at pinuspós n~g halíc ang may dugóng nôo. --¡Buháy si Crispin! Iniwan mo siyá sa convento ... at ¿bákit may súgat ca, anác co? ¿Nahúlog ca bâ? At siniyasat siyá n~g boong pag-iín~gat. --N~g dalhín pô si Crispin n~g sacristan mayor ay sinábi sa áking hindî raw acó macaaalis cung dî sa icasampóng horas, at sa pagcá't malálim na ang gabí, acó'y nagtánan. Sa baya'y sinigawán acó n~g m~ga sundalo n~g "Quien vive," nagtatacbó acó, bumaríl silá at nahilahisan n~g isáng bála ang áking nóo. Natatacot acóng mahuli at papagpupunásin acó n~g cuartel, na abóy n~g pálò, na gaya n~g guinawâ cay Pablo, na hanggá n~gayó'y may sakít. --¡Dios co! ¡Dios co!--ang ibinulóng n~g ináng kiníkilig--¡Siyá'y iyóng iniligtas! At sacâ idinugtóng, samantalang, humahanap n~g panaling damit, túbig, súcà, at balahibong maliliit n~g tagác: --¡Isáng dálì pa at nápatay ca sana nilá, pinatáy sana nilá ang aking anác! ¡Hindî guinúgunitâ n~g m~ga guardia civil ang m~ga iná! --Ang sasabihin ninyó'y nahulog acó sa isáng cáhoy; huwág pô sánang maalaman nino mang acó'y pinaghágad. --¿Bákit bâ nátira si Crispin?--ang itinanóng ni Sisa pagcatapos magawâ ang paggamot sa anác. Minasdán ni Basiliong isáng sandalî ang canyáng iná, niyácap niyá itó at sacâ, untiunting sinaysáy ang úcol sa dalawáng onza, gayón ma'y hindî niyá sinabi ang m~ga pagpapahirap na guinagawà sa canyáng capatíd. Pinapaghálò n~g mag-iná ang caniláng m~ga lúhà. --¡Ang mabaít cong si Crispin! ¡pagbintan~gán ang mabaít cong si Crispin! ¡Dahiláng tayó'y dukhâ, at ang m~ga dukháng gáya natin ay dapat magtiís n~g lahát!--ang ibinulòng ni Sisa, na tinitingnan n~g m~ga matáng punô n~g lúhà ang tinghóy na nauubusan n~g lan~gís. Nanatiling malaónlaón ding hindî silá nag-imican. --¿Naghapunan ca na bâ?--¿Hindî? May cánin at may tuyóng lawláw. --Walâ acóng "ganang" cumain; túbig, túbig lámang ang íbig co. --¡Oo!--ang isinagót n~g iná n~g boong lungcót;--nalalaman co n~g hindî mo ibig ang tuyóng lawláw; hinandâan catá n~g ibáng bágay; n~guni't naparíto ang iyòng tátay, ¡caawaawang anác co! --¿Naparito ang tátay?--ang itinanòng ni Basilio, at hindî kinucusa'y siniyasat ang mukhâ at ang m~ga camáy n~g canyang iná. Nacapagsikíp sa púsò ni Sisa ang tanóng n~g canyáng anác, na pagdaca'y canyáng napag-abót ang cadahilanan, cayá't nagdumalíng idinugtóng: --Naparito at ipinagtanóng cayó n~g mainam, ibig niyáng cayó'y makita; siya'y gutóm na gutóm. Sinabing cung cayó raw ay nananatili sa pagpapacabaít ay mulî siyáng makikisama sa átin. --¡Ah!--ang isinalabat ni Basilio, at sa samâ, n~g canyáng lóob ay inin~giwî ang canyáng m~ga labî. --¡Anác co!--ang ipínagwícà ni Sisa. --¡Ipatáwad pô ninyó, nánay!--ang mulíng isinagót na matigás ang anyô--¿Hindî bâ cayâ lálong magalíng na táyong tatlò na lámang, cayó, si Crispin at acó?--N~guni't cayó po'y umíiyac; ipalagáy ninyóng walâ acóng sinabing anó man. Nagbuntóng-hinin~gá si Sisa. Sinarhán ni Sisa ang dampâ at tinabunan n~g abó ang caunting bága sa calán at n~g huwág mapugnáw, túlad sa guinagawâ n~g táo sa m~ga damdámin n~g cálolowa; tacpán ang m~ga damdaming iyán n~g abó n~g búhay na tinatawag na pag-wawalang-bahálâ, at n~g huwág mapugnáw sa pakikipanayám sa aráw-áraw sa áting m~ga capowâ. Ibinulóng ni Basilio ang canyáng m~ga dasál, at nahigâ sa tabí n~g canyáng iná na nananalan~gin n~g paluhód. Nacacaramdam n~g ínit at lamíg; pinagpilitang pumíkit at ang iniisip niyá'y ang canyáng capatîd na bunsô, na nag-aacalang tumulog sana n~g gabíng iyón sa sinapupunan n~g canyáng iná, at n~gayó'y marahil umíiyac at nan~gan~gatal n~g tácot sa isáng súloc n~g convento. Umaalin~gawn~gaw sa canyáng m~ga taín~ga ang m~ga sigáw na iyón, túlad sa pagcárinig niyá n~g siyá'y dóroon pa sa campanario; datapuwa't pinasimulâang pinalábò ang canyáng ísip n~g pagód na naturaleza at nanáog sa canyáng m~ga matá ang "espíritu", n~g panaguimpán. Nakita niyá ang isáng cuartong tulugán, at doo'y may dalawáng candílang may nín~gas. Pinakíkinggán n~g curang madilím ang pagmumukhâ at may hawac na yantóc ang sinasabi sa ibáng wicà n~g sacrístan mayor, na cakilakilabot ang m~ga kílos. Nan~gán~gatal si Crispin, at palin~gaplin~gap ang matáng tumatan~gis sa magcabicabilâ, na párang may hinahanap na táo, ó isáng tagúan. Hinaráp siyá n~g cura at tinatanong siyáng malakí ang gálit at humaguinît ang yantóc. Ang bata'y tumacbó at nagtagò sa licuran n~g sacristan; n~guni't siyá'y tinangnán nitó at inihandâ ang canyáng catawán sa sumusubong gálit n~g cura; ang caawaawang báta'y nagpupumiglás, nagsísicad, sumísigaw, nagpápatinghigâ, gumugulong, tumitindíg, tumatacas, nadudulas, nasusubasob at sinásangga n~g m~ga camáy ang m~ga hampás na sa pagca't nasusugatan ay bigláng itinatagò at umaatun~gal. Nakikita ni Basiliong namimilipit si Crispin, iniháhampas ang úlo sa tabláng yapacán; nakikita niyá at canyáng náririnig na humáhaguinit ang yantóc! Sa lakíng pagn~gan~galit n~g canyáng bunsóng capatíd ay nagtindíg; sirâ ang isip sa dî maulatang pagcacahirap ay dinaluhong ang canyáng m~ga verdugo, at kinagat ang cura sa camáy. Sumigáw ang cura't binitiwan ang yantóc; humawac ang sacristan mayor n~g isáng bastón at pinálò sa úlo si Crispin, natimbuang ang bátà sa pagcatulíg; n~g makita n~g curang siyá'y may sugat ay pinagtatadyacán si Crispin; n~guni't itô'y hindî na nagsásanggalang, hindî na sumísigaw: gumugulong sa tabláng parang isáng bagay na hindî nacacaramdam at nag-iiwan n~g bacas na basâ ... Ang voces ni Sisa ang siyáng sa canyá'y gumísing. --¿Anó ang nangyayari sa iyo? ¿Bakit ca umíiyac? --¡Nanag-ínip acó!... ¡Dios!--ang mariíng sábi ni Basilio at humílig na basâ n~g páwis. Panag-ínip iyón; sabihin pô ninyóng panag-ínip lámang, nánay, iyón; panag-ínip lámang! --¿Anó ang napang-ínip mo? --Hindî sumagót ang bátà. Naupô upang magpáhid n~g lúhà at n~g páwis. Madilím sa loob n~g dampâ. --¡Isáng panag-ínip! ¡isáng panag-ínip!--ang inuulit-úlit ni Basilio sa marahang pananalitâ. --¡Sabihin mo sa akin cung anó ang iyóng pinanag-ínip; hindî acó mácatulog!--ang sinábi n~g iná n~g mulíng mahigâ ang canyáng anác. --Ang napanag-ínip co, nánay,--ani Basilio n~g maráhan--camí raw ay namumulot n~g úhay sa isáng tubigang totoong maraming bulaclác, ang m~ga babae'y may m~ga daláng bacol na punô n~g m~ga úhay ... ang m~ga lalaki'y may m~ga dalá ring bácol na punô n~g úhay ... at ang m~ga bátang lalaki'y gayón din ... ¡Hindî co na natatandâan, nánay; hindî co na natatandâan, nánay, ang m~ga ibá! Hindî na nagpílit n~g pagtatanóng si Sisa; hindî niyá pinápansin ang m~ga panag-ínip. --Nánay, may naisip acó n~gayóng gabíng itó,--ani Basilio pagcaraan n~g iláng sandalíng hindî pag-imíc. --¿Anó ang naisip mo?--ang itinanóng niyá. Palibhasa'y mapagpacababà si Sisa sa lahát n~g bágay, siyá'y nagpapacababà patí sa canyáng m~ga anác; sa acálà niyá mabuti pa ang caniláng pag-iísip cay sa canyá. --¡Hindî co na ibig na magsacristan! --¿Bákit? --Pakinggán pô ninyó, nánay, ang aking náisip. Dumatíng pô ritong galing sa España ang anác na lalaki n~g nasirang si Don Rafael, na inaacalà cong casingbaít din n~g canyáng amá. Ang mabuti pô, nánay, cúnin na ninyó búcas si Crispin, sin~gilín ninyó ang aking sueldo at sabihin ninyóng hindî na acó magsasacristan. Paggalíng co'y pagdaca'y makikipagkita acó cay Don Crisóstomo, at ipakikiusap co sa canyáng acó'y tanggapíng tagapagpastól n~g m~ga vaca ó n~g m~ga calabaw; malakí na namán acó. Macapag-aaral si Crispin sa báhay ni matandáng Tasio, na hindî namamalò at mabaít, cahit ayaw maniwálà ang cura. ¿Maaarì pa bang tayo'y mapapaghírap pa n~g higuít sa calagayan natin? Maniwalà, pô cayó, nánay, mabaít ang matandâ; macáilang nakita co siyá sa simbahan, pagcâ síno ma'y walâ roon; nalúluhod at nananalan~gin, maniwalà pô cayó. Nalalaman na pô ninyó, nánay, hindî na acó magsasacristan: bahagyâ na ang pinakikinabang ¡at ang pinakikinabang pa'y naoowî lámang sa kinamumulta! Gayón din ang idináraing n~g lahát. Magpapastol acó, at cung aking alagaang magalíng ang ipagcacatiwalà sa akin, acó'y calúlugdan n~g may-arì; at marahil ay ipabáyang ating gatásan ang isáng vaca, at n~g macainom tayo n~g gátas; íbig na íbig ni Crispin ang gátas. ¡Síno ang nacacaalam! marahil bigyán pa pô cayó n~g isáng malíit na "guyà," cung makita nilá ang magalíng cong pagtupád; aalagaan nátin ang guya at áting patatabaíng gáya n~g áting inahíng manóc. Man~gun~guha acó n~g m~ga bun~gang cáhoy sa gúbat, at ipagbíbili co sa báyang casama n~g m~ga gúlay sa ating halamanan, at sa ganito'y magcacasalapî táyo. Maglalagay acó n~g m~ga sílò at n~g m~ga balatíc at n~g macahuli n~g m~ga ibon at m~ga alamíd, man~gin~gisdâ acó sa ílog at pagcâ acó'y malakí na'y man~gan~gáso namán acó. Macapan~gan~gahoy namán acó upang maipagbilí ó maialay sa may-árì n~g m~ga vaca, at sa ganyá'y matótowâ sa atin. Pagcâ macapag-aararo na acó'y aking ipakikiusap na acó'y pagcatiwalâan n~g capirasong lúpà at n~g áking matamnan n~g tubó ó mais, at n~g hindî pô cayó manahî hanggang hating gabí. Magcacaroon táyo n~g damít na bágong úcol sa bawa't fiesta, cacain táyo n~g carne at malalakíng isdâ. Samantala'y mamumuhay acóng may calayâan, magkikita táyo sa aráw-áraw at magsasalosalo táyo sa pagcain. At yamang sinasabi ni matandáng Tasiong matalas daw totóo ang úlo ni Crispin, ipadalá natin siyá sa Maynílà at n~g mag-aral; siyá'y paggugugulan n~g bún~ga n~g aking pawis; ¿hindî ba, nánay? --¿Anó ang aking wiwicain cung dî oo?--ang isinagót ni Sisa niyacap ang canyáng anác. Nahiwatigan ni Sisang hindî na ibinibilang n~g anác sa hináharap na panahón, ang canyáng amá, at itó ang nagpatulò n~g m~ga lúhà niyá sa pagtan~gis na dî umíimic. Nagpatuloy si Basilio n~g pagsasaysay n~g canyáng m~ga binabantá sa hináharap na panahón, tagláy iyang ganáp na pag-asa n~g cabataang waláng nakikita cung dî ang hinahan~gad. Walang sinasabi si Sisa cung dî "oo" sa lahát, sa canyáng acala'y ang lahát ay magalíng. Untiunting nanaog ang pagcáhimbing sa pagál na m~ga bubông n~g matá n~g bátà, at n~gayo'y binucsán n~g Ole-Lukoie, na sinasabi ni Anderson, at isinucob sa ibabaw niyá ang magandáng payong na puspós n~g masasayáng pintura. Ang acálà niyá'y siya'y pastol n~g casama n~g canyáng bunsóng capatíd; nan~gun~guha silá n~g bayabas, n~g alpáy at n~g ibá pang m~ga paroparó sa calicsihán; pumapasoc silá sa m~ga yun~gíb at nakikita niláng numiningning ang m~ga pader; naliligò silà sa m~ga bucál, at ang m~ga buhán~gin ay alabóc na guintô at ang m~ga bato'y túlad sa m~ga bató n~g corona n~g Vírgen. Silá'y inaawitan n~g m~ga maliliit na isdâ at nan~gagtatawanan; iniyuyucayoc sa canila n~g m~ga cahoy ang canilang m~ga san~gang humihitic sa m~ga salapî at sa m~ga bún~ga. Nakita niya n~g matapos ang isang campanang nacabitin sa isang cahoy, at isang mahabang lubid upang tugtuguin: sa lubid ay may nacataling isang vaca, na may isang púgad sa guitnâ n~g dalawang sun~gay, at si Crispin ay nasa loob n~g campanà at iba pa. At nagpatuloy sa gayóng pananaguinip. N~guni't ang inang hindî gaya niyang musmós at hindî nagtatacbó sa loob n~g isang horas ay hindî tumutulog. =XVIII.= =MGA CALOLOWANG NAGHIHIRAP= Magcacaroon na n~g icapitong horas n~g umaga n~g matapos ni Fr. Salví ang canyang catapusáng misa: guinawà niyá ang tatlóng misa sa loob n~g isáng oras. --May sakít ang párì--anang madadasaling m~ga babae; hindî gaya n~g dating mainam at mahinhín ang canyáng kílos. Naghubad n~g canyáng m~ga suot na di umíimic, hindî tumitin~gin sa canino man, hindî bumabatì n~g cahi't anó. --¡Mag-in~gat!--anáng bulungbulun~gan n~g m~ga sacristan;--¡lumulúbhâ ang samâ n~g úlo! ¡Uulan ang m~ga multa, at ang lahát n~g ito'y pawang casalanan n~g dalawáng magcapatíd! Umalís ang cura sa sacristía upang tumun~go sa convento; sa sílong nitó'y nan~gacaupô sa bangcô ang pitó ó walóng m~ga babae at isáng lalaking nagpapalacadlacad n~g paroo't parito. Nang makita niláng dumarating ang cura ay nan~gagtindigan; nagpauna sa pagsalubong ang isáng babae upang hagcán ang canyang camáy; n~guni't gumamit ang cura n~g isáng anyóng cayamután, caya't napahintô ang babae sa calaguitnaan n~g canyáng paglacad. --¿Nawalan yatà n~g sicapat si Curiput?--ang mariíng sabi n~g babae sa salitáng patuyâ, na nasactán sa gayóng pagcá tanggáp. ¡Huwag pahagcán sa canyá ang cama'y, sa gayóng siyá'y celadora n~g "Hermandad", gayóng siya'y si Hermana Rufa! Napacalabis namang totóo ang gayóng gawâ. --¡Hindî umupô n~gayóng umaga sa confesonario!--ang idinugtóng ni Hermana Sípa, isáng matandáng babaeng walâ n~g n~gipin;--ibig co sanang man~gumpisal at n~g macapakinabang at n~g magcamit n~g n~ga "indulgencia". --Cung gayo'y kinahahabagan co cayó!--ang sagót n~g isang babaeng batà pa't ma'y pagmumukhang tan~ga; nagcamít acó n~gayóng umaga n~g tatlóng indulgencia plenaria na aking ipinatungcól sa calolowa n~g aking asawa. --¡Masamang gawâ, hermana Juana!--ang sabì n~g nasactán ang loob na si Rufa.--Sucat na ang isang indulgencia plenaria upang mahan~gò siya sa Purgatorìo; hindî dapat ninyóng sayan~gin ang m~ga santa indulgencia; tumúlad cayó sa akin. --¡Lalong magalíng ang lalong marami: ang sabi co!--ang sagót n~g waláng málay na si hermana Juana, casabáy ang n~gitî. Hindî agád sumagót si hermana Rufa: nanghin~gî muna n~g isáng hitsó, n~ginán~gà, minasdán ang nagcacabilog na sa canyá'y nakikinig n~g dî cawasà, lumurâ sa isáng tabí, at nagpasimulâ, samantalang n~gumán~gatâ n~g tabaco: --¡Hindî co sinasayang cahi't isáng santong araw! Nagcamít na acó, búhat n~g acó'y mapanig sa Hermandad, n~g apat na raa't limampo't pitóng m~ga indulgencia plenaria, pitóng daá't anim na pong libo, limáng daa't siyám na po't walóng taóng m~ga indulgencia. Aking itinátalâ ang lahát n~g aking m~ga kinácamtan, sa pagca't ang ibig co'y malinis na salitaan; ayaw acóng mangdáyà, at hindî co rin ibig na acó'y dayâin. Tumiguil n~g pananalitâ si Rufa at ipinatuloy ang pagn~guyâ; minámasdan siyá, n~g boong pagtatacá n~g m~ga babae; n~guni't humintô sa pagpaparoo't parito ang lalaki, at nagsalitâ cay Rufa n~g may anyóng pagpapawalang halagá. --Datapuwa't nacahiguít acó sa inyó, hermana Rufa, n~g taóng itó lamang sa m~ga kinamtan co, n~g apat na indulgencia plenaria at sangdaang taón pa; gayóng hindî lubhang nagdárasal acó n~g taóng itó. --¿Higuít cay sa ákin? ¿Mahiguít na anim na raa't walompo't siyám na plenaria, siyám na raa't siyám na po't apat na libo walóng daa't limampo't ánim na taón?--ang ulit ni hermana Rufang wari'y masamâ n~g cauntî ang loob. --Gayón n~gâ, walóng plenaria at sangdaa't labing limáng taón ang aking cahiguitán, at itó'y sa íilang buwán lamang--ang inulit n~g lalaking sa líig ay may sabit na m~ga escapulario at m~ga cuintas na punô n~g libág. --¡Hindî dapat pagtakhan--ani Rufang napatalo na;--cayó pô ang maestro at ang púnò sa lalawigan! N~gumin~gitî ang lalaking lumakí ang loob. --Hindî n~gâ dapat ipagtacáng acó'y macahiguít sa inyó n~g pagcacamit; halos masasabi cong cahi't natutulog ay nagcácamit acó n~g m~ga índulgencia. --¿At anó pô bâ ang guinágawâ ninyó sa m~ga indulgenciang iyán?--ang tanóng na sabáysabáy n~g apat ó limáng voces. --¡Psh!--ang sagót n~g lalaking umanyô n~g labis na pagpapawalang halagá;--aking isinasabog sa magcabicabilà! --¡Datapuwa't sa bágay n~gang iyán hindî co mangyayaring cayó'y puríhin, mâestro--ang itinutol ni Rufa,--¡Cayó'y pasasa Purgatorio, dahil sa inyóng pagsasayáng n~g m~ga indulgencia. Nalalaman na pô ninyóng pinagdurusahan n~g apat na pong áraw sa apóy ang bawa't isáng salitáng waláng cabuluhán, ayon sa cura; ánim na pong áraw sa bawa't isáng dangcal na sinulid; dalawampo, bawa't isáng patác na tubig. ¡Cayó'y pasasa Purgatorio! --¡Malalaman co na cung paano ang paglabás co roôn!--ang sagót ni hermano Pedro, tagláy ang dakilang pananampalataya.--Lubháng marami ang m~ga cálolowang hinán~gò co sa apóy! ¡Lubháng marami ang guinawâ cong m~ga santo! At bucód sa rito'y "in articulo mortis" (sa horas n~g camatayan) ay macapagcácamit pa acó, cung aking ibiguìn, n~g pitóng m~ga "plenaria", ¡at naghihín~galô na'y macapagliligtas pa acó sa m~ga ibá! At pagcasalitâ n~g gayó'y lumayóng tagláy ang malakíng pagmamataas. --Gayón ma'y dapat ninyóng gawín ang catulad n~g aking gawâ, na dî acó nagsásayang cahit isáng áraw, at magalíng na bilang ang aking guinágawâ. Hindî co ibig ang magdayâ, at áyaw namán acóng marayà nino man. --¿At paano pô, bâ ang gawâ ninyó?--ang tanóng ni Juana. --Dapat n~gâ pô ninyóng tularan ang guinágawâ co. Sa halimbawà: ipalagáy pô ninyóng nagcamít acó n~g isáng taóng m~ga indulgencia: itinatalâ co sa aking cuaderno at aking sinasabi:--"Maluwalhating Amáng Poong Santo Domingo, pakitingnán pô ninyó cung sa Purgatorio'y may nagcacailan~gan n~g isáng taóng ganáp na waláng labis culang cahi't isáng áraw."--Naglálarô acó n~g "cara-y-cruz;" cung lumabás na "cara" ay walâ; mayroon cung lumabás na "cruz." N~gayó'y ipalagáy nating lumabás n~g "cruz", pagcágayo'y isinusulat co: "násin~gil na;" ¿lumabás na "cara"? pagcágayó'y iniin~gatan co ang indulgencia, at sa ganitóng paraa'y pinagbubucodbucod co n~g tigsasangdaaag taóng itinátalâ cong magalíng. Sayang na sayang at hindî magawâ sa m~ga indulgencia ang cawan~gis n~g guinágawâ sa salapî: ibibigay cong patubuan: macapagliligtas n~g lalong maraming m~ga cálolowa. Maniwálà cayó sa akin, gawín ninyó ang áking guinágawâ. --¡Cung gayó'y lalong magalíng ang áking guinágawâ!--ang sagót ni hermana Sípa. --¿Anó? ¿Lálong magalíng?--ang tanóng ni Rufang nagtátaca.--¡Hindî mangyayari! ¡Sa guinágawâ co'y walâ n~g gágaling pa! --¡Makiníg pô cayóng sandalî at paniniwalâan ninyó ang áking sábi, hermana!--ang sagót ni hermana Sípang matabáng ang pananalitâ. --¡Tingnán! ¡tingnán! ¡pakinggán natin!--ang sinabi n~g m~ga ibá. Pagcatapos na macaubó n~g boong pagpapahalaga'y nagsalitâ ang matandáng babae n~g ganitóng anyô: --Magalíng na totoo ang inyóng pagcatalastas, na cung dasalín ang "Bendita-sea tu Pureza," at ang "Señor-mio Jesu cristo,--Padre dulcísimo-por el gozo," nagcacamit n~g sampóng taóng indulgencia sa bawa't letra.. --¡Dálawampo!--¡Hindî!--¡Cúlang!--¡Lima!--ang sabi n~g iláng m~ga voces. --¡Hindî cailan~gan ang lumabis ó cumulang n~g isá! N~gayón: pagca nacababasag ang aking isáng alilang lalaki ó isáng alilang babae n~g isáng pinggán, váso ó taza, at ibá pa, ipinapupulot co ang lahát n~g m~ga piraso, at sa bawa't isá, cahi't sa lalong caliitliitan, pinapagdárasal co siyá n~g "Bendita-sea-tu-Pureza" at n~g "Señor-mio-Jesu cristo Padre dulcísimo por el gozo", at ipinatútungcol co sa m~ga cálolowa ang m~ga indulgenciang kinácamtan co. Nalalaman n~g lahát n~g taga báhay co ang bagay na itó, tán~gì lamang na hindî ang m~ga púsà. --N~guni't ang m~ga alilang babae ang siyáng nagcácamit n~g m~ga indulgenciang iyán, at hindî cayó, Hermana Sipa--ang itinutol ni Rufa. --At ¿sínong magbabayad n~g aking m~ga taza at n~g aking m~ga pinggan? Natótowa ang m~ga alilang babae sa gayóng paraang pagbabayad, at acó'y gayón din; silá'y hindî co pinapálò; tinutuctucan co lamang ó kinúcurot.... --¡Gagayahin co!--¡Gayón din ang aking gágawin!--¡At acó man!--ang sabihan n~g m~ga babae. --Datapuwa't ¿cung ang pinggán ay nagcacádalawa ó nagcácatatatlong piraso lamang? ¡Cacauntî ang inyóng cácamtan!--ang ipinaunawà pa n~g maulit na si Rufa. --Itulot pô ninyóng ipagtanóng co sa inyó ang isáng pinag-aalinlan~ganan co--ang sinabi n~g totoong cakimîan n~g bátà pang si Juana.--Cayó pô m~ga guinoong babae ang nacacaalam na magalíng n~g m~ga bagay na itóng tungcól sa Lan~git, Purgatorio at Infierno,.... ipinahahayag cong acó'y mangmang. --Sabihin ninyó. --Madalás na aking nakikita sa m~ga pagsisiyám (novena) at sa m~ga ibá pang m~ga libro ang ganitong m~ga bilin: "Tatlóng amánamin, tatlóng Abáguinoong Maria at tatlóng Gloria patri.." --¿At n~gayón?.... --At n~gayó'y ibig cong maalaman cung paano ang gágawing pagdarasal: ¿Ó tatlóng Amanaming sunôd-sunód, tatlóng Abaguinoong Mariang sunôd-sunód; ó macaatlóng isáng Amanamin, isáng Abaguinoong María at isáng Gloria Patri? --Gayó n~gâ ang marapat, macaitlóng isáng Amanamin.... --¡Ipatawad ninyó, hermana Sípa!--ang isinalabat ni Rufa: dapat dasaling gaya n~g ganitóng paraan: hindî dapat ilahóc ang m~ga lalaki sa m~ga babae: ang m~ga Amanamin ay m~ga lalaki, m~ga babae ang m~ga Abaguinoong María, at ang m~ga Gloria ang m~ga anác. --¡Ee! ipatawad ninyó, hermana Rufa; Amanamin, Abaguinoong-María at Glorìa ay catulad n~g canin, ulam at patís, isáng súbò sa m~ga santo ... --¡Nagcácamalî cayó! ¡Tingnán na pô lamang ninyó, cayóng nágdárasal n~g paganyán ay hindî nasusunduan cailán man ang inyóng hiníhin~gî! --¡At cayóng nagdárasal n~g paganyá'y hindî cayó nacacacuha n~g anó man sa inyóng m~ga pagsisiyám!--ang mulíng isinagót n~g matandáng Sípa. --¿Sino?--ang wicà ni Rufang tumindíg--hindî pa nalalaong nawalan acó n~g isáng bíic, nagdasál acó cay San Antonio ay aking nakita, at sa catunaya'y naipagbilí co sa halagang magalíng, ¡abá! --¿Siya n~ga ba? ¡Cayâ palá sinasabi n~g inyóng capit-bahay na babaeng inyó raw ipinagbilí ang isang bíic niya! --¿Sino? ¡Ang waláng hiyâ! ¿Acó ba'y gaya ninyó ...? Nacailan~gang mamaguitnâ ang maestro upang silá'y payapain: sino ma'y walâ n~g nacágunitâ n~g m~ga Amanamin, walang pinag-uusapan cung dî m~ga baboy na lamang. --¡Aba! ¡aba! ¡Huwág cayong mag-away dahil sa isáng bíic lamang! Binibigyan tayo n~g m~ga Santong Casulatan n~g halimbáwà; hindî kinagalitan n~g m~ga hereje at n~g m~ga protestante ang ating Pan~ginoong Jesucristo na nagtapon sa tubig n~g isáng càwang m~ga baboy na caniláng pag-aarì, at tayong m~ga binyagan, at bucod sa roo'y m~ga hermano n~g Santísimo Rosario pa, ¿táyo'y man~gag-aaway dahil sa isáng bíic lamang? ¿Anóng sasabihin sa atin n~g ating m~ga capan~gagaw na m~ga hermano tercero? Hindî nan~gagsi-imîc ang lahat n~g m~ga babae at canilang tinátakhan ang malalím na carunun~gan n~g maestro, at caniláng pinan~gan~ganiban ang masasabi n~g m~ga hermano tercero. Násiyahan ang maestro sa gayóng pagsunód, nagbágo n~g anyô n~g pananalitâ, at nagpatuloy: --Hindî malalao't ipatatawag tayo n~g cura. Kinacailan~gang sabihin natin sa canya cung sino ang íbig nating magsermon sa tatlong sinabi niyá sa atin cahapon: ó si párì Dámaso, ó si párì Martin ó cung ang coadjutor. Hindî co maalaman cung humírang na ang m~ga tercero; kinacailan~gang magpasiyá. --Ang coadjutor--ang ibinulong ni Juanang kimingkimî. --¡Hm! ¡Hindî marunong magsermón ang coadjutor!--ang wíca ni Sipa;--mabuti pa si párì Martin. --¿Si párì Martin?--ang maríing tanong n~g isang babae, na anyóng nagpápawaláng halagâ;--siyá'y waláng voces; mabuti si párì Dámaso. --¡Iyán, iyan n~gâ!--ang saysáy ni Rufa.--¡Si párì Dámaso ang tunay na marunong magsermon, catulad siya n~g isang comediante; iyan! --¡Datapuwa't hindî natin maunáwà ang canyáng sinasabi!--ang ibinulong ni Juana. --¡Sa pagcá't totoong malalim! n~guni't magsermon na lamang siyang magaling.... Nang gayó'y siyáng pagdatíng ni Sisang may sunong na bacol, nag-magandang araw sa m~ga babae at pumanhíc sa hagdanan. --¡Pumápanhic iyón! ¡pumanhíc namán tàyo!--ang sinabi nilá. Náraramdaman ni Sisang tumítiboc n~g bóong lacás ang canyáng púsò, samantalang pumapanhíc siyá sa hagdanan; hindî pa niyá nalalaman cung anó ang canyáng sasabihin sa párì upang mapahupâ ang galit, at cung anó ang m~ga catuwirang canyáng isasaysay upang maipagsanggaláng ang canyáng anác. Nang umagang iyon, pagsilang n~g m~ga unang sínag n~g liwáywáy, nanaog siya sa canyáng halamanan upang putihin ang lalong magagandáng gúlay, na canyáng inilagay sa canyang bacúlang sinapnan n~g dáhong ságuing at m~ga bulaclac. Nan~guha siyá sa tabíng ilog n~g pacô, na talastas niyang naiibigan n~g curang cáning ensalada. Nagbihis n~g lalong magagalíng niyáng damít, sinunong ang bacol at napasabayang hindî guinising muna ang canyang anác. Nagpapacarahan siyá n~g boong cáya upang huwag umin~gay, untî-unting siyá'y pumanhíc, at nakikinig siya n~g mainam at nagbabacâ-sacaling marinig niyá ang isáng voces na kilalá, voces na sariwà voces batà. N~guni't hindî niyá nárinig ang sino man at sino ma'y hindî niyá nasumpungán, caya't napatun~go siya sa cocínà. Diya'y minasdán niyá ang lahát n~g m~ga súloc; malamíg ang pagcacátanggap sa canyá n~g m~ga alilà at n~g m~ga sacritan. Bahagyâ na siyá sinagot sa báti niyá sa canilá. --¿Saan co mailálagay ang m~ga gúlay na itó?--ang itinanóng na hindî nagpakita n~g hinanakit. --¡Diyán..! sa alin mang lugar.--ang sagot n~g "cocinero", na bahagyá na sinulyáp ang m~ga gúlay na iyón, na ang canyáng guinágawa ang siyáng totoong pinakikialaman: siya'y naghihimulmol n~g isáng capón. Isinalansáng mahusay ni Sisa sa ibabaw n~g mesa ang m~ga talòng, ang m~ga "amargoso", ang m~ga patola, ang zarzalida at ang m~ga múrang múrang m~ga talbós n~g pacô. Pagcatápos ay inilagáy ang m~ga bulaclác sa ibabaw, n~gumitî n~g bahagyâ at tumanóng sa isáng alílà, na sa tingín niya'y lalong magalíng causapin cay sa cocinero. --¿Maaarì bang macausap co ang párì? --May sakít--ang sagót na marahan n~g alílà. --At ¿si Crispin? Nalalaman pô bâ ninyo cung na sa sacristía. Tiningnán siyá n~g alílang nagtátaca. --¿Si Crispin?--ang tanóng na pinapagcunót ang m~ga kílay.--¿Walâ ba sa inyóng bahay? ¿Ibig ba ninyóng itangguí? --Nasabáhay si Basilio, n~guni't nátira rito si Crispin--ang itinútol ni Sisa;--ibig co siyáng makita.... --¡Abá!--anáng alílà;--nátira n~gâ rito; n~guni't pagcatapos ... pagcatapos ay nagtanan, pagcapagnacaw n~g maraming bagay. Pinaparoon acó n~g cura sa cuartel pagca umagang umaga n~gayón, upang ipagbigáy sabi sa Guardia Civil. Marahil silá'y naparoon na sa inyóng bahay upang hanapin ang m~ga bátà. ¡Tinacpán ni Sisa ang m~ga tain~ga, binucsán ang bibíg, n~guni't nawalang cabuluhán ang paggaláw n~g canyáng m~ga lábì: waláng lumabás na anó mang tíni! --¡Tingnán na n~gâ ninyó ang inyóng m~ga anác!--ang idinugtóng n~g cocinero. ¡Napagkikilalang cayó'y mápagtapat na asawa; nagsilabás ang m~ga anác na gaya rin n~g caniláng amá! ¡At mag-in~gat cayó't ang maliit ay lálampas pa sa amá! Nanambitan si Sisa n~g boong capaitan, at nagpacáupô sa isáng bangcô. --¡Howág cayóng manán~gis dito!--ang isinigáw sa canyá n~g cocinero:--¿hindî ba ninyó alám na may sakít ang párì? Doon cayó manan~gis sa lansan~gan. Nanaog sa hagdanan ang abang babaeng halos ipinagtutulacan, samantalang nagbubulungbulun~gan ang m~ga "manang" at pinagbabalacbalac nilá ang tungcól sa sakit n~g cura. Tinacpán n~g panyô n~g culang pálad na iná ang canyáng mukhâ at piniguil ang pag-iyác. Pagdatíng niyá sa dâan, sa pag-aalinlan~ga'y nagpalín~gaplín~gap sa magcabicabilà; pagcatapos, tîla mandin may pinacsâ na siyáng gágawin, cayá't matulin siyáng lumayô. =XIX.= =MGA KINASAPITAN NG ISANG MAESTRO SA ESCUELA= _Caraniwang tao'y haling ang isípan at sa pagca't silá'y nagbabayad mandin, carampatang silá'y pag-salitang han~gál n~g upang matowa sa ga-yóng pagbágay._ (Lope de Vega.) Natutulog n~g tahímic, na tagláy iyáng pagpapaimbabaw n~g m~ga elemento[252], ang dagatang nalilibot n~g canyang m~ga cabunducan, na anó pa't tila mandin hindî siyá nakialam sa malacás na unós n~g gabíng nagdâan. Sa m~ga únang sínag n~g liwánag na pumupucaw sa túbig nang m~ga nagkintábkintáb na m~ga lamáng-dágat, naaaninagnagán sa maláyò, hálos sa wacás n~g abót n~g tanáw, ang abó-abóng m~ga aníno: yaó'y ang m~ga bangcâ n~g m~ga mán~gin~gisdang naglíligpit n~g caniláng lambát; m~ga cascó at m~ga paráw na nan~gagláladlad n~g caniláng m~ga láyag. Pinagmámasdan ang túbig n~g dalawáng táong capuwà páwang lucsâ, ang pananamít mulâ sa isáng mataas na kinálalagyan: si Ibarra ang isá sa canilá, at ang isá'y isáng binatang mápagpacumbabâ ang anyô at mapanglaw ang pagmumukhâ. --¡Dito n~gâ--ang sabi nitóng hulí--dito iniabsáng ang bangcáy n~g inyóng amá. Dito camí n~g teniente Guevara at acó ipinagsama n~g tagapaglibíng! Pinisíl ni Ibarra n~g boong pag-íbig ang camáy n~g binátà. --¡Walâ pô cayóng súcat kilanlín sa áking útang na lóob!--ang mulíng sinabi nitó.--Marámi pong totoo ang utang na lóob co sa inyóng amá, at ang tan~ging guinawâ co'y ang makipaglibíng sa canyá. Acó'y naparitong walâ acóng cakilala síno man, waláng tagláy na anó mang súlat upang may magtangkílic sa ákin, salát sa carapatán, waláng cayamanang gaya rin n~gayón. Iníwan n~g áking hinalinhán ang escuela upang maghánap búhay sa pagbibilí n~g tabaco--Inampón acó n~g inyóng amá, inihanap acó n~g isáng báhay at binigyán acó n~g lahát cong kinacailan~gan sa icasusulong n~g pagtutúrò; siyá'y napapasa escuela at namamahagui sa m~ga bátang mahihírap at mapagsakit sa pag-aaral n~g iláng m~ga cuadro; silá'y biníbigyan niyá n~g m~ga libro't m~ga papel. Datapuwa't itó'y hindî naláon, cawán~gis din n~g lahát n~g bágay na magalíng! Nagpugay si Ibarra't anaki'y nanalan~ging mahabang horas. Hinaráp pagcatapos ang canyáng casama at sa canya'y sinabi: --Sinasabi pô ninyóng sinasaclolohan n~g aking amá ang m~ga batang dukhâ, at ¿n~gayón pô? --N~gayó'y guinagawâ nilá ang boong cáya, at sumusulat silá cailán man at macasusulat,--ang isinagót n~g binatà. --At ang dahil? --Ang dahil ay ang caniláng gulanít na m~ga bárò at nan~gahihiyang m~ga matá. Hindî umimíc si Ibarra. --¿Ilán bâ ang inyóng m~ga batang tinuturuan n~gayón?--ang tanóng na wari'y may han~gád na macatalós. --¡Mahiguít pong dalawáng dâan sa talâan, at dalawampò at limá ang pumapasoc! --¿Bákit nagcacáganyan? Mapangláw na n~gumitî ang maestro sa escuela. Cung sabíhin co po sa inyó ang m~ga cadahilana'y cailan~gang magsalitâ acó n~g isáng mahábà at nacayáyamot na casaysayan--ang sinabí niyá. --Huwág po ninyóng ipalagay na ang tanóng co'y dahil sa isang han~gad na walang catuturán--ang muling sinabi ni Ibarra n~g boong cataimtiman, na canyáng minámasdan ang maláyong abot n~g tanâw.--Lálong mabuti ang aking mapaglining, at sa acala co'y cung áking ipatúloy ang láyon n~g aking amá ay lalong magalíng cay sa siyá'y tan~gisan, lálò pa mandin cay sa siya'y ipanghigantí. Ang libin~gan niya'y ang mahál na Naturaleza, at ang bayan at isáng sacerdote ang siyáng canyáng m~ga caaway: pinatatawad co ang bayan sa canyáng camangman~gán, at iguinagalang co ang sacerdote dahil sa canyáng catungculan at sa pagcá't ibig cong igálang ang Religióng siyáng nagturò sa m~ga namamayan. Ibig cong gawíng patnubay ang panucalà n~g sa aki'y nagbigáy búhay, at dáhil dito'y ibig co sánang maunáwà ang m~ga nacaháhadlang dito sa pagtutúrò. [Larawan:--At cayóng nacacakita n~g casam-an, ¿anó't hindî ninyo pinag-isip na bigyang cagamutan?--Imp. de M Fernandez, Paz 447, Sta. Cruz.] --Pacapupurihin at dî po cayó calilimutan n~g bayan cung inyóng papangyarihin ang magagandang m~ga panucálà n~g inyóng nasírang amá!--anáng maestro.--¿Ibig pô bâ ninyóng mapagkilála cung anó ang m~ga hadláng na natatalisod n~g pagtutúrò? Cung gayó'y tantuin ninyóng cailan ma'y hindî mangyayari ang pagtuturong iyán sa m~ga calagayan n~gayón cung waláng isáng macapangyarihang túlong; unauna'y cahi't magcaroon, itó'y sinisira n~g caculan~gán n~g m~ga sucat na magamit at n~g maraming panírang malíng caisipan. Sinasabing sa Alemania'y nag-aaral daw sa escuela n~g bayan sa loob n~g walóng taón ang anác n~g tagabúkid; ¿sino ang macacaibig ditong gumámit n~g calahatì man lamang n~g panahông iyán sa gayóng lubháng bábahagyâ ang inaaning m~ga bún~ga? Nan~gagsisibasa, nan~gagsisisulat at caniláng isinasaulo ang malalakíng bahagui at n~g madalás pang isinasaulo ang m~ga boong librong wícang castílà, na hindî nawawatasan ang isá man lamang salitâ n~g m~ga librong iyón? ¿anó ang pinakikinabang sa escuela n~g anác n~g ating m~ga tagabúkid? --At cayóng nacacakita n~g casam-an, ¿anó't hindî ninyó pinag-ísip na bigyáng cagamutan? --¡Ay!--ang isinagót na iguinágalaw n~g boong calungcutan ang úlo:--hindî lámang nakikibunô ang isáng abáng maestro sa m~ga malíng caisipán, cung dî namán sa m~ga tan~ging lakás na macapangyarihan. Ang unang kinacailan~ga'y magcaroón n~g escuelahan, isáng báhay, at hindî gáya n~gayóng doón acó nagtutúrò sa tabí n~g coche n~g párì cura, sa sílong n~g convento. Doo'y ang m~ga bátang talagáng maibiguíng bumasa n~g malacás, nacaliligalig n~ga namán sa párì, na cung minsa'y nananaog na may daláng gálit, lalonglálò na cung sumásakit ang úlo, sinísigawan ang m~ga bátà at madalás na acó'y linalait. Inyóng natatalastas na sa ganyá'y hindî maaaring macapagtúrò at macapag-áral; hindî iguinagalang n~g bátà ang maestro, mulâ sa sandalíng nakikitang linalapastan~gan at hindî siyá pinagbíbigyang catuwiran. Upang pakinggán ang maestro, n~g hindî pag-alinlan~ganan ang canyáng capangyarihan, nagcacailan~gang siyá'y caaláng-alan~gánan, magcaroón n~g dan~gal, magtagláy n~g lacás dahil sa pagpipitagan sa canyá, magcaroon n~g calayâang tán~gì, at ipahintulot pô ninyóng sa inyó'y ipahayag ang m~ga malulungcót na nangyayari. Inacálà cong magbagong palácad ay acó'y pinagtawanán. Upang mabigyáng cagamutan ang casamâang sa inyó'y sinasabi co, aking minagalíng na magtúrò n~g wícang castílà sa m~ga bátà, sa pagca't bucód sa ipinag-uutos n~g Gobierno, inacálà co namáng itó'y isáng cagalin~gan n~g lahát. Guinamit co ang paraang lalong magaang, na m~ga salitâ at m~ga pan~gálan, na anó pa't hindî co isinangcap ang m~ga dakílang palatuntunan, at ang talagá co'y sacâ co na itúrò ang "gramática", pagca nacauunawà na silá n~g wícang castílà. Nang macaraan ang iláng linggo'y halos nawawatasan na acó n~g lalong matatalas ang ísip at silá'y nacapag-uugnay-ugnay na n~g iláng m~ga salitâ. Humintô ang maestro at tila nag-aalinlan~gan; pagcatapos, tila mandin minagaling niyá ang sabihing lahat, caya't nagpatuloy: --Hindî co dapat icahiyâ ang pagsasaysay n~g m~ga caapiháng aking tinítiis, sino mang málagay sa kinálalagyan co'y gayón din maráhil ang uugalîin. Ayon sa sinábi co, ang pasimula'y magalíng; datapowa't n~g macaráan ang iláng áraw, ipinatawag acó sa sacristan mayor ni pári Dámaso, na siyáng cura n~g panahóng iyón. Palibhasa'y talastas co ang canyáng ásal at nan~gan~ganib acóng siyá'y papaghintáy-hintayin, pagdaca'y nanhíc acó at nagbìgay sa canyá n~g magandáng áraw sa wicang castílà. Ang cura, na ang boong pinacabatì ay ang paglalahad sa akin n~g camáy upang áking hagcán, pagdaca'y iniurong itó at hindî acó sinagót, at ang guinawa'y ang magpasimulâ n~g paghalakhác n~g halakhac-libác. Nápatan~ga acó; náhaharap ang sacristan mayor. Sa sandaling iyó'y walâ acóng maalamang sabihin; natigagal acó n~g pagtitig sa canyá; datapuwa't siyá'y nagpatúloy n~g pagtatawá. Aco'y nayáyamot na, at nakikinikinita cong acó'y macagagawâ n~g isáng dî marapat; sa pagca't hindî n~gâ nangagcacalaban ang maguing mabuting cristiano at ang matutong magmahál n~g sariling caran~galan. Tatanun~gin co na sána siyá, n~g di caguinsaguinsa'y inihalíli sa táwa ang pag-alimura, at nagsabi sa ákin n~g patuyâ:--"Buenos dias palá, ha? ¡buenos dias! ¡nacacatawá ca! ¡marunong ca n~g magwicang castílà palá!"--At ipinatuloy ang canyáng pagtatawa. Hindî napiguil ni Ibarra ang isáng n~gitî. --Cayô po'y nagtátawa--ang mulíng sinabi n~g maestro na nagtátawa rin namán:--ang masasabi co pô sa inyó'y hindî acó macatawa n~g mangyari sa akin ang bagay na iyón. Nacatindíg acó; náramdaman cong umaacyát sa aking úlo ang dugô at isáng kidlát ang nagpapadilím sa aking ísip. Nakita cong maláyò ang cura, totoong maláyò; lumapit aco't upang tumútol sa canyá, na dî co maalaman cung anó ang sa canyá'y aking sasabihin. Namaguitnâ ang sacristan mayor, nagtinig ang cura at sinabi sa akin sa wícang tagalog na nagagalit:--"Howág mong paggamitan acó n~g hirám na m~ga damít; magcásiya ca na lámang sa pagsasalitâ n~g iyóng sariling wícà, at howág mong sirâin ang wícang castilang hìndî ucol sa inyó. ¿Nakikilala mo bâ si maestrong Ciruela? Unawain mong si Ciruela'y isáng maestrong hindî marunong bumasa'y naglalagay n~g escuelahan."--Inacalà cong siyá'y piguilin, n~guni't nasoc siyá sa canyáng cuarto at biglang isinará n~g boong lacas ang pintô. ¿Anó ang aking magágawâ acóng bahagyâ na magcásiya sa ákin ang áking sueldo, na upang másin~gil co ang sueldong itó'y aking kinacailan~gan ang "visto bueno" n~g cura at maglacbay acó sa "cabecera" (pan~gúlong báyan) n~g lalawigan; anó ang magágawâ cong laban sa canyá, na siyang pan~gulong púnò n~g calolowa, n~g pamamayan at n~g pamumuhay sa isáng báyan, linálampihan n~g canyáng capisanan, kinatatacutan n~g Gobierno, mayaman, macapangyarihan, pinagtatanun~gan, pinakikinggan, pinaniniwalâan at linilin~gap n~g lahát? Cung inaalimura acó'y dapat acóng howág umimíc; cung tumutol aco'y palalayasin acó sa áking pinaghahanapang-búhay at magpacailan ma'y mawawalâ na sa akin ang catungculan co, datapuwa't hindî dahil sa pagcacágayón co'y mápapacagaling ang pagtúturò, cung dî baligtád, makikicampí ang lahát sa cura, caririmariman acó at acó'y tatawaguing hambóg, palálò, mápagmataas, masamáng cristiano, masamâ, ang túrò n~g magúlang, at cung magcabihirà pa'y sasabihing caaway acó n~g castilà at "filibustero." Hindî hinahanap sa maestro sa escuela ang marunong at masípag magtúrò; ang hiníhin~gî lámang sa canyá'y ang matutong magtiís, magpacaalimura, huwág cumilos, at, ¡patawárin nawâ, acó n~g Dios cung aking itinacuíl ang aking "conciencia" at pag-iísip! datapuwa't ipinan~ganác acó sa lupaíng itó, kinacailan~gan cong mabuhay, may isáng iná acó, caya't nakikisang-ayon na lámang acó sa aking capalaran, túlad sa bangcáy na kinácaladcad n~g álon. --¿At dahil po bâ sa hadláng na itó'y nanglupaypáy na cayó magpacailan man? --¡Cung acó n~ga disin ay nagpacadalâ!--ang isinagót;--¡hanggang doon na lamang sána sa m~ga nangyaring iyón ang dinating cong m~ga casaliwàang palad! Túnay n~ga't mulâ, niyaó'y totoong kinasusutan co na ang aking catungculan; nag-isip acóng cumita n~g ibáng hánap-búhay na gáya n~g aking hinalinhán, sa pagca't isáng pahírap ang gawâ, pagcâ guináganap n~g masamâ sa loob at nacapagpapaalaala sa akin ang escuelahan sa aráw-áraw n~g aking pagcaalimúra, na síyáng naguiguing dahil n~g aking pag-lan~gap n~g totoong capaitpaitang m~ga pagpipighatî sa mahahábang horas. N~guni't ¿anó ang aking gágawin? Hindî co mangyaring masabi ang catotohanan sa aking iná; kinacailan~gang cong sabihing nacapagbíbigay ligáya n~gayón sa akin ang canyáng tatlóng taóng m~ga pagpapacahírap upang acó'y magcaroon n~g ganitóng catungculan; kinacailan~gang papaniwalâin co siyáng ang hanap-búhay co'y totoong nacapagbíbigay dan~gál; na ang pagpapacapagod co'y cawiliwíli; nasasabugan n~g m~ga bulaclac ang landás; na waláng naguiguing bun~ga ang aking pagtupad n~g m~ga catungculan cung dî ang pagcacaroon n~g m~ga caibigan; na aco'y iguinagalang n~g bayan at pinupuspos n~g m~ga paglín~gap; sa pagca't cung hindî gayón ang aking gawin, bucod sa acó'y na sa casawíang palad na'y papagdadalamhatîin co pa ang ibá, bágay na bákit walâ na acóng capakinaban~gan ay ipagcacasala co pa. Nananatili n~ga aco sa aking calagayan at hindî co mìnagalíng na acó'y manglupaypáy: binantâ cong makilában sa masamang pálad. Tumíguil na sandali ang maestro, at saca nagpatúloy: --Mulâ n~g aco'y maalimura n~g gayóng pagcágaspang-gaspáng, sinúlit co ang áking sarili, at nakita kong tunay n~gâ namáng nápacahan~gal acó. Pinág-arálan co áraw-gabi ang wicang castílà, at ang lahát n~g m~ga nauucol sa áking catungculan; pinahihiram acó n~g m~ga libro n~g matandáng filósofo, binabasa co ang lahát n~g áking násusumpong, at sinisiyasat co ang lahát n~g áking binabasa. Dáhil sa m~ga bágong caisipáng násunduan co sa isa't isá ay nagbágo ang áking palácad n~g bait, at áking nakita ang maraming bagay na ibá ang anyô cay sa pagcâtin~gin co n~g úna. Nakita cong m~ga camalian ang m~ga dating ang boong acála co'y m~ga catotohanan, at nakita cong pawang m~ga catotohanan ang m~ga ipinalálagay co n~g únang m~ga camalian. Ang m~ga pamamálò, sa halimbawà, na búhat sa caunaunáhang mulá'y siyáng saguísag n~g m~ga escuélahan, at ang ísip co n~g úna'y siyáng tan~ging paráang lálong malacás sa pagcatuto,--binihasa tayo sa ganyáng ang paniniwálà,--aking napagwarì n~g matápos, na dî lámang hindî nacatutulong n~g pagsulong n~g bátà sa pag-aaral, cung dî bagcós pang nacasisirà sa canyá n~g di anó lamang. Napagkilála cong maliwanag na hindî n~gâ mangyayaring macapag-isip cung na sa m~ga mata ang "palmeta" ó ang m~ga pamálò; ang tácot at ang pan~gin~gilabot ay nacagúgulo n~g bait canino man, bucód sa ang panimdim n~g bátà, palibhasa'y lálong guisíng ay lálò namáng madalíng cálimbagan n~g anó man. At sa pagcá't n~g mangyáring malimbag sa úlo ang m~ga caisipán ay kinacailan~gang maghári ang catiwasayan, sa labás hanggáng sa loob, na magcaroon n~g catahimican ang isip, magtamasa n~g capayapaan ang catawán at ang cálolowa at magtaglay n~g masigláng loob, inacála cong ang únang dápat cong gawin ay ang maguing carayámà co ang m~ga bátà, sa macatuwid baga'y huwag nilá acóng catacutan at ipalagáy nilá acóng caibigan, at ang silá'y matutong magmahál sa caniláng saríli. Napagkilala co rin namáng ang caniláng pagcakita sa araw-araw n~g pamamalo'y pumápatay sa caniláng púsò n~g áwà, at pumúpugnaw niyáng nin~gas n~g dan~gal, macapangyaríhang panggaláw n~g daigdig, at nálalakip sa gayón ang pagcawalâ n~g hiyâ, na mahirap n~g totoong mulíng magbalíc. Naliwanagan co rin namang pagcâ napapálo ang isá, nagtátamong caaliwan pagcâ napapalò namán ang m~ga ibá, at n~gumin~gitî sa towâ pagcâ náririn~gig niyá ang canilang pag-iyac; at ang pinapamámalò, bagá ma't masamâ sa loob ang pagsunód sa únang áraw, nabibihása na cung matápos at ikinaliligaya ang cahapishapis niyáng tungculin. Ikinalaguím co ang nagdaang panahón, aking pinagsicapang pagbutihin ang casalucuyan sa pagbabago n~g dating cagagawán. Pinacsâ cong calugdán at cawilihan ang pag-aáral, áking tinícang ang "cartilla'y" huwág málagay na librong maitím na napapaligûan n~g m~ga lúhà n~g camusmusán, cung dî isáng caibigang sa canyá'y mag-uulat n~g caguiláguìlalas na m~ga líhim; na ang escuelaha'y huwág maguíng púgad n~g m~ga capighatîan, cung dî isáng paraisong liban~gan n~g ísip. Untîuntî n~gang inalís co ang m~ga pamamálò, dinalá co sa áking báhay ang m~ga pamálò, at ang inihalíli co'y ang pagbíbigáy unlác sa masisipag mag-áral at n~g caigayahan n~g ibá at ang pagpapakilala n~g canícanílang sariling dan~gál. Cung hindî natututo sa pinag-aaralan, ipinalálagay cong sa caculan~gán n~g pagsusumákit, cailan ma'y hindî co sinasabing dahil sa capurulán n~g ísip; pinapaniniwalà co siláng caniláng tagláy ang lálong masaganang cáya, cay sa tunay na abót n~g caniláng lacás, at ang paniniwalang itóng caniláng pinagsisicapang papagtibayin, ang siyáng sa canilá'y pumipilit na mag-áral, túlad namán sa pagcacatiwálà sa sariling lacás na siyáng nagháhatid sa cabayaníhan. N~g nagpapasimulâ pa lámang acó'y tíla mandín hindî lálabas na magalíng ang áking bágong palácad: marámi ang hindî na nag-áaral; datapowa't ipinatuloy co, at aking námasid na untî-unting sumásaya ang m~ga loob, dumarami ang pumapasoc na m~ga bátà at lálong nagmamálimit, at ang minsang mapuri sa harapán n~g lahát, kinabucasa'y nag-iibayo ang natututuhan. Hindî nalao't cumalat sa bayang hindî acó namamalò; ipinatawag acó n~g cura, at sa pan~gan~ganib cong bacâ mangyari na namán ang gaya n~g úna, bumatì acó sa canyá n~g mapangláw sa wícang tagalog. Nito'y hindî siyá nanglibác sa ákin. Sinábi sa áking pinasásamâ co raw ang m~ga bátà; na sinasayang co ang panahón; na hindî acó gumáganap sa áking catungculan; na ang amáng hindî namamálò ay napopoot sa canyáng anác, ayon sa Espíritu Santo; na ang letra'y pumapasoc sa pamamag-itan n~g dugô, at ibá't ibá pa; sinaysay sa ákin ang isáng buntóng m~ga casabihán n~g panahón n~g m~ga catampalasanan, na anó pa't wari'y casucatan n~g nasabi ang isáng bágay n~g m~ga táo sa úna upang huwág n~g matutulan, at alinsunod sa ganitóng palácad n~g ísip ay dapat na n~gâ marahil nating paniwalâang nagcaroon sa daigdíg n~g m~ga cakilakilabot na anyô n~g m~ga háyop na kinathâ n~g ísip n~g m~ga táo n~g m~ga panahóng iyón at caniláng iniukit sa caniláng m~ga palacio at m~ga catedral. Sa cawacasa'y ipinagtagubilin sa áking aco'y magsípag at manumbalic acó sa unang caugalîan, sa pagca't cung hindî, siya'y magsusumbong sa alcalde lában sa ákin. Hindî humintô ríto ang áking casaliwâang pálad: n~g macaraan ang iláng áraw ay nan~gagsirating sa sílong n~g convento ang m~ga amá n~g m~ga bátà, at nan~gailan~gan acóng pasaclólo sa boong aking pagtitiis at pagsang-ayon. Nan~gagpasimula n~g pagpupuri sa m~ga panahóng únang ang m~ga maestro'y may matigás na loob at ang pagtúturong guinagawa'y tulad sa pagtutúro n~g caniláng m~ga núno."--¡Ang m~ga taóng yaón ang túnay na m~ga marurunong!--ang sábi nilá;--ang m~ga táong yaó'y namamalò at tinútuwid ang licóng cáhoy. ¡Silá'y hindî m~ga bátà, silá'y matatandáng malakí ang pinagdanasan, may m~ga buhóc na putî at mababalásic! Si Don Catalinong hárì niláng lahát na nagtátag n~g escuélahang iyón, hindî nagcuculang sa dalawampo't limá ang pálong ibinibigay, caya't naguing marurunong at m~ga pári ang canyáng m~ga anác. ¡Ah! mahahalagá cay sa átin ang m~ga táo sa úna, ópò, mahahalagá cay sa átin."--Hindî nan~gagcásiya ang m~ga ibá sa ganitóng magagaspáng na m~ga pasáring; sinabi nilá sa áking maliwanag, na cung ipatutuloy co ang aking palácad, ang caniláng m~ga anác ay hindî matututo, at mapipilitan siláng alisín sa áking escuélahan. Nawalang cabuluhan ang aking m~ga pagmamatuwíd sa canilá: palibhasa'y batà acó'y hindî nila binibigyan n~g malaking catuwiran. ¡Gaano calaki ang aking iaalay, magcaroon lamang acó n~g m~ga úban! Binábangguit nila sa akin ang minamagalíng nilang pan~gan~gatuwiran n~g cura, ni Fulano, ni Zutano, at binabangguit naman nila ang canilang saríling catawan, at sinasabi nilang cung hindî sa m~ga pamamalò n~g canicanilang m~ga maestro'y hindî sana sila nan~gatúto n~g anó man. Nacabawas n~g cauntî n~g capaitan n~g capighatîan cong itó ang magandang paglín~gap na ipinakita sa akin n~g ilan. Dahil sa nangyaring itó, napilitan acóng huwag gumamit n~g isang palacad, na pagcatapos n~g malaking pagpapagal ay nagpapasimulâ na n~g pamumun~ga. Sa aking pagn~gan~galit, dinalá co kinabucasan sa escuelahan ang m~ga pamalò, at mulíng sinimulâan co ang aking catampalasanang gawâ. Nawalâ ang catiwasayan, at mulíng nagharì na naman ang capanglawan sa m~ga mukhâ n~g m~ga batang nagpapasimulâ na n~g pagguíliw sa akin: sila ang tan~ging m~ga carayamà co, ang tan~gi cong m~ga caibigan. Baga man pinagsisicapan cong magdamót n~g pamamalò, at cung namamalò man aco'y pinagágaang co hanggang sa abot n~g caya; gayón ma'y dinaramdam nila n~g malabis ang canilang pagcaamís, ang canilang pagcaimbí at nan~gagsisitan~gis n~g dî ugaling saclap. Dumarating sa aking púsò ang bagay na iyón, at cahit nagn~gitn~gitn~git acó sa sariling calooban n~g laban sa canilang halíng na magúgulang, gayón ma'y hindî acó macapanghiganti sa m~ga walang malay-salang tinatampalasan n~g maling m~ga caisipan n~g canilang m~ga ama. Nacapapasò sa akin ang canilang m~ga lúhà: hindî magcasiya sa loob n~g aking dibdíb ang aking púsò, at n~g araw na iyo'y iniwan co ang pagtuturò, baga man dî pa sumasapit ang horas, at omowî acó sa aking bahay upang tuman~gis na nagíisa.... Marahil mamanghâ pô cayó sa aking pagcamaramdamin, n~guni't cung cayó'y malagay sa aking catayua'y inyóng mapagcucúrò. Sinasabi sa akin n~g matandang Don Anastasio:--"¿Humíhin~gî n~g palò ang m~ga ama? ¿Bakit hindî ninyó sila ang pinalò?" Dahil dito'y nagsasakit acó. Nakíkinig si Ibarrang nag-iisíp ísip. --Bahagyâ pa lamang acóng gumágaling sa sakít ay nagbalíc acó sa escuélahan at nasumpun~gan cong icalimang bahagui na lamang ang natitira sa canila. Nan~gagsitacas ang m~ga pinacamagaling, dahil sa panunumbalic n~g dating palacad, at sa m~ga natitira, sa ilang batang cayâ pumapasoc sa escuélaha'y n~g hindî macagawâ sa canilang bahay, síno ma'y walang bumatì sa akin sa aking paggalíng: sa ganang canila'y walang malasakit ang gumalíng acó ó hindî; marahil lalong inibiig sana nila ang acó'y manatili sa pagcacasakít, sa pagca't tunay n~ga't lalong mainam mamalò ang maestrong panghalíli sa akin, n~guni't ang capalít naman nito'y bihirang pumaroon sa pagtutúrò sa escuélahan. Ang m~ga ibang tinuturuan co, yaóng m~ga batang napipilit n~g canilang m~ga magulang na pumasoc sa escuelahan, ang guinagawa'y nan~gaglalagalag sa ibang daco. Binibigyang casalanan nila acó, na sila'y aking pinagpakitaan n~g mairuguíng loob at sinisisi nila acó n~g maínam. Gayón man, ang isang anac n~g tagabúkid, na dumadalaw sa akin sa boong aking pagcacasakít, cayâ hindî na pumapasoc ay dahil sa siya'y nagsacristan: sinasabi n~g sacristan mayor na hindî raw marapat na magmaranî sa escuélahan ang m~ga sacristan, sa pagca't bababà ang canilang urì. --At ¿nagcásiya na pô bâ cayó sa inyóng m~ga bagong tinuturuan? --¿May magagawâ pa pô ba acóng ibang bagay?--ang isinagót.--Gayón man sa pagca't maraming nangyaring m~ga bagay-bagay, samantalang may sakít acó'y nahalinhan camí n~g cura. Sumibol sa akin ang isang bagong pag-asa, at guinawâ co na naman ang isang pamulíng pagtikím, at n~g huwag malubos na totóo ang pagcasayang n~g panahón n~g m~ga batà at pakinaban~gan hanggang sa abót n~g caya ang m~ga palò; na ang m~ga pagcahiyang iyó'y mapag-anihan man lamang nilá n~g cahi't cacaunting bún~ga, ang siya cong inísip. Yamang hindî nila acó mangyaring caguiliwan n~gayón, ninais cong may maalaala sila sa aking hindî napacasacláp cung may maisimpan silang anó mang bagay na pakikinaban~gang acó ang may túrò. Talastas na po ninyóng na sa wícang castílà ang m~ga libro sa caramihan n~g m~ga escuelahan, líban na lamang sa catecismong tagalog na nagbabago, alinsunod sa samahan n~g m~ga fraileng kinapapanigan n~g cura. Ang caraniwan n~g m~ga librong itó'y m~ga "novena" m~ga, trisagio, ang catecismo ni pari Astete, na ang nacucuba nilang cabanalan doo'y cawan~gis din cung naguing sa m~ga hereje ang m~ga librong iyón. Sa pagca't hindî manyaring sila'y aking maturuan n~g wicang castíla, at hindî co rin naman maisatagalog ang gayóng caraming m~ga libro, pinapilitan cong halinhang untî-untî n~g maiiclíng bahaguing sipi sa m~ga napapakinaban~gang m~ga librong tagalog, gaya baga n~g maliit na casaysayan n~g pakikipagcapuwâ tao ni Hortensio at ni Feliza[253], ilang m~ga maliliit na librong patnugot sa pagsasaca, at iba pa. Manacanacang isinasatagalog co ang malilíit na libro, gaya n~g Historia n~g Filipinas ni parî Barranera, at pagcatapos ay aking idinídicta, upang canilang tipuning na sa m~ga cuaderno, at cung minsa'y aking dinaragdagan n~g saríling m~ga pagpapahiwatig. Sa pagca't walâ acong m~ga "mapa" upang sa canila'y macapagtúrô acó n~g Geografía, sinalin co ang isang mapang nakita co sa "cabecera" (pan~gúlong bayan n~g lalawigan), at sa pamamag-itan n~g sinalin cong itó, at n~g m~ga baldosa n~g yapacan, na iulat co sa canila n~g cauntî ang anyô nitông ating lupaín. N~gayó'y ang m~ga babae naman ang nan~gagcaguló; nan~gagcasiya ang m~ga lalaki sa pag-n~gitî, dahil sa gayóng gawâ co'y canilang namamasdan daw ang isa sa aking m~ga caululan. Ipinatawag acó n~g bagong cura, at cahi't hindî acó pinag-wicâan, gayón ma'y sinabi sa aking ang religión daw ang dapat cong pagsicapan, at bago co iturò ang m~ga bagay na itó'y dapat na ipakilala n~g m~ga batà, sa pamamamag-itan n~g isang pagsusulit, na totoong nasasaulo na nila ang m~ga Misterio, ang Trisagio at ang Catolicismo n~g Doctrina Cristiana. Samantala'y nagpapagal n~ga acô at n~g maguíng "papagayo"[254] ang m~ga batà, at canilang masaulo ang lubhang maraming bagay na hindî napagtatalós isa man lamang salitâ[255]. Marami sa canila ang nacasasaulo n~g m~ga "Misterio" at "Trisagio", datapuwa't nan~gan~ganib acóng masáyang ang áking m~ga pagpupumilit tungcól sa cay párì Astete, sa pagca't hindî pa totoong napag-wawarì n~g marámi sa áking m~ga tinuturúan ang pagcacaiba't ibá n~g m~ga tanóng at n~g m~ga sagót, at ang dapat na maguíng cahulugán n~g dalawáng itó. ¡At sa ganitóng calagaya'y mamámatay táyo, at ganyán din ang gágawin n~g m~ga ipan~gán~ganac, samantalang sa Europa'y pinag-uusapan ang nauucol sa pagsúlong. --¡Howág bagá namán táyong napacamahiliguín sa pag-ásang dito sa átin ay walâ n~g cagalin~gang mangyayári!--ang itinútol ni Ibarra, at sacâ nagtindíg. Pinahatdán acó n~g isáng anyáya n~g teniente mayor upang acó'y dumaló sa isáng púlong sa tribunal ... ¿Síno ang nacaaalam cung doo'y magcacaroon pô cayó n~g sagót sa inyóng m~ga tanóng? Nagtindig din ang maestro sa escuela, n~guni't umíiling, tandâ n~g pagcuculang tiwála, at sumagót: --Makikita ninyo't matutulad sa aking m~ga binálac ang láyong caniláng sinábi sa akin, at cung hindî, ¡tingnan natin! TALABABA: [252] Tinatawag na "m~ga elemento" n~g una ang lúpà, ang tubig, ang han~gin at ang apóy. [253] Marahil ang ibig bangguitin ni Dr. José Rizal dito'y ang librong "PAGSUSULATAN NI URBANA'T NI FELIZA" (Urbanidad) na sinulat ni Guinoong Modesto de Castro, presbítero, taga Binyáng, Laguna, at naguing cura párroco sa bayan n~g Naic, Cavite. Ang libróng yao'y isáng carikitdikitang patnubay sa magandang pakikipagcapwa-tao at sa mainam na caasalan, bucód sa magalíng na ulirán sa mabuting pananalita't pagsulat n~g wícang tagalog.--P.H.P. [254] Isáng ibong; minamagaling dahil sa carikitan n~g canyáng m~ga balahibo at sa cadaliang matutong ulitin ang m~ga salitáng sa canya'y itúrò.--Tinatawag na _papagayo_ ang nagsasalitá n~g m~ga bágay na hindî nauunawà--P.H.P. [255] Ganito ang narinig cong salitaan n~g isang curang fraile at n~g isáng tagalog na mangmang baga, ma't mayaman.--_Tagalog._ Bakit po bá hindi isinasawicang tagalog ang pagmimisa at iba pang panalan~gin, gayóng talastas na ninyong hindi namin nalalaman ang wicang latin?--_Cura._ Sa pagcá't cung wicang tagalog ay kinakailan~gang sabihing macaitlo upang maunawa n~g Dios ang ating hinihin~gi sa canyá, cung wicang castila'y macalawa, at cung wicang latin ay minsan lámang; itó ang dahil at sa _Misterio_ at sa _Trisagio'y_ na sa wicang latin ang mahalagáng pananalan~gin. N~gayón naliliwanagan na n~g ilaw n~g catotohanan ang pag-iisíp n~g halos n~g lahat n~g tagalog, ang gayong pananalità n~g curang walang mithî cung di mamahay tayo sa cabulagán ay magtátamo agad n~g matindíng pagpapawalang halagá. Cung ganap na catotohanán ang Dios puspós n~g carunun~gan waláng hanggán--sa pagca't cung di gayo'y hindi siyá Dios dapat náting sampalatayanang túnay na talós niyá ang lahát n~g wicà at sa anó mang wica sabihin ang pagtáwag sa canya'y caracaraca'y nauunawà niyá; hindi lámang itô; di pa natin binúbuca ang ating bibíg ay talastás na niyá ang íbig nating hin~gín. Ang masamâ ang casamasamaan, sa pagca't isáng pagaacsayá n~g panahón ay ang magsasalitâ n~g di alám cung anó ang sinasabi, tulad sa ibong _papagayo ó loro_.--P. H. P. =XX.= =ANG PULONG SA TRIBUNAL= Yaó'y isang salas na may labíngdalawá ó labíng-limáng metro ang hábà may waló ó sampóng metro ang lúang. Ang m~ga pader n~g salas na iyó'y pinaputî n~g pintáng ápog at punóng-punô n~g m~ga dibujong úling ang iguinúhit na humiguít cumúlang ang capan~gitan, humiguít cumúlang ang casalaulàan, na may m~ga cahalong paunawang súlat upang mapag-unáwang magalíng ang m~ga cahulugán noón. Namamasdan sa isáng suloc na nacasandál n~g mahúsay na pagcacahanay ang may sampóng m~ga lúmang fusil na batóng pingkian ang pangpaputóc na cahálò n~g sableng cálawan~gin, m~ga espadin at m~ga talibóng: yaón ang m~ga sandata n~g m~ga "cuadrillero." Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante. Man~ga siráng banccô at silla ang siyáng nacahúhusto n~g m~ga casangcapan. Itó ang salas na pinagpupulun~gan n~g tribunal, n~g m~ga pagpapahirap at ibá pa. Dito nagsasalitaan n~gayón ang m~ga púno n~g báyan at n~g m~ga nayon: hindî nakikihálò ang pangcát n~g m~ga matatanda sa pangcát n~g m~ga báta, at hindî nan~gagcacasundò ang isá't isá; silá ang m~ga kinácatawan n~g partido conservador at n~g partido liberal, ang naguiguing catangîa'y totoong napapacalabis sa m~ga bayan ang caniláng m~ga pagtatalotalo. --¡Nacacapagcúlang-tiwálà sa ákin ang asal n~g gobernadorcillo!--ani Don Filipong púno n~g partido liberal sa canyáng m~ga catoto; may dáti siyáng talagang pacay siya totoong ipinagpahuli niya ang pagtutuos n~g bálac na gúgugulin. Unawàin ninyóng labing-isáng araw na lamang ang sa áti'y nátitira. --At ¡nátira siya sa convento upang makipagsalitaan sa curang may sakit!--ipinaalaala n~g ísa sa m~ga batà. --¡Hindî cailan~gan!--ang sinábi namán n~g isá;--ang lahát, ay naihandâ na natin. Huwág bâ lamang magcaroon n~g lálong maráming "voto" ang bálac n~g m~ga matatandá.... --¡Hindî co inaacalang magcaroon!--ani Don Filipo;--acó ang magháharap n~g bálac n~g m~ga matatandâ.... --¿Bakit? ¿anó ang sábi pô ninyó?--ang sa canyá'y m~ga tanóng n~g m~ga nakikinig sa canyáng páwang nan~gagtátaca. --Ang sinasabi co'y cung acó ang únang magsasalita'y áking iháharap ang bálac n~g ating m~ga caáway. --At ¿ang bálac natin? --Cayó pô namán ang magháharap n~g bálac natin--ang sagót n~g tenienteng n~gumin~giti, na ang pinagsasabiha'y isáng bátang cabeza de barangay;--magsasalità pô cayó, pagcâ aco'y natálo na. --¡Hindî pô namin mawatasan ang inyóng caisipán!--ang sábi sa canyá n~g m~ga causap, na minámasdan siyáng puspos n~g pag-aalinlán~gan. --¡Pakinggan ninyó!--ang marahang sinabi ni Don Filipo sa dalawá ó sa tatlóng nakikinig sa canyá--Nacausap co canínang úmaga si matandáng Tasio. --At ¿anó? --Sinabi sa akin n~g matandà: "Kinapopootan pô cayó n~g inyóng m~ga caaway n~g higuit sa pagcapóot sa inyóng m~ga caisipán. ¿Ibig bagá ninyóng howag mangyári ang isáng bágay? Cung gayó'y cayó ang humicayat na gawín ang bágay na iyán, at cáhi't ang bágay na iyá'y pakikinaban~gang higuít cay sa isáng "mitra" ay ipagtatacwilan. Cung cayó'y matálo na, inyóng ipasábi ang inyóng linalayon sa lalong cababababaan sa lahát ninyóng m~ga casamahán, at sasang-ayunan ang inyóng láyong iyón n~g inyóng m~ga caaway, sa han~gád niláng cayó'y hiyâin." Datapuwa't inyó sánang in~gátan ang líhim cong itó. --N~guni't.... --Cayâ n~ga acó ang siyáng magsasalitâ upang gawín ang panucálà n~g ating m~ga caáway, na anó pa't pacalalabisin co ang pan~gan~gatuwíran hanggang sa catawá-tawá. ¡Howág cayóng main~gay! Narito na si Guinoong Ibarra at ang maestro sa escuela. Bumáti ang dalawáng binátà sa isá't isáng pulutóng; n~guni't hindî nakialám sa m~ga salitâan. Hindî naláo't pumásoc ang gobernadorcillong malungcót ang pagmumukhâ: siyá rin ang nakita nátin cahapong may daláng isáng arrobang candilà. Humintô ang m~ga alin~gawn~gáw pagpásoc niyá; bawá't isa'y naupô at untiunting naghárì ang catahimícan. Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ, inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang paúlit-ulit na guinawâ. --¡M~ga guinoó!--ang sinábi sa cawacasang nanglulupaypay ang voces:--nan~gahás acóng anyayáhan co cayong lahát sa pagpupulong na itó ... ¡ejem!... ¡ejem!... gágawin natin ang fiesta n~g ating pintacasing si San Diego sa ica 12 nitong buwán.... ¡ejem!... ¡ejem!... n~gayo'y ica 2 tayo ¡ejem!... ¡ejem!... At dito'y inubó siyá n~g mahabà at tuyô na siyang pumíguil n~g canyáng pagsasalitâ. Nang magcagayo'y tumindíg sa bangcô n~g m~ga matatandâ ang isáng táong may anyong makísig, na may m~ga apat na pong taón ang gúlang. Siya ang mayamang si capitang Basilio, caaway n~g nasírang si Don Rafael, isáng taong nagsasabing umanó'y mulâ n~g mamatay si Santo Tomás de Aquino, ang mundo'y hindî sumusulong n~g cahi't iisang hacbang, at mulâ n~g canyáng íwan ang San Juan de Letrán, nagpasimulâ ang Sangcataóhan n~g pag-udlót. --Itúlot pô n~g m~ga camahalan ninyóng magsaysay acó tungcól sa isáng bágay na totoong mahalagá--anyá. Acó ang náunang nagsalitâ, bagá man lálong may carapatáng man~gáuna sa ákin ang m~ga caumpóc dito, n~guni't acó ang únang nagsalitâ, sa pagca't sa acalà co'y sa m~ga ganitóng bágay, ang magpasimulà n~g pananalita'y hindî ang cahuluga'y siyáng nan~gun~guna, at gayón ding hindî ang cábuntutan ang cahulugán n~g cahulihulihang magsaysáy. Bucód sa rito'y ang m~ga bágay na sasabihin co'y lubháng napacamahalagá upang maipagpaubáyà ó sabihin cayâ sa cahulihulihan; itó ang dáhil at íbig co sánang magpáuna n~g pananalitâ, at n~g máibigay ang dápat na cauculán. Itulot n~gâ ninyóng acó ang máunang magsalitâ sa púlong na itóng kinakikitaan co n~g m~ga nalílimping totoóng m~ga litáw na m~ga táo, gáya na n~ga n~g guinoong casalucuyang capitan, n~g capitan pasado, n~g caibigan cong tán~ging si Don Valenting capitan pasado, ang aking caibigan sa camusmusáng si Don Julio, ang ating bantóg na capitan n~g m~ga cuadrillerong si Don Melchor, at marami pang m~ga caguinoohang dî co na sasabihi't n~g huwág acóng humábà, na nakikita n~g inyóng m~ga camahalang pawang caharap natin n~gayón ípinamanhic co pô sa inyóng m~ga camahalan ipahintulot na acó'y macapagsalitâ bago magsalitâ ang ibáng síno man ¿Magtátamo cayâ acó n~g capalarang pahinuhod ang capulun~gan sa áking mapacumbabang capamanhican? At sacâ yumucod ang mananalumpátì n~g bóong paggálang at ga n~gumin~gitî na. --¡Macapagsasalitâ na cayó, sa pagcá't cayó'y pinakíkinggan námìn n~g boong pagmimithî!--ang sinábi n~g m~ga binan~guít na m~ga caibigan, at iba pang m~ga táong nan~gagpápalagay na siya'y dakílang mananalumpatî: nan~gag-úubo n~g bóong ligaya ang m~ga matatandâ at caniláng pinagpípisil ang dalawáng camáy. Pagcatápos na macapagpáhid n~g páwis si capitán Basilio n~g canyáng panyóng sutlâ, ay nagpatúloy n~g pananalitâ: Yamang lubháng nápacaganda ang inyong calooban at mapagbigay lugod sa ating abáng cataohan, sa pagcacaloob sa aking acó ang macapagsalitáng máuna sa sino mang náririto, sasamantalahin co ang capahintulutang itóng sa aki'y ipinagcaloob n~g bóong cagandáhan n~g pusó at aco'y magsasalitâ. Iniisip n~g aking isip na aco'y sumasaguitnâ n~g cagalanggalang na Senado romano, "senatus populusque romanus", na sinasabi nátin niyóng m~ga caayaayang panahóng sa caculan~gang pálad n~g Sangcataóha'y hindî na magbábalic, at aking híhin~gin sa "Patres Conscripti", ang sasabihin marahil n~g pantás na si Ciceron, cung siyá ang málagay sa catayuan co n~gayón; hihín~gin co, sapagca't capós táyo sa panahón, at ang panaho'y guintô, áyon sa sábi ni Salomón na sa mahalagang pinag uusapan n~gayo'y sabíhing maliwanag, maiclí at walang ligóy-lígoy n~g báwa't isá ang canyang panucalà. Sinabi co na. At tagláy ang bóong pagcalugód sa canyáng sariling cataóhan at sa magaling na pakikinig sa canyá n~g nan~garoroon, naupô ang mananalumpatî, datapuwa't canyáng tiningnán múna si Ibarra at anyóng nagpapakilala siya n~g canyáng cataásan, at canyáng tiningnán din namán ang canyáng m~ga caibigan, na pára mandíng sa canilá'y canyáng sinasabi: ¡Há! ¿Mabuti ba ang áking pagcacásalitâ? ¡há! Inilarawan namán n~g canyáng m~ga caibigan sa caniláng m~ga matá ang dalawáng pagtin~gíng iyón, sa caniláng pagsulyáp sa m~ga bátang guinóo, na ibig niláng patayín sa caingguitán. --N~gayó'y macapagsasalitâ na ang bawa't may ibig, na ... ¡ejem!--ang sinabi n~g gobernadorcillo, na hindî natápos ang sinásalitâ, mulíng siyá'y inihít n~g ubó at n~g m~ga pagbubuntóng hinin~gá. Ayon sa hindî pag-imíc na námamasid, sino ma'y áyaw na siyá'y tawagguin "patres conscripti", síno ma'y waláng tumítindíg: n~g magcagayó'y sinamantala ni Don Filipo ang nangyayari at humin~gíng pahintúlot na macapagsalitâ. Nan~gagkindátan at nan~gaghudyátan n~g macahulugán ang m~ga conservador. --¡Iháharap co, m~ga guinóo, ang áking panucalang gugugulin sa fiesta! ani don Filipo. --¡Hindî námin masasang-ayunan!--ang sagót n~g isáng natutuyong matandáng conservador na hindî mapaclihán n~g anó man. --¡Lában sa panucalang iyán ang áming voto!--ang sábihan n~g ibáng m~ga caaway. --¡M~ga guinoo!--ani Don Filipong pinipiguil ang pagtáwa;--hindî co pa sinasabi ang panucalang dalá rito naming m~ga "bátà". "Lubós" ang aming pagása na siyáng mamagalin~gín n~g "lahat" cay sa pinapanucálà ó mapapanucálà n~g áming m~ga catálo. Ang palálong pasimuláng itó ang siyáng nacapuspós n~g gálit sa caloóban n~g m~ga conservador, na nagsisipanumpâ sa caniláng sariling caniláng gagawín ang catacottacot na pagsalangsáng. Nagpatuloy n~g pananalitâ si Don Filipo: --Tatlong libo't limandáang piso ang inaacálà náting gugúlin. Mangyayaríng macagawâ n~ga táyo, sa pamamag-itan n~g salapíng ito n~g isang fiestang macahihiguit n~g di anó lamang sa caningnin~gan sa lahát n~g hanggá n~gayó'y napanood dito sa ating lalawigan at sa m~ga lalawigang carátig man. --¡Hmjn!--ang pinagsabihan n~g m~ga hindî naniniwálà; gumugugol ang bayang A. n~g limáng libo, ang bayang B. nama'y ápat na libo--¡Hmjn! ¡cahambugán! --¡Pakinggán ninyó acó, m~ga guinoo, at cayô'y maniniwálà. Aking iniaakit sa inyóng tayo'y magtayô n~g isáng malakíng teatro sa guitnâ n~g plaza, na maghalagáng isáng dáa't limampóng píso! --¡Hindî cásiya ang isáng dáa't limampô, kinacailan~gang gumugol n~g isáng dáa't anim na pô!--ang itinutol n~g isáng matigás ang úlong conservador. --¡Itític pô ninyó, guinoong director, ang dalawang daang pisong iniuucol sa teatro!--ani Don Filipo.--Iniaanyaya cong makipagcayárì sa comedia sa Tundó upang magpalabás sa pitóng gabíng sunod sunod. Pitóng palabás na tigdadalawang daang píso bawa't gabí, ang cabooa'y isáng libo at ápat na ráang píso: ¡isulat pô ninyó, guinoong director, isáng libo't ápat na raang píso! Nan~gagtin~ginan ang matatandá't ang m~ga bátà sa pangguiguilalás; ang m~ga nacatatalos lamang n~g líhim ang hindî nan~gagsikílos. Iniaanyaya co rin namáng magcaroon tayo n~g maraming totoong m~ga paputóc; huwág n~ga táyong gumamit n~g malilíit na "luces" at n~g m~ga malilíit na "ruedang" kinalúlugdan lamang n~g m~ga musmós at n~g m~ga dalága, huwag táyong gumamit n~g lahat n~g itó. Malalakíng m~ga bomba at sadyáng malalakíng m~ga cohatón ang ibig natin. Iniaanyaya co n~ga sa inyó ang pagcacagugol sa dalawang daang malalakíng bomba na tigalawang píso báwa't isá at dalawang daang cohatong gayón din ang halagá. Ipagawà natin sa m~ga castillero sa Malabón. --¡Hmjn!--ang isinalábat n~g isáng matandâ:--hindî nacacagulat sa ákin at hindî rin nacabibin~gi ang isáng bombang tigalawang piso; kinacailan~gang maguíng tigatlóng piso. --¡Isulat pô ninyó ang isáng libong pisong gugugulin sa dalawang daang bomba at dalawáng daang coletón! Hindî na nacatiís ang m~ga conservador; nan~gagtindigan ang ilan at nan~gagsalitaan n~g bucód. --Bucód pa sa roon, upang makita n~g ating m~ga capit-bayang tayo'y m~ga taong walang hinayang at nagcacanlalabis sa atin ang salapî--ang ipinagpatuloy ni Don Filipo, na itinaas ang voces at matúling sinulyap ang pulutóng n~g m~ga matatandâ,--aking iniaanyaya: una, apat na "hermano mayor" sa dalawáng áraw na fiesta, at icalawa, ang itápon sa dagatan sa aráw áraw ang dalawáng dáang inahíng manóc na pinirito, isang daang capóng "rellenado" at limampóng lechón, gáya n~g guinagawà ni Sila, sa panahón ni Ciestón, na bágong casasabi pa lámang ni capitang Basilìo. --¡Siya n~gâ, gáya ni Sila!--ang iculit ni capitang Basilio, na na totowâ n~g pagcábangguit sa canyá. Lumálaki n~g lumálaki ang pagtatacá. --Sa pagca't marámi ang dádalong mayayaman at bawa't isa'y may daláng libolíbong piso, at sacâ ang caniláng lalong magalíng na sagabun~gin, at ang "liampó" at m~ga baraja, ini anyaya co sa iyó na tayo'y magpasabong n~g labínglimáng áraw, at magbigay calayaang mabucsan ang lahát n~g m~ga bahay n~g sugalan.... N~guni't nan~gagtindíg ang m~ga cabatáan at siya'y sinalabát: ang boóng acálà nilá'y nasirá ang ísip n~g teniente mayor. Nan~gagtatalotalo n~g mainam ang m~ga matatandâ. --At sa cawacasan, n~g huwág mapabayaan ang m~ga caligayahan n~g cálolowa.... Natacpáng lubos ang canyáng voces n~g m~ga bulongbulun~gan at n~g m~ga sigawang sumiból sa lahat n~g súloc n~g sálas: yao'y naguing isáng caguluhan na lámang. --¡Hindî!--ang isinígaw n~g isang matálic na conservador;--ayaw cong maipan~galaratac niyang siya ang nacagawa n~g fiesta, ayaw. Pabayaan, pabayaan ninyong aco'y macapagsalitâ. --¡Dináyà táyo ni Don Filipo!--ang sinásalitâ naman n~g m~ga liberal. Bovoto cami n~g laban sa canya! ¡Cumampí siya sa matatandâ! ¡Bomoto tayo n~g laban sa canya! Ang gobernadorcillo, na higuít ang panglulupaypay sa cailan man; walang guinawa cahi't anó upang manag úli ang catiwasayan: naghíhintay na sila ang cusang tumiwasay. Humin~gíng pahintulot ang capitan n~g m~ga cuadrillero upang magsalíta; pinagcalooban siya, datapuwa't hindî binucsan ang bibig, at mulíng naupóng nakikimî at puspós cahihiyan. Ang cabutiha'y nagtindîg si capitang Valenting siyang pinacamalamíg ang loob sa lahat n~g m~ga conservador, at nagsalitâ. Hindi camí macasang-ayon sa palagáy na munacalà n~g teniente mayor, sa pagca't sa ganang amin ay napaca labis naman. Ang gayóng mapacaraming m~ga bomba at ang gayong napaca raming gabi n~g pagpapalabas n~g comedia'y ang macacaibig lamang ay ang isang batang gaya n~g teniente mayor, na macapagpúpuyat n~g maraming gabí at macapakíkinig n~g maraming putóc na dî mabíbin~gi. Itinanóng co ang pasiya n~g m~ga taong matalino at nagcacaisa ang lahat sa hindî pagsan-ayon sa panucalâ ni Don Felipo. ¿Hindí bâ ganito, m~ga guinóo? --¡Tunay n~ga! ¡tunay n~ga! ang sabay sabay na pinagcaisahang sagót n~g m~ga bata't matandâ. Nan~galulugod ang m~ga bata sa pakikiníg sa gayóng pananalitâ n~g isang matandâ. --¡Anó ang ating gagawín sa apat na m~ga hermano mayor!--ang ipinatúloy n~g matandâ.--¿Anó ang cahulugan niyóng m~ga inahíng manóc, m~ga capón at m~ga lechóng itatapon sa dagatan? ¡Cahambugan! ang sasabihin n~g m~ga calapit-bayan natin, at pagcatapos ay magsásalat tayo sa pagcain sa loob n~g calahating taón. ¿Anó't makikiwan~gis táyo cay Sila ó sa m~ga romano man? ¿Tayo ba'y inanyayahan minsan man lámang sa canilang m~ga fiesta? Acó sa gannang akin, lamang, caílan ma'y hindî pa acó nacatatanggap n~g anó mang canílang líham na pang-anyaya, ¡gayóng aco'y matanda na! --Ang m~ga romano'y tumahan sa Roma. Kinalalagyan n~g papa!--ang marahang sa canya'y ibinulóng ni capitáng Basilio. --¡N~gayon co napagkilala!--ang sinabi n~g matandang hindî nagulomihanan. Marahil guinawa ang canilang fiesta cung "vigilia" at ipinatatapon n~g papa ang pagcain at n~g howag magcasala. N~guni't sa paano mang bágay, hindî mangyayaring masang-ayunan ang inyong panucalang fiesta, sa pagca't isáng caulúlan! Napilitan si Don Filipong iurong ang canyáng panucálà; dahil sa totoong sinásalansang. Ang m~ga lalong matatalic na m~ga conservador sa caniláng caaway, hindî nan~gagdamdam n~g anó mang pag-aalap-ap n~g makita niláng tumindig ang isáng bátang cabeza de barangay at humin~gíng pahintúlot na macapagsalitâ. --Ipinamámanhic co sa inyóng m~ga camahalang ipagpaumanhíng bagá ma't bátà acó'y man~gahás magsalitâ sa haráp n~g lubháng maráming táong totóong cagalanggalang dáhil sa canilang gúlang at dáhil namán sa catalinuhan at carunún~gang magpasiyá n~g tapát sa lahát n~g bagay, n~guni't sa pagca't ang caayaayang mananalumpatìng si capitang Basilio'y nag-aanyayang saysayin dito n~g lahát ang canicanilang m~ga panucálà, maguíng pinacacalásag n~g aking cauntîan ang canyáng mahalagang pananalitâ. Tumátan~gô, sa pagcalugod, ang m~ga conservador. --¡Magalíng magsalitâ ang bátang itó!--¡Siya'y mápagpacumbabá!--¡Caguiláguilalás cung man~gatuwíran!--ang sabihan n~g isa't isá. --¡Sayang at hindî marunong cumíyang magalíng!--ang pasiyá ni capitan Basilio.--N~guni't nangyayari itó dahil sa hindî siya nag-aral cay Cicerón, at sacâ totoong bátà pa. --Hindî cayâ isinásaysay co sa inyó ang isáng palatuntunan ó panucálà,--ang ipinatuloy na salitâ n~g bátang cabeza,--ay hindî dahil sa ang isip co'y inyóng mámagalin~gin ó inyó cayáng sasang-ayunan: ang aking han~gad, casabáy n~g aking mulî pang pan~gan~gayupápà sa calooban n~g lahát, ay patotohanan sa m~ga matatandang sa tuwî na'y sang-ayon ang aming isípan sa caniláng ísip, sa pagcá't áming ináangkin ang lahát n~g m~ga adhicáng isinaysay n~g boong caningnin~gán ni capitang Basilio. --¡Mabuting pananalitâ! ¡mabuting pananalitâ!--ang sabihanan n~g m~ga pinauunlacáng m~ga conservador. Hinuhudyatán ni capitang Basilio ang bátà upáng sa canyá'y sabihin cung paano ang marapat na paggaláw n~g bísig at cung paano ang acmâ n~g páa. Ang gobernadorcillo ang tan~ging nananatili sa hindî pagpansín, nalílibang ó may ibáng iniisip: nahihiwatigan ang dalawang bagay na itó sa canyá. Nagpatuloy ang bátà n~g pagsasaysay, na nalalao'y lalong sumásaya ang pananalitâ: --Náoowî, m~ga guinóo, ang aking panucála sa sumusunod: mag-ísip n~g m~ga bagong pánooring hindî caraniwan at laguing nakikita natin sa aráw-áraw, at pagsicápang huwág umalís díto sa báyan ang salapîng nalicom, at huwág gugúlin sa waláng cabuluháng m~ga pólvora, cung hindî gamítin sa ano mang bagay na pakinaban~gan n~g lahat. --¡Iyán n~gâ! ¡iyán n~gâ!--ang isináng-áyong salitâ n~g m~ga bátà; iyáng ang ibig n~ga namin--totoong magalíng--ang idinugtóng n~g m~ga matatandâ. --¿Anó ang máhihitâ nátìn sa isáng linggóng comediang hiníhin~gî n~g teniente mayor? ¿Anó ang matututuhan natin sa m~ga hárì sa Bohemia at Granada, na nan~gag-uutos na putlín ang úlo n~g canilang m~ga anác na babae, ó cung dìlì caya'y ikinacarga sa isáng cañón ang m~ga anác na babaeng iyán at bágo naguiguing trono ang cañón? Tayo'y hindî m~ga hárì, hindî tayo m~ga tampalasang táong-párang, walâ namán táyong m~ga cañón, at cung sila'y ating paráhan ay bibitayin táyo sa Bágongbayan. ¿Anó bagá ang princesang iyáng nakikihalobílo sa m~ga paghahámoc, namamahagui n~g tagâ at úlós, nakikipag-away sa m~ga principe at naglilibot na nan~gag-íisa sa m~ga bundóc at parang, na cawan~gis n~g nan~gatitigbalang? Kinalulugdan natin, ayon sa ating caugalian, ang catamisan at ang pagcamasintahin n~g babae, at man~gan~ganib tayong tumán~gan sa m~ga camáy n~g isáng biníbining narurun~gisan n~g dugô, cahi't na ang dugong ito'y sa isáng moro ó gigante; bagá man ang dugóng itó'y sa pinawawal-an nating halagá, palibhasa'y ipinalálagay náting imbí ang lalaking nagbubuhat n~g camá'y sa isáng babae, cahi't siya'y príncipe, alférez, ó tagabúkid na waláng pinag-aralan. ¿Hindî cayâ libolibong magalíng na ang palabasin natin ay ang laráwan n~g ating sariling m~ga caugalîan, upang mabágo nátin ang ating masasamang m~ga pinagcaratihan at m~ga lihís na hílig at purihin ang magagandang gawâ at caugalian? --¡Iyan n~gâ! ¡iyan n~gâ!--ang inúlit n~g canyáng m~ga cacampí. --¡Sumasacatuwíran!--ang ibinulóng na nan~gagdidilidili ang iláng matatandâ. --¡Hindî co naisip cailán man ang bágay na iyán!--ang ibinulóng ni capitang Basilio. --Datapuwa't ¿paano ang paggawâ ninyó niyán?--ang itinutol sa canyá n~g isáng mahirap sumang-ayon. --¡Magaang na magaang!--ang sagót n~g bátà. Dalá co rito ang dalawang comedia, na marahil pasisiyahang totoong masasangayunan at catowatowa n~g m~ga cagalanggalang na matatandang dito'y nalilimpî, palibhasa'y lubós ang pagcatalós nilá sa bawa't magandá at kilalá namán n~g lahát ang caniláng catalinuhan. Ang pagmagát n~g isá'y Ang pag-hahalal n~g Gobernadorcillo, ito'y isáng comediang patupatuloy ang pananalitâ, nababahagui sa limang pangcat, cathâ n~g isá sa m~ga náriritong caharáp. At ang isa'y may siyam na bahagui, úcol sa dálawáng gabi, isang talinghagang "drama" na ang pamimintás ang tucoy, sinulat n~g isá sa lalong magalíng na poeta dito sa lalawigan at Mariang Makiling ang pamagát. Nang áming mámasdang naluluatan ang pagpupulong n~g nauucol sa paghahandâ n~g fiesta, at sa pan~gan~ganib naming bacâ culan~gin n~g panahón, líhim na humánap camí n~g aming m~ga "actor" at pinapag-aral namin silá n~g canicanilang "papel". Inaasahan naming sucat na ang isáng linggóng pagsasánay upang silá'y macaganáp n~g magalíng sa canicanilang ilálabas. Itó, m~ga guinoo, bucód sa bágo, pakikinaban~gan at sang-ayon sa mahúsay na caisipán at may malakíng cagalin~gang hindî malakí ang magugugol: hindî natin cailan~gan ang pananamit: magagamit natin ang ating suot na caraniwan sa pamumuhay. --¡Acó ang gugugol sa teatro!--ang isigaw na malaking tawa ni capitang Basilio. --¡Sacali't may lumalábas na m~ga cuadrillero, akíng ipahihiram ang aking m~ga nasásacop--ang sabi namán n~g capitán n~g m~ga cuadrillero. --At acó ... at acó ... cung nagcacailan~gan n~g isáng matandâ ... ang sinabing hindî magcatutó n~g isá, at naghuhumiyád n~g pagmamakisíg. --¡Sang-áyon camí! ¡sang-áyon cami!--ang sigawan n~g marami. Namúmutlâ ang teniente mayor: napunô n~g m~ga lúhà ang canyáng m~ga matá. --¡Siyá'y tumatan~gis sa pagn~gingitn~git!--ang inísip n~g mahigpít na conservador, at sumigaw: --¡Sang-áyon camí, sang-áyon camí, at hindî cailan~gang pagmatuwiranan pa! At sa canyáng galác sa canyáng pagcapanghigantí at sa lubós na pagcatálo n~g canyáng caáway, pinasimulán n~g lalákíng iyón ang pagpapaunlác sa panucálà n~g bátà. Nagpatuloy itó n~g pananalitâ: --Magagamit ang ikalimáng bahagui n~g salapíng nalilicom sa pamamahagui n~g iláng gantíng pálà, sa halimbáwà, sa lalong mabuting batang nag-aral sa escuela, sa lálong mabúting pastól, magsasacá, mán~gin~gisdâ, at ibá pa. Macapagtatatag tayo n~g isáng unahán n~g patacbuhan n~g m~ga bangcâ sa ílog at sa dagatan, patacbuhan n~g m~ga cabayo; magtayô n~g m~ga "palosebo" at mag-anyô n~g m~ga laróng mangyayaring makísama ang tagabukid natin. Sumasang-áyon na acó, álang-álang sa totoóng pinagcaugalian na, ang tayo'y magcaroon n~g m~ga paputóc: marikit at catuwá-tuwang panoorín ang m~ga "rueda" at m~ga "castillo", n~guni't inaacalà cung hindî natin cailan~gan ang m~ga bombang panucalà n~g teniente mayor. Casucatan na, sa pagbibigay casayahan sa fiesta, ang dalawáng bandang música, at sa ganya'y maiilagan natin iyang m~ga pag-aaway at pagcacagalít, na ang kinahihinatna'y ang m~ga caawa-awang músicong naparirito't n~g bigyang galác ang ating m~ga pagpifiesta, sa pamamag-itan n~g canilang pagpapagal, naguiguing tunay na m~ga sasabun~ging manóc, na nan~gagsisiowî, pacatapos, na masamâ, ang sa canila'y pagcacabayad, masamâ ang pagcacapacain, bugbóg ang catawán at sugatán pa cung macabihirà. Mapasisimulâan ang pagpapagawâ n~g isang maliit na bahay na magamit na escuelahan, sa pamamag-itan n~g lalabis na salapî, sa pagca't hindî n~ga natin hihintaying ang Dios ay manaog at siyang gumawâ n~g escuelahang iyán: capanglaw-panglaw n~gang bagay, na samantalang tayo'y may isáng sabun~gáng pan~gulo sa lakí at gandá, ang m~ga batâ natin ay nan~gag-aáral halos doón sa alagaan n~g m~ga cabayo n~g cura. Sa maiclíng salita'y narito ang panucalâ: ang pagpapainam nito'y siyáng pagcacapaguran. Maaliw na bulungbulun~gan ang siyáng sumilang sa salas; halos ang lahát ay sumasang-ayon sa bátà: iilan lamang ang bumúbulong: --¡M~ga bágong bagay! ¡m~ga bágong bagay! ¡Sa ating m~ga kinabataa'y!... --¡Ating sang-ayúnan na muna n~gayón iyán!--ang sabihan n~g m~ga ibá;--áting hiyâin iyón. At caniláng itinutúrò ang teniente mayor. Nang manumbalic ang catahimican, ang lahát ay sumang-ayon na. Cúlang na lamang ang pasiya n~g gobernadorcillo. Ito'y nagpapawis, hindî mápacali, hináhaplos ang noo at sa cawacasa'y nasabi n~g pautal-utal, na nacatun~gó: --¡Acó ma'y sang-ayon din!... n~guni't ¡ejem! Hindî umíimic ang boong tribunal n~g pakikiníg sa canyá. --¿N~guni't?--ang tanóng ni capitang Basilio. --¡Totoong sang-ayon acó!--ang inulit n~g gobernadorcillo;--sa macatuwid baga'y ... hindî acó sang-ayon ... ang sinasabi co'y sang-ayon acó; n~guni't ... At kinuscos ang m~ga matá n~g camaoo. --N~guni't ang cura,--ang ipinagpatuloy n~g cúlang pálad--ibáng bágay ang íbig n~g párì cura. --¿Nagcacagugol bâ ang cura sa fiesta ó tayo ang nagcacagugol? ¿Nagbigáy bâ siyá n~g isáng cuarta man lamang?--ang sigaw n~g isáng voces na nanunuot sa tain~ga. Tumin~gín ang lahát sa dacong pinanggagalin~gan n~g m~ga tanóng na iyón: si filósofo Tasio ang nároroon. Hindî cumikilos ang teniente mayor at nacatitig sa gobernadorcillo. --¿At anó ang íbig n~g cura?--ang itinanong ni capitang Basilio. --¡Abá! ang íbig n~g cura'y ... anim na procesión, tatlóng sermón, tatlóng malalaking misa ... at cung may lumabis na salapî, comediang Tundó at cantá sa m~ga pag-itan. --¡Ayaw namáng camí n~g lahát n~g iyán!--ang sinábi n~g m~ga bátà at n~g iláng matandâ. --¡Siyáng ibig n~g párí cura!--ang inulit n~g gobernadorcillo.--Aking ipinan~gacò sa curang magaganap ang canyang calooban. --Cung gayó'y ¿bakin inanyayahan pa ninyóng cami magpúlong? --¡Inanyayahan co cayó't ... n~g sa inyo'y áking sabihin ang gayóng bágay! --At ¿bákit hindî ninyó sinábi sa pagsisimulâ pa n~g salitaan? --Ibig co sánang sabihin, m~ga guinóo, n~guni't nagsalita si capitáng Basilio'y ¡hindî na acó nagcapanahón ...! ¡kinacailan~gang sumunód sa curá! --¡Kinacailan~gang sumunód tayó sa canyá!--ang inúlit n~g iláng matatandâ. --¡Kinacailan~gang sumunod, sa pagca't cung hindî, tayo'y ibibilanggong lahát n~g alcalde!--ang idinugtóng n~g boóng capanglawan n~g ibá, namáng matatandâ. --¡Cung gayo'y sumunód, cayó at cayó na lámang ang gumawa n~g fiesta!--ang ipinagsigawan n~g m~ga báta--¡iniuurong namin ang aming m~ga ambág! --¡Nasin~gíl n~g lahat!--ang sinabi n~g gobernadorcillo. Lumapit si Don Filipo sa gobernadorcillo at saca sinabi niya rito n~g boóng capaítan. --Inihándog co sa pagcaamís ang pag-ibig co sa aking sarilí upang magtagumpay lamang ang magandang caisipan; cayô namá'y inihayin ninyó sa pagcaapí ang inyóng camahalan upáng manálo ang masamáng panucála, at inyóng iniwasác ang lahát. Samantala'y--isinasabi namán ni Ibarra sa maestro n~g escuela: --¿May-ibig bâ cayóng ipagbilin sa pan~gúlong báyan n~g lalawigan? Paroroon acó n~gayón din. --¿Mayroon pô bâ cayóng pakikialaman doón? --¡Mayroon pô táyong pakikialaman doón!--ang talinghagang sagót ni Ibarra. --Sa daa'y sinasabi n~g matandang filósofo cay Don Filipong sinusumpa ang sarilíng pálad. --¡Tayo ang may casalanan! ¡Hindî cayó tumutol n~g cayo'y bigyán nila n~g aliping sa inyo'y magpúnò, at aking nalimutan ang bagay na ito, sa aking cahalin~gan! =XXI.= =CASAYSAYAN NANG BUHAY NANG ISANG INA= _Waláng tinutun~go sa canyang paglacad, walang linalayon sa linipadlipad, susumandali ma'y di napapanatag. (Alaejos)_ Tumatácbo si Sisang patun~gó sa canyáng báhay, tagláy iyóng caguluhan n~g baít na nangyayari sa ating cataohan, pagcâ sa guitnâ n~g isáng casacunaán ay walâ sino mang nagmamalasakit sa atin at sa ati'y tumatacas ang m~ga pag-asa. Cung nagcacagayo'y anaki'y dumidilim na lahát sa ating paliguid, at sacali't macakita tayo n~g isáng máliit na ilaw sa maláyò, tinátacbo natin ang ilaw na iyón, pinag-uusig natin, at hindî natin alumana cáhi't makitang sa calaguitnâan n~g landás ay may isang malalim na ban~gín. Ibig n~g ináng iligtás ang canyáng m~ga anác, n~guni't ¿paano? Hindî itinátanong n~g m~ga iná ang gágawing m~ga paraan, pagca nanucól sa canilang m~ga anác. Tumátacbong nagsísikip ang dib-dib, palibhasa'y pinag-uusig n~g m~ga guniguníng calaguímlaguim. ¿Nárakip na cayâ ang anác niyang si Basilio? ¿Saán tumácas ang canyáng anác na si Crispin? Nang malápit na siyá sa canyáng báhay ay canyáng natanawan ang m~ga capacete n~g dalawáng sundalong na sa ibábaw n~g bacuran n~g canyáng halamanan. Hindî mangyayaring maisaysay cung anó ang dinamdám n~g canyáng pusó: nalimutan niyá ang lahát. Hindî cailâ sa canyá ang canpan~gahasan n~g m~ga táong iyóng hindî nan~gagpipitagan cahi't sa lálong mayayaman sa bayan, ¿anó cayâ ang mangyayari sa canyá at sa canyáng m~ga anác na pinagbibintan~gan nan~ganácaw? Hindî m~ga táo ang m~ga guardia civil, sila'y m~ga guardia civil lamang: hindî nilá dinírin~gig ang m~ga panghihimanhic at sila'y bihasang macapanood n~g m~ga lúhà. Hindî sinásadya'y itinaás ni Sisa ang canyáng m~ga matá sa lan~git, at ang lan~git ay n~gumín~gitî n~g caayaayang caliwanagan; lumalan~go'y ang ilang maliliit at mapuputing alapaap sa nan~gan~ganinag na azúl. Humintò siyá upang piguilin ang pan~gan~gatal na lumalaganap sa canyáng boong katawán. Iniiwan na n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay at silá'y waláng casama; walâ siláng hinuli cung dî ang inahíng manóc na pinatátabâ ni Sisa. Nacahin~gá siyá at lumacás ang canyáng loób. --¡Pagcábabait nilá at pagcágaganda n~g caniláng m~ga calooban!-ang ibinulóng na hálos umíiyac sa catowáan. Cahi't sunuguin n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay, huwag lámang piitín nilá ang canyáng m~ga anác, ay silá'y pacapupuspusin dín niyá n~g pagpupuri. Muling tinitigan niyá, sa pagpapasalamat, ang lan~git na pinagdaraanan n~g isang cawan n~g m~ga tagác, iyáng matutûling m~ga alapaap n~g m~ga lán~git n~g Filipinas, at sa pagca't nanag-úli sa canyáng púsó ang pananálig ay ipinagpatúloy niyá ang paglácad. Nang malapit na si Sisa sa m~ga catacot-tacot na m~ga táong yao'y nagpalin~gaplin~gap sa magcabicabíla at nagcóconowáng hindî niyá nakikita ang canyáng inahing manóc na pumípiyac at humihin~ging sáclolo. Bahagya pa lamang nan~gacacaraan sa canyáng tabí ay nag-acála siyang tumacbó, n~guni't piniguil ang tulin n~g canyáng paglacad n~g pagiin~gat na bacâ siyá'y máino. Hindî pa siyá nacalálayô n~g malaki n~g márinig niyáng siyá'y caniláng tinatawag n~g boong caban~gisán. Hindî kinukusa'y lumapit si Sisa, at náramdaman niyáng hindî niyá maigaláw ang canyáng dilà sa tácot at natútuyô ang canyáng lalamunan. --¡Sabìhin mo sa amin ang catótohanan ó cung hindî itatáli ca namin sa cáhoy na iyon at papuputucán ca namin n~g dalawa!--anang isá sa caniláng may pagbabálà ang tunóg n~g voces. Tumin~gin ang babae sa dacong kinalalagyan n~g cáhoy. --¿Icaw bâ ang iná n~g m~ga magnanacaw, icáw?--ang tanóng naman n~g isá. --¡Iná n~g m~ga magnanacaw!--ang di sinásadya'y inúlit ni Sisa. --¿Saán nároon ang salapíng iniuwî sa iyo cagabí n~g iyóng m~ga anác? --¡Ah, ang salapi!... --¡Howag mong itangguí ang salapíng iyán, sa pagca't lálong mápapasamá icaw!--ang idinugtóng n~g isá. Naparíto cami't n~g dacpín ang iyóng m~gá anác; ang pinacamatanda'y nacatanan sa amin, ¿saan mo itinágò ang bunsô? Humin~gá si Sisa n~g márin~gig ang gayong sabi. --¡Guinoó!--ang isinagot--¡malaon na pong araw na hindî co nakikita ang aking anác na si Crispín: ang boóng acálà co'y masusumpun~gan co siyá caninang umaga sa convento, doo'y ang sinábi lamang sa aki'y.... --Nagsuliapan ang dalawang sundálo n~g macahulugán. --¡Magaling!--ang bigláng sinabi n~g isá sa canilá; ibigay mo sa amin ang salapi, at hindî ca na namin babagabaguin. --¡Guinoo!--ang isinamò n~g cúlang palad na babae!--ang aking m~ga anac ay hindî nagnanacaw cahi't madayucdóc; bihasa caming magútom. Hindî nag-uuwî sa akin si Basilio cahi't isang cuarta; halughuguín ninyó ang boong bahay, at cung cayo'y macasumpong cahi't sisicapat man lamang, gawín ninyó sa amin ang bawa't maibigan. ¡Caming m~ga dukhâ ay hindî magnanacaw! --Cung gayón--ang ipinagpatuloy n~g sundálo n~g madálang na pananalitâ, at canyáng tinititigan ang m~ga matá ni Sisa,--icáw ay sumáma sa amin; pagsisicapan na n~g iyóng m~ga anác na humarap at isísipót ang salaping ninacaw: ¡Sumama ca sa amin! --¿Acó? ¿sumama acó sa inyó?--ang ibinulóng n~g babae na umudlót at minamasdan n~g boong pagcagulat ang m~ga pananamít n~g sundalo. --¿At bakit hindî? --¡Ah! ¡mahabág cayó sa akin!--ang ipinamanhíc na halos lumúluhod.--Totoong acó'y mahírap; walâ acóng guintô ó hiyas man lamang na súcat maialay sa inyó: nacúha na ninyó ang aking tan~ging pag-aarì, ang inahíng manóc na inacala co sanang ipagbili ... dalhín na ninyó ang lahat n~g inyóng masumpong sa aking dampâ; n~guni't ¡pabayaân na ninyó rito acóng pumayapâ; pabayaan na ninyóng mamatay acó rito! --¡Súlong na! kinacailan~gang sumama ca sa amin; at cung aayaw cang sumama n~g sa magalin~gan, icaw ay gagapusin namin. Tuman~gis si Sisa n~g capaitpaitan. Hindî nababagbag ang loob n~g m~ga taong iyón. --¡Ipaubayà man lamang ninyóng acó'y mauna n~g malayô-layô!--ang ipinakiusap n~g maramdaman niyang siya'y tinatangnan n~g boong calupitan at siya'y itinutulac. Naawà ang dalawang sundalo at nag-usap sila n~g marahan. --¡Hala!--ang wíca n~g isá--sa pagca't buhat dito hanggang sa pumasoc tayo sa bayan ay macatátacbo ca, icaw ay lalagay sa pag-itan naming dalawâ. Cung naroroon na tayo, macapagpapauna ca sa amin n~g may m~ga dalawampong hakbang; n~guni't ¡mag-in~gat ca! ¡huwag cang papasoc sa alín mang tindahan at huwag cang hihintô. ¡Hala, lacad na at magmadalî ca! Nawal-ang cabuluhan ang m~ga pagsamò, nawal-ang cabuluhan ang m~ga pan~gan~gatuwiran, hindî pinansin ang m~ga pan~gacò. Sinasabi n~g m~ga sundalong lumalagay na silá sa pan~ganib at malabis n~g totoo ang canilang ipinagcacaloob. Nang malagay na siya sa guitna n~g dalawa'y naramdaman niyang siya'y namámatay n~g hiyâ. Tunay n~ga't walâ sino mang lumalacad sa daan, n~guni't ¿ang hán~gin at ang liwánag n~g áraw? Ang tunay na cahihiya'y nacacakita n~g tumitin~gin sa alin mang dáco. Tinacpán n~g panyô ang mukhâ, at sa paglácad niyáng waláng nakikitang anó man ay tinan~gisan n~g waláng imic ang canyáng pagcaamís. Napagtatalastas niyá ang canyáng cahirapan, nalalaman niyáng sa canyá'y walá sino mang tumitin~gin at sampò n~g canyáng asawa'y hindî siyá ipinagmamalasakit; n~guni't tunay na alám niyáng siya'y ma'y capurihan at kinalulúgdan n~g madlá hanggáng sa horas na iyón; hanggang sa horas na iyó'y canyáng kinaháhabagan yaóng m~ga babaeng nan~gagdáramit n~g catawatawá na pinamámagatan n~g bayang caagulo n~g m~ga sundalo. N~gayó'y tila mandin sa ganáng canyá'y napababâ siyá n~g isáng baytang sa kinálalagyan n~g m~ga babaeng iyón sa hagdanan n~g búhay. Narinig niya ang yabág n~g lácad n~g m~ga cabayo: yaó'y ang m~ga nagdádala n~g m~ga isdâ sa m~ga báyang dáco roon. Guinágawa nilá ang gayóng m~ga paglalacbáy na nagpupulupulutong n~g maliliit ang m~ga lalaki't babae, na nan~gacasacay sa masasamáng cabayo, sa guitnâ n~g dalawáng bákid na nan~gacabítin sa magcábilang taguiliran n~g háyop. Ang ilán sa canilá'y n~g magdaan isáng áraw sa harapán n~g canyáng dampâ ay nan~gagsihin~gî n~g tubig na inumin, at siyá'y hinandugán n~g iláng isdâ. N~gayó'y n~g man~gagdaan silá sa canyáng tabi, sa acálà niyá'y siyá'y tinatahac at guiniguiic, at ang caniláng m~ga tin~gíng may calakip na habág ó pagpapawaláng halagá ay lumálampas sa panyó at tinutudlâ ang canyáng mukhâ. Sa cawacasa'y lumayô ang m~ga maglalacbay at nagbuntóng hinin~gá si Sisa. Inihiwalá niyáng sandalî ang panyô sa canyang mukhâ upang canyáng matingnán cung silá'y maláyò pa sa báyan. May nátitira pang iláng m~ga halígui n~g telégrafo bago dumating sa "bantayan". Cailan ma'y hindî niyá náramdaman ang caunatan n~g gayong láyò, cung dî niyón lamang. Sa tabi n~g daa'y may isáng malagóng cawayanang sa lilim niyó'y nagpapahin~ga siyá n~g unang panahón. Diya'y pinakikiusapan siyá n~g catamistamisan n~g sa canyá'y nan~gin~gibig; tinutulun~gan nito siyá n~g pagdadalá n~g cáhoy at m~ga gúlay; ¡ay! nagdaan ang m~ga áraw na iyóng túlad sa panag-inip; ang nan~gin~gibig ay canyáng naguing asawa, at ang asawa'y inatan~gan n~g catungculang "cabeza de barangay" at n~g magcagayó'y nagpasimula ang casaliwaang pálad n~g pagtawag sa caniláng pintuan. Sa, pagca't nagpapasimulâ ang áraw n~g pag init na totoo, siya'y tinanóng n~g m~ga sundalo cung ibig niyang magpahin~ga. --¡Salamat!--ang canyáng isinagót na nan~gin~gilabot. Datapuwa't n~g totoong siya'y mapuspos n~g malaking pangguiguipuspos ay n~g malapit na siyang dumating sa bayan. Sa malakíng samâ n~g canyáng loob ay siya'y lumín~gap sa magcabicabilâ; malalawac na m~ga paláyan, isáng maliit na sangháng inaagusan n~g tubig na pangdilíg, salupanít na m~ga cáhoy; ¡walâ siyáng makitang isáng ban~gíng pagpatibulirán ó isáng malakí't matigás na batóng paghampasán n~g sariling catawán! Canyáng pinagsisihan ang canyáng pagcasama sa m~ga sundalo hanggáng doon; ¡n~gayó'y pinanghihinayan~gan niyá ang malalim na ilog na tumátacbo sa malapit sa canyáng dampâ, sapagca't ang matataas na m~ga pampan~gin niyao'y nasasabugan n~g m~ga matutulis na buháy na batóng nan~gagháhandog n~g catamistamisang camatayan. N~guni't ang pagcaalaala niyá sa canyáng m~ga anác, sa anác niyáng si Crisping hindî pa niya natatalos n~g sandalíng iyón ang kinasapitan, ang siyáng tumangláw sa canyá n~g gabíng iyón n~g canyáng búhay cayá't canyáng naibulong sa pag-sang-ayon sa marawal na palad: --¡Pagcatapos ... pagcatapos ay mananáhan camí sa guitnâ n~g cagubatan! Pinahíran n~g lúha ang canyáng m~ga matá, pagpílit na tumiwasáy at nagsabi sa m~ga guardia n~g marahang tínig: --¡Na sa bayan na tayo! Hindî mapaglírip ang anyô n~g canyáng pagcápanalitâ; yao'y daing, sisi, hibic, yaó'y dalán~gin, yaón ang pighatíng binuò sa tínig. Sinagót siyá n~g isáng tan~gô n~g m~ga sundalong sa canyá'y naháhabag. Nagmadaling nagpauna si Sisa at pagpílit na mag-anyóng tiwasáy ang loob. Nang sandalíng iyó'y pagpasimulâ ang pagrepique n~g m~ga campana't ipina-aalam ang pagcatapos n~g mísa mayor. Tinulinan ni Sisa ang paglacad, at n~g cung mangyayari'y huwag niyáng macasalubong ang m~ga táong lalabas sa simbahan. Datapuwa't ¡hindî nangyari! waláng nakitang paraan upang maiwasan ang gayóng pagcasalubong. Bumatì n~g masacláp na n~giti sa dalawáng cakilala niyá, na sa canyá'y nag-uusísa sa pamamag-itan n~g tin~gín, at mulâ niyó'y n~g canyáng mailágan ang gayóng m~ga cahirápan n~g loob, tumun~gó siyá at ang lúpang tinutuntun~gan niyá ang canyáng minasdán, at ¡bagay na caguilaguilalas! natitisod siyá sa m~ga bató n~g lansán~gan. Tumiguil n~g sandalî ang m~g táo pagcakita sa canyá, silá-silá'y nan~gag-uusap at sinusundan siyá n~g caniláng títig: nakikita niya ang lahát n~g itó, náraramdaman niya, bagaman siyá'y laguing nacatin~gín sa lúpà. Narin~gig niyá ang voces n~g isáng waláng cahihiyang babae, na nasalicuran niyá at nagtátanong n~g hálos pasigáw: --¿Saan ninyó nahuli ang babaeng itó? ¿At ang salápi? Yaó'y isáng babaeng waláng tápis, dilaw at verde ang sáya at ang báro'y gasang azul; napagkikilala sa canyang pananamít na siyá'y isáng caagulo n~g sundalo. Nacaramdam si Sisa n~g isáng parang tampál: wari'y hinubdán siyá n~g babaeng iyón sa haráp n~g caramíhan. Sandalíng tumungháy upang siyá'y magsáwa sa libác at pag-amís: nakita niyang ang m~ga táo'y maláyò, totoong maláyò sa canyá; gayôn ma'y náramdaman niyá ang calamigán n~g caniláng tin~gin at canyang náririn~gig ang caniláng m~ga bulungbulun~gan. Lumalacad ang abáng babaeng hindî nararamdaman ang pagtungtóng sa lúpa. --¡Uy, dito ca tumún~go!--ang isininigáw sa canya n~g isáng guardia. Tulad sa waláng pag-íisip na nawasac ang nacapagpapagalaw, biglangbiglang ipinihit niyá ang canyáng m~ga paa. At hindî siyá nacakikita n~g anó man, waláng anó mang iniisip, siya'y tumacbo at nagtágò; nakita niyá ang isáng pintuang may isáng sundalong bantáy, nag-acála siyang pumasoc doon; n~guni't siya'y inilihís sa canyang paglacad n~g isá pang voces na lalò pa manding mabalasíc. Tinunutón niya ang pinanggalin~gan n~g voces, na humáhacbang siyáng halos masun~gabà sa panglulupaypáy; naramdaman niyang siya'y itinutulac sa licuran, siya'y pumikit, humacbáng n~g dalawá at sa pagca't kinúlang siya n~g lacás, nagpacálugmóc na siyá sa lúpà, paluhód muna at paupô pagcatápos. Isang pagtán~gis na waláng lúha, walang sigáw, walang hibíc, ang siyang sa canya'y nagpapacatal. Yáón ang cuartel: doo'y may m~ga sundalo, m~ga babae, m~ga baboy at m~ga inahíng manóc. Nan~gagsisipanahî n~g canicanilang m~ga damít ang ibáng m~ga sundálo, samantalang nacahiga sa bangcô ang canilang m~ga caagulong babae, na ang híta n~g lalaki ang inuunan, nan~gaghihithiitan n~g tabaco ó cigarrillo at minámasdang ang bubun~gang nan~gayáyamot sa búhay: Tumutulong namán ang m~ga ibáng babae sa paglilinis n~g damit n~g m~ga sandata at iba pa, at inaaguing-íng ang m~ga mahahalay na awit. --¡Tila mandin nacatacas ang m~ga sisiw! ¿Ang inahíng manóc lamang ang inyong dalá?--anang isang babae sa m~ga sundalong bagong dating; na hindî napagsi siyasat cung ang sabi niya'y dahil cay Sisa ó sa inahíng manóc na nagpapatuloy n~g piniyácpiyác. --¡Siya n~ga namán! cailan ma'y mahalagá ang inahíng manóc cay sa sisiw--ang isinagot niyá sa canyá ring tanong, n~g makita niyáng hindî umiimic ang m~ga sundalo. --¿Saan naroon ang sargento?--ang tanóng na may anyóng samâ ang loob n~g isá sa m~ga guardîa cívil--¿Nagbigay sabi na bâ sa alferez? M~ga kibit n~g balícat ang siyáng sa canya'y sagót n~g nan~garoon, sino ma'y walang nagmamalasakit n~g camuntî man lamang tungcól sa calagayan n~g abáng babáe. Dalawáng horas ang itinagal doon ni Sisa, sa isáng anyóng halos ay hibáng, nacauncót sa isáng súloc, nacatágo ang ûlo sa m~ga camay, gusót at gusamót ang buhóc. Natanto n~g alférez ang padakip na iyon n~g pagcatanhaling tapát, at ang únang guinawâ niyá'y ang huwag paniwalâan ang sumbóng n~g cura. --¡Bah! ¡iya'y m~ga caul-ulan lamang n~g curipot na fraile!--anyá, at ipinag-utos na alpasán ang babae, at sino ma'y huwag n~g makialam n~g bagay na iyon. --¡Cung ibig niyáng másumpong ang sa canyá'y nawalâ--ang idinugtong--hin~gin niya sa canyáng San Antonio ó magsacdál cayà siya sa nuncio! ¡Iyan! Dahil sa mangyaring ito, si Sisa'y pinalayas sa cuartel na halos ipinagtutulacan, sa pagca't aayaw siyang cumílos. Nang mákita ni Sisang siya'y sumasaguitna n~g daan lumacad na siyáng dî alam ang guinágawa, at tumún~go sa canyang báhay, nagmámadalî, walang anó mang takip ang úlo at ang tinititiga'y ang maláyong tan-awin. Nagninin~gas ang araw sa taluctóc n~g lan~git at walang anó mang alapaap na nacacucublí sa maningníng niyang cabilugan; bahagyâ na pinagágalaw n~g han~gin ang dáhon n~g m~ga cahoy; hálos tuyô na ang m~ga daan; waláng man~gahas cahi't isang ibon man lamang na iwan ang lilim n~g m~ga san~gá. Sa cawacasa'y dumating din si Sisa sa canyang maliit na bahay. Pumásoc siyá roong pipí, hindî umiimic, nilibot ang cabahayan, umalís, nagpalacadlacad sa magcabicabila. Tumacbó, pagcatapos sa bahay ni matandang Tasio, tumáwag sa pintuan; n~guni't walâ roon ang matandà. Bumalic sa canyáng báhay ang culang palad at nagpasimulâ n~g pagtáwag n~g pasigáw: ¡Basilio! ¡Crispín! at maya't maya'y humihinto at nakikinig n~g mainam. Inuulit n~g alin~gan~gaw ang canyáng voces: ang matimyas na lagaslas n~g tubig sa calapit na ílog, ang música n~g m~ga dahon n~g m~ga cawayan; itó ang tan~ging m~ga voces n~g pag-iisa. Mulíng tumatawag, umaacyá't sa isáng mataas na lúpa, lumulusong sa isang ban~gin, nananaog sa ilog; nagpapalín~gaplin~gap ang canyáng m~ga matáng may anyóng maban~gis; ang m~ga matá ring iyo'y manacanacang nag-aalab n~g mainam, pagcatapos ay nagdídilim, tulad sa lan~git cung gabíng sumísigwa: masasabing namímisic ang liwanag n~g pag-iísip at malapit n~g magdilím. [Larawan: ¡Nasirà ang isip ni Sisa! ¡Higuít ang calungcutan n~g canyang hinibíc-hibíc cay sa capanglaw-panglawang náririnig na m~ga daíng cung gabíng n~gitn~git n~g dilím at umaatun~gal ang lacás n~g unós!] Mulíng pumanhíc sa canyáng maliit na báhay, naupô sa baníg na caniláng hinig-án n~g nagdaang gabí, itinungháy ang m~ga matá at nakita niyá ang capirasong napunit sa bárò ni Basilio sa dúlo n~g isáng cawayan n~g dingding, na na sa tabí n~g ban~gin. Nagtinding, kinuha ang pilas na damit na iyon at pinagmasdan sa ínit n~g áraw: may m~ga bahid, na dugò. Datapwa't marahil hindî nakita ni Sisa ang gayong m~ga bahid, sa pagca't nanaog at ipinagpatuloy ang pagsisiyasat sa pílas, sa guitnâ n~g nacasusunog na ínit n~g araw, na canyáng itinataas, at sa pagca't tila mandin ang tin~gin niya'y madilím na lahát, tinitigan niyá n~g paharap ang araw n~g dilát na dilát. Nagpatúloy rin siya n~g pagpapalacadlacad sa magcabicabilá, na sumísigaw ó umaatun~gal n~g cacaibang tunóg; marahil siya'y catatacutan cung sa canya'y may macarinig; may isáng tínig ang canyáng voces na hindî caraniwang manggaling sa lalamunan n~g táo. Sa boong gabí, pagca umaatun~gal ang unós, at lumilipad ang han~gin n~g calaguimlaguim na catulinan, at ipinagtatabuyan n~g canyáng hindî nakikitang m~ga pacpac ang isáng hucbóng m~ga aninong sa canyá'y humahagad, cung sacali't cayo'y na sa isáng báhay na guibâ at nag-íisa, at nacacarinig cayó n~g m~ga cacaibang daing, m~ga cacaibang buntóng-hinin~gáng ipinalálagay ninyóng yaó'y ang hilahis n~g hihip n~g han~gin sa pagtámà sa matataas na m~ga torre ó siráng m~ga pader, datapuwa't sa inyó'y pumupuspos n~g tacot at sa inyó'y nagpapakilabot na hindî ninyó mapiguilan; talastasin n~gâ ninyóng higuit ang lungcót n~g tínig n~g ináng iyón, cay sa hindî mapaglírip na m~ga hibíc sa m~ga gabíng madilím pagcâ umaatun~gal ang unós. Sa gayóng calagaya'y inábot si Sisa n~g gabí. Pinagcalooban siyá marahil n~g Lán~git n~g iláng horas na pagcacatulog, at samantalang siya'y nahihimbing, hinilahihisan n~g pacpác n~g isang ángel ang namumutlâ niyáng mukhâ, upang macatcát sa canyá ang alaala, na waláng ibáng tinátaglay cung dî pawang capighatîan; marahil hindî cásiyang macáya n~g mahinang lacás n~g táo ang gayóng caraming m~ga pagcacasákit, caya't n~g magcágayo'y na mag-itan marahil ang Inang-Talagá n~g Dios na tagláy ang canyang matimyás na pangpagaang n~g hírap, ang pagcalimot; datapuwat sa papaano man, ang catotohana'y n~g kinabucasan, si Sisa'y nagpapalacádlácad na nacan~gitî, nag-aawit ó cung hindî nakikipag-usap sa lahát n~g m~ga may búhay na kinapál. =XXII.= =MANGA ILAW AT MGA DILIM= Nacaraan ang tatlóng áraw mulâ n~g mangyari ang m~ga bagay na aming sinaysay. Guinamit n~g bayan n~g San Diego ang tatlong araw na ito, na casama ang m~ga gabí sa paghahanda n~g fiesta at sa m~ga salitaan, casabay ang m~ga pag-uupasálà. Samantalang caniláng nilalasap-lasap na ang m~ga mangyayaring m~ga casayahan, pinipintasan n~g ibá ang gobernadorcillo, ang ibá namá'y ang teniente mayor, at ang ibá'y ang m~ga batà, at hindî nawawalan n~g binibigyang casalanan n~g lahát ang lahát. Pinag-uusap-usapan ang pagdating ni María Clara, na casama n~g tía Isabel. Sila'y nan~gatutúwâ sa gayong pagdatíng, palibhasa'y caniláng kinalúlugdan siyá, at casabáy n~g caniláng malaking pangguiguilalás sa canyáng cagandahan, ang canilá namáng pagtatacá sa m~ga pagbabagobago n~g caugalian ni pári Salví.--"Madalás na siyá'y natitigagal at anaki'y nakalilimot samantalang nagmimisa; hindi na lubháng nakikipagsalitaan sa amin, at kitangkita ang canyang pagyayat at ang canyáng pagcawaláng catiwasayan n~g loob,"--ang sabihan n~g m~ga nagcucumpisal sa canyá. Namamasid n~g "cocinerong" siya'y namamayat n~g namamayat, at dumaraing n~g dî pagpapaunlac sa canyáng m~ga inilulutong pagcain. N~guni't ang lalong nacapagpapaalab n~g m~ga bulong-bulun~ga'y ang canilang namamasdang mahiguít sa dalawáng ilaw sa convento cung gabí, samantalang si párì Salví'y dumadalaw sa isang bahay n~g mámamayan ... ¡sa báhay ni María Clara! ¡Nan~gagcucruz ang m~ga mápagbanal, n~guni't ipinatutuloy nila ang pagbubulong-bulun~gan. Tumelégrama si Juan Crisóstomo Ibarra buhat sa pan~gulong bayan n~g lalawigan, na bumabati siyá cay tía Isabel at sa pamangkin nito; n~guni't hindî ipinaliliwanag cung bakit walâ siyá roon. Ang acálà n~g marami siya'y nabibilango dahil sa ginawâ niya cay parì Salví n~g hapon n~g araw n~g "Todos los Santos". Datapuwa't lalò n~g lumakí ang m~ga usap-usapan n~g makita nila n~g hapon n~g icatlóng araw na lumúlunsad si Ibarra sa isang coche, sa harapan n~g munting bahay na tinitirahan n~g dalagang canyang maguiguing asawa, at bumabati n~g boong pitagan sa fraile, na tumutun~go rin sa bahay na iyón. Sino ma'y walang nacacagunitâ cay Sisa at sa canyang m~ga anac. Cung pumaroon tayo n~gayón sa bahay ni María Clara, isang magandang púgad na na sa guitna n~g m~ga dalandan at ilang-ilang, mararatnan pa natin ang binata't dalagang capuwâ nacasun~gaw sa isang bintana sa dacong dagatan. Lumililim sa bintanang iyon ang m~ga bulaclac at m~ga halamang gumagapang sa m~ga cawayan at sa m~ga cawad, na pawang nan~gagsasabog n~g pihícang ban~go. Bumubulong ang canilang m~ga labi n~g m~ga salitang higuit ang cagandahang dingguín cay sa halishísan n~g m~ga damó, at lalong mahalimuyac cay sa han~ging may taglay na ban~gong handog n~g m~ga bulaclac halamanan. Sinasamantala n~g m~ga "sirena" sa dagatan ang pag-aagaw-dilím n~g oras na iyon n~g matúling pagtatakíp-sílim n~g hapon, upang isun~gaw sa ibabaw n~g m~ga alon ang canilang masasayáng maliliit na úlo at pangguilalasan at bumatì n~g canilang m~ga awit sa araw na naghihin~galô. M~ga azúl daw ang canilang m~ga mata at ang canilang m~ga buhóc; na sila'y may m~ga pútong na coronang halaman sa tubig na may m~ga bulaclac na mapuputi't mapupula; manacanacâ raw ipinamamalas n~g m~ga bulâ ang canilang parang linalic na catawang higuit sa bulâ ang caputian at cung ganap n~g gabi'y canilang pinasisimulaan ang canilang m~ga calugodlugod na paglalarô, at canilang ipinarírinig ang m~ga tinig na talinghagang tulad sa m~ga arpa sa lan~git; sa bihanan din namang ...; n~guni't pagbalican natin ang ating m~ga kinabataan pakinggan natin ang wacas n~g canilang salitaan. Sinasabi ni Ibarra cay María Clara: --Búcas, bago magbucáng liwayway, magáganap ang han~gád mo. Iháhandâ cong lahát n~gayóng gabí at n~g huwag magculang n~g anó man. --Cung gayó'y susulat acó sa aking m~ga caibigang babae at n~g man~gagsiparito. ¡Gawín mo ang bagay na itó sa isang parang howag sanang macasunód ang cura! --At ¿bakit? --Sa pagca't tila mandin acó'y binábantayan niyá. Nacasásamâ sa ákin ang canyáng m~ga matang malalálim at malulungcót, pagca itinititig niya sa akin ay acó'y natatacot. Pagcâ acó'y kinacausap niyá, siya'y may isáng voces na ... sinasabi sa akin ang m~ga bagay na totoong cacaiba, na hindî mapaglirip, na totoong cacatuwâ ... minsa'y itínanóng niya sa akin cung hindî co nananag-ínip n~g tungcól sa m~ga súlat n~g nanay; sa aking acala'y halos nasisíra ang canyang baít. Sinasabi sa akin n~g caibigan cong si Sinang at saca ni Andeng na aking capatíd sa gatas, na siya'y may pagcaculang-culang ang ísip. ¡Gawín mo sana n~g paraang siya'y howag pumarito! --Hindî maaaring siya'y hindî natin anyayahan--ang sagot ni Ibarrang nag-iisip-ísip.--Catungculang atang ito n~g caugalian n~g bayan; siya'y nasa bahay mo at bucod sa rito'y nag-ugaling mahal siya sa akin. Nag magtanóng sa canya ang Alcalde tungcól sa bagay na sinabi co na sa iyó, walang sinabi siya cung dî pawáng m~ga pagpuri sa akin, at hindi nag-acalang maglagay n~g cahit caunting hadlang man lamang. N~guni't namamasid cong icaw ay namúmuhî; howag cang manimdím at hindî macasasama siya sa atin sa bangcâ. Narinig ang marahang lacad; yao'y ang curang lumalapit na taglay ang n~gitíng pilit. --¡Maguinaw ang han~gin!--anyá;--pagcâ nacacáhaguíp n~g isáng sipón, ay hindî bumíbitiw cung dî dumatíng ang tag-ínit. ¿Hindî ba cayó nan~gan~ganib na baca cayó'y malamigan? Nan~gan~gatal ang voces niyá at sa maláyò ang canyáng tanáw: hindî siyá tumitin~gin sa binata't dalága. --¡Tumbalíc; ang pakiramdám namin ay caayaaya ang gabi at masarap ang hán~gin. Itó ang pinacá "otoño" at "primavera"[256] namin, nanlálaglag ang iláng m~ga dahon, datapuwa't laguing sumisilang ang m~ga bulaclac. Nagbuntóng hinin~gá si párì Salví. --Ipinalálagay cong carikitdikitan ang pagcacálangcap n~g dalawáng bahaguing itó n~g taóng hindî nangguíguitnâ, ang "invierno" (tagguinaw)--ang ipinagpatuloy ni Ibara.--Sisilang, pagdating n~g Febrero, ang m~ga bagong san~ga n~g m~ga cahoy at pagdating n~g Marzo'y may m~ga bun~gang hinog na tayo. Pagdating n~g m~ga buwang tag-init ay paparoon cami sa ibang daco. N~gumitî si Fray Salví. Nagpasimulâ sila n~g pagsasalitaan n~g m~ga bagay-bagay na walang cabuluhan, n~g nauucol sa panahón, sa bayan at sa dárating na fiesta; humanap si María Clara n~g dahilán at umalís. --At yamang m~ga fiesta ang ating m~ga pinag-uusapan, itulot pô ninyóng cayo'y anyayahan co sa gagawin namin búcas. Ito'y isáng fiestang búkid na aming iaalay sa aming m~ga caibigan at iniaalay namán nilá sa amin. --At ¿saan pô ba gagawin? --Ibig n~g m~ga cabataang gawín sa bátis sa umaagos sa malapit ditong gubat at na sa tabi n~g balítì: cayâ magban~gon tayo n~g maaga at n~g huwag táyong abútin n~g áraw. Nag-ísip-ísip ang fraile, at dî nalaon at sumagót: --Mápanucsong totoo ang anyáya at aco'y napahihinuhod, upang sa inyo'y patotohanang hindî po acó nagtátanim sa inyó. Datapuwa't kinakailan~gang dumaló roon pagcatapos na aking maganáp ang aking m~ga catungculan. ¡Cayó'y mapálad, sa pagca't may calayâan, lubos na may calayâan! Nang macaraan ang iláng sandalî ay nagpaalam si Ibarra upang pan~gasiwâan ang paghahandâ n~g fiesta sa kinabucasan. Madilím na ang gabí. Lumapit sa canyá sa daan ang isáng sa canya'y naghandóg n~g boong paggálang. --¿Sino pô bâ cayó?--ang sa canya'y tanóng ni Ibarra. --Hindî pô ninyó alam, guinoo, ang aking pan~galan,--ang sagót n~g hindî kilalá.--Dalawáng áraw na pong hinihintay co cayó. --¿At bakit? --Sa pagca't sa alin mang daco'y hindî acó kinahabagán, palibhasa'y acó raw po'y tulisán, guinoo ¡Datapuwa't nawalan acó n~g m~ga anác, sirâ ang isip n~g aking asawâ, at ang sabihan n~g lahát ay carapatdapat acó sa nangyayarî sa akin! Madaling pinagmasdán ni Ibarra ang taong iyón, at tumanóng: --¿At anó bâ ang íbig ninyó n~gayon? --¡Ipagmacaáwa co po sa inyó ang aking asawa at ang aking m~ga anác! --Hindî acó macatiguil,--ang sagot ni Ibarra. Cung íbig po ninyóng sumunód sa akin, habang tayo'y lumalacad ay masasabi ninyó ang sa inyó'y nangyayari. Napasalamat ang tao at pagdaca'y nan~gawalâ silá sa guitnâ n~g cadilimán n~g m~ga daang bahagyâ na may ílaw. TALABABA: [256] Tinatawag n~g m~ga castilang "otoño" ang panahóng sumusunod sa "verano" ó tag-araw at tinatawag nilang "primavera" ang panahóng sumusunod sa "invierno" ó tagguináw. =XXIII.= =ANG PANGIGISDA= Numíningning pa ang m~ga bituin sa lan~git "zafir",[257] at nan~gagugulaylay pa ang m~ga ibon sa m~ga san~gá n~g cahoy, ay nan~gaglilibot na sa m~ga lansan~gan n~g bayang ang tun~go'y sa dagatan, ang isang masayáng cawang naliliwanagan n~g nacagagálac na liwanag n~g m~ga huepe. Silá'y limáng m~ga batang dalagang nan~gagmámadalî n~g paglacad, na nagcacacapitcapit ó nacayacap cayá sa bayawang n~g calapít, na iláng matandang babae ang sumúsunod at saca iláng m~ga babaeng alilang sunong n~g calugodlugod na anyô ang m~ga bácol na punô n~g m~ga báon; m~ga pinggán at iba pa. Pagcakita sa caniláng m~ga mukháng ang cabatáa'y tumatawa at ang pag ása'y maníningning; sa panonood n~g linipadlipad n~g caniláng malalagò't maiitim na buhóc at malalapad na cunót n~g canilang m~ga damít, marahil ipalagáy nating silá'y m~ga diosa n~g gabí, cung dî sana talastás nating silá'y si María Clara na casama ang canyáng ápat na caibigan: ang masayáng si Sinang na canyáng pinsan, ang hindî makíbuing si Victoria, ang magandáng si Iday at ang mahinhing si Neneng na matimtiman at kimî ang cagandahan. Nan~gagsasalitaan n~g boong ligaya, nan~gagtatawanan, nan~gagcucurutan, nan~gag-aanasan at pacatapos naghahalakhacan. --¡Guiguisin~gin ninyó ang taong natutulog pa!--ang ipinagwiwicà sa canilá ni tía Isabel;--n~g cabataan namin ay hindî camí nagcacain~gay n~g ganyán. --¡Marahil hindî namán cayó gumiguising n~g maagang gaya namin, at marahil hindî namán nápacamatuluguín ang m~ga matatanda!--ang panagót n~g maliit na si Sinang. Sandaling hindî silá nan~gagsásalitâ, pinagpipilitan cayâ nilang magsalitâ n~g marahahan; n~guni't hindî nalalao't nan~gacalilimot, nan~gagtatawanan, at pinúpunô ang daan n~g caniláng m~ga bátà at sariwang tínig. --Conowarì magtampó ca; huwág mo siyáng causapin!--ang sabi ni Sinang cay María Clara;--cagalitan mo siyá at n~g huwág mamihasa sa casam-an n~g ásal. --¡Howag mo pacahigpít namán!--ani Iday, --¡Magmahigpít ca, howag cang haling! Dapat magmasunurin ang nan~gin~gibig samantalang nan~gin~gibig; sa pagca't cung asawa na'y gagawin ang bawa't maibigan niya!--ang hatol n~g maliit na si Sinang. --¿Anó ang kinalaman mo niyan, bátà?--ang ipinagwíca n~g canyáng pinsang si Victoria. --¡Ssst! ¡huwag cayóng main~gay at dumarating silá! Dumarating n~gâ namán ang isáng pulutóng n~g m~ga binatang nan~gagtátanglaw n~g sigsig. Nan~gagsisilacad siláng hindî umíimic na tinutugtugan n~g isáng guitarra. --¡Tila guitarra n~g pulubi!--ani Sinang na nagtatawa. Nang mag ábot na ang dalawáng pulutóng, ang m~ga babae ay siyáng nag-anyóng hindî makibuin at matimtiman, na pára manding hindî pa silá nacacapag-aral na tumawa; tumbalíc, ang m~ga lalaki namán ang nan~gagsasalitâ, nan~gagsisin~gitî at tumátanong n~g macaanim upang magtamó n~g isáng casagutan. --¿Tahímic bagá cayâ ang dagâtan? ¿Inaacála bagá ninyóng magcacaroon tayo n~g mabuting panahón?--ang tanóng n~g m~ga iná. --¡Huwág pô sana cayóng maligalig, m~ga guinoong babae, mabuti acóng luman~góy!--ang sagót namán n~g isáng binátang payát at matangcád. --¡Dápat sanang tayo'y nagsimbá múna!--ang buntóng-hinin~gá ni tía Isabel na pinagduduop ang camáy. --Nasasapanahón pa, guinoong babae: si Albinong n~g panahón niyá'y naguing "seminarista," macapagmimisa sa bangcâ,--ang isinagót n~g isá, na itinuturò ang binatang payát at matangcád. Si Albinong may pagmumukháng palabirô, n~g márinig na siyá'y binábangguit, nag-anyóng mapanglaw at banál, na anó pa't guinágagad niyá si párì Salví. Bagá ma't hindî nililimot ni Ibarra ang cahinhinán, nakikisalamuhà siyá sa casayahan n~g canyáng m~ga casamahán. Pagdatíng nilá sa pasígan, hindî sinásadyá'y tumácas sa m~ga lábi n~g m~ga babae ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at catowâan. Doo'y caniláng nakita ang dalawáng bangcáng nagcacácabit, na mainam ang pagcacágayac n~g m~ga pinagtuhóg-túhog na m~ga bulaclác at m~ga dahon, casama n~g m~ga sarisaring cúlay na m~ga damít na pinacumbô: nacasabit sa bagong lagáy na bubóng n~g sasacyáng iyón ang m~ga maliliit na farol na papel, na may m~ga casal-ít na m~ga rosas at m~ga clavel, m~ga bun~gang halamang gáya n~g pinyá, casúy, saguing, bayabas, lanzones at ibá pa. Dinalá roón ni Ibarra ang canyáng alfombra, m~ga maririkit na panábing at m~ga cogín at ang lahát n~g itó'y siyáng guinawang upuang maguinháwa n~g m~ga babae. Napapamutihan din ang m~ga tikín at m~ga sagwán. Sa isáng bangcáng lalong marikit ang pagcacágayac ay may isáng arpa, m~ga guitarra, m~ga acordeón at isáng sun~gay n~g calabaw; sa isáng bangcâ nama'y nagninin~gas ang m~ga caláng lúpà at doo'y iniháhandâ ang chá, café at salabát na gágawing agáhan. --¡Dito ang m~ga babae, diyán ang m~ga lalaki!--ang sabi n~g m~ga iná paglulan nilá sa bangcâ.--¡Man~gátali cayó! ¡Howag sana cayóng lubháng magaláw at málulubog tayo! --¡Man~gagcruz muna cayó!--ang sabi ni tía Isabel na nagcucruz. --¿At tayo ba'y man~gag-íisa lamang dito?--ang tanóng ni Sínang, na pinasásama ang mukhâ--¿Tayo ba lamang ...? ¡Aráy! Ang cadahilanan n~g "¡aráy!" na itó'y gawâ n~g isáng curót na sa capanahuna'y ibinigáy cay Sínang n~g canyáng iná. Lumálayong untîuntî ang m~ga bangcâ sa pasigan at naaanino ang iláw n~g m~ga farol sa salamín n~g dagatang waláng caalon-alon. Sa silan~gana'y sumusun~gaw ang m~ga unang cúlay n~g liwayway. Naghaharì ang malakíng catahimican; ang m~ga binata't dalagang nagcacabucod-bucod, ayon sa calooban n~g m~ga ina'y tila nan~gaggugunamgunam. --¡Mag-in~gat ca!--ani Albinong seminarista n~g sabing malacás sa isáng capuwà binátà;--yapacan mong magaling ang m~ga bunót na pangsicsíc na na sa ilalim n~g iyóng paa. --¿Bakit? --Sa pagca't maaaring mabunglós at pumasoc ang túbig; maraming bútas ang bangcáng itó. --¡Ay, at tayo'y lumúlubog!--ang sigawan n~g m~ga babaeng malakí ang gulat. --¡Huwág cayóng mabahála, m~ga guinoong babae!--ang pangpayapang sa canila'y sinabi n~g seminarista. Ang bangcáng iyá'y hindî maáano; waláng bûtas cung dî lílima lamang, na hindî naman totoong malalakí. --¡Limáng bútas! ¡Jesús! ¿At ibig ba ninyóng lunurin camí?--ang sigawan n~g m~ga babaeng nan~gatatacot. --¡Walâ pô namán cung dî lílima, m~ga guinoong babae, at ganyán calaki lamang!--ang patibay na sabi n~g seminarista, at sa canilá'y itinuturo ang maliit na bílog na gawâ n~g canyang hinlalakí at hintutúró na pinaghúhugpong ang capuwâ dulo. Yapácan ninyóng mabuti ang bunót na sicsíc at n~g hindî mabunglós. --¡Dios co! ¡María Santísima! ¡Pumapasoc na ang tubig!--ang sigaw n~g isáng matandáng babaeng ang pakiramdam niya'y nabábasâ na siyá. Nagcaroon n~g caunting caguluhan, ang iba'y tumitil-î, ang ibá namá'y íbig lumucsó sa túbig. --¡Yapácan ninyóng magaling ang bunót diyan!--ang patuloy na sigáw ni Albino, at canyang itinuturò ang dácong kinalalagyán n~g m~ga dalaga. --¿Saan? ¿saan? ¡Dios! ¡Hindî namin nalalaman! ¡Parang áwa na ninyó, cayo'y pumarini't hindî namin nalalaman!--ang pamanhíc n~g matatacutíng m~ga babae. Kinailan~gang lumipat ang iláng bagongtáo sa cabiláng bangcâ upang papanataguin ang loob n~g m~ga natatacot na m~ga iná. ¡Laking pagcacátaon! Tila mandin may isáng pan~ganib sa tabí n~g bawa't dalaga. Walâ cahi't isáng nacapagbibigay pan~ganib na bútas sa tabí n~g lahat n~g matatandang babae. ¡At lalo pa manding malakíng pagcacátaon! Umupô si Ibarra sa tabí ni María Clara; naupo si Albino sa tabi ni Victoria at ibá pa. Mulíng naghárì ang catahimican sa cabilugan n~g mapag-in~gat na m~ga iná. Datapuwa't hindî sa limpî n~g m~ga dalaga. Sa pagca't hindî gumágalaw n~g camuntî man lamang ang tubig, hindî nálalayô ang m~ga baclád at sacâ totoo pang maaga, pinagcayarîang bitiwan ang m~ga gaod at man~gag-agáhan ang lahat. Pinatay ang ílaw n~g m~ga farol, sapagca't nililiwanagan na ang alang-alang n~g liwaywáy. --¡Waláng casinggalíng n~g salabát cung inumín cung umaga bago magsimbá!--ani capitana Tikâ na iná n~g masayáng si Sinang;--uminom pô cayó n~g salabát na may cahalong puto, Albino, at makikita ninyóng hangang sa sisipaguin pa cayóng magdasál. --Iyán n~ga pô ang guinagawâ co--ang sagot naman nito;--caya't ibig co na tulóy magcumpisál. --¡Huwag!--ani Sinang,--uminôm cayó n~g caféng nacapagpápasayá n~g calooban. --N~gayón din, sa pagca't ganacacaramdam na acó n~g calungcutan. --¡Huwag cayóng uminòm niyán--ang paalaala ni tía Isabel;--uminóm cayó n~g chá at cumain cayó n~g galletas; nacapagpapatahímic daw n~g ísip ang chá. --¡Iinom din acó n~g chá at cacain acó n~g galletas!--ang sagót n~g mapagbigay loob na seminarista--ang cabutiha'y hindî catolicismo ang alín man sa m~ga inumíng iyán. --N~guni't ¿mangyayari ba ninyóng ...? ang tanóng ni Victoria. --¿Cung macaíinóm namán acó n~g chocolate? ¡Mangyayari rin! Huwag lámang na mapacalaon bago mananghalîan.... Maganda ang umaga: nagpapasimulâ na n~g pagtinggád ang túbig, at sa liwanag na nanggagaling sa lan~git at sa sinag na sa tubig nagmúmulâ, ang nangyayari'y isáng caliwanagang tumátanglaw sa m~ga bagaybagay, na halos hindî nagcacaanino, isáng maningning at malamíg na liwanag, na nahahaluan n~g m~ga culay na ating napagwawari sa m~ga tan~ging pintura tungcol sa dagat. Hálos nan~gagagalac ang lahát, sinasanghod nilá ang mahínang amíhang untîunting napupucaw; sampóng ang m~ga ináng puspós sa paninimdim at m~ga pagpapaalaala'y nan~gagtatawanan at nan~gagbìbiruan silasilá. --¿Natátandaan mo bâ? anang isá cay capitana Ticâ--¿natátandaan mo bâ n~g tayo'y nan~galiligo sa ilog n~g panahóng dalaga pa tayo? Di caguinsaguinsa'y dumárating na dalá n~g agos ang malilit na bancang úpac n~g saguing, na may lúlang iba't ibang bun~gang halámang nan~gásasalansan sa ibabaw n~g m~ga mababan~gong bulaclac. Bawa't isa sa m~ga bangcâ ay may maliliit na banderang kinasusulatan n~g ating canicanyang pan~galan.... --¿At cung bumábalic na tayo sa báhay?--ang isinalabat namán n~g isá, na hindî nagpabayang macatapos ang nagsásalitâ; náraratnan nating wasác ang m~ga tuláy na cawayan, at pagcacagayo'y napipilitan táyong tumawíd sa ílat ... ¡ang m~ga tampalasan! --¡Siya n~gâ--ani capitana Ticâ;--datapuwa't iniibig co pang mabasâ ang laylayan n~g aking sáya cay sa ipakita ang aking paa: nalalaman co n~g may m~ga matáng nagmámasid na nagtatago sa m~ga damuhán sa pampáng. Nan~gagkikindatan at nan~gagn~gin~gitîan ang m~ga dalagang nacacárinig n~g m~ga bagay na ito: hindî pumapansin ang m~ga ibá, sa pagca't may saríli namán siláng m~ga pinag-uusapan. Isá lámang táo, ang gumáganap n~g pagcapiloto, ang nananatili sa hindî pag-imíc at hindî nakikisama sa gayóng m~ga pagcacatuwâ. Siya'y isáng binatang napagkikilalang malacás sa canyáng pan~gan~gatawan, m~ga camay at paa, at may pagmumukháng nacacaakit n~g pagmamasid dahil, sa canyáng mapanglaw na malalakíng mata at mainam na tabas n~g canyang m~ga labì. Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ. Hindî miminsang nasubucan ang táong itó ni María Clarang siyá'y pinagmámasdan: cung nagcacágayo'y dalidaling tumítin~gin siyá sa ibáng dáco at tumátanaw sa maláyò, sa bundóc, sa pampáng. Nahabág ang dalaga sa canyáng pag-íisa, cayá't cumúha n~g iláng galleta at sacá inialay. Tiningnán siyá n~g pilotong wari'y nagtátaca; n~guni't sandalíng sandalî lámang tumagál ang gayóng tin~gin: nuha n~g isáng galleta, at napasalamat sa maiclíng salitâ na bahagyâ na mawatasan sa cahinâan n~g voces. At sino ma'y hindî na mulíng naalaala siyá. Hindî nacapagpapacunót n~g alín mang bahagui n~g canyáng mukhâ ang masasayáng tawanan at m~ga birûan n~g m~ga binata't dalaga; hindî nacapagpapan~gitî sa canyáng matatawaníng si Sínang, na napipilitang sumandalíng icucót ang kílay cung tumátanggap n~g m~ga curót, upang manag-úlì sa dating casayahan. Ipinagpatuloy ang caniláng pagparoon sa m~ga baclád, pagcatapos na macapagagahan. Dalawá ang baclád na iyóng nátatayô sa catatagáng pagcacáalayô, at capuwâ pag-aarî ni capitang Tiago. Natatanaw buhat sa maláyò ang iláng tagác na nacadápò sa ibabaw n~g m~ga dúlo n~g m~ga cawayang tólos, na ang anyó'y nagsisipanood, samantalang nan~gagliliparang ang tun~go'y sa iba't ibáng dáco ang m~ga "kalaway" na hinihilahisan n~g caniláng m~ga pacpác ang dacong ibabaw n~g dagatan at pinúpuspos ang impapawid n~g caniláng m~ga húning nanunuot sa tain~ga. Sinundán n~g tin~gín ni María Clara ang m~ga tagác, na n~g málapit ang bangcâ ay nagliparang ang tun~go'y sa calapít na bundóc. --¿Nan~gagpupugad ba ang m~ga ibóng iyan sa bundóc? ang tanóng ni María Clara sa piloto. --Marahil pô, guinoo,--ang isinagót--n~guni't sino ma'y walâ pang nacacakita n~g m~ga pugad na iyan. --¿Walâ bang pugad ang m~ga ibong iyan? --Inacalà cong silá'y may pugád, sa pagca't cung hindî totoong culang-pálad silá. Nahiwatigan nî María Clara ang malungcót na pan~gun~gusap n~g piloto n~g gayóng m~ga salitâ. --¿Cung gayo'y paano? --Hindî raw, po, guinoo, nakikita ang m~ga pugad n~g m~ga ibong iyan, at taglay namán ang bísà na huwag makita ang may dalá n~g púgad n~g "calaway", at túlad sa cálolowang hindî nakikita cung dî sa makínis na salamín n~g m~ga matá; gayon din namáng hindî nakíkita ang m~ga púgad na iyan cung hindî lamang sa salamín n~g tubig. Nag-anyóng nag-iísip-isip si María Clara. Samantala'y dumating silá sa bangcâ; itinálì n~g matandang bangkero ang m~ga sasacyan sa isang tolos na cawayan. --¡Hintay muna!--ani tía Isabel sa anác na lalaki n~g matandang talagang aacyat na sanang dalá ang panáloc,--kinacailan~gang mahandâ muna ang sinigáng at n~g tulóy-tulóy sa sabáw ang m~ga isdâ panggagaling sa tubig. --¡Mabaít na tía Isabel!--ang bigláng sinabi n~g seminarista;--aayaw na susumandalî ma'y damdamín n~g isdâ ang pagcáhiwalay sa tubig. Balitang magalíng na maglútò, baga ma't may malínis na mukhâ, si Andeng na capatid sa gatas ni María Clara. Naghanda n~g húgas-bigas, m~ga camatis at camìas, at tinutulun~gan ó inaabala caya siya n~g iláng marahil nan~gagnanais na sila'y canyang calugdán. Linilinis n~g m~ga dalaga ang m~ga talbós n~g calabaza, hiníhimay ang m~ga patánì at pinapuputolputol ang m~ga paayap n~g casinghahabà n~g cigarrillo. Upang liban~gin ang cainipán n~g m~ga nagmímithing makita cung paano lálabas sa canilang bilangguan ang m~ga isdang buháy at nan~gaggagalawan, kinuha n~g magandang si Iday ang canyang arpa. Hindî lamang mainam tumugtóg si Iday n~g instrumentong itó, cung hindî bucod sa rito'y may magagandang dalírì. Nan~gagpacpacan ang m~ga cabataan, hinagcán siya ni María Clara: ang arda ang siyang instrumentong lalong tinútugtog sa lalawigang iyon at siyang nauucol sa gayóng m~ga sandalî. --¡Cantahin mo, Victoria, "Ang canción n~g Matrimonio"!--ang hinin~gi n~g m~ga iná. Tumutol ang m~ga lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw. "Ang canción n~g Matrimonio'y" isáng magandáng tuláng tagalog na nagsasaysay n~g m~ga cahirapan at m~ga calungcutan n~g matrimonio, na hindî binábangguit ang alìn man sa canyang m~ga catuwaan. Nang magcagayo'y hinin~gî niláng cumantá sí María Clara. --Pawang malulungcot na lahát ang aking m~ga "canción". --¡Hindî cailan~gan! ¡hindî cailan~gan!--ang sabíhan n~g lahát. Hindî na siya napapamanhic; tinangnan ang arpa, tumugtóg n~g isáng "preludio" ó pán~gunahin at cumantang ang voces ay mataguinting, calugodlugod nat agad ang damdamin: ¡Sa sariling Báya'y cátamistamisan Ang lahát n~g horas na nan~gagdaraan, Palibhásà roo'y pawang caibigan Ang lahát n~g abót n~g sícat n~g araw. Pangbuhay na lubós, ang han~ging amihang Lumilipadlipad sa bundóc at parang, Lubháng maligáya sampong camatayan At lalong matimyás ang pagsintang tunay! Nagsisipagsaya sa labing marikit Ang ganáp sa nin~gas at wagás na halík Nang mapag-arugang iná sa pag-íbig Cung siya'y máguising na calong sa dibdib, Tuloy hinahanap maguiliw na bísig Na iniyayacap sa liguid n~g liig At ang m~ga mata'y pagcâ tumititig Pawang n~gumin~gitî sa galác na akit. ¡Yaong camataya'y catamistamisan Pagca nahahandog sa sariling Bayang Ang lahat n~g abot n~g sinag n~g araw Ating cakilala't pawang caibigan: ¡Pangpatay na lubós ang hán~ging amihan Sa sino mang táong waláng maisaysay Na Bayang sariling pinacamamahal, Inang maaruga't isang casintahan! Natápos ang voces, humintô, napipí ang arpa, at gayon ma'y nagsisipanatili sa pakikiníg; sino ma'y waláng pumalacpác. Naramdaman n~g m~ga dalagang napúpúno n~g lúhà ang canilang m~ga matá. Tila mandín nabábagot si Ibarra at ang binatang piloto'y nacatanaw sa maláyò at hindî cumikilos. Dî caguinsaguinsa'y nárinig ang isáng tunóg na nacabíbin~gi; sumigaw ang m~ga babae at tinacpan ang canilang m~ga tain~ga. Yao'y gawà n~g naguíng seminaristang si Albino, na hinihipan n~g boong lacás n~g canyáng lalamunan ang sun~gay n~g calabaw, na "tambúlì" cung tawaguin. Nanag-ulì ang tawanan at ang galak; ang m~ga matang dating punô n~g lúhà ay sumayá. --Datapuwa't ¿cami ba'y bíbin~gihin mo, hereje?--ang sigáw sa canyá ni tia Isabel. --¡Guinoong babae!--ang sagót n~g naguing seminarista n~g boong cataimtiman;--may nárin~gig acóng sinasabing isá raw dukháng trompetero doon sa m~ga pampan~gin n~g Rhin, na nacapag-asawa, sa isáng dalagang mahal at mayaman, dahil sa pagtugtóg n~g trompeta lamang. --¡Tunay n~gâ, ang trompetero sa Sackingen!--ang idinugtóng ni Ibarra, na hindî mangyaring dî makipanayam sa bagong casayahan. --¿Nárinig na ninyo?--ang ipinagpatuloy ni Albino;--cayâ n~gâ ibig cong tingnan cung magcacaroon acó n~g gayón ding capalaran. At mulî na namang hinipan n~g lálò pa mandíng malacás ang matunóg na sun~gay, at sinasadyang ilapít sa m~ga tain~ga n~g m~ga dalagang nagpapakita n~g capanglawan. Sa gayó'y nagcaroon n~gâ n~g caunting caguluhan; siya'y pinahimpíl n~g m~ga iná sa cáhahampas n~g chinelas at cácucurot. --¡Aráy! ¡aráy!--ang sinabi niya, na hinihipò ang canyang m~ga bísig--¡Gaano ang láyong ikinahihiwalay n~g Filipinas sa m~ga pampan~gin n~g Rhin! "¡Oh tempora! ¡oh mores!" Binibigyán ang ibá n~g gantíng-pálà at balabal n~g cahihiyan ang ibiníbigay namán sa ibá. Nan~gagtatawanan na ang lahát sampô ni Victoria, gayón ma'y sinasabi n~g may masasayáng matá na si Sinang cay María Clara n~g sabing marahan: --¡Mapalad icáw! ¡Ay, acó ma'y cacanta rin cung mangyayari sána! Sa cawacasa'y ipinagbigay alám ni Andeng, na nacahandâ na ang sabáw upang matanggáp ang doo'y ilalagay. Nanhíc, n~g magcagayon, ang nagbíbinatâ n~g anác n~g man~gin~gisdâ, sa pabahay n~g baclád, na na sa dácong dulong pinagtatalicupan nitó at doo'y maisusulat ang "Lasciate ogni speranza voi ch'entrate", cung marunong sana at nacacawatas n~g wícang italiano ang m~ga culang pálad na m~ga isdâ: ang pumapasoc sa canilá roo'y hindî lumálabas cung dî n~g mamatay. Yaó'y isáng culóng na may m~ga isáng metro ang lúang, na ang pagcacaanyó'y macatítindig ang isáng táo sa itaas upang buhat doo'y mahaguíp n~g sáloc ang m~ga isdâ at maitaas. --¡Diyán ang tunay na hindî acó mayáyamot na mamingwit!--ang sabi ni Sinang na nan~gín~ginig sa galác. Nan~gagmámasid n~g dî cawásà ang lahát: nakíkinikinita na n~g ibáng nan~gagpapalagan at naglulucsuhan ang m~ga isdâ sa loob n~g lambát n~g panaloc, cumikináng ang caniláng makikintab na caliskís at iba pa. Gayón man, n~g isisilíd n~g binátà ang lambát ay waláng anó mang lumúlucsong isdâ. --Marahil punô,--ang marahang sábi ni Albino; mahiguit n~g limáng araw na hindî pinapandaw. Itinaas n~g man~gin~gisdâ ang sáloc.... ¡ay! cahi't isáng isdâ man lamang ay waláng nacapamuti sa lambát; sa pagcahúlog n~g masaganang patác n~g túbig na liniliwanagan n~g araw ay wari'y nagtátawa n~g mataguintíng. Isáng "¡ah!" n~g pagtatacá, n~g samâ n~g loob, n~g pagcabigô ang tumácas sa m~ga lábì n~g lahát. Inulit n~g binátà ang paglulubog n~g sáloc, at gayón din ang kináhinatnan. --¡Hindî mo nalalaman ang iyóng hánap-búhay!--ang sa canya'y sinabi ni Albino, at umukyábit itó sa pabahay n~g baclád at inagaw ang sáloc sa camá'y n~g binátà--¡Makikita ninyó n~gayón! ¡Andeng, bucsán mo na ang palayóc! Datapuwa't si Albino ma'y hindî nacacaalam: nanatíli sa pagcawaláng lamán ang sáloc. Pinagtawanán siya n~g lahát. --¡Huwág cayóng maín~gay at náririnig cayó n~g m~ga isdâ ay ayaw pahúli!--¡Marahil punít ang lambát na ito! N~guni't waláng casirasirà ang lambat. --Pabayaan mo't acó,--ang sa canya'y sinabi ni Leóng nan~gin~gibig cay Iday. Siniyasat na magalíng nitó ang calagayan n~g baclád, minasdán ang lambát, at n~g matantô na niyáng páwang magalíng ang calagayan ay tumanóng: --¿Talastás ba ninyóng magaling na may limang áraw n~g hindî pinapandaw itó? --¡Totoong nalalaman namin! Niyong áraw na bago mag "Todos los Santos" ang cáhulihulihang pagcápandaw nito. --Cung gayo'y ó encantado ang dagatan ó macacahuli acó n~g cahí't iilán. Inilubog sa tubig ni León ang sáloc; datapuwa't nalarawan sa mukhâ niyá ang panguiguilalas. Sandaling tiningnan niyá n~g waláng imíc ang calapít na bundóc at ipinagpatuloy ang pag paparoo't paríto n~g sáloc sa tubig: pagcatapos ay umanás na hindî inaalis sa tubig ang sáloc: --¡Isang buaya! --¡Isang buaya!--ang caniláng inúlit. Nagpalipatlipat n~g boong tulin sa m~ga bibig ang salitáng iyón, sa guitnà n~g pagcatácot at pagcamanghâ n~g lahát. --¿Anó ang sábi ninyó?--ang itinanong nilá sa canyá. --Ang sábi co'y may isáng buayang nahuli,--ang ipinagmatigas na sabi ni León, sacâ inilubóg sa tubig ang tagdáng cawayan n~g sáloc, at nagpatúloy n~g pagsasalitâ: --¿Naririníg ba ninyó ang tunóg na iyán? Iya'y hindî ang buhan~gin; iyán ang matigás na balát, ang licód n~g buaya. ¡Nakikita ba ninyó ang paggaláw n~g m~ga cawáyan? Iya'y siyá na nagpupumiglás, datapuwa't siya'y nababaluctot; ¡hintay cayó ...! malakí: may isang dangcál hálos ó mahiguit pa ang lápad n~g canyáng catawán. --¿Anó ang marapat gawin?--ang tanun~gan. --¡Hulihin!--ang sabi n~g isáng voces. --¡Jesús! at ¿sino ang huhuli? Sino ma'y waláng humahandóg na sumisid sa calaliman. Ang tubig ay malalim. --¡Dapat na itáli natin siyá sa ating bangcâ at sacâ caladcarin n~g boong pagdiriwang!--ani Sinang.--¡Dapat bang cánin ang m~ga isdáng talagáng cacanin natin! --¡Hindî pa acó nacacakita hanggá n~gayón n~g isáng buayang buháy!--ang ibinulóng ni María Clara. Nagtindig ang piloto, cumuha n~g isáng mahabang lúbit at malicsíng pumanhíc sa pinacabatalán n~g baclad. Ipinagcaloob ni Leóng ang piloto'y siyáng humalili sa canyáng kinalalagyán. Lumucsó ang piloto sa loob n~g pabahay n~g baclád, sa guitnâ n~g pagtatacá at baga man nan~gagsisigawan ang lahat. --¡Dalhin po ninyó ang sundáng na itó!--ang sigáw ni Crisóstomo, at sa canya'y iniaabot ang binunot na isang malapad na sundáng na gawâ sa Toleod. Datapuwa't napaiimbulog na ang libolibong patác, at naghílom na ang túbig n~g boong talinghagà. --¡Jesús, María y José!--ang sigawan n~g m~ga babae.--¡Magcacasacunâ tayo! ¡Jesús, María y José! --Huwág cayóng mabahálà, m~ga guinoong babae,--ang sa canila'y sinabi n~g matandang bangkero,--cung sa lalawiga'y may isáng macagágawâ n~g ganyáng bagay, iyá'y "siyá." --¿Anó ang pan~galan n~g binatang iyán?--ang itinanóng nilá. --Tinatawag namin siyáng si "Piloto": sa m~ga pilotong nakilala co'y siyá ang magalíng sa lahát; ang casam-an lámang ay hindî niyá kinaguiguiliwan ang hánap-búhay na iyán. Ang túbig ay gumágalaw, umáalimpuyó ang túbig: tila mandin may nagbubunô sa ilalim; umuugâ ang baclád. Hindî umíimic ang lahát, pinipiguil ang paghin~gá. Pinípisil ni Ibarra n~g nan~gán~gatal niyang camáy ang puluhan n~g matalas na sundáng. Tila mandin ang pagbubuno'y natapos na. Sumun~gaw sa ibabaw n~g túbig ang úlo n~g binátà, na binátì n~g masayang sigawan: punóng-punô n~g m~ga lúhà ang m~ga matá n~g m~ga babae. Umakyat ang piloto na hawak ang dúlo n~g lúbid, at n~g na sa batalán na'y sacá hínila ang lúbid na iyón. Lumitáw ang buaya: nacátalì ang lubid n~g lambal na pahilís sa líig at sa dacong buntót. Malakíng buaya iyón, na gaya na n~ga n~g ibinalítà na ni León may m~ga pintá, at sa ibabaw n~g canyáng licód ay may sumisibol n~g lúmot, na sa m~ga buaya'y siyáng pinacauban cung bagá sa táo. Umaatun~gal na parang vaca, hinahagkis n~g canyáng buntót ang m~ga dinding n~g baclád, cumacapit doon, at in~ginanán~gan~ga ang canyáng maitim at cagulatgulat na bun~gan~gà na anó pa't ipinakikita ang canyáng mahahabang m~ga pan~gil. Nag-iisa ang piloto sa paghila sa buaya sa ítaas: waláng nacacagunitang sa canyá'y tumúlong. Nang walâ na sa túbig at n~g mailagáy na sa ibabaw n~g batalán, tinapacan n~g piloto ang buaya n~g canyáng paa; tinícom n~g canyáng malacás na camáy ang pagcálalaking m~ga pan~gá, at binantang talían ang n~gúsò n~g matibay na gápos. Tinicmán n~g buaya ang hulíng pagpipiglás, ibinalantóc ang catawá't sacâ ipinálò sa batalán ang malacás niyang buntót, at pagcacawala'y sumibát at nilucsó ang dagátan, sa dacong labás n~g baclád, na anó pa't nacaladcad ang sa canya'y nagpapasúcò. Waláng salang mapapatay ang piloto; isáng sigáw n~g panghihilacbót ang tumacas sa lahát n~g m~ga dibdib. Matuling tulad sa lintíc ay bigláng nahúlog sa túbig ang isáng catawán; bahagyâ na silá nagcapanahóng makitang si Ibarra iyón. Hindî hinimatáy si María Clara, sa pagca't hindî pa natututo ang m~ga filipinang maghimatay. Nakita niláng namulá ang m~ga alon, nadampol n~g dugô ang tubig. Lumucsó sa malalim na tubigang binatang man~gin~gisda na hawac ang canyáng gúloc, sumunód sa canyá ang canyáng amá; datapuwa't bago pa lamang nacasisisid silá'y siyáng paglutang namán ni Crisóstomo at n~g piloto na capuwà nacacapit sa bangcáy n~g buaya. Ang boong tiyang maputî nito'y baác at nacapacò sa lalamunan ang sundáng. Hindî maisaysay ang catowâan: libolibong camáy ang sa canilá'y umabót upang iahon silá sa túbig. Nahihibang hálos ang matatandang babae at silá'y nan~gagtatawanan at nan~gagdárasal. Nalimutan ni Andeng na macaatlo n~g sumulác ang canyáng sinigáng: nábubô ang lahát n~g sabáw at namatáy ang apóy. Si María Clara lámang ang hindî macapagsalitâ. Hindî naano si Ibarra; nagcaroon n~g bahagyáng galos sa bisig ang piloto. --¡Cayó ang pinagcacautan~gan co n~g aking buhay!--ang sabi n~g piloto cay Ibarrang nagbabalot n~g m~ga mantang lana at m~ga "tapiz". Ang anyó n~g voces n~g piloto'y tila mandín may pighatî. --Totoong masúlong pô cayó sa pan~ganib,--ang sa canya'y isinagot ni Ibarra;--ulî-ulî huwag pô ninyong tútucsuhín ang Dios. --¡Cung dî ca sana nacabalíc!...ang ibinulóng ni María Clarang namumutlâ at nan~gan~gatal pa. --¡Cung di sana acó nacabalíc at icáw ay sumunod sa akin,--ang isinagot n~g binátà, na canyáng ipinagpatuloy ang caisipán,--sa ilalim n~g dagata'y "mapapasama acó disin sa aking familia!" Hindî nalilimutan ni Ibarrang doon humíhimlay ang m~ga but-ó n~g canyang amá. Aayaw n~g pumaroon ang matatandang babae sa cabilang baclád, íbig na nilang umuwî, at ang caniláng minámatuwid ay nagpasimulâ raw n~g masamâ ang araw, at baca may mangyaring maraming sacunâ. --¡At ang lahát n~g iya'y dahil, sa hindî tayo nagsimba muna!--ang ibinubuntong hinin~ga n~g isáng matandáng babae. --Datapuwa't ¿ano pô bang sacunâ ang nangyari sa atin, m~ga guinoong babae?--ang tanóng ni Ibarra.--¡Ang buaya ang siya lamang kinulang pálad! --At ang bagay na ito'y nagpapatotoo,--ang iniwacás n~g naguing seminarista,--na sa boong canyáng macasalanang buhay hindî nagsimbá cailan man ang sawing palad na buayang ito. Cailan ma'y hindî co makitang siya'y nácasama n~g lubháng maraming m~ga buayang malimit na pasasimbahan. Nagsiparoon n~gâ ang m~ga bangcâ sa cabiláng baclad, at kinailan~gang mulíng maghandâ si Andeng n~g ibáng sabáw na pagsisigan~gan. Umaaraw na; humihihip ang amihan: napupucaw at namamasag ang m~ga álon sa paliguid n~g buaya, at nagtátayo n~g "n~ga bundóc n~g bulâ, na doo'y cumíkintab n~g boong casaganaan sa m~ga culay ang liwanag n~g araw", ayon sa saysáy n~g poetang si P.A. Paterno. Muling tumunóg ang música: tumutugtog si Iday n~g arpa, at ang m~ga lalakí namá'y m~ga acordeón at m~ga guitarra, na humiguit cumúlang ang "afinación;" datapuwa't si Albino ang magaling tumugtóg sa lahát, sa pagca't tunay na kinacamot ang guitarra, nagcuculang sa "tono" at mayatmaya'y sumisinsay sa compás, at caguinsaguisa'y nacalilimot, caya't lumilipat sa sonatang ibang ibá sa dating tinútugtog. Pinaroonan ang cabiláng baclád na may malaking pag-aalinlan~gan; marami ang umaasang naroroon doon ang babaeng buayang asawa n~g nápatay, n~guni't mápagbirô ang "Naturaleza", caya't laguing punô n~g isda ang sáloc cailanis ma't ililitaw. Nag-uutos si tia Isabel: ¡Mabuting isigang ang "ayun~gin"; pabayaan ninyó ang "biyâ" at n~g mágawang "escabeche", ipasà ninyó ang "dalag" at ang "buwan-buwan": mahábà ang búhay n~g dalág. Ilagay ninyó silá sa lambát at n~g manatili silá sa túbig. ¡Ilagay ninyó ang m~ga "sugpô" sa cawáli! Ucol na iíhaw ang "bánac" na may camatis sa tiyan, at nacabálot sa dáhon n~g ságuing. Pabayâan ninyó ang ibá at n~g maguing pain. Hindî magalíng na pabayâang ang waláng calamánlaman ang baclád,--ang idinugtóng. N~g magcágayo'y nan~gag-acálà siláng lumunsád sa pampáng, sa gubat na iyón n~g matatandang cáhoy na pag-áarì ni Ibarra. Doo'y sa lílim at sa tabí n~g malínaw na bátis ay manananghalian silá sa guitnâ n~g m~ga bulaclác ó sa ilalim n~g itatayô agad-agad na m~ga palapala. Umaalin~gawn~gaw sa alang-alang ang música; napaimbulog n~g boong casayahan ang úsoc n~g m~ga caláng ang anyó'y manipís na ipoipo: umaawit ang túbig sa loob n~g mainit na palayóc; marahil ay m~ga salitáng pang-alíw sa m~ga isdáng patáy, marahil ay libác at cutyâ: nagpapapihitpihit ang bangcáy n~g buaya, cung minsa'y bigláng ipinakikita ang maputi at wacwác na tiyán, cung minsan nama'y bigláng ipinakikita ang may pintá at namemerdeng licód, n~guni't hindî nagugulumihanan ang táong minamahal n~g Naturaleza, sa gayóng caraming pagpatáy na cúsà sa m~ga capatíd, ayon sa sasabihin marahil n~g m~ga "bramin" ó n~g m~ga "vegetariano." TALABABA: [257] Maningning batóng azúl ang culay. =XXIV.= =SA GUBAT= Maaga, maagang maaga n~g magmisa si párì Salvî, at sa iláng sandali'y canyáng nilínis ang may labingdalawáng calolowang marurumí, at ang ganitóng gawa'y hindî niyá nauugalîan. Tila mandín nawal-an n~g gánang cumain ang carapatdapat na cura, dahil sa pagcabasa n~g iláng súlat na dumatíng na may m~ga "sello" at mabuti ang pagcacalagay n~g "lacre;" sa pagca't pinabayâang lubós na lumamíg ang "chocolate." May sakít ang párì,--ang sinasabi n~g "cocinero," samantalang nagháhandà n~g ibáng "taza" n~g chocolate;--mahábà n~g áraw na hindî cumacain, sa anim na pinggang inihahayin co sa canyá sa "mesa," waláng dalawáng pinggán ang canyáng sinásalang. --Dahil sa hindî siyá nacacatulog n~g mahusay,--ang sagót n~g alilang lalaki;--siyá'y binaban~gun~got mulâ n~g magbago n~g tinutulugan. Nalalao'y lalong nanglalalim ang canyáng m~ga matá, at totoong nanínilaw. Tunay n~ga namáng nacaháhabag tíngnan si párì Salví. Hindî man lamang sinalang ang pan~galawáng taza n~g chocolate, hindî tinicmán man lamang ang m~ga hojaldeng Cebú; nagpaparoo't parito sa malúang na sálas at kinucuyumos n~g canyáng mabut-ong m~ga camáy ang isáng sulat na manacânacang binabasa. Hinin~gî, sa cawacasan, ang canyáng "coche", nag-ayos at sacâ nag-utos na siyá'y ihatîd sa gubat na kinalalagyan n~g nacapamámanglaw na cáhoy at sa malapit doo'y nan~gagcacatuwa n~g paglalakbay sa caparan~gan. Pinaalis ni pári Salví ang "coche", pagdatíng sa lugar na iyón, at pumásoc siyang nag-íisa sa gubat. Isáng mapangláw na landás na bahagyâ na nabucsán sa casucalan ang pinagdáraanang patun~gó sa isáng bátis, na ang tubig na umaagos doo'y gáling sa iláng bucál n~g malacúcong tubig, tulad sa m~ga na sa taguiliran n~g Makíling. M~ga bulaclác na cusang sumisibol na ang marami sa canila'y hindî pa napapan~galanan, ang siyang pamuti n~g m~ga pangpang n~g batis na iyón; n~guni't marahil ay kilalá na n~g m~ga doradong maliliit na háyop, n~g m~ga paróparóng sarisarì ang lalakí, at may m~ga cúlay na azúl at guintô, mapuputî at maiitím, sal-it sal-ít na cúlay maniningning, makikintab, may m~ga tagláy na m~ga rubí at m~ga esmeralda sa caniláng m~ga pacpác, at n~g m~ga libolibong m~ga tutubíng cumikinang n~g tulad sa metal, at wari nasasabugan n~g totoong mataas na guintô. Ang tunog n~g pagaspas n~g m~ga maliliit na m~ga hayop na ito, ang irit n~g yayay na nag-iin~gay sa araw at gabí, ang huni n~g ibon, ó ang lagapák n~g bulók na san~ga n~g cahoy na nahuhulog at nagcacasabitsabit sa lahat n~g lugar ang siyang tan~ging sumisirà n~g catahimican n~g talinghagang lugar na iyón. Malaónlaon din siyáng nagpalacadlacad sa casucalan n~g m~ga gumagapang na damó, na canyáng pinan~gin~gilagan ang m~ga dawag na cumacapit sa canyáng hábitong guingón na tíla mandin ibig siyáng piguilin, at pinatitisodtisod maya't mayâ ang m~ga para ninyóng dî bihasang maglacád n~g m~ga ugát n~g m~ga cáhoy na lumálabas sa lúpà. Biglâ siyáng tumiguil: masasayáng m~ga hálakhakan at m~ga sariwang voces ang dumatíng sa canyáng m~ga tain~ga, at nanggagaling ang m~ga voces at ang m~ga halakhakan sa bátis, at nalalao'y lálong nálalapit. --Titingnan co cung acó'y macacásumpong n~g isáng púgad,--ang sinásabi n~g isáng magandá at matimyás na voces na nakikilala n~g cura;--íbig co siyá makita na hindî "niyá" acó nakikita, íbig co siyáng sundán sa lahát n~g dáco. Nagtágo si párì Salví sa licód n~g malakíng púnò n~g isáng cáhoy at sacâ nakinig. --¿Sa macatuwíd ay íbig mong gawín sa canyá ang sa iyó'y guinágawa n~g cura, na binábantayan ca saan ca man pumaroon?--ang itinugón n~g isáng masayáng voces.--¡Mag-in~gat ca, sa pagca't nacayayayat at nacapagpapalalim n~g m~ga matá ang panibughô! --Hindî, hindî panibughô; cung dî pagcaibig lámang na macaalam n~g dî co talós!--ang isinásagot n~g mataguintíng na voces, samantalang, inuulit n~g masayá: --¡Siya n~gâ, panibughô, panibughô!--at humahalakhak n~g táwa. --Cung acó'y naninibugho, hindî acó ang hindî pakikita; ang hindî co ipakikita'y siyá, n~g hindî siyá mámasdan nino man. --N~guni't icáw may hindî mo siya makikita, at iya'y hindî magalíng. Ang lálong magalíng, cung macacasumpong táyo n~g púgad, ay ating "iregalo" sa cura, at sa gayo'y canyáng mabábantayan tayo, na hindî magcacailan~gang siya'y makita, ¿anóng acalà mo? --Hindî acó naniniwalà sa m~ga púgad n~g m~ga tagác--ang sagót n~g isáng voces; n~guni't cailan ma't aco'y manibughô matututo acóng magbantay na hindî acó makikita. --At ¿paano? ¿at paano? ¿Bakit, gaya bâ n~g isáng Sor Escucha? Nacapagpahakhak n~g masayá ang gayóng alaala sa pagcacolegiala. --¡Nalalaman mo na cung paano ang pagdayà cay Sor Escucha! Nakita ni párì Salví, mulâ sa canyáng pinagtataguan si María Clara, si Victoria si Sinang na naglílibot sa ílog. Lumalacad ang tatlóng ang tin~gin ay sa salamín n~g túbig at nan~gagháhanap n~g talínghágang púgad n~g tagác: Basâ silá hangáng sa tuhod, na ano pa't nahihiwatigan sa m~ga malalapad na cunót n~g canilang m~ga sáyang pangpalígo ang calugódlugód na húbog n~g caniláng m~ga bintî. Nacalugay ang caniláng buhóc at hubád ang caniláng m~ga bísig, at natátacpan ang catawán n~g isáng bárong may malalapad na gúhit at masasayang m~ga cúlay. Samantalang nagháhanap silá n~g isáng bágay na hindî mangyayaring masumpun~gan ay namumuti tulóy silá n~g m~ga bulaclác at nan~gun~guha n~g m~ga gúlay sa pampáng. Pinanonood n~g fraileng Acteón na namúmutlâ at hindî cumikilos ang mahinhing Dianang iyón; ang m~ga matá niyáng numíningning sa madilím na hungcág na kinálalagyan ay hindî nan~gapapagal n~g pagtatacá sa m~ga mapuputî at parang linalic na m~ga bísig, yaóng magandang liig hanggang pa pasimulâ n~g dibdíb; ang malíliit at culay rosang m~ga paang nan~gaglálarò sa tubig, pawang pumupucaw sa abang cataohan niyá n~g cacaibang m~ga damdamin at nagpapapanaguinip n~g m~ga bágong caisipán sa nilálagnat niyang budhî. Sa licód n~g isáng pag-licô sa ílat, sa guitnâ n~g masucal na cawayanan; nan~gawalâ ang m~ga matitimyás na m~ga dalagang iyón, at hindî na marin~gig ang caniláng malulupit na m~ga parungguít. Halíng, nanglulupaypay, pigtâ n~g pawis umalís si párì Salví sa canyáng pinagtataguan, at nagpalin~gaplin~gap sa canyáng paliguidliguid, na ang m~ga mata'y hibáng. Humintóng hindî cumikilos, nagaalinlan~gan; humakbang n~g ilán at anaki'y íbig sumunód sa m~ga dalaga, n~guni't nagbalic at naglacad sa pampáng at ang ibáng m~ga casama n~g m~ga dalagang iyón ang siyáng hinanap. Nakita niya sa malayô-layô roón, sa guitnâ n~g bátis, ang isáng wari'y paliguang magaling ang pagcacabacod, at ang pinacabubóng ay isáng malagong cawayan; may nanggagaling doong masasayáng m~ga voces n~g babae. Napapamutihan ang paliguang iyón n~g dahon n~g m~ga niyog, m~ga bulaclac at m~ga bandera. Nacatanaw namán siyá sa daco pa roon n~g isáng tuláy na cawayan at sa dacong malayo'y m~ga lalaking nan~galiligo, samantalang nan~gagcácagulo ang caramihang m~ga alilang lalaki at m~ga alílang babae sa palíbót n~g m~ga caláng biglaan ang pagcacágawâ at nan~gagsusumakit n~g paghihimulmol sa m~ga inahíng manóc, nan~gaghuhugas n~g bigás, nag-iiháw n~g "lechón" at ibá pa. At doon sa cabiláng ibayo, sa isáng calinisang caniláng hináwan, sa loob n~g lilim n~g isáng palapalang caniláng bagong itinayóng ang m~ga haligui'y cahoy at ang bubóng ay "lona" na" ang isang bahagui at ang isáng bahagui'y m~ga dahon n~g malalakíng cáhoy, nan~gagcacatipon ang maraming m~ga lalaki't m~ga babae. Doo'y naroroon ang alférez, ang coadjutor, ang gobernadorcillo, ang teniente mayor, ang maestro sa escuela at ang maraming m~ga capitan at tenienteng "pasado", patí ni capitang Basiliong amá ni Sínang, na dating caaway n~g nasírang si Don Rafael sa malaon n~g pinag-uusapan. Sa canyá'y sinabi ni Ibarra: "Pinag-uusapan natin ang isang catuwiran, at hindî mag-caaway ang cahulugan n~g pag-uusapín. At napahinuhod n~g boong galác n~g loob ang balitang mánanalumpatì n~g m~ga "conservador" sa anyaya ni Ibarra, at tulóy nagpadalá n~g tatlong payo at sacâ ipinanalim sa capangyarihan n~g binatà ang paglilingcód n~g canyáng m~ga alilà. Sinalúbong ang cura n~g boong galac at pagpipitagan n~g lahát, patí n~g alférez. --¿N~guni't saan pô nanggaling ang cagalanggalang na camahalan pô ninyó?--ang itinanóng sa canya n~g alférez, n~g makita nitó ang canyáng mukháng punô n~g gálos, at ang canyáng habito'y puspós n~g m~ga dahon at n~g m~ga tuyóng san~gá--¿Naparapâ pô ba ang cagalanggalang na camahalan ninyó? --¡Hindî! ¡náligaw acó!--ang isinagót ni párì Salví, at ibinabâ ang canyáng m~ga matá upang siyasatin ang canyáng pananamít. Nan~gagbúbucas n~g m~ga botella n~g limonada, nan~gagbíbiyac n~g m~ga niyog na múrà at n~g ang m~ga natatapos n~g paliligo'y macáinom n~g canyáng malamíg na túbig at n~g macacain n~g canyáng malambót na lamang higuít ang caputian sa gatas; at bucód sa roo'y pinag-aalayan pa ang m~ga dalaga n~g isáng cuintas na sampaga, na nasasal-itan n~g m~ga rosa at iláng-ilang, na siyang nagbibigay ban~gó sa nacalúgay na buhóc. Sila'y naúupô ó humihilig sa m~ga dúyang nacabitin sa m~ga san~ga n~g m~ga cahoy, ó nan~gaglilibang sa paglalaro sa paliguid n~g isáng batóng malapad, na may nacalagay sa ibabaw nitong m~ga baraja, m~ga tablero, maliliit na m~ga libro, m~ga sigay at m~ga batóng malilíit. Ipinakita nila sa cura ang buaya, datapuwa't tila mandin nalílibang ang ísip sa ibáng bagay, at cayâ lamang pinansin ang sinalita sa canyá'y n~g sa canya'y sabihing si Ibarra ang may gawâ n~g gayóng calakíng súgat. N~guni't hindî mangyaring makita ang bantóg at hindî napagkikilalang piloto; bago dumatíng ang alférez ay siyá'y walâ na. Sa cawacasa'y lumabás si María Clara sa páliguan, casama ang canyáng m~ga caibigang babae, saríwang túlad sa isáng rosa sa únang umágang pamumucadcad na numíningning ang hamóg na ang cawán~gis ay kisláp n~g diamante sa caayaayang ulbós n~g bulaclác. Inihandóg niya ang únang n~gitî cay Crisóstomo, at naucol ang únang pagdidilím n~g canyáng nóo cay párì Salví. Nahiwatigan nitó, n~guni't hindî nagbuntunghinin~ga. Dumatíng ang oras n~g pagcáin. Nan~gagsiupô sa mesang pinan~gun~guluhan ni Ibarra, ang cura, ang coadjator, ang alférez, ang gobernadorcillo at ilán pang m~ga capitan, sampô n~g teniente mayor. Hindî ipinahintulot n~g m~ga ináng cumáin ang sinomang lalaki sa mesa n~g m~ga dalága. --Hindî ca na n~gayón, Albino, macapag panucálà n~g m~ga bútas, pa na gáya n~g sa m~ga bangcâ,--ani León sa nagseminarista. --¿Anó? ¿ano iyón?--ang tanun~gan n~g m~ga matatandang babae. --Na ang m~ga bangcâ, m~ga guinoong babae, ay páwang m~ga buong-búò na túlad sa pinggâng ito;--ang ipinaliwanag ni León. --¡Jesús, saramullo!--ang sigaw ni tia Isabel na n~gumín~gitî. May nabábatid na pô bâ cayóng ano man, guinóong alférez, tungkól sa tampalásang nagpahírap sa catawán ni párì Dámaso?--ang tanóng sa alférez ni párì Salví, sa horas na iyón n~g pagcain. --¿Síno pô bang tampalásan iyón, padre cura?--ang tanóng n~g alférez, na tinítingnan ang fraile, na guinágawang pinacasalamín sa matá ang vaso n~g álac na canyang iníinom. --¡Abá, at síno pa pô ba? ¡Yaong tampalásang camacalawá n~g hapon ay bumuntal cay párì Dámaso sa daan! --¿Bumuntal cay párì Dámaso?--ang tanun~gan n~g iláng voces. Warì'y n~gumitì ang coadjutor. --¡Túnay pô, caya't nararatay n~gayón si párì Dámaso! Sinasapantahang ang gumawâ n~g gayo'y si Elias ding sa inyo'y naglublób sa pusáw, guinoong alférez. Namulá sa hiya ó sa álac ang alférez. --Ang boong ísip co,--ang ipinagpatuloy ni párì Salví, na ang anyó'y warì nanglílibac;--ay nalalaman po ninyó ang nangyayari. Ang wícà co'y alférez n~g Guardia Civil.... Nagcagát-lábì ang militar at ibinulóng ang isáng halíng na pagtaliwacás. Sa ganito'y siyang pagsipot n~g isang babaeng namumutla, payat, abang aba ang pananamit; sino may waláng nacakita n~g canyáng pagdaíng; palibhasa'y lumalacad siyáng waláng imíc at napácawaláng in~gay ang canyang paglacad, na cung naguing gabí sána'y marahil ipalagáy na siya'y isáng "fantasma." --¡Pacanin ninyó ang cahabaghabág na babaeng iyán!--ang sabihan n~g m~ga matatandâ:--¡uy, pumarito cayó! N~guni't ipinagpatuloy n~g babae ang canyáng paglácad, at siya'y lumapit sa mesang kinalálagyan n~g cura; ito'y lumin~gón, at nákilala siyá at nalaglág sa canyáng camáy ang cuchillo. --¡Inyong pacánin ang babaeng itó!--ang ipinag-utos ni Ibarra. --¡Madilim ang gabí at nan~gawáwalâ ang m~ga bátang lalaki!--ang ibinúbulong n~g magpapalimos na babae. N~guni't n~g makita ang alférez, na sa canya'y nagsásalitâ, náguitlá ang babae at nagtatacbó, at nawalâ sa guitnâ n~g cacahuyan. --¿Sino ang babaeng iyón?--ang itinanóng. --Isáng cahabaghabág na babaeng pinílit sirâin ang ísip sa cagugulat at cápapahírap!--ang isinagót ni don Filipo;--may ápat na áraw nang iya'y ganyán. --¿Iyan bagá ang isáng nagn~gan~galang Sisa?--ang tanong ni Ibarra n~g boong pagmamalasakit. --Ang babaeng iyá'y dinakip n~g inyó pong m~ga sundalo,--ang ipinagpatuloy n~g sabing may capaitan n~g teniente mayor;--siya'y inilibot sa boong báyang batíd, dáhil sa hindî co maalamang m~ga bagay n~g canyáng m~ga anác na lalaki, na ... hindî nan~gagcaroon n~g caliwanagan. --¿Bakit?--ang itinanóng n~g alférez na humaráp sa cura:--¿iyán pô bagá ang iná n~g inyóng dalawáng sacristán? Sumáng-áyon ang cura sa pamamag-ítan n~g pagtan~gô. --¡Na nan~gawaláng hindî man lamang guinawâ ang anó mang pagsisiyásat tungcól sa canilá!--ang idinugtong ni Don Filipo n~g wári may poot, at tinititigan ang gobernadorcillo na ibinabâ ang m~ga matá. --¡Hanápin ninyó ang babaeng iyán--ang ipinag-utos ni Crisóstomo sa m~ga alílang lalaki:--Aking ipinan~gacong pagpapagalan co ang pag-uusísà cung saan naroon ang canyáng m~ga anac na lalaki. --¿Nan~gawalà, ang wicà ninyó?--ang itinanóng n~g alférez.--¿Nan~gawalà ang inyóng m~ga sacristan, padre cura? Inúbos ininóm n~g cura ang vaso n~g álac na na sa canyáng haráp, at sacâ tuman~gô, bilang sagót na oo. --¡Carambas, párì cura!--anáng alférez na casabáy ang táwang libác, at natútuwa, dahil sa siya'y nacacaganti,--pagca nawáwalâ ang iláng píso lámang n~g cagaláng-gálang na camahalan pô ninyo'y maagang maaga pa'y inyóng guiniguising ang aking sargento, upang hanapin ang inyóng salapî; n~guni't nawáwalâ ang dalawang sacristan ninyo'y hindî pô cayó nagsasabi; at cayó pô, guinoong capitán ... totoo n~gang cayó po'y.... At hindî tinapos ang canyang salitâ cung dî ang guinawa'y nagtawá, casabay n~g paglulubóg n~g canyang cuchara sa mapuláng lamán n~g papaya. Sumagot ang curang malakí ang hiyâ at natútulig. --Nagcágayon acó't dahil sa acó ang nanánagot n~g salapî.... --¡Mabúting sagót, cagalanggalang na pastól n~g m~ga cáluluwa!--ang salabat sa canyá n~g alférez na namumualan n~g kinacain.--¡Mabúting sagót, banál na laláki! Nag-acalang mamaguitna si Ibarra, n~guni't nagpilit si párì Salving manag-úli sa dating catahimican n~g loob, at sumagot na caacbay ang n~gíting pílit: --At ¿nalalaman pô bâ ninyó, guinóong alférez, cung anó ang sabihanan tungcól sa pagcawalâ n~g m~ga bátang iyan? ¿Hindî? ¡Cung gayo'y ipagtanong pô ninyó sa inyóng m~ga sundálo! --¿At ano?--ang sigaw n~g alférez na nawala ang towa. --¡Ang sabihana'y n~g gabing iyón mawala ang m~ga bata'y may m~ga tumunóg na ilang putóc n~g fusil! --¿Iláng putóc?--ang inúlit n~g alférez na canyang minámasdan ang m~ga cahárap. Nan~gagsitan~gó ang nan~garoroon, bilang pagpapatunay na may nárin~gig n~ga silá. Nang magcágayo'y sumagót si párì Salví n~g madalang na pananalita, taglay ang malupit na paglibac. --Sa nangyayari'y aking nakikitang bucod sa hindî cayó nacacahuli n~g m~ga gumágawa n~g masamá'y hindî po ninyó nalalaman ang m~ga guinagawa n~g inyóng m~ga capamahay, at gayón ma'y íbig po ninyóng masoc na tagapan~garal at magtúrò sa m~ga iba n~g canilang m~ga catungculan: dapat po ninyong maalaman ang casabihang; lalong nacacaalam ang ulól sa canyang sariling bahay.... --¡M~ga guinoo!--ang isinalabat ni Crisóstomo n~g canyang makitang namumutla na ang alférez;--tungcol n~ga sa bagay na itó'y ibig cong maalaman cung anó ang inyóng pasiyá sa isang aking panucálà. Inaacalà cong ipagcatiwálà ang pag-aalágà sa babaeng diyáng sira ang ísip sa isang mabúting manggagamot at samantala'y hahanapin co ang canyang m~ga anác, sa pamamag-ítan n~g túlong at m~ga hatol ninyóng dalawá. Ang pagbabalíc n~g m~ga alílang nan~gagsabing hindî nilá nasumpun~gan ang sirá ang ísip na babáe ang siyáng nacalubós n~g pagcapayapà sa dalawáng nagcacagalit, at caniláng dinalá ang salitaan sa ibang bagay. Nan~gagbahabahagui sa iláng pulutong ang m~ga matanda't m~ga bátà n~g matápos ang pagcain at samantalang sila'y biníbigyan n~g chá at café. Cumuha ang ibá n~g m~ga "tablero" at ang ibá nama'y nan~gagsicuha n~g "baraja," n~guni't lalong minagaling n~g m~ga dalagá ang man~gatanóng sa "Rueda de la Fortuna" (gulong n~g capalaran), sa pagcaibig niláng maalaman ang sa canila'y mangyayari sa panahóng hínaharap. --¡Hali cayó, guinoong Ibarra.--ang sigáw namán ni cápitang Basilio, na lan~gó na n~g cauntî. May usapín tayong labing limáng taóng taón na n~gayón ang itinátagal, at waláng hucóm sa Audienciang súcat macahátol: ¿mangyayari bang tingnan natin cung áting mabíbigyang hanggá sa "tablero"? --¡N~gayón din pô, at sumasang-ayon acó n~g boong catowaan!--¡Hintayín po ninyó acóng saglít, sa pagca't nagpapaalam ang alférez! Nang maalaman nilá ang gayóng paglalarô, nan~gagcapísan ang lahát n~g matatandáng lalaking marúnong n~g "ajedrez" sa palíguid n~g "tablero"; mahalagá ang laróng iyón, caya't nacaakit patí sa m~ga hindî nacacaalam. Hinaráp n~g m~ga matatandáng babae, gayón man, ang cura, upang makipagsalitaán sa canyá tungcól sa m~ga bagay na nauucol sa religión; datapuwa't hindî marahil minámagaling ni fray Salví ang lugar na kinálalagyan at ang capanahunang iyón, cayâ n~gâ't pawang m~ga malalábò ang caniyáng m~ga isinásagot at mapapanglaw at may gálit na hálò, at ang canyang m~ga matáng hindî tumitin~gin man lamang sa canyáng m~ga kinacausap ay nagpapalin~gaplin~gap sa magcabicábilâ. Nagpasimulâ ang larô n~g boong cacadakilâan. --Cung magtablá ang larô, papagtatablahín naman natin ang áting usapín--ang sabi ni Ibarra. Nang na sa calaghatîan na ang larô, tumanggap si Ibarra n~g isáng telegrama na nagpaningning n~g canyang m~ga matá at nacapagbigáy sa canyá n~g pamumutlà. Itinagó niyá sa canyáng "cartera" ang telegrama, na hindî binucsán, at canyáng sinulyáp ang pulutong n~g m~ga cabatâang nagpapatuloy n~g pagtatanóng cay Capalaran, sa guitnâ n~g m~ga tawanan at m~ga sigawan. --"¡Jaque" sa "Hári!"--anang binatà. Napilitang itagò ni capitang Basilio ang "Hari" sa licód n~g "Reina." --¡"Jaque" sa "Reina"!--ang muling sinábi ni Ibarra, na pinagbabalâan n~g canyáng "Torre" ang "Reina," na ipinagsasanggalang n~g isang "Peón." Sa pagca't hindî matacpán ni capitang Basilio ang "Reina" at hindî namán niyá maiurong itó, dahil sa "Haring na sa sa licód", humin~gî siyá n~g panahón upang siya'y macapa-isip. --¡Sumasang-ayon pô acó n~g boong tuwâ!--ang sagót ni Ibarra;--mayroon pa namang sasabihin acó n~gayón din sa iláng lalaki sa pulutóng na iyón. At nagtindíg siyá, pagcapagcaloob sa canyáng calaban n~g icaapat na bahágui n~g isang oras upang mag-ísip. Tan~gan ni Idáy ang mabílog na cartóng kinasusulatan n~g apat na po't walóng tanóng, at si Albino ang may tan~gan n~g libro n~g m~ga sagót. --¡Casinun~galin~gan! ¡hindî totoo! ¡casinungalin~gan!--ang isinísigaw ni Sinang na halos umíiyac. --¿Anó bâ ang nangyayari sa iyo?--ang sa canyá'y tanóng ni María Clara. --Tingnán mo, aking itinanóng: "¿Cailán bagá acó magcacabait?" binitiwan có ang m~ga "dado", at ang guinawa niyang curang iyang bantilaw ay binasa sa libro ang ganito: "¡Pagca nagcabuhóc ang palaca!" ¿Itó ba'y mabuti? At saca n~giniwian ni Sinang ang naguíng seminarista, na hindî tumitiguil n~g pagtatawa. N~guni't ¿Síno ba ang may utos sa iyong magtanong ca n~g gayon?--ang sinabi sa canya n~g pinsan niyang si Victoria--¡Súcat na ang magtanóng n~g gayón upang marapat sa gayóng m~ga sagót! --¡Tumanóng pô cayó!--ang sinabi nila cay Ibarra, casabay n~g paghahandog sa canya n~g "rueda"--Pinagcayarian naming cung sino ang magcamit n~g lalong magaling na sagót ay tatangap sa m~ga iba n~g isang handóg. Nacatanóng na camíng lahat. --¿At Sino ang nagcamit n~g lalong magalíng na sagót? --¡Si María Clara! ¡si María Clara!--ang isinagót ni Sinang.--Ibiguin man niya't hindî'y siya'y pinatanong namin: "¿Tapát baga't hindî magmamaliw ang canyáng pagliyag?" at ang libro'y sumagót.... N~guni't tinacpan ni María Clarang namúmulang mainam ang bibíg ni Sinang, at hindî itinulot na maipatuloy ang sinasabi. --¡Cung gayo'y ibigay ninyó sa akin ang "rueda"!--ani Crisóstomong n~gumin~gitî. Tumanóng: "¿Lalabas ba n~g magalíng ang casalucuyan conglinalayon?" --¡Napacapan~git naman n~g tanóng na iyan!--ang sigaw ni Sinang. Iniabsang ni Ibarra ang m~ga "dado" at alinsunod sa canyang "numero" ay hinanap ang mukha at ang talata n~g na sa libro. --"¡Ang m~ga panaguinip ay pawang m~ga panaguinip n~ga!"--ang binása ni Albino. Kinúha ni Ibarra ang telegrama at nan~gan~gatal na bínucsán. --¡N~gayó'y nagsinun~galíng ang libro ninyó!--ang isinigaw na puspós n~g tuwâ.--Basahin ninyo: "Sinang-ayunan ang panucálang escuela, hinatúlang cayó ang nanálo sa usapin." --¿Anó ang cahulugán nitó?--ang itinanóng nilá sa canyá. --¿Hindî bâ ang sábi ninyo'y bibigyan n~g pabúya (regalo) ang magtamó n~g lalong mabúting sagót?--ang itinanóng niyá, na nan~gan~gatal ang voces sa lakí n~g canyáng tuwâ, samantalang hinahati n~g boong in~gat ang papel. --¡Siyá n~ga! ¡siya n~ga! --Cung gayó'y nárito ang aking pabúyà,--ang sinabi, at ibinigay cay María Clara ang calaháti;--magtátayô acó sa báyan n~g isáng páaralang úcol sa m~ga bátang lalaki't babáe; ang páaralang itó'y siyáng áking pabúyà. --At ¿anóng cahulugan niyang calahátì n~g papel? --¡Itó'y iháhandog co namán sa nagcaroón n~g lalong masamâ sa m~ga sagót! --¡Cung gayó'y acó! ¡sa akin marapat ibigáy!--ang sigáw ni Sínang. Ibinigáy sa canyá ni Ibarra ang papel at matúling lumayô. --¿At anó ang cahulugán nitó? Datapowa't maláyò na ang mapalad na bináta, at nagbalíc na mulî siyá sa pakikilarô n~g "ajedrez." Lumapit si Fr. Salví na wari'y nag-wáwalang anó man sa masayáng lúpon n~g m~ga cabatâan. Pinapahid ni María Clara ang isang lúha sa catuwâan. Humintô n~g magcágayon ang tawanan at napipí ang salitàan. Tumítin~gin ang cura sa m~ga bagongtao't dalaga, na di niyá matutuhan cung anó ang sasabihin; hiníhintay namán niláng magsalitâ ang cura at hindî silá umíimic. --¿Anó itó?--ang sa cawacasa'y naitanong n~g cura, at kinúha ang libro at canyang binúbuclatbuclat. --¿Ang "Rueda de la Fortuna",--isáng librong liban~gan, ang sagót ni León. --¿Hindî ba ninyó nalalamang casalanan ang maniwála sa m~ga bágay na ganitó?--ang winicà, at sacâ pinunitpunit n~g boong gálit ang m~ga dáhon n~g libro. Nagpumiglás sa m~ga lábi n~g lahat ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at samâ n~g loob. --¡Lálong malakíng casalanan ang gawín ang maibigan sa bágay na hindî canyá't lában sa calooban n~g túnay na may árì!--ang itinútol ni Albinong nagtindig.--Amang cura, nácaw ang táwag sa ganyáng gawâ at ito'y bawal n~g Dios at n~g m~ga táo. Pinapagdaóp ni María Clara ang m~ga camay, at tinitigang tumatan~gis ang m~ga wacás n~g librong iyóng hindî pa nalalaong nag-alay sa canya n~g lubháng malakíng ligaya. Hindî sumagót cay Albino si fray Salví, laban sa inaasahan n~g m~ga nanonood; nátira siyá sa panonood cung paano ang linipadlipad n~g m~ga pinagpunitpunit na m~ga dáhon n~g libro, na ang ibá'y ipináwid n~g hán~gin sa gúbat at ang ibá namá'y sa túbig; pagcatápos ay lumayóng guíguirayguíray at nacapatong ang dalawáng camáy sa ulo. Humintong sandalî at nakipág-usap cay Ibarra na naghatíd sa canyá sa isá sa m~ga cocheng náhahandang pangdalá ó panghatid sa m~ga panauhín. --¡Mabuti at lumayas ang pang-abóy-galác na iyán,--ang ibinulóng ni Sinang.!May pagmumukháng wári'y sinasabing: "Huwág cang tatawa't nalalaman co ang iyong m~ga casalanan." Sa malakíng catuwâan ni Ibarra, sa pagcapagbigay niyá sa canyáng maguiguing asawang si María Clara n~g canyang pabuyà, nagpasimulâ siyá n~g paglalaróng hindî na iniisip ang guinágawá, at hindî na nag-aabalá n~g pagbabálacbalac n~g pagwawárì n~g boong pag-iin~gat n~g calagayan n~g m~ga "pieza." Dahil sa ganito'y ang nangyari, baga man si capitang Basilio'y báhagyâ n~g nacapagsásangalang, ang laro'y nagcapantay, salamat sa maraming pagcacamaling sa huli'y guinawâ n~g binátà. ¡Papagtablahin natin! ¡papagtablahin natin! ang sabi ni capitang Basiliong malakí ang tuwâ. --¡Papagtablahin natin!--ang inulit n~g binátà,--cahi't maguíng anó man ang inihatol n~g m~ga hucóm sa ating usapín. Nangagcamáy ang dalawa na nan~gagpisilan n~g boong pagguiguiliwan. Samantalang ipinagcacatuwa n~g m~ga caharap ang nangyaring itó na nagbíbigay wacás sa isáng usapíng totoong nagpapahírap na sa dalawang magcalaban, ang bigláng pagdating n~g apat na guardia civil at isáng sargento, na pawang sandatahan at nacalagay sa dúlo n~g fusil ang bayoneta, siyáng sumirà n~g casayahan at nagdúlot n~g panghihilacbót sa pulutóng n~g m~ga babae.- --¡Huwág kikilos ang sino man!--ang sigaw n~g sargento.--¡Papúputucan ang cumilos! Hindî inalintana ni Ibarra ang gayóng paháyop na pagmamatapang, tumindig siyá at lumápit sa sargento. --¿Anó pô ang inyóng ibig?--ang itinanóng. --Na n~gayón din ay ibigáy sa amin ang isáng may casalanang nagn~gan~galang Elías, na sa inyó'y namimiloto canínang umaga,--ang isinagót na may anyóng pagbabálà. --¿Isáng may casalanan?... ¿Ang piloto? ¿Cayó po'y nagcacamali marahil!--ang itinugón ni Ibarra. --Hindî pô; n~gayo'y isinumbóng na naman ang Elías na iyáng nagbúhat n~g camáy sa isáng sacerdote.... --¡Ah! ¿at iyán ba ang piloto? --Iyán n~gâ, áyon sa sábi sa amin; tumátanggap pô cayó sa inyong m~ga pagsasaya, guinoong Ibarra, n~g táong may masamang caasalan. Tiningnan ni Ibarra ang sargento mulâ sa m~ga paa hanggáng sa úlo at sinagót siyá n~g lubháng malaking pagpapawaláng halagá: --Hindî co cailan~gang acó'y magsúlit sa inyó n~g áking m~ga guinágawâ! Tinatangggap namin n~g boong cagandahan n~g loob ang sino man sa áming m~ga pagsasayá, at cayó man, cung cayó'y pumaríto sana, inyó disíng nasunduan ang isáng luclucan sa mesa, na gáya naman n~g inyóng alférez na capanayám namin ditong dalawáng horas lámang ang calálampas. At pagcawicà nito'y tinalicuran siyá. Kinagát n~g sargento ang canyáng m~ga bigote, at sa pagca't napagdilidili niyáng siyá ang lalong mahínà, ipinag útos na paghanapin sa magcabicabilâ at sa m~ga cacahuyan ang piloto, na ang anyô nitó'y nacatitic sa capirasong papel na canyáng dalá. Itó ang sinabi ni Don Filipo sa canyá: --Inyóng talastasing naaangcap ang m~ga anyó't calagayang iyán sa siyám n~g bawa't sampong dalisay na filipino; ¡bacâ pô cayó'y magcamalî! Sa cawacasa'y bumalíc ang m~ga sundalo, at caniláng sinabing waláng nakita silang bangcâ ó táong síno mang macapagbigáy hinála; nagsabi n~g pautál-utál ang sargento n~g iláng salitâ at sacâ umalis na tulad n~g pagdating: ása guardia civil. Untîuntíng nanag-úli ang katuwâan, umulán ang m~ga tanóng at sumagána ang m~ga salisalitaan tungcól sa nangyári. --¡Cung gayo'y iyán palá ang Elías na naghúlog sa alférez sa isáng pusáw!--ang sábi ni Leóng nag-iísip-isip. --¿At paáno bâ ang nangyaring iyón, paano?--ang tanóng n~g iláng ibig macatantò n~g líhim. --Ang sabi'y násalubong daw n~g alférez ang isáng táong may pas-áng cáhoy na panggátong, n~g isáng áraw na umuulan n~g mainam n~g buwán n~g Septiembre. Totoong mapútic ang daan at sa tabí lamang may makipot na landás na malalakaran n~g iísang táo. Ang guinawâ raw n~g alférez ay hindî piniguil ang cabayo na siyáng dápat sana, cung dî bagcós pinatulin at sumigáw sa táong siya'y umudlót: tíla mandin hindî íbig n~g taong iyóng bumalíc sa pinanggalín~gan ó áayaw na málubog sa pusáw, caya't nagpatúloy n~g paglacad. Sa gálit n~g alférez ay inacálang siya'y ipatáhac, n~guni't cumúha ang táo n~g caputol na cáhoy at pinacapalòpálô ang úlo n~g háyop nang boong lakás, na anó pa't nábulagtâ ang cabayo't napatapon sa pusáw ang alférez. Sinasabi ring ipinagpatuloy daw n~g táong iyón ang paglacad n~g boong tiwasáy, na hindî niyá alumana ang limáng balang ipinahabol sa canyá n~g alférez na nabulagan sa marubdób na gálit at sa lúsac. Sa pagca't túnay na hindî kilalá n~g alférez cung síno ang táong iyón, hininalang marahil ay ang bantóg na si Elías, na gáling sa lalawígang may iláng buwán pa lamang, na dî alám cung tagasaán, at napakilala sa m~ga guardia civil sa iláng báyan dáhil sa m~ga cawan~gis n~g gayon din m~ga cagagawán. --¿Cung gayó'y tulisán palá siyá?--ang itinanóng ni Victoriang kiníkilig. --Sa acálà co'y hindî, sa pagcá't minsan daw ay siyá'y nakilaban sa m~ga tulisán isáng araw na caniláng linolooban ang isáng báhay. --¡Walang mukháng masamáng táo!--ang idinugtóng ni Sínang. --¡Walâ, totóo lamang mapangláw ang canyáng tin~gín: hindî co nakitang siyá'y n~gumitî man lamang sa boong umaga,--ang sinábî ni María Clara. Sa gayó'y nagdáan ang hápon at dumatíng ang horas n~g pag-owî sa bayan. Nan~gagsialís silá sa gúbat n~g iliníliwanag ang m~ga hulíng sínag n~g naghíhin~galong áraw, at nagdaan siláng hindî umíimic sa malapit sa mahiwágang pinaglibín~gán n~g núnò ni Ibarra. Pagcatápos ay nanag-úlì ang masayang m~ga salitaang maín~gay, puspós n~g canin~gasan, sa sílong n~g m~ga san~gá n~g cáhoy na iyong hindî totóong sanáy na macárinig n~g gayóng caráming m~ga voces. Tila mandin namámanglaw ang m~ga cáhoy, umúugoy ang m~ga gumagapang na m~ga damó at warí'y sinasabi: ¡Paalam cabatâan! ¡Paalam, panag-ínip na isáng áraw! At n~gayón, sa liwanag n~g mapupulá at malalakíng nin~gas n~g m~ga sigsíg; at sa tugtog n~g m~ga guitarra, bayaan natin siláng lumácad na patun~gó sa bayan. Nagbabawas ang m~ga pulutóng, namámatay ang m~ga ilaw, napípipi ang guitarra, samantalang silá'y nálalapit sa tahanan n~g m~ga táo. ¡Ilagáy ninyó ang inyóng "máscara", sa pagca't cayo'y makikipanayam na namán sa inyóng m~ga capatíd! =XXV.= =SA BAHAY NG FILOSOFO= Pagca umaga n~g kinabucasan, pagcatapos na madálaw ni Juan Crisóstomo Ibarra ang canyang m~ga lúpà, siyá'y tumún~go sa báhay ni mátandang Tasio. Lubós na lubós ang catahimican sa halamánan, sa pagca't ang m~ga lan~gay-lan~gayang nan~gagsasalimbayan sa palibót n~g balisbisa'y bahagyâ na umiin~gay. Sumísibol ang malilit na damó sa lúmang pader na guinagapan~gan n~g cawán~gís n~g báguing na bumubordá sa m~ga bintánà, malíit na bahay na anaki'y siyáng tahanan n~g catahimícan. Maín~gat na itináli ni Ibarra ang canyáng cabáyo sa isáng halígui, siyá'y lumacad n~g hálos patiad n~g pagdadahandahan at canyáng tináhac ang halamanang malínis at totoong magaling ang alágà; pinanhíc ang hagdánan, at siya'y pumasoc, sa pagca't bucas ang pintô. Ang únang nakita niyá'y ang matandâ, na nacayucód sa isang libro na tíla mandín canyáng sinusulatan. May napanood sa m~ga pader na tinitipong m~ga maliliit na m~ga háyop at m~ga dahon n~g m~ga cáhoy at damó, sa guitnâ n~g m~ga "mapa" at lúmang estanteng punô n~g m~ga libro at n~g m~ga súlat-camáy. Lubhang nalilibang ang matandâ sa canyang guinagawâ, na ano pa't hindî naino ang pagdating n~g binatà, cung dî n~g ito'y aalis na sana, sa pagcaibig na huwag macagambalà sa matandang iyón. --¡Abá! ¿nariyan pó bâ cayó?--ang itinanóng, at tiningnan si Ibarra n~g wari'y nangguiguilalás. --Ipagpaumanhin pô ninyó,--ang isinagót nitó,--cayó pô pala'y maraming totoong guinagawâ.... --Siya n~gâ pô, sumusulat acó n~g cauntî, datapuwa't hindî dalî-dalì at ibig cong magpahin~gá. ¿May magagawâ pô bâ acóng anó mang sucat ninyóng pakinaban~gan cahi't babahagyâ? --¡Malaki pô!--ang isinagót ni Ibarra at saca lumapít;--datapuwa't.... At sinulyáp ang librong na sa ibabaw n~g mesa. --¡Aba!--ang biglang sinabing nangguíguilalas; guinagamít po ba ninyo ang inyong panahon sa pagsisiyasat cung anó ang cahulugán n~g m~ga "geroglífico?" --Hindî pô!--ang isinagót n~g matandáng laláki, at tuloy nag-álay sa kanyá n~g isáng "silla";--hindî nacacawatas acó n~g egipcio ó n~g copto man lamang, datapuwa't may cauntì akóng nalalamang paraan sa pagsulat niyan, caya acó'y sumulat n~g m~ga "geroglífico." --¿Sumusulat pô cayó n~g m~ga "geroglifico"? ¿At bákit pô?--ang itinanóng n~g binatang nag-aalinlan~gan sa nakikita't naririn~gig. --N~g huwag mabasa nino man sa m~ga panahóng itó ang aking sinusulat. Tinitigan ni Ibarra ang matandang lalaki, at ang ísip niya'y bacâ nasisirà ang ísip nitó. Madaling madalíng siniyásat ang aclat, sa pagca íibig niyang maalaman cung nagsisinun~galing, at canyang námasdang totoong magalíng ang doo'y pagcacaguhit n~g m~ga hayop, m~ga gúhit na bilóg, m~ga gúhit na anyóng pabilóg, m~ga bulaclac, m~ga paa, m~ga camay, m~ga bisig, at iba pa. --¿At bakit pô cayó sumusulat cung talagang aayaw cayóng mabasa nino man ang inyóng sinusulat? --Sa pagca't hindî co iniuucol ang áking sinusulat sa m~ga taong nabubuhay n~gayón; sumusulat acó at n~g mabasa n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pa sa m~ga panahong sasapit. Cung mababasa n~g m~ga tao n~gayon ang aking m~ga sinusulat ay canilang susunuguin ang aking m~ga aclat, na siyang pinagcagugulan co n~g pagal n~g boong aking búhay; datapuwa't hindi gayón ang gagawin n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pang macababasa n~g aking m~ga sinusulat n~gayón; sa pagca't ang m~ga taong ipan~gan~ganak pang iyo'y pawang maguiguing m~ga pantas at mauunawâ nila ang aking m~ga adhicâ at canilang wiwikain: HINDI NATULUG NA LAHAT SA GABI N~G AMING M~GA NUNO! Ililigtas n~g talinghagà ó n~g m~ga cacaibang m~ga letrang itó ang aking gawâ, sa camangman~gan n~g m~ga tao, na gaya naman n~g pagcaligtas sa maraming m~ga catotohanan n~g talinghaga ó n~g m~ga cacaibang m~ga pagsambá at n~g di sirain n~g mapangwasak na m~ga camay n~g m~ga sacerdote. --At ¿sa anóng wica sumusulat po cayo?--ang itinanong ni Ibarra, pagcatapos n~g isang sandalíng hindî pag-imíc. --Sa wica natin, sa tagalog. --¡At nagagamit pô ba sa bagay na iyan ang m~ga "geroglifico"? --Cung di lamang sa cahirapan n~g magdibujo, nagcacailan~gan n~g panahón at tiyaga, halos masasabi co sa inyóng lalong magaling na gamitin ang m~ga "geroglifico sa pagsulat n~g ating wikà cay sa "alfabeto latino". Tagláy ang m~ga "vocal" n~g dating "alfabeto egipcio"; ang ating o na pangwacas na vocal na na sa calaguitnàan n~g o at n~g u; wala rin sa egipciong túnay na tunóg ang E; na sa "alfabeto egipcio" ang ating ha at ang ating kha na wala sa "alfabetong latín" ayon sa paggamit natin sa castila. Sa halimbawà; sa sabing mukha,--ang idinugtong na itinuro ang libro--lalong nababagay na aking isulat ang sílabang ha sa pamamag-itan nitóng anyóng isdâ cay sa letrang latina na ipinan~gun~gusap sa Europa sa pamamag-itan n~g iba't ibáng paraan. Sa isáng pan~gun~usap na hindî totoong ipinahahalatâ ang letrang itó, gáya sa halimbáwa dito sa sábing hain, na dito'y hindî totooog mariin ang pan~gun~gusap n~g h, ang guinagamit co'y itóng "busto" n~g leó ó itóng tatlóng bulaklak n~g loto, ayon sa bilang n~g "vocal." Hindî lámang itó, nagágawâ co rito ang pagsúlat n~g tínig na sa ilóng lumálabas, letrang walâ sa "alfabeto latinong" kinastilà. Inuulit cong cung hindî n~gâ lámang sa cahirápan n~g pagdidibujo na kinacailan~gang pacabutihin, hálos magagamit n~gâ ang m~ga "geroglifico"; datapowa't ang cahirapang ding itó ang siyang pumimipilit sa aking huwag magsalitâ n~g maláwig at huwag magsaysay cung dî iyóng catatagán at kinakailan~gan lámang: bucód sa rito'y sinasamahan acó n~g pinagpapagalan cong itó, pagca umáalis ang áking m~ga panauhing tagá China at tagá Japón. --¿Anó pong sábi ninyó? --Hindî pô ba ninyo náririn~gig? M~ga lan~gaylan~gayan ang áking m~ga panauhin; n~g taóng itó'y nagcúlang n~g isá; maráhil siyá'y hinúli n~g síno mang masamáng bátang insíc ó japonés. --¿Bakit pô nalalaman ninyóng silá'y nanggagaling sa m~ga lupaíng iyán? --Dahil pô sa isáng magaáng na paraan: may iláng taón na n~gayóng bágo silá umalís ay itinatalì co sa caniláng paa ang isáng maliit na papel na may nacasúlat na "Filipinas" sa wicang inglés, at inaacalà cong hindî totóong maláyò ang caniláng pinaroroonan, at sa pagcá't sinásalita ang wicang inglés hálos sa lahát n~g pánig n~g m~ga dácong itó. Hindî nagcamít casagutan ang maliit cong papel sa loob n~g mahabang panahón, hanggáng sa cawacasa'y ipinasulat co sa wicang insíc, at ang nangyari'y silá'y bumalic n~g noviembreng sumunód na may m~ga daláng ibáng m~ga maliliit na papel, na aking ipinabasa: nacasúlat ang isá sa wícang insíc, at yaó'y isáng báti magmula sa m~ga pampan~gín n~g Hoangho, at ang isá, alisunod sa insíc na áking pinagtanun~gan, yaón daw marahil ay wicang japonés. Datapuwa't cayó po'y áking linílibang sa m~ga bagay na itó, at hindî co itinatanong sa inyó cung sa paanong bagay macapaglílingcod acó sa inyó. --Naparito pô acó't ibig cong makipag-úsap acó sa inyó tungcól sa isang bagay na mahalaga,--ang isinagót n~g binatà;--cahapon n~g hapo'y.... --¿Hinúli pó ba ang cúlang pálad na iyan?--ang isinalabat n~g matandang lalaking malaking totóo ang pagca ibig na macaalam. --¿Si Elías pô ba ang inyóng sinasabi? ¿Bakin pô ninyó naalaman? --¡Aking nakita ang Musa n~g Guardia Civil. --¡Ang Musa n~g Guardia Civil! ¿At sino pô ba ang Musang iyan? --Ang asawa n~g alférez, na inyóng inanyayahan sa inyóng pagcacatuwa. Cumálat cahapon sa báyan yaong nangyari sa buwaya. Cung gaano ang catalásan n~g ísip n~g Musa n~g Guardia Civil ay gayon din ang catampalasanan n~g canyáng budhî, at hininálà na maráhil ang piloto'y yaong napacapan~gahas na nag-abaáng sa canyang asawa sa pusaw at bumuntál cay párî Dámaso; at sa pagca't siya ang bumabasa n~g m~ga "parte" (casulatang nagbibigay álam n~g anó mang bagay na nangyayari) na dapat tanggapin n~g canyáng asáwa, bahagyà pa lamang dumarating itó sa canyang bahay na lan~gó at walang malay, inutusan ang sargento, sampô n~g m~ga soldado, at n~g bagabaguin ang fiesta, upang macapanghigantí sa inyó, ¡Mag-in~gat pó cayó! Si Eva'y mabait na babae, palibhasa'y nanggâling sa m~ga camay n~g Dios ... Masama raw babae si doña Consolación, at waláng nacacaalam cung caninong camáy siya nanggáling! Kinacailan~gang naguing "doncella" ó naguíng ina, minsan man lámang, upang gumalíng ang isang babae. N~gumitî n~g cauntî si Ibarra, sacâ súmagót, casabay ang pagcuha sa canyang cartera n~g iláng m~ga papel. --Malìmit na nagtátanong pô sa inyó ang aking nasírang amá sa iláng m~ga bagay, at natátandaan cong páwang casayahan ang canyang tinamó lamang sa pagsunód sa inyong m~ga cahatulan. May casalucuyan acóng isang munting gawain íbig cong papagtibayin ang magandang calalabasan. At sinabi ni Ibarra sa matandang lalaki sa maiclíng pananalitâ, ang pinagbabalac na escuelahang canyang inihandóg sa canyang pinan~gin~gibig, at inilahad sa m~ga mata n~g nagtatacang filósofo ang m~ga planong galing Maynila na sa canya'y ipinadala. --Ibig co sanang ihatol pô ninyó sa akin cung sinosino sa bayan ang m~ga taong aking susuyuin, at n~g lalong lumabás na magalíng ang gawaing itó. Kilalá pô ninyóng totóo ang m~ga táong nananahan dito; acó'y bágong carárating at hálos acó'y isáng manunuluyang tagá ibang lupaín sa aking sariling bayan. Sinisiyásat ni matandáng Tasiong sa m~ga mata'y nangguiguilid ang m~ga lúhà, ang m~ga planong na sa canyáng haráp. --¡Ang inyóng ipagpapatuloy na yariin ay ang aking panaguinip, ang panaguinip n~g isáng abáng sirâ ang ísip!--ang bigláng sinábing nabábagbag ang lóob;--at n~gayó'y ang únang ihahatol co pô sa inyó'y ang huwág na mulíng cayó'y magtanóng sa ákin magpacailan man! Tinin~gnán siyá n~g binátang nangguíguilalas. --Sa pagcá't ang m~ga táong matitinó'y ipalalagay pô cayóng sirâ rin ang pag-iísip,--ang ipinagpatuloy n~g pananalitáng masacláp na pagpalibhásà.--Inaacalà n~g táong páwang m~ga sirâ ang ísip n~g síno mang hindî nag-iisip n~g wan~gis na canilá; itó ang dahilán at ipinalálagay nilá acóng ul-ól, at ang gayó'y kinikilala cong útang na lóob, sa pagcá't ¡ay, sa aba co! sa araw na ibig niláng ibalic sa aking boo ang sirâ cong ísip; sa araw na iyá'y áalsan acó n~g cauntíng calayâang áking binilí sa halagá n~g pagca-acó'y táong may cálolowa. ¿At síno ang nacacaalam cung silá n~gâ ang may catuwiran? Hindî acó nag-iisip at hindî acó nabubuhay alinsunod sa caniláng m~ga cautusán; pawang m~ga ibá ang áking sinúsunod na m~ga palatuntunan, ang áking m~ga adhicâ. Sa ganáng canilá'y ang túnay na matinó'y ang gobernadorcillo, sa pagca't palibhása'y waláng ibáng pinagaralan cung dî ang magdúlot n~g chocolate at magtiis n~g casam-án n~g asal ni párì Dámaso, n~gayó'y mayaman, liníligalig niyá ang m~ga maliliit na capaláran n~g canyáng m~ga cababáyan at cung magcabihirà pa'y nagsásalitâ n~g tungcól sa catuwíran. "Matalas ang pag-iísip n~g táong iyán" ang inaacalà n~g m~ga han~gal; "tingnan ninyó't sa waláng anó ma'y nacapagpalakî sa sarili!" Datapuwa't acóng nagmána n~g cayamanan, m~ga pagca-aláng-álang n~g cápuwà, acó'y nag-áral, n~gayó'y isáng mahírap acó, at hindî acó pinagcatiwalâan n~g lálong waláng cabuluháng tungcúlin, at ang sinasabi n~g lahát: "¡Iyá'y isáng ul-ól, iyá'y hindî nacauunawà cung anó ang pamumuhay!" Tinatawag acó n~g curang "filósofo" n~g palibác, na ang ipinahihiwatig ay acó'y isáng madaldal na ipinagmámayabang ang m~ga pinagarálan sa Universidad, gayóng siyá pa namáng lálong waláng cabuluhán. Marahil n~gâ namá'y acó ang túnay na báliw at silá ang m~ga tinô, ¿síno ang macapagsasabi? At pinaspás n~g matandâ ang canyáng úlo, na anàkí ibig niyang palayuin ang isáng pag-iísip, at sacâ nagpatúloy n~g pananalitâ: --Ang icalawáng maihahatol co sa inyó'y magtanóng pô cayó sa cura, sa gobernadorcillo, sa lahát n~g m~ga táong nacacacaya; bibigyan cayó nilá n~g m~ga masasamâ, han~gál at waláng cabuluháng m~ga cahatulán; datapuwa't hindî pagtalîma ang cahulugán n~g pagtatanóng, magpacunuwarî cayóng sinúsunod ninyó silá cailan man at mangyayaring gawin ninyo, at inyóng ipahayag na iniaalinsunod ninyó sa canilá ang inyóng m~ga gawâ. Naglininglínìng n~g sandali si Ibarra at nagsalitâ, pagcatapos: --Magalíng ang inyóng hátol, n~guni't mahirap sundin. Dapuwa't ¿hindî n~gâ cayâ maipagpatuloy co ang aking panucálà na hindî tumakip sa panúcalang iyán ang isáng dilím? ¿Hindî bagá cayâ magawâ ang isáng cagalin~gan cahi't tahákin ang lahát, yámang hindî cailan~gan n~g catotohanang manghirám n~g pananamit sa camalîan? --¡Dáhíl diyá'y walâ sino man sumisinta sa catotohanang hubád! Magalíng ang bágay na iyán sa salitâ, mangyayari lamang sa daigdîg na pinápanaguimpan n~g cabatâan. Náriyan ang maestro sa escuela, na walang tumútulong síno man, sangól na púsong nagmithî n~g cagalin~gan ay walang ináni cung di libác at m~ga halakhác; sinábi ninyó sa áking cayó'y taga ibang báyan sa inyóng sariling lupaín, at naniniwalâ acó. Mulâ sa únang áraw n~g inyóng pagdatíng díto'y inyóng sinactán ang calooban n~g isáng fraileng cabalitaan sa m~ga táong siya'y isáng banál, at ipinalalagay n~g canyáng m~ga cápuwâ fraileng siyá'y isáng pantás. Loobin nawâ n~g Dios na ang guinawâ ninyóng itó'y huwág siyáng maguing cadahilanan n~g m~ga mangyayari sa inyó sa hináharap na panahón. Huwág po ninyóng acalâing dáhil sa pinawawal-áng halagá n~g m~ga dominico at agustino ang guinggóng hábito, ang cordón at ang salaulang pangyapác, na dahil sa minsang ipinaalaala n~g isáng dakílang doctor sa Santo Tomás, na ipinasiyá n~g papa Inocencio III, na lalong nauucol daw sa m~ga baboy cay sa m~ga tao ang m~ga palatuntunan n~g m~ga franciscano'y hindî silá man~gagcácaisa upang papagtibayin yaóng sábi n~g isáng fraileng procurador: "Higuit ang ikinapangyayari n~g lálong walang cabuluháng uldóg" cay sa Gobierno, cáhi't maguing casama pa nitó ang lahát niyáng m~ga soldado "Cave ne cadas". Totóong macapangyarihan ang guintô; madalás na inihápay n~g gúyang vacang guintô ang túnay na Dios sa canyáng m~ga altar, at nangyayari itó búhat pa sa panahón ni Moísés. --Hindî acô lubháng mapangláwin sa pag-iísip n~g mangyayari sa anó mang bágay, at sa gánang ákin ay hindî namán napacapan~ganib ang pamumuhay sa áking lupaín,--ang isínagót ni Ibarrang n~gumin~gitî.--Inaacalà cong nápacalampas namán ang m~ga tácot na iyán, at umaasa acóng áking magágawâ ang aking m~ga panucála, na hindî acó macacakita n~g malalaking m~ga hadláng sa dácong íyan. --Hindî n~ga, sacali't cayó'y tangkilikin nilá; datapuwa't magcacaroon cayó n~g m~ga hadláng cung cayo'y hindî tangkilin. Casucatán na upang madúrog na lahát ang inyóng m~ga pagsusumicap sa m~ga pader n~g bahay n~g tinatahanan n~g cura, ang iwaswás n~g fraile ang canyáng cordón ó ipagpág cayâ niyá ang canyáng hábito; itátanggui n~g alcalde bucas, sa papaano mang dahilán, ang sa inyo'y ipinagcaloob n~gayon; hindî itutulot n~g síno mang ináng pumásoc ang canyáng anác sa páaralan, at cung macágayo'y baligtád ang ibubun~ga n~g inyóng lahát na m~ga pagpapagal: macapanghihinà n~g lóob sa m~ga magpapanucálà pagcatapos, na tumikím gumawâ n~g anó mang bagay na cagalin~gan. --Bagá man sa inyóng sabí,--ang tugón n~g binátà, hindî acó macapaniwálà sa capangyarihang iyang sinabi ninyó, at cáhit ipagpalagáy n~g catotohanan, cahi't paniwalâan túnay n~ga, mátitira rin sa áking pinacalábis ang bayang may pag-iísip, ang Gobiernong may manin~gas na han~gad sa pagtatátag n~g m~ga panucalang totoong maiinam, taglay niyá ang m~ga dakilang adhicâ at talagáng ibig n~ga niya ang icágagaling n~g Filipinas. --¡Ang Gobierno! ¡Ang Gobierno!--ang bulóng n~g filósofo, at sacà tumin~galà upang tin~gnán ang bubun~gán.--Bagá man túnay na magcaróon n~g manin~gas na nasang padakilâin ang lupaíng itó sa icágagaling n~g m~ga taga rito rin at n~g Ináng Báyan; bagá man manacanacang alalahanin n~g man~gisan~gisang m~ga nan~gan~gatun~gculan ang magagandang caisipán n~g m~ga háring católico, at bangguitín cung siya'y napapag-isá, ang Gobierno'y hindî nacakikita, hindî nacaririnig, hindî nagpapasiyá, liban na lamang sa ibiguin n~g cura ó provincial na canyáng makita, mápakinggan at mápasiyahán; lubós ang pagsampalatayang cayâ lamang siyá matíbay ay dahil sa canilá; na cung siya'y nananatili'y sa pagca't siya'y inaalalayan nilá; cung siya'y nabubuhay, sa pagca't ipinahihintulot niláng siyá'y mabuhay, at sa araw na iwan siyá n~g m~ga fraile'y siya'y matútumbang gáya n~g pagcatumbá n~g isang taotaohan pagca walâ n~g sa canya'y pang-alalay. Tinatacot ang Gobierno sa panghihimagsík n~g bayan, at tinatacot ang bayan sa m~ga hucbó n~g Gobierno: nagmulà rito ang isang magaang na laróng nacacatulad sa nangyayari sa m~ga matatacutin cung sila'y pumapasoc sa m~ga malulungcót na lúgar; ipinalálagay niláng m~ga "fantasma" ang canilang sarilíng m~ga anino, at ipinalálagay niláng m~ga voces n~g ibá ang m~ga alín~gawn~gaw n~g caniláng sariling m~ga voces. Hindî macawáwalà ang Gobierno sa pananalima sa m~ga fraile, samantalang hindî siyá nakikipag-alam sa bayáng itó; mabubuhay siyang catúlad niyáng m~ga bátang báliw, na pagdaca'y nan~gán~gatal márinig lámang ang voces n~g sa canya'y tagapag-alágà, na caniláng pinacasusuyò n~g dî anó lámang at n~g sa canila'y magpaumanhin. Hindî nagháhan~gad ang Gobiernong siya'y magtamó sa hináharap na panahón n~g sariling lacás na sagánà, siya'y isáng bísig lámang, sa macatuwíd ay tagaganáp; ang úlo'y ang convento, sa macatuwíd ay siyáng tagapag-utos, at sa ganitóng hindî niyá pagkilos, nagpapaubayà siyáng siya'y caladcarín sa magcabicabilang ban~ging malalalim, siya'y naguiguing lilim lamang, nawáwal-an siyang cabuluhán, at sa canyáng cahinaan at casalatan sa caya'y ipinagcacatiwalà niyang lahát sa m~ga camáy na upáhan. Cung hindî'y inyó pong isúmag ang anyô n~g pamamahálà sa atin n~g ating Pámunuan sa m~ga ibang lupaíng inyóng linacbáy ... --¡Oh!--ang isinalabat ni Ibarra,--mapapacalabis namán ang m~ga cahin~giang iyan; magcásiya na lámang táyo sa pagcakitang ang baya'y hindî dumáraing, at hindî nagcacahirap na gaya n~g m~ga ibáng lupaín, at ito'y salámat n~ga sa Religión at sa cabaîtan n~g m~ga púnong dito'y namamahálà. --¡Hindî dumáraing ang bayan, sa pagcá't waláng voces, hindî cumikilos sa pagca't hindî nacacaramdam sa mapan~ganib na pagtulog, at hindî nahihirapan, ang wicà po ninyó, sa pagca't hindî niyá nakikita cung paano ang pagdurugô n~g canyáng púsò, ¡N~guni't makikita't maririn~gig isáng áraw at ¡sa abá n~g m~ga lumiligaya sa pagdaráyà at sa gabí cung man~gagsigawâ, dahil sa ang acálà nilá'y natutulog na lahát. ¡Pagca naliwanagan n~g sícat n~g áraw ang carumaldumal na anác n~g m~ga cadilimán, cung magcágayo'y dárating ang cakilakilabot na pananag-úlì n~g ísìp, búbugsô at sasambulat ang hindî maulátang lacás na kinulóng sa lubháng mahábang panahón, ang napacaraming camandág na isaisang patác na sinálà, ang di masayod na m~ga himutóc na linunod ... ¿Cung magcágayo'y sino cayâ ang magbabayad niyang m~ga útang na manacânacang sinísin~gil n~g báyan ayon sa ating nababasa sa pigtâ n~g dugong m~ga dahon n~g Historia? --¡Hindî ipahihintulot n~g Dios, n~g Gobierno at n~g Religióng dumating ang araw na iyan!--ang mulíng isinagót ni Crisóstomo, na nalálaguim n~g laban sa canyang saríling calooban.--Sumasampalataya sa religión at sumisinta sa España ang Filipinas; talastas n~g Filipinas cung gaano calakí ang m~ga cagalin~gang guinágawâ n~g nación sa canya. Tunay n~ga't may m~ga capaslan~gang nagagawa, hindî co rin naman icacailang siya'y may m~ga caculan~gan; datapuwa't nagpapagal ang España n~g pagbabago n~g m~ga cautusán at m~ga palácad na námamasid niyáng dî totóong wastô upang mabigyáng cagamutan ang gayóng m~ga capaslan~gán at m~ga caculan~gan; nagbabalac n~g m~ga bago't bagong panucálà, hindî masamang asal. --Nalalaman co, at nárito ang casám-ang lálò. Ang m~ga pagbabagong utos na nanggagaling sa mataas, pagdatíng sa baba'y nawawal-ang cabuluhán, dahil sa m~ga pangit na pinagcaratihan n~g lahát, sa halimbawa, ang manin~gas na han~gad na pagdaca'y yumaman at ang camangman~gan n~g bayang ipinauubáya ang lahat n~g gawín n~g may m~ga salanggapang na budhî. Hindî nasasalansà n~g isáng tadhanà n~g hárì ang m~ga gawang lisyà n~g m~ga namiminúnò, samantálang hindî aban~gán n~g isáng mapagmalasakit na macapangyarihan ang lubós na pagtalima sa tadhánang iyón n~g hárì, samantalang hindî ipinagcacaloob ang calayâang magsalitâ laban sa malalabis na m~ga cagagawan n~g nan~gaglúlupit na m~ga harîharían sa bayan: mátitira sa pagcapanucála, ang m~ga panucála, ang m~ga capaslan~ga'y mananatili't hindî masasawatâ, at gayón ma'y tahímic na matutulog ang ministro, sa galác na siya'y nacatupád n~g canyáng catungcúlan. Hindî lamang ito, sacali't pumarito ang isáng guinóong may mataas na catungcúlang may taglay na m~ga dakila't magagandáng m~ga han~gád, samantalang sa licura'y tinatawag siyáng-ulól, sa haráp niya'y ganitó ang ipasísimulang sa canya'y iparinig: "hindî po nakikilala n~g inyóng camahalan, ang lupaing ito, hindî pô nakikilala n~g inyóng camahalan ang m~ga "indio", pasasamain pô n~g camalian ninyó silá, ang mabuti po'y magcatiwalâ cayó cay "fulano" at cay "zutano" at ibá pa," at sa pagca't hindî n~ga naman nakikilala n~g camahalan niya ang lupaing hangga n~gayo'y na sa América ang canyáng boong acálà, at bucod sa roo'y ma'y m~ga caculan~gan at may m~ga hindî mapagtagumpayán n~g marupóc niyáng lóob, na gaya rin naman n~g lahát n~g táo, siya'y napahihinuhod. Nadidilidili naman n~g camahalan niyang kinailan~gang siya'y magpatúlò n~g maráming páwis at magcahírap n~g dî cawásà upang camtán niyá ang catungculang hinahawácan, na tatlóng taón lamang ang itátagal n~g catungculang iyón, na sa pagca't siyá'y may catandaan na'y kinacailan~gang huwag n~g mag-íisip n~g m~ga pagtutuwid n~g licô at n~g m~ga pagsasanggalang sa naaapi, cung dî ang iguiguinhawa niya sa panahông darating; isáng malíit na "hotel" (magandang bahay) sa Madrid, isáng mainam na tahanan sa labás n~g ciudad at isáng magaling na pakikinabang sa taóntaón sa patubuang salapi upang macapagbúhay-guinháwa sa pan~gulong báyang tahanan n~g hárì ang m~ga bagay n~gang itó ang dapat paghanapin sa Filipinas. Huwág táyong humin~gî n~g m~ga cababalaghán, huwág nating hin~ging magmalasakit sa icagagaling n~g lupaíng itó ang tagá ibáng lupaíng naparirito at n~g macakita n~g cayamanan at pagcatapos ay aalis. ¿Anóng cahalagahan sa canyá n~g pagkilalang lóob ó n~g m~ga sumpâ n~g isáng bayang hindî niya kilalá, na walâ síyáng ano mang súcat alalahanin at walâ naman doon ang canyáng m~ga sinisinta? Upang tumimyas ang dan~gal ay kinacailan~gan umalin~gawn~gaw sa m~ga tain~ga n~g ating m~ga iniibig, sa han~ging sumisimoy sa ating tahanang bahay ó sa kinamulatang bayang mag-iin~gat n~g ating bun~gô at m~ga but-ó, ... ibig nating maramdaman ang pagcaunlac sa ibabaw n~g ating libin~gan, at n~g mapapag-init n~g canyáng m~ga sinag ang calamigán n~g camatayan, n~g huwag namang totoong mauwi na n~ga tayo sa wala, cung di may matirang anó mang macapagpapaalaala sa atin. Alin man dito'y walâ tayong maipan~gacò sa pumaparito upang mamanihalà n~g ating capalaran. At ang lalò pang kasamasamaan sa lahát ay nan~gagsisi-alis pagka nagpapasimulâ na n~g pagcaunawà n~g canilang catungculan. N~guni't lumálayô tayo sa ating pinag-uusapan. --Hindî, bago tayo magbalíc sa pinag-uusapan natin ay kinacailan~gang cong pagliwanaguin ang iláng m~ga tan~ging bagay,--ang dalidaling isinalabat n~g binatà. Mangyayaring sumang-ayon acóng hindî nakikilala n~g Pamahalaan ang calagayan, caugalian at minimithî n~g bayan, datapuwa't sa acala co'y lalong hindî nakikilala n~g bayan ang Pamahalaan. May m~ga cagawad ang Pamahalaang walang cabuluhan, masasamâ, cung itó ang ibig ninyóng aking sabihin, datapuwa't mayroon namang m~ga cagawad na magagalíng, at ang magagalíng na ito'y waláng magawâ, sa pagca't sumasaguitnâ sila n~g caramihang hindî gumágalaw, aayaw gumalaw, ang m~ga mamamayan bagang bahagyâ, na nakikialam sa m~ga bagay na sa canya'y nauucol. N~guni't hindî acó naparito't n~g makipagmatuwiran sa inyo tungcol sa bagay na itó; naparito acó't n~g sa inyo'y humin~ging cahatulan, at ang inyong sabi'y yumucód acó sa m~ga diosdiosang catawatawá. --Tunay n~gâ, at itó rin ang aking inuulit, sa pagca't dito'y kinacailan~gang ibabâ ang ulo ó pabayaang ilagpác. --¿Ibaba ang ulo ó pabayaang ilagpac?--ang inulit ni Ibarrang nag-iisip-isip.--Totoong napacahigpit ang páhiran~gang iyán! N~guni't ¿bakit? Diyata't ¿hindî n~gâ cayâ mangyayaring magcaayos ang pagsinta sa aking tinubuang lupa at ang pagsinta sa España? ¿Kinacailan~gan bagang magpacaîmbi upang maguing magalíng na binyagan, papan~gitin ang sariling budhi upang macagawa n~ga n~g isáng magaling na panucalà? Sinisinta co ang aking tinubuang lúpà, ang Filipinas, sa pagca't siya ang pinapacacautan~gan co n~g buhay at n~g aking caligayahan, at sa pagca't dapat sintahin n~g lahat n~g tao ang canyang tinubuang lúpa; sinisinta co ang España, ang lupang tinubuan n~g aking magugulang, sa pagca't baga man sa lahat n~g bagay na nangyayari, pinagcacautan~gan siya at pagcacautan~gan n~g Filipinas n~g canyáng caligayahan at n~g canyang cagalin~gan sa panahong dárating; católico acó, nananatili sa aking dalisay ang pananampalataya n~g aking m~ga magugulang, at hindî co maalaman cung anóng cadahilanan at aking ibábabâ ang aking úlo, gayóng mangyayari namang aking itunghay; cung anong cadahilanan at aking ihahayin ang aking ulo sa aking m~ga caaway, gayong sila'y mangyayari co namang yurakin! --Sa pagca't na sa camay n~g inyóng m~ga caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailan~gan munang hagcan ninyó ang camay na iyang.... --¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libin~gan? N~guni't acóng canyáng anác ay hindî co nalilimutan, at cung hindî co siya ipinanghihiganti'y, dahil sa linilin~gap co ang capurihan n~g religión. Itinun~gó ang úlo n~g matandáng filósofo. --Guinoong Ibarra.--ang canyang isinagót n~g madalang na pananalitá:--cung nananatili sa inyong alaala ang m~ga gunitaing iyan, m~ga gunitaing hindî co maihahatol na inyóng limutin; huwag pô ninyóng ipagpatuloy ang panucalang inyóng binabantang gawín, at hanapin ninyó sa íbang dáco ang icagagaling n~g inyóng m~ga cababayan. Humihin~gi ang panucalà ninyo na ang ibang tao ang gumawâ, sa pagca't upang mayarì, hindi lamang salapi at han~gad na macayari ang kinacaìlan~gan; bucód sa rito'y kinacailan~gan dito sa ating lupaín ang pagca matiisin, malabis na catiyagaa't pagsusumicap at matibay na pag-asa, sa pagca't hindî nahahanda ang linang; pawang m~ga dawag lamang ang nacatanim. Napag-uunawà ni Ibarra ang cahalagahan n~g m~ga salitang itó; datapuwa't hindî siya macapanglulupaypá'y; na sa canyang gunita ang alaala cay María Clara; kinacailan~gang mayari ang canyang inihandóg na pan~gacò. --¿Wala na bagáng ibang sa inyo'y maihatol ang dinanas ninyó cung di ang mahigpít na paraang iyan?--ang itinanong sa mahinang pananalita. Tinangnán siyá n~g matandáng lalaki sa bísig at saca siya dinalá sa bintanà. Isang han~ging malamig na pan~gunahin n~g timog ang siyang humihihip; nalalatag sa m~ga mata niya ang halamang ang hangganan ay ang malawac na gubat na siyang pinacabacod. --¿Bakit pô ba hindî natin tutularan ang gawa niyáng mahinang catawán n~g halamang iyang humihitic sa dami n~g bulaclac at m~ga búco?--anang filósofo, na itinuturò ang isang magandang púnò n~g rosa.--Pagcahumihihip ang han~gin at ipinagwawagwagan siya, ang guinagawa niya'y yumúyucod, anaki'y itinatagò ang canyang mahalagang taglay. Cung manatili ang punò n~g rosa sa pagcatuwid, siya'y mababali, isasabog n~g han~gin ang m~ga bulaclac at maluluoy ang m~ga búco. Pagcaraan n~g han~gin, nananag-uli ang punò n~g rosa sa pagtuwid, at ipinagmamalaki ang canyang cayamanan, ¿sino ang sa canya'y macacapípintas dahil sa canyang pahihinuhod sa pan~gan~gailan~gan, sa macatuwid baga'y sa pan~gan~gailan~gang pagyucod? Tan-awain po ninyo roon ang lubhang mayabong na cáhoy na "cúpang" na iyón, na iguinagalaw n~g boong cadakilaan ang canyang na sa caitaasang m~ga dahong pinagpupugaran n~g lawin. Ang "cúpang" na iya'y dinala co ritong galing sa gubat n~g panahong siya'y mahinà pang usbóng; inalalayan co ang canyang catawan n~g maliliit na m~ga patpat sa loob n~g di cacaunting panahón. Cung dinalá co rito ang cahoy na iyang malaki na't sagana sa buhay, wala n~gang salang hindi sana siya nabuhay: ipinagwagwagan disin siya n~g han~gin n~g panahóng hindi pa nacacacapit ang canyang m~ga ugat sa lupa upang macapagbigay sa canya n~g kinacailan~gang icabubuhay, alinsunod sa canyang laki at taas. Ganyan din pô naman ang maguiguing wacas ninyo, halamang inacat na nanggalíng sa Europa at inilipat sa mabatóng lupaíng itó, cung hindî cayó hahanap n~g sa inyo'y aalalay, at hindî cayó magpapacalíit. Masama pô ang inyóng calagayan, cayó'y nag-íisá, mataas; umuugà ang lúpà, nagbabalità ang lan~git n~g malakíng unós, at napakita n~g nacahihicayat n~g paglapit n~g lintíc ang maruruclay na dulo n~g inyong angcán. Hindî catapan~gan, cung di capan~gahasang tacsil ang mag-isang makihamoc sa boong casalucuyang náririto; wala sino mang pumipintas sa pilotong nan~gún~gubli sa isang doon~gán sa unang hihip n~g han~ging nagbabalita n~g darating na bagyó. Hindî caruwagan ang yumucod cung nagdaraan ang punglo (bala); ang masama'y ang lumantad upang mahandusay at huwag na muling buman~gon. --¿At magcacaroon cayâ n~g inaasahan cong bun~ga ang pag-amis sa sariling itó?--ang itinanóng ni Ibarra;--¿maniniwalà cayâ sa akin at lilimutin cayâ n~g sacerdote ang guinawâ co sa canyang pag-imbi? ¿Tunay n~gâ cayang tutulong sila sa akin sa icalalagô n~g pagpapaaral sa m~ga batà, na siyáng makikipan~gagaw sa convento n~g m~ga cayamanan n~g bayan? ¿Hindî caya mangyaring sila'y magpacunwarî n~g pakikipag-ibigan, magpaimbabaw n~g pagtatangkilic, at sa ilalim, sa m~ga cadiliman ay siya'y bacahin, siraing unti-unti, sugatan ang canyang bucóng-búcong at n~g lalong madaling maibuwal siyá, cay sa labanan n~g pamukhaan? ¡Alinsunod sa iniacalà po ninyong m~ga anyo'y maaasahang mangyayari ang lahat! Nanatili ang matandang lalaki sa hindî pag-imíc at hindî macasagót. Nag-isip-isíp n~g ilang sandalî at sacâ nagsalitâ ulî: --Cung gayón ang mangyari, cung maluoy ang inyóng panucalà, macaaaliw sa inyong hapis ang pagcaalam ninyong inyong guinawâ ang lahat ninyong macacaya, at gayon man ang cahinatna'y may cauntî ring pakikinaban~gin: itatag ang unang bató, magtanim, at marahil cung macaraan na ang sigabo n~g unós ay sumibol ang iláng butil, magnawnaw pagcalampas n~g capahamacán, máligtas ang angcan sa pagcapahamac at sa cawacasa'y maguing binhi n~g m~ga anac n~g maghahalamáng namatay. Mangyayaring macapagpalacás n~g loob ang gayóng ulirán sa m~ga ibáng nan~gatatacot lamang magpasimulâ. Pinaglininglining ni Ibarra ang m~ga catuwirang itó, napagmasid ang canyáng calagayan at napagwaring totoong na sa catwiran ang matandáng lalaki sa guitnâ n~g canyang pagcamahiliguin sa paniniwala sa mapapanglaw na casasapitan n~g anó mang panucalà. --¡Naniwalâ acó sa inyó!--ang bigláng sinabi, at pinacahigpit ni Ibarra ang camay n~g matandáng lalakì.--Hindi nasayang ang aking pag-asang bibigyan pô ninyô acó n~g magalíng na cahatulán. N~gayón dín ay paparoón acó sa cura't aking bubucsán sa canyá ang nilalaman n~g aking pusò, sa pagca't ang catotohana'y walà naman siyáng guinagawâ sa aking anó mang bágay na masamâ, sa pagca't hindî naman maguiguing cawan~gis na lahat n~g nag-usig sa aking amá. Bucód sa rito'y may ipakikiusap pa acó sa canyá tungcól sa icagagalíng niyáng culang palad na ulol na babaeng iyán at n~g canyáng m~ga anác; ¡nananalíg acó sa Dios at sa m~ga tao! Nagpaalam sa matandáng lalaki, sumacay sa cabayo at yumao. --¡Masdán nating magaling!--ang ibinulóng n~g mapag-isip n~g mapapanglaw na filósofo; na sinusundán si Ibarra n~g canyáng tanaw;--hiwatigan nating mabuti cung paano cayâ ang gagawín ni Capalarang pagyarì n~g pinasimulaang "comedia" sa liban~gan. --N~gayo'y tunay na siya'y nagcacámali: pinasimulaan ang "comedia" n~g caunaunahan pa bago nangyari ang sa libin~gan. =XXVI.= =ANG "VISPERA" NG "FIESTA."= Tayo'y na sa icasampô n~g Noviembre, vispera (araw na sinusundan) n~g fiesta (pagsasayá). Iniiwan ang caugaliang anyó sa araw-araw, at gumagamit ang bayan n~g isáng waláng cahulilip na casipagan sa bahay, sa daan, sa simbahan, sa sabun~gan at sa cabukiran; pinupunô ang m~ga bintanà (durun~gawán ó linib) n~g m~ga "bandera" at n~g m~ga "damáscong" may iba't ibang culay; napupuspos ang alang-alang n~g m~ga ugong n~g m~ga putóc at n~g música; nasasabugan at nalalaganapan ang han~gin n~g m~ga cagalacan. Sarisaring minatamis na m~ga bun~gang cahoy rito ang nan~gacalagay sa m~ga "dulcerang" (lalagyán n~g matamís) cristál na may sarisáring masasayáng cúlay na pinag aayos-áyos n~g dalaga sa isang "mesita" (maliít na mesa), na natátacpan n~g maputing "mantel" na "bordado." Sumisiap sa "pátio" ang m~ga sisiw, cumacacac ang m~ga inahing manóc, humagukhoc ang m~ga baboy, na nan~gaguíguitla sa catuwaan n~g m~ga tao. Nagmamanhic manaog ang m~ga alilang may m~ga daláng doradang "vagilia" (sasisaring bágay na lalagyan n~g pagcaing napapamutihan n~g m~ga dibujong dorado), pilac na m~ga "cubierto" (cuchara, cuchillo at tenedor) dito'y may kinagagalitan dahil sa pagcabasag n~g isang pingan, doo'y pinagtatawanan ang isang babayeng tagabukid; sa lahat n~g daco'y may nan~gag-uutos, nan~gag-uusapan, sumisigaw, nan~gagpipintasan, nangagbabalacbalac, nan~gag-aaliwan ang isa't isá, at pawang caguluhan, ugong, cain~gayán. At ang lahat n~g pagsusumicap na itó at itong lahat na pagpapagal ay dahil sa panauhing kilala ó hindî kilala; ang cadahilana'y n~g pagpakitaan n~g magandang loob ang taong marahil ay hindî pa nakikita cailan mán, at marahil cailan man ay hindî na pakikita pagcatapos; n~g ang tagaibang bayan, ang naglalacbay-bayan, ang caibigan, ang caaway, ang filipino, ang castila, ang dukhâ, ang mayaman ay umalis doon pagcatapos n~g fiestang natutuwa at walang maipintas: hindî man lamang hinihin~gì sa canilang cumilala n~g utang na loob, at hindî hinihintay sa m~ga panauhing yaong huwag gumawâ n~g anó mang isasamâ n~g mapagcandiling magcacasambaháy samantalang tinutunaw ó cung matunaw na sa tiyan ang canilang kinain. Ang m~ga mayayáman, ang m~ga nacakita n~g higuit cay sa m~ga ibá, palibhasa'y nan~gaparoon sa Maynilà, nan~gagsisibili n~g cerveza, champagne, m~ga licor, m~ga alac at m~ga pagcaing galing Europa, m~ga bágay na bahagyà na nilá natiticman ang isáng subò ó isáng lagóc. Magandang totoó ang pagcacahanda n~g canyáng mesa. Sa dacong guitnâ'y naroroon ang isáng "pinya-pinyahang" kinatutusucan n~g m~ga panghinin~gáng marikít na lubhâ ang pagcacagawâ n~g m~ga "presidiario" sa m~ga horas n~g caniláng pagpapahin~galay. Ang m~ga panghinin~gáng itó'y may m~ga anyong "abanico," cung minsa'y catulad n~g m~ga pinagsalitsalit na m~ga bulaclac, ó isáng ibon, isáng "rosa", isáng dahon n~g anahaw, ó m~ga tanicalâ, na pinapagmulâ ang lahát n~g itó sa isáng caputol na cahoy lamang: isáng bilanggong pinarurusahan sa sapilitang pagtatrabajo ang may gawâ, isáng pan~gal na "cuchillo" ang gamit na casangcapan at ang voces n~g bastonero ang siyang nagtuturò.--Sa magcabilang tabí n~g pinyang itó, na tinatawag na "palillera", nacalagáy sa m~ga cristal na "frutero" (lalagyan n~g bun~gang-cahoy) ang nacatimbóng m~ga "naranjitas" (santones ang tawag n~g iba), lansones, ates, chicos at manggá pa cung magca minsan, bagá man buwan n~g Noviembre. Sacâ sa man~ga bandeja sa ibabaw n~g m~ga papel na may burdang inukit at may m~ga pintáng makikináng na m~ga cúlay, nacahayin ang m~ga "jamong" galing Europa ó galing China, isáng malaking "pastel" na ang anyó'y "Agnus Dei," (tupang may tan~gay na banderang may nacadibujong isang cruz), ó cayá'y calapati, ang Espíritu Santo marahil, m~ga "pavo rellenado," at ibá pa; at sa casamahan n~g lahat n~g ito'y ang pangpagana sa pagcaing m~ga frasco n~g m~ga "achara" na may caayaayang m~ga dibujong gawâ sa bulaclac n~g bun~ga at ibá pang m~ga gúlay at m~ga bun~gang halaman na totoong mainam ang pagcacahiwà na idinigkít n~g "almibar" sa m~ga taguiliran n~g m~ga garrafón. Linilinis ang m~ga globong vidrio, na pinagmanamana n~g m~ga ama't n~g m~ga anác, pinakikintab ang m~ga tansong aro; hinuhubdan ang m~ga lampara n~g petróleo n~g canilang mapupuláng m~ga funda, na sa canila'y naglalagac sa loob n~g isang taón sa m~ga lan~gaw at sa m~ga lamoc na sa canila'y sumisirâ; umuugoy, cumacalansing, umaawit n~g caligaligaya ang m~ga "almendra" at m~ga palawit na cristal na nagkikinagan n~g sarisaring maniningning na cúlay dahil sa anyô n~g pagcacatapyas; na ano pa't anaki'y nan~gakikisaliw sa pagcacatuwâ, nan~gagsasayá pinagpag-iiba't-iba ang ningning at pinasisinag sa ibabaw n~g mapuputing m~ga pader ang m~ga cúlay n~g bahag-hari. Ang m~ga bata'y nan~gaglalarô, nan~gagcacatuwâan, hinahabol ang maniningning na m~ga cúlay, nan~gatitisod, nababasag ang m~ga tubo, datapuwa't ito'y hindî nacacagambalà upang ipagpatuloy ang catuwaan n~g fiesta: ibáng ibá ang caniláng casasapitan at ang m~ga luhà n~g caniláng mabibilog na m~ga matá, ang siyang magsaysay cung mangyari ang ganitóng pagbabasag sa ibáng panahon n~g isáng taón. Lumalabás, na gaya rin n~g m