The Project Gutenberg EBook of Florante at Laura, by Francisco Baltazar This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net Title: Florante at Laura Author: Francisco Baltazar Release Date: May 17, 2005 [EBook #15845] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK FLORANTE AT LAURA *** Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Special thanks to Matet Villanueva, Pilar Somoza and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. Mistakes in the original published work has been retained in this edition.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]
Nang kalahatian ng 1906, na lumabas sa larangan ng Panitikang Tagalog ang mahalagang aklat ng "Kun sino ang kumatha ng Florante", ni G. Hermenegildo Cruz, ay sinasabing may mga 106,000 nang salin ng "Florante at Laura" ang naipalilimbag ng iba't iba; at sapul noon hangga ngayon ay marami na ring taón ang nagsipagdaan, at sa loob ng panahong iyan—lalo na nga't kung aalagataing siyang panahon ng kaunlaran ng Panitikang Tagalog at ng kasiglahan sa pagbabasá at ng pag-uumalab na lalo ng pagmamahal sa ating walang kahambing na Makatang Francisco Baltazar—ay walang alinlangang sa datihang bilang ng 106,000 ay di na rin kakaunti at di na iilang libo ang naparagdag pa.
At sa harap ng kasiglahang iyan ay mapaghahalatang nagkaroon din ng ibayong sigla ang nagsisipagpalimbag. Isa't isa ay gumagawa ng kanikanyang kaya, upang mapalitaw na kalugodlugod ang "Florante at Laura". Ngunit sa likod ng kasiglahang iyan at kapuripuring pagpupunyagi ay kasakitsakit sabihing wari'y naipagwawalang bahala kung minsan ng ilan yaong tagubiling:
"Di co hinihinging pacamahalin mo tauana,t, dustain ang abang tula co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyo ay houag mo lamang baguhin ang verso".
Naipagwawalang bahala? Walang alinlangan. Pinatutunayan ng mga pangyayari. Nguni't maaari namang paniwalaang hindi sa atas ng masamang hangad na "paalatin ang matatamis na tula" kundi bagkus pa ngang sa magandang nais, na lalo pang mapatamis. Lalong mapasarap. Lalong mapabuti. Lalong maitumpak. Gayon man, at maging gaano man kabanalang ganyang nais, ay di rin maipagkakailang tunay na pagwawalang bahala sa tagubilin at tunay na ipinagkakamit ng malubhang kasalanan ni Sigesmundong dinadaliri ng dakilang Makata.
Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang papanatilihing buhay magpakailan man, walang munti mang pagbabago, sa maging labis man o kulang, kahi't mali mang nakikita. Ni isang titik, ni isang kuwit—maliban na nga lamang kung hindi maiwasan dahil sa makapangyarihang atas ng panibagong alituntunin sa pagsulat.
Sinasabing ni saan man ay wala na ngayong matatagpuang isa mang salin ng "Floranteng" limbag noong buhay pa si Balagtas, at may paniwalang ang iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera ay siyang matanda sa lahat nang nakatago ngayon; nguni't sa kagandahang palad ay sumakamay namin ang isang salin ng lumabas noong 1861, linimbag sa papel Tsina ng "Imprenta de Ramirez y Giraudier", at sa kanyang takip na papel katalan—takip na ilinagay lamang ng maingat na may-ari—ay nakatitik ito: "Es propiedad de Don Jose Dioniso de Mendoza". Si Balagtas ay namatay noong ika 20 ng Pebrero ng 1862, sa gulang na magpipitongpu't apat na taón. Kaya, maliwanag, na buhay pa si Balagtas ng limbagin nina Ramirez ang "Floranteng" sumakamay namin, at matanda pang di hamak sa iniingatan ni Dr. Tavera, sapagka't ang kanya ay limbag lamang noong 1870 ng "Imprenta de B. Gonzales Mora" sa Binundok. Siyam na taón nga ang katandaan dito. At kung aalagataing buháy pa nga si Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang dahil sa pagpipitagan man lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga Manunula", ang sumakamay namin ay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni Sigesmundo",
Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin. Naipagparanya lamang sa amin—dahil sa paglabas noong 1906 ng "kun sino ang kumatha ng Florante"—ng noo'y nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" at ngayo'y abogado Alfonso Mendoza, masugid na demokrata; at sa likod ng ilang buwang pag-iingat at pagsipi namin ay pinagpilitang bawiin ng nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabutí ng kanyang ama, palibhasa'y sa mga nuno pa nila minana. Isinauli rin nga namin, sa likod ng kung makailang pagwawalawalaan.
At kamakailang maitanong namin uli sa abogado Mendoza ay ganito ang isinagot:
—Aywan bagá kung saan na naroon. Tila sira na ang mga unang mukha.
Kaya, nang paroonan ni Epifanio ay aywan kung nakuha niya o hindi....
Si G. Epifanio de los Santos—ang dalubhasang istoriograpo, ang guro, ang akademiko, ang sumakastila ng "Florante"—ay siyang tinutukoy. Kami ang sa kanya ay nakapagpahiwatig, upang mapawi ang maling paniwala, na "wala na ngayong Floranteng limbag nang buháy pa si Baltazar." At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang makuha—sa paano man—ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay na kahinahinayang.
Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...
Sakaling nasira na nga.
Nguni't gayon man ay may sukat na rin tayong dapat ikaaliw; ang siping naingatan namin. Pagkakapag-ingat, na maituturing nating isa na ring tunay na kapalaran, at siping walang munti mang pagbabago, palibhasa'y pinag-ingatan naming ilagay pati ng kanyang maliliwanag na kamalian sa limbagan at di dinagdagan, ni kinulangan, ng kahi't na ano.
At ang siping iyang sa huli'y linagyan namin ng mga paliwanag ay siyang ngayo'y inihahandog namin sa tanang magiliwin at mapagmahal sa walang kamatayang "Florante at Laura".
Maipaliliwanag naming buháy pa ang dakilang Makata ay nasasaulo nang mabuti ng kanyang mga anak ang "Florante at Laura". Paanong di magkakagayon ay sa pati ng iba't iba pa niyang akda'y nasasaulo rin? Ang "Florante" pa nga ba ang di mapapakintal sa kanilang ulo? At ang "Floranteng" nalalaman nila at mapahangga ngayo'y sariwa pa sa isipan ay isang saling ayon din sa kanilang ama ay siya niyang tunay na gawa. Dito natin mapagkukuro kung bakit walang kamalian sa mga huling labas ng "Florante", na di ang di mapupuna nila.
Kaya, nang ang ilang kabaguhang napuna namin, dahil sa masusing pagsusumag sa "Kun sino ..." at sa siping nasa amin ay maipakitang isaisa kay G. Victor Baltazar—anak na lalaki ng Makata at siyang pinakamatanda sa tatlong nabubuhay pa hangga ngayon (Victor, Isabel at Silveria), na laging nasa amin, tumitigil ng buwanan at lingguhan, dahil sa kalimitan nilang magpagamot dito sa Maynila, gayon din ang dalawang apong dalaga ni Balagtas, na sina Pepita at Vicenta[I.], anak ng Victor[II.]—; ang mga kabaguhang nadaliri ay pinatunayang "iba nga at di siyang nasa matandang nasasaulo nila". Nguni't, hindi naman napagpakuan namin ng tingin ang lahat, kundi ang madla lamang lalong mahalaga. Ni ang mga kamalian man ng pagkakalimbag sa siping nasa aming kamay ay di rin napag-usapan.
At ang lahat nang kaibhang iyan at kamalian ay siyang naging sanhi ng mga paliwanag namin sa dakong huli.
CARLOS RONQUILLO
Maynila, 10 Septiembre 1921.
[I.] Namatay noong ika 21 Sept. 1921.
[II.] Namatay noong ika 12 Dis. 1926.
-Alberta Balmaseda, asawa ni Victor, namatay noong Marso, 1921.
Sa dakong huli ay may mga paliwanag na makikita, na aming ginawa, bukod pa sa mga sariling paliwanag ni Baltazar sa kanyang akdang ito. Lahat nang may bilang na ganito ay siyang amin, na pinagsunodsunod sa dakong huli. At ang paliwanag sa bilang na ito (1) ay makikita sa unahan ng lahat nang paliwanag namin.
Cong pag saulang cong basahin sa isip[2]
ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig,
may mahahaguilap cayang natititic
liban na cay Celiang namugad sa dibdib?
Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban
baca macalimot sa pag-iibigan;
ang iquinalubog niyaring capalaran
sa lubhang malalim na caralitaan.
Macaligtaang co cayang di basahin[3]
nagdaáng panahón n~g suyuan namin?
caniyang pagsintáng guinugol sa aquin
at pinuhunan cong pagod at hilahil?
Lumipas ang arao na lubhang matamis
at ualáng nátira condi ang pag-ibig[4],
tapat na pag suyong lalagui sa dibdib
hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip.
N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila
ang guinagaua cong pag-alio sa dusa
nag daang panaho,i, inaala-ala,
sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua.
Sa larauang guhit n~g sa sintang pincel
cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim,[5]
nag-íisang sanláng naiuan sa aquin
at di mananacao magpahangang libing[6].
Ang caloloua co,i, cusang dumadalao
sa lansan~ga,t, náyong iyóng niyapacan
sa ilog Beata,t, Hilom na mababao
yaring aquing puso,i, laguing lumiligao.
Di mámacailang mupo ang panimdin
sa puno n~g mangang náraanan natin,
sa nagbiting bun~gang ibig mong pitasín
ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu.
Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic
sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit,
himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git
Paraiso namán ang may tulong silíd.
Liniligauan co ang iyong larauan
sa Macating ilog, na quinalagui-an[7]
binabacás co rin sa masayáng doon~gan,
yapac n~g paá mo sa batóng tuntun~gan.
Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp
dito ang panahóng masayáng lumipas
na cong maliligo,i, sa tubig áagap,
nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat.
Parang naririn~gig ang laguî mong uica
"tatlong arao na di nag tatanao tama"
at sinasagot co ng sabing may touâ
sa isa catauo,i, marami ang handa.
Ano pan~ga,t, ualang dî nasisiyasat,
ang pagiisipco sa touang cumupas
sa cagugunitâ, luha,i, lalagaslás
sabay ang taghoy cong "¡ó, nasauing palad!"
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig?
nahan ang panahóng isá niyang titig
ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git?
Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay
ay dîpa naquitil yaring abáng búhay?
con gunitain ca,i, aquing camatayan[8],
sa puso co Celia,i, dica mapaparam[9].
Itong dî matiis na pagdaralitâ
nang dahil sa iyo, ó nalayóng touâ,
ang siyang umacay na aco,i, tumulâ
auitin ang búhay nang isang na abâ.
Celia,i, talastás co,t, malabis na umid,
mangmáng ang Musa co,t, malumbay ang tinig
di quinabahag-yâ cong hindí malait
palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp.
Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad
na inihahandóg sa mahal mong yapac[10]
tangapin mo nauâ cahit ualang lasáp
nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát.
Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop
tubo co,i, daquila sa puhunang pagod,
cong binabasa mo,i, isá mang himutóc
ay alalahanin yaríng nag hahandóg.
Masasayáng Ninfas sa laua nang Bay,
Sirenas, ang tinig ay cauili-uili
cayó n~gayo,i, siyang pinipintacasi
n~g lubháng mapanglao na Musa cong imbi.
Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid
tunuhan nang lira yaring abáng auit
na nag sasalitáng búhay ma,i, mapatid,
tapát na pag sinta,i, han~gad na lumauig[11].
Icao na bulaclac niyaring dili-dili,
Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R.
sa Virgeng mag-Iná,i, ipamintacasi
ang tapát mong lingcód na si F. B.
Salamat sa iyo, ó nánasang írog,
cong halagahán mo itóng aquing pagod,
ang tulâ ma,i, bucál nang bait na capós,
paquiquinaban~gan nang ibig tumaróc.
Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp
palibhasa,i, hilao at mura ang balát
ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp
masasarapán din ang babasang pantás.
Di co hinihin~ging pacamahalín mo,
tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co
gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó
ay houag mo lamang baguhin ang verso.
Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo
bago mo hatulang catcatin at licô[12]
pasuriin muna ang luasa,t, hulô[13]
at maquiquilalang malinao at uastô.
Ang may tandang letra alin mang talata
dimo mauatasa,t, malalim na uicà
ang mata,i, itin~gin sa dacong ibabâ[14]
boong cahuluga,i, mapag uunauà.
Hangán dito acó ó nánasang pantás,[15]
sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad
sa gayóng catamis uicang masasaráp
ay sa cababago nang tula,i, umalat.
(Sa cursiva o bastardilla)
Sa isang madilím gúbat na mapanglao[A]
dauag na matinic, ay ualáng pag-itan,
halos naghihirap ang cay Febong silang[B]
dumalao sa loob na lubhang masucal.
Malalaquing cahoy ang inihahandóg
pauang dalamhati, cahapisa,t, lungcót
huni pa n~g ibon, ay nacalulunos
sa lalong matimpi,t, nagsasayáng loob.
Tanáng mga baguing, na namimilipit
sa sangá ng cahoy, ay balót n~g tinic
may bulo ang bun~ga,t, nagbibigay sáquit
sa cangino pa máng sumagi,t, málapit.
Ang m~ga bulaclac n~g nag tayong cahoy
pinaca-pamuting nag ungós sa dahon
pauang culay lucsa, at naquiqui ayon
sa nacaliliong masangsang na amoy.
Caramiha,i, Ciprés at Higuerang cutád,[C]
na ang lilim niyaón ay nacasisindác
ito,i, ualang bun~ga,t, daho,i, malalapad,
na nacadidilím sa loob ng gubat.
Ang m~ga hayop pang dito,i, gumagalâ
caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la,
Hiena,t, Tigreng ganid nanag sisi sila,
ng búhay n~g tauo,t, daiguíng capoua.
Ito,i, gúbat manding sa pinto,i, malapit
n~g Avernong[D] Reino ni Plutong masun~git[E]
ang nasasacupang lupa,i, dinidilig[16]
n~g ilog Cocitong camandag ang túbig.[F]
Sa may guitnâ nito mapanglao na gubat
may punong Higuerang daho,i, culay pupás,
dito nagagapos ang cahabag habag
isang pinag usig n~g masamang palad.
Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig[17]
cahit natatalì camay, paá,t, liig
cundî si Narciso,i,[G] tunay na Adonis[H]
muc-ha,i, sumisilang sa guitnâ n~g sáquit.
Maquinis ang balát at anaqui buroc
pilicmata,t, quilay mistulang balantók
bagong sapóng guinto ang cúlay n~g buhóc
sangcáp n~g cataua,i, pauang magca-ayos.
Dan~gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,[I]
gúbat na Palacio n~g masidhing Harpías,[J]
nangaaua disi,t, na acay lumiyag
sa himaláng tipon n~g caricta,t, hirap.
Ang abáng oyamin n~g dálita,t, sáquit
ang dalauang mata,i, bucál ang caparis,
sa lúhang nanatác, at tinan~gis-tan~gis
ganito,i, damdamin n~g may auang dibdib.
Mahiganting lan~git, ban~gis mo,i, nasaan?
n~gayo,i, naniniig sa pagcá-gulaylay
bago,i, ang bandilà n~g lalong casam-an[18]
sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?
Sa loob at labás, n~g bayan cong sauî
caliluha,i, siyang nangyayaring harî
cagalin~ga,t, bait ay nalulugamî
ininís sa hucay nang dusa,t, pighatî.
Ang magandang asal ay ipinupucól
sa láot n~g dagat n~g cut-ya,t, lingatong
balang magagalíng ay ibinabaón
at inalilibing na ualáng cabaong.
N~guni, ay ang lilo,t, masasamang loób
sa trono n~g puri ay inalulucloc
at sa balang sucáb na may asal hayop
maban~gong incienso ang isinusuob.
Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtayô
at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô,
santong catouira,i, lugamì at hapô,
ang lúha na lamang ang pinatutulô.
At ang balang bibíg na binubucalán
nang sabing magalíng at catutuhanan
agád binibiác at sinisican~gan
nang cáliz n~g lalong dustáng camatayan.
¡O tacsíl na pita sa yama,t, mataás![19]
¡o hangad sa puring hanging lumilipas!
icao ang dahilan n~g casamáng lahat[20]
at niyaring nasapit na cahabághabág.[21]
Sa Corona dahil n~g haring Linceo
at sa cayamanan n~g Duqueng Amá co,
ang ipinangahás n~g Conde Adolfo
sabugan n~g sama ang Albaniang[K] Reino.
Ang lahát nang itó, ma-auaing lan~git[22]
iyóng tinutunghá,i, anó,t, natitiis?[23]
mula ca n~g boong catouira,t, bait
pinapayagan mong ilubóg n~g lupít?
Macapangyarihang cánan mo,i, iquilos,
papamilansiquín ang cáliz n~g poot,
sa Reinong Albania,i, cúsang ibulusoc
ang iyóng higantí sa masamáng loob.
Baquit calan~gita,i, bingí ca sa aquin
ang tapat cong luhog ay hindi mo dingín?
dí yata,t, sa isang alipusta,t, ilíng
sampong tain~ga mo,i, ipinan~gun~gulíng?
Datapua,t, sino ang tataróc caya
sa mahál mong lihim Dios na daquilà?
ualáng mangyayari sa balát n~g lupà
dì may cagalin~gang iyóng ninanásà.
¡Ay dî saán n~gayón acó man~gan~gapit!
¡saán ipupucól ang tinangis-tangis
cong ayao na n~gayong din~giguin ng Lan~git[24]
ang sigao n~g aquing malumbay na voses![25]
Cong siya mong ibig na aco,i, magdusa
Lan~git na mataás aquing mababata
iságì mo lamang sa púso ni Laura
aco,i, minsan minsang mapag ala-ala.
At dito sa laot n~g dusa,t, hinagpis,
malauac na luhang aquing tinatauid
gunitâ ni Laura sa naabáng ibig
siya co na lamang ligaya sa dibdib.
Munting gunam-gunam n~g sintá co,t, mutyâ
n~g dahil sa aqui,i, daquilâ cong touâ,
higuít na malaquíng hírap at dalita
parusa ng táuong lilo,t, ualang aua.
Sa pagka gapus co,i, cong guni-gunihín
malamig nang bangcay acong nahihimbíng[26]
at tinatan~gisan nang sula co,t, guiliu,
ang pagca-búhay co,i, ualang hangá mandin.
Cong apuhapin co sa sariling isip
ang suyúan namin nang pili cong ibig,
ang pag luhâ niyá cong aco,i, may hapis
naguiguing ligaya yaring madláng sáquit.
¡Ngunì sa abá co! ¡sauing capalaran!
anópang halagá nang gayóng suyúan
cun ang sin-ibig co,i, sa catahimican
ay humihilig na sa ibáng candun~gan?
Sa sinapupunan nang Conde Adolfo
aquing natatanáo si Laurang sintá co,
camataya,i, nahan ang dating ban~gis mo?
nang díco damdamín ang hirap na itó.
Dito hinimatáy sa pag hihinagpís
sumúcò ang püsò sa dahás nang sáquit,
ulo,i, nalun~gay-n~gay, lúhà,i, bumalisbís,
quinagagapusang cahoy ay nadilíg.
Mag mulâ sa yapac hangang sa ulunán
nalimbág ang ban~gís nang capighatían,
at ang panibugho,i, gumamit nang asal
nang lalong marahás lilong camatayan.
Ang cahima,t, sinong hindî maramdamin
cong ito,i, maquita,i, mag mamahabáguin,
matipid na lúhà ay pa-aagusin
ang nagparusa ma,i, pilit hahapisin.
Súcat na ang tingnàn ang lugaming anyo
nitong sa dálita,i, hindi macaquibô
aacaing bigláng umiyác ang púsô
cong ualâ nang lúhang sa mata,i, itúlô.
Ga-ano ang áuang bubugsô sa dibdib
nang may caramdamang ma anyóng tumitig
cun ang panambita,t, daing ay marin~gig
nang mahimasmasan ang tipon nang sáquit?
Halos boong gúbat ay na sa sabúgan
nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy[27]
na inu-ulit pa at isinisigao
sagót sa malayò niyaóng alin~gao-n~gao,
¡Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò
sa iba ang sintang sa aqui pan~gacò
at pinag liluhan ang tapat na púsó
pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?
Dî sinumpa-án mo sa haráp nang lan~git
na dî maglililo sa aquing pagibig?
ipinabigay co namán yaring dibdib[28]
uala sa gunitâ itóng masasapit.
Catiualà aco,t, ang iyòng carictán
capilas nang Lan~git anaqui matibay,
tapát ang púsò mo,t, dî nagunamgunam
na ang pag lililo,i, na sa cagandahan.
Hindî co acalang iyóng sa-sayan~gin
maraming lúhà mong guinugol sa aquin
taguring madalás na acó ang guiliu,
muc-hâ co ang lunas sa madláng hilahil.
Di cong acó Poo,i, utusang mang-gúbat
nang Hari mong Amá sa alín man Ciudad
cong guinagauá mo ang aquing saguisag
dalauá mong matá,i, nanalong nang perlas?
Ang aquing plumage cung itinatalî
nang parang corales na iyóng dalirî
buntóng hihin~gá mo,i, naquiqui-ugalî
sa quilos nang guintóng ipinananahî.
Macailan Laurang sa aqui,i, iabot,
basâ pa nang lúhà bandang isusuut,
ibinibigay mo ay nag hihimutóc
tacot masugatan sa paquiquihamoc.
Baluti,t, coleto,i, dî mo papayagan
madampi,t, malapat sa aquing catao-an
cundî tingnan muna,t, bacâ may calauang
ay nan~gan~ganib cang damit co,i, marumhán.
Sinisiyasat mo ang tibay, at quintáb
na cong sayaran man nang tagá,i, dumulás
at cong malayò mang iyóng minamalas
sa guitnâ nang hokbo,i, makilalang agád.
Pahihiasan mo ang aquing turbante
nang perlas topasio,t, maningníng na rubé,
bucód ang magalao na batóng diamante
púnô nang n~galan mong isang letrang L.
Hangang aco,i, uala,t, naquiquipag-hámoc
nang aapuhap ca nang pang aliu loob;
manalo man aco,i, cun bagong nanasoc
naquiquita mo na,i, may dalá pang tácot.
Boong pan~ganib mo,i, bacâ nagca sugat
di maniniualà cundi masiasat
at cung magcagurlís nang muntî sa balát
hinuhugasan mo nang lúhang nanatác.
Cung aco,i, mayroong cahapisang muntî
tatanun~gin moná cun anó ang sanhî,
hangang di malining ay idinarampî
sa mga muc-ha co, ang rube mong lábî.
Hindî ca tutugot cundî matalastás,
cacapitan monang mag bigla nang lúnas,
dadalhin sa jardi,t, doon ihahanap,
nang ica-aaliu, sa mga bulaclác.
Iyong pipitasín ang lalong mariquít
dini sa li-ig co,i, cúsang isasabit
tuhog na bulaclac sadyáng saglit-saglit,
pag-uupandín mong lumbay co,i, mapacnít.
At cun ang hapis co,i, hindî masauatâ
sa pilic-matá mo,i, dadáloy ang lúhâ
na pasaán n~gayón ang gayóng arugâ
sa dalá cong sáquit ay di i-apulâ?
Halina Laura,t, aquing cailangan
n~gayon, ang lin~gap mo nang naunang arao,
n~gayón hinihin~gî ang iyong pag-damay;
ang abáng sintá mo,i, na sa camatayan.
At n~gayóng malaqui ang aquing dálitâ,
ay dî humahanap nang maraming lúhâ,
sucat ang capatác na maca-apulâ
cun sa may pag sintang púsò mo,i, mag mulâ.
Catao-ang co,i, n~gayón siyasatin, ibig,
tigní ang súgat cong dí gauâ nang cáliz
hugasan ang dugóng nanálong sa guitguít
nang camay co, paa,t, natataling li-ig.
Halina, irog co,t, ang damít co,i, tingnán,
ang hindî mo ibig dampioháng calauang
calaguín ang lubid, at iyong bihisan,
matinding disa co,i, nang gumaán-gaán.
Ang m~ga matá mo,i, cun iyóng ititig
dini sa anyô cong sadlacan nang sáquit
upanding mapiguil ang tacóng mabilís
niyaring abáng búhay sa icapapatíd.
Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang
ang macalulunas niyaring cahirapan;
damhín nang camay mo ang aquing catauan,
at bangcay man aco,i, mulíng mabúbuhay!
N~guní ¡sa abáco! ¡ay sa laquing hirap!
ualâ na si Laura,i, laquing tinatauag!
napalayo-layo,t, di na lumiliyag,
ipinag cánolò ang sintá cong tapát.
Sa ibang candun~ga,i, ipinagbiyayà
ang púsong aquin na, at aco,i, dinayá
boóng pag-ibig co,i, ipinan~ganyaya
linimot ang sintá,t, sinayang ang luhá.
Alin pa ang hirap na dî na sa aquin?
may camatayan pang dîco dadamdamín?
ulila sa Amá,t, sa Ináng nag-angquin,
ualang kaibiga,t, linimot ng guiliu.
Dusa sa puri cong cúsang siniphayò,
palasong may lasong natiric sa púsò;
habág sa Amá co,i, túnod na tumimo;
aco,i, sinusunog niyaring panibughò.
Ito,i, siyang una sa lahat n~g hirap,
pag dayà ni Laura ang cumacamandág
dini sa búhay co,i, siyang magsa-sadlac
sa lingin~gang la-án ng masamáng palad.
O conde Adolfo,i, ilinapat mo man
sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban,
ang caban~gisan mo,i, ipinasalamatan,
ang púsò ni Laura,i, cong hindî inagao.
Dito nag-himutóc ng casindac-sindác
na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g gúbat
tinangay ang diua,t, caramdamang hauac
n~g buntóng hinin~ga,t, lúhang lumagaslás.
Sa púno n~g cahoy ay napa-yucayoc,
ang li-ig ay supil n~g lúbid na gapos,
bangcay na mistula,t, ang culay na buroc
n~g caniyang muc-ha,i, naguing puting lubós.
Nagcataón siyáng pagdatíng sa gúbat
n~g isang guerrerong bayani ang ticas,
putong na turbante, ay calin~gas-lin~gas,
pananamit moro sa Persiang Ciudad[L]
Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano,
anaqui ninita ng pag-pahingahán
di caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan
ang pica,t, adarga,t, nagdaóp ng camay.
Sacá tumin~galá,t, mata,i, itiniric
sa bubóng ng cahoy na taquip sa Lan~git,
estátua manding nacatayo,t, umíd,
ang buntóng hinin~gá niya,i, ualang patid.
Nang magdamdam n~gauit sa pagayóng anyò,
sa punó n~g isang cahoy ay umupô
nag-uicang "ó palad" sabay ang pagtulò,
sa matá, ng lúhang anaqui,i, palasò.
Olo,i, ipinatong sa caliuang camay
at sacá tinutop, ang noó, ng canan,
anaqui mayroong guinugunam-gunam
isang mahalagang nalimutang bagay.
Malao,i, humilig nag ualang bahalâ
dirin cumacati ang batis ng lúha,
sa madláng himutoc, ay casalamuhá
ang uicang "Flerida,i, tapus na ang touá".
Sa balang sandalî ay sinasabugan
yaóng boóng gúbat n~g maraming ¡ay!
naquiquituno sa huning mapanglao
n~g pang-gabing ibon doó,i, nagtatahán.[M]
Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat,
tinangnán ang pica,t, sampo n~g calasag
nalimbag sa muc-hâ ang ban~gís n~g Furias[N]
"dî co itutulot" ang ipinahayág.
"At cung cay Flerida,i, ibá ang umagao
at dî ang amá cong dapat na igalang,
hindî co masabi cun ang picang tan~gan
bubugá n~g libo,t, lacsáng camatayan.
Bababa si Marte mulâ sa itaás[O]
sa ca-ilalima,i, áahon nang Parcas,[P]
boong galit nila, ay ibubulalàs
yayacaguin niyaring camáy cong marahàs.
Sa cucó nang lilo,i aquing àagauin
ang cabiyác niyaring calolouang angquín,
liban na cay Amá, ang sino ma,t, alin
ay dî igagalang nang tangang patalím.
¡O pag sintang labis nang capangyarihan
sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao!
pag icao ang nasoc sa púsò ninoman
hahamaquing lahat masunód ca lamang!
At yuyuracan na ang lalong daquilá
bait, catouira,i, ipan~gan~ganyaya
boong catungcula,i, uaualing bahalà
sampo nang hinin~ga,i, ipauubayà.
Itong quinaratnán nang palad cong linsil
salamíng malinao na sucat mahalín
nang macatatatáp, nang hindî sapitin
ang cahirapan cong di macayang bathín.
Sa mauica itó lúhà,i, pina-agos,
pica,i, isinacsac, sacá nag himutóc,
nagcataón naimáng parang isinagót,
ang buntóng hinin~gá, niyaóng nagagapus.
Guerrero,i, namanghâ nang ito,i, marin~gig,
pinabaling-baling sa gúbat ang titig,
nang ualang maquita,i, hinintay umulit,
dî namán nala,i, nag bagong humibíc.
Ang bayaning moro,i, lalò nang namaáng
"sinong nananaghóy sa ganitóng iláng?"
lumapit sa dacong pinan~gagalingan
nang buntóng hinin~ga,t, pinaquimatyagán.
Inabutan niya,i, ang ganitóng hibic
¡ay mapagcandiling Amáng ini-ibig!
¿baquit ang búhay mo,i, na unang napatid,
aco,i, inolila sa guitnâ nang sáquit?
Cong sa gunitâ co,i, pagcuru-curuin
ang pagcahulog mo sa camay nang tacsíl,
parang naquiquita ang iyóng naratíng
parusang marahás na calaguim-laguim.
At alin ang hirap na dî icacapit
sa iyó nang Duque Adolfong malupit[29]
icao ang salamín sa Reino nang bait
pagbubuntuhang ca nang malaquing gálit.
Catao-an mo Amai,i, parang namamalas
n~gayón nang bunsô mong iugami sa hirap
pinipisang-pisang at iniuaualat
nang pauâ ring lilong verdugo nang sucáb.
Ang nagcahiualay na lamán mo,t, butó,
camay at catao-áng nálayô sa úlo,
ipinag-haguisan niyaóng mga lilo
at ualang maauang maglibing na tauo.
Sampo nang lincód mo,t, m~ga cai-bigan
cong campi sa lilo,i, iyo nang ca-auay,
ang dî nagsi-ayo,i, natatacot naman
bangcay mo,i, ibaó,t, mapaparusahan.
Hangan dito ama,i, aquing naririn~gig,
nang ang iyóng úlo,i, tapát sa caliz
ang panambitan mo,t, dalan~gin sa Lan~git
na aco,i, maligtás sa cucóng malupít.
Ninanásà mo pang acó,i, matabunan
n~g bangcay sa guitnâ n~g pagpapatayan,
nang houag mahúlog sa panirang camay
ng Conde Adolfong higuit sa halimao.
Pananalan~gin mo,i, dî pa nagaganáp
sa li-ig mo,i, bigláng nahulog ang tabác
naanáo sa bibig mong hulíng pan~gun~gusap,
ang "adios bunso,t," búhay mo,i, lumipas.
¡Ay amang amá co! cong magunam-gunam
madlâ mong pag irog at pagpapalayao
ipinapalaso n~g capighatian
luhà niyaring púsòng sa mata,i, nunucál.
Ualáng icalauáng amá ca sa lupà
sa anác na candóng ng pag-aarugâ
ang munting hápis cong sumungao sa muc-hâ,
sa habág mo,i, agad nanálong ang lúhâ.
Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin,
sampô niyaring búhay ay naguing hilahil,
amá co,i, hindî na malaong hihintín
aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin.
Sandaling tumiguil itóng nananangis,
binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís
niyaóng na aauang morong naquiquinyig,
sa habág ay halos mag putóc ang dîbdib.
Tinutóp ang púsò at saca nag say-say
'cailan a iya lúha co,i, bubucál
n~g habág cay amá at panghihinayang
para ng panaghóy ng nananambitan?[30]
Sa sintáng inagao ang itinatan~gis,
dahilán n~g aquing lúhang nagbabatis
yaó,i, nananaghóy dahil sa pag-ibig
sa amang namatáy na mapagtang-quilic.
Cun ang ualang patid na ibinabahá.
n~g m~ga mata ko,i, sa hinayang mulà
sa m~ga palayao ni amá,t, arugà
malaquíng pálad co,t, matamís na luhà.
N~guni,t, ang nanaháng maralitang túbig
sa muc-hâ,t, dibdib cong laguing dumidilig
cay amá n~ga galing dapoua,t, sa ban~gís
hindî sa anduca, at pagtatang-quilic.
Ang matatauag cong palayo sa aquin
n~g amá co,i, tóng acó,i, pagliluhin,
agauan n~g sintá,t, panasa-nasaing
lumubóg sa dusa,t, búhay co,i, maquitil.
¡May para cong anác na napanganyayá
ang layao sa amá,i, dusa,t, pauang lúhà
hindi nacalasáp kahit munting touà
sa masintang ináng pagdaca,i, naualà!
Napahintô rito,t, narin~gig na mulî
ang pananambitan niyaóng natatalî,
na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budhî[31]
pa-alam ang abáng candóng n~g paghati.
Lumaguì ca naua sa caligayahan
sa haráp n~g dîmo esposong catipán,
at houag mong datnín yaring quinaratnán
n~g casign linimot, at pinagliluhan.
Cong nagban~gis cama,t, nagsucáb sa aquin,
mahal ca rin lubha dini sa panimdím,
at cong mangyayari hangáng sa malibíng
ang m~ga butó co quita,i, sisintahín.
Dîpa natatapos itóng pan~gun~gusap
may dalauang Leóng han~gós ng paglacad,
siya,i, tinuton~go,t, pagsil-in ang han~gad;
n~guni,t, nan~ga tiguil pag datíng sa haráp.
Nan~ga-auâ mandi,t, naualán n~g ban~gis
sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit,
nan~ga-catingala,t, parang naquinyig[32]
sa dî lumilicat na tin~gistan~gis.
¡Anóng loob cayâ nitóng nagagapus,
n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp,
na ang balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg
isang camatayang caquila-quilabot!
Dî co na masabi,t, lúhà co,i, nanatác,
na-uumid yaring dilang nan~gun~gusap,
pusò co,i, nanglalambot sa malaquing habág
sa ca-aua-auang quinucob ng hirap.
¡Sinong dî mahapis na may caramdaman
sa lagay ng gapús na calumbay-lumbay,[33]
lipus n~g pighati sacá tinutunghán,
sa lamán at butó niya, ang hihimáy!
Catiualâ na n~gâ itóng tiguib sáquit
na ang búhay niya,i, tungtóng na sa guhit,
linagnát ang pusò,t, nasirâ ang voses,
dína mauatasan halos itóng hibic.
"Paalam Albaniang pinamamayanan
n~g casama,t, lupit, han~gis caliluhan,
acóng tangulan mo,i, cusa mang pinatay,
sa iyó,i, malaquí ang panghihinayang.
Sa loob mo naua,i, houag mamilantic
ang panirang talím n~g catalong caliz;
magcá espada cang para ng binitbit
niyaring quinuta mong canang matang-quilic.
Quinasuclamán mo ang ipinan~gacò
sa iyó,i, gugulin niniyac cong dugò
at inibig mopang hayop ang mag bubò,
sa cong itangól ca,i, maubos tumúlo.
Pagcabatà cona,i, ualáng inadhicà
cundî pag-lilincod sa iyó,t, calin~gà
¿dî maca-iláng cang babaling masirá
ang mga camáy co,i, siyang tumimauà?
Dustáng camatayan ang bihis mong bayad;
dapoua,t, sa iyo,i, mag papasalamat,
cong pacamahali,t, houag ipahamac
ang tinatan~gisang guiliu na nagsucáb.
Yaóng aquing Laurang hindi mapapacnít
n~g camatayan man sa tapát cong dibdib;
¡ipa-alam bayan co, pa-alam na ibig,
magdarayang sintang di manao sa ísip!
Bayang ualáng loob, sintáng alibughâ,
Adolfong malapit, Laurang magdarayâ,
magdiuang na n~gayo,t, manulos sa touâ,
at masusunod na sa aquin ang násà.
Na sa harap co na ang lalong maraual,
mabin~gís na lubháng lahing camatayan
malulubos nan~ga ang inyóng casamán,
gayon din ang aquing aalipustaán.
¡Sa abáng-abá co! diatâ ó Laura
mamamatáy aco,i, hindî mo na sintá!
itó ang mapait sa lahat nang dusa,
¡Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!
Diyata,t, ang aquing pagca-panganyáya
dî mo tatapunang ng camunting lúhà,
cong yaring búhay co,i, mahimbíng sa ualà
dî babahaguinan n~g munting gunitâ!
Guni-guning itó,i, lubháng macamandág
ágos na lúhà co,t, púsò co,i, ma-agnás,
túlò caloloua,t, sa mata,i, pumulàs,
cayóaquing dugo,i, mag-unahang matác.
Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit[34]
nitóng pagcalimot n~g tunay cong ibig;
houag yaring buháy ang siyang itan~gis
cundî ang pagsintang lubós na na-amis.
Sa tinaghoy-taghóy na casindac-sindác,
guerrero,i, hindî na napiguil ang habág,
tinuntón ang voses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbucás n~g landás.
Dauag na masinsi,i, naglagui-laguitic
sa dágoc n~g lubháng matalas na cáliz,
moro,i, dî tumugot hangang dî nasapit
ang binubucalán ng maraming tan~gis.
Anyóng pantay-matá ang lagay n~g arao
niyóng pagcatun~go sa calulunuran[35]
siyang pagcataos sa quinalalag-yan
nitóng nagagapus na cahambalhambál.
Nang malapit siya,t, abutin ng suliáp
ang sa pagcatali,i,[36] liniguid n~g hirap,
naualán n~g diua,t, lúha,i, lumagaslás,
catao-án at púso,i, nagapus ng habág.
Malaong natiguil na dî nacaquibô
hinin~ga,i, hinabol na ibig lumayò,
matutulog disin sa habág ang dugô,
cundan~gan nagbangís Leong nan~gag-tayô.
Na-acay n~g gútom at gauing manilâ,
ang-ulî sa ganid at naualâng aua,
handâ na ang n~gipi,t, cucong bagong hasa
at pagsasabayán ang gapós n~g iuâ.
Tanang balahibo,i, pinapan~galisag,
nanindig ang buntót na nacagugulat
sa ban~gis n~g anyô at n~ginasáb-n~gasáb,
Furiang nag n~gan~galit ang siyang catulad.
Nag taás ang camáy, at nanga caamâ
sa cato-ang gapá ang cucóng pangsirâ,
nang daracmain na,i, siyang pagsagásâ
niyaóng bagong Marteng lumitao sa lúpâ.
Inusig n~g tagâ ang dalauang León,
si Apolo mandin sa Serpiente Piton,[Q]
ualang bigóng quilós na dî nababaón
ang lubháng bayaning tabác na pamutol.
Cong ipamilantíc ang canang pamatáy,
at sacá isalág ang pang-adyáng camáy,
malilicsing León ay nanga lilinláng
cayâ dî nalao,i, nan~ga-gumong bangcay.
Nang magtagumpay na ang guerrerong bantóg
sa nan~ga-calabang maban~gis na hayop,[37]
lúha,i, tumutulong quinalag ang gápus
ng ca-aua-auang iniuan ang loob.
Halos nabibihay sa habág ang dibdib[38]
dugó,i, ng matingnang nunucal sa guitguít,
sa pagcalág niyang malicsí,i, nainíp
sa siga-sigalót na madláng bilibid.
Cayâ ang guinaua,i, inagapayanan
catauang malatáng parang bagong bangcáy
at minsang pinatid n~g espadang tan~gan
ualang auang lubid na lubháng matibay.
Umupo,t, quinalong na naghihimutoc,
catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog,
hinaplus ang muc-ha,t, dibdib ay tinutóp,
násà ng gueerro,i, pagsauláng loob.
Doon sa pagtitig sa pagcálun~gay-n~gay
n~g caniyang cálong na calumbay-lumbay,
nininilay niya, at pinagtatao-hán
ang diquit n~g quias at quinasapitan.
Namamanghâ namán ang magandang quias
casing-isa,t, ayon sa bayaning ticas,
mauiuili disin ang iminamamalas,
na matá, cundan~gan sa malaquíng habág.
Gulong-gulóng lubha ang caniyang loob,
n~guni,t, napayapà n~g anyong cumilos
itóng abáng candong ng calunos-lunos
nagusing ang búhay na nacacátulog.
Sa pagcalun~gay-n~gay matá,i, idinilat,
himutóc ang unang bati sa liuanag,
sinundan n~g taghoy na cahabaghabág
"nasaan ca Laura sa ganitong hirap?
Halina guiliu co,t, gapus co,i, calaguín,
cong mamatáy acó,i, gunitain mo rin,
pumiquít na muli,t, napatid ang daing,
sa may candóng namang tacot na sagutin.
Ipina-n~gan~ganib, ay bacá mabiglâ
magtuloy mapatid hiningang mahinâ
hinintáy na lubós niyang mapayapá
ang loob n~g candóng na lipus dálità.
Nang muling mamulat ay naguiclahanan
"¿sino? ¡Sa aba co,t, na sa morong camay!"
ibig na i-igtád ang lunóng catao-án,
nang hindî mangyari,i, nag-ngalit na lamang.
Sagót n~g guerrero,i, houag na man~ganib
sumapayapaca,t, mag aliu n~g dibdib
n~gayo,i, ligtas cana sa lahát nang sáquit
may cálong sa iyo ang nagtatangquilic.
Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan,
lason sa púso mo nang hindi binyagan,
nacucut-ya acóng dí ca saclolohan
sa iyong nasapit na napacarauál.
Ipina-hahayág n~g pananamít mo
tagá Albania ca at aco,i, Perciano
icao ay caauay n~g baya,t, secta co,[R]
sa lagay mo n~gayo,i, magcatoto tayo.
Moro aco,i, lubós na táong may dibdib,
ay nasasacalo rin ng útos ng Lan~git,
dini sa púso co,i, cusang natititic
natural na leyng sa abá,i, mahapis.
Anong gagauín co,i, aquing napaquingán
ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay,
gapús na naquita,t, pamu-mutiuanan
ng dalauáng gánid, n~g bangís na tangan.
Nagbuntóng hini~gá itong abáng calong
at sa umaaliu na moro,i, tumugón,
"cundîmo quinalág sa punu n~g cahoy,
nalibíng na acó sa tiyán n~g León.
Payapa na namán disin yaring dibdib;
napag-quiquilalang ca-auay cang labis
at dî binaya-ang nagca-patid-patid,
ang aquing hinin~gáng camataya,t, saquit.[39]
Itóng iyóng aua,i, dî co hinahan~gád,
pataín mo acó,i, siyang pitang habág,
dimo tantô yaring binabatáng hirap
na ang camatayan ang búhay cong hanap.
Dito napahiyao sa malaquing hapis
ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís,
siyang itinugón sa uicang narin~gig
at sa panglolomo,i, cusang napahilig.
Ano pa,t, capoua hindi macaquibô
dî nanga-calaban sa damdam ng púsò
parang ualáng malay, hangang sa magtágo,t,
humilig si Febo sa hihigáng guintô.
May áuang guerrero ay sa maramdaman
malam-lám na sinag sa gúbat ay nanao,
tinuntón ang landás na pinagda-anan
dinalá ang calong sa pinangalingan.
Doon sa naunang hinintúang daco
nang masoc sa gúbat ang bayaning moro
sa isang malapad, malinis na bató
cúsang pinag-yaman ang lugaming pangcó.
Cumuha ng munting báong macacain,
ang angdaralitâ,i, inamong tumiquím
cahit uma-ayao ay nahicayat din
nang sabing malambót na pauang pag-aliu.
Nalouag-louagán ang pang-hihin~gapus
sapagca,t, na-auas sa pagcadayucdóc,
hindî quinucusa,i, tantóng nacatulog,
sa sinapupunan nang guerrerong bantóg.
Itó,i, dî umidlíp sa boong magdamág
sa pag-aalaga,i, nagbatá n~g puyat
ipinan~gan~ganib, ay bacá macagát
nang ganid na madláng nag-gala sa gúbat.
Touing maguiguising sa magaang túlog
itóng lipós hirap, ay naghihimutóc,
pauang tumitiric na anaqui túnod
sa dibdib nang morong may habág at lúnos.
Nang magmamadaling arao, ay nahimbíng
munting napayapa sa dalang hilahil
hangáng sa Aurorang itabóy ang dilim[S]
ualáng binitiuang himutóc at daing.
Itó ang dahiláng ipinagcasundò
limáng caramdamang parang hinahalò
iquinatiuasáy nang may dúsang púsò
lumacás na mulî ang catao-ang hapò.
Caya,t, nang isabog sa sangsinucuban
ang doradong buhóc nang masayang arao
nag-ban~gong hinaho,t, pinasalamatan
sa Lan~git ang bagong lacás nang catao-an.
Sabihin ang touâ nang guerrerong hayág,
ang abáng quinalong ay bigláng niyacap,
cong nang una,i, nucál ang lúha sa habág
n~gayo,i, sa galac na ang ilinagaslás.
Capús ang dilà cong magsaysay nang laquí
nang pasasalamat nitóng quinandili,
cundan~gan ang dusa,i, sa naualáng casi
ay napauî disin sa touang umalí.
Sapagca,t, ang dusang mula sa pag-ibig
cung cahit mangyaring lumayó sa dibdib,
quisáp matá lamang ay agád babalic
at magdadagdág pa sa una nang ban~gís.
Cayâ hindî pa man halos dumadápò
ang toua sa lámad nang may dúsang pusó
ay itinac-uil na nang dálitang lálò
at ang túnod niya,i, siyang itinimó.
Niyapús na mulî ang dibdib nang dúsa
¡hirap ayang bat-hín nang sáquit sa sintá!
dan~gan ina-aliu nang moro sa Persia
natuluyang nánao ang tan~gang hinin~gá.
Iyong natatantô ang aquing paglin~gap,
(anitong Persiano sa nababagabag)
mula nang hirap mo,i, ibig cong matatap
at nang cong may daa,i, malagyan nang lúnas.
Tugóng nang may dusa,i, "dî lamang ang mulâ
niyaring dálita co ang isasalita,
cundi sampong búhay sapól pagcabata,
nang maganapán co ang hin~gî mo,t, nasà.
Nupóng nag-agapay sa punò nang cahoy
ang may daláng habág at lipus lingatong
sacá sinalitang, lúha,i, bumabalong
boong naguing búhay hangang naparool.
"Sa isang Ducado nang Albaniang Ciudad,
doon co naquita ang unang liuanag,
yaring catauha,i, utang cong tinangap
sa Duque Briseo ¡ay amá cong liyag!
N~gayóng nariyang ca sa payápang bayan
sa haráp n~g aquing ináng minamahal
Princesa Florescang esposa mong hirang
tangáp ang lúhà cong sa matá,i, hunucál.
¿Baquit naguing tauo acó sa Albania
bayan n~g amá co at di sa Crotona,[T]
masayáng Ciudad na lúpa ni iná?
disin ang búhay co,i, di lubháng nag dusa.
Ang Duqueng amá co,i, privadong tanungàn
n~g Haring Linceo sa anomang bagay,[U]
pan~galauáng púno n~g sangcaharían,
hilaga-ang tungo n~g súyo n~g bayan.
Cong sa cabaita,i, ulirán n~g lahát
at sa catapanga,i, pang-úlo sa Ciudad,
ualáng casingdúnong mag mahal sa anác,
umacay, magturo sa gagauing dapat.
Naririn~gig copa halos hangan n~gayón
malayao na tauag n~g amá cong poon,
niyaóng acó,i, bátang quinacandóng-candóng,
taguríng Floranteng bulaclác cong bugtóng.
Itó ang n~galan co, mulang pagcabata,
naguisnán sa amá,t, ináng nag anducà,
pamagát na ambil sa lumuhà-luhà,
at cayacap-yacap n~g màdlang dàlità.
Boong camusmusa,i, dî na sasalitín
ualáng may halagáng nangyari sa quin,
cundi nang sangól pa,i, cusang daraguitin
ng isang Buitreng ibong sadyang saquim.[V]
Ang sabi ni iná acó,i, natutulog
sa bahay sa quintang malapit sa bundóc
pumasoc ang ibong pang-amóy, ay abót
hangang tatlóng leguas sa patáy na hayop.
Sa sinigao-sigao n~g iná cong mutyà
nasoc ang pinsán cong sa Epiro mulà
n~gala,i, Monalipo may taglay na panà
tinudlà ang ibo,i, namatáy na biglà.
Isang arao namang bagong lumalacad
acó,i, naglalaró sa guitnâ n~g salas,
may nasoc na Arco,t, bigláng sinambilat[W]
Cupidong diamanteng sa dibdib co,i, hiyas.[X]
Nang tumuntóng acó sa siyam na taón,
palaguing gauâ co,i, mag aliu sa buról
sacbát ang palaso,t, ang búsog ay cálong
pumatay ng hayop, mamána ng ibon.
Sa touing umagang bagong naglalatag
ang anác n~g arao, n~g masayang siñag,[Y]
naglilibang acó sa tabi n~g gubat
mad-lâ ang ca-acbay na m~ga alagad.
Hangang sa tingalín n~g sangaigdigan
ang muchâ ni Febong hindî matitigan
ay sinasagap co ang caligayahang
handóg niyaóng hindî maramot na parang.
Aquing tinitipon ang iquinacalat
ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác,
ina-aglahi co ang larouang pulad
mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.
Cong acó,i, mayroong matanao na háyop
sa tinitin~galáng malapit na bundóc,
bigláng ibibinit ang panâ sa búsog,
sa minsang tud-lâ co,i, pilit matutuhog.
Tanáng sámang lincód ay nag-aágauan
unang macarampót nang aquing napatáy
ang tiníc sa dauag ay dî dinaramdám,
palibhasa,i, toua ang naca-aacay.
Súcat maligaya sino mang manoód
sa sinuling-suling n~g sáma cong lingcód,
at cong masundúan ang bangcay n~g háyop
ingay n~g hiyauan sa loob n~g tumóc.
Ang larouáng búsog ay cong pag-sauaan,
u-upo sa tabí n~g matuling bucál,
at mananalamín sa linao n~g cristal,
sasagap n~g lamig na ini-áalay.
Dito,i, mauiuili sa mahinhing tinig
n~g nan~gag-sasayáng Nayadas sa bátis,[Z]
taguintíng n~g Lírang catuno n~g auit[AA]
mabisang pamaui sa lumbay n~g dibdib.
Sa tamis n~g tinig na cahalac-halác
n~g nag-aauitang masasayáng Ninfas,[AB]
na-aanyayahan sampóng lumilipád
sari-saring ibong agauán n~g dilág.
Cayâ n~ga,t, sa san~ga n~g cahoy na ducláy
sa mahál na bátis na iguinagalang[AC]
ang bulág na gentil, ay nag lulucsuhan
ibo,i, naquiquinig n~g pag-aauitan.
Anhín cong saysain ang tinamóng touá
ng cabataan co,t, malauig na lubhâ
pag-ibig ni amá,i, siyang naguing mulà
lisanin co yaóng gúbat na payapa.
Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
dî dapat palac-hín ang bata sa sayá
at sa catoua-a,i, capag-namihasa
cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.
Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis
namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib,
lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is
¿anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?
Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu
mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin,
inaacala pa lamang ang hilahil,
na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.
Para n~g halamang lumaguí sa tubig,
daho,i, malalantá munting dî madilig,
iquinalolo-óy ang sandaling init,
gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.
Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá,
dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá,
ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.
Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád
sa bait at muni,t, sa hatol ay salát,
masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap,
habág n~g magulang sa irog na anác.
Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál
ang isinasama n~g báta,i, nunucál
ang iba,i, marahil sa capabayaan
nang dapat magturong tamád na magulang.
Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás,
cayâ n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac,
at ipinadalá acó sa Atenas,[AD]
bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.
Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól
sa isang mabait, maestrong marunong
lahi ni Pitaco, n~gala,i, si Antenor,[AE]
lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.
May sangbouan halos na dî nacacain,
lúhà sa matá co,i, dî mapiguil-piguil;
n~guni,t, napayapà sa laguing pag-aliu
n~g bunying maestrong may cupcup sa quin.
Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral
caparis cong bata,t, cabaguntauhan,
isa,i, si Adolfong aquing cababayan,
anác niyaóng Condeng Silenong maran~gal.
Ang caniyang taó,i, labis n~g dalauá
sa dalá cong edad na lalabing-isá,
siyang pinopoón n~g boong escuela,
marunong sa lahát na magcacasama.
Mahinhín ang asal na hindî magasó
at cong lumacad pa,i, palaguing patungó,
mabining man~gúsap at ualáng catalo
lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuyó.
Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran[40]
n~g nagcacatipong nagsisipag-aral,
sa gauâ at uica,i, dî mahuhulihan[41]
n~g munting panirà sa magandang asal.
Ni ang catalasan n~g aming maestro
at pagca-bihasa sa lacad n~g mundó,
ay hindî nataróc ang lihim at tungo
ng púsong malihim nitong si Adolfo.
Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan
cay amá,i, ang bait na dî páimbabáo,
yaong namumunga n~g caligayahan,
nanacay sa púsong suyui,t, igalang.
Sa pinagtatac-hán n~g bong escuela,
bait ni Adolfong ipinaquiquita,
dîco malasapán ang haing ligaya
n~g magandang asal n~g amá co,t, iá.[42]
Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin,
ayauan cun baquit at naririmarim,
si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin,
nararamdamán co cahit lubháng lihim.
Arao ay natacbó, at ang cabata-an
sa pag-aaral co sa qui,i, nananao,
bait co,i, luminis at ang carunungan
ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.
Nataróc ang lalim n~g filosfía,
aquing natutuhan ang astrología,
natantóng malinis ang catacá-tacá
at mayamang dunong n~g matemática.
Sa loob n~g anim na taóng lumacad
itóng tatlóng dunong ay aquing nayacap
tanáng casama co,i, nagsi-pangilalás
sampô n~g maestrong toua,i, dili hamac.
Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ,[43]
sampô ni Adolfo,i, naiuan sa guitnâ,
maingay na lamang taga pamalità,
sa boong Atenas, ay gumálà-galá.
Cayâ n~gâ at acó ang naguing hantun~gan
tungo ng salita n~g tauo sa bayan,
muláng báta,t, hangang catanda-tandaan,
ay nacatalastás n~g aquing pan~galan.
Dito na nahubdán ang cababayan co
n~g hirám na bait na binalat-cayô,
cahinhinang ásal na paquitang tauo
naquilalang hindî bucal cay Adolfo.
Matantô n~g lahát na cayâ nanamit
niyaóng caba-itang di taglay sa dibdib,
ay nang maragdag pa sa tálas nang isip
itóng capuriháng mahinhi,t, mabait.
Ang lihim na itó,i, caya nahalatà,
dumating ang arao nang pagca-catoua,
caming nag aaral bagong tauo,t, batà
sari-saring laro ang minunacala.
Minulán ang galí sa pagsasayauan[44]
ayon sa música,t, auit na saliuan,
laróng bunó,t, arnés na quinaquitaan
nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.
Sacâ ilinabás namin ang tragedia
nang dalauang apó nang túnay na iná,[AF]
at man~ga capatid nang nag-iuing amáng
anác at esposo nang Reina Yocasta.
Papel ni Eteocles ang naguíng tungcól co,
at si Polinice nama,i, cay Adolfo,
isang ca-escuela,i, siyang nag Adrasto,[AG]
at ang nag Yocasta,i, bunying si Minandro.
Ano,i, nang mumulán ang unang batalia,
ay ang aming papel ang magca-cabaca,
nang dapat sabihing aco,i, comilala,t,
siya,i, capatid cong cay Edipong bún~ga.[AH]
Nang-lisic ang matá,t, ang ipinagsaysáy,
ay hindî ang dichong na sa original
cundî ang uica,i, "icao na umagao
nang capurihán co,i, dapat cang mamatáy"
Hinandulóng acó, sabáy nitóng uicá,
nang patalím niyang pamatáy na handá,
dan~gan naca-iuas aco,i, nabulagtá
sa tatlóng mari-ing binitiuang tagá.
Aco,i, napahiga sa inilag-ilag,
sinabayáng biglâ nang tagáng malacas,
¡salamat sa iyó ó Minandrong liyag,
cundî ang licsi mo búhay co,i, na-utás!
Nasalag ang dágoc na camatayan co,
lumipád ang tangang cáliz ni Adolfo
siyang pag-paguitnâ nang aming maestro,
at naualáng-diuang casama,t, catoto.
Anopa,t, natapus yaóng catoua-án
sa pan~gin~gilabot, at capighatian;
si Adolfo,i, dîna naman nabúcasan,
noón di,i, nahatid sa Albaniang bayan.
Naguing sangtaón pa acó sa Atenas
hinintay ang loob nang amá cong liyag,
¡sa abá co,t,! noo,i, tumangap nang sulat,
na ang balang letra,i, iuang may camandág.
¡Gunam-gunam na dî napagod humapis
dî ca na-ianod nang lúhang mabilís,
iyóng guinuguló ang bait co,t, ísip
at dimo payagang payapà ang dibdib!
¡Camandág cang lagac niyaong camatayan[45]
sa sintang Iná co,i, di nagpacundangan,
sinasariua mo ang súgat na laláng
nang aquing tinagáp na palasóng liham!
Tutulun~gang quitá n~gayóng magpalalâ
nang hapdî sa púsong di co ma-apulà,
namatáy si Iná ay laquing dálitâ
itó sa búhay co ang unang umiuà.
Patáy na dinampó sa aquing pagbasa
niyóng letrang titic ng biguing na pluma
¡diyata Amá co at nacasulat ca
n~g pamatíd búhay sa anác na sintá!
May dalauang oras na dî nacamalay
n~g pagca-tauo co,t, n~g quinalalag-yán,
dan~gan sa calin~ga n~g casamang tanán
ay dî mo na acó na casalitaan.
Nang mahimasmasa,i, narito ang sáquit,
dalauá cong matá,i, naguing parang bátis,
ang ¡ay! ¡ay! Ina,i,! cong cayâ mapatíd
ay nacalimutan ang paghin~gáng guipít.
Sa panahóng yaó,i, ang boó cong damdám
ay nanao sa aquin ang sangdaigdigan,
ang-iisá acó sa guitnâ ng lumbay
ang quinacabaca,i, sarili cong búhay.
Hinamac ng aquing pighatíng mabangís
ang sa Maestro cong pang-aliu na voses,
ni ang lúhang túlong ng samang may hapis,
ay di naca-auás sa pasán cong sáquit.
Baras ng matouid ay linapastangan
ng lubháng marahás na capighatian,
at sa isang titig ng palalong lumbáy
diua,i, lumilipád niyaring cati-isan.[46]
Anopa,t, sa bangís ng dusang bumugsò
minamasaráp cong mutóc yaring púsò
at ng ang camandág na nacapupunò
sumamang dumaloy sa ágos ng dugò.
May dalauáng buang hindî nacatiquím
acó ng linamnám ng payapa,t, aliu,
icalauang súlat ni ama,i, dumatíng
sampo ng sasakiang sumundo sa aquín.
Saád sa calatas ay bigláng lumulan
at acó,i, omoui sa Albaniang bayan
sa aquing Maestro ng napaaálam
aniya,i, "Florante bilin co,i, tandaan.
Houag malilin~gat, at pag ingatan mo
ang higantíng handâ ng Conde Adolfo
pailág-ilágang parang baselisco[47]
súcat na ang titig na matáy sa iyó.[48]
Cun ang isalubong sa iyóng pagdating,
ay masayáng muc-ha,t, may paquitang giliu,
lalong paingata,t, caauay na lihim
siyang isa-isip na cacabacahin.
Dapoua,t, houag cang magpapahalatá
taróc mo ang lalim n~g caniyang násà
ang sasandatahi,i, lihim na ihandâ,
n~g may ipagtangol sa arao ng digmâ.
Sa mauica itó lúha,i, bumalisbís,
at acó,i, niyacap na pinacahigpít,
hulíng tagubilin "bunsó,i, catiti-is
at hinhintay ca ng maraming sáquit.
At mumul-án mona ang paquiquilaban
sa mundóng bayaning púnong caliluhan"
hindî na natapus, at sa calumbayan
piniguil ang dilà niyang pagsasaysáy.
Nagca-bitiu caming malunbáy capouá
tanáng ca-escuela mata,i, lumuluhà
si Minandro,i, labis ang pagdarálitâ
palibhasa,i, tapát na capouà batà.
Sa pagca-calapat n~g balicat namin
ang mut-yáng catoto,i, di bumitiu-bitiu
hangang tinulutang sumama sa aquin
ng aming maestrong caniyang amaín.
Yaóng pa-alama,i, anopa,t, natapos
sa pagsasaliuan n~g madláng himutóc,
at sa cain~gaya,t, guló n~g adios
ang buntóng hinin~gá ay naquiquisagót.
Mag pahangang daóng ay nagsipatnubay
ang aquing maestro,t, casamang iiuan;
homihip ang han~gi,t, agád nahiualáy
sa pasig Atenas ang aming sasaquián.
Bininit sa búsog ang siyang catulad
n~g túlin n~g aming daóng sa paglayag,
cayá dî nalaon paá co,i, yumapac
sa dalampasigan ng Albaniang Ciudad.
Pag-ahon co,i, agád nagtuloy sa Quinta,
dî humihiualay ang catotong sintá;
pag-halíc sa camáy n~g poong cong Amá.
lumala ang sáquit n~g dahil cay Iná.
Nagdurugong mulî ang sugat n~g púsò
humiguít sa una ang dusang bumugsò,
nauicang casunód n~g lúhang tumulò
¡ay Amáng! casabay n~g báting ¡ay bunso!
Anopa,t, ang aming búhay na mag amá
nayapus n~g bangís n~g sing-isang dusa,
cami ay dinatnáng nagcacayacap pa
niyaóng Embajador n~g bayang Crotona.
Nacapangaling na sa Palacio Real,
at ipinagsábi sa Harì ang pacay
dalá,i, isang súlat sa Amá cong hirang
titic ng Monarcang caniyang bianan.
Humihin~ging túlong, at na sa pan~gambá
ang Crotonang Reino,i, cubcób n~g cabaca,
ang púnò n~g hocbo,i, balita n~g siglá
General Osmalic na bayaning Persa.