Title: Dating Pilipinas
Author: Sofronio G. Calderón
Release date: February 18, 2006 [eBook #17787]
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This
file was made using scans of public domain works from the
University of Michigan Digital Libraries.)
Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat ng̃ aklatan dito sa Maynilà, at sa bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana.-Maynilà.
Kung pakyawan ay mura.
Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking anák na si Sofronio G. Calderón.
Tudling | |
Paunawa | 4 |
Unang Pangkat. | |
Mg̃a Unang Tao Rito | 6 |
Ikalawang Pangkat. | |
Lahing Pilipino | 12 |
Ikatlong Pangkat. | |
Pagkaparito at Pinangaling̃an ng̃ Lahing Pilipino | 16 |
Ikapat na Pangkat. | |
Dating Pamamayan ng̃ mg̃a Tagarito | 21 |
Icalimang Pangcat. | |
Dating Pananamit at Kalinisan sa Katawan ng̃ mg̃a Tagarito | 28 |
Icanim na Pangcat. | |
Dating Kaugaliang Pinanununtunan sa mg̃a Kapaslang̃an at Sigalutan | 34 |
Ikapitong Pangcat. | |
Wika | 55 |
Icawalong Pangcat. | |
Pagbasa't Pagsulat | 60 |
Icasiam na Pangcat. | |
Asal at Gawì | 67 |
Icasampung Pangcat. | |
Pagkakalakalan | 70 |
Icalabing isang Pangcat. | |
Sasakyang-Tubig | 75 |
Icalabing dalawang Pangcat. | |
Almás | 78 |
Icalabing tatlong Pangcat. | |
Dating Ugali Tungkol sa Pag-aasawa | 80 |
Icalabing apat na Pangcat. | |
Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihing̃alo, Paglilibing at Pagluluksa | 89 |
Icalabing limang Pangcat. | |
Dating Pagsamba't Pananampalataya ng̃ mg̃a Tagarito | 100 |
Icalabing anim na Pangcat. | |
Dating Pagsamba't Pananampalataya ng̃ mg̃a Tagarito (Karugtong) | 107 |
Icalabing pitong Pangcat. | |
Dating Pagsamba't Pananampalataya ng̃ mg̃a Tagarito (Karugtong) | 113 |
Icalabing walong Pangcat. | |
Isipan ng̃ Ibang mg̃a Tagarito Tungcol sa Pasimula ng̃ Sangkinapal | 119 |
Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko kahi't kaunti sa mg̃a di pa nakababatid ng̃ dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na ng̃ayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob ng̃ iba na ling̃unin pa ang nakaraan; ng̃uni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan ng̃ ng̃ayon sampu ng̃ hinaharap, siyang bumubuhay ng̃ mg̃a bagay na nangyayari, siyang kumakandili ng̃ ating alaala sa ating mg̃a kanunuan na ating pinagkautang̃an ng̃ buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin ng̃ madlá sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan ng̃ halos lahat ng̃ lupain ang pagsiyasat at pag-aaral ng̃ kanikanilang kasaysayan.
Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa mg̃a taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika sampú nang boong paraa't ayos ng̃ pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang naing̃atan; at dahil sa mg̃a dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag lubhang humabà at tuloy makaya ng̃ lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin ng̃ karamihan ang halaga sa kamahalan ng̃ayon ng̃ pagpapalimbag.
Páhiná 5Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinang̃o ko sa mg̃a aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa mg̃a paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa mg̃a aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa mg̃a kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong ng̃ lahat ng kasaysayang kailang̃an, ng̃unit inaasahan kong ito ang mg̃a pinakamahalaga.
Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa aking amaing si G. Felipe G. Calderón, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr. James B. Rodgers na nang̃agkatiwala sa akin ng̃ kanilang mg̃a aklat na nabangit ko sa unahan nito na ng̃ayo'y mahirap mang̃asumpung̃an.
Sofronio G. Calderón
Isa sa mg̃a lahing hangang ng̃ayo'y nang̃ananahan dito sa mg̃a kapuluang Pilipinas ay ang mg̃a "Itim" ó "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nang̃amayan dito ay di ng̃a maliligtaan sa kasaysayan ng̃ Pilipinas.
Ang dami, di umano, ng̃ mg̃a ito ay may tatlong yuta at pawang nang̃ananahan sa mg̃a gubat at bundukin ng̃ Bataan at Sambales at sa Silang̃anang bundukin ng̃ dakong hilaga ng̃ Luzon na mula sa Cabo Engaño hangang Baler. May mang̃ilang̃ilan ding nang̃ananahan sa mg̃a bundukin ng̃ mg̃a lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpang̃an Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa mg̃a pangpang̃in ng̃ Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan ng̃ Kagayan at sa mg̃a dating comandancia ng̃ Infanta at Príncipe na ng̃ayo'y sakop ng̃ lalawigan ng̃ Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa mg̃a pulo ng̃ Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.
Palibhasa,t, nakapangkat-pankat ang lahing ito ay nagkaroon ng̃ iba't ibang pang̃alan, na yaong mg̃a nasa Sambales lalong lalo na yaong Páhiná 7mg̃a haluang dugo ay pinang̃anlang Abunlon; yaong nang̃a sa Morriones sa Tarlak ay Aburlin; ang ibang nang̃a sa Kagayan, Isabela, Kapangpang̃an Bulakan at Bataan ay Ita; ang ibang nang̃a sa Isabela ay Agtas; ang ibang nang̃a sa Nueva Ecija, Kapangpang̃an, Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong mg̃a haluang dugo ay Balugas; ang ibang nang̃a sa Sambales ay Bukiles ang nang̃a sa baybayin ng̃ dagat Pacífico sa Hilaga ng̃ Luzón ay Dumagat; at ang nang̃a sa Baggaw sa Kagayan ay Parames.
Dahil sa pagkakapangkat-pangkat na ito at pagkakaroon ng̃ iba't ibang pang̃alan ay pinagkaroonan ng̃ iba't ibang isipan ng̃ mg̃a mananasaysay, na anáng iba'y supling sa iba't ibang lahi ng̃ mg̃a itim at anáng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang ng̃ angkan-angkan na sa akala ko'y itong hulé ang mapaniniwalaan.
Ang mg̃a taong ito ay nang̃ananahan pulupulutong na limalimangpu humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumangihan, malalaki ang mata ng̃ karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang mg̃a lalaki, sarat ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi nang̃aggugupit ng̃ buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol ng̃ itak ó sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan ay nagsisipagkoPáhiná 8ronita sa ulo na parang pare upang makasing̃aw ang ipit, di umano, at yaong nang̃a sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung minsan ng̃ kalahati ng̃ ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.
Ang damit, ng̃ mg̃a lalaki ay bahag lamang sa mg̃a balakang at ang sa mg̃a babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat ng̃ kahoy.
Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit ng̃ kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din ng̃ hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. Ang mg̃a pinuno ay nagpapatulis ng̃ ng̃ipin sa harap, at halos lahat ay nang̃agsisipagkudlit sa katawan ng̃ sarisaring hitsura na ang mg̃a lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa mg̃a bisig at ang mg̃a babae naman ay gayon, din bukod pa sa mg̃a harapan ng̃ hita at sa iba pang dako ng̃ katawan.
Ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago ng̃ tahanan, at sa ganito'y hindi nang̃agbabahay at ang karaniwang pahing̃ahan ay ang paanan ng̃ mg̃a punong kahoy na kanilang pinagtitindigan ng̃ balangkas na miski paano saka binububung̃an ng̃ kugon ó ng̃ miski anong dahon.
Sa pagkabuhay ay nang̃abubuhay sa isda, lamang lupa, sa bigás (na nang̃aghahasik ng̃ palay sa dakong katahanan), at lalong lalo na sa mg̃a Páhiná 9hayop na kanilang nahuhuli ó napapana, at di umano'y mg̃a totoong maibiguin sa lamán ng̃ ungoy, saka nang̃agsisikain ng̃ ahas, palaka bubulí at iba pang hayop na di natin kinakain.
Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó sang̃a kaya ng̃ kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila.
Mg̃a totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang mg̃a instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pang̃ing̃ibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.
Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan ng̃ mg̃a magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin ng̃ sa ibang lahing gubat. Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan ng̃ mg̃a ito, ng̃uni sa mg̃a itim na nang̃a sa bundok ng̃ Mariveles ay ganito di umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang mg̃a abay niya, saka hinahanap ng̃ lalaki at ng̃ mg̃a abay naman nito hangan sa masumpung̃an. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong pagtatapusan ng̃ pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki ng̃ gansa (na isang instrumento nila) sa harap ng̃ babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad Páhiná 10na payuko. Pagtigil ng̃ tugtog ng̃ lalaki ay hinahandugan ng̃ mg̃a kaibigan ang babae ng̃ kanikanyang kaya. Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid ng̃ kanyang mg̃a kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw ng̃ lalaki na hinahawakan sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa ang ilan sa kanilang mg̃a kaibigan at kamag-anakan na nagsisipag-alay ng̃ kanikanyang kaya, saka nang̃ananaog na kasama ang bagong mag-asawa. At pagkapañaog ay sinasalubong ng̃ isang matandang lalaki at isang matandang babae na nang̃agsisilagay marahil na pinaka-inaama at ini-ina at siyang nang̃agpapa-ala-ala ng̃ kanilang payo sa bagong mag-asawang yaon.
Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa mg̃a bagay ng̃ katalagahan at sa mg̃a kalulua, at ang mg̃a matanda at ang mg̃a namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang.
Ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nang̃anahan ditong malaong panahon hangang sa dinatnan ng̃ lahing malayo.
Tungkol sa pagkaparito ng̃ mg̃a ito kung paano at saan nang̃angaling ay di masabi at hangan ng̃ayon ay di pinagkakaisahan ng̃ mg̃a Páhiná 11mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't anáng iba ay galing sa Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at mula sa Nueva Ginea hangang dito, at anáng mg̃a bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang mg̃a ito'y kaibang lahi ng̃ mg̃a itim sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilang̃anan.
Maliban sa mg̃a itim ay pawang lahing malayo na ang nang̃ananahan dito na may halo marahil na kaonting indonesiano, at ng̃ayo'y siyang mg̃a kinikilalang pilipino.
Ang lahing ito ay nababahagi ng̃ayon ng̃ tatlong malaking bahagi: Una'y ang mg̃a taong nagsipangubat na dî napasaklaw sa kapangyarihan ng̃ mg̃a taga ibang lupain, ikalawa'y ang mg̃a moro ó kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang mg̃a nagsipagkristiano.
Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, ng̃ayon ng̃ lipilipi at angkan-angkan.
Ang unang bahagi, na sa mg̃a taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; ng̃uni't ang mg̃a lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat ng̃ mg̃a taong ito ay pinagkaroonan ng̃ iba't ibang isipan ng̃ mg̃a tanyag na mananalaysay. Anáng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang mg̃a ito ng̃ tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa mg̃a itim, at anáng mg̃a mananalaysay na Jesuita ay Páhiná 13dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang mg̃a Jesuita na dî ibinibilang ng̃ Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin ng̃ Profesor Blumentrit tungkol sa binangit ng̃ mg̃a Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang mg̃a binangit ng̃ mg̃a Jesuita na dì naibilang ng̃ Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa ng̃a sa tatlong pu't anim na bilang niya. Ng̃uni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang mg̃a Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat, na sa mg̃a sumiyasat at nakakita ng̃ mg̃a ito ay di maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr. M.L. Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan Samuel D. Crawford at di rin nang̃agkaiisa ng̃ isipan bagay sa mg̃a liping ito; sapagca't ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung bagá man anya't marami ay angkan lamang ng̃ tatlong ito ang iba, samantala namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay anim ang liping malayong narito at anáng iba ay isang gayon: ano pa at iba't iba. Kung alin ang matuid sa mg̃a salaysay noong mg̃a una sampu nitong mg̃a huli ay di natin masabi at hangang ng̃ayon ay di pa lubos na kilala ang boong paraa't ayos ng̃ pamumuhay niyang mg̃a taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba,
Ang ikalawang bahagi na sa mg̃a moro, ay Páhiná 14gaya rin ng̃ sa mg̃a taong gubat na napapangkat ng̃ lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa iba't ibang dako ng̃ Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang ng̃alan. Ang mg̃a ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa lahat ng̃ lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapaging̃at nila ng̃ kanilang mg̃a alamat at mg̃a alaala ng̃ dating pamumuhay ng̃ kanilang mg̃a kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.
Ang ikatlong bahagi, na sa mg̃a nagsipagkristiano at siyang mg̃a liping tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi ang dami na dili iba't itong mg̃a sumusunod: Ang Bisaya, na mg̃a taong nang̃ananahan sa maraming mg̃a pulong napapagitan sa Luzón at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa mg̃a puló ng̃ Panay, Negros, Leyte, Samar at ibapa; ang Tagalog, na nang̃ananahan sa kalagitnaan ng̃ Luzon at nakakalat sa mg̃a lalawigan ng̃, Maynila, Batang̃an, Kabite, Laguna, Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang Kapangpang̃an at Pang-asinan na nang̃akakalat sa mg̃a kapatagan ng̃ kahilagaan nitong Luzon; ang Ilokano, na nang̃ananahan sa may dakong kalagitnaan ng̃ hilaga't kanluran niPáhiná 15tong Luzon; ang Kagayan na nang̃agsasalita ng̃ wikang Ibanag at nang̃ananahan din sa Kagayan; ang Bikol na nang̃ananahan sa Kamarines at sa mg̃a lalawigan ng̃ Sorsogon; at ang Sambal na nang̃ananahan din sa Sambales. Dito'y di na kabilang ang ibang lipi na nang̃a sa Nueva Viskaya, sa pulo ng̃ Batanes at Kalamianes dahil sa kaliliitan.
Ng̃ayon ng̃ang batid na natin ang dinamidami nitong mg̃a lipilipi at angkan-angkang nang̃ananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang mg̃a ito ay katutubo rito ó kung bakit nang̃aparito at saan nang̃angaling.
Sa pagkakatutubo rito, ng̃ mg̃a taong ito anang mang̃a mananalaysay ay hindi at bago pa ng̃a mandin ang mg̃a ito ay ang mg̃a ita muna ang nang̃anahan dito; sapagka't di ng̃a naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya ng̃ mg̃a ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan. Ng̃uni't mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap ng̃ ikabubuti't ikagiginhawa ng̃ sarili na kung di ng̃a masiyahan sa kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang ng̃ayon ay may mg̃a taong gubat na nagpapabuhatbuhat ng̃ tahanan dahil sa paghanap ng̃ lalo't lalong mabuting lupa ó ng̃ dakong lalong maginhawa sa kanyang pamumuhay, at maging sa mg̃a matalinong bayan man ay gayon din, at nariyan ang Australia na pinamamayanan Páhiná 17ng̃ mg̃a Ingles:—at—ang mg̃a lupang Pilipinas, na halos lahat ng̃ pulo't lalawigan ay sagana sa mg̃a halama't pananim, sa mg̃a kayamanan at sa balang ikabubuhay,—ay di mapagtatakhang pamayanan ng̃ lahing ito.
Kung paano ang pagkapasimula ng̃ pagkakaparito ng̃ mg̃a ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang mg̃a pagkakaganiganito ng̃ mg̃a tao noong unang dako, na nang̃apapalipat sa ibang mg̃a pulo't lupain ay di kaila sa mg̃a kasaysayan, at nariyan ang mg̃a aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon ng̃ang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang mg̃a sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa mg̃a magdadagat na kung totoong nang̃apapalaot sa dagat at inaabot ng̃ pagbabago ng̃ hang̃in ay nang̃apapaligaw hangang sa másadsad sa ibang lupain, at mang̃yare, kung hindi na mang̃akabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan ng̃ doon mamayan, ó kung sakali mang nang̃akabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa ng̃ kanilang mg̃a kamag-anak at kakilala. Ito ng̃a ang matuid na masasapantaha natin, na dahil ng̃ ikinaparito ng̃ mg̃a taong ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't saling sabi Páhiná 18ng̃ mg̃a Tagakaola at mg̃a Bagobo sa Mindanaw na anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila ng̃ayon at ang kanilang pinangaling̃an ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko na bangitin ang lubhang maraming mg̃a pangyayaring ganito sa iba't ibang lupain at totoong makapal.
Bagay naman sa pinangaling̃an ay masasabi nating wala ng̃ iba kundi ang mg̃a kalapit lupain At dito naman sa mg̃a kalapit lupain ay wala ng̃ ibang masasapantaha, liban sa mg̃a lupang nasa dakong timog, na dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang mg̃a tang̃ing bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat ng̃ ayos at paraan ng̃ pamumuhay ng̃ mg̃a Tagarito. Saká anang mg̃a mananalaysay, siyang sali't saling sabi ng̃ mg̃a tao rito, na ang mg̃a nabangit na lupain ang pinangaling̃an ng̃ mg̃a kanunuan nila. At bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga Kapangpang̃ang nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng̃ kanyang sariling wika at siya'y nakisagót na parang siya'y ipinang̃anak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya ng̃ isang matanda na kayo'y mg̃a inapó ng̃ mg̃a nagsialis dito noong unang dako na nang̃amayan sa ibang lupain at di na namin nang̃abalitaan."
Ng̃uni't may isang bagay na hindi lahat ng̃ Páhiná 19tao rito ay Kapangpang̃an ó Tagalog mang ó Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.
Ang kadahilanan nito, sa akalà ko, ay sanghî sa pagkakapangkat pangkat ng̃ mg̃a bayan malayo (ó lahing pinangaling̃an ng̃ mg̃a Tagarito) saká ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.
Kung ating ng̃ang liling̃unin at lilining̃in ang kamalayahan na pinangaling̃an ng̃ mg̃a Tagarito ay matatanto nating unauna na doo'y may kinikilalang tatlong uri ng̃ tao na dili iba't ang orang benúa (ó taong gubat), ang orang-laut (ó taong dagat) at, ang orang-malayo (ó taong bayan). Sa una na orang-benúa ay masasapantaha na siyang pinangaling̃an ng̃ ating mg̃a taong gubat, na dili iba't siyang sapantaha ng̃ mg̃a kilalang mananalaysay ng̃ayon. At ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis ng̃ pamumuhay ng̃ mg̃a ito sa pamumuhay ng̃ mg̃a iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya ng̃ Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin ng̃ mg̃a lahi ritong kristiano ng̃ayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa katalinuan.
Tungkol sa orang-laut at orang malayo ay di mapagtatakhang siyang pinagmulan ng̃ mg̃a taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan nag pamumuhay.
Páhiná 20Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging taong-gubat ó taong dagat ó taong bayan) baga man suplíng sa isang lahi (sa lahing Mongol anáng mg̃a mananalaysay) ay pangkat pangkat din, dahil sa nang̃amamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa iba't ibang pulo, bukod pa sa nang̃atira sa kapatagan ng̃ Malaka, at mang̃yare—sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay nagkaiba't iba ng̃ kaonti at sapagka't ang mg̃a Tagarito, sa akala ko, ay hindi galing sa iisang angkan ng̃ mg̃a yaon, kundi sa iba't iba ay kaya naman iba't iba rin ang mg̃a lipi rito, bukod pa ng̃a sa dito ma'y nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.
Tungkol sa mg̃a moro sa Magindanaw ay masasapantahang siyang mg̃a huling naparito at ayon sa kapaniwalaan ng̃ayon ay siyang mg̃a kasabay ó kasunod ng̃ mg̃a taga malayang nagsipamayan sa Borneo noong dakong 1400.
Bago nagpuno ang mg̃a taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay may sarili ng̃ paraa't ayos ng̃ pamumuno ang mg̃a tagarito. Ang paraa't, ayos ng̃ pamunuang ito ay di kagaya ng̃ sa iba't ibang lupaín na may isang dakilang puno ó pang̃ulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo at lalawigan ay maraming pang̃ulong may kanikanyang kampon at sakop na nayon-nayon at lipi-lipi,[1] anopa,t, kaparis din ng̃ pamunuan sa España bago nang̃agpaka-pang̃inoón doon ang mg̃a Romano't Godo.
Ang bawa't pangkat ng̃ pamahalaan ay tinatawag na isang balang̃ay. Itong salitang balang̃ay ay pang̃alan ng̃ sasakyang-dagat na di umano'y siyang nilulanan ng̃ mg̃a taga Malaya sa pagparito, (basahin ang pangkat na sasakyan) at ang dami ng̃ mg̃a taong sakáy sa bawa't isa nito ay tinatawag na isang balang̃ay na dili iba't siyang Páhiná 22nátatag na isang pamahalaan. At sapagka't may malalaki't maliliit na sasakyán ay nagkamalalaki't maliliit namang balang̃ay ó pámahalaan.
Ang bilang ng̃ mg̃a tao sa pinakamunting balang̃ay ay limang pú at sa pinakamalakí ay umáabot ng̃ hangang pitong libo.
Ang ibang mg̃a balang̃ay ay magkakasundô at hangang sa naglalakip-lakip[2] upang kung salakayin ng̃ mg̃a kaaway ay huwag masupil; ng̃uni't ang pagkakálakip na ito ay sanhi ng̃ pagkakasunduan at hindi ng̃ pagsasáilaliman ng̃ isa't isá; ano pa nga't bawa't balang̃ay ay may kanya ring sariling pang̃ulo, liban na sa panahon ng̃ digma na pumipili ng̃ isang mang̃ung̃ulo sa kanilang lahat.
Ang pang̃alan ng̃ pang̃ulo sa bawa't balang̃ay ay Dato na ang kahulugán sa wikang Malaya (ani Dr. de Tavera) ay nuno ó lelong: ano pa ng̃a't dito'y ating mapagninilay na ang ayos sa pámunuan ay isang pamumuno sa gulang̃an. Itong tawag na Dato na pang̃ulo ay nanánatili pa hanga ng̃ayón sa Holó't Mindanaw. Ang pang̃ulo namang nagpupuno sa samasamang balang̃ay ay nagkakapamagát ng̃ Laca ó Raja ó Ladya ó Radja. Mula ng̃ lumitaw ang mahomatismo (Páhiná 23pananalig kay Mahoma) ay ginamit ang salitang sultán. Di umano'y may nagpápamagat, din ng̃ Hari na siyang dating kapang̃alanán sa mg̃a dakilang pinuno sa India, at ang kahulugan sa sanskrito, ani Dr. de Tavera ay Brahma, araw, Vishnu.
Ang pamumuno ng̃ pang̃ulo ay paratihan ó sa tanáng buhay. At ang pagkapuno't pagkamáginoo ay minamana ng̃ anák at kung sakaling wala, ay mg̃a kapatid ó kamag-anak na malapit ang humahalili. Ang tungkulin ng̃ mg̃a ito ay pagpunuan ang kaníkanyang sakop at kampon at tuloy ling̃apin ang kanikanilang usapín at kailang̃an; at ang sabihin namán ng̃ mg̃a ito ay iginagalang at ginaganap ng̃ kanikanyang sakop na mg̃a tao. Iginagalang din ang mg̃a kamag-anak at inapó ng̃ mg̃a puno, na kung baga ma't hindi nakapagmana ng̃ pagkapuno ay pawang ibinibilang namáng taong-mahal at ipinakatatang̃i sa mg̃a taong karaniwan. Kung paano, ang kamahala't pagkamaginoo ng̃ mg̃a lalaki ay gayon din ang sa mg̃a babae[3].
Sa mg̃a balang̃ay na nabangit ay may tatlong kalagayan ng̃ tao: Una'y ang mg̃a mahal Páhiná 24na pinamamagatang Maginoo ó Ginoo; ikalawa'y ang mg̃a nakaririwasa na pinamamagatang timawa (ó payapa) at anáng ibang mg̃a mananalaysay ay maharlika; ang pamagat, na sa wikang Malayo ani Dr. Tavera ay laya ang ibig sabihin; at ikatlo'y ang mg̃a alipin na sa Bisaya'y oripun.
Ani Colín, ang mg̃a lalaking may mahal na uri ó mg̃a maginoo ay nagpapamagat din ng̃ Gat ó Lakan, gaya ng̃ Gat Maitan, Lakán Dula at iba pa at sa mg̃a babae nama'y Dayang gaya ng̃ Dayang Mati. Anang iba'y naging karaniwang kasambitan din ang ating kinauugalian pa hangang ng̃ayong mama (amain) ó mang sa mg̃a lalaki at ang ale sa mg̃a babae.
Sumusunod sa uring ito ang mg̃a timawa (payapa) ó maharlika (laya). Ang mg̃a ito'y tang̃i sa ibang uri na walang sinasailaliman libang sa kanilang Dato ó pang̃ulo. Hindi rin nang̃agsisibayad ng̃ buwis at ang paglilingkod na ginagawa ng̃ mg̃a ito ay ang tungkol lamang sa naayon sa ugali. Itong ugaling tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos ng̃ pang̃ulo ó puno sa panahon ng̃ digma: kaya't ang mg̃a ito ang siyang nang̃agsisibuo ng̃ kawal ó hukbo ng̃ balang̃ay at sa ganito'y may pamagat na kabalang̃ay. Bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pang̃ulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani at gayon din sa pagtatayo ng̃ bahay, sa Páhiná 25pag-gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag ng̃uni't sila'y pawang pakain sa loob ng̃ boong panahong kanilang ipinaglilingkod.
Ang sumusunod sa nang̃abangit ay ang mg̃a alipin, na sa Bisaya'y oripun, at mg̃a ito'y may dalawang kalagayan ng̃ pagka-alipin: ang aliping namamahay at ang aliping sagigilir; itong hulí sa Bisaya'y tinatawag na ng̃alon.
Ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundang̃an. Ito'y may bahay na sarili; kaya't may pamagat na namamahay, at sa panahong kinakailang̃an lamang naglilinkod sa pang̃inoon, at ang paglilingkod na ito ay sa pagbubukid at pag-aani ng̃ kanyang pang̃inoon, at gayon din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailang̃an din tumulong sa pagpapagawa ng̃ bahay ng̃ pang̃inoon at tuloy naglilingkod sa bahay nito kung sakaling may panauhin, ano pa ng̃a tungkulin ng̃ aliping namamahay ang maglingkod sa pang̃inoon kailan ma't kakailang̃anin; ng̃uni't natatang̃i sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at saka hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa madaling sabi ay siyang mg̃a tinatawag nating kasamá, bataan, kampon, tao at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa kalagayang timawa ó maharlika kung nagbabayad sa kanyang pang̃inoón ng̃ katampatang halaga na ayon sa kaugalian.
Ang aliping sagigilir ó ng̃alon ay siyang tuPáhiná 26nay na alipin na ang iba'y sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na sagigilir, dahil sa di nakalálayo sa gilid ó paligid ng̃ pang̃inoon. Ang pagkakapagíng alipin ng̃ mg̃a ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil sa pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutang̃an at ibp.
Ang mg̃a alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman ng̃ mg̃a tagarito, dahil sa nákakatulong silang malabis sa kanilang ng̃a bukira't hanap-buhay, at ang mg̃a ito'y naípagbibili't náípagpapalit ng̃ isang pang̃inoon sa ibang pang̃inoon, ng̃ isang bayan sa ibang bayan, ng̃ isang lalawigan sa ibang lalawigan at ng̃ isang pulo sa ibang pulo. Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang pamumuhay ng̃ mg̃a alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang ng̃ kanilang pang̃inoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay ng̃ pang̃inoon, maliban na sa ilang masamang pang̃inoon, na saa't saan ma'y di nawawalâ. Ng̃uni't ayon sa salaysay ng̃ ibá (wika rin ni Rizal) ay lumubha ang kalagayan ng̃ mg̃a aliping ito nang masakop ng̃ España ang mg̃a tagarito hangang sa ang iba'y nang̃agpakamatay sa gutom at ang iba'y nang̃agpakamatay sa lason, at pinatay ng̃ ibang iná ang kanilang anák sa pang̃ang̃anák (Basahin ang paaninaw ni Rizal sa dahong 295 ng̃ aklat ni Morga).
Páhiná 27Ang mg̃a anák at inapó ng̃ mg̃a aliping itó, magíng namamahay at magíng sagigilir ay nagmamana ng̃ kalagayan ng̃ magulang, na siyang dating kaugalian sa halos lahat ng̃ lupaing malayo. At ang pagkaalipin nitóng mg̃a aliping namamahay at sagígilir ay sari-sari, dahil sa mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang. Ang dahil ng̃ pagkakaganito ay mababasa sa pangkat ng̃ kaugaliang pinanununtunan sa mg̃a kapaslang̃an at sigalutan.
Ang ganitong ayos ng̃ pagkakahiwáhiwalay ng̃ pámunuan dito ay minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan ng̃ isang katao lamang ang pámunuan dito nang panahong yaon at anomang bagay ay isásanguni sa isang lugar, ay magiging mabigát sa bayán-bayán, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono, telegrama at mg̃a kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasangúnian.
Ani Rizal, ay di malayong ang ganitóng paglalakip ay malaon nang inúugali rito, at sa katunayan (anya'y) ang pang̃ulo rito sa Maynilá ay pinakapang̃ulong General, ng̃ sultán sa Bórneo; ayon sa patotoó ng̃ mg̃a kasulatan noong siglo XII.
Ani Rizal ay naáayon sa kautusán ng̃ katalagahan (naturaleza) ang pag-uugaling itó ng̃ mg̃a dating pilipino, na higit kay sa mg̃a tagá Europa na nawawalán ng̃ kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't kababaan. Anya'y isang katunayan ito na ang mg̃a babae ng̃a rito'y pinagbibigyan na mula pa noong una.
Noóng unang dako ang mg̃a tagarito ay magkakaibá ng̃ pananamit; na anó pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.
Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako ng̃ Kamalayahan ang mg̃a tagarito at inugali ng̃ isa't isa ang pananamit sa kanikanyang bayang pinangaling̃an.
Dito sa Luzón (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang mg̃a lalaki ng̃ kanyan (barong azul) na lagpas ng̃ kaunti sa baywang, isinasara sa harap, walang liig at maikli ang mang̃ás; ng̃uni't may nagsusuot din ng̃ kulay itim. Ang sa mg̃a maginoo'y kulay-pulá at sa India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang ng̃ isang kumot na tulóy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang mg̃a paa'y walang suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinang̃ang̃anlang potong ó putong. Ang putong na ito ay iniiíkid ng̃ sari-saring paraan, na kung minsa'y wari turbante ng̃ mg̃a moro na walang bunete, at kung minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng ng̃ sumbrero. Ang nagmámatapáng ay nagPáhiná 29lálawit, ng̃ mg̃a dulo ng̃ panyóng ito na pinaáabót hangang sa batok. Sa kulay nang panyo ay napagkikilala ang pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na pinakasagisag sampu sa kanilang pakay at kataasan. Ang síno mang hindi pa nakakapatay (marahil sa digmá), ng̃ isa man lamang, ay hindi tinútulutang gumamit ng putong na pulá at kaya't makagamit ng̃ ikid ó pugong na parang corona, ay kung nakápatáy na ng̃ pitó. Ang pinakadagdág na kasuutan ay isang mainam na nakukulayang kumot na isinasalabat sa balikat, saka ibinubuhol sa may ibaba ng̃ bisig, at ang káyong dinaramit ay sutla't babarahin. Bagay naman sa paghihiyas ay nang̃agkúkuwintás ng̃ tinanikalang ginto na iniíkid sa liig at ang pagkakákawing-kawíng ay gaya ng̃ sa mg̃a taga Europa; nang̃agsusuót sa bisig at galang-galang̃an ng̃ kalombigas (pulsera) na gintong tinipi at may anyóng sarisari, na tuloy sinásaglitan ng̃ mahahalagáng batóng kawigin at ágata, puti't bugháw ang mg̃a pinakamahál. Anáng iba'y gumagamit din ng̃ garing; at sa mg̃a daliri naman ay nang̃agsisingsing ng̃ ginto't iba't ibang bató.
Sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhán dahil sa nang̃agbabaro at nang̃agsásalawal ang mg̃a lalaqui, at kung may pinaróroonan ó napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa mg̃a simbahan, sa akalá ko) ay nananamit ng̃ isang kasuutang kulay itim na kung tawagi'y sarampuli. Ang kasuotang ito'y mahaba na abot Páhiná 30hangang paa at ang mangas ay makipot na di umano'y isang kasuotang lubhang mahinhín. Kung isuot ito ng̃ mg̃a tagalog ay buo at parang sapot, na ano pa't sa ulo pinapagdáraan at isang kasuotang karaniwan. Ang mg̃a babayi naman ay nang̃agbabaro at nang̃agsasaya, at kung may pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit ng̃ isang pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang pinakapipiling kulay, saká nang̃agtatapis; ng̃uni't ito'y higit na inuugali sa katagaluga't kapanayan kay sa kabisayaan. Bukod dito'y nang̃aglalagay sila sa buhok ng̃ pusod na tangalin (postizo) na ang ipinang-aalalay ng̃ lalaki't babae ay ipit na ginto ó pilak na may batóng perlas ó diamante sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay ng̃ buhók ang lalaki ay nagtatalí sa noo ng̃ panyô na kung tawagi'i purug at ang mg̃a babae namán kung napasasadaan ay nang̃agsasalakot na ang tawag sa Bisaya'y sarok.
Sa lalawigan nang Sambales, ang lalaki'y nag-aahit ng̃ buhók sa harapán ng̃ ulo at sa kaymotan ay nag-iiwan ng̃ isang kumpól na lugáy na, aní Rizal, ang ayos na ito ng̃ pagbubuhok sa Sambales at ang pananamit ng̃ mg̃a taga Bisaya, ay nahahawig sa kimono Hapón, At ang mg̃a babae sa lalawigang itó ay nang̃agbabaro ng̃ sarisaring kulay at nang̃agsasaya rin, at ang mg̃a may mahal na uri ay nang̃agkukundiman, nang̃agsusutla at nang̃ananamit ng̃ iba't ibang káyo na Páhiná 31pinamumutihan ng̃ ginto at ng̃ sari-saring gayák na palawít; nang̃agkukuwintas ng̃ tinanikalang ginto, nang̃agkakalombigas (pulsera) sa galang-galang̃an, nang̃aghihikaw sa taing̃a ng̃ makapal na tiping ginto at nang̃agsisingsíng sa daliri ng̃ ginto rin at sari-saring hiyás.
Sa Katanduanes naman ay nang̃agsasaya ang mg̃a babae ng̃ ayon sa ugali ng̃ mg̃a taga Bisaya, nang̃agsisigamit ng̃ mahahabang balabal, ang buhók ay pusód, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'y may sintás na nababatikan ng̃ ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa bawa't taing̃a ay nakahikaw ng̃ tatlo, isa sa kaugalian ng̃ayon at ang dalawa'y sa may dakong itaás na magkasunód: at marahil ay ang mg̃a ito rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggayák ng̃ kakatwa sa bukong-bukong.
Ang mg̃a taga Bisaya naman ay nang̃aggugupit ng̃ buhók na kagaya ng̃ sa dating kaugalian sa España at nang̃agpipinta sa katawan ng̃ sari-saring anyô at kulay. Ang pagkakapinta'y mainam at bagay-bagay at anang iba'y hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati ng̃ baba't kilay. Ang paraan ng̃ pagpipinta, bago gawín ay ginuguhitan muna ng̃ máng̃ang̃atha ng̃ akalang maáayo't mábabagay sa katawan at gayon din sa pagkalalaki ó pagkababae, saka pinipintahan. Ang panguhit na ginagamit ay kawayang parang pincel na matulis ang dulo at siyang ipiPáhiná 32nangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca binubúdburan ng̃ pulbós, ó kung dili ay usok ng̃ sahing na maitim, na kailan ma'y di na mang̃ung̃upas. Hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta hangang hindi makapapamalas ng̃ anomang katapang̃an. Ang mg̃a bata'y hindi nagpipinta ng̃ ng̃uni't ang mg̃a babae ay nagpipinta ng̃ Isang boong kamay at ng̃ bahagi ng̃ ikalawá. Dito sa pulo ng̃ Luzón ay nang̃agpipintá rin ang mg̃a taga Iloko, hindi lamang lubós na kagaya ng̃ sa mg̃a taga Bisaya. Sa paghihiyás ay nang̃aghihikaw ng̃ malalaking hikaw na ginto at garing at nang̃agkákalombigas; sa ulo'y nang̃akakulubóng ng̃ ukáng Wari turbante na may batíkbatík na ginto; nang̃agbabaro ng̃ makipot at mahaba na walang liig, at sa harapán isinásará. Hindi nang̃agsasalawal, kundi bahág lamang na ibinibigkis sa harapán. Ang mg̃a babae'y may magagandang anyo't kilos, malilinis at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at nakapusód, nang̃akatapi sa baywang ng̃ kayóng sari-saring kulay at nang̃akabaro ng̃ walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, ng̃uni't, nang̃aghiyas na nagsisipagkuwintás ng̃ ginto, nagsisipaghikaw at nagsisipagkalombigas.
Bagay namán sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang mg̃a máginoo, ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nang̃agpapaitim Páhiná 33na mainam ng̃ buhók na nagsisipaggugo at nagsisipaglang̃is ng̃ líng̃áng may pabang̃ó. Sa ng̃ipin ay lubhang maing̃at na lahat, na mula sa pagkabata ay pinapantay ng̃ mg̃a bato't iba pang mg̃a kasangkapang pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan ng̃ ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising.
Bata't matanda ay naliligo sa mg̃a ilog at sa malaking bangbang na, ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapang̃anak (anyá) ng̃ babaye ay agád naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubóg ng̃ araw, pagkatapos ng̃ gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian din sa Hapón. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg ang katawán hangang sa lalamunan na nang̃agpapakaing̃at upang huwag maging tudláng ng̃ matá nino man.
Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiing̃atan ng̃ mg̃a tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at iba pa.
Palibhasa't ang mg̃a Tagarito ay nang̃amamayan at may mg̃a tatag na pamahalaan ó balang̃ay ay may mg̃a hukom at tuntunin ring pinanununtunan.
Itong mg̃a tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balang̃ay ay pawang alinsunod sa kanilang mg̃a alamat at kaugaliang kinagisnan[5] na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may mg̃a pang̃ulo rin namang nagsisipaglagda ng̃ mg̃a kautusan, saka itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinang̃ang̃anlang Biuhahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála ng̃ isang bating̃aw na tinutugtog upáng mapag-alaman ng̃ mg̃a tao.
Ang mg̃a hukom sa mg̃a usapin nila ay ang Páhiná 35kanikanilang pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama ng̃ isang datò sa balang̃ay ó ng̃ isang maginoo sa nayon: at ang pang̃ulo sa balang̃ay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng̃ ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya ng̃ kamatayan ó pagkaalipin ó pagbabayad kaya ng̃ isang gayon.
Ng̃unit sa pagmumungkahian at mg̃a sigalot ng̃ magkakasambahay ó ng̃ magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman ng̃ mg̃a may sigalot:
Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya ng̃ayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin ng̃ isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan. At upáng matanto ng̃ manbabasa ang mg̃a tuntunin sampú ng̃ mg̃a salang kinalalapatan ng̃ mg̃a parusang nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.
Kung ang mg̃a pang̃ulo sa dalawang balang̃ay (na magkasundô marahil) ay magkaroon ng̃ ano mang sigalot ó usap ay pumipilì sa ibang balang̃ay ng̃ isang pang̃ulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila ng̃ walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't ibang balang̃ay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano.[7]
Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa isang balang̃ay ay mag-asawa sa taga ibang balang̃ay ay hindi makalilipat sa balang̃ay na tinatahanan ng̃ magiging Páhiná 37asawa, kungdi magbayad ng̃ isang gayong halaga na paratang ng̃ mg̃a datò. Ang paratang na ito ay mulâ sa isang putol na gintô hangang tatlo ayon sa paratang ng̃ balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balang̃ay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain ng̃ balang̃ay na aalisan ang balang̃ay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang mg̃a anák ng̃ mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balang̃ay.
Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng̃ buis, ng̃uni't napatutulong ng̃ pangulo sa kanyang mg̃a kailang̃an, gaya sa pagtatayô ng̃ kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng̃ kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; ng̃uni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis ng̃ mg̃a kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.
Ang nakamatay ng̃ isang alipin at huming̃i ng̃ tawad ay hindi pinarurusahan ng̃ lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa pang̃inoon ng̃ halagá ng̃ aliping napatay saka hinahatulan ng̃ hukom ng̃ iba pang parusang kanyang magaling̃in.
Ang nakamatay ng̃ isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; ng̃uni't kung huming̃i ng̃ tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.
Datapua't ang nakamatay ng̃ pangulo ó maginoo ay pinapatay ng̃ walang patawad at ang mg̃a kaalam ay pawang inaalipin sampû ng̃ kanilang mg̃a anák.
Upang hulihin ang mg̃a magnanakaw ay tinatawag ang mg̃a pinaghihinalaan, at mg̃a pinapagsasalansan sa isang dako ng̃ mg̃a balaba ng̃ dahon ó ng̃ mg̃a damit kaya, at kung pagkatapos nito'y Páhiná 39masumpung̃an sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa, ng̃uni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod:
Una.—Dinádalá ang mg̃a pinaghihinalaan sa isang dakong malalim ng̃ ilog na bawa't isa'y may daláng pangpigil sa ilalim ng̃ tubig upáng kung pasisirin ay makapang̃uyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala.
Ikalawa.—Naglalagay ng̃ isang bató sa isang sisidlang may kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa mg̃a pinagbibintang̃an at ang umayaw ay siyang nagbabayad ng̃ nánakaw.
Ikatlo.—Pinapagtatang̃an ang mg̃a pinagbibintang̃an ng̃ tig-isang kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.
Ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli ng̃ hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa ng̃ isang gayon. Kung higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan ó kung dili ay inaapilin ang nagnakaw sampû ng̃ asawa't mg̃a anák.
Páhiná 40Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balang̃ay) na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang ng̃ isang gayon, sa ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu ng̃ asawa't mg̃a anák.—Ng̃uni't ang anák na hiwalay sa bahay niya ay hindi idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa pagnanakaw.
Kung ang dalawang tao ay magsamá ng̃ tiggayong halagá upang mang̃alakal, at ang may hawak ng̃ salapi ay maharang ng̃ kampon sa di kasundong balang̃ay ay katungkulan ng̃ kasamá na tubusin ang naharang; ng̃uni't kung ang pagkapahamak ay kasalanan ng̃ may hawak ng̃ salapi ay kailang̃ang isauli ang salaping naparual ó kung dili ay ng̃ mg̃a anák. At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati ng̃ kanyang mg̃a anák sa kasamáng dapat pagbayaran.
Sa pagmamanahan ay hindi kailang̃an ang testamento, kungdi sukat na ang pahimakas na bilin ng̃ namatay sa kanino mang kaharap; sapagka't ang bilin ng̃ magulang ay lubhang mahalagá, dahil sa kapanampalatayan na ang mg̃a kalulua ng̃ kanilang nang̃asirang magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'y nagpapaginhawa ó nagbibigay-hirap ayon sa asal nila (basahin ang paglilibing) ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang pagdadaya at pagsisinung̃aling.
Sa katungkulan.—Ang mg̃a anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana ng̃ katungkulan ng̃ magulang, ano pa't kung pang̃ulo sa isang balang̃ay ang magulang at mamatay ay ang pang̃anay sa mg̃a lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pang̃alawa; ng̃uni't kung walang anak na lalaki ay mg̃a anák na babae ang humahalili ng̃ papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang pínanununtunan ng̃ mg̃a anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.
Sa mg̃a tunay na anák ng̃ mag-asawa.—Ang tunay na magkakapatid sa ama't ina ay nagsisipagmana ng̃ magkakasindami, malibang ibigin ng̃ Páhiná 42amá ó ng̃ iná na palamang̃an ang sino man sa kanilang anak ng̃ dalawa ó tatlong putol na ginto ó ng̃ isang hiyás kaya. Kung ang isa sa mg̃a anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan ng̃ kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang mg̃a kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua't ang ano mang bagay na ibinigay ng̃ magulang sa kanino mang anák maging sa pang̃ang̃ailang̃an ó hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan.
Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat ng̃ magmamana ay binabahagi ang panahon ng̃ paglilingkod nito sa bawa't isa sa kanyang papang̃inoonin ayon sa pagkakasunduan nila. Kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ó ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran ng̃ mg̃a pang̃inoon ang paglilingkod niya sa panahon ng̃ kanyang kalayaan ayon sa kanyang pagkaalipin.
Mg̃a anák sa una't hulíng asawa.—Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan ng̃ anák ay nagmamana ang isa't isa sa mg̃a anák ng̃ ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari ng̃ amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man.
Mg̃a anák sa tunay na asawa at mg̃a anák Páhiná 43sa alipin.—Kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; ng̃uni't ang aliping naanakan ay pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban ng̃ miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang alipin kaya.
Mg̃a anák sa asawa at mg̃a anák sa babaeng kinakasama lamang.—Kung ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng laya na hindi asawa ay hindi nagmamana ng̃ magkakasingdami ang mg̃a anák, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi ng̃ tinatangkilik ng̃ amá ay iniuukol sa mg̃a anák sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa mg̃a anák sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa.
Mg̃a anák sa di asawa.—Kung ang sino man ay walang anák sa tunay na asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nang̃agmamanang lahat ang mg̃a anák at kung sakaling may anák sa alipin ay pinagkakalooban lamang ng̃ ayon sa nabangit sa dakong una.
Kung walang kaanák-anák liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang ó nuno ó mg̃a kapatid ó mg̃a kamag-anak na malapit ng̃ namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa mg̃a anák sa alipin ay ang gaya rin ng̃ nabangit na.
Mg̃a anák sa kaag̃ulo.—Ang mg̃a anák sa kaPáhiná 44aagulo ay hindi nagmamana ng̃ ano man at inaari pang masamang uri.[8]
Sa Inaring Anak.—ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana ng̃ ibayong halaga ayon sa ibinigay ng̃ ama ng̃ siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya ng̃ isang putol na ginto ay magmamana siya ng̃ dalawang putol sa pagmamanahan.
Ang nanunungkol ng̃ bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa kasunduan. Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian ng̃ mg̃a magulang mula sa pagkabata ng̃ mg̃a anak, at kung gayon ay katungkulan ng̃ mg̃a magulang ng̃ lalaki na ipagpauna ang kalahati ng̃ bigay-kaya na pinang̃ang̃anlang kalabgayan at pagdating ng̃ araw ng̃ pag-aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinang̃ang̃anlan bigay ó dahik.
Páhiná 45Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang ng̃ babae. At ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't kumikita ay sa magulang din.
Ang kasunduang mulâ sa pagkabata at may páunang kalabgayan ay kinasasanghian kung minsan ng̃ ligalig, dahil sa kung lumaki ang mg̃a bata at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang ng̃ umayaw dahil sa sapantahang siyang nag-udyok. Ng̃uni't kung patay na ang magulang ng̃ sino man ay nagsasaulian na lamang at hindî na nag-uusapin.
Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa, kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan ng̃ mahigpit at kung mayaman ay sinasamsaman ng̃ malaking bahagi ng̃ yaman.
Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman ng̃ matandá ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki ng̃ isang gayong halaga[9] sa asawa ng̃ babae na Páhiná 46pinakapantakip sa nasirang dangal. At sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagulò.
Datapua't ang asawa ng̃ isang pang̃ulo na magkasala ng̃ pakikiagulo ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli ó kung nakataanan ay pinapagbayad ng̃ isang gayong halaga.
Sa mg̃a ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama ng̃ mg̃a kamag-anakan[10] ng̃ magasawang naghihiwalay.
Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, ng̃uni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala ng̃ isa't isa ang kanyang dati.
Páhiná 47Kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag-asawa sa iba ay kailang̃ang isauli ang bigay-kaya at dagdagan ng̃ isang gayon, na ang magsasauli nang nabangit na bigay-kaya ay ang magiging bagong asawa. Ng̃uni't kung humihiwalay lamang at hindi upang mag-asawa sa iba ay ang bigay-kaya lamang ang isinasauli.
Kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag-aasawa sa iba ó hindi man at hindi kalooban ng̃ babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi ng̃ bigay-kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni P. Colin; ng̃uni't ani P. Placencia ay isinasauli ang kalahati ng̃ bigay-kaya.
Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anák ang bigay-kaya at ang nag-iing̃at nito ay ang mg̃a nuno kung buhay pa ó kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. Ng̃uni't ani P. Aduarte ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa anák.
Ang sumira ng̃ puri ng̃ isang anák na dalaga ó asawa ng̃ isang maginoo ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan.
Páhiná 48Ang mahuling mangaway ó mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat. Ng̃uni't kung huming̃i ng̃ tawad ay pagkaalipin na lamang at kung may salapi ay maaaring magbayad ng̃ isang gayon at huag maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati ng̃ salapi sa ginawan ng̃ masama at kalahati ay sa mg̃a hukom.
Ang panunung̃ayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan ng̃ isang gayong halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinung̃ayaw ay pang̃ulo ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.
Ang tuming̃in ng̃ walang galang sa pang̃ulo at ibp. na gaya nito ay nilalapatan ng̃ parusang pagkaalipin sa tanang buhay, ng̃uni't di umano'y bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakaing̃atang malabis ng̃ mg̃a kampon.
Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay ng̃ isang pang̃ulo ó maginoo ng̃ walang kapahintulutan ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik-tik ng̃ ibang pang̃ulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik-tik ay nilalapatan ng̃ parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad ng̃ isang gayong timbang na ginto.
Páhiná 49Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan ng̃ nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo ng̃ mg̃a saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang mg̃a kanunuan[11], ang hatol naman ng̃ matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila.
Ang karaniwang palakad sa pag-uutang̃an ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautang̃an ang kaláhati sampu ng̃ pakinabang noon hangang hindi nakababayad ng̃ utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad ng̃ tubo.
Ang karaniwang kahatulan sa mg̃a usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati ng̃ bukid at ng̃ tanang tinatangkilik ay napapa sa pang̃inoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang mg̃a anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nang̃agiging alipin; at di umano'y kung sakaling makabayad man ang amá ay sinising̃il ng̃ pang̃inoon pati ng̃ ipinakain at ipinadamit sa mg̃a anák at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang mg̃a anák.
Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad ng̃ isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. Ng̃uni't kung hindi maglingkod ng̃ ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.
Ang sino mang mabihag sa balang̃ay na kaalit ay inaalipin.
Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa mg̃a ganitong bagay ay Páhiná 51anák ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang.
Inaalipin din ang lumabag sa isang pang̃ulo ó maginoo na gaya halimbawa ng̃ magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira ng̃ ano mang pag-aari nila, ó makatapon kaya ng̃ ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala ng̃ ano man sa mg̃a kabahay ng̃ pang̃ulo, at iba pa.
Ang mg̃a anak ng̃ talagang alipin na ay alipin din.
Ang mg̃a anák ng̃ amáng laya at ng̃ inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya ng̃ sa bugtong na anák.
Ang bugtong na anák ng̃ isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahatí lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod ng̃ salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya.[12]
Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay ng̃ sarili, ng̃uni't kailang̃ang maglingkod sa kanyang pang̃inoon sa panahon ng̃ paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo ng̃ bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.
Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod ng̃ bahay at may katungkulang gumawa ng̃ ano mang ipagawa sa kanya ng̃ pang̃inoon sa tanáng buhay niya.
Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod ng̃ salisihang buan. At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya ng̃ sa ganang kanyang sarili ó kung sa pang̃inoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon ng̃ kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.
Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa pang̃inoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang pang̃inoon ng̃ kapara niya.
Páhiná 53Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa pang̃inoon at tatlo'y sa kanyang sarili.
Ang aliping námana ng̃ dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa't isa sa kanila ng̃ ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila. At kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon ng̃ kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin.
Ang mg̃a aliping sagigilir at namamahay ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa pang̃inoon ng̃ katampatang halagá.
Ang halaga ng̃ salaping dapat ibayad ng̃ aliping sagigilir upáng maging aliping namamahay ay limang putol na ginto ó higit pa, at saká ang kalahati ng̃ boong hiyas at pag-aaring tinatangkilik, at kung sakaling may lumabis na isang paliyok ó bang̃a sa paghahati ay binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upáng lubos na mawala sa pagkaalipin at maging timawà ó maharlika ay kailang̃ang magbayad ng̃ sampung putol na ginto ó higit pa.
Páhiná 54Ang paraan ng̃ pagbabayad ay nag-aanyaya ng̃ mg̃a tao ang alipin at sa harap ng̃ pang̃inoon at ng̃ mg̃a kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailang̃an.
Di umano'y karaniwan ding ugali ng̃ mg̃a Tagalog na sa oras ng̃ kamatayan ay pinapagiging laya ng̃ pang̃inoon ang mg̃a anák ng̃ mg̃a alipin na ipinang̃anak sa kanyang bahay.
At gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu ng̃ alipin, na dili iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.
Aní Rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa sa mg̃a tao, sapagkat, anya'y may higit na tibay ang ugali kay sa isang kautusang nasusulat ó nalilimbag, lubha pa't itong kautusang nasusulat ay naipananaksil ng̃ mg̃a may kapangyarihan. Ang katibayan, anya ng̃ isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon ng̃ papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo ng̃ magsisiganap, malaman mula sa pagkabata, maayon sa kaugalian at lalong lalo ng̃ kailang̃an na mátatag ng̃ walang pagkabago. Ang Tagarito ng̃á, anyá, mula sa pagkabata ay nakatátanto ng̃ kanilang mg̃a alamat namumuhay at lumalaki sa pang̃anorin ng̃ kanilang mg̃a kaugalian, at hindi gaya ng̃ayon na nagtatatag ng̃ mg̃a kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.
Ng̃uni't ani P. Placenecia ayon sa salaysay ni Dr. T. H. Pardo de Tavera, kung may hilig sa kanino man ang pang̃ulo ay pumipili sa ibang balang̃ay ng̃ mailalagay na pinakahukom at di umano'y may mg̃a kilalang gayong tao na humahatol ng̃ walan hilig.
Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon-ayon ng̃ mg̃a tuntunin, at di malayó anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang pinakapang̃ulo rito sa Maynilà, ay pinakapunong-hukbo ng̃ Sultan sa Borneo. Anya'y may mg̃a kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo nito.
Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang mg̃a anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana ng̃ magkakasindami; ang mg̃a anak sa babaeng kinasama ay nagmamana ng̃ isang gayon; ang mg̃a anak sa alipin ay hindi pinamamanahan ng̃ ano man, ng̃uni't pinapagiging laya sampu ng̃ kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala ng̃ taos na katalinuan at bait ng̃ mg̃a dating Tagarito.
Ang dating ugaling ito ng̃ mg̃a Tagarito, ani Rizal, ay inuugali ng̃ayon ng̃ maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.
Ani Rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan ng̃ayon ng̃ mg̃a Frances at mg̃a Ingles, sapagka't anya'y wala nang iba pang magaling na humatol sa mg̃a sigalot ng̃ sambahayan na gaya ng̃ matatanda't mg̃a kamag-anakan nila na lubos nakatatalos ng̃ kanilang pamumuhay.
Ito'y minagaling ni Rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang umpok ang humahatol at sapagka't halal kapua ng̃ nagkakasira ay sapat makabatid ng̃ usap ng̃ ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (ng̃ayon) na humahatol ng̃ usap na di niya talos, at sa mg̃a taong ang kilos, pang̃ung̃ugali at wika ay gayon din. Dito ng̃a, ani Rizal, ay napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin ng̃ayon ng̃ lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano-ano, hangang sa kung minsan ay kailang̃ang magsakdal sa kataastaasang hukuman kung sakaling di nasiyahan sa hatol ng̃ hukom, at ang mg̃a usapin ay nagluluat ng̃ di ano lamang na inaabot tuloy ng̃ mg̃a anak, apo at pinagkakailang̃anang paggugulan ng̃ lubhang maraming salapi ng̃ naapi upang magtaglay ng̃ kaukulang hatol.
Dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na kaugaliang matuid sa mg̃a pang̃anoring malayo-pilipino, dahil sa isinasa isa't isa ang kaukulang matuid.
Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat ng̃ lupain ay may maraming wika, palibhasa't "ang bilang ng̃ pagkakapangkatpangkat, ng̃ wika sa isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan ng̃ katalinuan ng̃ bayánbayán." Ng̃uni't halos lahat ng̃ wika rito, maliban sa wikang ita ay kagyat na wikang malayo, at ayon sa sapantaha ng̃ halos lahat ng̃ mananalaysay ay pawang suplíng ang lahat na ito sa isang matandang wika.
Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may mg̃a aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito. Halimbawa sa aklat ni Padre Concepcion ay may nasasaysay, na "noong unang pumarito ang mg̃a kastila ay nagsipagsama ng̃ isang tagapagpaaninaw (ó interprete) na malayo at nákaunawaan ng̃ mg̃a tagarito." Ayon kay Padre Colin naman ay "may isang taga Kapangpang̃an na nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng̃ kanyang sariling wika at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinang̃anak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya ng̃ isang matanda na kayo'y mg̃a Páhiná 56inapó ng̃ mg̃a nagsialis dito noong unang dako na nang̃amayan sa ibang lupain at di na namin nang̃abalitaan (basahin ang Pinangaling̃an ng̃ Lahing Pilipino). At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patung̃o sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa mg̃a grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin ng̃ pagkakaunawaan ng̃ mg̃a portugés, kastila't italiano sa kanikanyang wika.
Datapua't sa mg̃a wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang mg̃a pinakamalaganap. Ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika sapagka't ang karamihan ng̃ salita ay magkapara at ang kaibahan ng̃ ibang mg̃a salita ay nasa dulo lamang, na pagkain sa tagalog ay un sa bisaya, gaya ng̃ sulatin ay sulatun, kanin ay kanun, patayin ay patayun. At sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog ang siyang lubhang kilala na ani Baron Willam von Humbold ay "siyang pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat ng̃ wikang malayo polinesia", at ani P. Chirino naman ay "ang luhang nakalugod at nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. At siya ko ng̃ang sabi sa unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nálalaman sa wikang tagalog ang mg̃a kainaman ng̃ apat na pinakapang̃ulong wika, dito sa sandaigdigan na dili iba't ang hebreo, griego, latin at kastila: sa hebreo Páhiná 57ay ang mg̃a kababalaghan at mg̃a malalalim na kahulugan; sa griego ay ang mg̃a artikulo at ang dali ng̃ pagbangit ng̃ ano mang ng̃alan, sa latin ay ang kayabung̃a't karikitan; at sa kastila ay ang pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay-loob." Siyang totoó sapagka't ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya ng̃ tanang soloobin at damdaming sumasapuso't isip ng̃ tao. Nariyan ang ating mg̃a awit, dalit, salawikain; ang ating mg̃a padalahan, novena't dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtung̃an; ang ating kundiman at kumintang; ang ating mg̃a palabas-dulaan, mg̃a aklat, mang̃a pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal ng̃ kayamanan ng̃ ting̃ig ng̃ wikang tagalog. Gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya ng̃ wikang árabe, at malinaw nating namamalas sa mg̃a awit, salawikain at babasahin ang gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog ng̃a ay mapuno puno ng̃ayon ng̃ mg̃a korrido ó awit ang ating mg̃a tindahan ng̃ aklat. At sa tulang tagalog ay sumilang ang mg̃a bantog na sina Francisco Baltazar G, Pilapil, at ibp.
Datapua't ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa ting̃ig ay haluan din na gaya ng̃ inglés at iba't ibang wika, palibhasa't galing sa kamalayahan, saka nakapamayanan ng̃ mg̃a tagá iba't ibang lupa: ano pa ng̃a't sa wikang tagalog Páhiná 58(sampú sa ibang mang̃a wika rito) ay may nahahalaw na mang̃a salitang árabe, gaya ng̃ utak, alak, paningkayad, lahi, taksil, libo, lasap, sipat, sulat, luhod, salamat, salawal, hukom, hiya, asawa at ibp; may mang̃a salita ring sanscrito, gaya ng̃ kastuli, halaga, kalapati, kuta, pana, sinta, kasubha, tinga, tumbaga, laksa, yuta at ani Dr. Pardo de Tavera ay lahat ng̃ salitang may kahulugang katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pang̃alan ng̃ mg̃a dios, ng̃ mg̃a tala, ng̃ bilang na may kataasan, ng̃ mg̃a halaman, ng̃ digma sampu ng̃ mg̃a bagaybagay at hanga nito at katapustapusan ay ang mg̃a pang̃alan ng̃ mg̃a titik ng̃ kamahala't pagkamaginoo, ang pang̃alan ng̃ ibang mg̃a hayop, ng̃ mg̃a kasangkapang pangawa at ang pang̃alan ng̃ mg̃a salapi. Ano pa ng̃a't ayon dito'y ating mapagbubulay na doon pa sa Malaya ay hiniram na ng̃ mg̃a tagarito sa mg̃a taga India ang mg̃a salitang iyan at marahil ay noong panahong ang kapangyarihan ng̃ India ay lumalaganap sa kamalayahan na siyang pinagbuhatan ng̃ mg̃a tagarito.
Bukod sa mg̃a salitang hiram sa árabe at sa sanscrito ay may hiram rin sa mg̃a insik, gaya ng̃ susi, impo, chaa, pisaw, tinsem, sotanhon, mike, misua, pansit, bulang-lang, bihon, mangkok, suliaw, at ibang mg̃a salitang kalakal-insik.
Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin ng̃ Páhiná 59mg̃a salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunung̃an, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya ng̃ Dios, Espiritu, Santo, Vírgen, manzanas, sapatos, kabayo, kumpisal, baso, misa, piso, tabako, parè, cura, pamalo, biguela, karwahe, tranvia, mantika, at iba pa.
Sa mg̃a lupaing malaya ay di natin masabing may hiram sapagka't ang mg̃a tagarito ay malaya rin, at ito'y malinaw nating natutunayan sa pagkakahawig ng̃ mg̃a salita sa mg̃a salita ng̃ lahat ng̃ wikang malaya,[13] gaya ng̃ mg̃a wika sa Java, Sasak, Makassar, Bugis, Bouton, Salayer, Tomere, Tomohon, Langowan, Ratahian, Belang, Tamawanko, Kema, Bantek, Menado, Bolang-Itam, Sanguir, Salibabo, Sula, Kaheli, Wayapo, Massaratty, Amblaw, Ternate, Tidore, Kaioa, Batchian, Gani, Sahoc, Galela, Liang, Morella, Batu-merah, Lariki, Saparua, Awaiya, Kamarian, Teluti, Ahtiago, Gah, Wahai, Goram, Matabello, Teor, Ke, Aru, Mysol, Dorey, Teto, Baikeno, Brissi, Sabu, Rotty Allor, Solor, Bajaw, at iba pa.
Basahin ang kay Alfred Russell Wallace na "The Malay Archipielago"
Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa mg̃a mananalaysay, ay pawang marunong bumasa't sumulat ang mg̃a lalaki't babae rito.
Ang hitsura ng̃ sulat ay sulat-maláyo at di umano'y hang̃o sa sulat ng̃ mg̃a taga Arabia.
Ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya ng̃ sa Árabe at ng̃ wikang pahlabi ng̃ mg̃a Persa noong Edad media; ang sa Pangasinan, Ilokano at Bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa Kapangpang̃an ay lálabing isa; ng̃uni't ang paraa't ayos ay magkakaisa, gaya ng̃ makikita sa sumusunod:
Ang mg̃a bokal ay tatatlo lamang na gaya rin ng̃ sa árabe dahil sa ang e at i ay iisa at gayon din ang oat u.
Páhiná 61Ang mg̃a konsonante ay labing apat at kasama na ng̃ bawa't isa ang bokal. Ang bokal namang kasama ay nakikilala ayon sa tudlít na gaya rin ng̃ sa mg̃a árabe. Pagca walang tudlit ay a ang tinig, hlb.
Pagca may tudlít sa itaas ay e ó i ang tiníg, hlb.
Pagca may tudlít sa ibaba ay o ó u ang tiníg, hlb,
Kaya't cung ang isusulat ay bata ay,Páhiná 62 ; kung bató ay ; cung butó, ay ; kung bati ay at iba pa.
Ang ayos ng̃ lahat ay ganito rin.
Ang may tudlit sa itaas ay e ó ú ang tiníg at ang tudlit sa ibaba ay o ó u na gaya rin ng̃ sa Tagalog.
Sa Bulakan at Tundó. Ang sa Bulacan at Tundó ay may caonting caibahan sa Tagalog at itong sumusunod:
Mg̃a bokal:
Mg̃a konsonante:
Ito naman ang sa Kapangpang̃an.
Mg̃a bokal.
Páhiná 63Mg̃a consonante.
Ang sa mg̃a taga Pangasinan ay ito naman. Mg̃a bokal:
Mg̃a konsonante:
Ang sumusunod naman ang sa Ilocano. Mg̃a bokal
Páhiná 64Mg̃a konsonante:
Ito naman ang sa Bisaya.
Mg̃a bokal.
Mg̃a konsonante.
Ang ayos ng̃a ng̃ lahat ay parapara na ang may tudlít sa itaas ay e ó i ang tinig, at ang may tudlít sa ibaba ay o ó u.
Ito ang ayos ng̃ pagsulat ng̃ mg̃a tagarito at sa ganito'y nagcacaunawaan at agad nailalakip Páhiná 65ng̃ bumabasa ang letrang kulang at di umano'y nilalakipan din ng̃ mg̃a tanda na gaya halimbawa ng̃ || na aní Mass ay inaaring m, n, t at ibp.; ano pa't gaya rin ng̃ wicang pahlabi ó pehlebi ng̃ mg̃a persa noon Edad media.
Ang paraan naman ng̃ pagsulat ng̃ tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa mg̃a insik at mg̃a hapón na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa.[14]
Ang karaniwang sulatán ay kawayan ó mg̃a dahon ng̃ halaman na siya ring inugali ng̃ mg̃a taga ibang lupain ng̃ di pa natutuclasan ang paggawa ng̃ papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal ó patpat at di umano'y tinatawag na sipol. Ang mg̃a susulatín naman ay ang canilang mg̃a tula at awit na siya nilang gawî ó kung dili ay ginagamit sa pagtatala ng̃ bilang ng̃ canilang mg̃a hayop at mg̃a kalakal at gayon din sa pagsulat ng̃ liham.
Páhiná 66Ang paraang ito ng̃ pagsulat ng̃ mg̃a tagarito ay agad napawì ng̃ masacop na ng̃ mg̃a castila, at noong taong 1705, ani Padre Totanes, ay totoó ng̃ mahirap macasumpong ng̃ tagaritong nacasusulat ng̃ gayon; ng̃uni't ani Dr. Borrows ay gumagamit pa hangang ng̃ayon ang mg̃a Tagbanua sa Paragua ng̃ gayong pagsulat.
Tungkol dito sa ayos ng̃ pagsulat ng̃ mg̃a tagarito ay pinagkaroonan ng̃ iba't ibang isipan ng̃ mg̃a mananalaysay. Ani Marche ay pahalang, ani Jambaulo na nakikita mandin ng̃ kasulatan dito na malaong panahon bago ipinang̃anak ang Pang̃inoóng Jesu-Kristo ay gaya rin ng̃ sabi ni Chirino na paibabang mula sa itaas, at ang sabi naman nina Colin at Esguerra ay patiwali sa nabangit, dahil sa anila'y paitaas na mula sa ibaba at ang pahalang ay inugali na lamang ng̃ dumating ang mg̃a taga España.
"Ang mg̃a tagarito"; ani P. Chirino. "ay hindi gaya ng̃ mg̃a insic at hapón na mapagsikotsikot sa canilang pagbati, gayon man ay may sariling bait at asal. Lalong lalo na ang mg̃a tagalog na sa salita at sa gawa ay mg̃a magalang at mapagbigay loob. Nagsigaya sa atin (sa kanila na mg̃a kastila) ng̃ pagbati na nag-aalis ng̃ putong na isang toalla ó diadema. Ugali rin na di tumatayo sa harap ng̃ mg̃a taong canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa ng̃ di lubhang sayad na nag-aalis ng̃ takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang balikat saka nakikipag-usap sa nakatataas sa kanila. Ang pag-galang na inuugali sa pagpasok ó sa pagcacasalubong ay ang magpakayukod at iunat ang isa ó dalawang kamay sa mukha: iduop sa mg̃a pisng̃i, at saka maupo ó maghintay kayang tanung̃in ng̃ ibig; inaaring masama ang magsalita, kung hindi tinatanong...."
Sayang at di nasiyasat ni P. Chirino ang dahil ng̃ mg̃a ganitong galaw, na marahil ay may catuturan. Sa India ay may isang bayan na cung magbatian ang mg̃a tao ay tumitigil muna saca, Páhiná 68idinuduop ang camay sa tapat ng̃ pusò (na tahanan ng̃ damdamin), itinutuloy sa noo (na tahanan ng̃ isip) at itinitigil sa bibig (na tahanan ng̃ salita),—na ang ibig sabihin ay bago co salitain ang aking na sa loob ay akin munang iisipin saca co bubukhin sa bibig: at di malayong ang gayong pag-galang ng̃ mg̃a tagarito ay may cahulugan ding gaya naman ng̃ sa mg̃a taga Indiang yaon.
Di ng̃a caila na sa asal nakikintal ang pagcatao ng̃ tanang kinapal,—at ang bayang pilipino,—cung bagá ma't di siyang pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. Marahil ay walang gasinong carunung̃an datapua't paraparang may sacdal na damdamin,—mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap, at ito'y namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa carukharukhaan. Sa caibigan ay idinadamay ang buhay at sa isang pakitang loob ay iginaganti ang yaman.
Sa mg̃a gawain ay gayon din, at ani Morga'y: "ang mg̃a tagarito ay may mabubuting licás sa anomang hipuin, malilicsi't matatalino, bagá man maiinitin."
At sa paghahanap buhay ay di rin maliligtaan nino man ang cay Morgang salaysay na anya'y: "Ang gawa't hanap buhay ng̃ mg̃a tagarito (na babae) ay manahi ng̃ sarisari; gumawa ng̃ saya, humabi ng̃ sinulid, at mag-ayos ng̃ bahay ng̃ canicanyang asawa't magulang, magbayó ng̃ palay Páhiná 69na bibigasin, at maghanda ng̃ bala na, mag-alaga ng̃ manoc at baboy at mang̃asiwa ng̃ bala na sa bahay, samantalang ang mg̃a lalaki naman, ay siyang sa pagbubukid, sa palaisdaan, sa pagdadagat at pang̃ang̃aso." Ano pa't dito sa licás ng̃ canilang pamumuhay ay malinaw na natatanghal ang matuid na gampaning isinatao ng̃ Maycapal, na ang magaang gawa ay sa babae sapagca't mahina at ang mabigat ay sa lalaki sapagca't malacas.
Sa acalá co, sa hangang dito ay sapat ng̃ makilala ang asal ng̃ tagarito sa canilang kilos at galaw, ng̃uni't hindi lamang ito. Sa wica man ay namamalas rin ang asal, palibhasa't siyang calulua ng̃ bayan: at sa wicang tagalog hangang ng̃ayo'y nababacas pa sa mg̃a batian ang tawag na Ale, mang ó mama (amain) Ginoó at iba pa na nagpapakilala ng̃ pagcamagalang; at gayon din ang tawag na ka gaya ng̃ ka Maneng ka Biang at iba pa na nagpapakilala ng̃ pagcacapatiran.
Sa catagang sabi ng̃a ay di asal gubat na gaya ng̃ sabi ng̃ ibang mananalaysay, cungdi isang ugaling mahal na tangkilikin ng̃ alin mang lupaing may inimpoc na bait.
Ang pagkakalakalan dito na noon pang una'y laganap na bago natuklasan ito ng̃ mg̃a taga Europa ay isa sa mg̃a pinakamahalagang bahagi ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas.
Kapagkaraka ng̃a, di umano, ay may mg̃a sadya ng̃ pamiliha't tiyangihan ang mg̃a bayan-bayan at balabalang̃ay, lalong lalo na rito sa Kalusonan at Kabisayaan, ang mg̃a karaniwang kalakal ay bigás, palay, isda, kayo, almas, mg̃a bung̃a ng̃ kahoy, hiyas at iba't iba pang mg̃a kakainin kasangkapan at mg̃a kagamitan sa lupaing ito.
Ng̃uni't bukod sa mg̃a pagkakalakalang ito ng̃ mg̃a tagarito ay may pakikipagkalakalan rin sa mg̃a kalapit lupain, lalong lalo na sa mg̃a taga Malaya na nagsisidayo rito: kaya't ng̃ dumating rito sina Legaspi ay may isang sasakyan ng̃ mg̃a morong malayo na totoo nilang nakalaban sa pulo ng̃ Bohol, at anáng mg̃a nabihag (na mg̃a morong malayo) ay pang̃ang̃alakal ang kanilang ipinarito. At sa Cebu man ay may nakatagpo rin ang mg̃a kastila na sasakyang mula sa Siam na doo'y nakikipagkalakalan.
Páhiná 71Sa China at Hapón ay di mapag-aalinlang̃an na ang mg̃a tagarito ay may pakikipagkalakalan kapagkaraka dahil sa mg̃a kasangkapang insik na dito'y nang̃asumpung̃an noong una, saka maraming katunayan na sa atin ay nagpapatotoo, gaya ng̃ sulat ni Legaspi kay Felipe II sa España, na anya'y: "Sa dako pa roon niring aming kinatitigilan ay may malalaking pulò na pinang̃ang̃anlang Luzón, at Vindoro; na pinaparoonan taon-taon ng̃ mg̃a insic at mg̃a hapón, upáng mang̃alakal. Ang kanilang dala'y seda, lana, porselana, pabang̃o, tansò, lata, mg̃a kàyong babarahin na may culay at iba pa. Sa pagbalic ay nagsisipag-uwi sila ng̃ gintô at pagkit. Ang mg̃a tao sa dalawang pulong ito ay mg̃a moro at pagcabili ng̃ mg̃a calacal ng̃ mg̃a insic at mg̃a hapón ay kinacalacal naman sa iba't ibang pulò.
"Gayon din ang isang aklat ng̃ mg̃a insic tungcol sa pagcacalacalan na sinulat ni Chau-lu-cua ó Chan Ju-cua na sa pagbangit ng̃ tungcol sa mg̃a lupaing ito ay sinaysay na:
"Pagca ang mg̃a sasacyan ng̃ mang̃ang̃alacal (na insic) ay dumarating sa doong̃ang ito (dito sa Pilipinas) ay dumodoong sa isang dacong lual ... na inaaring tiangihan, at doon nang̃ang̃alacal ng̃ mg̃a calacal ng̃ lupain. Pagcadoong ng̃ sasacyan ay inaalayan ng̃ capitan ang mg̃a mandarin ng̃ mg̃a puting payong. Ito naman ay ginaganti ng̃ mg̃a mang̃ang̃alacal upang Páhiná 72sila'y pagpakitaan ng̃ mabuting-loob ng̃ ginoong ito. Ang mg̃a calacal ng̃ lupaing ay pagkit na dilaw, sinulid, perlas, susô, (ó sigay marahil), mg̃a bung̃a ng̃ cahoy at cáyong yuta (na marahil ay sinamay ó huse ó pinya), ang calacal ng̃ mg̃a insic ay porcelana, ginto, tinga mg̃a basong sarisaring culay, cawaling bacal at mg̃a carayom."
Ang paraan naman di umano, ng̃ pang̃ang̃alacal ng̃ mg̃a insic dito, anáng ibang mg̃a mananalaysay ay tinatambol ang canilang gongs pagdating upáng malaman ng̃ mg̃a tagarito na may sasacyan ng̃ calacal na dumating at agad naman sumasalubong ang mg̃a tagarito na sumasacay sa canilang mg̃a munting bangca.
Bucod sa nang̃abangit na lupaing ay nang̃alacal rin dito marahil ang mg̃a taga iba't ibang lupain sa Asia, sapagca't noong siglong ica labing pito, ani P. Delgado, ay nakikipagcalacalan rito ang mg̃a taga Malabar, taga Koromandel, taga Bengala, taga Kambodhe, at marami pa.
Balican co uli ang mg̃a calacal ay di dapat ligtaan ang calacal na alipin na di umano'y dito napagkikilala ang yaman ng̃ mg̃a tagarito na gaya rin marahil noong panahon nina Abrabam, na ang may pinacamaraming alipin ay siyang pinacamayaman. Ang pinacamalaking pamilihan sa calacal na ito ayon sa mg̃a casaysayan ay sa Butuan, (Mindanaw,) na doon nagdadalá ang mg̃a Páhiná 73tagá Borneo, at taga iba't ibang lupaing calapit upang magbilí, hangang sa nagcamurang totoo, na noong 1573 ay ipinagbili rito sa Maynila, ng̃ anim na piso't cahati lamang ang isá. At maraming sasacyan dito sa Luzón, anáng isang mananalaysay, ay dumadayo sa Butuan, upáng mamili, sapagca't bucod ng̃a sa mg̃a bihag ng̃ mg̃a moro roon na ipinagbibili ay nagbibili rin, di umano, pati mg̃a insic at hapón ng̃ mg̃a galing namán sa canicanilang lupain.
Gayon din ang calacal na sigay na isa sa mg̃a calacal na dinadayo rito ng̃ mg̃a taga Siam, taga Kambodhe at mg̃a taga iba pang lupain dahil sa siyang pinacasalapi sa canicanilang lupain.
Bagay naman sa mg̃a mahalagang bató rito na ang iba'y kinacalacal ng̃ mg̃a tagarito ay di co na bangitin dahil sa nang̃ang̃ailang̃an ng̃ totoong mahabang salaysay sa cayamanan ng̃ lupaing ito sa mg̃a mahalagang bató.
Tungcol sa pagbabayaran ay hindi gumagamit ng̃ salapi, cung di gintong durog ang itinitimbang na totoong macapal sa lupaing ito anang mg̃a mananalaysay. Ang pang̃alan ng̃ mg̃a panimbang, ani Dr. Pardo de Tavera, ay pang̃alang insic gaya ng̃ tael ó tae na nababahagi ng̃ dalawang tinga at isang tinga ay may isang sapaha at isang sapaha ay pitong sema at ang caliitliitan, di umano, ay ang sangasahe; ng̃uni't sa pagtimbang ng̃ mg̃a calacal ay gumagamit ng̃ pikul. Páhiná 74At sa pagsucat ay dangcal, sico at dipa ang inuugali. Sinasapantaha rin ni Dr P. de Tavera na dito'y nagcaroon ng̃ mg̃a salaping galing sa India, dahil sa tawag na salapi na pang̃alan ng̃ salapi sa India.
Ang mg̃a tagarito ay gaya rin ng̃ hapón at ibp. na nagkaroon ng̃ kanilang mg̃a sasakyan-tubig na ayon sa kanilang katha. Kung paano at saan nila pinag-aralang gawin ay di natin batid, bagá man sa akala ko'y sa kamalayahan Ang mg̃a sasakyang ito ay siya nilang ginamit sa pamamalakaya ng̃ isda sa pagtawid-tawid at pagkakalakalan at gayon din sa pakikidigma.
Tungkol sa mg̃a sasakyang ito, ani Morga, ay sarisaring hitsura. Ang iba'y mg̃a bankáng lulanán ng̃ kanilang mg̃a kalakal na mg̃a isinasadsad cung gabi sa mg̃a pasigan at baybayin, at ang iba sa mg̃a ito ay malakílalakí na iisahing layag at taganás na tablang pinapagduopduop. Ang mg̃a ito ang canilang ginagamit sa mg̃a ilog at bangbang na nang̃aloloob sa lupain. Nagsisigamit din ng̃ mg̃a balang̃ay na malalaking sasacyan at matutuling patacbuhin magíng sa unahan at magíng sa hulihan at nacapaglululan ng̃ maraming mangagaod sa magcabicabilang panig at napatutulin ng̃ tulong ng̃ saguan, pangaod at tikin habang tinitimbang̃an Páhiná 76ng̃ iba sa magcabilang panig na tuloy tinutugmaan nilang lahat ng̃ mg̃a awit[15] na siya nilang pinagcacaunawaan cung patatacbuhin ng̃ matulin ó ng̃ marahan. Sa ibabaw nito ay may isang lapag na nacatatakip sa mg̃a mangagaod. Ang lapag na ito ay matibay na nalalacaran ng̃ mg̃a taong pangdigma at nilululanan ng̃ ayon sa caya ng̃ sasacyan. Sa lapag na ito naglalagay ng̃ layag na pinapagtitibay sa dalawang cahoy ó cung may calac-han ang sasacyan ay pinapagtatatlo ang cahoy ó cawayan at ang namamahala naman sa tung̃o ng̃ takbo ng̃ sasakyan ay sa hulihan lumalagay. Bukod dito'y may hinubugang balangkas na may atip na pawid at siyang ginagamit na pinakakarang kung umuulan ó sumisikat ang araw: anó pa,t, pawang nasisilong ang tanáng lulan. Ang magkabilang panig ng̃ sasakyan ay may katig na malalaking kawayan na duopduop na baga ma,t, sumasayad sa tubig ay dí nakababagal sa takbo at ito'y siyang tumitimbang na mabuti sa sasakyan at nakahahadlang tuloy sa pagkataob kung sakaling napúpunô ng̃ tubig. Ngunit may lalo páng malalaki na nakapaglululan ng̃ isang daang mangagod sa bawa't Páhiná 77panig at sa ibabaw ay tatlong pung sundalong pandigma.[16]
Sa mg̃a tagarito naman, dí umano, ay maraming marunong tumabas at gumawa ng̃ mg̃a sasakyang-tubig, na lalong lalo na sa Katanduanes na aní Morga ay magagaling na mangagawa ang mg̃a tagaroon na nang̃akagágawa ng̃ malalaki,t matutulin na ipinagbibili nila sa mg̃a kalapit pulo. At saká dí umano'y nang̃akagágawa rin ng̃ mg̃a huegong sasampuin at lalabing dalawahin na pinapagsususonsuson at pawang buong puno na pinag-ukáan lamang saka pinapahiran ng̃ alkitran.
Ani Colin ay mg̃a awit na kanilang isinasaulo at itinutugma na kanilang paggaod sa mg̃a sasakyan, at binabangit sa kanilang mg̃a pistaha't sayawan at sa lahat ng̃ gawaing pinagtutulung̃an. Ang binabangit, di umano, sa mg̃a pag-awit ay ang mg̃a kagilagilalás na pamumuhay ng̃ kanilang mg̃a Dios.
Ang mg̃a tagarito, ani Rizal, na di lubhang alang̃an sa mg̃a taga Marianas tungkol sa pagdadagat ay dí lamang dí nasulong, kungdí naurong pa sa katalinuang ito, at kung baga man anya't ng̃ayo'y nakagágawà rito, ng̃ mg̃a sasakyang-tubig ay halos pawang kaanyo na ng̃ sa mg̃a taga Europa. At yaong mg̃a sasakyang nakapaglululan ng̃ isang daang mangagaod at tatlong pung sundalong pandigma ay naparam na; at ang mg̃a lupaing ito na noong unang dako ay nakagágawa ng̃ mg̃a sasakyang halos 2000 tonelada ay nang̃ang̃ailang̃an na ng̃ayong sa mg̃a kalapit lupain magpagawa na gaya sa Hong-Kong upáng doon ibigay ang salaping kinukuha rito sa mg̃a mahirap.
Ang mg̃a almás na ginagamit ng̃ mg̃a tagarito, anáng mg̃a unang nakakita ay pana't bosóg, sibat, sungdang, sandata ó kris, talibong, kampilan, baluti na sung̃ay ng̃ kalabaw na di umano'y sa Siam nangagaling at iba't iba pa na hangang ng̃ayo'y ginagamit ng̃ mg̃a moro at ng̃ mg̃a taong gubat. Nagsisigamit din ng̃ sarisaring kalasag at ng̃ mg̃a damit na cuero at iba pa na sa labanan ay makasasangalang sa kanilang katawan.
Bukod dito'y nagsigamit ng̃ almás na nakapagpapahilagpos ng̃ maraming sibat, ng̃ mg̃a lantaka ó mg̃a munting kanyón: kaya ng̃ dumating rito di umano, ang mg̃a kastila ay nang̃akasumpong dito sa Maynila, Kainta, Taytay at Lubang ng̃ mg̃a kuta na may mg̃a lantaka ó munting kanyon.
At dito sa Maynila, anáng ibang mg̃a mananalaysay ay nagkaroon ng̃ pagawaan ng̃ kanyón at ng̃ pabubuan ng̃ pulburá, na di umano'y wari nasa pang̃ang̃asiwa ng̃ isang portugés at ng̃ isang tagarito na nagng̃ang̃alang Panday Pira.
Páhiná 79Sa Kabisayaan ay wari gumamit din ng̃ mg̃a almás na ito, dahil sa isang sulat ni Legaspi sa hari tungkol sa mg̃a morong natuklasan sa Panay, na anya'y: "Itong mg̃a huli ay may mg̃a artillería (ó pagawaan at pabubuan ng̃ kanyón, baril at pulburá) na sila rin ang bumububô at gumágawa pati ng̃ mg̃a pulburá at ng̃ iba't ibang almás" saka niya sinundang "Ipinadadala ko po sa iyo iring dalawang almás na tanso na yari ng̃ mg̃a moro sa lupaing ito upáng paniwalaan po ng̃ iyong kamahalan ang katalinuan nila sa paggawa at pagbububô ng̃ mg̃a canyón."
Ani J.P. Sanger at ng̃ mg̃a kilalang mananalaysay ng̃ayon ay sa mg̃a insic at mg̃a moro marahil nang̃atuto nito.
Lahat ng̃ lupain ay may canicanyang caugalian sa pag-aasawa, at ang Pilipinas, palibhasa'y isang lupain, ay may sarili ring caugalian tungcol sa bagay na ito.
Sang-ayon sa ugaling ito cung nag-aasawa ang sinoman ay pinagsisicapan na ang maging asawa ay caangcan at cabalang̃ay, maliban sa lubhang malapit na camag-anac na ibinabawal.
Ang sino man ay hindi nacapag aasawa ng̃ hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinang̃ang̃anlang sandil; datapwa't, sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali ng̃ iba ang asal ng̃ camorohan na nag-aasawa ng̃ dalawa ó tatlo, bucod pa sa mg̃a kinacasama.
Sa pag-aasawa naman ay kinauugalian na ang maginoo ay sa kapwa maginoo, ang timawa ay sa kapwa timawa at ang alipin ay sa kapwa alipin; ng̃uni't naghahalo-halo rin kung minsan, ano pa't mabuti (ani Rizal) kay sa dating ugali sa Roma at sa ibang lupain sa Kanluran ó Europa na ang may mababang uri ay hindi na Páhiná 81naaaring makapag-asawa ó makalakip sa may mahal na uri.
Bago ipagdiwan ang pag-aasawa ay pinagkakayarian muna ang ipagkakaloob na bigay-kaya (dote) na sa Bisaya ay bugey.
Ang nagbibigay ng̃ bigay-kaya[17] ó bugey ay ang lalaki,[18] na hindi gaya sa Europa na babae ang nanunungkol nito[19].
Páhiná 82Pagkatapos na pagkayarian ang bigay-kaya ó bugey ay ipinagdidiwan ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan ng̃ magaasawa.
Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo ng̃ mg̃a maharlika ó timawa upang siyang lumakad ng̃ pag-aasawa niya. Bago yumaon ang mg̃a ito ay nagdadala ng̃ isang sibat, sibat ng̃ maginoong mag-aasawa, at pagdating sa bahay ng̃ magulang ng̃ kakaisahing-dibdib, ay isinasaksak ang sibat sa hagdanan na nilalakipan ng̃ pagdalang̃in sa kanilang mg̃a diyos at mg̃a kanunuan upang sila'y kaling̃ai't pagpalain sa kanilang pakay. Pagkatapos ng̃ pagkakasunduan ay ginaganap ang pagkakaloob ng̃ bigay-kaya na ang karaniwang halaga ay isang daang putol na ginto na maaaring palitan ng̃ mg̃a alipin ó mg̃a hiyas. Kung magkagayo'y sumasama ang babae sa pagparoon sa bahay ng̃ kanyang bibiyanin na pasan ng̃ isang lalaki at pagdating sa hagdanan ng̃ bahay ng̃ magiging asawa, ay nagpapakunwari munang ayaw pumanhik, at sa ganito'y sinasalubong ng̃ biyanan at pinang̃ang̃akuan na pagkakalooban ng̃ isang alipin; kung makapanhik na, ay nagpapakunwa uli ng̃ hindi pagtuloy agad, hangang sa di muna pang̃akuan ng̃ panibago, at gayon din sa pagpapakain at pagpapainom. Pagkatapos ng̃ mg̃a pagpapakunwang ito at pag nagkatabi na ang Páhiná 83lalaki at ang babae, ay tumatayo ang isang matanda at sumisigaw na tumahimik ang lahat, saka sinasabing: Si Gat Maitan ay nakikipag-isang-dibdib kay Dayang Matî; ng̃uni't kung kanyang pababayaan at hindi niya kakaling̃ain, ay iiwan siya at di sasauli sa kanya ang "bigay-kaya", at si Dayang Matî ay mag-aasawa sa iba. Datapwa't kung si Dayang Matî naman ay masamang asal ay babawiin sa kanya ni Gat Maitan ang "bigay-kaya", iiwan siya at mag-aasawa sa ibang babae, saka pinasasaksihan sa mg̃a kaharap. Pagcatapos nito ay kumukuha ng̃ isang pingang kanin, lumalapit ang isang matandang babae at hinahawakan ang mg̃a kamay ng̃ mg̃a nag-iisang dibdib, na idinuduop muna sa tapat ng̃ puso saka pinapagkakamay at kung magkayo'y tinatagnan ang pingan ng̃ kanin at isinasabog sa lahat, saka sumisigaw ng̃ malakas ang matandang babae na tinutugon naman ng̃ gayon din ng̃ mg̃a kaharap at sa ganito'y mag-asawa na ang lalaki't babae.
Ang timawa cung mag-aasawa sa capwa timawa ay di na nagdidiwan ng̃ ganito, cundi pinaglalapit lamang, pinapagsasalo ng̃ pang̃inoon sa isang lumbó, saca sumisigaw ang matandang babae at mag-asawa na.
At ang mg̃a alipin (sagigilir, marahil), palibhasa'y nang̃amamang̃inoon ay di na nagdidiwan ng̃ ano pa man, cundi sucat na lamang sa pagcacasunduan ay mag-asawa na.
Páhiná 84Sa Bisaya naman at gayon din sa ibang lalawigan ng̃ catagalugan ay may ibang ugali. Mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo ng̃ magulang ang canyang anac, at sa ganito'y ipinagpapauna ang calahati ng̃ bigay-kaya ó bugey na ipagcacaloob na ang tawag sa Bisaya ay kalabgayan. Datapwa't cung ang sino man sa magulang ng̃ lalaki ó babae ay magkulang tungcol sa usapan ay pinarurusahan ng̃ ayon sa utos at gayon din cung sacaling umayaw ang sino man sa mg̃a bata, dahil sa pagsapantahang ang magulan ang nag-udyoc ó humicayat. Ng̃uni't cung ang magulang ay patay na, ay nagsasaulian lamang ng̃ ipinagpauna at di na naguusapin.
Inuugali rin ang sa paglilingcod ó sa pa ninilbihan na sa Bisaya'y tinatawag na pangagar, na ang lalaki ay naglilingcod sa magulang ng̃ babae hangang sa gayong panahon, at ang cadahilanan ng̃ ganitong paglilingcod ay upang mataroc ang ugali't asal ng̃ lalaki cung mácacasundo, na siyang dating caugalian ng̃ mg̃a Hebreo ó mg̃a taga Israel: caya't si Jacob ay naglingcod muna sa canyang biyanang cay Laban bago naging-asawa si Rakel.
Pagdating ng̃ tadhanang panahon ó matapos cayang maibigay ang caganapang bigay-kaya na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa Bisaya ay ligay ó dahik, ay ipinagdidiwan ang pagcacasal ó pag-aasawa sa ipinaghahanda pa't pinaggugugulan Páhiná 85ng̃ lalaki, ayon sa canyang caya't calagayan.
Datapua't bucod sa bigay-kaya ó bugey, na cabuoan ng̃ kalabgayan at ng̃ ligay ó dahik, ay tungculin ng̃ lalaki na magcaloob nitong mg̃a sumusunod, na lahat ay pawang may canicanyang tawag ó pang̃alan: ang caloob na ibinibigay sa pagpanhic sa bahay ng̃ biyanan ay pinang̃ang̃anlang pasaka; ang ipinagcacaloob ng̃ lalaki upang maca upong casiping ng̃ cacaisahing-dibdib ay patupar; ang ipinagcacaloob sa biyanang babae dahil sa mg̃a puyat na dinanas at sa gatas na naipasuso sa panahon ng̃ pag-aalaga, ay himaraw ó himuraw at sa tagalog ay panghimuyat (galing sa salitang pagpupuyat) at di umano'y ang karaniwang ipinagkakaloob ay halagang walong piso; ang ipinagkakaloob sa bumilang ng̃ kalabgayan ó ipinagpauna ng̃ bigay-kaya ay binarian at ito'y binibilang sa tugtog ng̃ kampanang ginagamit at di tinitigilan ang tugtog hangang di matapos ang pagkakasal; ang ipinagkakaloob sa lumakad ng̃ pag-aasawa ay himukaw; kung bao ang babae, ay pinagkakalooban din ang kapatid ng̃ kinabauhan at pinang̃ang̃anlan himalo ang kaloob na ito; ang ipinagkakaloob sa mg̃a alipin ng̃ biyanan ay pankol; ang ipinagkakaloob sa natigatig sa bagay bagay ng̃ pag-aasawa ay pahinankol; ang ipinagkakaloob upang maisama ang babae sa bahay ng̃ lalaki ay padara ó patabuk Páhiná 86kung sakaling itatawid pa ng ilog ang ipinagkakaloob, upang mahugasan ang mg̃a paa ng̃ babae pagdating sa bahay ay pamaú; at ang ipinagkakaloob sa pag-aalis ng̃ panyo sa ulo ay patakas. Ito'y sa Bisaya ng̃uni't sa Tagalog man di umano ay ganito rin.
Kung sakaling malaki ang bigay-kayang ipinagkaloob ng̃ lalaki ay pinagkakalooban naman ng̃ biyanang kaniya ang anak ng̃ tinatawag na pasunod, na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong bigay-kayang ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa mg̃a dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa mg̃a nagsidalo, dahil sa ang mg̃a yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.
Sa pagdiriwang ng̃a pagkakasal ó pag-aasawa ay humaharap ang katalona ó babaylona na isang matandang babae na siyang tagapang̃asiwa sa mg̃a ganitong bagay. Ang lalaki't babae ay nauupo sa dakong kinauukulan nilang upan ó kung dili ay sa kandugan ng̃ isang matandang babaeng kamag-anak na siyang pinaká-iniina. Pinapagsasalo nito ng̃ pagkain ang lalaki't babae sa isang pingan at sa pag-inom sa isang lumbo, at pagkakai't pagkainom ay hinihiling ng̃ lalaki na maging asawa niya ang kanyang kaharap at pagpapaoo ng̃ babae ay pinagpupurihanan ng̃ Páhiná 87mg̃a kaharap na saksi sa pagdiriwang yaon, saka binabasbasan ng̃ tagapang̃asiwa at tuloy binabati na sila nawa'y guminhawang lubos, magkaanak, magkalupain at magtaglay ng̃ mahabang pamumuhay. Kung magkagayo,y sumasayaw na sinisibat ang isang baboy na handa na kapagkaraka at dito natatapos ang pagkakasal, saka naman ipinagdidiwan ng̃ mg̃a inanyayahan na pinupuri ang bagong kasal na nang̃agsasayaha't nang̃aglalasing̃an. Ang pagdiriwang ito ay hangang sa paglubog ng̃ araw at ang iba'y tumatagal ng̃ ilang araw ayon sa kalagaya't katungkulan ng̃ ikinakasal.
Kung sakaling di nagkasundo ang lalaki't babae ay nagdadaos ng̃ panibago at muling naghaharap ng̃ isang baboy, na sa harap noo'y sumasayaw ang lalaki na may hawak na isang sibat, at habang sinisibat ang baboy ay nakikipanayam sa kanyang diwata ó dios at hinihiling na papagkaisahing lubos ang kanilang kalooban at sa gayo'y inaasahang ang lalaki't babae ay magkakasunod at mabubuhay na payapa.
Kung ang mag-asawa naman, sa kanilang pagsasama ay hindi magkaanak, ay tinutulutan ng̃ babae na lumakip ang lalaki sa kanilang aliping babae na dati ring kaugalian ng̃ mg̃a Hebreo at ito't ating natutunghan sa Banal na Kasulatan na tinulutan ni Rakel si Jakob na lumakip Páhiná 88sa kanyang aliping kay Bala, dahil sa siya'y hindi mag-kaanak.
Tungkol sa mg̃a anak, ay ang anak lamang sa asawa ang kinikilalang anak sa kautusan at ang sa sandil ó babae ay hindi.
Kung nagkakaalit, ang mag-asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa mg̃a ganitong sigalot ay ang mg̃a kamag-anakan nila't ang mg̃a matatanda at ito, ani Rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan ng̃ mg̃a inglés at ng̃ mg̃a frances tungkol sa paghihiwalay ng̃ mag-asawa, sapagka't sa mg̃a ganitong sigalot ng̃ mg̃a kabahay ay makapupong mabuting humatol ang mg̃a kamag-anaka't matatanda kay sa sino mang pantas at hukom, magpakadunong dunong man. Basahin ang Kaugalian Pinanununtunan sa kapaslag̃an at Sigalutan.
Ang bigay-kayang ito, ay sinapantaha ng̃ mg̃a manunulat na pagbili sa babae; ng̃uni't sa akala ko ay dahil sa di nila pagkabatid ng̃ kahulugan ng̃ salitang ito na dili iba't kaloob ó handog na ayon sa abot ng̃ nagdudulot at hindi bayad: kaya't kay Rizal, ang asawang tagalog ay hindi babaeng insik ó aliping mahometana na nabibili sa magulang ó sa bazar upang pagtamuhang lugod ng̃ asawa ó pang̃inoon; at hindi rin babaeng taga Europa na sa pag-aasawa ay nawawala ang pang̃alan, (kundi ang asawang tagalog ay malaya at pinakukundang̃anan, siyang sinasangunian ng̃ lalaki sa ibang gagawin; siya ring tagapag-ing̃at ng̃ salapi at siyang nang̃ang̃asiwa sa mg̃a anak na ang kalahati ay kanya ano pa ng̃a't ang bigay kayang ito ay hindi bayad, (ani Rizal) kungdi isang alaala sa pagod at puyat na ginugol ng̃ magulang sa pagpapalaki sa kanya.
Lalong mabuti, ani Rizal, na lalaki ang manungkol ng̃ pagkakaloob ng̃ bigay-kaya kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa Europa, kung magkaasawa ang lalaki ng̃ mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na.
Matwid, ani Rizal, na ang babae ang pagkalooban ng̃ bigay-kaya (dote), sapagka't ang babaeng pilipina ay hindi isang pasan maging sa asawa at maging sa magulang, kundi tulong, at sa ganito'y kailang̃ang alalahanin ng̃ ano mang kayang kaloob ang kanyang nilisang magulang sa pagkahiwalay niya. At ang gayon pa mang magulang na ng̃ babae ang tumatangap ng̃ bigay-kaya at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa Europa na wari ipinagmamadalian ng̃ magulang na ihiwalay ang anak na dalaga hangang sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.
Bukod dito, ani Rizal din, kung nag-aasawa ang lalaki ay hindi nagtataglay ng̃ mabigat na pasan sa pag-aasawa, kundi bagkus nakakasumpong ng̃ kasama't katulong sa pag-aayos ng̃ kanyang pamumuhay kaya't ang babaeng pilipina ay hindi namamalakaya ng̃ asawa, kundi pumipili ng̃ kanyang ibig.
Ang dating ugali ng̃ mg̃a Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi lubhang kaibá kay sa dating ugali ng̃ iba't ibang lahi at lupain.
Kun ang sino man ay may-sakít at naghi-hing̃alo ay nagdáraos ng̃ kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang katolona ó katalona ó babaylana. Ang katolona ay siyang pinaka paré ó pinaka pastor na tagapang̃asiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin. At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo ng̃ inikid na bulaclác, nagsusuót ng̃ canyang mg̃a hiyás, nagdadalá ng̃ canyang mg̃a gamit na casangcapang lalagyán ng̃ alác at canin at sa harap ng̃ isang baboy na buháy at nang mg̃a pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalang̃in sa anito ó diwata na kanilang pinapang̃inoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi. Habang ginanagawa Páhiná 90itó ng̃ katolona ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog ng̃ isang campana saca humahawac ng̃ isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka alta ó dambana na casabay ng̃ canin, saging, alác, at iba pang pagcain. Kung matapos ang mg̃a pagdalang̃in ito at ang maging hula ay gagaling ang may-sakit, sila'y nang̃agsasaya't at nagkakainan, naglalasing̃an at tulo'y inaawit ang mg̃a pagca bantog ng̃ mg̃a kanunuan ng̃ may-sakit, na siyang mg̃a anito ó duratang canilang dinadalang̃inan; ng̃uni't kun ang naging hula ay mamamatay, inaaliw ng̃ katolona ang may-sakít sampu ng̃ mg̃a pinagcacasactan, at sinasabing ibig ng̃ mg̃a anito na ang may-sakít ay macasama nila at mácabilang. Sa ganito ay maginhawang namamatay, ang may-sakít, sanhi sa paniniwalang siya'y luluwalhati, sa cabilang buhay[20] at gayon din ang mg̃a cabahay na sa pananalig na ang may-sakít ay luluwalhati, hindi na nang̃agtataglay ng̃ samá ng̃ loob, kundi ang pagbibilin na cung siya'y mapasa caginhawahan sa cabilang buhay ay alalahanin sila at huag limutin, tuloy nagagsasaya, Páhiná 91nagcacaina't nag-aawitan. Sa casayaha't pagcacainang ito, ang katolona ang cumacain ng̃ pinacamabuting lamán ng̃ baboy at ng̃ iba pang mg̃a hayin[21]. Datapwa't kun ang pagsasayang ito ay abutin ng̃ pagcalagot ng̃ hininga ng̃ may-sakít ay agad itinigil ang pagsasayá at ang nahahalili ay ang panaghuyan ng̃ mg̃a cabahay dahil sa pagcalisan sa canila at ang ibang nakikinabang sa namatay dahil sa mawawaláng sila ng̃ pagcacakitaán at di umano'y bumabayad pa ng̃ ibang mg̃a tagapanaghoy.[22]
Pagkatapos na mataghuyan ay hinuhugasan[23] ang bangkay sa tugma ng̃ isang mapanglaw na tugtugin na sinusuob ng̃ mg̃a panuob na dagta ng̃ mg̃a kahoy na di makapagpapabulok[24] at ang mg̃a ito'y nangatutuklasan sa mg̃a bundukin dito sa Pilipinas, saka binibihisan ng̃ mg̃a pinakamainam na bihis, ayon sa kalagayan ng̃ namatay na tuloy sinapatan. Ang mg̃a may kapangyarihan Páhiná 92ay pinapabang̃uhan[25] bukod pa sa sinusuob at ginágamot[26] ng̃ mg̃a gamot na di makapagpapabulok na pinakatatang̃i ang katás ng̃ aloe. Ginagamit din ang katás ng̃ ikmo na ibinubuhos sa bibig anopa't, mapasok hangang sa tiyan, at sa ganito, ng̃ makaraan ang malaong panahon ay maraming bangkay ang násumpung̃ang di pa bulok ó tunaw.
Matapos mapanang̃isan at malapatan ng̃ gamot na laban sa pagkatunaw ay isinisilid sa kabaong, datapwa't bago isilid ay ginagayakan at nilalagyan ng̃ mg̃a putól-putól na gintô sa bibig at sa mg̃a mata[27]. Ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa't, di masisimuyan ng̃ hang̃in ang loob, at ang tabas at anyô ay parang munting bangka.
Pagkatapos ng̃ lahat na ito ay inililibing at sa paglilibing ay walang ano mang paghahatiran ó kung sakali ma'y ang mg̃a kasambahay lamang Páhiná 93ang nagsisisama; ng̃uni't ani Colin, ay may mg̃a tagapanaghoy na nagsisipanang̃is.
Tungkol dito sa paglilibing ay iba ang sa mg̃a taga Bisaya at iba ang sa mg̃a taga Hulo at Mindanaw.
Ang mg̃a Tagalog ay naglilibing ng̃ kanilang bangkay sa kanikanyang sariling bahay, na iniing̃atang malaon sa mg̃a kaban ang mg̃a buto[28] at iginagalang ang mg̃a bung̃o[29] na parang buhay at kaharap.
Ang mg̃a kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at pasya ng̃ namatay: sa itaas ng̃ bahay na kasama ng̃ mg̃a hiyas[30] ó sa ibaba kaya sa lapag ó kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay na di tabon at nababakuran, saka sinisiping̃an ng̃ isang baul na punô Páhiná 94ng̃ mg̃a pinakamaiging damit ng̃ namatay at tuloy hinahainan ng̃ sarisaring pagkain sa oras oras. Ang mg̃a lalaki ay sinisiping̃an ng̃ kanilang mg̃a kasakbatan at ang mg̃a babae ay ng̃ kanilang kasangkapang pangawa.
Kung minsan ay inilalayo sa bahay at kung gayon ay nagsisiga sa silong at tuloy tinatanuran ang bahay dahil sa baka magbalik at kunin ang iba pang nang̃atitira, ng̃uni't ani Delgado ay dahil sa nilalapitan ng̃ asuwang ó ng̃ ibang hayop at sinisira ang kabaong hangang sa umaling̃asaw at di tuloy maing̃atan.
Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang ng̃ isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay tibaw at sa bahay ng̃ namatayan idinaraos[31]. Sa pagdiriwan Páhiná 95ng̃ kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan ng̃ bahay ng̃ isang pasóng tubig upang mapaghugasan, ng̃ isang banig na may abo upang mabakas ang mg̃a paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan ng̃ pinakapang̃ulong upuan ang namatay saka nagkakaina't naglalasing̃an na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagaling̃an ng̃ namatay, kung siya'y naging magaling na mang̃ang̃aso ó mamamalakaya ó sa ibang bagay kaya.
Ang mg̃a taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa mg̃a yung̃ib[32] ng̃ mg̃a bundok at ang tabi ng̃ libing̃an ay hinahainan ng̃ mg̃a pagkain at sinisiping̃an ng̃ kaban ng̃ damit at kung lalaki ay sinisiping̃an ng̃ mg̃a kasakbatang ginagamit nila gaya ng̃ sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan ng̃ mg̃a kambing baboy usa at ibp. at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan ng̃ aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang mg̃a kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan ng̃ mg̃a mangagaod at mg̃a alipin[33] na Páhiná 96kanyang makakatulong at ang tawag dito ng̃ mg̃a taga Bisaya ay bálon na sa Tagalog ay baon; at kung babae naman ay mg̃a kagamitan ng̃ babae ang isinisiping gaya ng̃ mg̃a panghabi kayo at ibp.
Nagsisipaglibing din naman sa mg̃a batong burol[34] na malapit sa dagat at sa ibabaw ng̃ isang malapad na bato sa Katbalogan ani Delgado ay nakita niya ang maraming kabaong at mg̃a bung̃o at buto. Ang mg̃a gayong dako na pinaglilibing̃an ay lubhang pinagpipitaganan nila, dahil sa kapaniwalaang kung yao'y bangitin ó galawin ó lapastang̃anin ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay balin ito'y dili iba't maging bato, ó magkasakit ó matamaan ng̃ kidlat ó iba pang kapahamakan kaya: kaya't sa mg̃a dakong libing̃an nila ay naglalagay ng̃ bantay ó tanod upang huag daanan ng̃ ano mang sasakyan at sino man ay huag magsalita ng̃ kahit ano sa gayo't gayong panahon, dahil sa malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali.
Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan ng̃ alkampor na isinisilid sa pamamag-itan ng̃ isang panghihip na Páhiná 97bungbóng na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw. Matapos ito ay inililibing ng̃ paupo[35] sa yung̃ib na kanilang ginagawa sa ilalim ng̃ lupa, saka hinahainan sa harap ng̃ isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at ng̃ iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos ng̃ kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.
Tungkol naman sa pagluluksa, ani Chirino, ay nagdadamit ng̃ itim ang mg̃a tagalog at hindi kumacain ng̃ carne't isda, kundi kaunting gulay lamang, at ang tawag sa ganitong pagcuculasiyón ay sipa; ng̃uni't ani Delgado ay hindi kumacain ng̃ canin, hangang sa di macabihag (ng̃ kaaway marahil) at nagdadamit ng̃ yantók na inikid na umaabot hangang sa bisig, at ang ipinagpapawing gutom lamang ay saging at kamote: ano pa't kung hindi makabihag ay nagluluwat ng̃ hangang isang taón na nang̃ang̃alirang at nang̃ang̃ayayat tuloy, at ang tawag, anya, sa kaugaliang ito ay maglahi.
Ang mg̃a taga Bisaya kung nagluluksa ay nag-dadamit ng̃ puti, saka nag-aahit ng̃ buhok sa ulo Páhiná 98at gayon din sa kilay na pinakatanda ng̃ kanilang pagdaramdam.
Pagka pang̃ulo ang namatay ay tumatahimik ang bayan ng̃ malaon ó ilang araw ayon sa kalagayan ng̃ namatay, at sa boong panahong ito ay walang maririnig na pukpukan ó kaing̃ay man sa alin mang bahay. At ang mg̃a tao sa pangpang̃in ay naglalagay ng̃ pinagcacakilanlang tanda upang huag daanan ng̃ anomang sasakyán na ang lumabág sa ugaling itó ay nagdaranas ng̃ mabang̃is na parusa.
Ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan ng̃ di kawasa sa kanilang mg̃a panaghoy at sa kanilang paghahandog ng̃ mg̃a hayin na lubhang ipinagsasayá.
Ang namatay na pinagliluhan sa digma ó sa capayapaan ay ipinagluluksa ng̃ malaon at hindi ipinag-aalis ng̃ luksa hangang di maigantí. Ang pagganting itó ay ginaganap sa mg̃a pumatay, sa mg̃a kaaway at sa mg̃a taga ibang bayang di kaibigan.
Ang luksa naman ng̃ mg̃a babae na pinang̃ang̃anláng moratales ay gaya rin ng̃ sa mg̃a lalaki; ng̃uni't hindi ng̃a lamang nangbibihag ó pumapatay man upang makakain ng̃ canin, kundi nagsisisakay sa isang balang̃ay (bangka) na nilululanan ng̃ saganang pagkain, saka nagsasama ng̃ anim na lalaki na isa ang namimiloto, isa ang sumasaguan at isa ang tumitikin at tatlo pang Páhiná 99matatapang na lalaki na may naipakita ng̃ kagilasan. Ang mg̃a ito'y napasa sa ibang bayang kasundo nila na habang namamangka ay inaawit ang kanilang mg̃a katapang̃an, ang kanilang mg̃a nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha't nakikipag-lasing̃an doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang mg̃a balabal na puti at ang kanilang mg̃a suot na yantok sa bisig at ng̃alang̃ala saka kumakain ng̃ kanin at nagsusuot uli ng̃ mg̃a hiyas[36].
Ito'y minasama ng̃ mg̃a paring manunulat ng̃uni't ani Rizal, ay matwid at si Cristo man anya, kaya naparito sa lupa ay upang magturo ng̃ isang Religion ng̃ pag-ibig at pag-asa na makaaaliw sa kahirapan ng̃ nasa hirap, at sa ganito anya ay bakit pa paitin ang mg̃a huling oras ng̃ pamumuhay, bakit papaghihirapin at papag-aalapapin ang isang kapatid sa gayong kakilakilabot na mg̃a sandali ng̃ paglipat doon sa walang hangang bayan?
Hanggang dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ang ganitong hanap buhay ay pinakikinabangan saan saan man.
Ang ugaling ito ay natutunghan pa natin sa mg̃a santong kasulatan na si Job ay isa sa nanganyaya ng̃ mg̃a taga panaghoy at gayon din sa Kanaan at iba't iba pang lupain.
Hindi kakaunting aklat ang ating kababasahan ng̃ ugaling ito na dating ginagawa ng̃ mg̃a taga Persia, taga-Ejipto at ipa ba.
Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong ugali sa Ejipto ó ating minana pa sa iba. Ang mg̃a taga Peru ay nag-ugali rin nito, datapwa't karaniwa'y di pa nilalagyan ng̃ gamot at sa lupang maapog na lamang itinatapon.
Ang pagsuob at pagpapabang̃o sa bangkay ay lubhang matandang kaugalian at hindi lamang ang mg̃a dating Romano at Griego ang nag-ugali nito, kun di pati ng̃ Hebreo na gaya ng̃ ating nababasa sa paglilibing kay haring Asa.
Itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay inugali rin ng̃ maraming lupain at lalo na sa Ejipto, dahil kapaniwalaang ang kaluluwa'y nagbabalik uli at ani Simon Henry Gage, ay sinaysay ni Diodoro ang kapanalígang ito noong taong 484 bago nakatawang tao ang Pang̃inoóng Jesucristo.
Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming baon ay sasalubung̃ing mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling magdadagat ay maibayad sa sasakyán at sa ganito ay ating nababasa ang pagtawa ni Luciano sa kanyang mg̃a kalupain noong una, tungkol sa bangka at bayad ni Caronte na gaya rin ng̃ ginawa nina Hircano at Herodes sa libing̃an ni David.
Ang pag-iing̃at ng̃ mg̃a buto ó abo kaya na pinakaalala ay ugali ng̃ maraming bayan at sa akala ko ay upang madala nila saan mang lupain ó bayan sila malipat, gaya na ng̃a ng̃ ibinilin ni Jose sa kanyang mg̃a kapatid na kung tamuhin nila ang lupaing sa kanila'y inpinang̃aco ng̃ Dios ay huag iwan ang kanyang mg̃a buto sa lupain ng̃ Egipto.
Ani Rizal ay makapupong magaling na igalang ang mg̃a bung̃o't butó ng̃ kanilang mg̃a magulang at kanunuan na siya nilang pinagkakautang̃an ng̃ buhay, bait at ng̃ halos lahat, kay sa igalang ang buto't buhok (reliquia) ng̃ mg̃a di umano'y santo na di man lamang nila nakilala ó nakaulayaw at marahil ay di makaalala sa kanila kailan man.
Ito'y naaayon sa ugali ng̃ mg̃a dating taga Hebreo, Persa at India, at gayon din sa dakong kanluran ng̃ Arabia noong panahon ni Job na ang yama't hiyás sa libing̃an ay marami pa kay sa na sa bahay nilá.
Ang ugaling ito ay ugali rin ng̃ iba't ibang lahi na, magpiging ó mag anyaya pagkatapos ng̃ paglilibing; at dito sa Pilipinas ay pinagtakhang malabis ng̃ mg̃a taga Europa at hangang sa tinatawanan kung minsan; datapua't ani Rizal, ay matwid gawin ang kasayahan yaon, dahil sa kapaniwalaan dito noon una na ang namatáy ay giginhawa. At ng̃ayon, ani Rizal, bagá man napawi na ang kapaniwalaáng yaón at sinusunod pa rin ang dating ugali, ay wala ng̃ iba pang kahulugan, kundi ang kaugalian na lamang ng̃ mg̃a Tagarito na di maaring di aluki't handaan ng̃ umaaliw at umaambag sa namatayan, ay sinasapantaha ng̃ mg̃a taga Europa na isang piging̃an. Ang katunayan, anya, na hindi piging̃an ay hindi inaanyayahan ang wala sa bahay at ang nandoon naman ay hindi na pinipilit sa pagdulóg sa dulang na kung sa bagay ay ugali rito. Anya'y ang pasiyam sampu ng̃ katapusan ay isang pakikipagsiyam ng̃ mg̃a kaibiga't kamag-anak sa kabahay ng̃ namatay, at ang mg̃a ito, palibhasa't nang̃a sa bahay ay hinahandaan ng̃ kahit ano na siyang ugali; ng̃unit hindi piging ó paganyaya, sapagka't ang mg̃a Tagarito ay hindi nagaanyaya ng̃ chaá lamang sa anomang piging̃an. Ang catapusan na pinakahuling araw ng̃ pagsisiyam, ay tila anyayahan na dahil sa higit na sa chaá at ang katunaya'y hapunan na ng̃a; dapatwa't ito'y sanhi ng̃ ugali ng̃ kalahatan dito na ang ano mang bagay ay niwawakasan ng̃ mainam, at sa ganito'y lalong sumasaya dahil sa siyang huling araw, at sapagka't ang Tagarito ay walang ugaling magwalang kibo na di paghandaan ang mg̃a panauhin ay sinapantaha ito ng̃ mg̃a taga ibang lupain an isang pistahan ó sáyahan.
Ang pag-iing̃at ng̃ bangkay sa mg̃a yung̃ib at kung saan saan ay ugali ng̃ mg̃a taga Egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang bangkay ay hindi natutunaw at habang kalakip ng̃ ba (ó káluluwa) at ng̃ chu (ó pag-iisip, ay boo ang pagkatao at hindi hinihiwalayan ng̃ ka na espíritung nananahanán sa libing̃an at siyang sa tao ay "kumakaling̃a: nagpapanatili, nakapagpapalinis, nakapagpapa galing at nakapagpapasaya" at di umano'y isang espiritung laging kasamasama ng̃ tao, at sa ganito'y pinakaiing̃atan ang bangkay at ipinipili ng̃ mg̃a mapagtataguan.
Ani Colin ay nakita niya ang paglilibing sa isang pang̃ulo sa Bohol na sinamahan ng̃ pitong pung alipin. Si P. Chirino ay may binangit din sa kanyang aklat na ganito.
Ang paglalagay ng̃ bangkay sa matataás na lugal ó dako at gayon din ang pagbibitin sa mg̃a punong kahoy ay inugali ng̃ ilang lahi noong una at marahil, ay upang maing̃atang huwag malapa ng̃ hayop.
Itong ugaling maglibing ng̃ paupo ay dating kaugalian sa Hilagang América at di umano'y naging kaugalian din sa Timog ng̃ Bretania.
Sa akala ko ay sa Bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa digma namatay, ó kung pinagliluhan.
Kung paanong ang mg̃a tagarito ay may dating sariling ayos ng̃ pamamayan at pag-uugali ay may dati ring sariling religion ó ayos ng̃ pagsamba't pananampalataya.
Ang pagsamba't pananampalatayang ito ng̃ mg̃a Tagarito ay iba't iba, dahil dito sa Luzón ay may kaibahan at gayon din sa Bisaya at Mindanaw.
Ang religion dito sa Luzón ay ang pananampalataya sa Diyos na Maykapal at Lumikha ng̃ boong sangsinukob na pinang̃ang̃anlang Bathala[37] ng̃ mg̃a Tagarito.
Itong Diyos Bathala na kadakidakilaan at nasa kaitaas-itasaan ay hindi ipinagtatayo ng̃ simbahan ó inaalayan man ng̃ ano mang hayin[38].
Páhiná 101Ang Diyos Bathala ring ito ay mayroong maraming Tagapang̃asiwa dito sa sandaigdigan na siyang nang̃ang̃asiwa sa kanikanyang kinaroroonan. Ang mg̃a ito'y ang mg̃a pinang̃ang̃anlang anito ng̃ mg̃a Tagalog, na ang iba'y nang̃ang̃ansiwa sa mg̃a magsasaka, ang iba'y sa mg̃a magdadagat, ang iba'y sa mg̃a mandidigma, ang iba'y sa mg̃a sakit at ibp. Bawa't isa nito'y may kanikanyang pang̃alan at siyang mg̃a pinakapintakasi; kaya't ang kanilang pasintabi't hayin ay naririnig at námamalas sa lahat ng̃ dako dahil sa ganang kanila'y may pintakasi saa't saan man, mapa sa kati't mapasa tubig at mapa sa lupa't, mapa sa lang̃it: anopa't ang sangsinukob sa ganang kanila ay puno ng̃ mg̃a pintakasing anito nila.
Ang karamihan nitong mg̃a anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang mg̃a kanunuan[39] na lubha pa yaong nang̃abantog sa pamumuhay, dahil sa ayon sa kapanaligan ng̃ mg̃a dating Tagarito ay napapa sa kaluwalhatian ang mg̃a namamatay.
Bukod dito sa mg̃a anitong nabangit ay kumikilala sa mg̃a larawang sarisaring hugis na kanilang iniing̃atan sa kanikanilang bahay at gayon din sa mg̃a yung̃ib na pawang inaalayan ng̃ mg̃a pabang̃o, pagkain at mg̃a bung̃a ng̃ kahoy. Ang mg̃a hugis di umano ng̃ mg̃a ito ay nang̃akahalokipkip Páhiná 102ang mg̃a kamay at nang̃apapatong ang mg̃a siko sa mg̃a tuhod (na marahil ay nang̃akapaninkayad), kung minsa'y nang̃adidiit ang mg̃a bisig sa mg̃a tagiliran at nang̃apapatong ang mg̃a kamay sa puson ó kun dili ay nang̃ahabalokipkip sa dibdib at ang kamay ay nang̃apapatong sa mg̃a dakong itaas ng̃ suso.
Nang̃agsisisamba rin sa araw at buwan[40] gaya ng̃ mg̃a taga Asiria at sa mg̃a hayop at ibon na gaya ng̃ mg̃a taga Egipto. Dito sa katagalugan di umano'y may sinasambang ibong[41] kulay bughaw ó asul na pinang̃ang̃anlang Bathala na dili iba't siyang pang̃alan ng̃ Dios: at sa uwak na Páhiná 103pinang̃ang̃anlang May-lupa ó may-ari ng̃ lupa ang ibig sabihin.
Ang mababang̃is na hayop na gaya ng̃ buwaya at iba pa ay kanilang iginagalang at pinagbibigyang pasintabi; ng̃uni't di umano'y dahil sa takot at hindi sa anomang bagay, at sa ganito'y binábangit nila sa kanilang panunumpa na lamunin ako ng̃ buwaya kundi ko tuparin: kaya't ng̃ kumilala sa Pamahalaan ng̃ España ang mg̃a pang̃ulo dito sa Maynila at Tundó noong taong 1571 ay nang̃agsisumpa di umanong: sila'y ilubog ng̃ araw, at sila'y lamunin ng̃ mg̃a buwaya at sila'y kapootan ng̃ mg̃a babae kung magculang sa canilang pang̃aco. At upang mabigyan pa ng̃ lubhang katibayan ang sumpang itó ay ginaganap ang tinatawag nilang pasambahan, na di umano'y nagsahaharap ng̃ larawan ng̃ isang malaking hayop, saca sinasabing lamunin sila noon cung hindi sila tumupad ng̃ canilang pang̃aco, at pagcatapos ay nagsisindi ng̃ isang candila at saca muling nagsabi na cung paanong nauupós ang candilang yaon ay gayon din mauupós ang magculang. At sa ganito'y napagkikilala na ang canilang pagpapasintabi sa mg̃a hayop ay maipaparis sa pagpapasintabi ng̃ taga Egipto sa mg̃a pinasisintabian naman nilang mg̃a hayop din.
Ang ibang malalaking bató sa mg̃a pangpang̃in ay pinagbibigyán pasintabi na pinag-aalayan ng̃ hayin cahi't ano, isang putol na tikín Páhiná 104halimbawa. At dito sa ilog Pasig di umano'y may isang malaking bato na ayon sa naging capaniwalaan ay buwayang naging bató (marahil sa Guadalupe) at pinagbigyán din pasintabi ng̃ mg̃a namamangka na inaalayan ng̃ cahit ano hangang sa sinira di umano ng̃ mg̃a pareng agustino ang batong yaon at tinirikan ng̃ isang cruz, saca pinagtayuan ng̃ isang munting simbahan na ipinatungcol cay San Nicolás.
Ang matatandang punong cahoy at lalong lalo na ang puno ng̃ baliti[42] ay pinagbibigyan ding pasintabi at sa ganang canila'y casalanan na pagisipang putulin, at ang dahil di umano'y siyang sinisilung̃an at tinatahanan ng̃ mg̃a anito[43].
Ang mg̃a anitong nabangit (palibhasa'y hindi casinsacdal ni Bathala) ay siyang mg̃a ipinagtatayo ng̃ mg̃a moog at bahay dalang̃inan na canilang pinang̃ang̃anlang ulang̃o. Ang mg̃a ulang̃o namang ito ay moog na cawayan ó torre na ani P. Chirino ay marikit ang pagcayari ayon sa caniyang nakita sa Taytay. Ang mg̃a ulang̃ong itó marahil ay hindi dalang̃inang bayan, sapagca't di umano'y sa canicaniyang bahay ginaganap ang pagdalang̃in, ó Páhiná 105cung sacali man ay bihirang gamitin ng̃ bayan.
Ang pagdalang̃in ay idinaraos cailan ma't may cailang̃an silang hiling̃in sa anitong kinauuculang tawagan, na cung halimbawang sa pagcacasakit upang gumaling ó sa pagnanais na ang nasa hirap doon sa cabilang buhay ay mahang̃o at sa ibang bagay pa, ay ang mg̃a nuno nilang anito ang tinatawagan na di umano'y siyang mg̃a nacacaalám ng̃ calagayan ng̃ nang̃andoon sa cabilang búhay at mg̃a sumasagót sa dalang̃in ng̃ catalona, cung halimbawa namang sa pag-paroon sa digma ó sa pagsalakay at upang magwagí ay ang hubog ng̃ lang̃it ang dinadalang̃inan na canilang pinang̃ang̃anlang bataubaw; at gayon din sa iba't ibang dahilan. Bucod dito ay nagsisidalang̃in sa Diyos Inaginid at sa Diyos Amakawdak na dinidiyos din nila at marahil ay sa ibang bagay naman.
Ang nang̃ang̃asiwa sa pagdalang̃in ó lumalagay na pinacaparê ó pinacapastor ay ang catalona na siyang nanunungcol nito. Ang paraan naman ng̃ pang̃ang̃asiwa ó pagdalang̃in nitó ay mababasa sa Dating caugalian tungcol sa Paghihing̃aló» at gayon din sa «Dating caugalian tungcol sa Pag-aasawa» pati ng̃ canilang bihis at sangcap. Ang mg̃a katolonang, ito, ani Colin, ay mayayaman ano pa't nanánamit ng̃ maririkit at nag hihiyas ng̃ maiinam[44].
Páhiná 106Ang mg̃a catalonang ito, bucod sa siyang-tatawagin sa ganganitong cailang̃an ay siya ring mg̃a sangunian sa bala na (na siyang mg̃a tinatawag natin marahil na manghuhula at gaya rin marahil ng̃ mg̃a astrologo[45]) sa Egipto na siya namang dating sangunian ng̃ mg̃a tagaroon.
Tungcol sa capanampalatayahán bagay sa mg̃a caluluwa ay nang̃ananampalatayang may cabilang búhay na kinaroroonan ng̃ mg̃a caluluwa ng̃ namamatay, at naniniwala ring may ibang calagayan ang mabubuti at may iba ang masasama. Ang sa mabubuti ay pinang̃ang̃anlang caluwalhatian at sa tula ay ulugan at ang sa masasama naman ay solad ó casamaan.
Doón sa kaluwalhatian, anila'y nacararating din ang nang̃amamatay sa tabac, ang nang̃ásasacmal ng̃ buwaya at ang nang̃amamatay sa lintic ó kidlat at di umano'y sa pamamagitan ng̃ bahag hari umaakya't na canilang pinang̃ang̃anlang balang̃aw.
Sa pang̃ing̃ilin naman, ay hindi nang̃ing̃inlin ang mg̃a tagarito, maliban cung ang mg̃a lalaki ay pasa digma, at cung ganito'y hindi gumagawa ang mg̃a babae sa boong panahóng yaon. At gayon din sa pitong araw ng̃ pagpapasimula ng̃ pamumung̃a ng̃ mg̃a halamana't bukiran, na hindi bumabayo ng̃ palay at hindi rin nagpapapasoc ng̃ taga ibang bayan, dahil sa di umano'y panahon ng̃ pagdalang̃in sa Diyos upang pagcalooban sila ng̃ mabuting áni.
Itong salitang Bathala anáng maraming mairugin sa sarili natin wika ay hang̃o sa Sanscrito at nábabasa sa isang aklát ng̃ ating calupaing manunulat na si G.P.A. Paterno,—sa dahong ica 36.
Ani Gat Rizal ay dahil sa inísip marahil ng̃ mg̃a Tagarito na ang Dios na Maycapal ng̃ sangsinucob ay hindi nang̃ang̃ailang̃an ng̃ gayong tahanan ó ng̃ mg̃a pang-libang at pangpalupag-loob, dahil sa Siya'y laging matuid at pantás at hindi nagbabago dalá ng̃ canyang pagka Dios.
Ang mg̃a taga Grecia noóng una ay may ganito ring pananampalataya, na ang sandaigdigan ay punô ng̃ canilang mg̃a bantog na canunúan na pinipintacasi nila.
Aní Gat Rizal ay napagkikilalang may matuid sila sa pagsamba sa araw at buwan, sapagca't anya'y ¿ano't di sasambahin ang sagísag ng cagandahan, ng̃ cawalang hangan at ng̃ pagca Dios?—¿anong bagay sa isipan ng̃ tao ang hihigit pa sa araw tungcol sa casacdalan, sa cabutihan, sa cagandahan at hangang sa máihuhuwad sa cawalang hangan?—Sa buwan naman, anya'y napagmamalas na siyang aasawa ng̃ araw, siyang diosa at dahil dito'y sinasamba rin.
Tungcol dito sa ibong bughaw ó asul na binangit ng̃ ibang manunulat na anila'y pinang̃ang̃anlang Bathala ay walang ganitong culay ani Rizal, cundi dilaw na siyang culyawan ó cilyawan, Marahil aní Rizal ay walang ganitóng ibon, at cung nagcaroón man ay maitutulad sa agila ni Jupiter, sa pavo real ni Juno, sa calapati ni Venus, ó sa ibat íbang ibong kinatha lamang sa isip, ano pa't mg̃a sagisag na caraníwang paghalintularan sa pagca Dios, ng̃ tanang tao. Ang ibon anyang ito na bughaw ó dilaw ay siya marahil na sagisag ng̃ Dios na Maycapal na pinang̃ang̃anlang Bathala, at sapagca't hinahamac ng̃ mg̃a misionero ang ano mang di nila sinasampalatayanan ay pinagcamalán nila marahil, Anya'y maigagaya rin naman sa mg̃a Ita't Igulot na cung iya namang macakita ng̃ sagisag ng̃ Espiritu Santo ó ng̃ sa mg̃a Evangelista na calapati, toro, leon, atb, ay hindi malayong ibalita naman ng̃ mg̃a ito sa canilang mg̃a caibigan na ang mg̃a cristiano ay sumasamba sa calapati, sa toro sa leon at ibp. ayon sa pagcasagísag sa mg̃a yaon.
Ang puno ng̃ baliti rito ay isang maitutulad sa mg̃a puno lotus sa Egipto, China at India na pinacagagalang at pinakabigyang pasintabi ng̃ mg̃a tagaroon. At sa Indi di umano'y ang calasutsé ang tinatawag na lotus.
Ng̃ mg̃a anito marahil na pinipintacasi nila sa parang at bukid.
Aní Rizal, ay napagkikitang saa't saan man ay pinakikinabang̃an ang ganitong tungculin ó hanap-buhay.
Ang mg̃a nanghuhula ng̃ magyayari ayon sa calagaya't anyo ng̃ mg̃a tala.
Sa pagsamba't pananampalataya sa Kalusunan; ay mapagmamalas ng̃ sino mang mapag-aral ng̃ iba't ibang religión na yao'y isang religiong haluán: at sapagka't hindi ang nasa ko rito'y saysayin ang dahil ng̃ pagkakahalohalong yaon, kundi isaysay lamang ang dating ugali ng̃ mg̃a Tagarito, ay ipatutuloy ko ang tungkol naman sa Kabisayaan.
Ang mg̃a taga Bisaya ay sumasampalataya rin ng̃ halos kagaya ng̃ mg̃a taga Luzón, dahil sa ganang kanila, ang Bathala nating lumalang ng̃ sangsinukob at lumikha ng̃ tanang kinapal ay kinikilala rin at kanilang pinamamagatang Laon.
Kumikilala rin sila sa mg̃a anito na sa kanila'y diwata, na dili iba,t ang kanila ring mg̃a kanunuan na pinipintakasi't tinatawagan sa bala ng̃ kailang̃anin, maging sa kati't maging sa tubig, maging sa buhay na ito at maging sa kabila.
Nang̃agsisikilala ring gaya ang mg̃a taga Luzón Páhiná 108sa mg̃a larawang sarisaring hugis na iniing̃atan sa bahay ó kung dili'y sa mg̃a yung̃ib na pawang inaalayan ng̃ pabang̃o, pagkain at ibp. at dito sa kabisayaan (sa Sebú) nakakita ng̃ ganito si Pigafeta[46] na anya'y nakadipa ang mg̃a kamay, nakabuka ang mg̃a hita at patiwarik ang bali ng̃ mg̃a paa; ang mukha'y malaki at may apat na malaking ng̃ipin na kasinglaki ng̃ mg̃a pang̃il ng̃ baboy-damó at nang̃akukulayan[47].
Sa araw at bwan naman ay nang̃agsi sisamba rin na gaya sa Kalusunan: At dito nakita ni Pigafeta ang paraan ng̃ pagsamba sa araw, na anya'y ganito:
Sa pagpapasimula ay tumutugtog ng̃ ilang malaking tambol; saka naglalapit ng̃ tatlong pingan; na dalawa'y punô ng̃ kanin at ng̃ mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may káyong kambray at dalawang hidahon ng̃ palma Naglalatag ng̃ kayong kambray sa lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa't isa'y may tang̃ang pakakak. Pagkatapos ay nilalakaran ang kayong kambray Páhiná 109na nalalatag at tuloy gumagalang sa araw, sakâ isinusuot nila ang nabangit na kayo. Kung magkagayon ay nagtatali ng̃ panyô sa ulo ang isa sa mg̃a ito na sa noo ibinubuhol na pinag sisikapan na magkaroon ng̃ dalawang parang sung̃ay at pagkatang̃an ng̃ ibang panyô ay sumasayaw at humihihip ng̃ kanyang pakakak at tuloy gumagalang sa araw.
Ang isa namang matandang babae ay dumadampot ng̃ isang dahon ng̃ palma at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip ng̃ kanyang pakakak. Ang pagsayaw nilang ito at paghihip ng̃ kanilang mg̃a pakakak ay nagluluat ng̃ kaonti at kanilang sinasabayan ng̃ pagsasaysay sa araw ng̃ sarisaring bagay.
Matapos ito ay binibitiwan ng̃ isang matandang babae ang panyô niyang hawak sa kamay at dinadampot ang dahon ng̃ palma at kapwa humihihip ng̃ kanilang pakakak at sumasayaw na matagal sa palibot ng̃ isang baboy na nakahanda sa lupa. Ang isa'y nagsasaysay na marahan sa araw at ang isa naman ang sumasagot. Ano pa't ang araw at ang dalawang matandang babae ay parang may pagkakaunawaan.
Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae ng̃ isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó makalimang Páhiná 110iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa pusò ng̃ baboy. Kung matapos yaon ay binibitawan ang kopa, at humahawak ng̃ isang sibat na kanyang pinaiikot sa kamay, habang sumasayaw at nagsasaysay at makaapat ó makalimang iniuukma ang sibat sa pusô ng̃ baboy; ng̃uni't sa katapustapusan ay isinisibat at pinapaglalagpaslagpasanan, saka binubunot ulî na tinatakpan ang sugat at tuloy binabalot ng̃ damo.
Habang idinadaos ang ganitong pagdidiwan ay may apoy na laging nakahanda at hinihipan na pinapatay ng̃ matandang babaeng sumisibat sa baboy; samantalang ang isa naman ay isinasawsaw ang kanyang pakakak sa dugo ng̃ baboy at saka itinatanda yaon sa noo ng̃ kanyang asawa at ng̃ kanyang mg̃a kasama at pagkatapos ay sa lahat ng̃ kaharap.
Kung magawa nang lahat yaon ay hinuhubad ng̃ dalawang matandang babaeng yaon ang kanilang balabal at dinudulog ang nasa dalawang pingan na walang inaanyayahan, liban sa mg̃a babae lamang. Pagkatapos ay inaalisan ng̃ balahibo ang baboy sa apoy at ang mg̃a matandang babae lamang ang nakagagawa noon at ang hayop na ito, di umano, ay di maaaring kanin kailan man, malibang patayin ng̃ ganitong paraan.
Sa malaking bató sa mg̃a pangpang̃in ay Páhiná 111nang̃agpapasintabi rin: kaya't sa isang dako ng̃ pangpang sa Potal na nasa pulo ng̃ Panáy ay nang̃ag-aalay ang mg̃a magdadagat ng̃ pingan at bala na.
Gayon din sa malalaking punong cahoy na ipinacatatang̃i rin ang baliti na di pinuputol at bagcus na ipinacacagalang.
Sa pagdalang̃in at sa anó mang pagsanguni ay sa katalona rin ipinang̃ang̃asiwa na canilang pinamamagatang babaylana.
Nang̃agsisipaniwala ring may cabilang buhay; ano pa't ang canilang pagsamba't pananampalataya ay masasabi nating caisa ng̃ mg̃a taga Luzón palibhasa'y caisang lahi; ng̃uni't bucod dito sa nang̃abangit ay may iba pa silang capanaligan na siya nilang ikináiiba at dili iba't ang sumusunod.
Ang iba'y cumikilala sa Dios Lisbusawen na di umano'y siyang kinacasama ng̃ mg̃a caluluwa sa isang bundoc na nasa pulô ng̃ Burney (marahil ay Borneo).
Ang iba naman ay kumikilala sa Dios Sidapaw na siyang nagtatangkilik ng̃ isang malaking punong kahoy sa isang mataas na bundok sa Panay na pinang̃ang̃anlan Mayas ó Maya at ang Diyós na nabangit di umano'y siyang sumúsucat doon ng̃ buhay ng̃ tanang kinapal na pagdating sa kanyang sukat ay namamatay na walang pagsala.
Páhiná 112Nang̃aniniwala rin na may Diyós sa Infierno[48] na canilang pinang̃ang̃anlang Suinuran at Suigaguran at sa camay ng̃ mg̃a ito nahuhulog di umano ang balang caluluwang mamatay, at may Diyós namang tagapagdalá ng̃ caluluwa sa Infierno na pinamamagatang Diyós Magwayan, na pagdating sa balang̃ay nito ay sinasalubong ng̃ Diyós Sumpoy na siya namang tagapaghatid sa Diyós Suiburanin (casama marahil ng̃ Diyós Suinuran at Diyós Suigaguran) na anila'y siyang tagasacop sa lahat ang caluluwa, maging mabuti't maging masama; ng̃uni't ang mg̃a ito, di umano'y hindi pinababayaan ng̃ Diyós Pandake (na nasa bundoc din ng̃ Maya); kundi agad tinutubos dito sa pamamagitan ng̃ mg̃a maganito na siyang pang̃alan ng̃ mg̃a haying inihahandog sa canya roon sa bundoc: at sa ganito, ani P. Delgado, ay hindi lubhang pinagsisicapan ang pagpapacabuti, cundi ang pagpapacasipag upang magcaroon ng̃ pangtubos.
Si Pigafeta ay isang italiano na kasama ni Magallanes sa pagkasumpong ng̃ mg̃a kapuluang itó, at siyang tang̃ing; sumulat ng̃ aklat na tungkol sa kanilang paglalakbay at pinamagatan niyang «Ang unang paglalakbay sa Palibot ng̃ Sandaigdigan».
Anang iba'y hindi lahat ay gayon; kaya't sa ganang kay Rizal ay ang masasamang dinídiyos lamang marahil ang may malaking ng̃iping kasinglaki ng̃ pang̃il.
Ang pagkilala sa Dios sa Infierno at sa ibp. ay naging kapanaligan din na ibang nang̃ábansag na lupain, gaya sa Persia, India at atb, ng̃uni't marahil ay napulot ito ng̃ mg̃a taga Bisayang Malayo sa Religiong «Hinduismo» ng̃ mg̃a taga India at siyang inugali hangang dito; sapagka't sa Religiong "Hinduismo", bukod sa kumikilala sa tatlong pinakapang̃ulong Diyós ay kumikilala pa sa Diyós Yana na di umanoy, Diyos sa kainfiernohan: sa Diyos Ganesa ó Ganabali Diyós ng̃ karunung̃an at tagahawi ng̃ kapansanan; sa Diyós Kartikeya na pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang Sunya, sa buwan na tinatawag nilang Soma at sa ibp.
Tungkol sa kapanampalatayahán ng̃ hulíng bahagi ng̃ Pilipinas, na Hulo't Magindanaw, ay dapat malaman muna na ang mg̃a tagaroon ay hindi namayang sabay-sabáy, kundi ang iba, na gaya ng̃ mg̃a Manobo, Tiruray atb, ay siyang nang̃auna; at ang iba naman ay masasapantahang mg̃a kasabay ó kasunod ng̃ mg̃a taga Malayang nagsipamayan sa Borneo noong dacong 1400.
Mapaniniwalaang ang pananampalataya ng̃ mg̃a unang namayan doon na gaya ng̃ mg̃a Manobo, Tiruray, atb. ay ang sa Kamalayahan na halos kagaya ng̃ dating pananampalataya ng̃ mg̃a taga Bisaya't tagarito sa Luzón: at sa catunayan ng̃ dumating dito ang mg̃a taga España ay may, nasumpung̃an pang isang daco sa Mindanaw na pinang̃ang̃anlang De Flechas ó ng̃ mg̃a Pana na balang magdaan doon ay naghagagis ng̃ pana na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan sila'y Páhiná 114macaraang tiwasay, bagay itong dili iba't isa sa mg̃a bahagi ng̃ capanaligan ng̃ mg̃a taga Bisaya't tagarito sa Luzón, na alayan ng̃ cahi't ano ang mg̃a pooc na kinalibing̃an ng̃ canilang mg̃a nunò. At cung bagama't nalimutan na ang canilang pinaca-Bathala ó pinaca-Laon ay sanhi marahil sa pagcahicayat nila sa Mahometismo ó pananalig kay Mahoma na taglay ng̃ mg̃a huling nacapamayan nila.
Ang mg̃a sumunod ó huling namayan sa Hulo't Mindanaw ay ang nang̃abangit nang casabay ó casunod ng̃ mg̃a namayan sa Borneo noong dacong 1400. Ng̃ panahong yaon ay halos laganap na ang pananalig cay Mahoma sa Kamalayahan at sa ganito ay mapaniniwalaan at siyang pagcaacala rin ng̃ mg̃a bagong manunulat na ang mg̃a yao'y nagsisipanalig na cay Mahoma ng̃ magsidating sa Hulo't Mindanaw, at siya tuloy na mg̃a humicayat sa mg̃a dinatnan At ayon sa sali't saling sabi ng̃ mg̃a moro sa Mindanaw, aní Dr. Barrows ay si Kabunsuan ang humicayat sa canila. Ito'y isang taga Johore na anac ng̃ isang lalaking taga Arabia at ng̃ isang babaeng taga Malaya. Si Kabunsuan ay dumating sa Mindanaw na may maraming casamang nananalig sa canya at di umano'y siyang pinangalig̃an ng̃ mg̃a dato sa Mindanaw. Sinasapantaha na si Kabunsuan ay isa sa mg̃a inapo ni Mahoma sa dugo ng̃ cayang amang taga Arabia: caya't hang̃a Páhiná 115ng̃ayon daw ay ipinagmamalaki ni Alí at ng̃ mg̃a dato sa Mindanaw na sa canilang mg̃a ugat ay umaagos pa ang dugo ng̃ profetang si Mahoma, na siyang nagtanyag ng̃ bagong religiong mahometisimo na pinacareligion ng̃ mg̃a taga Hulo't Mindanaw.
Ang mahometismo ng̃ mg̃a taga Hulo't taga Mindanaw ay di lubhang cagaya ng̃ tunay na mahometismo, dahil sa ang lahat ng̃ religion habang tumatagal ay nababago ng̃ nababago. Gayon, ma'y inaasahan co, na sapagca't siyang religion ng̃ isang bahagi ng̃ Pilipinas ay maitatanong din mg̃a magiliwin sa ganitong casaysayan, «cung ano ang religiong mahometismo» At ang religion mahometismo ay ang itinanyag ni Mahoma na anya'y wala liban sa isang Dios at siya ang profeta ng̃ Dios at tuloy sinulat niya ang koran na ng̃ayon'y siyang pinaka Biblia ng̃ mg̃a moro.
Si Mahoma ay anak ng̃ isang babaeng judia na naging kristiana at ng̃ lalaking si Abdallah na palasamba sa mg̃a diosdiosan (idolo). Siya'y ipinang̃anak sa Arabia noong taong 569 at mula sa kanyang pagkabata ay naulila sa kanyang mg̃a magulang: anopa't ang nagpalaki sa kanya ay si Abu Taleb na kangyang mabuting amain. Nang siya'y magkadalawang pu't limang taon ay naglingkod kay Kadihah na isang matandang baong taga Mekka na mayama't marang̃al, at sa kagandahang Páhiná 116asal ni Mahoma ay naibigan hangang sa naging asawa. Sa ganito'y siya'y nagcasalapi at naluwagan sa canyang pamumuhay; anopa't nagcapanahon ng̃ pag-aaral at pagmamasid ng̃ mg̃a bagaybagay sa sandaigdigan.
Noon naman, ang Arabia na kanyang kinamulatan, ay siyang maitutulad ng̃ayon sa Estados Unidos ng̃ Amérika, sa Inglaterra ng̃ Europa at sa Hapón ng̃ Asia, dahil sa kalayaan ng̃ isa't isa na makapapamili ng̃ kanikanyang religion, at sa gayon ay nabuksan ang kanyang isip ng̃ di ano lamang.
Sa kabanalan ni Mahoma ay napasasa yung̃ib ng̃ Hera (na malapit sa Mekka) taon taon at doon nagpapahing̃ang isang buwan (kung buwan ng̃ Ramadan), at minsan di umano'y napakita sa kanya roon sa yung̃ib ang angel Gabriel at pinagsaysayan siya ng̃ mg̃a lihim na bagay, na siya ang magiging profeta ng̃ Dios at magpapaisa ng̃ religion sa tanang kinapal na pang̃ung̃uluhan ng̃ Dios na di malirip. Saka isinakay siya, di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pang̃ala'y borak at inihatid siya mula sa templo ng̃ Mekka hangang sa Jerusalém. Mula rito ay isinama siya ng̃ angel Gabriel na sumampa sa pitong lang̃it at doo'y nakipagbatian siya sa mg̃a profeta, sa mg̃a patriarka at sa mg̃a angel. Sa dako pa roon ng̃ ikapitong lang̃it ay si Mahoma lamang ang pinatuloy, anopa't nalagpasan niya Páhiná 117ang tabing ng̃ pagkakaisa at sa harap ng̃ luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'y tinapik ng̃ kamay ng̃ Dios. Pagkatapos ay bumaba siya sa Jerusalém, sumakay uli sa borak at nagbalik sa Mekka.
Mula noo'y itinanyag ni Mahoma ang mg̃a salita ng̃ angel Gabriel na ng̃ayo'y nasusulat sa Koran na dasala't banal na kasulatan ng̃ mg̃a mahometano.
At sa kagandahan di umano ng̃ pagmumukha ni Mahoma, sampu ng̃ kanyang ugali't asal at ng̃ kanyang matamis na pananalita na kalakip ng̃ kanyang kabanalan, ay pinananaligan siya, at hangan sa paniniwalaang siya'y sinalubong ng̃ mg̃a punong kahoy, binati ng̃ mg̃a bato sampu ng̃ tubig, nagpakain sa nagugutom, nagpagaling ng̃ may sakit at bumuhay ng̃ patay. Bukod dito'y ipinalagay ng̃ marami na ang mg̃a salita ni Mahoma ay puspos na mg̃a aral ng̃ katotohanan at ang kanyang mg̃a gawa ay pawang uliran ng̃ kabanalan (baga man ang dating kaugalian ng̃ panahong yaon na gaya ng̃ pag-aasawa ng̃ higit sa isa at ibp. ay di niya pinawi); dahil sa ganang kanya'y wala ng̃ gaya ng̃ manalang̃in, magkulasyon at maglimos, sapagka't sa kanya ang pagdalang̃in ay nakapapatnubay hangang sa kalahatian ng̃ daang patung̃o sa Diyos, ang pagkukulasyon ay nakapaghahatid hangan sa pintuan ng̃ tahanan ng̃ Diyos at ang paglilimos ay siyang Páhiná 118ikinatatangap ng̃ Diyos sa tao. Anopa't sa gayong pananalig sa kanya ay hindi laman ang kanyang asawa't mg̃a kaibigan ang sumampalataya kundi pati na ng̃ kanyang mg̃a kababaya't kalupain, hangang sa siya'y nahalal na pinakapang̃ulo sa kanyang bayang tinubuan. At sapagka't ang kanyang munakala'y papag-isahin ng̃ religión ang tanang kinapal ayon sa sinaysay sa kanya ng̃ angel, ay hindi lamang ang kanyang lupain ang sinakop at hinikayat niya't ng̃ mg̃a humalili sa kanya, kundi pati ng̃ mg̃a lupaín sa Europa, Africa, sa Asia at hangang dito sa Kasilang̃anan na dili iba't siyang pinanánaligan pa hanga ng̃ayon ng̃ ating mg̃a kalupaing taga Mindanaw at taga Huló.
Ang religióng ito at umabot hangang sa Mindoro at dito sa Maynila at kung hindi dumating rito ang mg̃a kastila ay naging moro marahil ang lahat ng̃ tagarito.
Isa sa mg̃a kapaniwalaan ng̃ ibang mg̃a Tagarito na binangit, ng̃ mg̃a mananalaysay ay itong sumusunod:
Ang mg̃a tao sa baybayin na pinang̃ang̃anlang Iligayanes ay naniniwala na ang lupa't lang̃it ay hindi nagkaroon ng̃ pasimula: at di umano'y nagkaroon ng̃ dalawang Diyos na ang isa'y nagng̃alang Kaptan at ang isa'y Magwayan: at ang hang̃in sa lupa at ang hang̃in sa dagat ay nagkaisa at sumuka ng̃ isang kawayan. Ang kawayan namang ito ay itinanim ng̃ Dios Kaptan, at ng̃ lumaki ay pumutok na nilabasan ng̃ dalawang kawayan na kapwa naging tao, na ang isa'y lalaki at ang isa'y babae. Ang lalaki ay pinang̃anlang Sikalak at ang babae'y Sikabay. Ang lalaki ay nagpahayag sa babayi na sila'y magisang dibdib, dahil sa walang iba dito sa sangdaigdigan; ng̃uni't hindi pumayag ang babae; sapagka't sila'y magkapatid na galing sa isang kawayan. Sa katapustapusan ay nagkasundo na sila'y yumaon at kanilang isanguni ang gayon sa Lindol ng̃ lupa, at sinagot naman sila na kailang̃ang Páhiná 120sila'y mag-isang dibdib upang magkaroon ng̃ mg̃a tao sa sanlibutan, at sila'y nag-isang dibdib at nagka-anak. Ang unang naging anák nila ay lalaki at pinang̃anlang Libo, at ang sumunod ay babae, at pinang̃anlang Saman, at ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaanak ng̃ isang babae na pinang̃anlang naman nilang Lupluban. Itong si Lupluban ay nakipag-isang dibdib sa isang anak na lalaki ng̃ mg̃a unang tao (marahil ni Sikalak at ni Sikabay) na ang pang̃ala'y Pandaguan at ang mg̃a ito ay nagkaanak ng̃ isang lalaki na kanilang pinang̃anlang Arion. Si Pandaguan, di umano'y siyang unang kumatha ng̃ mg̃a palaisdaan upang mamalakaya sa dagat, at ang unang nahuli ay isang pating, at pagkahuli ay iniahon sa kati, na sa akala niya'y hindi mamamatay; ng̃uni't pagkaahon sa kati ay namatay: ng̃ makita niyang patay ay pinasimulang alayan ng̃ mg̃a hayin at tuloy tinang̃isan, at tumawag sa mg̃a Diyos, na may namamatay, dahil sa wala pang namamatay noon; pagkarinig naman di umano ng̃ Diyos Kaptan ay sinugo ang mg̃a lang̃aw upang tignan kung sino ang patay, at sapagka't hindi makapang̃ahas lumapit ang mg̃a lang̃aw ay bukbok ang sinugo na siyang nakakita na ang patay ay pating, at sa ganito'y nagalit ang Diyos Kaptan dahil sa pagkakaalay ng̃ mg̃a hayin sa isang isda. Sa pagkagalit na ito ng̃ Diyos Kaptan ay Páhiná 121naghagis silang dalawa ng̃ Diyós Magwayan ng̃ isang lintik at siyang pumatay kay Pandaguan, at namalaging tatlong pung araw sa Infierno; ng̃uni't pagkaraan ng̃ tatlong pung araw ay kinahabagan siya ng̃ nang̃abangit na mg̃a Diyós at muli siyang binuhay dito sa sanglibutan. Noong samantalang siya'y patay ay napababae ang kanyan asawang si Lupluban sa isang nagng̃ang̃alang Marakoyan, at di umano'y ito ang pinagmulan ng̃ pang̃ang̃alunya. Nang si Pandaguan ay mabuhay na mag-uli at umuwi sa kanyang bahay ay hindi inabutan ang kanyang asawa, sa pagka't inanyayahan ng̃ kanyang kaagulo na magsalo sila sa isang baboy na kanyang ninakaw (di umano'y ito ang unang pagnanakaw na nagawa dito sa ibabaw ng̃ lupa), at sa ganito'y sinugo niya ang kanyang anák upang kaonin, at si Lupluban ay tumangi at di sumama, na ang sabi ay hindi na magbabalik ang mg̃a patay dito sa ibabaw ng̃ lupa, at sa galit ni Pandaguan ay nágbalik uli sa Infierno.
Ang pag-aakala, naman ng̃ mg̃a Tingian ay itong sumúsunod:
Iba ang paniwala ng̃ mg̃a taga bundok at anila'y noong una ay walâ kundi dagat at lang̃it, at sapagka't may isang lawin na walang kádapuan, ay hinalughog ang lang̃it at dagat dahil dito ay dinigma ng̃ dagat ang lang̃it na nagpakalaki-laki hangang sa itaas: ng̃ makita ng̃ lang̃it ang ganitong Páhiná 122asal ng̃ dagat ay pinasibulan ng̃ isda ang dagat at pagkatapos upang makaganting lubos sa pagkapang̃ahas laban sa kanya ay inihagis sa dagat, di umano, ang lahat ng̃ kapuluang ito upang ang dagat ay mapasuko at upang ang kanyang mg̃a tubig ay maglagos sa iba't ibang dako at huwag mangyaring makapagmalaki at ito ay pinagkapasimulan ng̃ mabario na ang ibig sabihin ay paghihigantihan sa pag-apí kaya di-umano'y nagíng kaugalian dito ang panghihiganti hangang sa di masiyahan. Saka ayon sa kasaysayan tungkol sa kawayan, ay ang lawin di umano ang siyang tumuka, kaya pumutok at lumabas yaong naging lalaki at babae na nabangit na (si Sikalak at si Sikahay). Di umano pa ng̃ mang̃anak si Kariuhi (isa sa mg̃a anak ng̃ mg̃a unang tao marahil) ay nang̃anak ng̃ lubhang marami, at nangyari isang araw na pumasok sa bahay ang ama na lubhang galit at sapagka't binalaan ang mg̃a anak ay nang̃agsitakas sa takot anopa't ang iba'y nang̃agsipasok sa mg̃a silid na totoong kublí, ang iba'y sa mg̃a silid sa dakong labas ang iba'y nagsikubli sa mg̃a dinding, ang iba'y nang̃agsipanaog na tumung̃o sa dakong dagat. Anila'y yaong nang̃agsipasok sa silid na totoong kublí ay siyang pinangaling̃an ng̃ mg̃a maginoo, yaong mg̃a napa sa silid sa dakong labas ay siyang pinangaling̃an Páhiná 123ng̃ mg̃a timawa, yaong nang̃agkublí sa dapugan ay siyang pinang̃aling̃an ng̃ mg̃a maitim at ang nang̃agsitung̃o sa dakong dagat ay ang mg̃a maputi na hindi na nang̃abalitaan nila, kundi ng̃ dumating na lamang dito ang mg̃a taga Europa.
Tulong sa Pag-aaral ng̃ wikang Inglés.
English-Tagalog Dictionary with Phrases.
Dating Pilipinas.
Bagong Tipan.
Matandang Tipan.
Melodramang "Noli Me Tangere" ni G. Gross sa novela ni Gat Jose Rizal.