The Project Gutenberg eBook of Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook. Title: Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia Author: Cleto R. Ignacio Release date: January 1, 2006 [eBook #17441] Language: Tagalog Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net *** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK CASAYSAYAN NG CATOTOHANANG BUHAY NG HARING CLODEVEO AT REYNA CLOTILDE SA REYNO NANG FRANCIA *** Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] CASAYSAYAN ng CATOTOHANANG BUHAY ng Haring Clodeveo _AT_ Reyna Clotilde _SA REYNO NANG FRANCIA NA TINULA SA LUBOS NA CATIAGAAN NI_ CLETO R. IGNACIO _Concepcion, Malabon, Rizal_. * * * * * _SIPI SA TUNAY NA HISTORIA_ =1917= IMPRENTA, LIBRERIA Y PAPELERIA DE P. SAYO Vde. DE SORIANO Rosario 225. Plaza del Conde 1003 y Azcarraga 552, Tondo Manila, I.F. =PAUNAUA= _Manga maguiliuing puso sa pagbasa nang catotohanang hanay nang historia, dito'y lubos ninyong mapag-kikilala ang cay Clodoveong buhay na talaga._ _Niyong unang siya ay di pa cristiano ay Clovis ang tauag sa pangalang moro, nang binyagan siya'y naguing Clodoveo at Reyna Clotilde ang asaua nito._ _Siya'y isang tangi cung sa cabaitan at ulíran naman cung sa cahinhinan, nang tanang babae, nang casalucuyang siya ay dalaga't nang mag-asaua man._ _Caya cailangang pacatatastasin yaong buhay niya't nang iyong malining, mulang puno't dulo'y iyong pasayurin at nang upang iyong matantong magaling._ _Hangang dito aco't ang bahala'y icaw sa tula cong hamac na pinag-inutan, sa dahop cong cayang hinimalay lamang na butil, nang manga nalagas sa uhay._ =Simula nang buhay= * * * * * Taong isang daan ualungpu at apat mula nang manaog ang Poong Mesias, sa Reyno nang Francia ay noon tumangap si Clovis nang pagca Haring napatanyag. Nang panahong yao'y ang Reyno n~g Francia ay hindi cristiano at man~ga gentil pa, si Clovis ang siyang nagbinyagang una't sa Dios ay siyang unang cumilala. Sa panahong yao'y ang Borgoña nama'y man~ga cristianong tumangap nang aral, nang man~ga Apostol ni Cristong hinirang na nagsilaganap sa sangsinucuban. Noon ay ang Hari namang sinusunod na namamahala ay si Agabundos, at ang bunso niyang capatid na irog ay yaong Infante na si Hispericos. Ang bunying Infante ay nagca-asaua nang isang Duquesa na si Aprodicia, dalauang babayeng naguing Anác nila na ang bunso'y ualang cauan~gis nang ganda. Mabunying Infante Estatira bilang n~galan nang canilang Anác na pan~ganay, ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman sa Reynong Borgoña'y tan~ging cagandahan. Bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca-masintahin sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen. Sa araw at gabi ay di sumasala nang pananalan~gin sa Dios na Amá, at sa Ináng Virge't sa touing umaga'y pilit guinaganap yaong pagsisimba. Madalas ding siya ay nag-cocompisal at tuloy ring siya ay nakikinabang, lubos na caniyang pinag-iin~gatan ang pagca-babaeng loob nang maycapal. At bagamang cahit magcapatid sila ang caugalia'y di nag-cacaisa, ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na ay ang cagalin~gan niyong caluloua. Siya'y di gumamit magpacaylan man niyong pananamit na lubhang marin~gal. tunay na caniyang kinasusuclaman yaong masasaguang man~ga cagayacan. Caya n~ga at naguing casabihan siya sa ugali't kilos tan~gi pa sa ganda, anopa't marami ang naliligaya bakit n~ga sa duc-ha ay malimusin pa. Doon na Borgoña'y isang araw naman nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan. caya n~ga ang Hari at caguinoohan ay dumalo't sampong taong caramihan. Para-para silang nakinig nang Misa sampon nang Infanteng Hispericos bagá doon sa Simbaha'y napipisan sila at nananalan~gin sa Dios na Amá. Ginagamit nila ang boong pag-galang at lubhang malabis na pagpipitagan, at sila ay doon nakikipanayam sa Dios na Haring macapangyarihan. Isa ang Infante na si Hispericos na capatid niyong Haring Agabundos, sa tanang guinoo siya ay calahoc nang pananalan~gin sa may lic-hang Dios. Nagcataon namang sa loob n~g Templo'y si Hispericos at isang concejero, sila'y nag-uusap na nakita dito nang Hari, ay tantong galit ay sumubó. Caya't nang matapos ang mahal na Misa sa palaciong lahat nan~gagtuloy sila, tinanong nang Hari noon din pagdaca dalauang nag-usap niyong nagsisimba. Saad sa canila nang Haring maran~gal na sikip sa pusò yaong cagalitan, bakit at di bagá ninyo nalalaman na yaong Simbaha'y laang dalan~ginan. Tayo'y nan~gaglacbay doon at ang dahil sa Dios na Poon ay mananalan~gin, batid ninyong Dios ang caharap natin bakit pag-uusap ang inyong gagauin. Ipinalalagay ninyong ang caharap doo'y isang taong gaya nating hamac, at di pa hinintay na Misa'y nautas at cayo'y doon na sa labas nag-usap. Inaari ninyong ualang cabuluhan ang Dios na dapat sambahi't igalang, sa guinaua ninyong man~ga catacsilan marapat sa inyo'y alisan n~g búhay. Mabilis na hatol pagdaca'y guinanap doon sa dalauang sa Templo'y nag-usap nang di pamarisan yaong gauang linsad at ipinatapon ang bangcay sa dagat. Saca namang yaong hirang na asawa at ang isa niyang Anác na Infanta na bilang pan~ganay na si Estatira pinaalis silang dalauang mag Iná. Ayon sa canilang man~ga caasalan na hilig ang puso sa toua at layaw kung caya n~ga sila'y pinagtabuya'y di ayos cristiano ang canilang asal. N~guni't si Clotindeng bunsong iniirog na hipag nang Hari na si Agabundos, doon sa palacio'y nanatiling lubos sapagca't may bait at galang sa Dios. Bakit sa pagsinta'y lubhang mahiliguin sa, Dios, at uili sa pananalan~gin, caya n~ga namahal sa Haring amain yaong si Clotindeng may bait na angkin. Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia ay hindi cristiano at man~ga gentil pa, at ang Hari doon na kinikilala na namamahala ay si Clovis bagá. Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim na yaong Reyno nang Borgoña'y bacahin, caya n~ga't caniyang inutusang tambing tanang embajador nang ganitong bilin. Cayo ay maglacbay sa Borgoñang Reyno at ipatalastas ang cahilin~gang co, sa Haring lisanin ang pagca-cristiano at sila'y sumamba sa man~ga Idolo. O, cung dili caya siya'y magbibigay n~g buis sa baua't isang taóng araw, na ayon sa aking maguing cahin~gian at siya'y sacop co ang catotohanan. Sa cahilin~gan co'y cung susuay siya babahá nang dugò ang Reynong Borgoña, at man~ga pupucsa silang para-para sa aking dadalhing malaking armada. Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay sa Borgoña yaong man~ga inutusan, nang dumating doo'y sinabi ang pacay sa mahal na Haring macapangyarihan. Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat na bilin sa inyo nang Haring nag-atas, ay sabihin ninyong di co matutupad ang ualang halagang man~ga pan~gun~gusap. Diyata't Dios cong tunay ang lisanin at yaong Idolo ang aking sambahin, sa cahilingan niya'y ang aking patalim siyang mananagot sa balang ibiguin. Sa sinabing yao'y hindi nagsiimic yaong embajador nang Haring si Clovis, ala-ála nila ay baca magalit Haring Agabundos cung muling magsulit. Ay hindi mangyaring panoorin nila yaong cagandahan nang bunying Infanta, pagca't sila'y hindi nacakikita pa gayong cagandahang naca-liligaya. Na di iba't yaong Infanta Clotilde na ang ganda't hinhin ay cauili-uili, ualang capintasang sucat pang masabi ang hirang na dilag sa pagca-babae. Caya n~ga't sa pagcatahang tatlong araw sa palacio niyong embajadang tanan, ay hindi mangyari nilang pagsauaan ang sa cay Clotildeng tan~ging carikitan. Yaong tatlong araw ay nang maganap na sa Hari ay nan~gag-paalam na sila, at nan~gagsibalic sa Reyno nang Francia at sa Haring Clovis humarap pagdaca. At ipinagsabi yaong casagutan niyong sa Borgoñang Haring pinaglacbay, at nang matapos nang canilang isaysay ang lahat, sa Hari ay sinabi naman. Na sa palacio ay nan~gatahan silang hustong tatlong araw, caya n~ga't nakita, ang dalagang ualang catulad nang ganda at ualang pangdamdam ang di maligaya. Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan anhin mo'y guinaua nang balitang camay, mata'y cung ititig at iyong pagmasdan ay bató nang pusò ang di matiguilan. Lalo cung n~gumiti't siya ay man~gusap ay isa nang toua nang magcacapalad, at cung sa pintuan siya'y lumalabas anhin mo'y ang talang bagong sumisicat. Caya caming lahat ay natitiguilan sa hindi maisip naming carikitan, sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man doon ay uala nang maca-áagapay. Bakit ang ugali't kilos nang cristiano'y totoong malinis na di gaya dito, ang man~ga babae ay di nabubuyo tungcol sa lalaking makihalobilo. Sapagca't ang anyo nang man~ga binyagan ay iba sa ating man~ga inaasal, ang man~ga babae ay iniin~gatan ang puri't salamin ang siyang cabagay. Yaong camahalan nang canilang ayos maguing pan~gun~gusap at sa man~ga kilos, anopa't cung ating man~ga-papanood bulaan ang hindi maganyac ang loob. Ang man~ga balitang yao'y nang mabatid nabihag ang pusò nang Haring si Clovis, doon cay Clotildeng balita nang dikit namahay sa pusò ang laking pag-ibig. Di na natahimic yaong calooban at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay, dahil cay Clotildeng baca di macamtan sa pagca at siya ay hindi binyagan. Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis nang man~ga balita na embajadores, parang namamalas sa caniyang titig yaong cay Clotildeng cagandahang labis. Uupo't titindig noo'y tututupin saca magbubuntung hinin~gang malalim, hindi mapaghulo anhin mang isipin ang lalong mabuting paraang gagauin. Sa bagay na yao'y cusang namalagui siya, sa lubos na pagdadalamhati, ualang matutuhang lunas na ipaui sa gayong pagsintang ikinalugami. Caya't napilitang sumanguni siya sa paham na Conde Aurellano baga, pagca't sa mag-isip ay lubhang sanay na cung caya n~ga yaon ang siyang pinita. Aniya'y Conde Aurellano'y icaw ang siya cong lubos na inaásahan, na siyang sa akin ay tutulong bilang sa matinding dusang aking pinapasan. Dahil sa balitang Infanta Clotilde na taga Borgoñang hirang na babae, ay siya cong nasang maca-isang casi caya isipin mong paraang mabuti. Ito n~ga ang sanhing di co icaidlip sa araw at gabi di icatahimic, huag mong payagan di camtan nang dibdib yaong si Clotildeng pinaca-iibig. Sapagca't icaw ang totoong magaling umisip nang man~ga paraang gagauin, caya ang lubos mong caya ay gugulin sa cahirapang cong di macayang bathin. Ano'y nang madin~gig ang sinabing ito nang bantog na Conde na si Aurellano, ibig na sauayin sa pagca at moro mahirap maibig nang isang cristiano, N~guni't siya nama'y tantong nan~gan~ganib na baca ang Hari ay magdalang galit, caya ang uinica'y iyong itahimic Hari, ang loob mo't aco'y mag-iisip. Upang tamuhin mo ang sa pusong nasâ ay lilinin~ging co ang paraang pauâ, anang Hari nama'y icaw ang bahala't tanang cailan~gan ay nang maihanda, Ang mahal na Conde ay napaalam na at siya'y omuui sa tahanan niya, inisip ang lalong paraang maganda na macaulayaw ang bunying Infanta. Sa gayong caniyang man~ga pag-lilining nacatuclas niyong paraang gagauin, na icausap sa himalang ningning caya't sa palacio'y naglacbay noon din. Hari co aniyang macapangyarihan aco'y mayroon nang maguiguing dahilan, pagca't sa veinte cinco nitong buan nang Diciembre, Pascua nang man~ga binyagan. May ugali yaong Infanta Clotilde na maglimos siya sa man~ga pulubi, yaon n~ga ang siyang panahong mabuti na ang ating nasa'y malapit mangyari. Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin cun ano ang ating cacailan~ganin, na nauucol mong doon ay taglayin sa Reynong Borgoñang iyong tutun~guhin. Tugon niyong Conde na si Aurellano ay isang singsing po ang ipagaua mo, na guintong dalisay saca ang retrato mo'y siyang tampoc na ilagay dito. Gayong cailan~gan ay nang maisaad sa mahal na Haring agad na guinanap at iba pang man~ga cailan~gang dapat sa pagsasacdalan n~g sa Haring hirap. Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na tinun~go nang Conde ang Reynong Borgonya pagca't malapit nang dumating ang Pascua niyong pan~gan~ganac sa nacop sa sala. Di lubhang nalaon yaong paglalacbay ang Reynong Borgonya'y cusang niyapacan, at doon naghintay na may ilang araw nang sayang ugali nang cacristianuhan. Niyong sumapit na ang aveinti-cinco na capan~ganacan sa Divino Verbo, na inuugali nang man~ga Cristiano na puspos ang sayá sa araw na ito. Sa gabing visperas nang nasabing Pascua na pinan~gan~ganlang bagang Nochebuena, doon sa Simbaha'y gagauin Misa Infanta Clotilde'y pilit magsisimba. Ang pag Mamaytinez ay bago iraos sa man~ga pulubi siya'y maglilimos, Conde Aurellano ay doon lumahoc sa man~ga pulubi't siya'y nakiayos. Caya't nang dumating ang bunying Infanta na may dalang supot na pang limos, baga, nang casalucuyang namamahagui na nakihanay naman ang Conde pagdaca. At noong siya na ang linilimusan ay agad humalic sa Infantang camay, cay Clotilde namang nahalatang tunay na hindi pulubi siya't taong mahal. Nagualang kibo na't nang hindi mahayag Misa'y nang matapos ay ipinatauag, ang Conde, at niyong dumating sa harap malubay na galit ang ipinan~gusap, ¿Bakit ca gumaua (anya) nang ganito na pinan~gahasang hagcan ang camay co, ang cadahilana'y ipatalastas mo sampon nang pan~galan cun icaw ay sino. Ang tugon nang Conde ó Infantang mahal Aurellano po ang aking pan~galan, sinugo nang Haring sa iyo'y ialay ang singsing na tanda nang sintang dalisa'y. Nang sa cay Clotildeng abutin nang titig may larauang sinsing nang Haring si Clovis, (aníya'y) paano ang aking pag-ibig siya'y di Cristiano't di co capanalig. Ang sa Condeng tugo'y huuag manimdim ca cung tungcol sa gauang pagsampalataya, tunay na hindi makikialam siya caya n~ga hindi ca sucat na man~gamba. Sandaling nag-isip sa gayong sinabi ang hiuagang gandang Infanta Clotilde, mahinahon niyang dinidilidili ang cahihinatnang huling pangyayari. Tan~gi dito'y di co magagaua naman ang aking sariling man~ga calooban, aco'y may amaing dapat pagsabihan lalo't sa ganitong may halagang bagay. Tangapin mo na po ang sagot nang Conde ang sinsing na itong tanda nang pagcasi, at sa amain mo'y bahàla na caming na mag embahadang sa canya'y magsabi. Mabatid ang gayon nama'y tinangap na ang regalong sinsing nang Hari sa Francia, ang sa Condeng uica ay n~gayon (aniya) sa Francia ay Reynang kikilalanin ca. Sa sinabing yaon ay di umiimic ang bunying Infanta't parang di narin~gig, at ualang halaga sa caniyang isip yaong caran~galang bagay na binanguit. Tunay na ualanguala sa loob niya nasa'y cung sa Hari siya'y macasal na, ay maguing binyagan ang Reyno nang Francia't sa totoong Dios ay magsikilala. Magandang adhicang lubos na panimdim ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin, ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing ay napaalam nang toua ay sabihin. Nang siya'y dumating sa Reyno n~g Francia ang uica sa Hari icaw po'y magsayá, pagca't ang larawan mo po'y tinangap na nang pinaglacbay cong irog mong Infanta. Lugod ay sabihin nang Haring si Clovis ang cay Aurellanong uica'y nang madin~gig, at biglang napaui sa caniyang dibdib yaong calumbayang di icatahimic. Ipinatauag nang lahat ang guinoo sa sacop nang Corte nang caniyang Reyno, dumating na lahat naman sa palacio yaong tanang piling man~ga Caballero. Sa Haring cay Clovis nang maharap sila (aniya) ay cayo'y caya co pinita, gumayac n~gayon din cayong para-para at mag si paroon sa Reynong Borgonya. Ipamanhic niniyo sa cay Agabundos na Hari, nang boong pacumbabang loob, na marapatin nang caniyang itulot ang Francia't Borgonya'y magcaisang lubos. Ang lalong mabuting man~ga pan~gun~gusap sa cay Agabundos ang siyang isaad daanin sa man~ga magandang hicayat upang mahinahong siya ay pumayag. Tanang cailan~gan ay iguinayac na at nan~gagsilacad noon din pagdaca, di lubhang nalaon ay dumating sila sa canilang tun~gong Reyno nang Borgonya. Sila'y nagsipanhic sa palacio real at nagbigay niyong boong cagalan~gan Haring Agabundos ay gumanti naman tuloy pinaupo silang calahatan. Nang man~ga licmo na'y saca inusisa niyong paglalacbay cun anong adhica, anang embajahada'y ang boong payapa sa camahalan mo ang ipinag sadyá? Ang utos sa amin nang Haring si Clovis sa iyong sanghaya'y aming ipamanhic, na marapatin na nang mahal mong dibdib Francia at Borgonya naua'y magcasanib. Maguing isang hiyas n~g Reyno n~g Francia Infanta Clotilde ang kilanling Reyna, sa Hari't saca sa tanang sacop niya ay isang dakilang turing na ligaya. Haring Agabundos ay niyong mabatyag ang sa embajadang man~ga pan~gun~gusap, (aniya'y) paano ang aking pagtangap si Clovis, ay gentil na aking talastas. Ang sagot nang piling man~ga embajada icáw po ay huag na mag-ala-ala, cung tungcôl sa gauang pagsampalataya ay di mangyayaring sisirain niya. Saca tan~gi ditoy ang man~ga ligalig nang Francia't Borgonya ay matatahimic, at mag-iisa nang damdamin ang dibdib at maiilagan ang pagcacaalit. Dirin hamac namang pan~gan~gahasan pa nang cahima't sino ang Francia't Bogonya, sa pagca at mapagtatalastas nila na iisang loob ang Reynong dalaua. Ani Agabundos ay mangyayari yaong hiling niniyo na ipinag sabi, saca di papayag yaong si Clotilde na sa di Cristiano'y makiisang casi. Nang sa tesorerong madin~gig ang saad ay kinuha yaong lalagyan nang hiyas, nang bunying Infanta't sa pagcacaharap nang Hari, at man~ga consejong lahat. Cay Agabundos n~gang tunay na namasid sinsing na mayroong larauan ni Clovis, na sa cay Clotildeng inin~gatang tikis caya n~ga at siya ay nag bagong isip. (Aniya) ay yamang akin nang nanuynoy na ang pamangking co'y maycusang pag-ayon, aco ay uala nang masasabing tugon cundi ang sumama siya't siyang ucol. Ipinatauag din namang ualang liuag ang pamangkin niya't pagdating sa harap, n~gayon din (aniya) icaw ay gumayac paroon sa Francia't tuparin ang usap. Sa sinabing yao'y ang bunying Infanta ay gumayac naman noon din pagdaca, lumuhod sa harap nang amain niya't humin~ging bendicion at napaalam na. Cay Agabundos din na pinasamahan sa lahat nang Dama ang pamangking hirang, lumacad na sila na hindi naliban at ang Reynong Francia ang pinatun~guhan. Nang dumating doo'y sinalubong sila niyong buong Reyno nang dakilang sayá, sigaw ay mabuhay mabuhay ang Reyna na capayapaan nang Francia't Borgonya. Ang Haring si Clovis ay sumalubong din na caguinoohang madla ang capiling, caya't nang makita ang himalang ningning ang toua nang pusò ay ualang cahambing. Niyong dumating na sa palacio real ay saka ginanap n~g kinabukasan ang inuugali nilang pagcacasal na caacbay sampon n~g caguinoohan. Boong Reyno nama'y nag-aalay n~g saya tanda niyong ganap na paggalang nila, sa boong casulocsulucan nang Francia ay namimintuho sa canilang Reyna. Ang oras n~g gabi ano'y n~g dumating n~g mahihiga na Reyna'y nanalan~gin n~g casalucuyan n~g pananaimtim sa Dios, ang Hari lumapit sa siping. Saca ang uinica'y casing minamahal at pan~ginoong cong pinaglilingcuran, humiling nang iyong maibig na bagay at tunay na hindi kita masusuay. Ualang minimithi aco anang Reyna cundi ang icaw ay sumampalataya, sa iisang Dios na tatlong Persona na uala sinomang lalalo pang iba. Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan at siya ang Dios na ualang capantay, tan~gi sa tayo'y caniyang linalang sa salang minana'y siya ang humadlang. Tanang man~ga Dioses na sinasamba mo iya'y pauang lic-ha lamang n~g Demonio. siyang dumadaya sa lahat n~g tao, upang macaramay nila sa Infierno. Sa dahilang sila ay pinarusahan n~g Dios, at ayon sa capalaloan, sa adhica nilang sa Dios mapantay ang napala'y hirap magpacailan man. Caya n~ga sa iyo'y isinasamo co na lisan ang Dioses na sinasamba mo, at talicdan mo na iyang pagca moro at iyong harapin ang pagkikristiano. Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay sa lan~git, ay buhay namang ualang hangan, ang nasa loob nang cay Cristong bacuran at sundin ang utos ay gloriang cacamtan. N~gun'i yaong man~ga aayaw pabinyag dusa sa Infierno'y siyang malalan~gap, at ang sa totoong Iglesia'y lumabas ay sa Infierno ri't lalan~gap n~g hirap. Sa bagay na ito ay cung mabinyagan icaw, at gayon din ang lahat mong caual at sundin ang utos n~g Dios na mahal upan ding matamó ang payapang bayan. At ipatayo mo uling panibago ang man~ga Simbahang ipinasira mo, at ihin~ging tauad ang lahat nang ito sa iisang Dios na Personang tatlo. Isa pang samo co ay iyong sin~gilin ang ari n~g aking Amang guiniguiliw sa cay Agabundos na aking amain na siyang humatol cay Amang patain. Ang di catuirang canyang guinaua lubos cong sa Dios ipinabahala, ang cay Clovis namang binigcas na uica ang unang hin~gi mo'y mabigat na lubha. Di n~ga maaamin niyaring calooban na ang man~ga Dioses ay aking talicdan at lubhang marami akong cautangan na caloob niyang man~ga bagay bagay. Animo'y Dios mo ang aking sambahin at ang man~ga Dioses ay aking limutin, ay iba nang bagay ang iyong hilin~gin at tunay na hindi kita susuayin. Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad ay cagalin~gan mo cung caya co han~gad, n~guni't cung sa iyo ay minamabigat tungculin co lamang na ipatalastas, Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha nang lahat nang bagay maguing lan~git lupa siya'y tumigil na't di na nagsalita at ang usap nila'y napayapang cusa. At n~g maumaga Hari ay nag-utos sa embajadores na caniyang lingcod na sila'y humarap sa cay Agabundos at sabihin nila na ipagcaloob. Ang lupa n~g Reyna at ang m~ga bayan na minana bilang sa Amang namatay at inyong hintayin yaong casagutan cung ibibigay niya ó caya hindi man. Man~ga embajada pagdaca'y lumacad at cay Agabundos sila ay humarap, nang dumating doo'y ipinatalastas ang bilin nang Haring Clovis na nag-atas. Niyong maunaua yaong cahilin~gan sa cay Agabundos namang ibinigay, ang ucol na mana nang pamangking hirang at ang pagtatalo'y upang mailagan. Tanang casulata'y nang maigauad na ay napaalam na yaong embajada, at sila ay agad nagbalic sa Francia't na Haring nag-utos ibinigay nila. Iguinauad   naman nang Reynang butihin yaong casulatan caya't nang malining, ay napasalamat at ualang hilahil na ibinigay nang tunay na amain. Man~ga pagsasama'y lubhang mahinusay at nagsusunuran silang malumanay, pan~gaco ni Clovis ay guinagampanang sa sampalataya'y di makikialam. Cay Clotilde namang laguing hinihiling sa Dios, cung siya ay nananalan~gin, na ang calooban ay paliuanaguin nang asaua't iuan yaong pagcahintil. Di lubhang nalaon niyong pagsasama ay isang lalaki yaong naguing bun~ga, Hari ma'y aáyaw na binyagan niya ay inamo rin n~ga nang sabing maganda. Sa gayong caniyang man~ga paghicayat ay napilitan ding Hari ay pumayag, bininyagan na n~ga't n~galang itinauag ay si Rosalino sa bugtong na Anác. Ang toua nang Reyna ay di ano lamang at ang hiling niya'y cusang pinayagan, n~guni't nang dumating ang icatlong araw bata'y nagcasakit at nakitlang búhay. Caya ang uinica nang Haring si Clovis sa Reyna cun icaw lamang ay nakinig, na huag binyagan at sa aking Dioses ay iyong ialay at doon manalig. Sangol ay di sana búhay ay nakitil at ualang pagsalang canyang aamponin, ang sagot nang Reyna cung sa ganang akin ay di dinaramdam nang pusò't panimdim. Bagcus nagpupuri't nagpapasalamat aco, sa Dios na lumic-ha sa lahat, na ipinagsama't cusang minarapat sa bayang payapa nang Santos at Santas. Yaong unang bun~ga nitong aking tiyan caya n~ga hindi co ikinalulumbay, at tunay na aco'y di macasusuay sa balang caniyang maguing calooban. Malibang panahon ay muling nagbuntis ang Reyna Clotilde sa aua nang lan~git, n~guni't lalaki rin yaong sa pag-ibig nila'y naguing bun~ga na aliw nang dibdib. Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan n~guni at sa Reynang pinakiusapan, caya't sa pagsamong lubhang malumanay nang Reyna sa Hari, ay umayon naman. Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad noon din ang bata'y bininyagang agad, at Sigesmundo ang n~galang itinauag nang Rey sa Clotildeng loob na banayad. Cun anong talaga niyong calan~gitan ay nang macaraang may ilan nang araw, na yaong Príncipeng bata'y mabinyagan ualang ano-ano nama'y nagcaramdam. Na paulit-ulit at di mapagaling caya n~ga't ang asa ay mamamatay rin, ang uica nang Hari sa Reynang butihin cundan~gan ayaw cang makinig sa akin. Uica co sa iyong huag mong binyagan at baca ito rin ang siyang caratnan, sapagca't ang gauang iya'y nalalaban sa Dioses, cung caya kita'y sinasanay, Pag-iya'y namatay na gaya nang una ay lubos na icaw ang siyang maysala dahil sa sabi cong ayaw makinig ca ang Dioses sa iyo'y galit nang talaga. Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing, ang Anác mong iya'y cung ibig patain ualang kisap matang búhay ay makitil. Cung ibiguin niya naman ang mabuhay mangyayari cung caniyang calooban, at tunay na siya ay may carapatan caya n~ga dapat mong sampalatayanan. Icaw n~ga sa caniya ay magmacaaua nang upang ang galit sa iyo'y mauala, nang iyang Anác mo'y gumaling na cusa ang tanang biling co'y ganapin mong biglá. Ang butihing Reyna ay di umiimic ala-alang baca Hari ay magalit, caya n~ga't sa Dios ay inahihibic na pagalin~gin na ang Anác na ibig. Upang yaong maling pagsampalataya nang Haring si Clovis na sintang asaua, ay di manatili nang man~ga pagsamba sa man~ga Idolo na ualang halaga. Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot sa Hari at baca ang Anác na irog, ay di guminhaua't búhay ay matapos caya di mapalagay ang caniyang loob. Yaon ang dahilang di icagupiling at laguing sa Dios ay idinadaing, na ipagcaloob nauang pagalin~gin ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw. Saca sa asaua'y isinamo naman na ipagpagaua siya nang Simbahan, na laang caniyang pananalan~ginan sa Dios na Amáng macapangyarihan. Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna ay sinunod naman nang sintang asaua, sa dagling panaho'y nagpagaua siya ayon sa pagtupad nang pan~gaco niya. Hari palibhasa ang siyang may atas ang nan~gagsigaua'y daming dili hamac, caya't nayari rin namang ualang liuag ang Simbahang hiling nang Reynang marilag. Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining na magagaua nang doo'y manalan~gin, isang batóng marmol ay nagpacuha rin at ipinag-utos na pacalinisin. At doon sa guitna'y ipinaukit niya ang pan~galan nang Vírgen Santa María, nang mayari nama'y ipinalagay na sa guinauang Altar na itinalaga. Cusang pinag-ayos na pinakarikit at madlang pamuti ang doo'y guinamit, doon nanalan~ging taimtim sa dibdib sa n~galan nang Vírgen matá'y nacatitig. Nang pananagano nang mahal na Reyna sa Dios na Poon at Vírgen María. marami rin n~gang sa caniya'y gumaya na nagsidalan~ging nanicluhod sila. Sa pananalan~gin nang naroong lahat may nadin~gig silang voces na nan~gusap, na labis nang tinig at lubhang malacas caya't silang tanan ay nacatalastas. Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay ang lahat nang iyong man~ga carain~gan, cung magcristiano na ang Franciang calac-han ay di malulubos cahit masira man. At may binyagan ding hindi titiualag cay Cristong bacura't hindi n~ga ang lahat, at mananatili sa tunay na landas na cay Jesucristong dito'y itinatag. Cung tumalicod man sa pagcabinyagan ay ang natitira'y marami rin naman, at ang isip nila'y maliliuanagan niyong pagkilala sa catotohanan. Bagaman sa Reynang voces ay nalining ang pananalan~gin ay itinuloy rin, malumanay niyang pinacahihiling na ipagcaloob nauang pagalin~gin. Yaong caramdaman nang caniyang Anác at bigyan pa naman nang buhay at lacas, nang hindi magalit ang Haring marilag at sisihin siya niyong pagcabinyag. Caniya rin naman na iniluluhog sa di matingcalang darakilang Dios, na yaong asaua ay magbagong loob at cusang talicdan ang man~ga Idolos. Moli't moli niyang ipinananaing sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen. dinin~gig din yaong caniyang dalan~gin ang sakít nang bata ay biglang gumaling. Lumacas at yaong cataua'y humusay na anaki parang nagdahilan lamang, Hari ay nagtaca sa ganoong bagay at inaasahan na niyang mamamatay. Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac at hindi masayod ang panguiguilalas, gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat ang caniyang pusong malabis nang tigas. Tunay at lubos din yaong pananalig sa caniyang man~ga sinasambang Dioses, at di rin nanglumay yaong batóng dibdib doon sa malaking biyayang namasid. Patuloy ang dating camalian niya sa lihis na gauang pagsampalataya, nang nananahimic ay caracaraca ay dumating yaong sugong embajada. Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis ang canilang layon ay ipinagsulit, anila ay cami inutusang tikis niyong aming Haring sa tapang ay labis. Na namamahala sa Reynong Italia at dalauang bagay yaong hin~gi niya, ialay n~gayon din ang Cetro't Corona ó ang pasalual tayo't magbatalla. Caya magnilay ca't iyong pag-isipin ang capahamacang iyong sasapitin, cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim na casacunaa'y siyang tatamuhin. Ang sa Haring Clovis namang casagutan ang corona't cetro'y di maiaálay, at doon sa campo cayo ay maghintay at lalabas caming hindi maliliban. Napaalam na n~ga yaong embajada anila'y maglucsa na n~gayon ang Francia, sa buhay na man~ga mapapalamara na man~ga-aamis sa pagbabatalla. Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot na canilang Haring nagbigay nang utos, anila'y hintayi't dito'y maglalagos at natatalagang sila'y makihamoc. Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca nang Haring si Clovis ang basallos niya, at niyong matipo'y ipinabilang na cay Aurellano na General baga. Cabilan~gang lahat nang man~ga soldado'y hustong isang daan at tatlumpong libo, ibig din matanto nila cung gaano yaong cabilan~gan nang calabang dayo. Ang guinaua nama'y nagpabihag siya nang isang soldado nang taga Italia, na nagsisilibot sa caharian nila at yaon ang siyang inusisa baga. Na ang cabilan~gan nila'y cung gaano na makikibaca na laang soldado, (aniya) ay caming nan~gaglacbay dito'y hustong cabilan~gan ay limangpung libo. Matapos sabihin ang ganoong bagay soldadong binihag nila'y pinaualan, at natanto nilang cacaunti lamang ang man~ga cristiano na macacalaban. Inilacad nan~ga ang canilang tropa at sampon nang Haring Clovis ay casama, tinun~go ang lual nang man~ga cabaca at nan~gag-ayos na ang isa at isa. Makita nang Hari yaong caramihan nang soldado niyang makikipaglaban, at yaong Cristiano ay cacaunti lamang caya't mananalo na inaasahan. Nagsagupa na n~ga ang hukbong dalaua at pinasimulan yaong pagbabaca, man~ga lobong gutom ang siyang capara nang pagpapamooc nang isa at isa. Pagcapalibhasa'y ang man~ga cristiano ay nan~gananalig sa totoong Dios, na pinagtitibay sa canilang loob caya n~ga't ang tapang ay lubos na lubos. At ang Hari nama'y nanalan~ging cusa sa Dios at lubos na napacalin~ga, at buong-buo niyang ipinaubaya sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha. Hinihin~gi niyang bigyang calacasan ang caniyang campon sa pakikilaban, upang makilala ang Dios na tunay at ang pagca moro'y canilang talicdan. Sa di naglulubag na pagpapamooc nang dalauang hucbong cakilakilabot, ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog nang taga Franciang cay Clovis na sacop. At di macasahò nang pakikilaban at nan~gagagahis nang man~ga binyagan, bagaman at sila'y totoong macapal ay lubhang marami naman ang napatay. Nang sila ay man~gagcatiua-tiualag doon sa canilang man~ga paglalamas, ay napilitan din na cusang tumacas ang Haring si Clovis sa malaking sindac. At tinun~go niya yaong cagubatan at doon nagtago sa tacot na taglay, at doon na lamang niya tinatanaw ang caniyang campong nakikipaglaban. Saca sa malayo ay minalas niya ang caniyang campong nakikipag-baca. ay tunay na nan~gagsisipanglumay na at di na magauang makipaglaban pa. Totoong marami ang man~ga napatay na pauang guinahis n~g man~ga caauay, caya't caramihan ay binibitiuan ang man~ga sandata at nagtatacbuhan. Nang makita ninya ang ganoong ayos ay tantong nasira ang caniyang loob, sa caniyang campong nagcasabogsabog at ualang magaua nang pakikihamoc. Dito na sinisi't cusang pinaglait ang caniyang man~ga sinasambang Dioses, (aniya) ay sayang n~g aking malabis na suyo sa inyo't man~ga pananalig. ¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaan at hindi gamitin n~gayong cailan~gan ano't natitiis at binabayaan ang man~ga campong co at hindi tulun~gan? Sa pakikibaca't upang di maamis tanang vasallos co na iyo ring cabig, saclolo mo'y ano at ikinacait n~gayong cailan~gan sa pakikicaliz. Bakit n~gayo'y parang di mo dinaramdam na nan~galulupig nang m~ga caauay, ang cabagsican mo naman ay nasaan at hindi gamitin sa ganitong araw. Sayang n~g lahat cong man~ga paggugugol sa inyo't pagsambang mahabang panahon cung aco ay datnan pala n~g lingatong ay di ca mangyari namang macatulong. Nang casalucuyang siya'y nagagalit na pinagmumura yaong man~ga Dioses, ualang ano ano ay siyang paglapit nang ilan sa caniyang man~ga Generales. At ang uica'y Haring pan~ginoon namin cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin, ayon sa ganitong pagcasahol natin caya mahinahong icaw po'y malining. Isinagot naman nang Haring si Clovis na ang voces niya'y tantong nan~gin~ginig, cun anong mabuting inyong iniisip sabihin n~gayon di't nang aking mabatid. Cay Aurellanong uica ay dahilan sa napagsasapit nang iyo pong caual, ualang calahati ang man~ga binyaga'y cung bakit sila pa ang nagtatagumpay. Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas at capangyarihang magagauang dapat, ay di babayaan niyang mapahamac ang caniyang campon sa pakikilamas. Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan, cung sila'y may ganap na capangyarihan panahon na'y bakit hindi saclolohan. Caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde, ay siyang sambahi't doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili. At tunay n~gang siyang Dios na totoo yaong sinasamba nang m~ga Cristiano, siyang sa canila ay sumasaclolo caya n~ga ang hiling n~g Reyna'y sundin mo. Siya ang lubos mong sampalatayanan n~g taos sa puso at siyang tauagan, at nang upang ating camtan ang tagumpay sa ang campon mo po'y bigyang catapan~gan. Matapos ang gayong man~ga pan~gun~gusap ang ulo nang Hari tambing itinaas, man~ga vasallos niya ay cusang namalas na nagtatacbuha't ang tun~go'y sa gubat. Ipinagtatapon ang man~ga sandata at nag-uunahang man~gagtago sila, sapagca't maraming nan~gapapatay na na nalulugami sa pakikibaca. Caya n~ga ang luha niya ay dumaloy sa pagcapahamac nang caniyang campon, pinasisimulan na ang man~ga pagtaghoy at pamimintuho sa Dios na Poon. Mataimtim niya na sinasamahan nang sampalatayang totoong matibay, na taos sa pusò niya't calooban gayari ang uicang man~ga sinasaysay. ¡O Pan~ginoon co aniyang Jesucristo na Anác nang isang Dios na totoo, icaw ang sinasampalatayanan co at lubos ang aking pag-asa sa iyo. Icaw ang madalas sa aking iaral nang aking asauang tunay na binyagan, cung nang una kita'y tinanguihan man n~gayon ang Dios co'y uala cundi icaw. Lubos na lubos n~gang umaasa aco sa mahal mong aua't tunay na saclolo, yamang ang sinomang paampon sa iyo sa casacunaa'y itinatangol mo. Caya sumasamong lauitan mong habag acong lumulun~goy sa mahal mong harap, yayamang sa man~ga pan~ganib at sindac, capangyarihan mo'y siyang nagliligtas. Lin~gapin mo na po't iyong isangalang sa hucbong maban~gis na aming caauay, taos sa pusò co na inaasahan ang mahal mong graciang aming macacamtan. Mabalino ca po't iyong timauain ang napipipilang calagayan namin, yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing. Pahayag nang aking asaua ay gayon caya n~ga sa iyo'y humihin~ging tulong, sa iligtas mo po't huag ding masahol sa man~ga cabacang mahiguit sa leon. At ang cabagsican ay magsipang-lumay niyong mababan~gis na aming caauay, at tunay pong aco ay magbibinyagan sampon nang lahat cong nan~gasasacupan. Ualang salang sila'y patatangaping co nang tubig na mahal nang Santo Bautismo matibay na aking pan~gaco sa iyo caya po iligtas sa sacunang ito. Lahat n~g anito'y aking tatalicdan at ang man~ga Dioses ay gayon din naman, at uaualin co na silang cabuluha't ang sasambahing co'y uala cundi icaw. Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo at man~ga mezquita n~g tanang Idolo, sa buong cahariang nasasacupang co sampong Altar nila'y gagauing cong abó. Saca ang canilang lahat na larawan ipamumunglay cong ualang caliuagan, ualang ititira ni cahit isa man at magbabago na acong calooban. Matapos ang gayong man~ga panalan~gin ang vasallo niya'y muling tinanaw rin, ay nakita niyang nan~gagsipagtiguil ang man~ga cristiano't tapang ay nagmaliw. At uala mang utos yaong puno nila ay nan~gagsiurong silang parapara sa tayo n~g dating calagayan nila niyong pasimulan ang pagbabatalla. Makita ni Clovis yaong pagcabigla nang sa Dios bagang man~ga pagcaaua lalo nang nalubos ang paniniuala sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha. Cusang nanaimtim na n~ga sa puso niya yaong matibay na pagsampalataya, na tutupdin niya na ualang pagsala ang man~ga pan~gaco na di mag-iiba. Tanang vasallos niya'y tinipong madali at sa caharian sila'y nagsioui marami mang búhay yaong nalugami n~guni't ang nanalo'y sila rin sa uri. Nang sila'y dumating sa Reyno n~g Francia ay agad sinabi sa sintang asaua, malabis ang toua nang mahal na Reyna sa himalang yaon n~g Dios na Amá. Lalo nang sabihing siya ay tatanggap nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag, caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag n~g isang Obispong cabanala'y ganap. Di lubhang nalao'y dumating sa Francia banal na Obispo na si Rami baga, niyong maharap na sa mahal na Reyna boong cagalacang nan~gagbati sila. Ang uica n~g Reyna sa Obispong mahal ang Hari po'y iyo n~gayong pan~garalan, na ipakilala ang Dios na tunay sapagca't tatangap nang pagcabinyagan. Kinacailan~gan mo pong ipatalos ang man~ga tadhana at utos nang Dios, at sa puso niya'y ikinintal na lubos yaong sa cristianong man~ga sinusunod. Sa Obispo namang sinunod pagdaca tanang cahilin~gan nang mahal na Reyna at mahinahong pinan~garalan niya ang mahal na Hari nang yamang maganda. Ipinatalastas yaong bagay-bagay na dapat asalin nang cristianong tunay, at ang isang Dios na ualang capantay na lumic-ha nitong boong santinacpan. At bagaman turing na tatlong Persona ay ang pagca Dios nila ay iisa, ualang huli't una naman sa canila at saca uala rin macapapantay pa. Siya n~ga ang Hari nang lupa at lan~git na sa carunun~ga'y ualang cahalilip, siya ring sumacop sa guinauang lihis ni Ada't ni Evang naraya ang isip. Uala ring gagauing maliuag na bagay sa caniya't yari balang maibigan, siyang nagbibigay nang caparusahan nang sa man~ga utos niya'y sumusuay. At ang gumaganti naman ay siya rin nang lan~git, sa man~ga may gauang magaling sa caniya nama'y ualang nalilihim maguing gaua't uica't iniisip natin. Nang talos n~g lahat n~g Haring maran~gal ang bagay na dapat sampalatayanan, uica n~g Obispo'y iutos mo naman na magpatayo ca nang man~ga Simbahan. Sa boong cahariang nan~gasasacop mo baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio na pagbibinyagang laan sa cristiano't siyang cailan~gan ang bagay na ito. Tuloy mo rin namang palagyan n~g Altar ang ipatatayong lahat nang Simbahan, doon sasambahin nang boong pag-galang ang Dios na Amang macapangyarihan. Palagyan mo namang larauan ang lahat nang cagalang-galang na Santa Trinidad, na sila ay tatlo sa pagca Personas at sa pagca Dios ay iisang ganap. Nang araw ring yao'y nagpatauag naman nang magsisigaua nang man~ga Simbahan at nang dumating na uica'y pasimulan ang Simbaha'y gaui't aking cailan~gan. Cayo ay humanap n~g maraming tao sa dagling panahon ay yariin ninyo, at cung matapos na ang hiling cong ito sa lahat nang baya'y magtatayo cayo. Ang gagauin ninyo ay pacatibayin at lalong maganda na pacarikitin at saca ang Altar naman ay gayon din at doon ang lahat ay mananalan~gin. Cahi't bayang lalong na sa cabunducan ay tatayuan din nang m~ga Simbahan, at tayong lahat ay man~gagbibinyagan at ang pagca gentil ay ating iiuan. Sapagca't cung hindi sa totoong Dios aco, dumalan~gin nang buong pagluhog, nalipol marahil ang tanang soldados at ang ating Reyno ay naguing busabos. Gayong pagtauag co sa ating Dioses nang ang ating hucbo ay nasa pan~ganib, ang man~ga cristiano'y lalong bumaban~gis at hindi maglubay nang pamimiyapis. Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan ay biglang humupa yaong catapan~gan, nang man~ga cristiano't agad tiniguilan ang marahas nila na man~ga pagpatay. Doong co natantong pauang sinun~galing ang man~ga Idolong sinasamba natin, caya mula n~gayo'y ating lilisani't Dios nang cristianong ating sasambahin. Tanang inutusa'y agad nagsilacad hiling na Simbahan ay guinauang agad, ang Haring si Clovis ay moling nag-atas noon din sa man~ga campon niyang lahat. Na huag maliban at sunuguing pilit ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses, at tanang Idolo't tadhanang mahigpit magpahangang bundoc ay pugnauing tikis. Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos tanang inutusa'y agad nagsisunod, ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop. Saca nang mayari naman ang Simbahan ang Haring si Clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'y tumangap nang pagcabinyagan. Obispong S. Rami ang siyang buminyag sa mahal na Haring nagtamo nang palad, at si Clodoveo n~galang itinauag nang pagca cristianong caniyang tinangap. At nang papahiran nang mahal na crisma na ayon sa utos nang Santa Iglesia, ay isang himala ang nakita nilang biyayang caloob nang Dios na Amá. Isang calapating sa lan~git nagmula na sacdal nang puti na catua-tua, na sa loob niyong Simbahan bumaba at isang redomo ang taglay sa tuca. Na punó nang lana, ó crisma ang tauag na pauang nakita nang naroong lahat, sa loob nang Templo, caya't natalastas ang himalang yaong canilang namalas. Siyang ipinahid nang bunying Obispo sa mahal na Hari na si Clodoveo, ang crismang sa lan~git nagmulang totoo na padala niyong Amang masaclolo. Ano pa't nabantog sa boong caharian ang himalang yaon nang Dios na mahal, na kilala nila ang capangyarihan nang tunay na Dios na ualang capantay. Caya n~ga't ang tanang guinoo sa Francia pinagcayariang sang-usapan nila, ang balang mag Hari na sinoman siya siyang gagamitin ang himalang crisma. Mula noo'y siyang naguing calacaran na sa maghahari gagamitin lamang, yaong n~ga ang siyang pinagcaratihan mula pa sa unang nayaring usapan. Caya't magpan~gayon ay naroron pa redomang sa lan~git ay nangaling bagá, na kinalalagyan nang mahal na lana doon cay S. Raming Simbahang talaga. Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan yaong boong Reyno'y isinunod naman, ipinaunauang lubhang malumanay ang man~ga biyaya, niyong calan~gitan. Doon sa pagtangap nang agua Bautismo na caugalian nang man~ga cristiano, na ang pagbibinyag ang tandang totoo na nasa loob nang bacuran ni Cristo. Siyang pumapaui niyong casalanan na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan, at ipagtatamo niyong calan~gitan na cung baga banal na sila'y mamatay. Gayon din ang madlang utos na susundin at ang cababaang loob na gagauin, na nauucol n~gang dapat ugaliin at ang man~ga kilos na sucat asalin. Dapat naman nilang pain~gat-in~gatan ang ayos at bucang bibig na mahalay, at yaon ang siyang kinasusuklaman n~g Dios na ualang hangang carunun~gan. Cailan~gang sundin n~g man~ga cristiano ang aral na lagda n~g Poong si Cristo, nang panahong siya'y dirito sa Mundo na magagaling na capalarang nalo. Ang pagcacasala'y ating catacutan at di nating talos yaong camatayan, cung tayo ay datning na sa salang mortal hirap sa Infierno ang pilit cacamtan. Cung culan~ging palad na doon mabulid ay ano pa caya ang mapagsasapit, gaano mang gauing sisi at pagtan~gis ay uala nang daang doo'y macaalis. Haring Clodoveo ay nang binyagan na at maguing cristiano yaong boong Francia, doon nila lubos na napagkilala ang man~ga ugali't kilos na maganda. Doon din n~ga naman nila nasunduan ang tunay na landas nang capayapaan, at sila ay tambing namang kinasihan n~g gracia nang Dios na Poong Maycapal. Sampong man~ga bata'y guinising ang loob pagdaca sa gauang umibig sa Dios, cung matutuhan na'y saca isusunod yaong paghahanap buhay na maayos. Hindi nagnanasa sila niyong pilac na ang pagmumulan ay masamang hanap, at kinikilalang sa Dios sy labag ang ganoong gauang di carapatdapat. Di masayod yaong canilang catuaan sa pagsusunurang lubhang malumanay, at ang mapayapa nilang pamumuhay sa pagca-cristiano'y cusang nasumpun~gan. Nacaaakit pang lalo sa canila ay ang cahinhinan n~g mahal na Reyna, at ang cabaitan nilang nakikita ang siyang totoong nacaliligaya. Gayon din ang Hari na si Clodoveo na naguing uliran n~g lahat n~g tao, sa binilóg bilog nang canyang Reyno yaong cabutihang loob na totoo. Iisang caniyang palagay sa madla maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha, sa man~ga may dan~gal maguing sa timaua ay uala isa mang turing na inaba. Sabihin ang toua nang lahat nang sacop sa cay Clodoveong magandang pasunod, caya n~ga't ang Francia'y totoong na bantog niyong cabaitan umibig sa Dios. Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay nang canilang taglay na caugalian, at cung mag-utos man sila'y malumanay sa lahat nang campong nan~gasasacupan. Mulang yaong Francia ay maguing cristiano ay naguing kilabot niyong man~ga moro, at cusang natanyag ang pagca-guerrero lalo nang mag Hari ay si Carlomagno. At si Clodoveo'y nang tumanda na siya ang corona't cetro ay isinalin na, doon n~ga sa Anác niyang sinisinta na bunying Príncipe Sigesmundo baga. Haring Sigesmundo'y namahala naman na lubhang maayos sa nasasacupan, at isa ring tan~gi na kinaguiliuan nang lahat nang caniyang pinaghaharian. Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y dalauang lalaking una'y Hilderico, at ang icalaua'y Principe Pepino na sila sa Francia'y bilang heredero. Haring Sigesmundo ay niyong mamatay si Hildericos ang humalili naman, na ang Haring ito ay totoong banal at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay. Caya hindi niya macalin~gang lubos ang Reyno, at ualang laguing na sa loob cundi ang dalisay niyang paglilingcod sa di matingcalang darakilang Dios. At nang manatili sa bagay na ito ay pumasoc tuloy na mag Religioso, at cusang linisan ang bagay sa Mundo daang pa sa lan~git ang siyang tinun~go. Yaong paghahari ay cusang linisan nang mapambulos yaong calooban, nang pananagano sa Dios na tunay na may lic-ha nitong buong sangtinacpan. At alam n~ga niyang ang lahat nang tao ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo, ang dan~gal at yama'y cahima't gaano lilisani't pauang catulad ay asó. Capagbinaui na ang búhay na hiram nang Dios na Amáng tunay na lumalang, ang cahima't sinong ualang cabanalan hirap sa Infierno ang cahahanganan. Lahat namang yaon palibhasa'y talos nang banal na Hari na si Hildericos, caya n~ga't uinalang bahala sa loob yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc. Upang ang pusò niya ay huag malibang sa handog nang Mundong malicmatang layaw, ay cusang lumigpit at nang masunduan yaong ualang hanga na caligayahan. Matanto nang tanang man~ga consejeros yaong guinaua nang Haring Hildericos, sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos. Pinagca-isahan nang man~ga consejo na mag Hari yaong Príncipe Pepino, at ang casipaga'y ganap na totoo sa pamamahala nang tungcol sa Reyno. At sagana naman cung sa catapan~gan caya't siya nilang pinagcaisahan, nang magca-ayos na sa gayong usapan sa Papa'y inisip na magbigay alam. Caya't naghalal nang embajada't agad na pinaparoon sa Papa Zacarias, at ipinasabi cun alin ang dapat na maghari bagang sa Reyno'y maghauac. Na cung ang may tapang at cáyang sagana at may tan~ging sipag sa pan~gan~gasiua, nang Reyno, at ganap sa pagcacalin~ga at di nagtataglay nang pagpapabaya. Oh ang isang Haring na sa loob lamang yaong pagca-hari't ang nasasacupan, ay di calin~gai't pinababayaan ayon sa pag-gaua niyong cabanalan. Lumacad noon din yaong embajada at agad humarap sa mahal na Papa, at sinabi yaong utos sa caniya na cung nararapat ang gagauin nila. Na ang Hari nila na si Hildericos sa pananalan~gin ay hilig ang loob, lagui nang ang puso lamang ay sa Dios ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos. Caya't ilinagay nang man~ga consejo na Hari ay yaong Príncipe Pepino, at may sadyang tapang ang Príncipeng ito at masipag namang mag-ayos nang Reyno. Yamang capua rin heredero sila nang corona't cetro nang Reyno nang Francia, caya ang consejo'y pauang nagcaisang Príncipe Pepino'y siyang magcorona. Matanto nang Papa ang ganoong saad napaayon nama't cusang minarapat, ang mapag-alaga aniya't masicap sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac. At ang gumaganap nang pagca-justicia, at sa nasasacop ay macalin~ga pa, yaon n~ga ang siyang tunay na maganda na mag-Hari't siyang lubos na may caya. Matanto ang gayong man~ga casagutan nang Papa, ay agad namang napaalam, yaong embajada't nang siya'y dumatal sa Francia'y sinabi yaong casagutan. Pasiya nang Papa ay nang matalastas ang man~ga consejo tua'y dili hamac, magmula na noo'y ang Haring natanyag Principe Pepino na may cayang ganap. At canilang lubos na napagunaua ang sa cay Salomong man~ga sinalita, na ang isang Haring mapagpaubaya ay matatamarin ang sacop na madla. Mabuti ang isang Principeng masipag na sa caharia'y marunong lumin~gap, laguing naguiguising ang pusò nang lahat at cung cailan~ga'y madaling igayac. Pinahiran na n~ga n~g mahal na crisma na galing sa lan~git na nasa redoma nang bunying Obispong S. Esteban bagá't ang boong caharian naman ay nagsaya. At mula na noo'y pinagcayariang ang Hari sa Francia ay manamanahan at tungcol babaye ay huag payagan na siyang mag-hari cahima't caylan. Cahit sinong puno sa ibang lupain huag naman nilang papan~ginoonin, ang gayong usapa'y guinananap na tambing pasiya n~g lahat na siyang susundin. Ang Haring Pepino'y nag-asaua naman sa cay Reyna Berta na dugo ring mahal. Anác n~g dakila na si Herlin Cesar sa man~ga romanong bilang caauaan. Haring si Pepino Anác ay dalaua na si Carlomagno ang pan~ganay niya, at ang icalaua'y Princesa Lamberta na sulang maningning n~g Amá at Iná. Niyong tumanda na ang Haring Pepino nahalili naman ay si Carlomagno, siya n~ga ang naguing kilabot n~g turco at sa catapan~ga'y nabantog sa Mundo. Ang uica ni Turping Arzobispong banal na cay Carlomagnong laguing caalacbay, ang siyang sumulat niyong casaysayan n~g cay Carlomagnong laki't cataasan. Catauan ay timbang at ayos na ayos na cung pagmalasin ay nacalulugod ang laki at taas at bayaning kilos mamamangha cahit sino mang manood. Labintatlong dangcal lagay n~g taas at tatlong dangcal ang lapad n~g balicat at tatlo pang punto, at nacagugulat cung siya'y tumin~ging may galit na hamac. At dalauang terciang lapad n~g balacang ang binti at brazo ay timbang na timbang, cung cumain nama'y macalaua lamang sa maghapo't siyang naguing cagauian. Di lubhang marami cung cumain siya nang tinapay, n~guni't sa ulam na tupa, icapat na bahaguing nacacain niya cung inahing manoc naman ay dalaua. Calacasan niya ay cagulat-gulat cung nasa cabayo ay nacabubuhat, niyong isang taong may sandatang sangcap isang camay lamang ay na itataas. Nang lampas sa ulo caya't sa batalla totoong maraming guinagahis siya, cung humatol nama'y nacaliligaya at di cumikiling sa isa at isa. Ualang inaapi na cahit sinoman lubhang maauai't malimusing tunay, cung siya'y mag-utos naman ay malubay at di nabubuyo sa di catuiran. At ang isip niya ay totoong pantas lalo na cung siya'y nakikipag-usap, at tunay na dinidin~gig niyang banayad nang upang hinahong caniyang matatap. Bago sumasagot ay pinaglilirip upang di masaui siya sa matuid, caya hindi hamac siyang nabubulid sa ban~gin nang cutya na icalalait. Si Carlomagno rin nama'y nag-asaua doon sa Princesa na si Verenisa, Anác nang guinoong Orondatis bagá na isang dakilang taga Capadocia. At si Carlomagno'y nag-anác nang anim tatlo ang babaye't lalaki tatlo rin, ang man~ga pan~gala'y na inyong malining ay isa-isa co na sa salaysayin. Principe Pepino n~galan nang pan~ganay at Príncipe Luis icalaua bilang, na siyang nag-impoc niyong cabanalan caya't si S. Luis de Franciang natanghal. Infante Carloto ang icatlo bagá ang ica-apat ay Princesa María, icalima'y yaong Princesa Rolana at si Jenaponte ang bunsong Infanta. Pinaturuan din yaong man~ga Anác nang pananandata't nang dunong na ganap, mahigpit na iniaaral na mag-in~gat sa pag-oosioso't lubos na man~gilag. Cung siya ay ualang bagay na tungculin librong cabanala'y siyang babasahin, ó luluhod caya at mananalan~gin ang pagdedevocio'y siyang uunahin. Mahiguit ang caniyang pag-aala-ala sa nan~gagdurusang man~ga caloloua, sa purgatorio't hinihiling niyang sila'y macaalis sa ganoong cusa. Kinucunan niyang halimbaua bilang ang cay S. Pablong lagdang casulatan, na sa Epistola'y doon sinasaysay ang ganitong uicang nan~gapapalaman. Balang araw aniya'y ang campon nang Dios cusang pupucauin ang canilang loob, na manaca-naca at upang iluhog ang sa purgatorio'y nagdurusang lubos. At gumagaua nang gauang cagalin~gan nang upang malayo sa tucsong caauay, na humihicayat sa capahamacan nang tayo'y mahulog sa canilang camay. Sa Reynong Akisgran at sa Alemania ay nagpatayo siya niyong tigalaua, na man~ga Simbahan, at tigalaua pa ang ipinagauang man~ga Beateria. Na pinacainam ang Simbahang ito niyong pagcayari sampon nang Convento, ipinagcaloob sa cay S. Benito niyong Emperador na si Carlomagno. At ipinatungcol yaong Beateria sa capurihan n~ga nang dalauang Santa, ang isa ay sa cay Santa Catalina at saca cay Santa Potencianang isa. Hustong-hustong lahat yaong cagayacan may Altar at sarisaring casangcapan pauang man~ga pilac at ang guintong lantay ang caliz at cupon at ang Bril naman. Bordado nang guinto ang sa Paring damit na ang pagca-ayos ay pinacarikit, anopa at cahit sino mang magmasid ay uala nang pintas na maisusulit. Ang Simhabang yaon nama'y inialay sa Vírgen Maríang man~ga capurihan, baua't isa nama'y caniyang binigyan nang haciendang siyang gugugulin bilang. Nang si Carlomagno'y macatalastas na niyong carunun~gang man~ga iba't iba, macaitlo namang dumadalaw siya sa maghapon, doon sa Simbahang sadya. Cung Domingo't fiestang pan~gilin ay lahat nang caniyang sacop ay pinatutupad, tuloy naglilimos sa nan~gasasalat nang sa cabuhayan nila'y nararapat. Lalong lalo nan~ga ang man~ga Simbahan na duc-ha at ualang sucat na pagcunan, binibigyan niya nang malaking yaman at tungcol sa Dios ang ganoong bagay. Sa bayang Cristiano cahit hindi sacop ay caniyang pinadadalhan din nang limos, maguing sa caniyang tunay na vasallos ang saclolo niya ay di nalilimot. At sa taón-taó'y nagpapadala rin nang limos sa Reyno niyong Jerusalem, at sa iba't ibang Reyno ay gayon din taglay nang caniyang pagcama-auain. Sa nan~ga sasalat na ualang pagcunan ay namamahagui niyong cayamanan, sa tanghali't siya'y cung cacain naman binabasahan nang librong cabanalan. May lector na yaon ang sadyang tungculing siyang bumabasa capagcumacain, at ang adhica niya'y dapat na busuguin nang gracia, ang man~ga caloloua natin. Cung binubusog man natin ang catauan nang man~ga pagcaing sari-saring bagay, caloloua'y dapat na pacanin naman niyong masaganang gauang cabanalan. Kinauiuilihang basahing parati ay yaong librong Divicitate Dei, sinisira niya ang tulog sa gabi at sa pagcahimbing ay di nauiuili. At sa isang tao'y macalaua bilang ang virey niya na inuutusan, na magsisiyasa't sa nasasacupang provincia't Ciudades Villa't man~ga bayan. Sa lahat nang puerto, ay inuusisa ang tungculin nila sa pag-aalaga, at cung ginagaua ang pan~gan~gasiua nang pagca-justicia sa sacop na madla. Cundi gumagaua nang man~ga pag-api sa hamac, ó maguing sauing malaki, ang pagpapalagay nila'y cung mabuti cung isa ang tin~gin sa guino't imbi. At yaong paghatol ay cung nababagay sa hustong matouid at di nasisinsay, sapagca't maraming iba ang palagay na canilang man~ga pinagpupunuan. Cay Vayceto namang man~ga pan~gun~gusap aniya'y mararaming aliping pan~gahas, sa pan~ginoon n~ga't sa hindi pag-ganap niyong catuiran at nan~galilinsad. Nang sa cay Aáron namang maunaua ang Hari sa Francia sa ganoong gaua, na si Carlomagno'y nalugod na cusa sa camahalan at bait na sagana. Isang Elefante nagpadala ito na mayhilang isa na carrong dorado, na ang lula'y bangcay ni S. Cipriano at ni Espiratus na isa rin Santo. Saca yaong ulo ni S. Pantaleon tanda nang pag-ibig niyang mahinahon, saca cay Carlomagno, mula nang manoynoy ang magandang gauang sa Dios ay ucol. Nang cay Carlomagnong regalo'y matangap malaki ang toua at pasasalamat, sampon nang nagdala'y lubos na linin~gap at minahal niya nang sa puso'y tapat. Iguinalang nan~ga ang man~ga catauan niyong man~ga Santong sa Dios na hirang, at ipinalagay doon sa Simbahan at maraming taong nag-devocion naman. Si Carlomagno n~ga'y mulang putun~gan siya niyong corona Imperial sa Roma, noo'y linooban naman ang Patriarca sa Jerusalem nang man~ga turco baga. Totoong marami ang man~ga cristiano na pinagpapatay niyong man~ga turco, caya't sumanguni sa bagay na ito siya sa matandang man~ga Caballero. Nang tungcol sa guerra ay naca-aalam niyong sari-saring bagay na paraan, iba sa canila'y cahit masira man ang dan~gal ay tacot na sila'y mapatay. Caya't ang uinica'y makipagyari na sa man~ga turco at man~gaco na sila, nang anomang bagay at nang di muli pa na sila'y patayi't yaon ang pan~gamba. Anopa't noon din ay sila'y nag-atas niyong embajadang makikipag-usap, tanang sasabihin ay nang maisaad yaong inutusan pagdaca'y lumacad. Sugong embajada ay nang ipamalay ang hiling na yaon ay ang casagutan, ang Ciudad na yaon ay canilang iuan at sampon nang lahat na ariarian. Tanang casangcapan at man~ga sandata gayon din ang lahat na man~ga hacienda, ang bagay na yao'y n~g matanto nila nan~gagsang-usapan sila capagdaca. Na sila'y humin~gi nang araw na taning na malaon-laon n~guni't di pinansin, niyong man~ga turco, caya n~ga't uala ring makitang paraang huag mahilahil. Gayon ma'y sa aua nang Dios na Amá at sa tulong nang mahal na gracia niya, nasoc sa canilang man~ga ala-ala ang cay Carlomagnong loob na maganda. Sampon pa nang taglay na cabayanihan at yaong loob niyang cabutiha'y sacdal, ang caniyang pagcamaauaing tunay sa nan~gasasahol na cahit sinoman. Ang guinaua nila sa bagay na ito ay ang man~ga susi nang Sto. Sepulcro, ay ipinadala sa cay Carlomagno sampong estandarte nang nubos sa tao. Pumanaw noon din yaong embajada at cusang tinun~go ang Imperiong Roma, sumulat din naman yaong Patriarca at cay Constantino ay ipinadala. Sa Constantinopla, n~guni't hindi ito yaong Emperador na si Constantino, na humanap bagá nang Cruz ni Cristo na ipinanglunas sa sala nang tao. Yaong casabihang Constantinong yaon Anác ni Constanciong bunying Emperador, at nang Emperatriz Elenang gumugol nang pagal at yamang hindi sasan~gayon. Ang sa Patriarcang sinulatang ito bilang pan~galauang Haring Constantino, ang pinagsabiha't hinin~gang saclolo nang gagauin niyang munacalang bago. Nang cay Constantinong tangapin ang sulat at ang nalalama'y pauang matalastas, ay noon din nama'y inutusang agad ang Príncipe Leon na caniyang Anác. Pinasamahang cay Juan de Napoles at saca sa nan~gan~galan pang si David, dalaua pa ring Hebreong sasanib Samuel Isaac sa historiang sulit. Sila ang piniling man~ga embajada sa cay Carlomagno sa Imperiong Roma, na may dalang sulat na nilagdang sadya niyong Emperador Constantino bagá. Calakip din yaong sa Patriarcang liham tan~gi sa titic niyang gayari ang saysay cagabi aniya'y napakitang tunay na akin, ang isang babaying maran~gal. Na ang carikita'y caguilaguilalas uica'y Constantino'y ang laguing pagtauag, at iyong pagsamo sa Dios na uagas na icaw ay bigyan nang tapang at lacas. Sa cuhilang turco n~g pakikilaban na doon sa tierra Santa'y nagtatan~gan, sa iyong malaking nasa'y cailan~gan na si Carlomagno ay macaalacbay. Itinuro yaong Caballerong isa na butihi't lubhang malaking halaga, ang gayac, at yaong sibat at espada'y apoy ang sa talim ay nagsisibuga. Na tumitilamsic ang tapon n~g nin~gas ang muc-ha'y maganda't gayon din ang ticas bulagáw ang matá't mahaba ang balbas buhoc ay bago pang may puting mamalas. Caya Emperador huag pong hindi ca sa lacad na ito'y mangyaring sumama, sumunod sa utos nang Dios na isa't magpasalamat sa iyong caloloua. Sa pagca-justicia'y n~g huag masinsay gaya nang balitang man~ga cabutihan, na guinagaua mong malaon nang araw sa man~ga sacop mo't maguing pa hindi man. Ipinalagay ca niyong Poong Dios na sa cagalin~gang gaua ay mauulos, n~g cay Carlomagnong sulat ay matalos ang luha sa matá pagdaca'y umanod. Sapagca't ang Santo Sepulcrong mahal ay nasa sa camay n~g hindi binyagan, nang oras ding yaon ay nag-utos naman doon sa cay Turping Arzobispong hirang. Na sa caharia'y iaral na tikis ang gayong balita na cahapis-hapis sa bagay na yaon ay nang matigatig ang loob nang tao't maguising ang isip. Guinanap ding agad niyong Arzobispo na ipinan~garal doon sa Imperio, maraming nagnin~gas na loob nang tao na nagsipagdamdam sa bagay na ito. Caya n~ga at noong hucbo ay ilacad maraming sumama na nan~gahicayat, at nan~gagsitapang na di hamac-hamac at nagcusang loob nang pakikilamas. At niyong ilacad yaong ejército ang punong general ay si Carlomagno, maraming casamang Hari't Caballero Duke, Conde't Markes at ibang guinoo. Minagaling nilang tikis na panauan ang asaua't Anác ari't cayamanan, sa malaking nasa nilang isangalang yaong tierra Santa na linapastan~gan. Yumao na silang tinauid ang dagat nang magsiahon na'y parang ang tinahac, at ang cagubatan   nang Tarquiang malauac nang man~ga bayaning pauang nagagalac. Sapagca't nang bagong lalacad ang tropa ay si Carlomagno'y nagpahayag muna, nang pakikilaban na gagauin nila nang upang hinahong camtan ang victoria. Dahil sa magandang gagauing paraan man~ga loob nila'y sumigla't tumapang, n~guni at nagdamdam silang cahirapan nang tahakin nila yaong caparan~gan. Na may habang man~ga labinlimang legua at may sampong leguas naman yaong lapad, mahiguit na dalauang oras na linacad at dalauang gabi bago nacalampas. At ang nasumpong pa'y leong caramihan man~ga tigre't oso, lobo at halimaw, sa canilang hucbo ay siyang nagbigay nang lubhang maraming man~ga casamaan. Lalo na sa gabing canilang pag-idlip doon nangyayari ang lalong pan~ganib, dahilan sa gaua niyong mababan~gis na hayop, na ualang auang magpasákit. Tan~gi pa sa roo'y ang pighati nila doon sa paglacad ay nang maligaw na, bakit sa pagcain nila'y kinapos pa, saca man~ga pagal cung caya nan~gamba. Man~ga loob nila'y lubos na namanglaw nang sila'y gabihin sa nasabing parang, sa di pagcataho nang pagdaraanan dahil sa nangyari nilang na pagcapaligaw. Sa cay Carlomagnong ipinatugtog na ang guinbal, na tanda nang pagpapahin~ga, at ipinag-utos na lumagay sila sa libis ó ban~gi't magbantay ang iba. Yaong man~ga hindi lubhang napapagod at siyang magtangol sa nan~gatutulog, sa magsisisiláng maban~gis na hayop na nagpapahirap sa man~ga soldados. Nang maiayos na ang lahat nang caual at ang gutom nila'y nang mapauing tunay ay si Carlomagno pagdaca'y lumagay sa puno nang isang malaking halaman. Siya'y lumuhod na't nanalan~gin doon at nagmaca-aua sa Dios na Poon, na sila'y iligtas sa madlang lingatong at matausan din ang canilang layon. Nagpapacumbabang luha'y tumutulo sa gayong caniyang pagmamacaamo, hibic at pagluhog na taos sa pusò at man~ga pagdaing at buong pagsuyo. At pinasimulan yaong pagdarasal nang sa Dios bagang man~ga capurihan, sa dasal na verso'y nang dumating naman may voces nang ibong siya'y napakingan. Na ang uica'y tunay na narin~gig ca na nang pagdalan~gin mo sa Dios na Amá, gayon man ay di rin tumitiguil siya hangang sa dumating sa verso pang iba. Ibon ay muli pang nagsabing malacas na narin~gig cana niyong pagtauag, nang cay Carlomagnong yao'y matalastas sa man~ga pinuno'y nag-utos na agad. Lahat nang soldado ay ipinalagay sa mabuting ayos niyong pagcahanay, at pinagsabihan nang panghihinapang lumacad nang siya ang nasa unahan. Sinusundan nila'y ibong lumilipad na bilang patun~go doon sa paglacad, anopa't natunton ang tunay na landas caya n~ga't toua nila'y hindi hamac. Pinagca-alama't magpahaga n~gayo'y laguing nakikita ang nasabing ibon, nang nan~galiligaw sa gubat na yaon pinapatnuguta't daa'y nang matunton. Sa gubat na yao'y nang macalabas na yaong Emperador at casamang tropa, isang daang libo ang natanaw nilang turcong bucod-bucod ang pulutong bagá. At cung caya naman nila natalastas ay may lihim silang taga pagsiyasat, at cung magagaling ang sandatang sangcap nang magaua nila ang lalong marapat. Pinacabuti na ang canilang ayos at nan~gagsigamit nang tanda nang Cruz, nanalig na paua sa aua nang Dios at nagpacatapang nang canilang loob. Niyong matapos nang ihanay ang caual sa lalong mabuting man~ga catayuan, at inaatas na ang man~ga paraan na marapat gauin sa pakikilaban. Sinimulan na n~ga ang pagbabatalla nang dalauang hucbong leon ang capara, tapang nang cristiano ay cataca-taca sa dahas at licsi nang pananandata. Ang cahalimbaua'y tigre at halimaw niyong paghandulong sa man~ga caauay, magcabi-cabila'y nagcalat ang bangcay niyong man~ga turcong canilang calaban. Nang ualang magaua sa pakikilaban at napipipilan nang pananandata, nang di macasaho't nasasahol sila ay nan~gagtacbuhan silang para-para. Pumasoc sa Ciudad niyong Jerusalem at adhicang doon man~gag-sisitiguil, n~guni di nangyari't sila'y inusig din nang man~ga cristiano saan man dumating. Anopa at sila'y hindi tinugutan hangang di naubos na pinagpapatay, nang uala na cahit ni isa mang buhay doon ay sila na ang namuno naman. Yaong Santong lugar ay nang mabaui na sa camay nang turcong man~ga palamara, ay si Carlomagno't lahat nang casama ay doon na muna sila nagpahin~ga. Nang macapagpaui na sila nang pagal sa bunying Patriarca ay nagpapaalam, binibigyan sila niyong cagantihan guinto't pilac sampong batong bagay-bagay. Bunying Emperador na si Carlomagno at gayon din yaong Haring Constantino, ay hindi tumangap nang handog na ito niyong Patriarcang humin~ging saclolo. Kinilala nilang tunay na nag-utos sa canila'y yaong darakilang Dios, at ang catapan~gan sa pakikihamoc nila, ay Dios din yaong nagcaloob. Sa guinauang yaong di pagtangap nila ang uinica naman niyong Patriarca, cung gayo'y ang ualang timbang na halagá ang aking sa inyo ay ipakikita. Cayong lahat n~gayo'y hustong tatlong araw na man~gag-colacio't tuloy magcumpisal, at man~gagcomunion sa kinabucasan na sinoma'y huag pasalahin lamang. Malabis ang touang canilang tinangap at noon din sila'y nagcolaciong lahat, nan~gagcompisal di't comunio'y ginanap hiling nang Patriarca ay pauang tinupad. Tanang cautusa'y nang mairaos na ay humirang naman nang labindalaua, na man~ga guinoo at iniatas niyang ilual sa Cofre ang tanang Reliquia. Yaong Emperador Carlomagno naman ay sa Arzobispo siya'y nagcumpisal, at tuloy rin namang siya'y nakinabang ayon sa Iglesiang man~ga cautusan. At yaong pinili na labindalawa ay pinasimulan yaong pagcacanta, nang Letania't Salmos namang iba't ibang pagbibigay puri sa Dios na Amá. Saca ang Prelado doon sa Napoles na cagalang-galang na ang n~gala'y David, binucsan ang Cofreng doo'y nasisilid ang cay Jesucristo na coronang tinic. Ang takip nang Cofre ay nang maibucas ang samyo nang ban~go ay humalimuyac. na nagbigay aliw sa tanang caharap asa nilang na sa Paraisong lahat. Noo'y natiguib nang pagsampalataya ang cay Carlomagnong puso't caloloua, siya ay lumuhod na caracaraca na namamalisbis ang luha sa matá. Casabay ang hibic at man~ga pagluhog sa di matingcalang maauaing Dios, at ang Pasión niya'y nang lalong mabantog ang bagong himala'y ipinagcaloob. Sa oras ding yaon namang capagdaca ang coronang tinic nang nacop sa sala, nagsipamulaclac na caayaaya ang samyo nang ban~go ay ualang capara. Na nacabubusog sa naroong lahat caya n~ga't ang toua nila'y hindi hamac, at niyong han~guin ang Santos Reliquias ay lalong maraming himalang namalas. Tanang man~ga lumpo, bulag sampong pipi ang pilay ay bucot sampong man~ga bin~gi, gumaling na lahat caya't di masabi yaong cagalacan sa gayong nangyari. Ang man~ga leproso ay gayon din naman caya't nagpupuri silang walang humpay, ang dakilang ban~go'y sumikip sa baya't nasamyo nang lahat yaong casarapan. Malacas na voces ay narin~gig nila uica'y cabuhayan n~gayon nang lahat na, at ito ang araw nang mahal na graciang caloob na tunay nang Dios na Amá. Tatlong daa't lima ang man~ga may sakít sa araw na yao'y gumaling na tikis, caya n~ga't sa puso nila'y nan~gatitic ang himalang yaon nang Dios sa Lan~git. Ang Prelado Daniel ay cumuha naman niyong isang paco nang nacop sa tanan, at sa relicariong guinto'y ilinagay isang bagong taong gumaling ang damdam. Capagcabata nang ipan~ganac siya at ang calahati nang catauan niya, ay tunay na tuyo capagcaraca na cung caya n~ga hindi macakilos bagá. N~guni at dahilan sa pacò ni Cristo'y biglang nacalacad ang nasabing tao, at naparoon nang halos tumatacbo sa Simbahang hayag na cay S. Sabino. Doon n~ga pinuri't pinasalamatan ang aua n~g Amáng macapangyarihan, at ang sakít niyang pinagcalabasan gumaling na tila nagdahilan lamang. At sa Alemania naman ay gayon din maraming may sakit yaong pinagalin, sampon nang Enano ay lumaking tambing at sa cahustuhang anyo ay tumiguil. Ualang di gumaling na man~ga may damdam doon sa Reliquias nang nacop pa tanan, caya't nan~gagpuri nang di ano lamang sa Dios na ualang hanggang caauaan. At saca isa pang sangol na patay na ang muling nabuhay na cataca-taca, dahil sa cay Cristong pacong mahalaga'y siyang naguing lunas na nagpaguinhaua. Saca nang dumating doon sa Aquisgran ay huminto sila sa isang Simbahan, at sa isang Altar nila ilinagay ang Santas Reliquias ni Jesús na mahal. Ang Simbahang yao'y sa mahal na Virgeng Nuestra de la Salud, at siya'y nagbilin, na sa taón-taó'y huag pasalahin na ang cafiestaha'y pilit gaganapin. Sa buan nang Junio ay ipamamalas sa lahat nang tao ang Santas Reliquias, at man~gag-cacamit sila nang plenarias yaong Indulgenciang sa sala'y patauad. Pasiya nang Papa ang bagay na ito nang ipagcaloob sa cay Carlomagno, caya't guinaganap nang man~ga cristiano na tunay na lingcod nang Poong si Cristo. Ang Simbahang yao'y pagaua rin naman niyong Emperador Carlomagnong hirang, caya n~ga't ang bilin ay nang maisaysay siya'y nagbalic na sa palacio real. Magmula na noo'y nabalitang tikis ang cay Carlomagnong cabutiha't bait, siya ang nagtatag niyong Doce Pares taglay nang caniyang cagandahang isip. Sa pagcabayani ay siyang nabantog na pa man~ga turco ay naguing kilabot, ganon dín sa lahat nang nan~gasasacop ay lubhang hinahong cung siya'y mag-utos. At sa Dios nama'y lubos ang pag-galang maguing sa Iglesia na cay Cristong halal, sinusunod niyang ualang caliuagan ang bilin at utos at ang man~ga baual. Caya't ang caniyang magagandang gaua siyang dapat cunang uliran nang madla, at sa man~ga puno'y isang halimbaua nang casarapang lumin~gap sa capoua. Hindi sa sarili lamang lumilin~gap at iisa yaong pagtin~gin sa lahat, maguing sa mayaman at sa man~ga salat sa caniya'y ualang mababa't mataas. Di gaya nang Haring si Herodes na sakim sa yama't caran~galang labis, caya n~ga't sa gauang yao'y ang nasapit doon sa Infierno cusang nagcasakit. At gayon din yaong si Poncio Pilatong hocom na humatol sa Poong cay Cristo, sa tacot sa bala niyong man~ga judio na ipagsusumbong siya cay Tiberio. Na siya ay isa bilang casapacat nang ipinaghablang mahal na Mesias ay baca alisin sa tungkol na hauac cung caya humatol nang hindi marapat. Cahi't alam niyang ualang casalanan ay ipinasiyang si Cristo'y mamatáy, nang sa cay Tiberio'y ipagsabi naman gauang lihis niya'y siyang hinatulan. At ipinahuli na guinapos siya tuloy tinubun~gang hayop ang capara, at noon din siya ay ipinadala doon sa caniyang bayang Tarragona. Na uala ni cahit banig man ó cumot caya n~ga't sa lupa lamang natutulog, at di iniiuan nang sundalong tanod hangang sa ang búhay niya ay natapos. At nang makitil na ang tan~gang hinin~ga'y ibinulid naman yaong caloloua, doon sa Infierno't dusang ualang hanga at uala cahima't camunting guinhaua. Pagca't si Pilato ay hindi binyagan siya'y nalalabas cay Cristong baunan, caya't suson-suson yaong cahirapan at di matatapos magpacaylan man. Dahil sa mayroong lumabas na auit na dili umano'y na akyat sa lan~git, yaong si Pilato, ito'y sabing lihis nang nagsasalita ay di iniisip. Ipinahahayag niyong Evangelio na ang di tumangap nang Agua Bautismo, ay di nagcacamit nang Lan~git sa Reyno at ang matatamo'y hirap sa Infierno. Camaliang tunay yaong pan~gun~gusap na si Pilato ay sa Lan~git na akyat, at ang nabasahan ay librong salun~gat ó lic-ha nang budhing lubos na pan~gahas. Kinacailan~gang anomang gagauin nang tao, ay dapat munang iisipin, at sala sa Amáng lumalang sa atin at tatauanan pa nang macalilining. Huag yaong tayo'y macakita lamang nang pilac, ay cahit di catotohanan, cahit ualang librong kinakikitaan ay di nan~gin~gimi nang pagsasalaysay. Alalahanin mo guiliw na capatid na di gagapilac lamang yaong Lan~git, sa camunting yamang ating ninais yaong ualang hangang toua'y ipapalit. Magnilay-nilay ca't ang gauang mabigla ay di gayon lamang cung mapan~ganyaya, bakit ang parusa'y laguing nacahanda nang Hucom na hindi mangyaring madaya. Sa caniya ay ualang munting nalilin~gid ang lahat ay paua niyang nalilirip, cahit gagadulo man lamang nang hanip at siya'y ualang hindi nababatid. Mabuti na lamang cung mapagsisihan ang lahat nang ating gauang casalanan, at may patauad pang sucat maasahan n~guni't cung di gayo'y sauing capalaran. Sa utos nang Dios ay dapat gumanap tayo, at gayon din sa Iglesiang atas, nang upang matamo nating aliualas ang caligayahang ualang pagcucupas. WACAS [Patalastas: Imprenta at Libreria ni P. Sayo, Balo ni Soriano] [Patalastas: Limbagan at Aklatan ni P. Sayo, Balo ni Soriano] *** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK CASAYSAYAN NG CATOTOHANANG BUHAY NG HARING CLODEVEO AT REYNA CLOTILDE SA REYNO NANG FRANCIA *** Updated editions will replace the previous one—the old editions will be renamed. Creating the works from print editions not protected by U.S. copyright law means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing Project Gutenberg™ electronic works to protect the PROJECT GUTENBERG™ concept and trademark. Project Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge for an eBook, except by following the terms of the trademark license, including paying royalties for use of the Project Gutenberg trademark. If you do not charge anything for copies of this eBook, complying with the trademark license is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as creation of derivative works, reports, performances and research. Project Gutenberg eBooks may be modified and printed and given away—you may do practically ANYTHING in the United States with eBooks not protected by U.S. copyright law. Redistribution is subject to the trademark license, especially commercial redistribution. START: FULL LICENSE THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK To protect the Project Gutenberg™ mission of promoting the free distribution of electronic works, by using or distributing this work (or any other work associated in any way with the phrase “Project Gutenberg”), you agree to comply with all the terms of the Full Project Gutenberg™ License available with this file or online at www.gutenberg.org/license. Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg™ electronic works 1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg™ electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to and accept all the terms of this license and intellectual property (trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy all copies of Project Gutenberg™ electronic works in your possession. If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project Gutenberg™ electronic work and you do not agree to be bound by the terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. 1.B. “Project Gutenberg” is a registered trademark. It may only be used on or associated in any way with an electronic work by people who agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few things that you can do with most Project Gutenberg™ electronic works even without complying with the full terms of this agreement. See paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project Gutenberg™ electronic works if you follow the terms of this agreement and help preserve free future access to Project Gutenberg™ electronic works. See paragraph 1.E below. 1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation (“the Foundation” or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project Gutenberg™ electronic works. Nearly all the individual works in the collection are in the public domain in the United States. If an individual work is unprotected by copyright law in the United States and you are located in the United States, we do not claim a right to prevent you from copying, distributing, performing, displaying or creating derivative works based on the work as long as all references to Project Gutenberg are removed. Of course, we hope that you will support the Project Gutenberg™ mission of promoting free access to electronic works by freely sharing Project Gutenberg™ works in compliance with the terms of this agreement for keeping the Project Gutenberg™ name associated with the work. You can easily comply with the terms of this agreement by keeping this work in the same format with its attached full Project Gutenberg™ License when you share it without charge with others. 1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in a constant state of change. If you are outside the United States, check the laws of your country in addition to the terms of this agreement before downloading, copying, displaying, performing, distributing or creating derivative works based on this work or any other Project Gutenberg™ work. The Foundation makes no representations concerning the copyright status of any work in any country other than the United States. 1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: 1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate access to, the full Project Gutenberg™ License must appear prominently whenever any copy of a Project Gutenberg™ work (any work on which the phrase “Project Gutenberg” appears, or with which the phrase “Project Gutenberg” is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, copied or distributed: This eBook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook. 1.E.2. If an individual Project Gutenberg™ electronic work is derived from texts not protected by U.S. copyright law (does not contain a notice indicating that it is posted with permission of the copyright holder), the work can be copied and distributed to anyone in the United States without paying any fees or charges. If you are redistributing or providing access to a work with the phrase “Project Gutenberg” associated with or appearing on the work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the Project Gutenberg™ trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.3. If an individual Project Gutenberg™ electronic work is posted with the permission of the copyright holder, your use and distribution must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked to the Project Gutenberg™ License for all works posted with the permission of the copyright holder found at the beginning of this work. 1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg™ License terms from this work, or any files containing a part of this work or any other work associated with Project Gutenberg™. 1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this electronic work, or any part of this electronic work, without prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with active links or immediate access to the full terms of the Project Gutenberg™ License. 1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any word processing or hypertext form. However, if you provide access to or distribute copies of a Project Gutenberg™ work in a format other than “Plain Vanilla ASCII” or other format used in the official version posted on the official Project Gutenberg™ website (www.gutenberg.org), you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon request, of the work in its original “Plain Vanilla ASCII” or other form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg™ License as specified in paragraph 1.E.1. 1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, performing, copying or distributing any Project Gutenberg™ works unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing access to or distributing Project Gutenberg™ electronic works provided that: • You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from the use of Project Gutenberg™ works calculated using the method you already use to calculate your applicable taxes. The fee is owed to the owner of the Project Gutenberg™ trademark, but he has agreed to donate royalties under this paragraph to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments must be paid within 60 days following each date on which you prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax returns. Royalty payments should be clearly marked as such and sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the address specified in Section 4, “Information about donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation.” • You provide a full refund of any money paid by a user who notifies you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he does not agree to the terms of the full Project Gutenberg™ License. You must require such a user to return or destroy all copies of the works possessed in a physical medium and discontinue all use of and all access to other copies of Project Gutenberg™ works. • You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the electronic work is discovered and reported to you within 90 days of receipt of the work. • You comply with all other terms of this agreement for free distribution of Project Gutenberg™ works. 1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg™ electronic work or group of works on different terms than are set forth in this agreement, you must obtain permission in writing from the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the manager of the Project Gutenberg™ trademark. Contact the Foundation as set forth in Section 3 below. 1.F. 1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread works not protected by U.S. copyright law in creating the Project Gutenberg™ collection. Despite these efforts, Project Gutenberg™ electronic works, and the medium on which they may be stored, may contain “Defects,” such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by your equipment. 1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the “Right of Replacement or Refund” described in paragraph 1.F.3, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project Gutenberg™ trademark, and any other party distributing a Project Gutenberg™ electronic work under this agreement, disclaim all liability to you for damages, costs and expenses, including legal fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE PROVIDED IN PARAGRAPH 1.F.3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH DAMAGE. 1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a written explanation to the person you received the work from. If you received the work on a physical medium, you must return the medium with your written explanation. The person or entity that provided you with the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a refund. If you received the work electronically, the person or entity providing it to you may choose to give you a second opportunity to receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy is also defective, you may demand a refund in writing without further opportunities to fix the problem. 1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth in paragraph 1.F.3, this work is provided to you ‘AS-IS’, WITH NO OTHER WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO WARRANTIES OF MERCHANTABILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. 1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any provision of this agreement shall not void the remaining provisions. 1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone providing copies of Project Gutenberg™ electronic works in accordance with this agreement, and any volunteers associated with the production, promotion and distribution of Project Gutenberg™ electronic works, harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, that arise directly or indirectly from any of the following which you do or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg™ work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any Project Gutenberg™ work, and (c) any Defect you cause. Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg™ Project Gutenberg™ is synonymous with the free distribution of electronic works in formats readable by the widest variety of computers including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from people in all walks of life. Volunteers and financial support to provide volunteers with the assistance they need are critical to reaching Project Gutenberg™’s goals and ensuring that the Project Gutenberg™ collection will remain freely available for generations to come. In 2001, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure and permanent future for Project Gutenberg™ and future generations. To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 and the Foundation information page at www.gutenberg.org. Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non-profit 501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal Revenue Service. The Foundation’s EIN or federal tax identification number is 64-6221541. Contributions to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent permitted by U.S. federal laws and your state’s laws. The Foundation’s business office is located at 809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887. Email contact links and up to date contact information can be found at the Foundation’s website and official page at www.gutenberg.org/contact Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation Project Gutenberg™ depends upon and cannot survive without widespread public support and donations to carry out its mission of increasing the number of public domain and licensed works that can be freely distributed in machine-readable form accessible by the widest array of equipment including outdated equipment. Many small donations ($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt status with the IRS. The Foundation is committed to complying with the laws regulating charities and charitable donations in all 50 states of the United States. Compliance requirements are not uniform and it takes a considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up with these requirements. We do not solicit donations in locations where we have not received written confirmation of compliance. To SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any particular state visit www.gutenberg.org/donate. While we cannot and do not solicit contributions from states where we have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition against accepting unsolicited donations from donors in such states who approach us with offers to donate. International donations are gratefully accepted, but we cannot make any statements concerning tax treatment of donations received from outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. Please check the Project Gutenberg web pages for current donation methods and addresses. Donations are accepted in a number of other ways including checks, online payments and credit card donations. To donate, please visit: www.gutenberg.org/donate. Section 5. General Information About Project Gutenberg™ electronic works Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg™ concept of a library of electronic works that could be freely shared with anyone. For forty years, he produced and distributed Project Gutenberg™ eBooks with only a loose network of volunteer support. Project Gutenberg™ eBooks are often created from several printed editions, all of which are confirmed as not protected by copyright in the U.S. unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily keep eBooks in compliance with any particular paper edition. Most people start at our website which has the main PG search facility: www.gutenberg.org. This website includes information about Project Gutenberg™, including how to make donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.