The Project Gutenberg eBook of Ang Katipunan

This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.

Title: Ang Katipunan

Author: G. B. Francisco

Release date: November 29, 2004 [eBook #14205]
Most recently updated: December 18, 2020

Language: Tagalog

Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.

*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG KATIPUNAN ***

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]

Ang Katipunan


ANG KATIPUNAN

ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI

TUGMA NA SINULAT NI


Gabriel Beato Francisco

Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896


ICATLONG CASULATAN


MAYNILA

Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo.

1899.


Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental


Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay, Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok.


Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang
ANG KAPATID NANG BAYAN.


Talaan ng Nilalaman

UNANG BAHAGUI

UNANG DIGMA

ICALAUANG DIGMA

ICATLONG DIGMA

IKAAPAT NA DIGMA

ICALIMANG DIGMA

ICAANIM NA DIGMA

IKAPITONG DIGMA

ICAWALONG DIGMA

ICASIYAM NA DIGMA

ICASAMPUNG DIGMA

ICALABING-ISANG DIGMA


ICALAUANG BAHAGUI

UNANG DIGMA

ICALAUANG DIGMA

ICATLONG DIGMA

IKAAPAT NA DIGMA

ICALIMANG DIGMA

ICAANIM NA DIGMA

IKAPITONG DIGMA

ICAWALONG DIGMA

ICASIYAM NA DIGMA

ICASAMPUNG DIGMA


UNANG BAHAGUI


Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na sagana sa baguing na cun tatanauin sa ibaba ay may lansañgan. Pagcahaui nang telon ay aauitin ang CANTO NACIONAL FILIPINO.


Música.

Ina naming Filipinas
sa sandaigdiga'y hayag,
ang cayaman at dilag
ualang sucat macatulad.

Iyo namang caanacan
lahing sadya cung sa tapang,
di natatacot mamatay
at marunong magsangalang.

Caya cayo lilo't tacsil
na castilang sinuñgaling,
dapat bayaran sa amin
inyong mga pag alipin.

Lalo ang mga sucaban
na fraileng tampalasan,
ñgayon ay capanahunang
magbayad sa mga utang.

Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca paguiguitna ang calahatan.



Hablado.

Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang mangluluas ng gulay, na umaauit hangang tumatacbo.


UNANG DIGMA

Sila rin

JOSEFO.—Hali ... mga ale!...


LUSINO.—Dalí ... mamang cuán!...


KALINT.—Magsihimpil cayo! ... (
ang katipunan ay naguupuan sa lilim
ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan
)


—cami'y balitaan! ... ¿mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay

caya ó caya'y nasundan?...


TOMASA.—Uala po!... (
gulat.
)


JOSEFO.—Uala! (
uurong at bubunutin ang sundang
).


TOMASA.—(
gulat
)—Uala po!...


JOSEFO.—(
magara
)—Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita.

(
hahakbang
...)


TOMASA.—Uala po!...


IDENG.—Uala po!... (
gulat na gulat
)


JOSEFO.—!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan nila!...


TOMASA.—Uala po!...


IDENG.—Uala po!... (
gulat na gulat
)


JOSEFO.—(
paiquit
)—Cun gayo'y caiñgat yaong mga lilo, tacsil,

buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac.


TOMASA.—¡Ina co!


JOSEFO.—Icao ay inanó at na paina!...


LUSINO.—-Magsilacad cayo at huag mañgamba at hindi aanhin naming

magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya.


TOMASA.—Cun gayo'y salamat!...


IDENG.—Cami po'y paalam!...


LUSINO.—Dios ang mag-in~gat sa boong lansañgan. (
Lalayo ng caunti
)


JOSEFO.—Catoto! ... catoto! ... sabihing maghintay at tayo'y humiñgi

ng canin at ulam.


LUSING.—Mga aling cuan! ... mañgag hintay cayo!...


KALINT.—Duluguí....


LUSINO. (
lalapit
)—Ibabá ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng

itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo.


TOMASA. (
Ibababa
)—Cayo po'y cumuha


KALINT.—Iuan na ang lahat.


LUSINO.—Huag baga naman at cahabag-habag

(
sa cay Tomasa
)

—Ito'y quilala co na maraming anac

(
sa cay Ideng
)

—Si comare naman ay may amang bulag.


JOSEFO. (
Cucuha sa bilao
)—Maraming salamat! ... salamat sa

inyo!...


TOMASA.—Cami'y lalacad na.


KALINT.—Mañgag tuling cayo.


(
Muling lalacad ang mga manglalacó.
)




ICALAUANG DIGMA

Josefo at Lusino.



JOSEFO.—Hindi nauucol cañgino mang tauo balamin ang duk-hang may laco

sa ulo.


LUSINO—¡Ano ang gagauin! ... tayo nama'y uala

ualang maibili at ualang masila

uala naman tayong sucat na magaua

sa mga mayamang lubhang masagana.


Caya ang marapat ating pagtiimin

bagang at panigbi na nagcacadiin

ang gauang masama na masamang gauin

ay ipaquibilang sa gauang magaling.


Yamang na rito na sa galás at gulod

na guinagalaan mailap na hayop

ang ating catauang sa palad ay capus

at hindi na mulat sa gubat at bundoc.


At cun tayo naman ay magpapabaya

sa lagay na yari na caaba-aba

ating tatamuhin sa guinala-gala

lasapin ang dalo'y malamig na luha.


At sa abang anyo di co acalain

matuyo ang damó na lagui sa lilim

uala namang inot, usala namang cusim

at ualang masabing nag gauad hilahil.


Liban sa nangyaring aco ay natacot

sa unós ng bagyong nacaquiquilabot

caya sumaisip na bago macurot

pailanlang muna sa patoc ng bundoc.


At cung naacalang tutubo sa cutad

ang binhi ni ama sa punlang sincamas

daco aabutin ang pagcabagabag

at di sasapitin ang ganitong hirap.


Ñgayon co dinamdam ang saquit ng bato

cun tumitimo na sa talampacan co

ñgayon na danasan pagtulog sa cubo

at ñgayon lumacás ang aquing pagtacbó.


JOSEFO.—Aco caya naman dito ay sumapit

dahil sa hicayat ng isang caibig

ang mga tinuran ay napacatamis

at macahihibo sa pusong tahimic.

Aco na ñga sana'y di maniniuala

sa mga tinuran at isinalita.


LUSINO.—¿Baquin ca na tañgay ng dagta ng lanca?


JOSEFO.—Dahil sa mabañgo ang buñga sa lupa,

Na dili umano pilit magbubuig

dito sa Maynila puno ng lansones

cahiman bumaba hangang himpapauid

hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit.


Na ang ibubuñga maluoy sa uica

malunot sa sabi't mahulog sa lupa

caya mag tatamo ng mga biyaya

ang baua't maglinang sa mga tumana.


At saca ñga ñgayon uala cahit isa

ang mayroon pusil at may escopeta

ualang cigarrillo, uala namang cuarta

at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta.


Caya ang marapat ¡oh piling catoto....

tayo ay sumagui sa may Ermitaño

ó cun dili naman at loloobin mo

tayo ay pumaroon sa Byac-na-bató.


(
Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay.
)




ICATLONG DIGMA

Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay gaya rin nang una.



LUSINO.—¡Tigni ... mga mamá!...


JOSEFO.—Masdi ... mga ali!...

ang napadaluhong sa pagca lalaqui

cung mayroon muk-hang ipagcacapuri

sa Dios, sa patria at tauong marami.


Caya ang marapat mga mamang cuan

ang itapong tiñgin cami'y balitaan

ng inyong naguita sa buong lansañgan

mula sa cay Cubau at ibang daanan.


TOMASA.—Uala pong balitang sucat na masabi

liban na sa tugué na na ipagbili

ng higuit at labis sa halagang dati

sa daan, sa bayan at hangang palenque.


LUSINO.—¡Ali! ... hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong

cadugtong nang buhay.


TOMASA.—¿At ano pong bagay?


LUSINO.—Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan.


TOMASA.—Mayroon po


LUSINO.—¿May sundalo ñga po baga?


TOMASA.—¡Siya ñga po! at na sa Baranca nañgag-uupuan ang magcacasama

at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera.


LUSINO.—Cun gayon catoto ay atin munang lisan

ang puno ng lanca't masayang batisan

ng upang tamuhin ang pagtatagumpay

sa bala ng mauser at iba pang bagay.


JOSEFO.—Cun siyang magaling....


KALINT.—Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may

canyon, bandera pimpiang at bombillo.


LUSINO.—¿Ano ang pasiya?


JOSEFO.—Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan


LUSINO.—Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na

hunghang.




IKAAPAT NA DIGMA

Saca ang pinunong matapang sa patay.



JOSEFO.—Tanaui! ... tanaui't di pa gumiguití

puñgapong sa gubat at viga sa lati

ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri

ng pagtatacbuhan sa lunga'y pag oui.


¡Sinong mag-acalang ang tayog ng labong

tumuñgo sa lupa ng uala pang dahon!...

¿baquin caya baga biglang nalingatong

lahat ng casador ng ualang dagundong?


KALINT.—Marahil ang supot na pinag lalagyan

ng bala't pólvorang ipinamamayan

ay punó ng abó't ualang ilalaban

sa ating sundalo at bayaning cawal.


JOSEFO.—¡Di cung macaharap at tayo'y maquita

marahil ang tacbo ay laong lalo na

at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca

mamatay sa ihet at sa pagtataua!...


¡Hindi co masabi na sa pagcaduag

sa macacalaban na uala pang armas

ó sa catacutan na baca mautas

ang hiniñgang tan~gan nacacauag-cuag!...


Sa pagcat ang guilas na ating quilala

sa mga castila na magcacasama

higuit sa bayani at lubhang bihasa

sa paquiquidigma at paquiquibaca.


At saca ñga ñgayon ganito ang tacot

sa mga calaban na na sa tugatog.


KALINT.—Caya ang marapat ihiñgi cay Santos ng bala at pólvora ang búroc ng itlog.


LUSINO.—¿Baquin caya baga ninasang mag tago sa bañgin at gubat ng higuit sa pugo.



ICALIMANG DIGMA

Josefo, Lusino at Kalintong



JOSEFO.—Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na

abang puso.


LUSINO.—Ang magaling nito tayo ay gumaua

muog na mataas, matibay na cuta

sa tabi ng daan at piling ng langca

ng may pañgublihan ating mga digma.


Ng hindi mañganib sa tunog ng canyon

añgil ng mauser, siclab ng remington

sadyang pagtibayin at sa mga burol

ay may daang lihim na di manunuynoy.


JOSEFO.—Maiguing acala.


LUSINO.—Caya ang magaling

barreta at pala ñgayon din ay cunin

sa
Real batería
, at, ang unang hucayin

ang baybaying yaon. (
ituturo
)


JOSEFO.—Dito ipapaling

Pagcat may lusutang bañgin at batisan

sa luasan at hulo, sa caliua,t, canan

at may mga cahoy na lubhang malabay

na macalililim at may tatanauan.


Caya ang mainam ay mayroong isa

sa cahoy na ito na may larga-vista

ng upang mamalas at caniyang maquita

lahat ng darating na macacabaca.


Ang tatanod dito ay cung bababa man

ay pahahalili sa isang matapang

na di natatacot sa mga asuang

diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam.


LUSINO.—Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na

sumunod.



ICAANIM NA DIGMA

Sila rin, si Tibó at ang cawal.



JOSEFO.—¿Nañgasaan cayo?


TIBÓ.—Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos


JOSEFO.—Ang tactac at punque, pala at barreta

ay inyong caunin na magcacasama

tuloy na ilaquip ang palihoc at caua

ng may paglutuan itong ating tropa.


TIBÓ.—Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos (
aalis
)


KALINT.—Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, mga

tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc.



IKAPITONG DIGMA

Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal.



TIBÓ.—Nañgagsidating po ang pinag-utusan.


LUSINO.—Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang

macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual.


JOSEFO.—Sumulong na cayo,t humucay ng balon,

gumaua ng lapát, tumaga ng cahoy,

magsalá ng patpat, ang bato'y ubunton

ng hindi masira sa bala ng caniyon.


Subu'i! datapua!...

(
lalabnutin ang buhoc
)—¡ualang magagaua!...

¡huag sasayañgin ang ating adhica!...

¡huag acsayahin pagod sa acalá

ng macapagtayo ng muog at cuta!...


¿Cun ang itutulo ng pauis sa hucay

ng sancá sa cuta ay maipagpantay

ng bundoc at burol na matataniman

ng café, abacá at ibang halaman?


¿Di caya mag-ani ng maraming pilac

mahitic na puri't masaganang hiyas

at sa haharapi'y ating mamamalas

ang buig ng tua sa sañga ng galac?


O cun dili caya'y ating ipagtanim

sa buquid, tumana at mga caiñgin

ng palay at tubó, úbe, gabe,t ságuing

sa taong susunod daming aanihin.


At sa haharapin, isang piquit-mata

ay may titibaing puno ng abacá

may buñga ang café't ang puno ng manga

ay hitic na hitic ang lahat ng sañga.


Subali sa cuta mataas na muog

pagod, camatayan siyang mapupulot

at ang pita't dadalhin ng culog

sa galás at parang, gulod at tugatog.


Ñguni! ñguni! ñguni! (labnot din ang buhok)

ito ang magaling

higuit sa halaman ating aanihin

walang pañginoong aalinsunurin

at ualang castilang sucat umalipin.



ICAWALONG DIGMA

Josefo, Lusino, Kalintong, saca si Tibó at ang cawal



JOSEFO.—Maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa may

calunuran.


LUSINO.—Acó ay tatauag sa nañgag huhucay ng upang mataho,t, ating

maalaman (
Hihipan ang silbato lilitao si Tibó
)


TIBÓ.—¡May ipag-uutos!


JOSEFO.—¿Naglagay ng pinit

na sucat lusutan ang hañgin at inet

cun baga sumagui ang mga balauis

sa maog at cuta at mga belenes?


TIBÓ.—Opo!...


JOSEFO.—¿Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran?


TIBÓ.—Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang

baon sa hucay.


JOSEFO.—Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang

maquitang landas.


LUSINO.—Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan sa punong

bayabas.


KALINT.—¡Sulong na! ... maglicsi! ... haluan ng tacbo.


TIBÓ.—¡Cayo'y aquing lisan!...


KALINT.—Lumacad na cayo!...




ICASIYAM NA DIGMA

Sila rin.



JOSEFO.—Capag na ibañgon ang lahat ng ito

may catatagan na ang mga sundalo.


At di magagahis cahit pag-ubusan

ng maraming tucso na ating calaban

at di mapapasoc saan man magdaan

ang mga castilang tunay na caauay.


Liban cung magahol sa tinga't pólvora

at sa ... cani't ulam cung nag babaca na

subali sa tapang na aquing naquita

itac ay catimbang ng mauser nila.


At cun dili baga pauang magagaling

ang mga sundalo at bataan natin

ang guloc at pisao na tañging patalim

di maisusuro sa bala ng mauser.


Sa pagca't maicli't macaaabot

sa caya ng mixtong malacas sa culog

matulin sa quidlat at cung macatuhog

ang pambugang mansa'y caquilaquilabot.


Subali ang mixtong aquing isinaysay

at ang licsi, lacas, dahas, catapañgan

capag sinarili at pinanghauacan

pilit magagahis ng macacaauay.


Caya ang marapat sa pagcat uala na

tayong gagamiti't gagauing sandata

liban sa itiric ang dalauang mata

sa nunuñgong lañgit at daquilang gloria.


At sa Dios Ama at Divino Verbo

sa Vírgen Santísima at lahat ng santo

ating idalañgin ang lahat ng ito

cahimanauari tayo ay manalo.


LUSINO.—Ang mauiuica co at maisasaysay

sa iyo catoto't piling caibigan

hangang masagunson bala ng calaban

mga bata natin padapain lamang.


Saca cung lumalo putoc na sagunson

isibasib nila tabac na pang-lulong

hangang sa tumachó yaong mga buhong

huag ititiguil ang tagang palacol.


JOSEFO.—Gayon ñga ang gaua! ... caya cung uariin

ng aquing pasiya, puso at panimdim

mga buhay nilang catulad ng atin

iniaalay na sa mga patalim.


At sa camatayan na lilibot-libot

sa bundoc, sa bayan at mga alaboc

na di tumitiquil sa mga pagdampot

sa buhay ng tauo na guising at tulog.


LUSINO.—Ang sa aquin naman na pagcacamasid

sa mga caauay:—¡cun ano ang bilis

ng bala ng mauser, gayon din ang inet

ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid!


KALINT.—¡Tunay caya baga lahat ng sinaysay

ng mga catoto't aquing caibigan

¡marahil ay hindi! ... ¡pauang cabambanan

at ang ibang turing ay capalaluan!...




ICASAMPUNG DIGMA

Sila rin, saca si Tibó at ang cawal.



TIBÓ.—Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang

pagcacaayos.


JOSEFO.—¿Tunay?


TIBÓ.—Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng

gulod.


JOSEFO.—Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco

ang lahat ng cawal na doo'y dumaló

dalhan pa ng alac na na sa sa frasco

Jerez, Manzanilla at anis del mono.

(
Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng itó
)


TIBÓ.—Salamat! salamat!


KAWAL.—Mabuhay! mabuhay! ang ating pañgulo at bunying general!...


KALINT.—Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin

magpacailan man.


JOSEFO.—Yamang na bañgon na ang muog at cuta

ng magcacapatid na aba at duc-ha

sa awa ng Dios at Poong daquila

na dunong tumiñgi't paham cumaliñga.


Tayo namang lahat magtica't manalig

sa lahat ng santos at mga angeles

ng upang abutin ang pita at nais

sa dacong ibayo ng mga pañganib.


LUSINO.—Ang lalong mabuti tayo ay maghalal

isang pintacasing madadalañginan

sa lahat ng oras at sa paglalaban

ay iadya nauá sa mga caauay.


JOSEFO.—Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin

angel ng príncipeng San Miguel Arcangel

ang siyang ihayag sa puso't panimdin

at siyang daiñgan saan man pumaling.


Sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi

sa lañgit at lupa ay di nagsagabi

at sa paglilincod sa Hari ng hari

palalong si Luzbel ay inalugami.


Sa hirap, sa hapis at sa caabaan

at pinagpagdusa caloloua,t, catauan

sa alab ng apuy at sa casanaan

punong sinusunod noong mga hunghang.

Na mga demonio.


KALINT.—¡Mabuti!...


LUSINO.—¡Magaling!...


KALINT.—Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing iniñgat ...

na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin.


JOSEFO.—Cun ang pasiya co ang paaayunan

si Chito ang ating suutan't gayacan

sa pagcat ang sabi at uica sa tanan

siya'y may daluping pinanghahauacan.


Na cun ga totoo ating masusuboc

sa paquiquibaca at paquiquihamoc

sa loob at labas ng alin mang muog.


CHITO.—Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat

cun sa aquing galíng sila'y magugulat

sa hacbang, sa uacsí, sa acma't pagdilat

ng dalauang mata ... ! yao na ang quidlat.


Na aquing dalupi at ang anting-anting

cun siyang umiral ay lalong magaling

dahil sa itaas, boong pañgonorio

ay malalaro cong catulad ng hañgin.


KALINT.—Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi nitong

caibigan.


LUSINO.—Ng ating masuboc ñgayon din suutan saca paliparing tulad ng

asuang.




ICALABING-ISANG DIGMA

Sila rin.



JOSEFO.—¡Hayo na! ñgayon din! ... Icao ay magsuot

ng gayac Arcangel, príncipe ng Dios

ng upang magligtas ang boong tugatog

sa bala ng Mauser at mga dayucdoc.

(
susu-utan
)


CHITO.—Sa aquin ay bagay ang gayac na ito.


KALINT.—Di nababagay sa iyong pagcatauo.


CHITO.—¿Baquin baga hindi ibig na catoto?...


KALINT.—Dahil sa caduagan at icao'y tatacbó,

sa siclab ng gato at haguing ng bala

at sa maaamuy baho ng pulborá

lalo kung sacsaquin ng macacabaca.


CHITO.—¿Di baga talos mo na di nagugulat

sa tonog ng culog at ningning ng quidlat

at di natatacot sa macacalamas

na may itác, pusil at anomang tabac?


KALINT.—(
Sa calahatang tauo
) Matindi ang cábag nitong si catoto!...

at masamang hañgin ang na sa sa ulo!


CHITO.—Ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil ...

subuquing totoo!...


KALINT.—Ibig mo


CHITO.—Subuquin cung iyong tatablan ng tagá at sacsac at balang

maañgal.


KALINT.—Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang

mabuhay?


CHITO.—Huag ang catauan ang iyong subuquin

cung mayroon tacot hinayang sa aquin

ang iyong unayan ng tagang madiin

itong baluti co na may anting-anting.


At cung hindi tablan ng taga at sacsac

ay iyong barilin ng sa boong dahas

ng upang matalos ang buti cong hauac

at ng maniuala ang macamamalas.


KALINT.—Tignan co! tignan co! aquing susubuquin

ang daluping ito na lubhang magaling

ng nawa'y mahaui ang dauag sa bañgin

na nacasusucal sa iyong panimdim.


(
Tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca gagauaran ng putoc. Pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si Chito sa pagcat hindi tinablan.
)


CHITO.—Cahiman mag-ubos ang galing at buti

hindi magcacagahi ang pagcalalaqui

di magugutlian ang taglay na puri

di masusugatan ang pagcabayani.


KALINT.—Diyata! diyata! hindi co tatablan

ang daluping itong ualang cabuluhan

asahan catoto abó na ñgang tunay

itong baluti mong pinacacamaha.

(
Muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni Chito.
)


LUSINO.—Aco ñga! aco ñga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong

pina-iimbulog.


CHITO.—Sa iyo'y sucat na ang galing sa bucboc at mulá sa lamgam,

maliit na lamok.


(
Itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni Lusino
na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon.
)




ICALAUANG BAHAGUI


Mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay nagsasayauan at nag-aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis.


Hablado



UNANG DIGMA

Si Chito ay gayac lacayo, caya ñga ang cuaco at calicot ay capua biyas
ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo.



CHITO.—Magsiquilos cayo at nañgarito na culog sa Cartago at lintic sa

Grecia. (
Magugulo ang sayauan.
)


LUSINO.—¿At saan na roon?


CHITO.—Sa Real batería.

(
Ang putucan ay maririñgig mula sa loob.
)


LUSINO.—Tauaguin sa batis ang mga babaye.


KALINT.—¿Ano?


LUSINO.—Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale

at dalauang bata na capua lalaqui.


JOSEFO.—(
Papasoc na nag-cacandarapa
)

Magmadali cayo at nañgarito na

ang mga sundalo, casador at guardia

ang na sa cataua'y mauser at pistola

mayroong músico, tambor at corneta.


DÁMASA.—¡Ina co!


DORAY.—¡Ay Dios!


JOSEFO.—Huag cayong matacot

huag pahinain ang sariling loob

sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc

ay may camatayan na lilibot-libot.


KALINT.—¡Sulong na! (
Cay Dámasa
)


DÁMASA. (Sa mga bata)—¡Mag-madali, mga anac co tayo'y aabutin ng mga

sundalo


DORAY.—¡Ang aquing blanquete!


IDENG.—Ang aquing postizo.


CHITO.—¡Ang aquing calicot! ... at ... ang aquing cuaco


KALINT.—(
Sa mga babaye
) Anong na isipa't, cayo ay sumunod sa hihip

ng hañgin na mulá sa timog?


CHITO.—Dahil sa ... panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay

dalhin sa bundoc.


DORAY.—¡Oho!


CHITO.—Tila hindi!...


KALINT.—¿At saan pa baga?


CHITO.—Sa panibugho ñga sa sintang asaua


(
Putucan sa loob ng digmaan, si Doray ay magtatabon ng layac
).


DÁMASA.—¡Lusino! ¡Lusino! ¿nasaan ca baga?

¡icaw ay umilag sa ulan ng bala!...

¡Lusino! ¡Lusino! cami ay itago

sa cugon, talahib at layac na tuyó.


LUSINO.—Dito magsihiga! ... sa pagcat malagó ang luya luyaha't

naglauit ang dapo (
Putucan
).

—Subsob na Dámasa!


DÁMASA.—¿Saan baga Sinong?


LUSINO.—¡Dito sa talahib! ... dito! dito! dito! iyo ng isubsob

matigas mong ulo (
Mahihiga at tatabunan ng layac
)


DÁMASA.—Lusino, halica! ¡halica Lusino!


LUSINO.—Aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag

mag-alala.


CHITO.—Cahit humahañgi't umulan ng bala iyong panibugho'y hindi na

nag baua.



ICALAWANG DIGMA

Si Chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit.



KALINT.—Yamang naliligpit ang mga babaye

tayo namang lahat sa gubat mañguble

pagcat ang calaban ay lubhang marami

at di mag gapi ng pagcabayani.


LUSINO.—Cun gayon ang uica ¡abata!


KALINT.—¡Abata!


CHITO.—Huag acong iuan! (
babañgon
)


LUSINO.—¡Huag cang sumama!


CHITO.—Aquing ilalaban calicot cong dala! ¿Ito bagang talim ng aquing

nalicot di maipapantay sa talas ng guloc?


KALINT.—Cung gayo'y abata!


CHITO.—Hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag-iinusoc (
Sususuhan
at saca hihititin
)


KALINT.—¡Madali!


LUSINO.—¡Madali!


CHITO.—Hintay cayo! hintay!

aco ay ñgañgañga ng upang tumagal

(
Babataquin ang languay at saca magcacalicot
)

at baca sacali tayo ay malaban

sa mga castila na pauang sucaban.


KALINT.—¡Madali!


LUSINO.—¡Madali!


CHITO.—Hintay! hintay cayo!

madaling maluba ang ikmong Patero

at cung malalaban mahiguit sa ikmo

ang aquing gagauin sa lahat ng lilo.




ICATLONG DIGMA

Ang mga cazadores, civil, voluntarios at infantería ay masasalubong ni
Tecla at ni Paco.



PEÑA.—Capagca umaga na macaliuay-uay

cami ay umalis sa cuartel general

na ang tica't nasa gubati't looban

lahat ng himacsic sa bundoc at parang.


Unang dinaana'y ban~gin, sapa, gubat,

matulis na bató, matinic na dauag

na sa baua't hakbang ay may nadudulas

at may nadadapa sa lumot at lusac.


Dahil sa sinagui nayong Balangutan

na sacop ng Turic, lupang Capampañgan

hangang sa sinapit patoc ng Magalang

na lubhang mataas, malapad ang parang.


At sa laquing pagod sa pagcacalakad

sa buquid, sa parang, sa gulod, sa galás

ng aming sapitin licod ng Arayat

di na macahakbang ang paa sa dulas.


Caya sa pag hacbang at mga pag liñga

sa bañgin, bulaos, sapa at tumana

cung aco'y maluhod at saca mahiga

hindi co na ibig bumañgon pang cusa.


At sa gayong hirap uala cahit isa

matanaw na tauo at ualang maquita

isa man lang cubong mag-gauad guinhaua

sa malaquing pagal na aming dinala.


Subali mayroon caming naririñgig

na putoc at siclab sa mga talahib

dapua hindi naman abutan ng masid

at hindi matunton ang landas at batis.


Sa gayon ng gayon ibinalic cami

sa dacong hilaga, nugnog ng Camansi

ng uala rin namang maquitang bubuli

siya ñgang pag-oui cahit hating-gabi.


PACO.—Cun gayo'y humimpil at magpahiñgalay ng upang mahaui ang

matinding pagal.


TEKLA.—Tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang

bahay.




ICAAPAT NA DIGMA

Dámasa, Doray, Kalintong, Nonato, Chito.



DORAY.—Mabuti at hindi aco'y na yuracan

ng mga sundalo ng sila'y magdaan

at di man naquita ang paa at camay

doon sa bulaos na quinasubsuban.


KALINT.—Cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa

pagcacatago.


NONATO.—Ang aquing balani cun di naisubo tayo ay binañgaw at ñgayo'y

mabaho.


CHITO.—Cun ako'y quinilos ay naquita sana

ng mga sundalo ang dahas at sigla

at tuloy na suboc ang aquing sandata

talim ng calicot higuit sa muhara.

(
Saca bubunutin ang talim ng calicot.
)


¿Dito baga caya ay may pananalo

bayoneta, sable at armas de fuego?

sa banta co'y hindi ... lalo,t, cun ang itso

ay aquing bayuhin sa anyo cong ito.

(
Maninincayad saca magcacalicot.
)


At cun di matacot silang calahatan

sa aquing calicot na cahahañgaan

ito namang cuaco siyang sususuhan

hangang sa umalis at mañgagtacbuhan.


DÁMASA.—(
Papasoc ng papatacbó at acay ang mga bata
) Dañgan ito!

(
babatucan si Chito
)


CHITO.—¿Baquin?


DÁMASA.—Dahil cay Cundendeng

at cay Lusinong nagtago sa bañgin

na di mailayo at casiping-siping

tulad sa pistola at sa pasang pusil

(
Si Chito ay mapapatañga
)


Sa pagcahiga co sa pinagtaguan

aquing naquiquita lahat ng mag daan

caya n~ga marami ang dami ng hilang

ng mga sundalong pauang sandatahan.


Sa bagay na yaon aco'y umaasa

di na mabubuhay, di na magquiquita

n~guni si Lusino ang na ala-ala

cung aquing maiua'y ¡pano caya baga!...


CHITO.—¡Si Lusino! ¡at si! ... (
taua
) caya di lumapit

sa inyong mag ina na na sa pañganib

dahil cay Cundendeng sininta ng labis

at di mailayó sa caniyang titig.


Caya ñga cagabi siya ang casama

at doon nañgubli sa puno ng manga

at pagcacamulat ng canilang mata

ang unang ininom ay gatas ng vaca.


DÁMASA.—Tunay ñguni baga ang iyong sinaysay


DORAY.—¡Aba! oo! ... aba! at sa catunayan

hindi naquihamoc ng nag puputucan,

cami ni Kalintong ay pinabayaan.


Caya ng maubos ang aming municion

aming hinahanap laguing liniliñgon

yaong si Cundende ang cacandong-candong

pagcat umi-iñget at luluñgoy-luñgoy.




ICALIMANG DIGMA

Sila rin.



KALINT.—(
Papasoc ng papatacbo
) ¡inyo ñgang tanauin mga casi't ibig

at tila caauay itong nagbabalic.


DORAY.—¡Jesús co!


DÁMASA.—Jesus co! anong masasapit naming mag-iina? ... ¡mataas na

lañgit!...


DORAY.—¡Huag cang maiñgay!—¡huag cang cumibo!... ¡aquing tanauin!

... (
tutuntong sa isang bato
).


DÁMASA.—(
Magugulat
)—¡Cami'y mag tatago sa gubat, sa bañgin at sa

dacong hulo ng bañgin ñgang itong maraeng lagulo!


DORAY.—¡Halica at hindi! ... at ang na sa una

ang iyong Lusino at ilang casama

na pauang may pasang pusil at sandata

at ang iba naman bitbit ay muhara.


DÁMASA.—Salamat cun gayon.




ICAANIM NA DIGMA

Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa.



JOSEFO.—(
sa cay Lusino
)—¡Catoto't caibigan!

mula sa malayo'y aquing natanauan

sinta mong asaua ay na hintacutan

sa mga sacuna at ating pagdatal.


LUSINO.—¿Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay

hindi mahapis?


JOSEFO.—Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong

ng dibdib.


LUSINO.—¡Cung gayo'y ilihim! ... ¡huag isalita ang boong nangyari sa

lilim ng lanca.




ICAPITONG DIGMA

Si Dámasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong



DÁMASA.—¡Catoto at casi! ... ¡batis ng biyaya

¡aco ay haguisan ng ilang balita!...


Ng tungcol sa digma na nacalingatong

sa parang at bundoc at loob ng nayon

na dili umano cayo'y nañga gahol

at nañgahirapan ... caya nag si urong.


Sa bulaos, sapa at ibang cublihan

ng usang mailap na tubo sa parang

caya may nagtago sa gubat-gubatan

at lubhang pañganib nasapit ng buhay.


LUSINO.—Cung yao'y totoo! ñguni ng magalit

ang lahat ng cawal ay muling nag balic

at saca hinabol ang mga balauis

hangang sa S. Juan sila'y inihatid.


At sa catunayan ay aquing nacuha

reló ng capitan, at sable ni Peña

gayon ang patupat, mariquit na pipa

saca ang bursigueng macapal ang suela.


BETENG.—Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan

sa aquing na cuha na sadyang mainam

tigni at mambisa ang na sa catauan

puno ng galletas ibang cabuhayan.


Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid

sa aquing catauan ay siguic na siguic

tignan at may lata, tinapay, matamis

at may medalla pang sa dibdib pang sabit.


Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo

tabacong
Insular
at anis del mono

bucod ang salapi at papel de Banco

bucod ang peseta't bucod ang mamiso.


DÁMASA.—Cung gayon catoto aco'y balatuhan

ng mabibili sa pabañgo,t, suclay

saca sa banquete postiso,t, pamaypay.


BETENG.—Ayaw aco, ayaw!


DÁMASA.—Aco'y iyong bigyan.


BETENG.—Ayaw aco, ayaw!


LUSINO.—Bigyan na


KALINT.—Bigyan na


BETENG.—Bigyan co ng ano


LUSINO.—Bigyan mo ng cuarta


BETENG.—Ayaw! ayaw! ayaw aco


LUSINO.—Ayaw ca ñga ba


BETENG.—Aba at nagalit ... toma!


DÁMASA.—Ayaw co na.


(
Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na
)



ICAWALONG DIGMA

Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna sa caramihan ng mga bahay na na sa itaas.



RICO.—Tomás! (
Hindi madidiñgig
)


PEÑA.—Tomás! (
Sasagot mula sa malayo
)


TOMÁS.—Señor! (
saca lalapit
)


PEÑA.—¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa

caliua at na sa sa canan?


TOMÁS.—Sa cay Juan Haring quilala ng tanan.


Isa'y alilisan malaquing camalig

dalawa ay bañgan ng palay at guilic

caya ñga sagana ang mga himacaic

at di magugutom cahit ang masapit.


Abutin ng buan, bumilang ng taon

at gumala-gala sa bañgin at burol.


PEÑA.—Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy

ng ualang siluñga't di macapag pulong.

At ualang macain sa bundoc at parang

ang mga himacsic lilong katipunan.


RICO.—Hayo na ... suluñgi!


TOMÁS.—Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang tunay

(
bubunutin ang pósporo at saca lalacad
)


RICO.—Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na

maquita ang iyong urilat at bacas ng paa.


TOMÁS.—Di po na gulubat ng sa gayong lamang.


RICO.—Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng

sundang.


TOMÁS.—Capag sa castila ay mahihiualay.


Aco'y matatacot sa magcacapatid

noong katipunan na pauang balauis

na uala ñgang gaua sa parang at buquid

cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit.


Dañgan at ang culay tunay na tagalog

di maicaila at dito sumipot

tatalicdan co na't itulad sa hayop

tanang cababayan na pauang balacyot.


Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya

tauaguing tagalog, tubo sa Maynila.


RICO.—Cun gayon ay ¡Bravo! (
tatapiquin
)


PEÑA.—(
tatapiquin
)—Uala cang camuc-ha!


RICO.—¡Bravo! ¡bravo!


PEÑA.—¡Bravo! ito ñga ang bata


RICO.—Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at

tacsil.


(
Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na
tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni
tininteng Isiong at ilang capit bahay
)




ICASIYAM NA DIGMA

Samantalang sinusunog.



JUAN.—Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic

ng mga sucabang mahiguit sa ganid.


Quinuha sa caban cuartang naiipon

ang guinto'y sa pitac noong aparador

ang papel de Banco ay sa isang cahon

at ang mga pilac sa lalagyang baul.


At saca sinunog damit na pangbahay

hinacot ang bigas na na sa bigasan

ang bañga'y inabó, at sa alilisan

hinacot ang pilon ng mga asucal.


Saca ang calabaw, buo't mga guya

sa buquid at parang nag laboy, nag-gala

hinuli, inacay at ang boong nasa

iowi sa bayan, dalhin sa Maynila.


ISIONG.—Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing

ng corona.


GORIA.—Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng Tomás...

(
aagauin ang pagsasalita
)


JUAN.—¡Sucat na! ¡sucat na!...


Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin

abuhin ang bañga't calabaw'y lipulin

cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil

lahat ng lalaqui huli't patayin.


Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay

cumubli sa galás at gubat-gubatan

ng hindi abutin ng mga sucaban

na sadyang humanap ng icabubuhay.


GORIA.—Sa bahay co naman guinanang pagpanhic

aquing mga carmen na na sa sa liig

dinurog, linuray, pinagpunit-punit

gayon ang estampang sa dinding nag sabit.


Saca ng macuha ang aquing postiso

sa pinit ng silid, maliit na cuarto

guinuso't guiniic saca ibinató

sa dapugang calan na punó ng abó.


Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa

blanquete co naman ang siyang nacuha

at inahilamus sa mukha at taiñga

at di co malaman ang naguing figura.




ICASAMPUONG DIGMA

Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang.



URBANO.—May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na sa

unahan.


GORIA.—Ayun ñga ang mga ... (
Ituturo
)


JUAN.—(
Ituturo din
)—At nag tatauanan dahil sa marami canilang na

nacaw.


ISIONG.—At may naaancás na maraming saco

ng palay at bigás, darác, ipá't abó

at ang madaanang guya, bulabó't aso

ay inaacay din at itinatacbo.

(
Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig
)


JUAN.—Ang lahat ng bagay ating matitiis

sa pagcat linoob ng nunuñgong lañgit

subali capagca Dios ang nagsulit

na magbubunga na mabuig na lansones.


Tanda't mag-aani sa nayon at bayan

ang magcacapatid nitong katipunan

saca magsisisi ang lahat ng hunghang

gaya niyang lilong ating cababayan.


At pacaasahang ualang pagbubula

itong sasabihin sa bató itaga

yamang di nasupil ng mga castila

ang bugsong nagdaan na camunsing baha.


Di na maa-auat ang baha ng dugo

hangang sa umapaw sa luasan at hulo

at ang kalayaan na nasa ng puso

di na masusupil sa caniyang paglago.


Caya cun ang aquing bañga't alilisan

inabó't sinunog ng mga sucaban

at ang pag aari sa loob ng bahay

quinuha, guinagá at canilang sinamsam.


Hindi isasama niyaring aquing loob

at di dadalawin camunsi man lungcot

at cahit inacay ang lahat ng hayop

at quinacain pa ñga ang itlog ng manoc.


Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan

galit sa nagnacaw na mga sucaban

caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang

ang canilang samá ay baka tañgisan.


O caya'y magsisi araw cung dumating

ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil

sa pagcat di taus sa puso't panimdim

ang guinaua nila na nacalalaguim.


Laman ng catauan higuit sa quinurot

at di mangyayaring malibing sa limot

baca ang masapit matimbang sa hayop

ang canilang buhay na iimbog-imbog.


ISIONG.—Sa aquin mga bulo dapat mag alala

si Rico't si Tomás capua palamara

pagca't ang panaho'y di maquiquita

cun saan hihimpil at saan hahanga.


URBANO.—Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang

cubo.


GORIA.—Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog nila at

guinauang abó.


JUAN.—Caya ang marapat huag ng habulin

lahat ng ninacaw guinagá sa atin

itac na mahaba ang siyang alamin

ng upang idiglay canilang quinain.


URBANO.—Cung gayon ang uica ¡abata casuyo!

atin ng idamay dalisay na dugó

sa mga himacsic na sadyang nag bubo

ng yaman at buhay na pamimintuho.


Sa nasang maalis sa caalipinan

at hañgad tamuhin yaong kalayaan

na atas ng Dios sa tauong sinoman

at cahit cañgino na caniyang quinapal.



Uacas nang ikatlong kasulatan